CHAPTER
16
( CHLOE’s POV )
Parang
batang excited na pumunta ko ng sala. Nakita ko sa bungad ng pintuan si…
“Hi, Chloe!”
“Tim!”
Sinilip ko ang likuran niya. “Nasa’n si
Lei?” Hinawi ko pa siya para masilip ko ang labas ng bahay pero wala kong
nakita kundi kotse lang.
“Ano kasi, Chloe—”
“Hindi siya pupunta?”
Alam
ninyo ‘yung naramdaman ko? Para akong batang super excited na pumunta sa
amusement park tapos hindi natuloy. Yung sayang naramdaman ko napalitan agad ng
lungkot.
“Ang totoo niyan, Chloe…”
“I know, Tim. Mas mahalaga ang trabaho
niya kesa dito.”
Hindi
pa rin ba tapos ang trabaho niya hanggang ngayon? Christmas na Christmas, ah.
Kung alam ko lang talaga, sinamahan ko na lang sana siya sa office niya
magcelebrate ng noche buena together.
Kasi
naman, eh. Inuna ko pa yung kilig na naramdaman ko kanina bago siguraduhing
pupunta talaga siya.
“Ate, anong nangyari sa’yo? Ba’t
ganyan ang mukha mo? Para kang namatayan, ah. Ganyan mo ba sasalubungin ang
Christmas?” Tiningnan ko si Nicky. Nakatutok ang
camera niya sakin na biglang nag-flash. “Remembrance
lang. Bihira lang kitang makitang ganito, eh. Bihirang-bihira.” Tiningnan
niya ang katabi kong si Tim. “Siya ba
ang kaibigan ni Kuya Lei na si Kuya Tim? Eh, ba’t siya lang? Nasa’n si Kuya
Lei?”
“Ano kasi—”
“Hindi siya makakapunta.” singit
ko kay Tim.
“Yung kaibigan niya nakapunta, tapos
siya hindi? Ano ‘yon proxy? Akala ko sa binyag lang mero’n no’n.”
“Nasa la—”
“Ngayon alam mo na, Nicky.”
“Kaya pala para kang namatayan, Ate.
Okay lang ‘yan.” Kulang na lang tapikin niya ko. Hindi ko
alam kung dinadamayan niya ba ako o hindi, eh.
Sabay
pa kaming napalingon ni Nicky kay Tim dahil bigla na lang siyang tumawa.
“Anong nakakatawa?”
sabay naming tanong ng kapatid ko.
Tumikhim
siya. “Magkapatid talaga kayong dalawa.
Kanina pa ko may gustong sabihin pero hindi ako makasingit sa inyong dalawa.”
“Ano bang sasabihin mo?”
tanong ko.
“Kasama ko si Lei. Nasa kotse siya.”
“What?! Ba’t ngayon mo lang sinabi?! Ba’t
hindi siya bumaba?” Wala sa loob na pinahawak ko sa kaniya ang
fried chicken na pinapapak ko at patakbong lumabas ng bahay.
Lumapit
ako sa kotseng nakaparada. Ngayon ko lang napansin, kotse pala ni Lei ‘to.
Binuksan ko ang pintuan sa passenger seat. Only to see him sleeping.
Alam
ninyo yung naramdaman ko? Para kong batang super excited na pumunta ng
amusement park tapos hindi natuloy. Tapos joke lang pala kasi matutuloy talaga.
Yumuko
ako at pinagmasdan si Lei. “Sabi ko na
nga ba, darating ka.” Napangiti ako. “Ang
gwapo mo talaga kapag natutulog ka, husby. But it doesn’t mean na hindi ka
gwapo, ah. Gwapo ka naman talaga kapag gising, kahit pa galit ka o galit.”
Napahagikgik ako. “Kailan ka ba kasi
ngingiti? Gift mo na sakin ‘yon ngayong christmas, o. Please…”
Hinawi
ko ang buhok niyang nakatabing sa noo niya. “Hindi pa ko nakakapag-thank you sa’yo sa ginawa mo kanina. Thank you
for defending me kahit hindi mo naman kailangang gawin ‘yon. Alam mo bang
nagtampo ako sa’yo kagabi kasi nakatayo ka lang sa restroom, tapos si Flynn pa
yung nagtanggol sakin. Ewan ko ba. Gusto ko kasi ikaw ang gumawa no’n. Na
ginawa mo naman kanina. Kaya nga ang saya ko uli, eh. Wala na rin ang tampo ko
sa’yo.”
“Pero muntikan na naman kasi akala ko
hindi ka darating ngayon. Yung kaibigan mo naman kasi, ang tagal pang sabihin
na nandito ka pala sa kotse. Alam mo bang iniisip ko na kanina na puntahan ka
sa office mo? Wala ka kasing kasamang mag-celebrate ng Christmas, eh. Pero
dumating ka ngayon. Thank you, Lei.” I smiled.
“Ang daldal ko na naman noh? Hindi ko
kasi masasabi sa’yo ‘to ng buo kapag gising ka dahil for sure patatahimikin mo
agad ako kaya sinasabi ko na ngayon habang tulog ka pa.”
Itinaas
ko ang kamay ko papunta sa mukha niya. I traced her forehead using my finger
down to her nose. And his lips…
Parang
napapasong inalis ko agad ang daliri ko sa labi niya. Nakuntento na lang akong
pagmasdan siya.
“Ate Chloe!”
Lumingon
ako sa likuran ko. Nakita ko si Nicky.
“Five minutes na lang bago mag-twelve!
Kanina pa kayo dyan! Pumasok na daw kayo sabi ni lolo!”
Five
minutes na lang? Kanina pa kami dito? Hindi ko napansin na ang tagal ko na pa
lang nakatingin kay Lei. Buti hindi siya natunaw. “Papasok na!” Pumasok na siya ng bahay.
Nilingon
ko naman si Lei para lang magulat. “Lei!”
Paano ba naman, nakadilat na ang mga mata niya at nakatingin siya sakin.
Napahawak ako sa dibdib ko. “Ginulat mo
naman ako.”
“Bakit ba kasi ang lapit-lapit mo
sakin?”
Himala!
The way he said it, hindi pasungit katulad ng nakagawian niya. Mas lalo tuloy
akong napangiti. Mukhang maganda ang gising niya, ah. Siguro kasi ako ang una
niyang nakita. Wahehe!
“Gigisingin sana kita.”
Umatras ako dahil bumaba na siya. Lumingon siya sa paligid namin. “Nandito ka sa bahay nila lolo.”
“Alam ko.”
“Pumasok na tayo sa loob, Lei. Five
minutes na lang before twelve. Baka pagalitan ako ni lolo pag hindi tayo
nakaabot.” Nauna na kong humakbang pero hindi naman siya sumunod
sakin. Nilingon ko siya. At dahil maliwanag sa gawi namin, nakita kong
nakatingin siya sakin at parang tagus-tagusan ang tingin niya. Ano kayang
iniisip niya?
“Lei.”
Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya. Hinila ko na siya. Patakbo akong
pumasok ng bahay at dahil hila ko siya, napagaya siya sakin. Ni hindi siya
nagreklamo sa ginawa ko.
“Bakit kayo tumatakbo?”
bungad ni lolo nang makarating kami ng dining room ni Lei. Kausap nila si Tim
at mukhang nagkakilala na silang lahat. Tumatawa pa nga sila. Ngayon pa lang
nila nakita si Tim pero parang ang close-close nila. Kakaiba kasi ang charm ni
Tim. Kaya nga chickboy, eh.
“Five minutes na lang kasi bago
mag-twelve.” paliwanag ko.
Tiningnan
ni lolo ang relo niya. “Fifteen minutes
pa, Chloe.”
“Fifteen minutes?” Tiningnan
ko si Nicky na prenteng nakaupo habang hawak ang camera niya. Baliw talaga
‘tong babaeng ‘to. Kanino pa ba magmamana? Edi sakin.
“HHWR.”
Napatingin
ako kay Tim. “What?”
“HHWR. Holding hands while running.”
Saka
ko lang napansin na magkahawak pa rin kami ng kamay ni Lei o mas tamang sabihin
na hawak ko ang kamay niya. Siya kaya? Kailan kaya mangyayaring siya naman ang
hahawak sa kamay ko? Kapag nangyari kasi ‘yon, hindi ako bibitaw sa kaniya.
Pero malabong mangyari ‘yon. Hay, ewan. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa
isip ko.
Hindi
ko na kailangang bitiwan si Lei dahil siya na ang bumitaw sakin. Sinugod na
naman kasi siya ni Kendra ng yakap. Asual, binuhat siya ni Lei. Sinaway naman
agad ni mama ang kapatid ko kaya bumaba na siya.
Hindi
naman sila nagtanong kung bakit ngayon lang sila Lei. Nagkamustahan sila—halos
tungkol sa business. Hinayaan ko na muna sila. Umupo na lang ako sa tabi ni
Nicky habang si mama, tumayo sa likuran namin. Walang nangungulit dahil busy si
Kendra sa toy phone niyang Winnie the Pooh. We both like Pooh.
Ilang
minuto kaming nakasilip ni mama sa hawak na camera ni Nicky habang tinitingnan
ang mga pictures do’n.
“Ba’t ganyan ang mukha mo, Chloe?”
Si mama ang nagtanong.
“Akala kasi ni Ate hindi pupunta si
Kuya Lei. Ipapa-print ko ‘to at palalakihan at igi-gift ko sa’yo, Ate. Bihira
kang maging ganito, eh. Porke’t hindi lang pupunta si Kuya Lei, para ka nang
namatayan—ouch! Ate naman!” Siniko ko kasi siya.
“Ang ingay mo!”
pabulong na saway sa kaniya.
“It runs in the blood, Ate. Wag ka
nang magtaka. Ano naman kasi kung hindi siya pupunta? Big deal ba ‘yon sa’yo?
Don’t tell me, may gusto ka sa…” Nanlaki ang mga mata niya
sabay tingin sakin. “Ate, don’t tell
me?”
Sunod-sunod
akong umiling. “Hindi ko alam ang
sinasabi mo.” Pero alam na alam ko ang tinutukoy niya!
“Alam na alam mo, Ate. Grabe, parang
sa movie at book ko lang nababasa ‘yon. Tapos, mismong kapatid ko,
nai-experience ‘yon. Kailan pa?” Kulang na lang tumili
siya sa kilig. Sinabi ko na bang may pagka-hopeless romantic ang kapatid kong
‘to?
“Nicky, hindi nangyayari sakin ang
tinutukoy mo.”
“Eh, bakit gano’n ang reaksyon mo nang
malaman mong—”
“Nicholle Ann.”
“Nakakatuwa si Kendra dito, o.”
Bigla na lang nag-change ng topic si Nicky. Kapag kasi tinawag na siya ni mama
sa buong pangalan niya, sinasaway na siya nito at pinapatahimik. At dahil nasa
dugo na namin ang pagiging madaldal at makulit, hindi siya tumatahimik. Bigla
na lang niyang ida-divert ang topic sa ibang bagay na parang walang nangyari.
Nilingon
ko si Lei at baka narinig niya ang pinag-usapan namin. Mukha namang hindi kasi
nakatingin siya kay lolo. Nagpangalumbaba ako sa table habang nakatingin sa
kaniya.
At
bakit gano’n? Habang pinagmamasdan ko siya, parang slow motion ang nangyayari.
Sa bawat pagbuka ng bibig niya. Sa bawat pagkiling ng ulo niya. Sa bawat…
He
looked at me all of a sudden. Nagulat tuloy ako at napatayo bigla. “I’m not looking!” Waah! Ano ba yung
sinabi ko? Ang defensive ko naman!
“Ano?”
Hindi ko alam kung sino ang mga nagtanong no’n pero marami sila.
“What I mean is magti-twelve na!
Mag-count down na tayo!”
“Ba’t parang ang layo naman, Ate, sa
sinabi mo?”
“Ah, basta! Yun ‘yon!”
May
narinig akong mahinang tumawa. When I looked at that person, nalaman kong si
Tim ‘yon. Gamit ang dalawang daliri niya, tinuro niya ang mga mata niya, sabay
turo sakin at kay Lei.
Umiling
ako. Tumango siya.
Naman!
Nahuli niya kong nakatingin kay Lei kanina! Pero ano naman? May masama ba do’n?
Wala naman diba? Kahit araw-araw ko pang tingnan si Lei, walang makakapigil
sakin. Wahehe!
= = =
( LEI’s POV )
“Si Pooh again! Puro si Pooh ata ang
natanggap kong regalo ngayon!”
“Ayaw mo, Ate Chloe?”
“Syempre naman, Nicky! Gustong-gusto!
Thank you, sis!”
“Para siyang bata noh? Ang saya niyang
kasama kasi para siyang walang bad vibes sa katawan.”
Nilingon
ko si Tim. “Sino?”
“Sus! Kunwari ka pa dyan. Sino pa ba?
Edi yung tinitingnan mo.”
“Wala kong tinitingnan.”
“Fine. Edi wala.”
Tumikhim siya. “Kanina ko pa napapansin,
simula nang dumating tayo dito, ang tahimik mo na. Fine. Kinakausap mo nga ang
pamilya ni Chloe pero parang naglalakbay ang utak mo. Ano bang iniisip mo?
Share naman dyan.”
“Wala kong iniisip.”
Tinapik
niya ang balikat ko. “Okay. Kausapin mo
na lang ako kapag hindi na kaya ng utak mo ang mga iniisip mo.”
“Wala nga kong iniisip.”
“Edi wala.” Nilapag
niya sa center table ang wine glass na hawak niya. “Ibibigay ko lang yung regalo ko sa kanila. Wag ka ng mag-expect ng
gift mula sakin. Nasa wallet mo na ‘yon. At hindi na rin ako mag-eexpect ng
gift mula sa’yo dahil nabigay mo na sa bar ‘yon kanina.”
“Anong sinasabi mo?”
“Secret. Wag kang masyadong mag-isip.
Baka mabaliw ka niyan, sige ka. Baka maging pasyente pa kita.”
Lumapit na siya kina Chloe.
Tama
siya. May iniisip nga ko pero hindi ko aaminin sa kaniya ‘yon dahil kukulitin
niya lang ako. Simula nang umalis kami ng bar, may mga bagay ng gumugulo sa
isip ko—o mas tamang sabihing, dumagdag sa nagpapagulo ng isip ko.
Bakit
ko ba kasi pinatulan ang mga kalokohan niya kanina?
“Pooh na naman! Thanks, Tim!” Napatingin
ako kay Chloe. May hawak siyang stuff toy. “How
did you know na favorite ko ‘to?”
“I have my ways, Chloe.” Ginulo
pa ng kaibigan ko ang buhok ni Chloe, sabay tingin sakin. Napailing ako sa
paraan ng tingin niya kaya pasimple akong umalis sa pwesto ko. Pumunta ako sa
nakabukas na pintuan at sumandal.
At
kahit ayaw ko silang tingnan, hindi ko maiwasan lalo na at naririnig ko ang
tawanan nila.
Pamilya.
Ganito
ba talaga ang isang pamilya? Hindi ko alam. Hindi ko na matandaan kung kailan
ko naranasan ang magkaro’n ng isang pamilya. Siguro nung wala pa kong muwang sa
mundo. Dahil simula nang maging aware ako sa paligid ko, wala akong matatawag
na magulang na dapat ay nasa tabi ko.
My
mother died when I was two. My father? He was a happy go lucky and an
irresponsible man. Si Lolo? He was a strict old man na umiikot ang buhay sa
kumpanya. Lumaki akong katulong ang kasama ko sa mansyon. Lumaki akong…
I
cleared my head. Bakit ko ba biglang naisip ang bagay na ‘yon? Iniwas ko na
lang tingin sa pamilya ni Chloe. Tinutok ko ang mga mata ko sa labas ng bahay.
Pero naririnig ko pa rin ang tawanan nila. And I felt…
I
felt out of place.
Dahil
kung titingnan, parang si Tim pa ang asawa ni Chloe. And I’m just a ‘nothing’
here in this house. Hindi na ko nanibago dahil gano’n naman talaga ang tingin
sakin ng mga taong nasa paligid ko. Noon. That’s why I had to strive hard to
prove them that they were wrong.
“Lei.”
Napalingon
ako sa gilid ko. I saw Chloe.
“Bakit nandito ka? Anong tinitingnan
mo?”
Sumilip pa siya sa labas.
“Wala.”
“Tawag ka nila lolo. Ba’t kasi mag-isa
ka dito? Do’n tayo sa kanila.”
Tiningnan
ko ang lolo niya. Nakatingin silang lahat sakin. Tinatawag nila ako.
“Pero bago ‘yon…”
May inilabas si Chloe mula sa likuran niya. “Tiyaran!” Isang kahon ‘yon na pahaba na nakabalot. “Merry Christmas, Lei.”
“Ano ‘yan?”
“Gift ko sa’yo.”
Kinuha ko ‘yon dahil halos ipagduldulan na niya sa mukha ko. “Buksan mo na.”
“Mamaya na lang.”
Nakatingin kasi sakin ang pamilya niya.
“Ngayon na lang.”
At alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi ko binubuksan ang regalo niya
kaya binuksan ko na lang ‘yon nang matapos na.
Necktie
ang laman ng kahon.
“Alam mo ba…”
bulong niya. “Yan ang dahilan kung bakit
nakalimutan kong bumili ng napkin sa mall. Nag-iisip kasi ako no’n ng pwedeng
iregalo sa’yo kaya nakalimutan ko ang bagay na ‘yon—oops! Bawal nga palang
ipaalala ang bagay na ‘yon. Sorry.” Nag-peace sign pa siya. “Nagustuhan mo ba? Hindi ko kasi talaga
alam ang ireregalo ko sa’yo. eh.”
“Hindi mo naman ako kailangang
regaluhan.” Ni wala nga akong dalang regalo, hindi
katulad ni Tim. Hindi ko naman kasi gawain ang magregalo. Hindi ko pa ginagawa
‘yon.
“Gusto ko, eh.”
She said smiling. “Nahihiya ka ba kasi
wala kang dalang regalo? Okay lang ‘yon. Isa lang naman ang gusto kong regalo
from you, eh.”
Hindi
ko na kailangang tanungin kung ano ‘yon. I heard everything she said earlier in
the car. Nakatulog ako sa byahe at hindi ko namalayang nandito na pala kami.
Hindi naman ako ginising ni Tim pero kusa akong nagising. Pababa na ko ng kotse
when I saw Chloe running towards my car. Hindi ako bumaba. At ang hindi ko pa
maintindihan, nagpanggap akong natutulog. Na sana hindi ko na ginawa. Because I
heard everything she said na dumagdag pa sa nagpapagulo ng isip ko.
“Hindi mo ba tatanungin kung ano ‘yon?
Sabagay, hindi ko din naman aaminin kung ano ‘yon. Gusto ko kasi kapag ginawa
mo ‘yon bukal sa loob mo, hindi dahil sinabi ko.”
She smiled.
“I forgot it a long time ago.”
pabulong na sabi ko.
“Hah?”
I
forgot how to smile a long time ago, Chloe. Kaya paano ko gagawin ‘yon? “Nothing.” Tiningnan ko ang regalo niya
sakin. “Thanks for this.”
“Lei!”
“What?” Yung
mukha niyang parang nanalo sa lotto. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ko.
And I felt…
“Nag-thank you ka sakin! For the first
time!” bulong niya. “Thank
you kasi na-appreciate mo yung gift ko sa’yo, Lei.”
“Chloe...” Nang
dahil nag-thank you ako, tuwang-tuwa na siya? Bakit ba lahat ng ginagawa ko at
iniisip ko, big deal sa kaniya?
Nakarinig
ako ng mga tikhim. “Mga apo, baka
nakakalimutan ninyo, nandito pa kami.”
Mabilis
na humiwalay sakin si Chloe sabay lingon sa lolo niya. “Wala po kaming ginagawa, ah!”
“Wala nga. May sinabi ba kong mero’n?”
nakangiting ganting-tanong ng lolo niya. “Come
over here. Kukuha tayo ng family picture natin.”
“Let’s go, Lei.” Hinawakan
ni Chloe ang kamay ko. At nawiwili na siyang gawin ‘yon.
“Kasama ako?”
“Oo naman!”
She smiled. “You’re part of my family,
Lei. Have you forgotten?”
And
have she forgotten what I told her na hindi rin magtatagal ‘yon? Bakit ba
ganito siya? Paano niyang natatanggap ng ganito kadali ang pagsasama naming
dalawa bilang mag-asawa kahit pa sabihing sa papel lang ‘yon?
Aware
ako sa ugali ko. Paano niya natitiis na pakisamahan ako? Paano niya nagagawa na
pagkatapos ng mga pagtatalo namin, parang walang nangyaring ngingiti siya?
At
bakit dinadagdagan ko na naman ang mga bagay na gumugulo sa isip ko? Argh! I
should not have come here. But…
I
don’t really know.
= = =
( CHLOE’s POV )
“Ang lamig…”
Hinapit ko ang makapal na kumot na nakabalot sakin. Nandito ako sa terrace ng
kwarto ko at nakaupo sa bench habang nakataas ang mga paa ko sa upuan.
Hindi
ko sure kung anong oras na. Basta ang alam ko, past four ako pumasok ng kwarto
ko. Matagal na rin akong nakaupo dito habang pinagmamasdan ang langit.
Hinahanap
ninyo ba si Lei? Wala siya dito. Umalis na siya. Nag-away na naman kasi kami
kanina.
Nah!
Joke lang ‘yon! Wahehe!
The
truth is, okay na okay kami kanina nang salubungin namin ang Noche Buena.
Although, ang tahimik niya kanina na nakakapanibago. Mas gusto ko pa kasing
nagsusungit siya kesa gano’n. Parang ang lalim ng iniisip niya. Ayoko namang
magtanong kanina. Bukas ko na lang este mamaya ko na lang siya tatanungin.
Nasa’n
siya? Naiwan siya sa sala kasama nina Tito Henry at Tim. Nag-iinuman sila ng
iwan ko sila. Hindi naman sa inaantok ako kaya ko umalis. Ako na lang kasi ang
naiwang babae kanina. Ayoko namang uminom dahil I already promised na hindi na
ko iinom ng kahit na anong alak. Tapos, tungkol pa sa business ang
pinagku-kwentuhan nila kaya umalis na ko.
“Thanks for this.”
I
smiled when I thought of those words. Hindi ko akalaing sasabihin ‘yon ni Lei
kanina. Yan tuloy, nayakap ko siya sa sobrang tuwa. Mas lalo akong napangiti.
Niyakap ko ang sarili ko. Hanggang ngayon, parang ramdam ko pa rin ang init ng
yakap niya este yakap ko pala sa kaniya. Ang sarap sa pakiramdam.
Tumingala
ako sa langit. “Hay… Ang tagal namang lumabas
ng araw.”
Nakagawian
ko na kasing salubungin ang sunrise tuwing Christmas. Eleven years ago ng huli
kong gawin ‘to ng may kasama. Si papa ang tinutukoy ko. Pero simula nang mawala
siya, ako na lang mag-isa ang gumagawa nito.
Lumingon
ako sa loob ng kwarto ko nang may marinig akong mga katok. Tumayo ako habang
nakabalot pa rin ang kumot sa katawan ko. Muntik pa nga kong mapatid. Lumapit
ako sa pintuan at binuksan ‘yon. Si Tim na nakaalalay sa nakayukong si Lei ang
nakita ko.
“Hi, Chloe! Naistorbo ka ba namin?”
“Ah, no. Hindi pa naman ako natutulog.
Anong nangyari sa kaniya?” sabay turo kay Lei.
“Lasing. Papasok, ah.”
“Wait, dito siya…”
Nadala na niya sa kama si Lei. “Dito
siya matutulog? Hindi kami kasya sa kama, Tim. Diba ang usapan natin kanina, sa
guest room na lang siya matutulog with you?”
“May pinag-usapan ba tayo?”
“Mero’n kaya!”
He
grinned. “Parang wala kong matandaan.
And you lied to me. Kasya naman kayo dito sa kama mo. Besides, mag-asawa naman
kayo.” Tinapik niya ang braso nang natutulog na si Lei. “Ikaw ng bahala sa asawa mo. Inaantok na
ko.”
Wala
na kong nagawa dahil iniwan na talaga niya si Lei sa ibabaw ng kama ko.
Napakamot ako ng kilay habang nakatingin kay Lei. Hindi naman king sized ang
kama ko. Hindi rin maliit. Tama si Tim, kasya kaming dalawa ni Lei. Kaya lang, for
sure, hindi ako makakatulog kung may makakatabi ako. Baka mabwisit na naman
siya sakin na ayoko namang mangyari.
Nilapitan
ko si Lei. Umupo ako sa gilid ng kama. Pinagmasdan ko siya. Gamit ang daliri
ko, pinindot ko ang noo niya. “Ba’t ka
ba naglasing? May problema ka ba? Kanina ko pa kasi napapansin, ang tahimik mo.
Pwede kang mag-share sakin kung gusto mo. Asawa mo naman ako, eh. Ang sabi kasi
ni mama, dapat daw pinag-uusapan ng mag-asawa ang problema ng isa’t isa. Although
sa papel nga lang tayo mag-asawa…” I sighed.
Bakit
ba ang hirap na saking sabihin na sa papel lang tayo mag-asawa? What’s wrong
with me, Lei?
Nag-inat
ako. “Hay, kung anu-ano na namang
pumapasok sa isip ko. Paano ba ‘yan? Mukhang sa sahig na naman ako matutulog
nito. Baka kasi kapag nagtabi tayo, ma-rape pa kita.” Napahagikgik ako. “Uy, joke lang ‘yon, ah.”
Narinig
kong nag-ring ang phone ko. Nasa side table ‘yon sa kabilang side ng kama.
Tinamad na kong tumayo kaya inabot ko na lang ‘yon gamit ang kamay ko habang
ang isang kamay ko ay nasa gilid ng ulo ni Lei. Nadulas pa ‘yon mula sa kamay
ko at bumagsak sa pinakagilid ng kama. Pero buti na lang at mabilis ang reflex
ko kundi kawawa ang phone ko.
“Galing ko talaga! Wooh!”
“Chloe.”
Sa
gulat ko sa nagsalita at sa gulat ko nang mapatingin ako kay Lei at nakitang
nakadilat ang mga mata niya habang nakatingin siya sakin, yung kamay kong
nakapatong sa gilid ng kama na siyang may hawak ng phone ko, nadulas!
And
you know what happened?
Naglanding
ang mukha ko sa mukha ni Lei. And my lips landed right on his…
Waaah!
= = =
>>> CHAPTER 17 HERE
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^