CHAPTER
20
( CHLOE’s POV )
“Ang cute-cute mo talaga, Frosty!”
Pinanggigilan ko pa ang pisngi niya.
“Ate, para kang baliw dyan!”
Nilingon
ko si Nicky na pababa ng hagdan. “Same
to you, Nicky!”
Binelatan
niya lang ako. Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko. “Bakit ba kasi Frosty ang pangalan niyan? Snowman ba ‘yan? Si Pooh
‘yan, eh. Si Pooh na Santa. Dapat ang pinangalan mo dyan…” Hinimas niya ang
baba niya at tumingala sa ceiling.
“Ano?”
“Hmm… Sanpooh! Oo nga! Sanpooh!”
“Chakaness naman! Ginawa mo namang
shampoo ‘tong si Pooh!”
“Bagay naman, ah. Kesa naman sa Frosty,
hindi naman snow man yan.”
“Walang basagan ng trip.”
“Fine.”
Nagpipi-pindot na siya sa phone niya.
Tiningnan
ko si Frosty. I smiled when I thought of what happened the other day, minus the
asthma attack. Grabe talaga. Buti na lang nando’n si Lei. Nataranta na naman
kasi ako kaya hindi ko agad nahanap yung inahaler na lagi kong dala sa bag ko.
“It was not your fault, Chloe.”
“You were just afraid. But next time
na mangyari uli ‘to, you shouldn’t panic. Isipin mo, if you will just stand and
do nothing, you’ll just worsen the situation. You should focus, Chloe. Keep
that in your mind.”
Niyakap
ko si Frosty. Feeling ko si Lei ang yakap ko. Niyakap niya ko although ako ang
unang yumakap sa kaniya pero hindi niya ko tinulak, he hugged me back. Mas lalo
akong napangiti.
At
itong si Frosty, ito yung prize sa basketball game sa arcade. Dalawa ‘to, na
kay Kendra yung isa. Kaya pala dalawa ang gusto niya, tag-isa daw kami. Ang
sweet talaga ng kapatid ko. Pero mas sweet si Lei dahil two times siyang
naglaro para makuha yung dalawang Pooh. Nagpahinga lang siya ng ten minutes in
between the game.
Bakit
Frosty? Kasi naman, nung sa second game na at maglalaro na si Lei, nando’n na naman
yung mga instant fans kuno ni Lei. Napa-sigaw tuloy ako ng Jack Frost ng wala
sa oras, si Lei ang tinutukoy ko no’n. Sinenyasan ako ni Lei no’n na tumahimik
ako kaya tumahimik talaga ko the whole game. And prente, he won! And I got
Frosty! Ang Christmas gift niya sakin! Pero syempre, ako lang ang nag-assume na
gift niya sakin ‘yon, wahehe!
“Para kang baliw, Ate. Nakangiti kang
mag-isa dyan, wala namang nakakatawa.”
Hindi
ko pinansin si Nicky. Tumalikod ako ng upo sa kaniya.
“Baka magselos si Snow kay Frosty. Sige
ka, kainin niya ‘yang si Frosty.”
Sinilip
ko si Snow na mahimbing na natutulog sa baba. “Mas love ko siya kay Frosty.”
“Noon ‘yon. Pero dahil si Kuya Lei ang
nagbigay ng Frosty mo, mas love mo na siya.”
“Hindi ko love si Lei, ah!”
sabay lingon sa kaniya.
Kumunot
ang noo niya. “Wala naman akong
sinasabing si Kuya Lei ang love mo.”
“Sabi mo siya.”
Natawa
siya. “Slow naman. Yung siya na
tinutukoy ko, si Frosty ‘yon.” Sinundot niya ang tagiliran ko. “Ayiih! Si Ate! Namimiss na agad si Kuya
Lei!”
“Tigilan mo ko, Nicky.”
Tumayo ako at lumipat sa kabilang sofa. Patuloy pa rin sa panunukso si Nicky
kaya binato ko siya ng throw pillow na ibinalik niya rin sakin.
“Bakit kasi hindi ka sumama sa kaniya?
Asawa ka naman niya.”
Tiningnan
ko si Frosty. “Hindi ‘yon bakasyon,
business ang aasikasuhin niya do’n.”
“Kung ako sa’yo, sumama na ko.”
“Edi sundan mo siya sa Korea.”
“I’m not his wife. Saka ba’t ko siya
susundan?”
“Ewan ko sa’yo.”
“Pero, Ate, seryoso, namimiss mo siya
noh? Kanina ka pa kasi hindi mapakali dito sa bahay, parang kahapon lang.”
“Nicky, bakit ba ang—”
“Anong namimiss mo sa kaniya? Ang
kasungitan niya o ang kasungitan niya o ang kasungitan niya?”
Saka
ko lang siya tiningnan. Nginitian ko siya nang pagkatamis-tamis. “Bakit ko sasabihin sa’yo? Ikaw nga dyan,
hindi nagku-kwento ng lovelife mo, eh. Magkwento ka muna.”
Nagpipipindot
na naman siya sa phone niya. “Wala ko
no’n, ah.”
“Wala daw? Eh sino yung lalaking
pinagku-kwentuhan ninyo ni Demi?” Yung classmate-bestfriend
niya ang tinutukoy ko na nakatira din dito sa subdivision namin.
“Wala lang ‘yon.”
“Wala talaga?”
Tumayo ako at lumapit sa kaniya. And it’s my turn para siya naman ang tuksuhin
ko. Sinundot ko ang tagiliran niya.
“Ate naman, eh!”
“May boyfriend ka na noh!”
“Wala, ah!”
Todo ang pag-iling niya. Tumayo siya at iniwan ako.
“Nicky, share mo na!”
“Hindi tayo close!”
“Hindi rin kita kapatid! Ampon ka
lang! Pinulot ka lang sa basurahan!”
Nilingon
niya ko at binelatan. Tinawanan ko lang siya. Wala na siya sa paningin ko, unti-unti
ring humina ang pagtawa ko hanggang sa mawala ang pag-ngiti ko. Kinuha ko si
Frosty at nakipagtitigan sa kaniya. Niyakap ko siya at isinandal ang ulo ko sa
sofa. I closed my eyes na agad ko ding idinilat dahil mukha ni Lei ang nakita
ko.
Waaa!
Bakit siya yung nakita ko? Ipinikit ko uli ang mga mata ko. Wala naman siya,
ah. I opened my eyes again. I pouted. “Ang
weird.”
“Aminin mo na kasing namimiss mo si
Kuya Lei, Ate! You like him na kasi! Or maybe more than that!”
Nilingon
ko si Nicky. Ulo lang niya ang nakita ko dahil nakasilip siya. Tumayo ako na
sinabayan niya ng takbo. Pero sa halip na habulin ko siya, lumabas ako ng
bahay. Pupunta na lang kila mama kesa kausapin ang kapatid kong baliw. Kung
anu-anong pinagsasasabi. Nagugutom siguro ‘yon.
= = = = = = = =
“Ilang araw ba si Lei sa Korea?”
Nilunok
ko muna ang kinakain ko bago sagutin si mama. “Three days, ‘Ma. Sa isang araw pa ang uwi niya.” I sighed. Binitiwan ko ang kinakain kong
banana cue at nilapag sa plato.
“Okay ka lang, Chloe?”
“Okay lang po.”
“Kamusta ang buhay may asawa?”
“In our case, medyo mahirap. Mas
mahirap sa side ni Lei dahil ayaw niya nito. Hindi naman ako masyadong
nahirapan dahil tanggap ko ang kasal na ‘to.” Mas carry kong
pagkwentuhan ang mga ganitong bagay kay mama kesa kay Nicky.
“Inaalagaan ka ba niya?”
Napangiti
ako nang maalala ko yung mga ginagawang kabaitan ni Lei sakin. “Yes, ‘Ma. Kahit gano’n si Lei, mabait rin
naman siya. Pansin ninyo, malapit ang loob niya kay Kendra.” Hindi ko nga
alam kung bakit, eh.
“Masaya ka ba?”
Mas
lalo akong napangiti nang maalala ko yung mga bagay na nakakapagpangiti sakin
na si Lei ang dahilan. “Opo.”
“Hanggang kailan?”
“Po?”
Nilingon ko si mama na nagluluto ng banana cue. Nagrequest daw si Kendra para
sa merienda. Hindi ko makita ang mukha ni mama dahil bahagya siyang nakatalikod
sakin.
“Alam nating lahat na hindi pabor si
Lei sa kasal ninyo. Hanggang kailan ang pagsasama ninyo?”
“Mama…”
May alam ba siya?
Saka
lang ako nilingon ni mama. “Nang ikasal
kami ng papa mo, we decided na maghihiwalay rin kami pagkatapos ng kalahating
taon. Hindi naman gusto ang isa’t isa, Chloe. Pero hindi nangyari ang
paghihiwalay namin because we fell for each other. It would be great if the
both of you fell for each other, too. Pero paano kung isa lang? I don’t want
you to get hurt.”
“Mama, hindi naman… I mean, walang
gano’ng samin kaya walang masasaktan. Di ako masasaktan.”
“You are my daughter, Chloe. I know
you inside and out. Alam ko kapag natutuwa ka lang sa isang tao o hindi. And
you’re different with Lei. When you’re with him, kakaiba yung saya na nakikita
ko sa’yo. Kapag kinukwento mo siya samin ng lolo mo, kakaiba yung tono ng boses
na naririnig ko sa’yo. Hindi ka pa kasi nagmamahal, Chloe, kaya hind ka aware
sa nararamdaman mo.”
“Mahal ko kayo.”
“Wag kang pilosopo, Chloe. Seryoso
ako.”
I
sighed. Tumingin ako sa banana cue na nasa plato ko. ”I care for him, that’s all. Ang dami niya kasing pinagdaanan na hindi
na maganda at gusto kong burahin ‘yon. I promise myself that I’ll take care of
him.”
“Until when?”
“Basta po.” Until
that day na maghiwalay na kami.
Hindi
ko na narinig na nagsalita si mama. Napahawak ako sa dibdib ko. Ba’t parang ang
bigat? Yung mga sinabi ni mama, yung mga sinabi ko, bakit parang ang bigat sa
pakiramdam?
“May itatanong ako sa’yo, Chloe.
Sagutin mo ng totoo. Kapag nagsinungaling ka, pangit ka. Pangit pa magiging mga
anak mo.”
“Ma naman!”
Seryosong usapan daw, ah?
“Sasagutin mo o hindi?”
“Oo na po.” Sana
lang, wag niya kong tanungin ng tanong na ‘yon. Hindi ko alam ang isasagot ko.
Hindi ko alam—
“Nakatulog ka ba ng mahimbing kagabi?”
Nakahinga
ako ng maluwag. “Hindi masyado.”
“Oo o hindi lang.”
I
pouted. “Hindi po.”
“Malungkot ka ba?”
Kahapon
ko pa nararamdamang parang malungkot ako. “Yes.”
“May hinahanap ka ba?”
Parang
nga. “Yes.”
“May gusto ka bang makita?”
I
sighed. “Yes.”
“Ma—”
“Oops!” Tinaas
ko ang kamay ko para pigilan ang pagtatanong pa ni mama. “Kotang-kota na kayo, ‘Ma sa mga tanong ninyo.” Mabilis akong
kumuha ng plastic at ibinalot ang banana cue na nasa plato. “Baboosh, ‘Ma!”
Pupunta
na lang ako kina Ren. For sure, hindi ako gigisahin ng babaeng ‘yon.
= = = = = = = =
Mukhang
hindi nga ako gigisahin ni Ren sa mga tanong niya pero para namang may sariling
mundo ang bestfriend ko at ang kaibigan niyang si Tom. Parehas silang may
binabasa nang abutan ko sila ngayon sa sala ng bahay nina Ren.
“Hello earthlings!”
bati ko sa kanila sabay upo sa single sitter.
“Oh hi, best!”
Inangat niya lang saglit ang ulo niya para tingnan ako, pagkatapos ay ibinalik
na uli niya ang tingin niya sa binabasa niyang libro. Nanlaki ang mga mata ko when
I saw the cover of the book.
“Waaah! Wizard’s Tale! Patingin!”
Kinuha ko ang libro na hawak ni Ren. “Kailan
ka pa bumili nito? Ba’t hindi mo ko binilhan? Ang daya mo talaga!”
Bubuklatin ko na sana ang libro pero nawala na ‘yon sa kamay ko. Pagtingin ko
sa kung sinong kumuha no’n, hawak na ‘yon ni Tom.
“Malukot mo naman.”
Wala na yung binabasa niyang dyaryo, na kay Ren na ‘yon.
“Don’t tell me sa’yo ‘yan?”
Tumango-tango siya. “Ang daya mo naman!
Naunahan mo pa kami ni Ren na bumili niyan!” He just smirked. “Patingin lang!” Hindi ko ‘yon nakuha
dahil naunahan naman ako ni Ren.
“Wag kayong magulo. Hindi ko pa tapos
basahin, eh.” Binalik niya uli ang dyaryo kay Tom. “Yan ang basahin mo. At ikaw, best,”
Kinuha niya ang isang magazine sa center table at inabot sakin. “Yan muna ang basahin mo. Wag ninyo akong
istorbohin.” Nagsimula na siyang magbasa.
(
A/N: Grab your copy of Wizard’s Tale written by AegyoDayDreamer sa NBS and
Pandayan’s store. It’s worth buying for kasi halos lahat ng genre, nando’n na.
Lalo na yung mga mahilig sa fantasy dyan. This year na din ia-out ang book two
niya, wala pang definite date. Shems! Excited na koooo! )
“Nahawa na sa virus ni Tom.”
bubulong-bulong na sabi ko nang bumalik ako sa upuan ko. Pero yung magazine
naman na binigay ni Ren, nabasa ko na kaya binalik ko lang din sa lagayan.
Humalukipkip ako habang nakatingin sa dalawa.
“Kamusta kayong dalawa?”
Hindi nila ko pinansin! “Huy! I’m
talking here! Kausapin ninyo ko!”
Saka
lang ako tiningnan ni Ren. “Wag kang
maingay.”
“Kasi nagbabasa ka.”
“Kasi natutulog si Lola.”
I
pouted. “I’m bored.” Wala akong
nakuhang reaksyon mula sa kanila. “Tom,
kwentuhan tayo.”
“I’m reading, Chloe.”
“Oo nga. Pero bawal ka lang istorbohin
pag libro lang naman ang binabasa mo.”
“I’m reading a book.”
Sabay silip sa binabasang libro ni Ren.
Tumayo
ako. “Makabili na nga lang ng kausap.”
“Uuwi ka na?”
tanong pa ng bestfriend ko.
“Papasok pa lang.”
Sabay labas ng bahay nila.
“Ren, may nabasa ko dito sa dyaryo.”
“Ano ‘yon?”
“Joke ‘to, wag kang tatawa, hah.”
I
pouted when I heard them talking as I went out of the house. “Bawal daw istorbohin, pero nag-usap naman
sila. Ang sama talaga ng dalawang ‘yon.” Tumingala ako sa langit paglabas
ko ng gate nila.
“Where do I go next?”
Nilingon ko ang likuran ko na parang may back pack akong nakikita. “Back pack, where do I go next?” Walang
sumagot kasi wala naman akong back pack, at mas lalo namang hindi ako si Dora
para magsalita ang back pack ko kung mero’n man.
Binuksan
ko ang payong ko at nagsimula na uli akong maglakad. Alas kwatro na ng hapon
pero medyo masakit pa rin ang sikat ng araw.
“Ang bigat mo kasi, Dems. Na-flatan
tuloy tayo.”
“What? I’m not mabigat!”
“Wala kong sinabi. Gutom ka na?”
“Yap, I’m hungry na.”
“What do you want to eat?”
Napatingin
ako sa babae at sa lalaking masasalubong ko. Hawak ng lalaki ang payong habang
nakaakbay siya sa babae.
“Anything basta masarap.”
“Ako din, anything basta masarap!”
Pang-eepal ko sa kanila. Napatingin sila sakin.
“Hi, Ate Chloe!”
“Hi, Demi!”
Siya ang bestfriend ni Nicky.
“Hi to myself!”
sabi nung lalaki.
Natawa
kaming dalawa ni Demi. “Ba’t kayo
nandito?” tanong ko. “Hindi naman
kayo taga-dito, ah.”
“Bakit ka rin nandito?” balik
tanong ng lalaki. “Hindi ka naman
taga-dito, ah. Nasa’n na yung asawa mo? Iniwan ka na—ouch! Dems naman!”
Siniko kasi siya ni Demi.
“You’re so tsismoso kasi.”
“Parang ikaw, hindi.”
Pinisil pa ng lalaki ang ilong ni Demi.
“Mga bata, bawal mag-PDA dito. Alam
ninyo bang nasa batas ‘yon ng baranggay na ‘to?”
“Ako yung kapitan, pinabago ko na.
Saka, hindi na ko bata. I’m already twenty one, itong katabi ko lang yung bata.”
“Zyruz!”
Tinawanan
lang ni Zyruz si Demi. “I’m just kidding,
Dems. Ang cute-cute mo kasi kaya para kang highschool!” Pinanggigilan pa ni
Zyruz ang pisngi ni Demi. Nabitiwan niya tuloy ang hawak niyang payong.
At
mukhang out of place ako dito kaya nilagpasan ko na sila. Tinawag pa ako ni
Demi pero sinabi kong uuwi na ko. Nakakalayo na ko nang lingunin ko sila. Hawak
ni Zyruz ang kamay ni Demi habang naglalakad sila. Napatingin ako sa kamay ko.
“Ba’t parang may kulang?” I
sighed. Kinuha ko ang phone ko. Ilang segundo pa kong nakatingin sa number na
nasa screen ng phone ko nang tawagan ko ‘yon. Ilang beses munang nag-ring bago
may sumagot.
“Hello, Ma’am Chloe.”
“Hello, Cyrish.”
= = = = = = = =
Inilibot
ko ang tingin ko sa unit ni Lei. Pagkagaling kina Ren, dumeretso ako ng bahay
para magpalit. Pagkatapos, lumuwas na ko ng Makati. Dito sa condo unit ni Lei.
Wala akong susi pero binuksan ng staff ang unit ni Lei dahil alam naman nilang
asawa ko siya.
Umupo
ako sa couch at niyakap si Frosty. Siya muna ang kasama at kausap ko dahil
hindi ko pa rin pwedeng dalhin si Snow dito. Naramdaman kong kumalan ang
sikmura ko. Tumayo ako habang yakap pa rin si Frosty at dumeretso ng kusina.
Nilapag ko siya sa kitchen table.
Nilibang
ko na lang ang sarili ko sa pagluluto ng makakain ko for dinner. At habang
naghihiwa ng patatas, pasulyap-sulyap ako kay Frosty kaya ang kinalabasan…
“Ouch!”
Itinapat ko agad sa gripo ang daliri kong nahiwa. Medyo malalim siya pero
parang wala lang sakin. Napapangiwi lang ako. Hindi naman ako nagpapanic kapag
ako ang nasasaktan. Kapag ibang tao, lalo na ang mahahalaga sakin, do’n ako
nagpapanic.
Hinanap
ko sa kwarto ni Lei ang first aid kita na ginamit ko dati. After kong gamutin
ang sugat ko at tapalan ng gauze, bumalik uli ako ng kusina. Hindi na ko
nagluto. Kumuha na lang ako ng de lata sa cabinet at hinintay ko na lang na
maluto ang kanin na sinalang ko sa rice cooker kanina.
Nang
maluto na ‘yon, nagsandok na ko sa plato. Bago sumubo, kinuha ko muna ang phone
ko at nagtext.
Don’t forget to eat your dinner, Lei.
Simula
kahapon, lagi ko siyang tinetext, pagkagising sa umaga, bago kumain at bago
matulog. Nagrereply ba siya? Kailangan pa bang itanong ‘yon? Syempre, hindi.
Pagkatapos
kong kumain, hindi ko muna hinugasan ang pinagkainan ko. Pumunta ko sa sala,
sinalang ang cd ni Pooh at nanood habang yakap si Frosty. Fifteen minutes had
passed nang magsawa rin ako. Pumunta na lang ako sa kwarto ni Lei at hinanap
ang laptop ko. May wifi ang unit ni Lei kaya naka-connect agad ako. Alam ko
yung password dahil minsan ko nang tinanong sa kaniya ‘yon.
Nag-facebook.
Nag-youtube. Nag-blog. Nag-tumblr. Hanggang sa makarating ako sa wattpad kung
sa’n ako nagtagal. Pero ilang oras lang dahil nagsawa din ako. Humiga na lang
ako sa kama ni Lei, dumapa, tumihaya at nakipagtitigan sa kisame.
“Ano ba? Kahapon ka pa, Chloe. Ba’t
hindi ka mapakali?”
“Aminin mo na kasing namimiss mo si
Kuya Lei, Ate! You like him na kasi! Or maybe more than that!”
“Nang ikasal kami ng papa mo, we
decided na maghihiwalay rin kami pagkatapos ng kalahating taon. Hindi naman
gusto ang isa’t isa, Chloe. Pero hindi nangyari ang paghihiwalay namin because
we fell for each other. It would be great if the both of you fell for each
other. Pero paano kung isa lang? I don’t want you to get hurt.”
“You are my daughter, Chloe. I know
you inside and out. Alam ko kapag natutuwa ka lang sa isang tao o hindi. And
you’re different with Lei. When you’re with him, kakaiba yung saya na nakikita
ko sa’yo. Kapag kinukwento mo siya samin ng lolo mo, kakaiba yung tono ng boses
na naririnig ko sa’yo. Hindi ka pa kasi nagmamahal, Chloe, kaya hind ka aware
sa nararamdaman mo.”
Bumalikwas
ako ng bangon. “Waaah! Ano bang sinasabi
nila?” Parang sira na sinabunutan ko ang buhok ko. “Kailangan ko ng kausap! Mababaliw ako nito!” Kinuha ko ang phone
ako at tinawagan si Ren. At habang hinihintay siyang sumagot, napatingin ako sa
wall clock. Alas onse na ng gabi!
I
cancelled my call. Humiga uli ako. I closed my eyes pero mukha ni Lei ang
nakita ko. I opened my eyes. “Waaah! Ano
bang nangyayari sakin?” Napahawak ako sa dibdib ko. “Heart, ano bang problema mo? Nakakainis ka na!” Dumapa ako at
pinagpapapalo ang unan.
“Kailangan ko ng kausap! Kausapin
ninyo ko!” Nilingon ko si Frosty. “Frosty, kausapin mo naman ako. Mababaliw na ko, eh…” Ibinaon ko
ang mukha ko sa unan. “Sino bang pwede
kong kausapin sa ganitong oras na hindi sila maiistorbo?” Tiningnan ko ang
laptop ko.
“Ano ‘yang website na tinitingnan mo?”
“Ah, ito po ba? It’s a site where you
can share your heart problems po.”
“Heart problems? Edi kung may heart
disease pala, pwede dyan. Heart problems, eh. Uy, joke lang, Wag mong
seryosohin. So, ahm, magshe-share ka lang ng heart problems? Yun lang?”
“Nope, Ma’am Chloe. Makakausap mo via
chat yung admin slash creator slash councelor ng site. Siya yung nagpapayo sa
mga napapadpad sa site.”
“Nice naman. Kaya lang ang gara nung
pangalan ng site. Buti may nagshe-share ng heart problems dyan.”
“Yun nga po yung nakakaakit sa mga
tao. Naku-curious sila sa name kaya sinusubukan nila.”
“Kaya lang paano siya nakakapagpayo
kung pusong bato naman pala siya? Weird.”
Napabalikwas
ako ng bangon nang bigla na lang pumasok sa isip ko ang usapan namin na ‘yon ni
Cyrish dati. “Tama! Siya na lang ang
kakausapin ko!”
Tinayp
ko sa web address ang pangalan ng site na sinasabi ni Cyrish.
When
I saw the website, napa- “wow!” na
lang ako. Ang astig ng design ng website. It’s hard to explain basta ang astig.
May chatbox sa right side. May forum din pero ang creator lang ng site ang
pwedeng gumawa ng topic. May mga article about love. May mga inspiring love
stories from different senders.
Tama
nga si Cyrish, hindi lang siya basta magshe-share ka ng problema mo at may
magpapayo sa’yo. Pwede ka ring magshare ng inspiring love stories based on your
experience. And it’s your choice kung magreregister ka o hindi. Nagregister
ako.
Nasa
gitna ang name ng site na Dear Pusong Bato. Sa lower part, may dalawang tabs
namely CHAT and SHARE. Sa gilid lang ng word na CHAT, ayon kay Cyrish
mag-aappear ang little circle na color light green kung online yung admin,
parang sa facebook and wattpad lang.
At
ang swerte ko nga naman, online ang admin! Online si Pusong Bato! Kapag tinapat
ang cursor sa tab na CHAT, may lalabas downward na dalawang choices: As one and
As a group. Kapag chat as one, yung admin lang ang makakausap mo. Kapag chat as
a group, pati yung ibang naka-online na members makakausap mo.
Sa
tab naman na SHARE, pag tinapat ang cursor sa kaniya, gano’n din, may lalabas
downward na dalawang choices: Send a letter for advice and Send a letter to
inspire. At bakit kailangan ko pang mag-send ng letter for advice kung pwede ko
namang kausapin mismo ang admin. Yun nga ang ginawa ko. I clicked the CHAT: As
one. May lumabas sa screen ko na chatbox. Kasing laki ng chatbox sa YM. Chinat
ko agad siya.
Frosty05: Hi!
PusongBato: Hello, Frosty! Nice username,
huh! Naalala ko tuloy si Frosty, the snowman. How can I help you, Frosty?
Aba!
Nagreply agad siya! Ilang taon na kaya siya? Babae kaya siya o lalaki? Saka
parang ang bait niya. Wala lang, feel ko lang. Wahehe!
Frosty05: Ano kasi… pwedeng magtanong?
Hindi ko kasi alam kung anong problema ko.
PusongBato: Anong status ng puso mo
ngayon?
“Status ng puso ko? Ano nga ba?”
Nagtype ako ng ire-reply.
Frosty05: I don’t know. Parang may
kulang. Parang ang lungkot. Nakakapanibago nga eh. Hindi naman dating ganito
to.
PusongBato: Are you a girl or a boy?
Frosty05: Girl.
PusongBato: Single or taken?
Frosty05: Taken.
PusongBato: First, second or what?
Frosty: First.
PusongBato: Boyfriend-girlfriend or
married?
Frosty05: Married. Pero ano kasi…
PusongBato: Ginusto mo ba yung kasal o
hindi?
“Hala! Paano niya nalaman ‘yon?”
Frosty05: How did you know?
PusongBato: I just know. Again,
ginusto mo ba yung kasal ninyo o hindi?
“Para naman akong nasa korte nito,
isang tanong, isang sagot ang peg.”
Frosty05: Fixed marriage, yun kami.
Ang grandparents namin ang may gusto nito. The first time we saw each other, sa
mismong araw na kinasal kami. Hindi niya gusto to, pero ako napaghandaan ko na
to. Nagkaron kami ng deal na after 3 months maghihiwalay kami.
Hindi
ko alam kung bakit nasasabi ko sa kaniya ang mga ‘yon. Siguro dahil hindi naman
niya ko kilala, hindi ko rin siya kilala, kaya okay lang na magkwento ako sa
kaniya.
PusongBato: Gaano katagal na kayong
nagsasama?
Ngayon
ko lang naisip ‘yon, ah! Wala pa kaming isang buwan pero bakit parang ang tagal
na?
Frosty05: Nung Dec 5 lang kami
kinasal.
Kasal
nga ba ang tawag do’n? Ni hindi ako nakapaglakad sa aisle, hintayin ng groom,
maghagis ng bouquet… Hayyy…
PusongBato: Kamusta yung pakikitungo
niya sayo kung hindi naman pala niya gusto ang kasal niyo?
Frosty05: He’s rude, selfish and ungentleman.
Pero may tinatago din pala siyang bait sa katawan.
Napangiti
ako nang maalala ang mga ginawa niya.
PusongBato: May nag-iba ba sa
nararamdaman mo sa kaniya nung una kayong nagsama at ngayon? May naramdaman ka
bang hindi mo naramdaman dati?
May
nag-iba ba? Alam kong mero’n.
Frosty05: Meron pero hindi ko
mapinpoint kung ano.
PusongBato: May babae ba siya?
“Hala! Ba’t bigla niyang natanong
‘yon?”
Frosty05: Wala ah!
PusongBato: Yung deal ninyong
maghihiwalay kayo, nung una anong naramdaman mo?
Frosty05: Okay lang. Ako pa nga ang
nag-suggest non eh.
PusongBato: How about now? Does it
change?
Frosty05: Ewan. Hindi ko alam. Parang
ayoko. Hindi ko alam. Naguguluhan ako.
PusongBato: Are you happy with him?
Napangiti
ako. Parang may sariling isip ang mga daliri ko na nagtype.
Frosty05: Yes, I’m happy with him.
Kahit pa galit siya o nakasimangot siya, gustong-gusto kong tinitingnan siya. Hindi
ko alam kung bakit pero ang saya-saya ko kapag kinukulit ko siya. Alam mo yung
puso ko? Parang gustong tumalon sa saya lalo na pag nagiging mabait at sweet
siya in his own ways.
PusongBato: Siya ba sa tingin mo,
masaya sa pagsasama ninyo?
Matagal
bago ako nakasagot sa tanong niya. Masaya nga ba si Lei sa pagsasama namin?
Paano ko masasabi ‘yon kung hindi ko naman siya nakikitang masaya?
Frosty05: I don’t know. Lagi siyang galit
at inis sa mga pangungulit ko. Ganon siya dati pero ngayon parang nababawasan
na yon. Alam mo ba, kung pwede ko lang ipasa yung sayang nararamdaman ng puso
ko sa puso niya na parang pasa-load, ginawa ko, makita ko lang syang ngumiti.
Sa dami ng hindi magandang pinagdaanan niya, ang gusto ko lang ay ang alagaan
siya.
PusongBato: Do you want to take care
of him forever?
Frosty05: Yes.
Teka!
Yun ba talaga yung nireply ko?
PusongBato: Bakit malungkot ka ngayon
kung masaya ka naman pala sa kaniya? Did something happened?
Frosty05: We’re okay kaya lang wala
siya dito. Two days na siyang nasa ibang bansa. Two days na siyang hindi
nagpaparamdam sakin.
PusongBato: Malungkot ka dahil hindi
mo siya kasama, may kulang dahil wala siya. May namimiss ka. Namimiss mo siya.
“I miss him?”
Napahawak ako sa dibdib ko. Namimiss ko nga ba siya? Oo, malungkot ako. Oo,
parang may kulang. And I felt this simula pa kahapon, nung umalis siya.
Hindi
pa ko nakakareply nang magreply uli si PusongBato.
PusongBato: Mahalaga ba siya sa’yo?
“Oo naman! Asawa ko siya, eh!”
Hindi ko pa nata-type ang sagot ko na ‘yon nang magreply uli si Pusong Bato.
PusongBato: Are you inlove with him?
Nang
mabasa ko yung tanong niya na ‘yon, napabitaw ako sa laptop ko.
Are you inlove with him?
Are you inlove with him?
Are you inlove with him?
Paulit-ulit
yung nagre-replay sa isip ko. “Ako,
inlove kay Lei?” Yun ang tanong na ayaw kong itanong ni mama kanina kaya
tinakasan ko siya. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko. Hindi ko talaga
alam. Oo, mahalaga sakin si Lei pero mahal? Waaah! Bakit niya tinanong ‘yon?!
Napatingin
ako sa laptop nang magreply uli si Pusong Bato.
PusongBato: You’ll know the answer
when you see him again.
Hindi
ko na magawang sumagot kaya napahiga na lang ako sa kama.
“Ano bang sinasabi nila? Si Nicky, si
Mama, pati ba naman si Pusong Bato? Bakit ko ba kasi siya kinausap? Parang mas
lalo tuloy akong naguluhan…”
Malungkot ka dahil hindi mo siya
kasama, may kulang dahil wala siya. May namimiss ka. Namimiss mo siya.
Mahalaga ba siya sa’yo?
Are you inlove with him?
You’ll know the answer when you see
him again.
Sunod-sunod
kong iniling ang ulo ko. Inabot ko ang unan ni Lei at niyakap. Parang naaamoy
ko pa ang amoy niya. Inabot ko ang phone ko at pinanood ang video niya habang
naglalaro siya ng basketball sa arcade the other day.
I
sighed when I saw his face. Hindi ko alam pero parang nanikip ang dibdib ko. “Ba’t kasi hindi mo ko sinama, Lei? Para
tuloy akong baliw dito…”
= = =
>>> CHAPTER 21 HERE
waaah!! UD na po ulit.. please2. :)
ReplyDeletekilig much ky Lei.. para.paraan lng yan..hehe
daming kng tawa at kilig dito.. promise! :) Ang galing mu talaga.. halatang inspired ky Minho.. AJA. :D