Wednesday, April 2, 2014

Dear Pusong Bato Series 1 : Bubbly Heart (Chloe) - Chapter 18



CHAPTER 18

( LEI’s POV )


“Kuya Lei, kausapin ka daw po ni lolo.” Inabot sakin ni Kendra ang phone ko.


“Hello. Si Lei na po ‘to.”


“Papunta na dyan sina Henry para sunduin si Kendra. Pasensya ka na sa apo ko, Lei. Ang batang ‘yan talaga, pinag-alala kami dito sa bahay.”


“Okay lang po.”


After naming mag-usap, hinarap ko agad si Kendra na nakaupo sa passenger seat habang abala sa pagkalikot ng laman ng dashboard. Para siyang si Chloe, gustong laging may kinakalikot.


Nandito na ko sa Balintawak nang malaman kong sakay pala siya ng kotse ko. Dito kasi nagpababa si Tim. Nang paandarin ko ang kotse ko, nagulat ako ng bigla na lang may sumulpot sa gilid ko at kalabitin ako. Si Kendra nga ang nakita ko. Do’n daw siya nagtago sa ilalim ng upuan ng back seat. Kinalabit niya ko dahil nagugutom na daw siya.


Tinawagan ko agad si Chloe dahil siguradong alam na nilang nawawala si Kendra. Tama nga ako dahil nang sagutin ni Chloe ang phone, bigla na lang siyang umiyak habang kausap ako at nagpapatulong sakin na hanapin si Kendra.


“Kuya Lei, nagugutom na po ko.”


“Kakain tayo pero may sasabihin muna ko.”


“Ano po ‘yon?”


“Wag mo na uulitin ang ginawa mong ‘to. Yung bigla ka na lang sumakay ng kotse ko na walang nakakaalam. Kahit pa sa kotse ng iba, wag kang sasakay na lang bigla na hindi alam ng magulang mo.”


“Galit ka po ba?”


“Hindi. Pinagsasabihan lang kita. Mali ‘tong ginawa mo. Alam mo bang pinag-aalala mo ang magulang mo? Wag mo na uli ‘tong uulitin, okay?”


“Hindi na po. Sorry, Kuya Lei. Hindi mo na ba ko pasasakayin ng kotse mo?”


“Pasasakayin kita pero kailangan alam ko, okay?”


“Okay po.”


“Parehas lang kayo ni Larah. Pero alam mo bang mas ma-swerte ka sa kaniya dahil may magulang na mag-aalala sa’yo kapag nawala ka?”


“Sino pong Larah?”


“Wala.” Ginulo ko ang buhok niya.


“Nagugutom na po ko, Kuya Lei.”


“Okay.” Inistart ko na ang kotse at naghanap ng restaurant na makakainan namin.


Daldal lang ng daldal si Kendra habang kumakain kami. Kung anu-anong kinu-kwento niya. Sa school niya, sa pamilya niya, ang dami pa niyang tanong sakin. Just like what happened last Christmas party na tinatanong niya ko tungkol sa suot ng mga empleyado. Hindi ako pamilyar sa ibang suot nila kaya si Tim ang sumasagot ng karamihan ng tanong niya.


She’s only five years old pero ang advance na niyang mag-isip minsan.


“Kuya Lei, kailan po kayo magkaka-baby ni Ate Kendra?”


Baby. Isa ‘yon sa mga hiling ni Chloe bago kami maghiwalay.


Maghihiwalay…


“Kuya Lei.”


Tiningnan ko si Kendra. “Kumain ka na lang, Kendra. Pag-uusapan pa namin ‘yon ng Ate Chloe mo.” Ano ba yung sinabi ko?


Katulad kaninang madaling araw, yung mga sinabi ko kay Chloe. Hindi ko din napigilan ang sarili ko na sabihin ‘yon. That moment, I felt I needed to tell those things to her. I don’t know why I had to do that but I did.


Pagkatapos kong sabihin sa kaniya ‘yon, naramdaman kong parang gumaan ang dibdib ko. Dahil ba first time kong nagkwento sa iba o dahil ba sa niyakap niya ko?


Ano bang mero’n sa yakap niya? Aaminin ko, lalaki rin ako, may pangangailangan ako kaya may mga babaeng dumaan na rin sa buhay ko. Pero walang commitment. Sabihin na nating one night stand.


But with Chloe. Tuwing hinahawakan niya ang kamay ko. Tuwing niyayakap niya ko. Tuwing magkakadikit ang mga labi namin. Tuwing ngingiti siya. I feel something I know I shouldn’t feel. I feel something I couldn’t explain.


Ito na naman ako. Ginugulo ko na naman ang isip ko. Ang sabi ko noon, pahihirapan ko siya pero hindi nangyari ‘yon dahil ako ang pinapahirapan niya sa pag-iisip ng mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip.


“Kuya Lei, ba’t hindi ka po kumakain?”


“May iniisip lang ako.”


“Ano po?”


“Bata ka pa. Hindi mo rin maiintindihan.”


After thirty minutes, dumating na ang magulang ni Kendra. Hindi ko alam na kasama rin nila si Chloe. Nakatingin lang ako kina Kendra at sa magulang niya habang pinagsasabihan siya nang maayos nang lapitan ako ni Chloe.


“Lei, thank you, ah.”


“For what?” Hobby na talaga niya ang mag-thank you.


“Kasi tumawag ka agad sakin. Grabe talaga kanina, pinag-alala kami ni Kendra.”


“And you cried.”


She pouted. “Kung anu-ano na kasing pumapasok sa isip ko. Alam mo namang maraming nababalita sa tv na nawawalang bata. Yung binebenta yung—Ayoko na ngang isipin ‘yon! Kinikilabutan talaga ko!”


“Then don’t think of it. Sarili mo lang din ang tinatakot mo.”


“Right, Lei.” She smiled.


Hindi muna sila umuwi. Kumain muna sila. Tapos na kaming kumain ni Kendra pero umorder si Chloe ng dessert para saming dalawa. At talagang nagmana si Kendra sa ate niya dahil dinaldal niyang kaunti lang daw ang kinain ko kaya ‘tong si Chloe, umorder para sakin.


Isa-isa niyang tinuro ang nasa menu. “Hindi pwede sa’yo ‘to. Hindi rin ‘to. At ito ay… hindi rin pwede. Ano bang pwede sa tiyan mong maselan? Hmm…”


“Chloe.” Hindi niya ba alam na nakatutok na ang atensyon sa kaniya ng mama niya at ni Tito Henry? At pinaghihintay niya ang waiter.


“Wait lang, Lei, ah.”


“Busog na ko.”


“Kaunti lang daw ang kinain mo sabi ni Kendra. Kids don’t lie, Lei.” sabi niya habang nasa hawak niyang menu ang atensyon niya. “Kailangan mong kumain ng maayos. Hindi ka pwedeng magutom.”


“Ako na.” Kinuha ko ang menu sa kaniya. At dahil katabi ko siya, sumilip siya sa menu na hawak ko. Minsan si Chloe, hindi ko alam kung inosente o ano. May pagkakataon kasing parang hindi siya aware sa ginagawa niya. Hindi dapat siya lumalapit ng ganito kalapit sa mga lalaking nakikilala niya.


“Lei, anong order mo? Naghihintay na si kuyang waiter, o.”


At ako pa talaga ang sinisi niya? Sinabi ko na ang order ko sa waiter na naghihintay samin.


“Now I know kung anong oorderin ko for you next time na kumain tayo dito.” Hindi ako lumingon sa kaniya dahil siguradong magkakadikit na naman ang mukha naming dalawa.


Nakarinig ako ng tikhim. Hindi ko alam kung sino sa mama niya o kay Tito Henry pero kumilos si Chloe. Umayos na siya nang pagkakaupo.


“Pihikan ka ba sa pagkain, Lei?” tanong ng mama ni Chloe. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya matawag na ‘mama’ katulad ng bilin niya.


“Hindi, mama.” Si Chloe ang sumagot. Siya pa ang nagpaliwanag kaya hinayaan ko na lang siya. At nang dumating ang order namin, halatang-halata ang pag-aasikaso niya sakin.


And I know why. I heard everything she said kanina. Nakaidlip na ko habang nakaupo kaya hindi ko namalayang bumagsak na ang ulo ko sa balikat niya. Naalimpungatan ako no’n at hihiwalay na sa kaniya when she started talking. Hobby na talaga niya ang kausapin ako tuwing tulog ako at hindi niya alam na gising ako.


And I couldn’t explain again kung bakit hinayaan kong nakaunan ang ulo ko sa balikat niya hanggang sa makatulog ako. Ang alam ko lang, I was exhausted that time. I just wanted to rest.


Nagising na lang ako nang may yumakap sakin only to find out that it was Chloe sleeping right beside me. Binuhat ko siya at inilipat sa kama niya.


It was only six thirty in the morning at inaantok pa ko kaya natulog uli ako. Walang couch sa kwarto niya kaya sa tabi niya ko humiga. At kakahiga ko lang ng bigla na lang niya kong yakapin na parang unan. And I knew na hindi ako makakatulog nang matino kaya bumangon ako at naghanap ng comforter sa kwarto niya. Good thing, she has one.


“Lei, pwede sa’yo ‘to.”


Tiningnan ko si Chloe. “Kumain ka na lang, okay.”


“Okay.” She smiled. She didn’t pout like what she used to do kapag sinusungitan ko siya. Hindi ko naman kasi siya sinungitan ngayon kaya siguro ngumiti siya. Sabagay, kahit naman sungitan ko siya, ngingiti pa rin siya.


And I thought seconds would passed at kukulitin niya uli akong tikman ang ibang pagkain, pero hindi niya ginawa. Talagang tinutupad niya ang mga sinabi niya.


Pero bakit hindi ako sanay na ganito? Nasanay na kasi akong lagi siyang nangungulit kahit pa sabihing naiinis na ko. Parang naging routine ko na ‘yon sa araw-araw na magkasama kami.


Patapos na kaming kumain nang tanungin ako ni Chloe kung sa’n ako pupunta. I asked her why.


“May gusto kasi akong puntahan, eh. Isasama kita.”


“Sasama rin po ko!” That’s Kendra.


Dahil nag-join force ang dalawang makulit na magkapatid, at the end sumama silang dalawa sa pupuntahan ko.


Hinayaan ko na lang sila.


Naalala ko tuloy ang sinabi ni Tim kanina bago siya bumaba ng kotse.


“Wala kang choice kundi ang pakasalan siya dahil sa ginawa ng lolo mo. Pero nang pumayag ka sa deal na sinabi ni Chloe sa’yo, marami kang choices pero hindi mo ginawa. That day, hinayaan mo na siyang makapasok sa buhay mo.”


Pagkatapos ng mga naranasan ko nung bata pa ako, I had to put an invinsible wall between me and the people and the things around me so no one could hurt me.


For the first time, hahayaan ko bang may taong bumuwag ng pader na tinayo ko? O tama nga kaya ang sinabi ni Tim na noon pa lang hinayaan ko nang makapasok sa buhay ko si Chloe nang hindi ko nalalaman?



= = =



( CHLOE’s POV )


Hininto ni Lei ang kotse sa tapat ng isang malaking gate. Sinungaw lang ni Lei ang ulo niya at pinagbuksan na siya ng gate ng guard. Hininto ni Lei ang kotse sa maliit na parking lot.


“Dito lang kayo.” bilin niya nang lingunin niya kami ni Kendra sa back seat.


“Pwede pong sumama?” hirit ng kapatid ko.


“Dito nga lang daw tayo, baby.”


“Gusto ko pong sumama sa loob, Ate Chloe. Pwede po, Kuya Lei?”


Tiningnan ko si Lei na nakatingin kay Kendra. Papayag kaya siya?


“Okay.”


“Yehey!”


I pouted. “Ang daya mo naman, baby. Wala kong kasama dito. Anong gagawin ko dito sa loob ng kotse? Makikinig ng music? Maglalaro ng games sa phone? Mag—”


“Hindi mo naman kailangang magparinig. Sumama ka kung gusto mo.”


Nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi ni Lei. “Talaga?”


“Kung gusto mo.” Bumaba na siya.


“Oo naman! Yes na yes!” Bumaba na rin kami ni Kendra. “Nasa’n ba tayo?” Nagpalinga-linga ako nang makita ko yung sign. “Bahay ampunan? Anong ginagawa natin dito?”


“Ate Chloe!”


Paglingon ko kay Kendra, naglalakad na silang dalawa ni Lei sa daanang nasa gilid ng malaking bahay. “Iwan daw ba ko?” Humabol ako sa kanila. Hinawakan agad ng kapatid ko ang kamay ko. Napangiti ako. Para kaming pamilya nitong tatlo.


Pero ano nga kayang ginagawa namin dito? Hindi kaya balak mag-ampon ni Lei? Waah! Hindi naman sa ayaw ko ng mga bata, syempre mas gusto ko yung galing saming dalawa. Pero malabo naman sigurong mag-ampon siya. Hindi kaya siya ang ampon? Hindi rin. Mas lalong malabo ‘yon.


Malapit na kami sa dulo ng dinadaanan namin nang makarinig ako ng ingay. Bumungad samin ang malaking playground na napapaligiran ng mga halaman. At ang may gawa ng ingay na narinig ko ay ang mga batang naglalaro.


“Waah! Swing!” Bumitaw sa pagkakahawak ko si Kendra at tumakbo papunta sa playground.


“Kendra!” Sinundan ko agad siya. Nakisama siya sa mga batang naglalaro. Tumayo lang ako malapit sa kaniya. Nilingon ko si Lei. Nakatingin siya sa gawi namin nang may lumapit sa kaniya na matandang babae. Nakita kong nag-usap sila at humakbang papunta sa malaking bahay. Lumiko sila at nawala na sa paningin ko.


Ano nga kayang ginagawa niya dito?


“Excuse me po.”


Nilingon ko ang babaeng nagsalita sa likuran ko. Parang magkalapit lang sila ng edad ng kapatid kong si Nicky. “Hi.”


“Pwede pong magtanong, asawa po kayo ni Kuya Lei?”


Napangiti ako. “Asawa kaagad? Hindi ba pwedeng girlfriend muna?”


“Ay alam ko na!” Umikot siya sakin pagkatapos ay inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. “Kayo po yung nasa dyaryo noh?”


“Pati ba naman dito?”


Inilagay niya ang isang kamay niya sa gilid ng bibig niya at umaktong bumubulong. “Sa totoo lang po, pinupuslit ko lang yung dyaryong nasa office ni Sister Joy. Pinagbawalan niya po kasi akong magbasa ng dyaryo. Hindi ko nga po alam kung bakit. Ano naman pong masama sa pagbabasa ng dyaryo diba?”


Nagpakilala siya bilang Serenity. Napangiti nga ako ng sabihin niya ‘yon. Naalala ko kasi yung costume ko nung Christmas party. Nalaman ko din na dito na siya lumaki sa bahay ampunan. Baby pa lang daw siya ng iwan siya dito, sa labas ng gate. Parang yung napapanood lang daw sa mga drama tuwing hapon at gabi.


Hanggang do’n na lang ang nasabi niya dahil tumunog ang bell. Nagsipagpasukan na ang mga bata sa malaking bahay. Pero si Serenity, hindi. Nakita ko siyang tumakbo sa daang dinaanan namin nila Lei kanina.


Napailing ako habang napapangiti. “Pasaway na babae.” Nahagip naman ng mga mata ko si Lei na sumulpot sa nilikuan niya kanina. Lumapit siya samin.


“Let’s go.”


Tinawag ko si Kendra pero humirit pa ang kapatid ko na sandali lang daw. Magpe-play pa daw siya. Nilapitan ko siya at pinilit pero sinaway lang ako ni Lei. Hayaan ko na lang daw muna. Tumabi na lang ako kay Lei na umupo sa bench sa ilalim ng punong mangga. At dahil gusto ko talagang malaman kung bakit nandito siya, tinanong ko siya. Pero bago ‘yon, pinulot ko muna yung dahon na nakita ko sa lupa.


“Lei.” Sabay tingin sa kaniya.


“Hmm?”


“Anong ginagawa mo dito? May balak ka bang mag-ampon?”


“Bakit naman ako mag-aampon kung kaya ko namang bumuo?”


Pinaparinggan niya ba ko? Ang tanong, sino ang ina? Teka lang nga! Ano bang klaseng tanong ‘yon? Syempre, ako! I am his wife! Iniisip ko pa lang na iba ang magiging ina ng anak niya—


Teka lang nga uli! Bakit napunta do’n ang iniisip ko? Tumikhim ako. “Eh, anong ginagawa mo dito?”


“Ano bang pwedeng gawin ng katulad ko dito?”


“Ng katulad mo?” Hinimas ko ang baba ko. “Hindi ka mag-aampon. Mas lalo namang hindi ka ampon diba?” Nilingon niya ko. “Ampon ka ba?” mahinang tanong ko.


“No!”


Itinaas ko ang mga kamay ko. “O! Wag kang magalit! Chilax lang, Lei.” Tumayo na ko. “Wag mo na ngang sagutin. Hindi na rin ako mangungulit. Ayokong magalit ka, eh.” Sabay talikod ko at tinawag si Kendra.


Muntikan na ko do’n, ah. Hindi pwedeng wala pang twenty fours simula nang mangako ako sa kaniya na hindi ko siya gagalitin. I mean, kailangan kong tuparin ang pangako kong ‘yon kahit pa gusto kong malaman kung bakit kami nandito.


Palapit na sakin si Kendra nang marinig kong magsalita si Lei sa likuran ko.  “Nagdonate ako.”


Mabilis pa sa alas-kwatrong napabalik ako sa upuan. “Tama ba yung narinig ko, Lei? Nagdonate ka?”


“Ate Chloe.”


“Sige lang, baby. Play ka uli do’n. May pinag-uusapan pa kami ng Kuya Lei mo. Bawal ang bata dito.” hindi lumilingong pagtataboy ko sa kapatid ko. Sumunod naman agad siya.


“Matagal ka ng nagdodonate dito, Lei?” Hindi talaga ako makapaniwala! Promise!


“Matagal na.”


“Kailan pa?”


“I don’t remember when did I started doing it.”


At mas lalong hindi ako makapaniwalang sinasagot niya ang mga tanong ko ng hindi naiinis. Ang ganda talaga ng pasok ng Christmas sakin!


“Bakit? I mean aware naman tayong dalawa sa ugali mo diba? Paanong ang isang tulad mo, magdodonate—” Tinakpan ko agad bibig ko. Ang tactless ko din minsan, eh. “Sorry.” Sabay peace sign ko.


Hindi niya pinansin ang sinabi ko nang sumagot siya. Ni hindi man lang niya ako sinamaan ng tingin! “Because of a girl.”


“Girl?” Biglang napalapit ang mukha ko sa kaniya. “Sinong girl naman ‘yon?” Sino ang babaeng ‘yon? Sino ang dahilan kung bakit ang katulad niya naisipang magdonate sa charity? At bakit parang kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya?


“Because of a girl.”


Sino ang babaeng ‘yon? Hindi kaya ang Larah na ‘yon?


“Ang lapit ng mukha mo.”


“Hah?” Saka ko lang napansin na halos isang dangkal lang ang layo ng mukha ko sa kaniya. Umatras agad ako at umayos nang pagkakaupo. “Si Larah ba yung tinutukoy mo?” lakas-loob na tanong ko.


“How did you know?”


Pinilit kong ngumiti. “Pinamana na kasi sakin ni Madam Auring ang talent niya.” Ayoko nang tanungin kung sino sa buhay niya ang Larah na ‘yon. Naguguluhan na kasi ako sa nararamdaman ko. Tumingala ako sa mga bunga ng puno ng mangga. “May sasabihin ako, wag kang magagalit, ah.”


“What is it?”


“Magpromise ka muna na hindi ka magagalit.”


“Sabihin mo na.”


“Okay, sasabihin ko na. Basta wag kang magagalit, ah.” Tumikhim ako. I sighed. “Wag na nga lang, baka magalit ka.”


“Chloe.”


“Oo na, sasabihin ko na.” Huminga ako nang malalim. “I think hindi lang ang babaeng tinutukoy mo ang dahilan kung bakit tumutulong ka sa bahay ampunan na ‘to.” Hindi ko alam pero ayokong pumayag na ang babaeng ‘yon lang ang dahilan. “You really wanted to help them. Yung mga batang nakatira dito. Yung mga batang wala ng magulang. Gusto mong iparamdam sa kanila ang hindi mo naramdaman noon.” Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko sabay crossed finger at lihim na nagdasal na hindi siya magalit o mainis sa sinabi ko.


Matagal bago ko siya narinig na sumagot. “Kung papipiliin ako, mas gusto ko pang maging katulad nila.” I opened my eyes. Tiningnan ko siya.


Parang sinabi niyang mas swerte pa ang mga batang nandito. Hindi katulad niya na nagkaro’n nga ng magulang, hindi naman naging masaya. “And with them, nakahanap ka ng pamilya.”


“No. Paano ko naman sila magiging kapamilya kung hindi ko naman sila kadugo?”


“Alam mo, Lei, wala naman sa dugo ‘yan, eh. Kahit sino pwede mong ituring na pamilya. O kahit ano pa ‘yan. Tao man ‘yan o hayop, basta alam mo sa puso mo ang halaga nila sa’yo, pwede mo silang ituring na pamilya. Si Tim, pamilya ang turing niya sa’yo kahit hindi kayo magkadugo. Ako, sina Lolo, pamilya ka namin. See? Family is not always determined by blood, Lei. It is also made in the heart.”


“Bakit ba ang dami mong alam?”


I smiled. “Kasi nga—”


“Pinamana sa’yo ni Madam Auring ang talent niya.” putol niya sa iba pang sasabihin ko. “But still, the main reason why I am helping them is because of—”


“Alam mo bang balak kong magpunta ngayon sa Enchanted?” It’s my turn to epal. “Kaya lang kasama natin si Kendra kaya hindi natin mae-enjoy yung ibang rides, so next time na lang.” Ayoko lang na marinig niyang banggitin ang pangalan ng babaeng ‘yon. Wala akong makuhang sagot kung bakit. Basta ayoko! Gusto ko pangalan ko lang ang babanggitin niya. Pero bakit? Ah, basta! Saka ko na sasagutin pag alam ko na.


Nilingon niya ko. Yung expression niya na nagtataka kung bakit bigla akong nagchange ng topic, yun ang nakikita ko.


Hindi naman siya nagsalita tungkol do’n kaya hindi na ko nagpaliwanag. Natahimik na kaming dalawa. Ng ilang segundo lang dahil hindi ako sanay ng tahimik.  Kinuha ko ang tuyong dahon na bumagsak sakin.


“Lei.”


“Hmm?”


Napangiti ako. Parang yung kanina lang, ah. “Mas masaya pala yung ganito tayong dalawa. Hindi nag-aaway. Walang naiinis. Ngayon lang kasi tayo nag-usap ng ganito, eh. Ay, hindi pala. Kaninang madaling araw din pala. Ang sarap lang sa pakiramdam na pwede rin pala tayong maging okay.”


Nilingon ko siya. Nakatingin pala siya sakin. Umangat ang kamay niya at parang slow motion na lumapit ‘yon sa mukha ko. Literal na tumigil ako sa paghinga. Ano kayang gagawin niya?


“May…”


“M-may ano?” mahina kong tanong.


“May…”


At dahil nakatingin ako sa kaniya, nakita kong tumigin siya…


Sa labi ko! Napalunok tuloy ako ng wala sa oras. Oh…my…golly… Naiisip ninyo ba ang naiisip ko? O ako lang ang nag-iisip ng iniisip ko? Is he going to kiss me? Waaah! Bakit naman niya gagawin ‘yon?


Para akong tangang walang ginawa at hinintay na lumapat ang kamay niya sa pisngi ko. Pero hindi ‘yon nangyari dahil sa halip na sa mukha ko naglanding ang kamay niya, pumaling ‘yon sa ulo ko. “May dahon ka sa ulo mo.”


“Hah?” Ano daw? Bakit parang hindi ko naintindihan ang sinabi niya? Ano daw mero’n sa ulo ko?


“May bumagsak na dahon sa ulo mo.”


Saka lang ako natauhan when he repeated what he said. Saka lang din ako huminga. Ang OA pa ng paghinga ko dahil literal talaga na hindi ako huminga kanina habang hinihintay ang gagawin niya kaya habol ko ang paghinga ko ngayon.


“Anong nangyayari sa’yo? You can’t breath?”


Napatingin ako kay Lei. Tama ba yung nakita ko? Parang nakikita kong nag-aalala siya o hallucination ko lang? “A-ano…” Isip-isip, Chloe! Hindi ka niya pwedeng mabuko at wag na wag kang madudulas na kaya habol mo ang paghinga mo ay dahil naexcite ka sa gagawin niyang paghalik sa’yo!


Wala kong iniisip na gano’n! Epal ka kung sino ka mang nasa isip ko! Epal!


“Chloe.”


“A-no… Ayun! Breathing exercise!” Pinakita ko pa kay Lei ang pag-inhale-exhale ko. “Turo sakin ‘to ni Doc Tim. Maganda daw ‘to para sa kalusugan. Try mo.” Ang galing ko talagang magpalusot kahit kailan!


Kung naniwala man siya sa palusot ko o hindi, bahala na si batman. Nagulat na lang nang hawakan niya ang kamay ko. Napatingin tuloy ako do’n. Tinanggal niya ang nadurog na tuyong dahon na pinaglalaruan ko kanina at inilagay ang dahong nakuha niya sa ulo ko.


“Bakit ba ang hilig mong may pinaglalaruan ang kamay mo?” Tumayo na siya. Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya nang lapitan niya ang kapatid ko. Napatingin ako sa dahong nasa kamay ko.


Paano niya nalaman ang mannerism ko na ‘yon? Ibig bang sabihin, binabantayan niya ang mga kilos ko? Pero hindi naman siya madalas na tumitingin sakin kapag nag-uusap kami, ah.


Pero napangiti pa rin ako. Hindi ko ‘to paglalaruan. Itatago ko ang dahong ‘to. Remembrance. Wahehe!


“Chloe, let’s go!”


“Coming!” Ibinulsa ko ang dahon at nakangiting tumakbo palapit sa kanila para lang matalisod sa sobrang excited. Hindi ko napansin yung bato, eh.


“Chloe!”


“Ate Chloe!”


“Okay lang ako.” Kinuha ko yung batong nakatisod sakin. “Bakit ba nandito ka? Alam mo bang delikado ka para sa mga batang naglalaro dito?”


“Ate may dugo!”


Tiningnan ko ang tuhod ko. May umaagos nga na dugo. “Okay lang ‘yan, baby. Walang lalabas na elepante dyan o kaya kabayo o kahit na ano pang hayop o kahit na alien pa ‘yan.”


“Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat?” paninita ni Lei sakin.


“Nag-iingat ako, ah. Yung bato kaya yung hindi.”


“Bakit ayaw mo pang tumayo?”


“Hah? Tatayo—ay!” Bigla na lang niya kasi akong binuhat.


“Kendra, sumunod ka samin.” utos niya sa kapatid ko.


Napatingin na lang ako sa kaniya nang humakbang siya papunta sa…


Ewan ko kung sa’n niya ko dadalhin. Kahit maghapon pa niya akong buhatin, walang kaso sakin. Kahit paulit-ulit akong madapa, basta ba bubuhatin niya ko, okay na okay sakin. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam ngayong buhat niya ako. Hindi naman niya kailangang gawin ‘yon pero ginawa niya.


At dahil do’n, lihim akong napangiti.


At syempre, kinilig na naman ang puso ko.


Tumalon-talon pa nga, eh.


= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^