Wednesday, April 2, 2014

Dear Pusong Bato Series 1 : Bubbly Heart (Chloe) - Chapter 19



CHAPTER 19

( CHLOE’s POV )


“Kuya Lei, gusto ko nitong doll!”


“Kuya Lei, ito rin!”


“Kuya Lei, ito pang isang doll!”


Tahimik lang akong nakatingin kina Kendra at Lei. Tahimik kasi sinaway ako ni Lei kanina. Kandakasi naman ‘tong kapatid ko, pagpasok pa lang namin dito sa Toy Kingdom, kung anu-ano nang pinagtuturo kay Lei na toys. Ako naman ‘tong si mahiyain kuno dahil si Lei ang magbabayad, bawat ituturo ni Kendra, sinasabi kong mero’n na siyang gano’ng toy.


Ang dami na niya kayang laruan sa bahay nila. Yung tipong may sarili nang kwarto ang mga toys niya. Karamihan do’n puro dolls. Minsan nga pagpasok ko ng kwarto niya, hindi ko agad siya nakita dahil nakakalat ang mga dolls niya sa kwarto niya. Sa ka-cutan ng kapatid ko, napagkamalan ko siyang isa sa mga dolls niya.


At bago pa mapunta sa alamat ng manika ang sinasabi ko, yun nga, pinagsabihan ako ni Lei na hayaan ko na lang daw si Kendra. Siya naman daw ang magbabayad at hindi ako.


Kaya eto, dakila lang akong tagasunod sa kanilang dalawa habang tulak ang pushcart na halos mapuno na sa dami ng pinagtututuro ni Kendra. Tahimik ako pero hindi yung tahimik na iniisip ninyo. Tahimik kong kinukuhanan ng picture ang dalawa gamit ang phone ko. Wala lang. Remembrance. Wahehe!


Gusto ko din kasama ako kaya gamit ang front camera, kinuhanan ko ang sarili ko na kasama sila sa likuran ko. Naka-peace sign pa ako nang sakto namang tumingin si Lei. Muntik ko nang mabitiwan ang phone ko sa gulat.


“Anong ginagawa mo?”


Nilingon ko siya. “Selfie.” Tiningnan ko ang picture namin. Napangiti ako. “Ang gwapo mo pa rin kahit parang stolen ang shot mo.” bulong ko.


“Anong tinitingnan mo?”


Nabitiwan ko ang phone ko pero pushcart ang sumalo no’n. Lumingon ako sa likuran ko. I saw Lei. Paano siyang nakalapit agad? “Wala kong ginagawang masama.” Kinuha ko agad ang phone ko at tinago ‘yon sa likuran ko.


“Ba’t ang defensive mo?”


“Hindi, ah!”


“Kinukuhanan mo ba ko?”


“Hindi rin, ah!” sabay iwas ng tingin. Pigil ko ang ngiti ko. Para kasi siyang batang naagawan ng kendi sa itsura niya. Ang cute-cute niya! Una ko siyang nakita ng ganito ay nung Christmas party, nung nagcostume siya bilang King Endymion.


“Chloe.”


Tiningnan ko siya. Hindi ko na maitago ang ngiti ko. “Konti lang.” Pinaglapit ko pa ang hinlalaki at hintuturo ko.


Hindi na siya sumagot. Basta, nakatingin lang siya sakin. Nawala na ang ka-cutan niya. Napalitan ‘yon ng…


I don’t know how to explain the emotion I am seeing now. Parang… parang…


“Let’s go.” Kinuha niya ang pushcart mula sakin. Tinawag na rin niya si Kendra para bayaran ang mga toys niya.


I shrugged my shoulders. “Imagination ko lang siguro ‘yon.” Sumunod na ako sa kanila.


After naming bayaran ang toys este si Lei lang pala ang nagbayad, iniwan namin ang pinamili namin do’n. Ang dami kaya no’n, ang hirap magbitbit.


“Sa arcade naman po tayo.” sabi ng kapatid ko.


Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. “Wag kang bibitaw, ah. Maraming tao ngayon dito.” Christmas kasi kaya nagkalat ang mga tao.


“Pagkatapos po natin sa arcade, kainan naman po.”


Grabe talaga ‘tong kapatid ko, siya talaga ang nasusunod sa lakad na ‘to. Planadong-planado. First date dapat namin ‘to ni Lei, eh! Oo, yun ang plano ko ngayon, magde-date kami sa ayaw niya at sa gusto. Wahehe! Sa Enchanted nga dapat kami diba? Kaya lang, kasama ang kapatid ko at sa mall gustong pumunta ni Kendra.


Saka okay lang naman sakin kasi nakikita kong masaya ang kapatid ko. Sana lang ‘tong taong katabi niyang naglalakad, masaya din sa ginagawa namin.


Nagawa na kaya ni Lei ang ganito dati? Ang mamasyal ng ganito na parang normal na tao. Normal na tao naman siya sa tingin ko pero siya kasi yung tipo ng taong mas gugustuhing mag-stay sa office niya kesa ang mamasyal ng ganito. Hindi ko nga alam kung paano siya napapayag ng kapatid ko na pumunta dito sa mall at mamasyal.


Wala ba siyang trabahong dapat na tapusin katulad ng madalas niyang ginagawa? Nang tanungin ko kasi siya kanina, sinabi niyang wag na lang daw ako magtanong kaya hindi na ko nangulit. Ang mahalaga, sumama siya samin ni Kendra.


“Hey!” May narinig akong nagsabi no’n, pero sino? The next thing I knew, nasa harap ko na si Lei. He was shielding me from something. Nakatingin siya sa likuran niya.


“Anong nangyari?” tanong ko. Sinilip ko ang likuran niya. Hawak niya ang unahan ng malaking pushcart na may mga lamang plastic bags at nasa likuran no’n ang isang batang lalaki.


“Where are your parents?”


Bago pa makasagot ang bata sa tanong ni Lei, may lumapit na saming babae at lalaki. Mukha sila ang magulang ng bata dahil pinagalitan nila ang bata. At base na rin sa narinig ko, sumakay sa likuran ang bata at tinulak ang pushcart. Gawain ko ‘yon nung bata pa ako, eh. Nag-sorry ang mag-asawa samin dahil muntikan na kaming mabangga ng pushcart.


“Okay lang po.” Wala rin naman akong alam dahil nasa kabilang planeta ang isip ko kanina kaya hindi ko nakita ang paparating na pushcart na babangga samin.


“It’s not okay.”


“Lei, okay—”


“Next time, don’t allow your child playing around here na para ‘tong playground. This is a mall. Maraming tao dito. Paano na lang kung nakaaksidente siya or worse siya ang naaksidente dahil sa kapabayaan ninyo?” Hindi na niya hinintay na sumagot ang mag-asawa dahil umalis na siya. Hawak ang kamay ni Kendra, sinundan namin siya. Hindi ko man nakita ang mukha niya kanina, I know na inis siya dahil ‘yon ang tono ng boses niya kanina.


“Ate Chloe, ba’t tayo iniwan ni Kuya Lei?”


“Bilisan mo na lang ang hakbang mo, baby.” Kahit mabilis maglakad si Lei, naabutan naman namin agad siya ni Kendra dahil tumakbo na kaming dalawa. Humawak agad sa kamay niya ang kapatid ko.


“Kuya Lei, ba’t mo kami iniwan?”


Nilingon niya kami. And I’m right. Inis nga siya. Saglit pa siyang natigilan at napapikit nang mariin. Mukhang ngayon niya lang narealize na may kasama pala siya.


“Kuya Lei, excited ka nang pumunta ng arcade kaya nauna kami samin?”


Tumango na lang si Lei at ginulo ang buhok ni Kendra. He looked at me. And I don’t know why I have this urge to erase the look on his face. Gusto kong alisin ang inis na nasa mukha niya ngayon. And I don’t know why I smiled kahit alam kong baka ikainis niya pang lalo ‘yon.


Nakakahawa daw kasi ang ngiti. It can lighten up someone’s bad mood. Pero parang hindi naman ata eepekto sa kaniya ang pag-ngiti ko kaya bakit pa ko ngumiti? Kung nag—


Teka! Did I just saw what I just saw? I mean, tama ba yung nakita ko? Nawala yung inis sa mukha niya! Hindi siya ngumiti pero nawala yung inis sa mukha niya! Okay, paulit-ulit na naman ako.


“Let’s go.” Inakay na niya si Kendra. At syempre, dahil sa nakita ko, hindi agad ako nakasunod sa kanila at para akong tangang nakangiti habang nakatanaw sa kanilang dalawa, lalo na si likuran ni Lei. Pinagsiklop ko ang mga kamay ko na parang nagdarasal.


Ano bang nagawa kong kabaitan at ganito ako ka-swerte ngayong araw? Ang bait-bait ni Lei ngayon. Oo. Para sakin, mabait na siya ng lagay na ‘yan.


Lord, sana araw-araw na lang pong Christmas para araw na araw na lang pong ganyan si Lei. Hindi man siya ngumingiti, at least hindi siya yung taong nakilala ko noon na parang may galit sa mundo. I love you talaga, Papa God.



= = = = = = = =



“Wow! Pooh!” Sabay pa kaming nagkatinginan ni Kendra dahil sabay naming sinabi ‘yon. Kung may laser beam lang na pwedeng lumabas sa mga mata namin, baka lumabas na ‘yon.


Nginitian ko siya nang pagkatamis-tamis. “Baby, balato mo na sakin si Pooh.”


“Ate, marami ka na pong Pooh.”


“Marami ng toys na binili ang Kuya Lei mo kanina.”


“Gusto ko po niyan.” Hinawakan niya ang laylayan ng polo shirt ni Lei. “Kuya Lei, I want that.” Sabay turo kay Pooh na nakadisplay.


Niyuko ni Lei ang kapatid ko. “Kendra, hindi ko pwedeng bilhin ‘yan. You have to play the game to win it.”


“Then play ka po.”


Umepal na ko. “Baby, kailangang maka-shoot ng 25 balls in one minute, tapos do’n ka pa magshu-shoot.” Tinuro ko yung red mark sa floor ng mall.


Nandito kami sa tapat ng arcade. At dahil Christmas ngayon, may pakulo sila. Nasa three feet tall yung price na Winnie the Pooh. Tapos ang cute niya kasi nakasuot siya ng Santa Claus costume! Gusto ko ‘yon!


Kaya lang, mukhang ayaw naman nilang ipakuha si Pooh dahil sa mechanics nila. Hello! Ang taas nung ring! Kasing taas ata nung sa basketball court samin. Tapos yung layo ng red mark na tatayuan, parang mas malayo pa sa mark kung sa’n nag pi-free throw ang isang basketball player.


Tapos, shoot at least 25 balls in one minute?! Which means, in two seconds, maka-shoot ka na dapat ng isa! Eh, paano kung sumablay pa yung isa na ‘yon, tapos yung isa pa at yung isa pa? Edi, talo ka na! Sayang lang yung 50 peses na ibabayad mo. Hmp!


Pero hindi ako susuko! Ako ata si Chloe Salazar! Walang sinusukuan! Si Lei nga at ang kagaspangan ng ugali niya noon hindi ko sinukuan, ito pa kayang paborito kong si Pooh? Kumuha ako sa wallet ko ng pera at inabot sa nagbabantay.


“Maglalaro ako.”


“Kaya mo?”


Nilingon ko si Lei. “Watch and learn, husby este Lei.” Tumayo ako sa red mark. Pinagkiskis ko ang mga palad ko. Naglalaro ako ng basketball kapag trip namin ni Ren. Kaya kakayanin ko ‘to! Dapat lang basta para kay Pooh! Kahit hindi ko man siya makuha at least may ginawa ko para subukan man lang siyang makuha. Pero waaah! Gusto ko talaga siyang makuha!


And at the end of one minute…


“Ang gara naman.” reklamo ko habang pinupunasan ng panyo ang pawis ko sa mukha at leeg. “Dapat 10 balls lang, eh.” Naka-11 balls kasi akong na-shoot. Galing ko noh? Pero hindi magaling ‘yon dahil hindi ko makukuha si Pooh!


“Pero, miss, kayo yung pinakamaraming na-shoot sa mga babaeng naglaro dito ngayon. Karamihan sa kanila, wala pang walo.”


“Talaga?” Kulang na lang magningning ang mga mata ko sa sinabi ng staff ng arcade na nagbabantay. “Wala ba kong prize para do’n? Kahit si Pooh na lang, masaya na ko.”


“Eh, miss…” Napakamot pa siya ng ulo.


“Hayyy…” Nilingon ko si Kendra na nakaupo sa bench sa gilid. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. “Baby, paano ba ‘yan? Hindi ko nakuha, eh.” Balak ko pa namang ibigay ‘yon sa kaniya. Gusto ko si Pooh pero kung gusto ‘yon ng kapatid ko, magi-give way na lang ako. Nalukot tuloy ang mukha ni Kendra. “Ay, wait! Maglalaro uli ako, ah. Try and try until I succeed!”


“I will play.” Napalingon ako kay Lei. Prente lang siyang nakatayo sa gilid ni Kendra, nakasandal sa pader at nakapamulsa.


Hayyy… Bakit ba ang gwapo niya kahit wala siyang ginagawa? Saka mas bagay talaga sa kaniya ang suot niya ngayon kesa sa nakasuit siya. Nag-iibang tao kasi siya kapag suot niya ang suit niya at nasa office siya. Ang seryoso niyang tingnan. Basta iba ang aura niya.


Ilang beses ko na siyang nakita na nakapambahay nung nasa Antipolo pa lang kami at sa condo unit niya. Pero yung ganitong get up na polo shirt, jeans and shoes, napapabuntong-hininga na lang ako.


Parang yung kanina lang. Dumeretso muna kasi kami sa condo niya para makapagpalit siya ng damit pagkaalis namin sa bahay ampunan. At dahil naligo siya, naligo na rin ako dahil nagpalit lang naman ako ng damit kanina nang sumama ako kina mama sa pagsundo kay Kendra.


At isa pa! Hindi kami sabay naligo ni Lei kanina! Remember dalawa ang restroom niya sa unit niya? Teka, ang defensive ko naman!


Erase! Erase!


So yun nga, nagshort, tshirt na may naka-print na mukha ni Pooh at dollshoes ang sinuot ko. Nauna akong natapos kay Lei dahil binilisan ko ang kilos ko. Kaya paglabas niya, para akong tangang ewan na nakatingin sa kaniya kanina. Para kasi siyang model. Hayyy…


Muntikan ng tumulo ang laway kung hindi lang siya nagsalita no’n.


“Ano ba ‘yang suot mo? Naka-short ka na naman? Sa mall tayo pupunta, Chloe, hindi sa palengke.” paninita niya in a low voice.


Tinuro ko ang tuhod ko. “May sugat ako, eh. Saka uso naman ang ganitong get-up kapag pumupunta ng mall. Yung iba nga naka-slipper pa, eh. Yung iba parang nasa bahay lang. Iba na kasi ang panahon—“


“Let’s go.” Putol niya sa iba pang sasabihin ko.


Hayyy… Naalala ko tuloy ang nakakakilig na eksena nang buhatin niya ako kanina papunta sa clinic ng bahay ampunan. Walang tao sa clinic kaya siya na mismo ang gumamot ng sugat ko sa tuhod.


“Next time, titingnan mo ang dinadaanan mo. Para kang bata.”


Hindi ako sumagot dahil nakatutok ang atensyon ko sa ginagawa niya. Nakita ko na naman kasi ang side niyang ganito. Yung good side niya na parang may mood at nagpapakita lang kung kailan hindi ko inaasahan.


“Masakit po, Ate Chloe?”


Umiling lang ako sa tanong ni Kendra dahil nasa tuhod ko pa rin ang atensyon ko.


“Bakit ba kasi naka-short ka?”


Ang gentle-gentle naman niya. Parang ingat na ingat siya sa sugat ko.


“Chloe.”


Parang hindi siya ang kaharap ko ngayon.


“Chloe.” Naramdaman ko ang tapik sa binti ko. Napakurap ako at napatingin kay Lei. “Tinatanong kita.”


May tinatanong ba siya? Ba’t wala kong narinig? “Ano uli yung tanong mo, Lei?”


Napailing lang siya at hindi na inulit ang tanong niya. Tumayo na siya mula sa pagkakaluhod niya. “Let’s go.” Humawak agad sa kamay niya si Kendra. Nauna na silang lumabas. Nakangiting sumunod ako.


Hayyy…. Ano bang mero’n at ang bait-bait ni Lei ngayon? Hayyy… Kanina ko pa pala tinatanong ‘yon pero wala naman akong makuhang sagot.


“Ang galing-galing ni Kuya Lei, Ate Chloe!” Ang matining na boses na ‘yon ang nagpabalik sa naglalakbay kong isip na nakarating na naman sa ibang planeta. Saka ko lang napansin na para pa rin akong ewan na nakatingin sa pader na kinasasandalan ni Lei. Oo, sa pader! Dahil wala na si Lei sa pwesto niya!


“Ang galing ni Kuya Lei!”


“Ano bang sinasabi mo?” Sabay tingin sa tinitingnan ni Kendra. “Saka nasa’n na ba si—Lei!” Nakita kong nagshu-shoot si Lei ng bola sa ring! Teka! Kanina pa ba siya dyan? Kailan pa? Parang gusto kong sabunutan ang buhok ko. Kung sa’ng planeta na naman kasi pumunta ang isip ko, eh! Hindi ko tuloy naumpisahan ang laro niya!


Tiningnan ko ang digital clock para malaman ang oras niya. Waaah! Forty seconds na siyang naglalaro! Tiningnan ko ang score niya. Naka-17 balls na siya! At waaah! Dumadami yung taong nanonood sa harap namin at nahaharangan nila ang panonood ko! Hinawakan ko kamay ni Kendra at sumingit kami sa kanila. Aba! Asawa ako ng naglalaro noh! Dapat lang na nasa unahan ako! Ang magreklamo, pangit!


Five seconds left. Two balls left.


“Go, Kuyang pogi!”


“Pakakasalan kita, mashoot mo lang ‘yan!”


“Ang gwapo-gwapo mo!”


Hala, sinong mga pangit ang nagsalita no’n? Teka, hindi nila pwedeng pagpantasyahan ang asawa ko! “Go, husby! Get that Pooh for me, okay!”


Natapos ang five seconds. Natalo si Lei.


“Isang bola na lang, eh. Ba’t hindi pa na-shoot?” reklamo ko sa sarili ko habang nakatingin sa nakayukong si Lei habang nakahawak siya sa dalawang tuhod niya. He seemed so tired. At bago pa siya pagkaguluhan ng mga instant fans kuno niya kanina, nilapitan ko agad siya. Inabot ko ang panyo sa kaniya.


“No need.” No need eh pawisan na nga siya. “Bakit ka ba sumigaw kanina? Nawala tuloy ako sa focus ko.”


“Hah? Hindi kaya ako yung sumigaw kanina. I mean, sumigaw nga ako pero hindi ako ang nauna. Saka ba’t ka naman madidistract sa sigaw ko? Parang sigaw lang, eh. Ano namang nakakadistract do’n?”


Hindi siya sumagot kaya inabot ko uli sa kaniya ang panyo ko. Napilitan siguro siyang kunin ‘yon dahil halos ipagduldulan ko na ‘yon sa mukha niya.


“Nagbigay ka pa ng panyo, basa naman ng pawis mo.”


Napangiwi ako. Nagpeace sign ako. “Sorry.” Nakalimutan kong ginamit ko pala ‘yon kanina. Pero waaah! Ginamit niya pa rin yung panyong binigay ko!


“May girlfriend na pala, sayang.”


“I think, asawa na niya. Anak ata nila yung bata, eh.”


“Boyfriend nga naaagaw, asawa pa kaya.” Narinig ko pang nagtawanan mga babaeng ‘yon.


Tiningnan ko ang mga pangit na nagsalita na ‘yon. That serious look I gave to Leoni the first time we met, yun din ang binigay ko sa kanila. Tumalikod sila at umarteng parang walang nangyari.


“You know what, parang nakita ko na yung guy na ‘yon.”


“Talaga? Saan? Artista ba siya? Model?”


“Nakita ko na siya, eh. Nakita ko na siya sa… Aha! May picture siya sa kwarto ni Ate! Oo! Siya nga ‘yon! Lei Constantine! Hindi siya artista, hindi rin model pero sikat na businessman siya! Crush na crush siya ni Ate! Nag-OJT kasi si Ate sa company nila dati!”


“Talaga? Pwede bang magpa-picture sa kaniya?”


Nagku-kuwentuhan lang ba talaga sila o may ina-announe? Ang lakas naman kasi ng mga boses nila. Tiningnan ko si Lei. Nakayuko pa rin siya at napapailing. Malamang, narinig din niya ang mga sinabi ng mga babaeng ‘yon.


“Pati ba naman dito?” I heard him say that. And I have to do something. Ayokong pagkaguluhan siya dito ng mga babaeng ‘yon.


“Jack, let’s go.” may kalakasang sabi ko para iparinig sa mga babaeng ‘yon.


Dumeretso ng pagkakatayo si Lei at tiningnan ako. Nagtatanong ang mga mata niya.


“Gorabels na kako tayo, Jack.” Kumapit ako sa braso niya. At hinawakan ang kamay ni Kendra.


“Kuya—”


“Baby, quiet ka lang. Let’s go, Jack. Sumasakit yung tiyan ko sa mga naririnig ko, eh. Ang sensitive pa naman ng pagbubuntis ko sa second baby natin. Baka magka-spotting na naman ako nito.”


“Jack naman pala yung pangalan ‘yan, hindi Lei. Baka kahawig lang nung sinasabi mo.”


“Siguro nga. Tara na nga, girls. Baka pag may nangyari sa buntis na ‘yan, tayo pa ang sisihin.” Umalis na ang mga atribidang babae.


“Edi umalis din kayo.” I said. Nilingon ko si Lei at nginitian. “Ayos ba?”


I don’t know if I saw what I just saw. Ito na naman ako sa kung naghahalucinate ba ako o hindi. Pero parang nakita kong tumaas ang dalawang sulok ng labi niya. Para bang ngumiti siya…


“You smiled!”


“Let’s go.” Hinawakan niya ang kamay ni Kendra at nauna na silang naglakad sakin. Hinabol ko sila. Kumapit ako sa braso niya.


“Tama ba yung nakita ko?” Sinilip ko pa yung mukha niya. Wala na yung nakita ko kanina.


“Sino si Jack?”


“Si Jack Frost. Teka, wag mong ibahin yung usapan. Ngumiti ka ba talaga?”


“I’m tired, Chloe.”


Ibig sabihin lang, wag na kong mangulit. Kaya hindi na ko nangulit. Hindi ko rin namalayang nakahawak pa rin pala ako sa braso niya habang naglalakbay na naman ang isip ko sa nakita kong ngiti niya.


He smiled. Hindi man malapad na ngiti, labas ang ngipin at gums na ngiti, hanggang tengang ngiti, at least nakita kong tumaas ang dalawang sulok ng labi niya. At ang tawag do’n ay pigil na ngiti.


May himala, oh Lord!



= = =



( LEI’s POV )


Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin ng magpaalam si Kendra na pupunta siya ng restroom.


“Kaya mo na, baby?”


“Yes, Ate Chloe.”


“Hindi na kita sasamahan, ah. Isa lang naman ang entrance nitong restaurant, makikita ko naman…” Hindi pa tapos si Chloe sa sinasabi niya, umalis na agad si Kendra. “Halatang ihing-ihi na.” Tiningnan niya ko. And then she smiled as she started to eat.


“You smiled!”


“Let’s go.”


“Tama ba yung nakita ko?”


“Sino si Jack?”


“Si Jack Frost. Teka, wag mong ibahin yung usapan. Ngumiti ka ba talaga?”


Ngumiti nga ba talaga ako kanina? Hindi ko alam. Hindi ko napansin.


Napatigil ako sa pagsubo nang makarinig ako ng komosyon na parang nagmumula sa gawing pinuntahan ni Kendra. Napatayo ako bigla lalo nang makita kong may babaeng may bitbit na aso na papunta sa gawi namin. Mukha siyang natataranta sa itsura niya lalo nang sabihin niyang may batang inaatake sa restroom!


“Oh my God! Si Kendra!” Mabilis na tumakbo si Chloe. Gano’n din ang ginawa ko. “Tumabi nga kayo!” Hinawi niya ang mga taong nasa labas ng restroom. “Oh my God! Kendra!” Nakaupo si Kendra sa sahig at hawak ang dibdib niya. “N-nasa’n na yung… Nasa’n na yung ano mo?! Yung sa bibig mo!” Hinalungkat niya ang bag niya. “M-meron ako dito no’n, eh… Nasa’n ka na ba?! Nasa’n na?! Tumawag na kayo ng ambulansya, ano ba?!”


Kinuha ko ang bag niya at hinanap ang gusto niyang hanapin. Nakita ko agad ‘yon. Inilagay ko agad ang inhaler sa bibig ni Kendra. “Kendra, breath.”


“Lei, dalhin na natin siya sa ospital…” Tinagtag ni Chloe ang braso ko.


A few seconds passed nang maging okay na si Kendra.


“Lei, dalhin na natin siya sa ospital…” Patuloy pa rin sa pagtagtag si Chloe sa braso ko. Umiiyak din siya.


“She’s okay, Chloe.”


“She’s not okay!”


Kumunot ang noo ko nang makita ko ang reaksyon niya. Parang nakita ko na ang ganyang reaksyon niya noon. Tama. Ganyan din ang reaksyon niya ng atakihin ako ng allergy ko at sabihin ni Tim na okay na daw ako.


“Sorry… Dalhin na kasi natin siya sa ospital…”


“Let’s bring her to the clinic. Malayo ang ospital dito.” Binuhat ko si Kendra. “Get your things and get up.” Mabilis naman niyang ginawa ang inuutos ko kahit halatang natataranta siya. Hinawakan ko pa ang kamay niya para lang makatayo siya. Hindi siya bumitaw sakin kaya ramdam ko ang panginginig ng kamay niya.


“Take us to the clinic.” utos ko sa guard na nasa labas ng restroom. “Yung babaeng may dalang aso kanina, I’ll deal with her later. Wag na wag ninyo siyang paalisin sa lugar na ‘to. At kayo,” baling ko sa mga taong nasa labas ng restroom. “Nakita ninyo na ngang hindi makahinga ang bata, wala pa kayong ginawa.” Lumabas na kami ng restroom ni Chloe.


Pagdating namin sa clinic, hindi pa rin mapakali si Chloe sa kinauupuan niya. Hindi na siya umiiyak pero bulong naman siya ng bulong. Hindi na ko nakatiis.


“Chloe.”


“Sorry.”


“She’s okay now.”


“I know. Pero hindi dapat nangyari ‘to, eh. Naulit na naman. Paano na lang pag nalaman ‘to nila mama?”


“Naulit?”


“Like you may allergy siya sa balahibo ng aso at pusa.  Pero si Kendra, kapag nag-expose siya sa gano’n, umaatake ang asthma niya. Lagi akong may dalang inhaler sa bag ko, kasama ko man siya o hindi. Tapos wala naman akong nagawa, ang tanga-tanga ko! Lagi na lang akong nagpa-panic. Nakakainis! Paano na lang kung may masamang nangyari sa kaniya like two years ago? Paano na lang kung…”


Tiningnan niya ko. Umiiyak na naman siya. “Paano na lang kung wala ka dito, Lei? Paano na lang kung hindi kita kasama? Anong gagawin ko?”


“Chloe.” Shit! Ano bang gagawin ko? Damn! Ayoko ng ganito! Hindi ako sanay ng ganito na may babaeng iiyak sa harap ko at tatanungin kung anong gagawin niya. Hindi—


She hugged me. “Lei, sorry… Sana nakinig ako kay Lolo no’n na wag kong dadalhin si Snow pero hindi ko talaga siya maiwan, eh… Mahal na mahal ko kasi si Snow… Regalo kasi siya sakin ni papa… Kapag kasama ko siya, parang kasama ko na rin si papa… Hindi ko gustong atakihin ka ang allergy mo no’n… Hindi ko gustong may masamang mangyari sa’yo…”


Yung mga huling sinabi niya, bakit parang naaapektuhan ako? Chloe, ano ba talagang ginagawa mo sakin?


“Kung ni-lock ko lang yung kwarto ni Snow sa bahay no’n, hindi sana makakapasok si Kendra… Hindi sana siya aatakihin ng asthma niya… Ni wala akong magawa no’n dahil first time ko siyang nakita ng gano’n… Wala kong ginawa… Nakatingin lang ako sa kaniya… Naalala ko kasi papa nung naghihingalo na siya na parang nauubusan siya ng hininga… Akala ko… akala ko mauulit na naman…”


“Tapos ngayon, nagpanic na naman ako… Kasalanan ko ‘to, eh… Dapat sinamahan ko siya sa restroom kanina…” Naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap niya sakin.


Hindi ko alam pero kusang umangat ang mga kamay ko papunta sa likuran niya. “It was not your fault, Chloe.” Sinabi ko ba ‘yon? Kasalanan naman niya talaga dahil hindi niya sinamahan si Kendra. Kasalanan naman talaga niya dahil nagpapanic agad siya. Pero bakit sa halip na sisihin ko siya just like what I used to do sa mga taong nagkakamali, iba ang sinabi ko?


“You were just afraid. But next time na mangyari uli ‘to, you shouldn’t panic. Isipin mo, if you’ll just stand and do nothing, you’ll just worsen the situation. You should focus, Chloe. Keep that in your mind.” Ako nagpapayo? I’m not this. Hindi ako ‘tong nagsasalita. Hindi ako ganito. Pero… Shit! Ewan ko ba!


“Thank you, Lei…”


Humiwalay siya sakin. Teka, bakit parang ayokong humiwalay siya sakin? Ano ba ‘tong pumapasok sa isip ko? Nasisiraan na ba ko? Ang dapat sakin, nasa office at ng hindi kung anu-ano ang naiisip ko.


“Yung panyo ko…”


Chloe was looking for her handkerchief habang nakahawak siya sa ilong niya. Inabot ko ang tissue box sa table na nasa gilid ko at binigay sa kaniya. Kumuha siya do’n at inilagay sa ilong niya at…


“Chloe.” Ang lakas niyang suminga.


Tiningnan niya ko. “Sorry.” She was still worried. That face. Ganyan ang ekspresyon niya nung nagka-allergy ako, nung na-ospital ako. Ganyan siya tuwing nag-alala siya sakin.


Nag-alala siya sakin? Pero bakit? Hindi ko siya ka-ano-ano para mag-alala siya. Asawa ko siya, oo, pero sa papel lang. Bakit kailangan niyang mag-alala sakin? Damn! Paulit-ulit na lang ako sa tanong ko!


“Excuse me, Ma’am, hinahanap po kayo ng kapatid ninyo.” sabi ng nurse na lumapit samin.


Mabilis na tumayo si Chloe at pumunta kay Kendra. Sumunod naman ako sa kaniya.


“Baby, okay ka lang ba? Sorry, ah. Hindi kasi kita sinamahan sa restroom kanina. Promise, hindi ko na uli gagawin ‘yon. Anong masakit sa’yo? Masakit ba ang dibdidb mo? Anong gusto mo? Kahit ano, bibilhan kita sabihin mo lang. Gusto mo ba ng—”


“Chloe.” Kung hindi ko pa kasi siya pipigilan, baka abutin pa kami ng siyam-siyam bago siya matapos sa sasabihin niya. “Are you okay, Kendra?”


“Opo, Kuya Lei. Ate Chloe, gusto ko po si Pooh na Santa. Dalawa.”


Nagkatinginan kami ni Chloe.


= = =


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^