Wednesday, April 2, 2014

Dear Pusong Bato Series 1 : Bubbly Heart (Chloe) - Chapter 17



CHAPTER 17

( CHLOE’s POV )


“Chloe.”


Sa gulat ko sa nagsalita at sa gulat ko nang mapatingin ako kay Lei at nakitang nakadilat ang mga mata niya habang nakatingin siya sakin, yung kamay kong nakapatong sa gilid ng kama na siyang may hawak ng phone  ko, nadulas!


And you know what happened?


Naglanding ang mukha ko sa mukha ni Lei. And my lips landed right on his…


Waaah!


Kitang-kita ko ang mukha niya habang nakalapat ang mga labi ko sa kaniya. Mukhang nagulat din siya dahil parehas kaming natulala. Nalalasahan ko na din ang ininom niyang alak. “Lei.” Wala sa sariling nagsalita ako habang magkalapat pa rin ang mga labi namin para lang mapasigaw sa isip ko.


Waaah! Bakit ginalaw ko ang labi ko?!


Ilang segundo ang lumipas na hindi kami nakakilos. Kung hindi pa niya hinawakan ang balikat ko at itinulak palayo sa kaniya, malamang hindi ko magagawang umalis sa ibabaw niya.


Parehas na kami ngayong nakaupo sa kama. Pero hindi ako makatingin sa kaniya.


Waah! Bakit… bakit… bakit… Waah!


“Ano bang ginagawa mo?”


Napatingin ako sa kaniya. Yung tingin niyang parang hinarass ko siya! “W-wala akong ginagawa, ah! I-ikaw kaya ‘yon!” Bakit ba ko nabubulol? Tumayo ako. “Ikaw, lasing ka diba? Tulog ka na diba? Bakit kasi ginulat mo ko?”


“Bakit ang lapit-lapit mo na naman sakin?”


“Kinuha ko lang naman yung phone ko, eh. Tinamad akong tumayo kaya inabot ko na lang. Tapos bigla kang nagsalita. Kaya ‘yon…”


“Bakit ba nakatakip ka sa bibig mo?”


“Hah?” Saka ko lang napansing nakatakip nga ang isang kamay ko sa bibig ko na agad kong tinanggal.


“Chloe, we did it many times, ngayon ka pa nahiya?”


Nanlaki ang mga mata ko. “Anong many times ka dyan? Four times lang kaya kasama yung ngayon! Three times sa lips, once sa cheek! Saka ikaw yung humalik sa pisngi ko noh! Naturingang businessman ka, hindi ka sanay magbilang.”


“Are you still a virgin?”


“I am! Mahulog man yung mga butiki sa kisame ng kwarto ko!” Teka! Ba’t ang layo ng tanong niya sa sinabi ko? Saka ba’t napunta na naman sa virginity ang topic namin?


“You told me before, you’re not.”


“Hah? Ano…”


“Nagka-boyfriend ka na ba?”


“H-hindi pa. Bakit mo ba tinatanong ‘yan?” Kailan pa siya nagpakita ng interes sa lovelife ko?


“Kaya pala.”


“Kaya pala ano?”


“Hindi ka sanay humalik.”


Kailangan niya talagang ulitin ang sinabi niya no’n sa unang tapak ko sa office niya? “Oo na! Edi ikaw na ang masarap humalik!” Tinakpan ko ang bibig ko. OMG! Ano ba yung sinabi ko? “Sanay humalik! Yun ang ibig kong sabihin!” Iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya at mabilis kong kinuha ang kumot kong nakabalot sakin kanina habang nagsasalita.


“H-hindi ka naman lasing diba? Alam mo naman yung papunta ng guestroom. Hindi kasi tayo kasya dyan sa kama ko. S-sige.” Mabilis akong pumunta ng terrace at umupo sa bench. Binalot ko agad ang katawan ko ng kumot at tinalukbungan ang ulo ko.


Only to realize na ang bilis-bilis pala ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Grabe, heart, ah! Maka-react, wagas, ah! Chillax ka lang nga dyan! Gusto mo na ba kong matsugi ngayong Christmas, hah? Bahala ka, matsutsugi ka rin.


Ano ba kasing nangyari kay Lei? Kanina lang ang tahimik niya, tapos ngayon may gana pa siyang ipamukha sakin na hindi ako sanay humalik.


Pero mas okay na rin yung ganito siya kesa naman ang tahimik niya katulad kanina. Saka teka, lasing siya diba? Tulog na rin siya diba? Bakit gising siya? Hindi kaya narinig niya ang mga sinabi ko kanina? Wala naman akong sinabing hindi maganda diba?


Oo nga pala! Yung rape thingy! Joke lang naman ‘yon, eh.


Nagulat ako at napalingon sa kaliwa ko nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Only to find out that it was Lei. Hindi naman siya nakatingin sakin pero iniwas ko agad ang tingin ko sa kaniya. Mas lalo ko pang itinago ang mukha ko sa kumot.


Eat me alive, Earth! Me and my big mouth kasi! Bakit ba ko nadulas na masarap siyang humalik? Na totoo naman. Pero nakakahiya! Baka iniisip niyang sinadya ko yung nangyari kanina at nung nasa restaurant pa kami. Chloe naman kasi!


“Chloe.”


Naku! Baka itanong niya sakin kung paano ko nasabing masarap siyang humalik? Paano ko ipapaliwanag ‘yon? Paano ko—


“Gano’n na lang ba kadali sa’yo na tanggapin ang kasal na ‘to?”


Napalingon ako sa kaniya. Bakit bigla niyang natanong ‘yan? Hindi kaya dahil lasing siya? “Lasing ka ba, Lei?”


“Nakainom ako pero hindi ako lasing.” hindi lumilingong sagot niya.


“Parang parehas lang naman ‘yon. Bakit sinabi ni Tim na lasing ka? Saka kanina, akay-akay ka na niya.”


“I acted as if I’m drunk. Ayoko kasing matulog na kasama siya.”


“Kasi?” Dahil ako ang gusto niyang makasama? Waaah!


“Kanina pa niya ko kinukulit.”


Ay… Akala ko naman… “Eh, ako? Sa tingin mo, hindi kita kukulitin?”


“Magkaiba kayo.”


“Paanong magkaiba?”


“Chloe.”


“Oo na. Magkaiba kami kasi bestfriend mo siya, asawa mo naman ako, right?” After what happened sa loob ng kwarto ko, bakit ang sarap pa rin niyang kulitin?


Hindi siya sumagot. Napangiti pa rin ako. Mas gusto niya kong kasama kesa kay Tim. Hindi ko alam pero kinilig ako bigla. Umayos ako nang pagkakaupo. Itinaas ko ang mga paa ko sa bench at niyakap. Tiningnan ko ang langit.


“Bata pa lang ako, madalas nang sabihin sakin ni lolo na balang araw daw ikakasal ako sa apo ng kaibigan niya. Eleven years ago nang una kong nakita ang lolo mo sa lamay ni daddy at lola. Sabay kasi silang namatay sa aksidente. Do’n ko nalaman na ang kaibigan na tinutukoy ni lolo ay ang lolo mo. You know what, parehas kayo ng lolo mo. Seryosong tao din siya. At do’n ko nalaman na seryoso sila sa pangako nila sa isa’t isa ni lolo, kasama ng mga lola natin na ipapakasal ang mga apo nila.”


“I didn’t know you back then, your name or even your face. Pero pumayag ako sa kasunduan nila, hindi lang dahil kay lolo pero dahil sa kanilang dalawa. Habang kausap ko kasi ang lolo mo, parang deep inside, malungkot siya. Siguro, parehas lang sila ni lolo. Parehas na nawala sa kanila ang taong mahal nila. Simula kasi nang mawala si lola, kahit hindi sabihin ni lolo, alam kong malungkot siya. Ayokong makita siyang gano’n. Gusto kong sumaya siya kaya pumayag ako sa kasunduan nila. Sayang lang, hindi nakita ng lolo mo na natupad ang pangarap nila.”


“Simula no’n, tinanim ko na sa isip at puso ko na may lalaki ng nakalaan sakin. Hindi na rin ako nagboyfriend kasi alam kong sa huli, hindi naman siya ang makakatuluyan ko.” Good thing, hindi pa ko nainlove sa kahit na sino bago pa kami ikasal ni Lei. Sadyang nakikisama ang puso ko.


“Alam mo bang ang saya ko kapag nakikita ko si lolo ngayon na nakangiti at tumatawa kapag nakikita niya tayong dalawa? Kaya yung tanong mo kanina na paano ko natanggap ng gano’n kadali ang kasal na ‘to, isa lang naman ang sagot ko dyan. Gusto kong makitang masaya ang mga taong mahahalaga sakin. Kasi kapag nakikita ko ang mga ngiti nila, napapangiti na rin ako. Kaya lang…”


Nilingon ko siya. “Paano ka na?” Napalingon rin siya sakin. “Ayaw mo ng kasal na ‘to. Wala nga sa plano mo ‘to diba? Ayoko ring itali ka sa kasal na ‘to na hindi mo naman gusto.” Binalik ko uli ang tingin ko sa langit. May naramdaman kasi ang puso ko, hindi saya kundi kirot. “Bukod kay Ren, tayong dalawa lang ang nakakaalam ng kasunduan natin.”


“Tim, too.”


“Ah, alam din pala ni Tim.” Hinapit ko ang kumot sa katawan ko. “Sana wag nang makarating kay lolo ang kasunduan natin. Kasi alam ko, clueless siya na balak nating maghiwalay after three months. Aaahh! Ang lamig talaga noh?” Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang dinugtong ang huling sentence na ‘yon. Gusto ko lang na...


I sighed. Gusto ko lang na i-divert yung topic. “Hindi ka ba nilalamig, Lei?” Tinanggal ko ang pagkakabalot ng kumot ko sa katawan ko. “Share tayo sa blanket ko.”


“Wag na. Okay—”


“Ayan!” We’re now sharing the same blanket. And wrong move, dahil magkadikit na kami ngayon. Ano ba kasi yung ginawa ko? Sa dami ng pwede kong gawin para i-divert yung topic namin, ganito pa ang ginawa ko?


Pero bakit ganito? Parang hindi na ko nakakaramdam ng lamig dahil lang sa init na nararamdaman ko mula sa kaniya.


“Malalaman din ng lolo mo.”


Okay. Dinivert ko na, binalik naman niya. “I know. Pero wag muna ngayon.” At kaya naisip kong magkaanak sa kaniya para kahit papano, matupad pa rin ang pangarap ng mga lolo namin na magkaapo saming dalawa bukod sa pangarap nilang ikasal kami ni Lei. Alam ko namang maiintindihan ako ni lolo kapag dumating ang time na naghiwalay kami ni Lei.


Kaya lang… Ano kayang mararamdaman ni lolo kapag nalaman niyang maghihiwalay kami?


Hay… Bakit ba ang dami kong iniisip? Ang seryoso ko ata ngayon. Napaghandaan ko na ang mga mangyayari kapag kinasal na kaming dalawa diba? Pero bakit ngayon? Bakit may nararamdaman akong hindi ko dapat na maramdaman? Bakit may naiisip akong hindi ko dapat iniisip? Bakit ganito?


Nilingon ko si Lei. Deretso lang siyang nakatingin sa harap niya. Ano kayang iniisip niya? “Ikaw, Lei?” Tiningnan niya ko. Dalawang dangkal lang siguro ang layo ng mga mukha namin. At dahil maliwanag ang buwan, nakikita ko ang mukha niya. Siya ang unang umiwas ng tingin.


“Lei, bakit ang hirap para sa’yo na ikasal sakin? Naiintindihan ko na ayaw mo kasi fixed marriage lang ‘to. Pero bakit gano’n na lang ang reaksyon mo noon?” Bakit parang sarili mo lang ang iniisip mo? Bakit parang may galit ka sa mundo? Bakit hindi ka marunong ngumiti? Ano bang ginawa nila sa’yo at naging ganyan ka?


Gusto ko sanang idagdag ‘yon pero nagbago ang isip ko. Ayokong mainis na naman siya sakin, tapos Christmas na Christmas pa. Sagutin niya kaya ang mga tanong ko?


“My parents got married because of me.”


Napalingon ako kay Lei.


“My mom got pregnant, the reason why my dad married her. My mom was a spoiled brat and a hard headed woman then. Nang mabuntis siya, tinakwil siya ng mga umampon sa kanya. Pero nang malaman ng mga ‘yon na mayaman ang nakabuntis sa kaniya, sinuyo nila ang ampon nila. At dahil matigas ang ulo niya, tinakwil niya ang magulang na nagpalaki sa kaniya.”


“Parehas lang sila ni daddy. My dad was a happy go lucky and an irresponsible man. Nang ipanganak ako, kumuha sila nang mag-aalaga sakin at namuhay sila na parang walang anak. My mom died when I was two. Namatay siya sa isang aksidente kasama ng lalaki niya. In less than two months, nag-asawa uli si daddy. My dad and mom, parehas lang silang dalawa. Unfaithful husband and wife. And an irresponsible parents.”


“Masyado pa kong bata nang mangyari ang lahat ng ‘yon. Nang magkaisip ako, nalaman ko ang lahat mula sa mga katulong namin sa mansyon. Hindi nila alam na naririnig ko sila sa tuwing nag-uusap sila.”


“My stepmom. She was okay. Only when my dad and my grandfather was around. Pag wala sila, sinasaktan niya ko, emotionally even physically. Hindi lang siya, pati lahat ng mga taong nasa paligid ko. Wala daw akong kwenta. Nagmana daw ako sa magulang ko. That I am just nothing. I was so young then pero natuto akong lumaban. Sa stepmom ko at sa kanilang lahat.”


“Si lolo. Masyado siyang busy sa kumpanya para pagtuunan niya ko ng pansin. Ang mahalaga lang sa kaniya ay ang kumpanya niya. And at my young age, nang magpakita ko ng interes sa kumpanya niya, he let me. But he made it hard for me. Inisip niya ring wala kong kwenta, na katulad din ako ng anak niyang iresponsable. That’s why I strived so hard to prove them I’m not that ‘nothing’. Na hindi ako katulad ng magulang ko.”


“All my life, binuhos ko ang atensyon ko sa kumpanya to prove them that they were all damn wrong. And here I am.”


At dahil nakatingin ako sa kaniya, nakita kong dumausdos siya ng upo. Nagkapantay na ang mga ulo namin. At dahil sa mga nalaman ko, hindi ko napigilan ang sarili ko. I hugged him. Nahulog sa baba ang kumot na nakabalot samin. Naramdaman ko tuloy ang malamig na hangin.


“Lei…” I hugged him tightly. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi ang lahat ng ‘yon. Kung dahil ba sa nakainom siya o ano, wala na kong paki. Ang gusto ko lang gawin ay yakapin siya. Iparamdam sa kaniya na okay na ang lahat. Na hindi na siya masasaktan ng kahit na sino. Na aalagaan ko siya. Gusto kong sabihin ang mga salitang ‘yon pero hindi ko magawa. Dahil baka pag nagsalita ako, tumulo na ang luhang nasa gilid ng mga mata ko.


Hindi ako iyakin pero habang pinapakinggan ko siya kanina, naramdaman ko yung sakit ng mga pinagdaanan niya.


“Hindi ko kailangang maging masaya, Chloe. Hindi mo ako kilala kaya wag na wag kang magsasalita ng ganyan.”


Naiintindihan ko na kung bakit. Kung bakit ayaw niya ng salitang kasal. Kung bakit parang may galit siya sa mundo. Kung bakit sarili lang niya ang mahalaga sa kaniya. At kung bakit hindi siya marunong ngumiti. Because all his life, walang nagparamdam sa kaniya na tao din siya, na kailangan din niya ng pagmamahal ng iba, na kailangan niya ng pamilyang mag-aalaga sa kaniya. Dahil ang mga taong dapat na nagparamdam no’n sa kaniya, binalewala siya.


“Chloe.” Marahan niyang tinulak ang balikat ko. Kumunot ang noo niya. “Bakit?”


“Anong bakit?”


Tumaas ang kamay niya papunta sa pisngi ko. Dumampi lang ‘yon pero nagawa no’n na patayuin ang mga balahibo ko. “Bakit ka umiiyak?”


“Hah?” Hinawakan ko ang pisngi ko. Tumulo na pala ang luha ko nang hindi ko namamalayan. Pinunasan ko agad ‘yon.


“Naaawa ka ba sakin?”


Naaawa nga ba ko sa kaniya? Alam kong hindi kaya umiling ako. “Naiinis ako sa mga lolo natin. Sana mga bata pa lang tayo, pinakilala na nila tayo sa isa’t isa. Para naman noon pa lang naalagaan na kita.” Kusa na lang ‘yon lumabas sa bibig ko.


“Kaya ko ang sarili ko.” Yumuko siya at kinuha ang kumot na nahulog. Inabot niya ‘yon sakin. “Bakit ba gustong-gusto mong inaalagaan ang ibang tao?”


“Dahil gusto ko. Kailangan bang laging may dahilan ang lahat ng bagay na ginagawa ng isang tao para sa iba?”


“Everything we do, we do it on purpose.”


“Pero minsan may ginagawa tayo na hindi muna natin iniisip kung bakit natin gagawin. Minsan kasi may mga bagay tayong hindi natin napapansin, ginagawa na pala natin unconsciously. Saka lang natin mare-realize ang purpose ng bagay na ginawa natin kapag lumipas na. O kapag naging conscious na tayo na ginagawa na pala natin ang mga bagay na ‘yon.”


Matagal bago siya sumagot. “Hindi ka talaga mauubusan ng dahilan noh?”


“Never. It runs in the blood.”


Isinandal niya ang ulo niya sa sandalan ng upuan at ipinikit ang mga mata niya. Hinayaan ko na lang siya. Patuloy pa kasing nagsi-sink in sakin ang mga sinabi niya kanina.


The way he said those things, parang wala lang. Pero ramdam ko yung sakit, eh. Bakit kailangan niyang pagdaanan ang lahat ng ‘yon? Bakit kailangan niyang masaktan ng gano’n? Nakakailang bakit na ko pero wala akong makuhang sagot mula sa utak ko.


“Chloe. Gano’n ba ko kasamang tao?”


Nakapikit pa rin siya nang tingnan ko siya. Bumalik sa alaala ko ang mga nangyari simula nang una ko siyang makita. Gano’n ba siya kasama? Sa kabila ng mga nangyari samin simula nang magsama kami, pinakita niya pa rin sakin ang kabaitan na nakatago sa kasuluksukan ng puso niya. Kaya para sakin…


“Hindi, Lei.”


Hindi na siya nagsalita. Nanatili pa rin siya nakapikit. At habang pinagmamasdan ko siya, gusto kong burahin ang emosyon na nakikita sa mukha niya. He looked so tired. Itinaas ko ang kamay ko papunta sa mukha niya. Pero sa halip na hawakan ang mukha niya, kinuyom ko ang kamao ko at binawi ang kamay ko.


Ano bang ginagawa ko? I sighed. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit gusto ko siyang hawakan. Hindi lang hawakan, gusto ko uli siyang yakapin.


Iniwas ko na lang ang tingin sa kaniya. Baka kung ano pa ang magawa ko. Ayokong sirain ang gabing ‘to ng mga kalokohan ko na pumapasok sa isip ko. Kalokohan nga ba ang kagustuhang yakapin siya? Tinakpan ko ang mukha ko. Ano ba ‘tong iniisip ko?


Bigla akong napaderetso ng pagkakaupo. Paano kasi…


Dahan-dahan kong nilingon si Lei. Bumagsak kasi ang ulo niya sa balikat ko! Napalunok ako. Ito na naman si heart, ang lakas-lakas ng kabog. May karera na naman atang sinalihan tapos hindi man lang nagpasabi sakin kaya nagugulat ako sa bilis niya.


“Lei?” Hindi siya sumagot. Kinalabit ko siya. Hindi siya kumilos. “Tulog ka na ba, Lei?” Hindi pa rin siya sumagot.


Unti-unti akong napangiti. Sinong hindi mapapangiti sa mga nangyari? Mas pinili niyang makasama ako sa iisang kwarto kesa sa kaibigan niya. At higit sa lahat, sinabi niya sakin ang kabataan niya—hindi ako natutuwa sa naranasan niya. Tapos ngayon, ginawa niya pa kong unan. Sinong hindi matutuwa na ang isang Lei Constantine, ginawa ang lahat ng ‘yon?


Sinilip ko ang mukha niya. “Lei. Naririnig mo ba ko? Kung naririnig mo ko, pakinggan mo ang sasabihin ko, ah.” Gamit ang daliri ko, hinawakan ko ang ilong niya. “I promise you, simula ngayon, hindi na ko gagawa ng mga bagay na ikakainis o ikakagalit mo. Sa mga natitirang buwan satin, I’ll do things that will make you happy. Ipaparamdam ko sa’yo ang mga bagay na hindi mo naramdaman no’n. Tutuparin ko yung sinabi kong aalagaan kita. Hindi ako mapapagod sa’yo. Tandaan mo ‘yan, okay?”


Tiningnan ko ang langit. Nagulat pa ko nang makita kong pasikat na ang araw. “Ang ganda…”


Simula ng una kong pagmasdan ang pagsikat ng araw, parang ngayon ang umaga na pinakamaganda sa lahat.


Siguro dahil sa magandang nangyari ngayon.


Or maybe because I’m with Lei.



= = = = = = = =



When I opened my eyes, nagtaka pa nang malaman kong nakahiga ako sa kama ko. Bumangon ako at hinanap agad si Lei pero wala na siya sa kwarto. Umupo ako sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung paanong napunta ako sa kama. Ang huli kong natatandaan, sinumpong ako ng antok habang nakatingin sa papasikat na araw.


At malamang si Lei ang bumuhat sakin dito sa kama. Pero ano kayang oras siya nagising para buhatin ako dito? At sa’n siya natulog? Natulog kaya siya sa tabi ko?


Saka bakit gano’n? Ang sabi ko, hindi ako makakatulog ng may katabi. Pero bakit nakatulog ako nang mahimbing kanina?


Hindi naman kasi kayo sa kama magkatabi, Chloe.


Pero kahit na.


Ang dami mong iniisip. Kinikilig ka lang dyan, eh! Umagang-umaga, hah!


“Hindi, ah!” Napalakas pa ang boses ko na parang katapat ko lang ang kabilang side ng utak ko na kausap ko. Tinapik ko ang pisngi ko. “Inaantok pa ata ako at wala pa sarili.”


Tiningnan ko ang wall clock. It’s eleven o’clock already. “Nasa’n na kaya si Lei?” Bumangon na ako, naghilamos at nagtoothbrush bago lumabas ng kwarto ko. Nasalubong ko pa si Nicky na paakyat ng hagdan. Huminto siya sa harap ko habang nakatingin sa buhok ko.


“Anong problema mo sa buhok ko, Nicky?”


Nagkibit-balikat siya. “Wala lang.” Lalagpasan na sana niya ako pero mukhang may gusto pa siyang sabihin. “Wala talaga kong problema sa buhok mo, Ate. Sanay na ko dyan, eh. Pero si Kuya Lei? Hindi mo talaga sinubukang magsuklay sa umaga simula nang magsama kayo?”


Napahawak ako sa buhok ko. “Oo nga pala!” Tumalikod na ko at akmang babalik sa kwarto ko nang magsalita uli si Nicky.


“Wala naman si Kuya Lei kaya wag ka nang magsuklay.”


“Nasa’n siya?” Sabay harap sa kaniya.


“Umalis na siya. Iniwan ka na niya. Kasama niya si Kuya Tim.”


I pouted. “Yung totoo.”


“Totoo nga! Promise! Honesto!” Ginaya niya pa si Honesto.


“Hindi nga? Pwera biro?”


Tinawanan niya ko. “Umalis na talaga siya.”


Tinalikuran ko agad ang kapatid ko.


Bakit umalis si Lei? Ba’t hindi man lang siya nagpaalam sakin? Sana ginising man lang niya ko. Sa’n siya pupunta? Sa office na naman niya? Paskong-pasko, ah. May plano pa naman ako para saming dalawa ngayong Pasko, tapos iniwan niya ko bigla?


“Babalik siya, Ate!”


Napahinto ako at napalingon kay Nicky. “Ano?”


“Narinig kong kausap niya si lolo kanina. May pupuntahan lang daw siya pero babalik daw siya.”


Unti-unti akong napangiti dahil sa sinabi niya.


“Para kang baliw, Ate. Aminin mo nga. May gusto ka na ba sa kaniya?”


Nagulat ako sa tanong niya pero hindi ko na nagawang mag-isip ng isasagot dahil kay mama na biglang dumating.


“Nakita ninyo ba si Kendra?”


“Hindi po.” Sabay na sagot namin ni Nicky.


“Wala siya sa bahay. I thought she’s here.” And my mother looked so worried kaya hinanap namin si Kendra sa buong bahay. Pero wala kaming Kendrang nakita kaya nagpanic na kaming lahat sa bahay. Nagreport na din si Tito Henry sa security unit ng subdivision.


Si lolo, tumataas na ang presyon na pinapakalma ni Nicky. Si mama, pilit na pinapakalma rin ni Tito Henry habang kausap nila ang mga dumating na security guard ng subdivision. Kinakabahan na ako. Maraming nababalitang nawawalang bata sa tv. Hindi na ko mapakali sa mga pumapasok sa isip ko kaya palakad-lakad ako sa sala. Ayokong maghintay na walang ginagawa kaya lumabas ako ng bahay.


“Chloe, sa’n ka pupunta?” Boses ‘yon ni Tito Henry.


“Hahanapin ko po si Kendra!”


“Wala kang tsinelas, Ate!”


Saka ko napansin na naka-paa lang pala ako. Bumalik ako sa loob ng bahay nang magring ang phone ko na nasa bulsa ng maong short ko. Hindi ko ‘yon pinansin at mabilis na kinuha ang tsinelas ko pero ring ng ring ‘yon kaya sinagot ko na. Ni hindi ko tiningnan kung sino ang tumatawag.


“Hello, sino ba ‘to? Pwede ba mamaya ka na magtext!”


“I called you. I didn’t texted you.”


“Oo na! Nagmamada—” Napahinto ako nang mabosesan ko siya. “Lei?” Tiningnan ko ang caller. Si Lei nga! “Lei! Nawawala si Kendra! Nasa’n ka ba? Tulungan mo naman kaming hanapin siya, please… Nag-aalala na kami sa kaniya… Baka kung ano nang nangyari sa kaniya…” Hindi ko namalayang napaiyak na ko sa sobrang pag-aalala sa kapatid ko.


“Kasama ko siya, Chloe.”


= = =


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^