CHAPTER
21
( CHLOE’s POV )
“Goodmorning po!”
“Goodmorning.”
ganting-bati ko sa empleyadong bumati sakin. Kapapasok ko pa lang ng building
ng CTC. Inayos ko ang sunglass ko. Sa halip na sumakay sa elevator, sa hagdan
ako pumunta.
Hindi
ko alam kung ilang minuto ang inabot ko bago ko narating ang twelveth floor, sa
office ni Lei. Deretso agad ako sa pinaka-office niya. Binati pa ko nila Xie,
tumango lang ako. May sinasabi sila, pero parang hindi naman pumapasok sa isip
ko. Binuksan ko ang pintuan, deretso sa couch, sabay upo. Humikab pa ako ng
ilang beses. Tinanggal ko ang sunglass ko at kinusot ang mga mata ko.
“It’s already eleven am, inaantok ka
pa rin?”
Nilingon
ko ang taong ‘yon. Sa table ni Lei, nakita ko ang isang lalaking naka-amerikana
na nakaupo. “Hi, Flynn.” Isinandal
ko ang ulo ko sa couch. Humikab ako. Ni hindi ko na pinag-abalahang takpan ang
bibig ko.
“Mukhang puyat na puyat ka, ah.”
Napahawak
ako sa tiyan ko. Hindi lang puyat, gutom rin ako. At ang totoo niyan, kagigising
ko lang one hour ago. Wala akong matinong kain, wala pa kong matinong tulog.
Hindi ko nga alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko sa CTC. Sobrang
lutang lang ako. Nakalimutan ko pa nga yung sukli ko sa taxi kanina.
“Mukhang pagod na pagod ka, ah.”
Pinunasan
ko ang pawis sa noo ko. Sino ba namang hindi mapapagod kapag ginamit mo ang hagdan
para makapunta ka ng twelveth floor?
“Water.”
Napatingin
ako sa basong hawak ni Flynn. Nasa harap ko na pala siya, hindi ko napansin. “Drink.” He said.
Kinuha
ko ‘yon at ininom. “Thank you.”
Ibinalik ko ang baso sa kaniya.
“Another glass?”
Umiling
lang ako. Parang naubos ang stock energy ko sa pag-akyat dito sa twelveth floor
kaya pati pagsasalita, kinatamaran ko. This is not me. Never kong kinatamaran
ang pagsasalita. Mas tinatamad pa nga ako kapag hindi ako nagsasalita.
I
closed my eyes. Alam ninyo yung pakiramdam ko? I am totally exhausted. Parang
hindi ko na magawang tumayo pa.
“Next week pa ang uwi ni Lei.”
Idinilat
ko agad ang mga mata ko nang marinig ko ‘yon? “What?”
Nakita
kong tumaas ang sulok ng labi ni Flynn. “You
heard it right, Chloe.”
“Next pa siya uuwi…” Kinuyom
ko ang kamao ko. Bakit hindi man lang siya tumawag? Kahit sagutin lang niya
yung mga text ko kahit simpleng Okay or K, okay na sakin, eh. Pero hindi. Bakit
ba gano’n siya? Okay naman kami nung Pasko, ah. Ano ‘yon? Tuwing Pasko lang
siya gano’n? Sa halip na isang araw lang ang hihintayin ko, ilang araw pa?
Naman, eh…
Mabigat
na nga yung pakiramdam ko, mas lalo pang bumigat.
Napakislot
ako nang may maramdaman akong dumampi sa pisngi ko. Nalaman kong kamay ‘yon ni
Flynn. May pinupunasan siya sa pisngi ko.
“You’re crying.”
Saka
ko lang din naramdamang parang basa ang pisngi ko. Bakit ako umiiyak? Sinubukan
kong punasan ‘yon pero ayaw paawat sa pagtulo.
“Let me.”
Flynn held my face with his two hands and using his thumbs, he wiped off my tears.
Gusto ko siyang pigilan pero wala naman akong lakas na magsalita. I closed my
eyes nang maramdaman kong parang umiikot ang paningin ko. Hinawakan ko ang noo
ko.
“Take your hands off her!”
“Chill!”
“Why are you still here?”
“Paalis na talaga ko kaya lang biglang
dumating si Chloe.”
“What did you do to her?”
May kamay na humawak sa balikat ko.
“Why don’t you ask that same question
to yourself? Gotta go. I’m done with my business here. See you around, Chloe.”
“Hey!” Someone
touched my face. “Chloe!”
I opened
my eyes. May nakita akong mukha kaya lang malabo, palabo ng palabo hanggang sa
unti-unting nagdilim ang paningin ko.
= = = = = = = =
“It start in my toes and I crinkle my
nose… wherever it goes, I always know… that you make me smile… please stay for
a while now… just take your time wherever you go…”
Iminulat
ko ang mga mata ko. Puting kisame ang bumungad sakin.
“Sabi na nga ba, bukod sa kaya kong
magpatulog, kaya ko ding magpagising ng natutulog.”
Nilingon
ko ang taong nagmamay-ari ng boses na ‘yon.
“Hello, sleepyhead! How’s your sleep?”
“Tim?”
“The one and only!”
ngiting-ngiting sabi niya.
“Nasa’n ba ko?”
Bumangon ako. He helped me to sit up. Nasa isang kwarto ako.
“Nasa ospital ka.”
“Hah? Anong ginagawa ko dito?”
“You passed out four hours ago.”
“What? Four hours ago?” Ang
alam ko nasa office ako ni Lei tapos nakita ko do’n si Flynn tapos… Parang may
dumating kanina. Si Tim pala ‘yon, akala ko si… I sighed.
“Over fatigue ka, Chloe. Natutulog ka
pa ba?”
Napahawak
ako sa mata ko. “Hindi masyado.”
“Hindi pa masyado, ah? Kulang na nga
lang, gawin mong hotel ‘tong ospital sa himbing ng tulog mo.”
“Sorry.”
Ginulo
niya ang buhok ko. “It’s okay.”
I
smiled a bit. Napansin ko ang suot niya. “Bakit
naka-white coat ka?”
“Diba lumipat na ko ng ospital, from
Antipolo to Makati? Dito na ko sa ospital na ‘to nagtatrabaho. Malapit sa CTC
para malapit sa bestfriend ko.”
“Ah, oo nga pala.”
Pinaglaruan ko ang dulo ng kumot ko. Yumuko ako ng kaunti. “Tim, si Lei ba tumatawag sa’yo?”
“Nope. Why did you ask?”
“Wala naman.”
“Hindi mahilig tumawag ‘yon, mas
lalong hindi mahilig magtext ‘yon. Ang ka-callmate at ka-textmate lang no’n ay
ang mga business partners niya o kahit na sino basta may kinalaman sa business.”
“Ah.”
“Too much thinking, huh?”
Napaangat ang tingin ko sa kaniya. “Kung
nakikita mo lang yung sarili mo ngayon sa salamin, baka matakot ka.”
Napahawak ako sa pisngi ko. “Alteraton
in comfort, pain at the chest area related to missing someone.”
“Hah?”
“Narinig ko lang sa isang student
nurse kanina. Ginawan ba naman ng nursing diagnosis ang pagkamiss niya sa
boyfriend niya.” He poked my forehead a bit. “Wag ka ngang ganyan, Chloe. Parang hindi
ikaw ang kaharap ko ngayon, eh.”
Yumuko
ako. “Kasi naman…”
“Kasi ano?”
Hindi
ko mapigilang magmaktol sa kaniya. Parang nakahanap kasi ako ng kuya sa
katauhan niya. “Bakit kasi gano’n siya?
Okay naman kami nung Pasko, ah. Ang dami kong text sa kaniya, ni isang reply
wala. Hindi ko nga alam kung nare-receive niya ba yung text ko, eh. Buti pa si
Cyrish marunong magreply.” parang batang pagmamaktol ko sa kaniya. “Hindi naman ako dapat magdemand ng ganito,
eh. Kaya lang…” Hindi ko napigilan ang luha kong pumatak na. “Naiinis ako sa sarili ko… Ngayon lang
nangyari ‘to… Naiinis talaga ako…”
“Chloe.”
He leaned towards me and whispered those words, “Magpakatotoo ka na kasi nang hindi ka na nahihirapan.” When I
looked at him, he smiled and wiped off my tears. Ginulo niya ang buhok ko. “Tumahan ka na. Kanina pa nandyan ang gamot
mo.”
“Hah?” Bilang
sagot, lumingon siya sa kanan niya. Napalingon din ako do’n. And then I saw him
at the open door.
Yung
pakiramdam na para akong pinainom ng energy drink. Yung pakiramdam na ang slow
na nga ng hearbeat ko tapos hindi ko pa siya maramdaman, pero ngayon unti-unti
siyang bumibilis na parang gustong kumawala sa loob ng dibdib ko. And it all
happened just by seeing him now.
Naghahalucinate
na naman ba ko? Pero parang hindi naman dahil papalapit na siya sakin ngayon.
Ni hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya hanggang sa umupo siya sa gilid ng
kama ko.
“Chloe.”
Hindi
ko na napigilang ang sarili ko. I did what I wanted to do earlier when I saw
him. I hugged him at parang batang umiyak ako sa balikat niya.
“Tsk, tsk! Buti na lang talaga,
pinagbigyan ko ang gusto mo, Lei, na ilagay sa private room si Chloe. Kung
hindi, tiyak na maiistorbo niya ang mga pasyenteng nasa ER. Okay, mukhang OP na
ko dito. Lalabas na ko, guys. May rounds pa ko. Sumaglit lang talaga ko dito
para bantayan ka, Chloe, dahil ayaw kang iwan ni Lei simula pa kanina. Okay,
sabi ko nga, walang sumasagot sakin. Lalabas na ko, ila-lock ko na lang yung
pinto. Ay, wag na lang, mahirap na. Sige, guys, lalabas na talaga ko. Hay naku!
Wala talagang pumansin sakin. Makalabas na nga.”
Hindi
ko alam kung ilang segundo o inabot ba ng ilang minuto ang pagkakayakap ko kay
Lei habang hinahagod niya ang likod ko nang magsalita siya.
“I’m sorry.”
Tama
ba yung narinig ko? Nagsorry si Lei! For the first time, ngayon ko lang siya
narinig na magsorry! Hindi ko alam kung para sa’n yung sorry niya pero pinagaan
no’n ang dibdib ko.
Naramdaman
kong inilayo niya ako. Gusto ko sanang magprotesta, pero hindi natuloy ‘yon ng
hawakan niya ang magkabilang pisngi ko. He wiped off my tears. At kakaiba yung
pakiramdam na naramdaman ko ng gawin niya ‘yon. It was not so him because the
way he did it was so gently. Ngayon ko lang naramdaman sa kaniya ‘yon. It made
me shivered as if my heart wanted to melt.
And
while I’m looking at him now, may mga boses at salita na bigla na lang
nagflashback sa isip ko.
“Aminin mo na kasing namimiss mo si
Kuya Lei, Ate! You like him na kasi! Or maybe more than that!”
“You are my daughter, Chloe. I know
you inside and out. Alam ko kapag natutuwa ka lang sa isang tao o hindi. And
you’re different with Lei. When you’re with him, kakaiba yung saya na nakikita
ko sa’yo. Kapag kinukwento mo siya samin ng lolo mo, kakaiba yung tono ng boses
na naririnig ko sa’yo.”
Malungkot ka dahil hindi mo siya
kasama, may kulang dahil wala siya. May namimiss ka. Namimiss mo siya.
Mahalaga ba siya sa’yo?
Are you inlove with him?
You’ll know the answer when you see
him again.
“Magpakatotoo ka na kasi nang hindi ka
na nahihirapan.”
Yung
mga bagay na nararamdaman ko, yung mga bagay na sinasabi ko, yung mga bagay na ginagawa
ko. Lahat ng ‘yon na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman, sinasabi at
ginagawa, it was all because…
I
love this guy? No. It is not a question mark, it’s a period. I love this guy.
= = = = = = = =
“Chloe, dahan-dahan lang.”
Nilunok
ko ang pagkaing nasa bibig ko bago sagutin si Lei nang matigilan ako. Napahawak
ako sa dibdib ko.
“Kasasabi lang kasi na dahan-dahan,
eh.”
Kinuha ko agad ang basong inabot ni Lei at mabilis na ininom. Nakahinga ako
nang maluwag nang mawala ang paninikip ng dibdib ko.
“Thank you, Lei.” I
smiled at him. Nagsimula uli akong sumubo pero dahan-dahan na.
Pagkalabas
ng ospital, dito kami dumeresto sa isang restaurant para kumain. Kasi naman…
Waaah! Ang ganda na sana ng moment namin kanina tapos umepal yung tiyan ko!
“Bakit nasa office ka kanina?”
Hindi
ko nga alam, eh. Lutang na lutang ako kanina. “Wala kong magawa sa condo mo.”
“Diba nasa Bulacan ka?”
Gusto
ko sa condo mo para pag dumating ka, makikita agad kita. “Nabored ako do’n.”
“Inakyat mo daw ang twelveth floor
gamit ang hagdan?”
Oo
nga noh! Nagawa ko ‘yon? Iba na talaga kapag lutang ka. Pero paanong… “Sinong nagsabi sa’yo?”
“Yung kaibigan mo sa front desk.” Si
Jhom. “Nung binuhat kasi kita kanina
pababa, nakasabay ko siya sa elevator. She told me that maybe the reason why
you passed out was because you used the stairs to reach my office. She was
calling you pero hindi mo daw siya pinapansin. Miss Benitez told me na pagod na
pagod ka daw nang dumating ka sa office kanina.”
Sa
dami ng sinabi niya, isa lang ang napansin ko. Binuhat niya daw ako! “Wait! Binuhat mo ko kanina which means
kasama ka ni Tim na dumating sa office kanina?”
“No. Hindi ko siya kasama. I’m all
alone. You opened your eyes before you passed out, right?”
“Oo nga. Kaya lang blurred, eh.”
So tama lang yung pagkakarinig ko sa sinabi ni Tim na kanina pa siya dumating?
At binantayan niya ko for four hours? Bakit biglang kinilig ang puso ko? Bakit
ang saya-saya ko?
Eh
kasi nga mahal mo siya, Chloe.
Oo
na. Inamin ko na kanina ‘yon, eh.
“Lei, diba one week ka pa sa Korea?
Ba’t nandito ka agad?” Dahil ba sakin kaya ka umuwi?
Kumunot
ang noo niya na parang hindi niya alam ang sinasabi ko. “One week? Who told you? Don’t tell me…” Sumeryoso ang mukha niya,
mas seryoso pa kanina. “Ginawa na naman
niya.” Sinabi niya ‘yon na parang sarili lang niya ang kausap niya. “Chloe, wag mo na uling lalapitan o
kakausapin si Flynn.”
Alam
ko narinig ko na ‘yan pero hindi ko lang matandaan kung kailan. Hindi ko rin
alam pero napatango na lang ako. Kakaiba kasi yung tono ng boses niya. He
didn’t say please, pero parang ‘yon ang gustong iparating ng tono ng boses
niya. Hindi ko alam kung anong mero’n sa kanilang dalawa ni Flynn at hindi sila
okay pero isa lang ang nasa isip ko kung bakit ayaw niya kong palapitin kay
Flynn. Maybe he’s jealous. At kinilig naman ako sa ideyang ‘yon.
Gusto
ko pang kumota ng kilig kaya tinanong ko pa siya. Para kasing vitamins yung
kilig at sayang nararamdaman ko, eh. Unti-unti nang bumalik ang sigla ko simula
pa kanina. “Eh, bakit napaaga ang uwi
mo?” OMG talaga kung sasabihin niyang napauwi siya ng dahil sakin! Saka bakit
kaya sinabi ni Flynn na one week pa si Lei sa Korea? Ang lalaking ‘yon talaga!
“Because…”
“Because?”
Ano ba ‘yan? Bakit binibitin niya pa ko? Lubus-lubusin na sana niya para 100 %
nang bumalik ang energy ko.
“I just need to get back here.” Sinabi
niya ‘yon habang nakatingin siya sa mga mata ko na parang sinasabing ako ang
dahilan kung bakit umuwi siya agad. Waaah! Assuming much naman ako! Hindi
porke’t umamin akong mahal ko siya, gano’n din siya sakin. Pero kasi… Sa mga
pinapakita ni Lei sakin, wala naman sigurong masamang umasa diba?
“Here.”
Napatingin ako sa ulam na nilagay ni Lei sa plato ko. “Kumain ka pa.”
Alam
ninyo yung pakiramdam na seryoso ang mukha niya habang sinasabi niya ‘yon na
parang napipilitan lang siyang gawin ‘yon kahit hindi naman, pero nakakakilig
ang dating sakin? Jeez! Kotang-kota na talaga ko! Ito ba yung prize ng naging stress
ko this past few days?
At
habang busy ang puso ko sa kilig na nararamdaman niya, biglang may umepal na
tunog. Tunog ng phone, not from mine. Napatingin ako kay Lei nang sagutin niya
ang phone niya.
“Hello, Miss Benitez.” He
paused. May sinasabi siguro ang kausap niya. “Damn!” He said in a low voice. Tiningnan niya ang relo niya. “Okay. I’ll be there in Haven.”
“Meeting?”
tanong ko. Si Cyrish—ang executive secretary—ang Miss Benitez na kausap niya.
“Yes.”
Nagpipi-pindot siya sa phone niya.
“Kararating mo lang, trabaho agad?
Wala ka bang jetlag? Hindi ka ba pagod?” Sounds like a wife, huh.
Pero kasi… Hindi man lang ba siya magpapahinga? Saka wala pang isang oras
simula nang magkita uli kami tapos aalis agad siya?
“Nagpahinga naman ako kanina habang
natutulog ka.”
“Natulog ka? Sa’n?”
“Sa kama mo.”
“Hah? Sa kama ko? Tabi tayong natulog
kanina?”
“Oo.”
Kung sinabi niya ‘yon na parang wala lang sa kaniya, sakin big deal ‘yon! Bakit
hindi ako nagising agad? Hindi ko tuloy na-feel! Kainis!
“Ba’t hindi mo ko ginising?”
Saka
lang siya napatingin sakin. “What?”
Me
and my big mouth! “I mean, buti na lang
hindi ako nagising. Alam mo namang hindi ako makatulog ng may katabi diba?”
Tumaas
ang sulok ng labi niya. He smiled! I
told you guys, ngiti ang tawag ko sa ginagawa niyang ganyan. Pigil na ngiti. “Mukhang hindi naman. Ang himbing nga ng
tulog mo, ginawa mo pa kong unan.”
“What?” Waaah!
Hindi ko alam ‘yon! Ano kayang pakiramdam no’n? Naman! Bakit kasi ang himbing
ng tulog ko kanina? Edi sana, nakatsansing na ako este naging 200 % agad ang
energy ko kanina!
“Chloe.”
Pagtingin ko kay Lei, pasulyap-sulyap siya sa relo niya.
Mukhang
kailangan na niyang umalis. “Pwedeng
sumama sa meeting ninyo? Sa kabilang table lang ako. Gutom pa kasi ako. Hindi ko
pa tapos ‘tong kinakain ko, sayang naman.” Gutom pa talaga ko pero ang
dahilan talaga, ayaw ko munang mawala siya sa paningin ko. Hello! Two days ko
siyang hindi nakita, na-stress pa ko ng dahil do’n.
Napatingin
siya sakin. Sige na, Lei. Please… “Pwede.”
Yes! “But,” Teka, bakit may but? “You need to rest, Chloe.”
“Hah? Okay naman na ko, eh.”
“You need to rest.”
I
pouted. “Okay.” Ang daya naman niya!
Ako lang ba ang nakamiss sa ming dalawa? “Tatapusin
ko na lang ‘tong kinakain ko, tapos uuwi na ko.” Ayokong umuwi! Ayoko!
“No.”
“Hah?”
Ang gulo naman niya!
Hindi
siya sumagot. Sa halip ay tumawag siya ng waiter. “Umorder ka, ipapa-take out na lang natin, sa condo mo na kainin.
Ihahatid kita do’n bago ako dumeretso ng meeting ko.” May kinausap na siya
sa phone niya kaya hindi na ko nakapag-react. Dumating na rin kasi yung waiter.
Kinuha ko ang menu at nakangiting pumili ng maoorder.
Kasi
naman kahit mukhang nagmamadali na siya, pinaorder niya pa ko nang makakain
dahil sa sinabi kong gutom pa ko. Hindi lang ‘yon, ihahatid niya pa ko. Akala
ko talaga, iiwan na lang niya ko dito.
Hindi
ko na nakausap si Lei kasi busy siya sa pakikipag-usap. Nang dumating ang order
ko, tumayo na rin siya habang may kausap pa rin siya sa phone niya. Tumayo na
rin ako bitbit ang pagkain ko. Nagulat pa ko nang kunin sakin ‘yon ni Lei!
Napangiti na lang ako habang nakasunod ako sa kaniya. Hindi pa nagtatapos do’n.
Nang pasakay na ko ng kotse niya, pinagbuksan niya ko ng pintuan sa passenger
seat! Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang makaupo na ko.
Wala
na siyang kausap nang umupo siya sa driver seat. Inabot niya sakin ang
tinake-out kong pagkain. Pagkatapos ay inilagay niya ang phone niya sa lagayang
nasa tabi lang ng manibela. May kung ano siyang pinindot ay inilagay sa tenga
niya. Inistart na niya ang makina ng kotse nang mapalingon siya sakin.
“Your seatbelt.”
“Hah?”
Ano daw? Hindi ko naintindihan, eh.
He
leaned over. “Kailangan mo talaga ng
pahinga.” He said. Eh, ang lapit-lapit pa niya sakin! Jeez! Ang bango niya!
Napalunok tuloy ako. Teka, ano bang ginawa niya? Bakit siya lumapit? “Pagkatapos mong kumain,” He looked at
me. “Matulog…” His voice trailed off
when our eyes met.
Mula
sa mga mata ko, bumaba ang tingin niya sa labi ko. Gano’n din ako sa kaniya. Napalunok
na naman ako. Ilang segundo kaming gano’n nang magkatinginan kaming dalawa. Bumilis
ang tibok ng puso ko. Pabilis pa ‘yon ng pabilis nang makita kong lumiliit ang
distansya ng mukha naming dalawa. Yung palipat-lipat ang tingin ko sa labi niya
at sa mga mata niya. Malapit na. Konting push na lang talaga magdidikit na ang
mga labi namin nang biglang…
“Aray!”
Sa
halip na magdikit ang mga labi namin, ang noo namin ang nagdikit. Hindi lang
nagdikit, nagkauntugan pa kami. Hawak ko ang noo ko nang lumingon ako sa
bintanang nasa gilid ko. May nakita akong batang pulubi na kumakatok. Dahil sa
katok niyang malakas, hindi natuloy ang…
Tumikhim
ako. Binaba ko ang bintana.
“Palimos po, ate.”
Sabay lahad ng kamay niya. Naawa naman agad ako sa kaniya kaya binigay ko ang isang
supot ng take-out order ko sa kaniya. “Salamat
po.” Tumakbo agad siya.
Okay.
Ang awkward dahil hindi ko na magawang tumingin kay Lei after what happened
earlier. Narinig ko siyang tumikhim. Nanatili lang akong nakatingin sa labas ng
bintana nang umandar ang kotse niya. Pero ilang saglit lang ng unti-unti akong
napangiti. Yung pinigilan ko nang lumabas ang ngipin ko kasi para na kong tanga
na parang may nakikita akong nakakatuwa sa labas ng bintana kahit wala naman.
Gano’n
ako hanggang sa makarating kami ni Lei sa tapat ng condominium. Saka ko lang
siya nilingon. Feeling ko nga, nagka-stiff neck na ko. “Thank you, Lei.” He looked at me. I smiled at him. “Bababa na ko.” Akmang bubuksan ko na
ang pintuan ng kotse nang…
“Wait.”
Nilingon ko siya. Tumingin siya sa harapan ng kotse. “Ako ba ang dahilan kung bakit na-over fatigue ka?”
Kahit
nakaside view siya, I saw his expression. He looked guilty from something. At
ayokong sisihin ang sarili niya kung bakit hinimatay ako. Kasalanan ko naman,
eh. Masyado akong nag-isip ng mga bagay-bagay.
“I’m sorry.”
I
smiled. Nag-sorry na naman siya for the second time around. Ang sarap talaga sa
pakiramdam. “I’m okay, Lei. Ikakain ko
lang ‘to at itutulog.” He looked at me. Yung mukha niyang parang hindi pa
naniniwala sa sinasabi ko. “Okay na
talaga ko. Ako pa!”
Mukhang
may sasabihin pa sana siya kaya lang tumunog ang phone niya. Sinagot niya ‘yon.
“I’m on my way, Mr. Santiago.” Tiningnan
niya ko pagkatapos niyang makipag-usap. “I
need to go.”
“Uuwi ka ba mamaya?”
“I need to stay at my office.”
“Gano’n ba?”
Tumango-tango ako. May gusto akong gawin kaya lang… Hay, wag na nga lang. “Sige, bababa na ko. Ingat ka, Lei.”
Binuksan ko na ang pintuan ng kotse nang…
“Chloe.”
“Bakit?”
Nang lingunin ko siya, parang may gusto siyang gawin na hindi niya magawa at
sabihin na hindi niya masabi. Napangiti
ako. “Ang cute mo.” Ginawa ko ang
bagay na gusto kong gawin kanina pa. I hugged him and whispered those words, “I miss you, Lei.”
Wala
siyang sinabi pero naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko. Napangiti ako. Ako
na rin ang kusang humiwalay sa kaniya. Bukod sa male-late na siya, baka ma-rape
ko pa siya ng wala sa oras. Wahehe! Ang sarap naman kasing yakapin ni Lei.
Sakop na sakop niya ang katawan ko na para bang we’re meant to be.
Pero
bago ako tuluyang bumaba ng kotse niya, humirit pa ko ng isa. I kissed him on
his cheek bago nagmadaling lumabas ng kotse. Buti nga sa pisngi lang, eh.
“Hello! Hi! Hello! Hi! Hello
everyone!” bati ko sa mga taong nasalubong ko pagpasok ko ng
lobby. Daig ko pa ang hindi hinimatay sa sobrang sigla na nararamdaman ko.
Pagkapasok
na pagkapasok ko ng unit ni Lei, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Impit
akong tumili habang tumatalon. Patakbo akong pumunta sa kwarto ni Lei at
dinamba si Frosty na nasa ibabaw ng kama. I hugged it tightly. So tightly na
kung tao lang siya, nasakal na siya sa ginawa ko.
“Ganito pala ang pakiramdam ng inlove,
Frosty! Ang saya-saya! Kinikilig ako! Aaaahhhh!”
= = =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^