CHAPTER
22
( CHLOE’s POV )
Pasulyap-sulyap
ako kay Lei na may kausap sa laptop niya habang nagbabasa naman ako ng book na
nakuha ko lang sa bookshelf kanina. Kanina pa kong umaga dito sa office niya.
Hinatidan ko kasi siya ng breakfast just to make sure na kakain siya. Baka kasi
magpalipas na naman siya ng gutom although napapansin kong hindi niya na
ginagawa ‘yon.
Hindi
naman ako nanggugulo sa ginagawa niya dahil mukhang busy siya. Ni hindi nga kami
nag-uusap maliban na lang nung bumaba kami para kumain ng lunch sa cafeteria.
Alam ninyo yung eksenang pagpasok namin ng cafeteria ni Lei, lahat ng taong
nando’n napatingin samin. At alam ko kung bakit. Ang chika kasi sakin ni Jhom,
never pa daw kumain do’n si Lei kaya malamang sa malamang, nagulat sila sa
biglaang pagsulpot niya kanina.
Trinay
ko lang namang ayain si Lei na kumain ng lunch sa cafeteria kasi masarap yung
mga pagkaing niluluto do’n. Aba! Umokay siya! Although parang nag-isip pa siya
ng ilang segundo, but at least napakain ko siya do’n.
Tiningnan
ko ang relo ko. Three thirty na ng hapon. “Ang
tagal naman.” I murmured. Hinihintay ko kasi yung inorder kong pizza.
Kanina pa ‘yon, eh.
Nilagyan
ko ng bookmark—na nakuha ko lang din dito sa office ni Lei—ang pahina kung sa’n
ako huminto sa pagbabasa. Tiningnan ko si Lei na sakto namang napalingon sakin
habang nagsasalita siya. I smiled at him. Tumayo ako at nag-inat. “Sa labas lang ako, Lei.” Tumango lang
siya bago binalikan ang kausap niya. Busy-ing busy talaga siya.
Paglabas
ko, si Xie lang ang nakita ko. Nang tanungin ko kung nasa’n sina Cyrish, bumaba
daw sina Rhen at Cris, si Cyrish naman nagbreak daw. Pinuntahan ko si Cyrish,
dito lang din sa floor ‘yon. Nakita ko siyang kumakain. Tumayo agad siya nang
makita ako.
“Sige, kain ka lang, Cyrish.”
Inalok niya ko ng cookies na bi-nake daw niya. Kumuha naman ako. “Sarap naman.”
“Thanks po.”
“Penge pa, ah.”
Kumuha uli ako. “Ah, Cyrish, pwedeng
magtanong?”
“Sure, Ma’am Chloe. Ano po ‘yon?”
“Diba kasama kayong dalawa ni Rhen sa
Korea, bakit umuwi agad kayo? Dapat ngayon pa lang ang uwi ninyo diba? Saka
bakit naman pagdating niya agad kahapon, may meeting agad siyang pinuntahan?
Busy-ing busy kasi siya, eh. Saka may narinig akong Mr. Lee ng may iutos siya sa’yo.”
Nagpeace sign ako. “Sorry, ang dami kong
tanong.”
Napangiti
si Cyrish. “Okay lang po, Ma’am Chloe.” Tumikhim
siya. “Si Mr. Lee po ang CEO ng Hwang-Lee
Textile that are based in Korea.
It is a modern and dynamical company which
specializes in textile production
which provides a wide range of high quality fabrics for different purposes. And
those fabrics po are widely used by prominent fashion designers all over the
world mostly sa US. Pati rin po yung mga sikat na fashion designers dito sa
bansa natin, fabrics nila ang gamit. But the thing is, they need to get those
fabrics in US dahil walang distributor no’n directly dito sa Pilipinas.”
Tumango-tango
ako. “Go on.”
“Sir President wants our company to be
the sole distributor of Hwang-Lee here in the Philippines. Sir President was
supposed to present the presentation na hinanda namin for the past weeks in
front of Mr. Lee and the other board of directors of Hwang-Lee Textile. Kaya
lang on our second day pa lang po nagkaro’n na ng pagbabago sa schedule. Sa
halip na kahapon ang presentation namin, na-move ng araw at bukas po ‘yon.”
Yung
para akong nanonood ng sine habang nagsasalita si Cyrish dahil maya’t maya ang
pagkuha ko sa cookies na bi-nake niya. “So
dapat five days kayo do’n?” Hindi ko alam kung ikakatuwa kong umuwi agad si
Lei o hindi. Mahalaga kasi yung ipinunta niya do’n, eh.
“Yes, Ma’am Chloe. Kaya nga po
nagtataka ako bakit pina-resched ni Sir President yung flight namin pabalik ng
Manila nung isang araw after niyang mareceive yung tawag from Hwang-Lee Textile.”
“Hindi naman kaya nainis siya?”
“Halatang nainis po siya kaya lang po
sa pagkakakilala ko kay Sir, maghihintay po ‘yon hanggang bukas dahil
gustong-gusto niya pong makuha ang yes ng HLT. Mahirap pong humingi ng schedule
sa kanila. Halos more than one month pa po bago kami nakakuha ng schedule kaya
nagtataka po talaga ko at umuwi kami agad. Hindi na lang po kami nagtanong ni
Rhen. Kung ano po ang desisyon ni Sir, sumusunod lang po kami.”
Bumagal
ang pagnguya ko sa cookies na nasa bibig ko. Bakit nga ba Lei? “May napansin ka ba kay Lei nung nasa Korea
kayo?”
“Wala naman po. Maliban na lang po sa
nakikita ko siyang laging tinitingnan ang phone niya.”
Waaah!
Which means nababasa niya yung mga text ko!
“Yung tungkol naman po sa meeting
namin kahapon. Wala pong kinalaman sa CTC ‘yon. Alam ninyo naman pong may dalawang
beach resort na pag-aari si Sir diba?”
“Oo, nabanggit sakin ni Tim ‘yon. Isa
sa Luzon at sa Visayas. Ang sabi sakin ni Tim, magtatayo pa daw si Lei sa
Mindanao tapos balak niya pang i-expand yung dalawang beach resort niya.”
“Si Mr. Santiago po ang ka-meeting
niya kahapon. Nasa eroplano po kami nang tumawag siya kay Sir at gustong
makipagkita kahapon. Si Mr. Santiago po kasi yung may-ari ng isla na gustong
bilhin ni Lei para sa itatayo niyang resort. Matagal na po kasing gustong
bilhin ‘yon ni Sir kaya pumayag siyang makipagkita na kahapon. Aalis na po kasi
si Mr. Santiago papunta ng Canada bago mag-January.”
Tumango-tango
ako. Kailangan ko pa lang i-congrats si Lei mamaya. “Pero paano yung kay Mr. Lee? Sayang ‘yon. Sobrang sayang no’n.”
Cyrish
smiled. “Naku, good news, Ma’am Chloe!
Mamaya magpe-present po si Sir sa kanila via skype! Kaya nga po nag-overtime
kaming lahat dito kagabi para paghandaan uli yung presentation!”
“Wow! Talaga? Pero paano nangyari ‘yon
kung dapat bukas siya magpe-present? Saka, paanong pumayag ang CEO ng Hwang-Lee
Textile?”
“I don’t know, Ma’am Chloe. Basta po
ang alam ko, bago kami umalis ng Korea, kinausap ni Sir si Mr. Lee. Hindi ko po
alam kung paano niya nagawang makausap si Mr. Lee at kung ano ang napag-usapan
nila, basta po kahapon, nung nasa NAIA na po kami, may tumawag sa kaniya. Do’n
niya rin po sinabi na kailangan naming mag-overtime kagabi.”
“Kailangan ko pala siyang i-cheer!”
Tumayo na ako at kumuha pa ko ng cookies nang mapansin kong wala na ‘yon. “Naku! Sorry, Cyrish! Wait! Baka nandyan na
yung order kong pizza. Papalitan ko na lang.” Lumabas na ko ng mini-kainan
nila.
“Ma’am Chloe, okay lang po!”
“Wait lang!”
Nakakahiya naman. Nang-uubos ako ng pagkain ng may pagkain. Sakto namang
pagdaan ko ng elevator, may lumabas, yung delivery boy. After kong bayaran ang
apat na kahon ng pizza na inorder ko, binalikan ko si Cyrish at binigay ang
dalawang kahon. Nahihiya pa siyang tanggapin pero dahil mapilit ako, wala na
siyang nagawa.
“Ma’am Chloe, thank you po, ah. Tuwing
pumupunta po kayo dito, lagi na lang po kayong may dalang pagkain samin.
Nakakahiya na po. I mean, asawa po kayo ng Presidente ng kumpanya at empleyado
lang po kami dito pero yung pakikitungo ninyo po samin parang hindi po
empleyado ng asawa ninyo.”
“Wag mo ngang nila-lang yung trabaho
ninyo dito. Ano ka ba? Kung wala kayo dito at ang lahat ng empleyado dito, wala
rin ang kumpanyang ‘to.”
“Seryoso, Ma’am Chloe, thank you po
talaga. Hindi lang po dahil sa pagkain at sa pakikitungo ninyo samin. Thank you
po at kayo ang naging asawa ni Sir President. Thank you po dahil simula nung Christmas
party, hindi na mainitin ang ulo ni Sir. At thank you po dahil wala ng Leoni na
nagtataray samin dito.”
Natawa
tuloy ako. “Ang dami namang thank you
no’n. At subukan lang ng Leoni na ‘yon na tarayan pa kayo, ako ang makakalaban
niya!”
She
smiled. “And thank you, Ma’am Chloe,
because for the first time, nakita namin siyang ngumiti. Akala ko po talaga,
namalikmata lang ako no’n.”
“Naku, wala ‘yon. Yun lang—wait! Anong
sabi mo? Ngumiti si Lei?” Baka kasi nagkamali lang ako ng
pagkarinig.
“Yes, Ma’am Chloe. Nasa eroplano po
kami no’n at papunta pa lang kami ng Korea. Hawak niya po ang phone niya at
parang may tinitingnan siya, and then suddenly he smiled. Nakita din po ‘yon ni
Rhen.”
“Ano ‘yon? Pigil na ngiti?”
“Hindi po. Ganito.”
She smiled. At hindi pigil na ngiti ang ginawa ni Cyrish!
Lei,
ang daya-daya mo talaga!
= = = = = = = =
“You’re so unfair, Lei.”
Mula
sa kinakaing pizza ni Lei, napalingon siya sakin. “What?”
I
pouted. “Ang daya mo talaga.”
Sunod-sunod akong kumagat sa pizzang hawak ko. I’m very glad na marinig mula
kay Cyrish na nakita nilang ngumiti si Lei, pero ang gara naman! Bakit pigil na
ngiti lang yung akin? Ang unfair talaga!
Nawala
sa kamay ko ang kinakain kong pizza. Paglingon ko kay Lei, hawak niya na ‘yon. “Bakit naging unfair ako?”
Mas
lalo akong napanguso. “Wala.” Kinuha
ko sa kaniya ang pizza ko pero inilayo niya lang ‘yon. Kukuha na sana ko ng panibago
sa box pero naunahan naman ako ni Lei. Inilayo niya rin ‘yon sakin.
“Lei!”
“Bakit ako naging madaya?”
seryosong tanong niya.
“Gusto mong malaman?”
“Magtatanong ba ko kung hindi?”
Hala!
Nagsungit na naman! “Eh kasi naman, I
should be the first one to see you smile, not them. Ako muna dapat bago sila
dahil ako yung atat na atat na mapangiti ka. Ako yung gustong mapasaya ka kaya
dapat sakin mo muna pinakita yung ngiti mo. Hanggang pigil na ngiti lang ako
gano’n? Ang daya-daya talaga!” I suddenly stopped when I realized that I’m
acting like a child na parang naagawan ng candy. Nagpeace sign ako. “Ang OA ko, sorry!”
Lei
smiled. Pigil na ngiti ang ginawa niya hanggang sa unti-unting…
“Aaaahhhh!”
Para akong tangang impit na tumili. Para pa kong sirang hinawakan ang
magkabilang pisngi niya para tingnang mabuti sa malapitan ang ngiti niya!
Nakangiti si Lei! Hindi pigil na ngiti pero yung totoong ngiti! ”Lei, ngumiti ka sakin…”
Hinawakan
ni Lei ang mga kamay kong nasa pisngi niya at dahan-dahang tinanggal. “Nababaliw ka na naman.” Hindi pa rin
natatanggal ang ngiti niya. Kumain uli siya ng pizza. Habang ngumunguya siya,
nawawala na rin ang ngiti niya. Pero yung epekto ng ngiti niya sa mukha niya,
hindi pa rin nawawala. Kahit naka-side view siya, nakikita ko pa ring
maaliwalas ang mukha niya.
Ngumiti
si Lei. Ang saya-saya ng puso ko na parang gustong kumawala sa dibdib ko. Alam
kong hindi fake ‘yon. Naramdaman ko yung ngiti niya dahil napasaya ako no’n.
Alam ninyo yung pakiramdam na mission accomplished ka sa isang bagay na
gustong-gusto mong gawin, hindi man para sa sarili mo, pero para sa isang taong
mahalaga sa’yo. Ang saya sa pakiramdam.
“Lei, congrats kasi nabili mo yung
isla para sa itatayo mong beach resort.”
Tumango
siya. Hindi na siguro niya tinanong kung paano ko nalaman dahil malamang nasa
isip niya, sina Tim at Cyrish ang nagsabi sakin.
“Saka goodluck para sa gagawin mong
presentation mamaya, hah. Ajah, Lei! Kaya mo ‘yan, ikaw pa!”
“Thanks.”
I
smiled when he said thank you. Kinuha ko ang pizza kong nilapag niya kanina sa
box. “Don’t worry, after nating kumain,
aalis na ko. Kailangan mong magfocus at ayokong makaistorbo.”
At
may sinabi siya na nagpalundag at nagpakilig na naman ng puso ko. Papa God
naman! Kotang-kota na nga ko kahapon, pati ba naman ngayon? Araw-arawin ninyo
na po para sulit na sulit!
Alam
ninyo ba ang sinabi ni Lei sakin na nagpalundag at nagpakilig na naman ng puso
ko?
“Stay here, Chloe.”
At
sino ba ko para tumanggi?
= = = = = = = =
“Aaaahhhh!”
Inilayo ko sa tenga ko ang phone ko dahil sa lakas ng tili ni Ren. “Aaaahhhh!” Naririnig ko pa rin ang
tili niya kahit wala na ang phone ko sa tenga ko.
Itinapat
ko ang phone ko sa bibig ko at nagsalita nang malakas. “Hoy! Kalma lang!”
“Aray naman! Kailangang sumigaw?”
“Edi nabingi ka rin!” natatawang
sabi ko. Ibinalik ko na ang phone ko sa tenga ko. “Hinay naman kasi sa pagtili. Parang wala ng bukas, eh.” reklamo
ko.
“Sorry naman. Serious talk na tayo.
Hindi ko lang talaga napigilang hindi kiligin sa kwento mo.”
Narinig ko siyang tumikhim sa kabilang linya. “Paano ‘yan? Ngayong na-fall ka na sa kaniya, ano ng mangyayari sa deal
ninyo? Oo nga, napapansin mong nagbabago na siya pero hindi pa rin sapat ‘yon
para sabihin nating may nararamdaman din siya sa’yo.”
Tumabingi
ang ngiti ko. “Ang galing mong maka-goodvibes,
ah.”
“Best, I’m just stating a fact here.
Ang lalaki, hindi porke’t nagpapakita ng kabaitan at ka-sweetan sa isang babae,
may nararamdaman na siya dito. Oo, may nararamdaman si Lei sa’yo. Natutuwa siya
sa’yo. Kahit sino naman matutuwa kapag kasama ka. Sobrang slow lang ni Lei at
ngayon lang siya natuwa sa’yo.”
“Ren naman, eh! Ang gara-gara mo!”
“Magara na kung magara. Ang sabi mo
dati, napaghandaan mo na ang lahat kapag kinasal na kayo ng lalaking pinili ng
lolo mo para sa’yo. Now, tatanungin kita, napaghandaan mo din ba na maiinlove
ka kay Lei?”
“Oo naman. Naisip ko na ‘yon noon.”
“Napaghandaan mo nga na pwede kang
ma-fall sa kaniya. Ang tanong, napaghandaan mo ba ang mararamdaman mo habang
nahuhulog na ang puso mo sa kaniya? Hindi diba? Kaya nga ang dami mong tanong
kung bakit nararamdaman mo ‘yan, kung bakit sinasabi mo ‘yan at kung bakit
ginagawa mo ‘yan. Kasi hindi mo napaghandaan kung anong feeling ng ma-inlove.”
“Ren—”
“At kung sasabihin mo ngayon na
napaghandaan mo na rin ang masaktan, wag na wag kang sasagot ng oo.” Tinakpan
ko ang bibig ko. Sasagot na sana ako ng oo, eh. Grabe talaga ‘tong si Ren kapag
sinermunan na ko, tuloy-tuloy. “Magkaiba
kasi kapag iniisip mo ang mararamdaman mo kung sakaling masaktan ka kesa sa
literal na maramdaman mo ‘yon. Masakit ‘yon, best.”
“Bakit, best? Sobrang sakit na ba?”
“Hindi pa naman—teka lang! Ano bang
sinasabi mo?”
“I’m asking you, Karen Princess
Feirri, masakit na ba? Gusto mong jombagin ko na siya nang magising na siya ng
tuluyan?”
“Heh! Wag mo ngang ibahin ang topic!”
“Okay, okay. Hindi na po. Ganito na
lang, best. Wag na lang nating isipin kung ano ang mangyayari. Parang past is
past lang ‘yan, samin ni Lei future is future. Bakit kailangan kong intindihin
ang isang bagay na hindi pa naman nangyayari? Ang mahalaga ay ang ngayon. Ang
mahalaga, masaya ko ngayon. Masaya na ko dati pero kakaiba ‘tong sayang
nararamdaman ko, best. Sobrang nag-level up, eh. Kaya nga hayaan mo muna kong
kumota ng kilig dahil ngayon lang nainlove ang puso ko. Be positive na lang,
okay?”
“Hay naku, oo na. Basta ako ang
makakalaban ni Lei kapag—”
“Oops! Stop right there! Oo na lang
ako, ah. Sige na, best, magluluto pa ko. Babalitaan na lang kita, okidoki?”
“Oo na! Pero oras na—”
“Bye, best! Love you!” I
ended the call. Nilapag ko ang phone ko sa kitchen table at naghanap ng pwede
kong iluto. Hahatidan ko ng lunch si Lei mamaya.
Hindi
ko na siya naabutan kanina nang magising ako. Hindi ko rin alam kung sa’n siya
natulog dahil nauna akong pumasok ng kwarto at nakatulog. Kung katabi ko siya,
edi sana, nagising na ko. Hindi nga ako sanay matulog ng may katabi diba? Kaya
malamang sa malamang, sa couch siya natulog.
“Sinigang kaya? Hmm…”
Nagpameywang ako habang nakatingin sa nakabukas na ref. “Ano kayang—” Napatigil ako nang marinig kong may nagbukas na
pintuan. Lumabas ako ng kusina. Wala namang tao sa sala pero parang pakiramdam
ko may taong pumasok, eh.
Kinutuban
ako bigla. Bumalik ako sa kusina at naghanap ng pamalo. Kawali ang nakita ko.
Pumunta uli ako ng sala habang hawak nang mahigpit ang kawaling nakuha ko. May
naririnig akong kaluskos mula sa kwarto ni Lei pero hindi ako pumunta do’n.
Mahirap na. Ayokong macorner ng kung sino mang intruder na ‘yon.
Nagtago
ako sa likod ng couch para kung sakaling lumabas na siya, susugudin ko siya at
hahampasin ng kawaling hawak ko. Ilang beses akong lumunok. Kinakabahan talaga
ko. Kung lumabas na lang kaya ako at humingi ng tulong sa security nitong
condominium? Pero teka, diba mahigpit ang security dito? Pero hindi rin, eh.
Walang pinipiling lugar ang mga magnanakaw.
Nilakasan
ko na lang ang loob ko. May narinig akong yabag na papalapit sa gawi ko.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kawali ko. Huminga pa ko ng malalim. Lumabas
ako sa pinagtataguan ko at sinugod siya.
“Yaaaaa—”
Tumigil sa ere ang kawaling hawak ko nang makilala ko siya.
“Chloe!”
Alam ninyo yung ekspresyon ng mukha ng taong nasa harap ko? Halatang nagulat
siya dahil nakataas ang kamay niya na parang pipigilan ang kawaling ihahampas
ko sana kaniya. Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sakin at sa kawaling hawak
ko.
“Anong ginagawa mo?”
nagtatakang tanong niya habang nakakunot ang noo niya.
“Hah? Ano kasi…”
“Whoah! Anong mero’n dito?”
Napalingon
ako sa pinagmulan ng boses na ‘yon. Nakita ko si Tim na mukhang kakapasok lang
ng unit ni Lei.
“May LQ na naman kayo? Akala ko ba in
good terms na kayong mag-asawa? Naku naman! Ano bang ginawa mo, Lei, at parang
gusto ka nang bambuhin ni Chloe? Baka mabalitaan ko na lang sa front page ng
mga newspaper bukas na ang businessman na si Lei Constatine, nabugbog ng asawa
niya. Pero malabo namang mangyaring magawa ni Chloe ‘yon. Hindi naman war freak
‘yan, eh. Teka, bakit may dala kang bag, bestfriend? Maglalayas ka na? Iiwan mo
na naman si Chloe? Naku! Patay tayo dyan! Baka mamaya mastress na naman—”
“Shut up, Tim!”
“Whoah! Chilax, Lei! Parang nagbibiro
lang, eh. Ang init ata ng ulo mo ngayon?” Prenteng umupo si
Tim sa couch at nagbasa ng magazine na nakuha niya sa center table.
Napalingon
naman ako kay Lei nang kuhanin niya ang kawaling hawak ko. Hinagis niya lang
‘yon sa sahig kaya napakislot ako sa ingay na nilikha no’n. Ba’t parang badtrip
siya? Yung mukha niya kasi, hindi maipinta. Pero saan? Dahil ba muntik ko na
siyang hampasin ng kawali?
“Sorry, Lei. Hindi ko naman kasi alam
na ikaw pala yung pumasok. Akala ko may magnanakaw ng nakapasok dito sa unit
kaya kumuha ako ng kawali. Galit ka ba sa’kin?”
He
sighed and looked away. “No.”
Unti-unti na ring nawawala ang inis sa mukha niya.
Nakahinga
ako nang maluwag. Pero ano kayang nangyari at badtrip siya? “Ano nga pa lang ginagawa mo dito? Saka
ba’t may bag kang dala? Aalis ka?” Don’t tell me, may business meeting na
naman siya sa ibang bansa? Mukha kasing nagmamadali siya dahil dumeretso agad
siya sa kwarto niya para kumuha ng gamit niya. Waah! Iiwan na naman niya ko
dito?
Saka
lang niya ako tiningnan. “I need to go
to Batangas.”
Nakahinga
uli ako nang maluwag. “Akala ko naman sa
ibang bansa ka—wait! Batangas? Magtatagal ka do’n?” Hindi naman siguro siya
magdadala ng bag kung hindi siya magtatagal do’n.
“I don’t know. Maybe two to three
days.”
Nagbilang
ako sa isip ko. December 30 na ngayon. Ibig sabihin lang… “Do’n ka magnu-new year?!” may
kalakasang tanong ko. “Paano ako? Wala akong
kasama dito. Saka two to three days…” May voice trailed off. Baka mapraning
na naman ako no’n. Baka—
“Edi kina Lolo Jose ka na lang, Chloe.”
singit ni Tim.
Napalingon
ako sa kaniya. “Hah?”
“Do’n ka na lang mag-spend ng new year
sa pamilya mo.” sabi niya habang nasa magazine ang
atensyon niya. “Saka ako din.”
“Hah?”
Tiningnan
niya ko. He smiled. “Pwede? Alam mo
namang nasa ibang bansa ang pamilya ko diba? Yung paboritong kong lolo, pumunta
ng Europe. Wala naman si Lei dito kaya wala rin akong kasama. Kawawa naman ako
kung mag-isa lang ako ngayong new year kaya sa inyo na lang ako. Saka ang saya
sa inyo, eh.”
“O-oo naman, Tim. Pwede ka sa bahay.
Kaya lang…” Si Lei kasi, hindi ko siya makakasama.
Gusto ko siyang makasama ngayong new year. Ayokong iwan na naman niya ko dito.
“Kaya lang ano? Ah! Nagsasawa ka na
do’n? Edi dito na lang tayo magspend ng new year.”
“Ano bang pinagsasabi mo, Tim?!”
Napakislot
ako nang marinig ko ang malakas na boses na ‘yon ni Lei. Napalingon tuloy ako
sa kaniya. Nakakunot na naman ang noo niya habang nakatingin kay Tim.
“Hay, salamat! Nagsalita din! Sige,
guys! Aalis na ko, napadaan lang talaga ko dito. Chloe, pag hindi ka sinama ni
Lei, itext mo lang ako kung pupunta na tayo ng Bulacan at anong oras. Bye!” Napasunod
na lang ako ng tingin kay Tim hanggang sa makalabas siya ng unit.
I
sighed. Tiningnan ko si Lei. He was looking at me. Nakakunot ang noo niya pero
unti-unti yung nawawala habang nakatingin kami sa isa’t isa.
“Sasama ka sa kaniya?”
he asked seriously.
“Iiwan mo ba ko, Lei?” balik-tanong
ko. The way I said it, parang may iba pang meaning. Parang for a lifetime na yung
tinutukoy ng puso ko at hindi ang pagpunta niya sa Batangas na tinutukoy ng
isip ko.
Matagal
bago siya sumagot. And for the nth time again, pinalundag at pinakilig na naman
niya ang puso ko dahil sa sinabi niya.
“Sino namang nagsabing iiwan kita,
Chloe?”
= = = = = = = =
Itinaas
ko ang mga kamay ko habang nakaharap sa dagat. “Hmm… Ang sarap ng hangin…” Ipinikit ko ang mga mata ko habang ninanamnam
ang sikat ng araw.
I
opened my eyes. Inilibot ko ang tingin sa paligid ko. May mga tao akong
nakikitang naglalaro ng volleyball at naliligo sa dagat. May mga naglalakad
lang at wala sa kanila ang mukhang hinahanap ko.
Hinahanap
ko kasi si Lei, eh. Pagdating kasi namin sa hotel room namin, nagbihis agad
siya dahil nakasuot pa siya ng suit nang umalis kami. Maski ako, hindi na
nagpalit no’n. Hindi na rin ako nakapagdala ng damit o kahit na anong gamit ko
dahil nagmamadali na siya. Siya na daw ang bahala. May tiwala naman ako sa
kaniya kaya umoo na lang ako.
Hindi
ko alam kung sa’n siya pumunta. Basta pagkatapos niyang magbihis, kasama niya
kong lumabas. Sa restaurant kami dumeretso at do’n niya ko iniwan. May
kailangan lang daw siyang kausapin. Yun ang dahilan niya kung bakit nandito
kami sa beach resort—na pag-aari ng pamilya niya—nang tanungin ko siya habang
nasa byahe kami.
At
dahil masasarap ang pagkaing sinerve sakin, na-enjoy ko naman ang pagkain ko
kahit wala kong kasabay. Pagkatapos kong kumain, bumalik uli ako sa hotel room
namin. Pagpasok ko sa loob, ginulat na lang ako ng mga paper bag na may mga
lamang damit. Hindi ko alam kung sa’n galing ‘yon pero malamang si Lei ang
nag-utos na bilhin ‘yon. Hindi ko rin alam kung kailan niya inutos na bilhin
‘yon pero malamang siguro nung nakatulog ako kanina habang nasa byahe kami.
“Sa’n kaya siya nagpunta?”
Naglakad-lakad ako habang hinahanap si Lei ng mga mata ko. Medyo may kalayuan
ang hotel sa beach. Pwedeng lakarin sa mga trip maglakad, pwede ring sumakay sa
mga golf cart na mga nakakalat sa vicinity ng resort.
Hindi
ko alam na nakarating na ako sa dulo ng resort habang naglalakad. May barbed
wire na kasing nakaharang sa daraanan ko. May sign na nakalagay na restricted
area. I saw a cliff mula sa kinatatayuan ko. Hindi kataasan ‘yon, sakto lang.
Hindi lang ‘yon, may natatanaw din akong dalawang taong nakatayo doon. Sapat na
din ang distansya ko sa cliff para makilala ang isa sa kanila.
Napangiti
ako. “Nahanap din kita.” Naghanap
ako ng pwedeng pasukan kaya lang naka-lock ang pinaka-gate.
“Excuse me, miss.” Napalingon
ako sa likuran ko. May nakita akong lalaking nakasuot ng uniform na katulad ng
suot ng mga staff ng resort na nakita ko kanina. “Bawal po dito.”
“Ah, pupuntahan ko lang kasi si Lei.”
Tinuro ko ang cliff.
Kumunot
ang noo niya. “Si Mr. Lei Constantine
po?” Tiningnan niya pa ko mula ulo hanggang paa. At alam ko na agad ang
ibig sabihin no’n.
“Yes. And don’t worry, hindi ako isa
sa mga babaeng naghahabol sa kaniya. I’m his wife.”
“Mrs. Chloe Constantine?”
I
smiled. Ang sarap talagang pakinggan ng sinabi niya. “Yes, ako nga.”
“Naku, sorry po, Mrs. Constantine,
hindi ko po kayo agad nakilala! Nakasuot po kasi kayo ng wig nang makita ko
kayo sa dyaryo. Sorry po.”
Hayyy…
Ang sarap talaga sa pandinig ng Mrs. Constantine. “Okay lang. Ahm, may susi ka ba dyan nito?” Tinuro ko ang gate. “Pupuntahan ko lang sana si Lei.”
“Mero’n po.” Mabilis
naman niyang binuksan ang gate. Tinuro niya pa sakin ang daan paakyat ng cliff.
Pagkatapos
kong mag-thank you sa kaniya, nilakad ko na ang papunta do’n. May nadaanan
akong malaking cottage na hindi ko napansin kanina dahil siguro sa natatakpan
ito ng mga malalaking punong nakapaligid dito. Mukha siyang resthouse kung
tutuusin.
Hinanap
ko na ang daan na tinuro ng lalaki. Nakita ko naman agad ‘yon, Hindi naman
gano’n katarik ang daan kaya okay lang. Nakarating agad ako sa itaas. Natanaw
ko agad si Lei kaya lang nakatalikod siya sa gawi ko. Pero agad akong napahinto
nang makilala ko ang lalaking kausap niya.
“Let go of her memories.”
“Who?”
“Si Larah, kalimutan mo na siya, Lei.”
When
I heard that name, bigla na lang akong nagtago sa likod ng puno. I should go
now, I know. Hindi dapat ako makinig sa pinag-uusapan nila. Pero may isang
bahagi ng utak ko na gusto pang pakinggan ang pinag-uusapan nila lalo na at
narinig ko ang pangalang Larah.
“I don’t know what you’re talking
about. Now tell me, anong gusto mong kapalit, ibenta mo lang sakin ang resort
na ‘to?”
“May gusto akong bagay mula sa’yo.”
“What is it?”
“This Constancia Hotel and Beach
Resort will be yours and…”
“And what?”
“Your wife will be mine.”
What
did he say?!
= = =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^