CHAPTER
23
( LEI’s POV )
Napasugod
ako ng wala sa oras dito sa beach resort dahil sa tawag na natanggap ko mula
kay Attorney Cruz. That Flynn will sell this beach resort! Anong karapatan
niya? Oo, pinamana nga ni Lolo ang Constancia Hotel and Beach Resort sa kaniya
pero wala siyang karapatang ibenta ‘to ng gano’n lang!
All
along, I thought na sakin mapupunta ang beach resort na ‘to dahil ako ang
nag-iisang apo ni Lolo, pero hindi ‘yon nangyari! Kay Flynn niya pinamana ang
beach resort na pinaghirapan kong i-manage!
That
Flynn Torres! Gustong-gusto niya talaga kong bini-bwisit!
Napag-usapan
na namin ang tungkol dito. Hindi daw niya ibebenta, pero ano ‘tong nabalitaan
ko na naman kay Attorney na the day after tomorrow, pupunta daw dito ang buyer
na gustong bumili ng beach resort!
That’s
why I have to come here para kausapin si Flynn. I was in a hurry dahil ang sabi
ni Attorney aalis daw ang lalaking ‘yon later tonight at sa pagbabalik niya,
kasama na niya ang buyer na bibili ng lugar na ‘to.
No
way! I will not let that happen! Magtutuos kaming dalawa!
Ang
nakakainis pa, kung sa’n-sa’n ako tinuturo ng mga staff na nagta-trabaho dito!
At naisip ko ang isang lugar na madalas kong puntahan no’n kapag nandito ako. Restricted
area ang lugar na ‘yon dahil may resthouse na nakatayo do’n. Ang lugar na ‘yon
kung sa’n madalas naming pag-awayan ni Flynn noong mga bata pa kami.
At
tama nga ako. Dahil nang puntahan ko siya sa cliff na nasa dulo ng resort,
nakita ko siyang nakatayo do’n ngayon habang nakaharap sa dagat at nakapamulsa.
“What took you so long, Lei?”
“So you’re waiting for me, huh?”
“Pinahirapan ka ba ng mga staff ko
dito? Pasensya na, pabago-bago kasi ang isip ko kanina kung sa’n ako pupunta
kaya malamang nalito sila.”
“Yun naman talaga ang gusto mong gawin
diba? Ang pahirapan at inisin ako.”
Saka
lang siya humarap sakin. He was smiling. “Sino
namang nagsabing gusto kitang inisin, Lei?”
“Dalawang lang tayo dito kaya pwede
ba, wag kang ngumiti ng ganyan at wag kang umaktong parang hindi mo alam ang sinasabi
ko.”
He
smirked. “Bakit ba ang init ng ulo mo
ngayon?”
“Nag-usap na tayo, Flynn. Hindi mo
ibebenta ang Constancia.” madiing sabi ko.
“Pwede mo kong utusan na hindi ibenta
ang Constancia. But that was before, Lei. Because as far as I remember, I am the
sole owner of this place two months ago, right? Tama naman siguro ang sinabi
sakin ni Attorney ng araw na ‘yon. And because I own the Constancia, I can do
whatever I want in this place. If I wanted to sell it, I can do it without
anyone’s permission, even yours. At kung magbago man ang isip ko, hindi ko na
problema ‘yon.”
“Sell it to me.”
He
smirked. “Ayoko. Masyadong madali kung
ibebenta ko lang sa’yo ng gano’n-gano’n lang.”
Kinuyom
ko ang kamao ko. “Then what do you
want?”
Hindi
siya sumagot. Sa halip ay humarap siya sa dagat. “This place where we are standing, still remember when we were still a
kid? Pag nagbabakasyon tayo dito, madalas nating pag-awayan ang lugar na ‘to.
We both like this cliff. Tahimik kasi dito and we both like quiet places.”
Ano
bang pinagsasabi niya? Bakit bigla na lang niyang inopen ang mga nangyari noon?
Tama siya na madalas nga naming pag-awayan ang lugar na ‘to pero bakit
kailangan niyang ungkatin ‘yon ngayon? Sa madaling salita, hindi kami close
para pag-usapan namin ang bagay na ‘yon.
“Gaano ba kahalaga sa’yo ang
Constancia, Lei?”
“Pinaghirapan kong i-manage ang
Constancia lalo na ng mawala si Lolo kaya hindi ko papayagang mawala ‘to ng
gano’n-gano’n lang ng dahil lang sa’yo.” madiing sabi ko.
Hinarap
niya ko. “Ng dahil lang sakin?” He
chuckled. “Tama ka because I am just a
Torres, not a Constantine like you. Pero bakit nga ba sakin na isang Torres na
hindi kadugo ng Lolo mo pinamana ang Constancia na pinaghirapan mong
pamahalaan?”
Damn
this guy! Alam na alam niya talaga kung paano ako inisin!
“Yun nga lang ba ang dahilan, Lei? Na
kaya gustong-gusto mong mapasayo ang Constancia dahil naghirap ka din dito
bukod sa CTC? Na gusto mo lahat ng pinaghirapan mo mapasayo? Nasa’yo na ang
CTC, Lei, diba? Baka naman pwede mo ng ibalato sakin ‘tong Constancia at gawin
ang gusto kong gawin dito. Di hamak naman na mas malaking kumpanya ang CTC kesa
sa Constancia. O may iba pang dahilan kaya gusto mong makuha ang Constancia?”
“Ano bang sinasabi mo?”
Matagal
bago siya sumagot. Naglaban lang kami ng tinginan before he finally answered.
“Let go of her memories.”
“Who?” tanong
ko. Although I know kung sino ang tinutukoy niya. We never talk about her since
that fatal day happened.
“Si Larah, kalimutan mo na siya, Lei.”
“I don’t know what you’re talking
about. Now tell me, anong gusto mong kapalit, ibenta mo lang sakin ang resort
na ‘to?”
“May gusto akong bagay mula sa’yo.”
“What is it?”
“This Constancia Hotel and Beach
Resort will be yours and…”
“And what?” impatient
kong tanong.
“Your wife will be mine.”
“What?!”
Halos magsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Gusto niya ba ang asawa
ko?!
“Naghirap ka dito sa Constancia pero
ang asawa mo, hindi mo naman siya pinaghrapang makuha diba?”
Damn!
May alam ba siya na pinagkasundo kami ni Chloe?! Paanong—hindi pwede! Kami lang
ni Attorney ang nakakaalam no’n maliban sa pamilya ni Chloe! Paanong… Damn this
guy!
“Sa’yo ko ibebenta ang Constancia pero
sa isang kondisyon, ibigay mo sakin ang asawa mo.”
= = =
[ CHLOE’s POV ]
“Naghirap ka dito sa Constancia pero
ang asawa mo, hindi mo naman siya pinaghirapang makuha diba? Sa’yo ko ibebenta
ang Constancia pero sa isang kondisyon, ibigay mo sakin ang asawa mo.”
Ano
bang sinasabi ni Flynn? May alam ba siya? Pero paano? Saka bakit niya ba ko
hinihinging kapalit para ibenta niya kay Lei ang Constancia? Saka itong Constancia,
Lolo ni Lei ang may-ari nito diba? Bakit napunta ‘to kay Flynn at ngayon ay
gustong bilhin ni Lei? Ano ba talagang nangyayari dito?
“Wag mong idamay ang asawa ko dito!”
Mula
sa pinagtataguan kong puno, napasilip ako sa kanilang dalawa. Nakita kong hawak
na ni Lei ang kwelyo ng damit ni Flynn. At kahit nakatalikod sa gawi ko si Lei,
alam kong galit siya. Akmang lalabas ako nang mapahinto ako dahil sa sinabi ni
Flynn.
“Asawa mo? Oo nga, asawa mo siya pero
sa papel lang naman diba? Saka ba’t ba nanggagalaiti ka ng dahil lang sa isang
babae, Lei?”
Nagulat
ako. Alam ni Flynn. Pero paano?
“This is the first time na nagkaganyan
ka ng dahil lang sa isang babae. Ano bang pinakain niya sa’yo?”
Bakit
gano’n? Habang tinitingnan ko si Flynn ngayon, parang hindi siya yung taong
tumulong sakin no’n nang sampalin ako ni Leoni? Bakit parang ibang tao siya
ngayong seryoso ang mukha niya? Yung ekspresyon ng mukha niya, ganyan siya nung
una ko siyang makita sa office no’n na kumakain ng pizza bago ko pa siya
makilala bilang step brother ni Lei.
“Are you falling for her?”
Ang
sunod na tanong na ‘yon ni Flynn ang saglit na nagpatigil nang paghinga ko.
Hinintay kong sumagot si Lei pero dumaan ang ilang segundo na wala siyang
sinabi. Binitiwan niya lang si Flynn at lumayo dito.
“Huwag mong idamay si Chloe dito. Wala
siyang kinalaman dito.” Maya-maya ay sabi niya.
“Kung ayaw mong idamay si Chloe dito,
then tell me the real reason kung bakit gusto mong bilhin sakin ang Constancia.
Si Larah ba ang dahilan, Lei?”
Napaderetso
ako ng pagkakatayo when I heard that name again.
“Mahalaga kay Larah ang lugar na ‘to
at mahalaga siya sa’yo. That is the main reason kung bakit gusto mong mapasayo
ang Constancia, hindi ba?”
“Kung sabihin kong oo, siya nga ang
dahilan, ibebenta mo na ba sakin ang Constancia?”
Sino
ka ba talaga, Larah, sa buhay ni Lei? Bakit parang napakahalaga mo sa kaniya?
No. Mahalaga ka talaga sa lalaking mahal ko. Kahit hindi kita kilala,
nakakaramdam ako ng selos. Bakit feeling ko, ang swerte-swerte mo?
“No. I still want your wife to be mine
alone.”
Muntik
na kong mapatakbo palapit sa kanila nang makita kong sinugod ni Lei si Flynn at
sinuntok. Napaatras si Flynn ng dahil do’n. And still I saw him smirked kahit
nasuntok na siya.
“Yes! Larah is the main reason why I
wanted the Constancia! We both know how much she loved this place! And damn
you, Flynn para ibenta lang ‘to ng gano’n-gano’n lang sa kung sino! Hindi ba
siya mahalaga sa’yo, hah?! Palibhasa, wala kang kwentang—”
Napatakip
ako sa bibig ko para pigilan ang pagtili ko nang makita kong sinuntok ni Flynn
si Lei. Alam ninyo yung feeling na gusto kong lumapit pero parang may pumipigil
sakin? Kaya nanatili lang akong nakatago at nakasilip sa punong pinagtataguan
ko.
= = =
[ LEI’s POV ]
“No. I still want your wife to be mine
alone.”
Hindi
ko na napigilan ang sarili ko at sinugod ng suntok si Flynn.
“Yes! Larah is the main reason why I
wanted the Constancia! We both know how much she loved this place! And damn
you, Flynn para ibenta lang ‘to ng gano’n-gano’n lang sa kung sino! Hindi ba
siya mahalaga sa’yo, hah?! Palibhasa, wala kang kwentang—”
He punched me. Napahawak ako sa gilid ng labi ko nang may masalahan akong dugo.
“Don’t ever say that word, Lei!
Parehas lang tayong gano’n kay Larah!”
“No! Dahil ikaw, wala kang inintindi
kundi ang sarili mo!”
“Mas malala ka sakin, Lei! You’re such
a coldhearted selfish bastard!”
“Hindi naman ako magiging ganito kung
hindi dahil sa inyo! Ang mama mo! Ang magulang ko! Si Lolo! Lahat kayo!
Pinahirapan ninyo kong lahat! I’m a just a kid pero pinaramdam ninyo agad sakin
na wala akong kwenta! Damn you all!”
Hindi
siya nakasagot. Mukha ngang nagulat siya sa sinabi ko.
“Nagulat ka ‘no? Ikaw, Flynn! You saw
how your mother treated me! You saw how she hurted me pero wala kang ginawa!
Nakatingin ka lang habang sinasaktan ako ng babaeng ‘yon!”
Agad
siyang nakabawi sa pagkagulat. “Parehas
lang tayong sinasaktan ni mama!”
“What did you say?!”
Sinasaktan din siya ng mama niya? Hindi ko alam na—
“Bingi ka ba? Sinasaktan niya din ako!
Pero syempre, hindi mo alam ‘yon kasi nga sarili mo lang ang iniisip mo! Hindi
lang ‘yon, gusto mo lagi ikaw ang nasusunod noon! Kung makapag-utos ka sakin,
akala mo kung sino ka na! Dahil ba isa kang Constantine at isa lang akong
Torres?! Hindi ko ginustong mapabilang sa pamilya mo but I had no choice, Lei! Alam
mo bang dahil sa’yo, lagi akong napupuna ng mama ko na bakit hindi daw kita
gayahin?! Wala akong nagawa kundi ang makisipsip sa Lolo mo dahil ‘yon ang utos
ng mama ko or else she would hurt me!”
“So it was my damn fault kung bakit
kini-compare ka sakin?! Kasalanan ko ba kung puro na lang gitara ang gusto mong
hawakan, hah?! At anong inuutos?! Kailan ka ba sumunod sa utos ko?! Bilang na bilang
‘yon! Si Lolo na lang ang lagi mong sinusunod!”
“Dahil magkaiba tayo! Hindi ako, ikaw!
Mas gusto ko pang hawakan ang gitara ko kesa tulungan kayo sa business ninyo!
At dapat lang naman na si Lolo ang sundin ko dahil siya ang nagpapasweldo
sakin! Hindi katulad mo na lagi na lang nakasigaw!”
“Wala na ang mama mo, wala na rin si
Lolo, pero bakit nasa kumpanya ka pa rin kung ayaw mo naman pala ng ginagawa mo?!
Alam mong ayaw kitang nasa paligid ko! Dahil kapag nakikita kita, naaalala ko
sa’yo ang mama mo! Oh, I know! Gusto mo lang akong bwisitin diba?! Kaya kahit
galit na ko, nakangiti ka pa rin!”
“I have my reasons kung bakit nasa CTC
pa rin ako at wala ka ng pakialam do’n! Kung mainis ka man sa presence ko, wala
na kong pakialam do’n!”
“May pakialam ako because I worked
hard for the company, much harder than you did! At kung gugustuhin kong alisin
ka sa kumpanya, gagawin ko! Hindi kita kailangan!”
“Hindi kailangan? Hah! You should
thank me, Lei, dahil ako ang sumasalo sa mga trabaho mo kapag wala ka! Tatanggalin?
Go! Do whatever you want! Yun eh kung ikaw pa rin ang magiging presidente sa
darating na stock holder’s meeting! Goodluck!”
“Damn you, Flynn!”
“Damn you, too!” Then
he punched me. Gumanti rin ako ng suntok sa kaniya. Pagkatapos ay naglaban kami
ng tinginan.
Ramdam
ko ang pagtaas-baba ng dibdib ko na parang nakipaghabulan ako dahil sa hingal
na nararamdaman ko. Idagdag pa ang sobrang inis, ang sobrang bwisit, ang
sobrang… Halo-halo na! Bwisit na bwisit na nga ko, may ganang pang ngumisi ang
lalaking ‘to!
Lumipas
ang ilang segundo nang magsalita siya. “Now
I know.”
“Know what?” inis
na tanong ko.
He
smirked. “Kung bakit ganyan ka at kung
bakit inis na inis ka sakin.”
Kumunot
ang noo ko dahil sa sinabi niya. Only to realize what did I said earlier. All
of those! “What the—“ Napapikit ako
nang mariin. “Damn!”
“All these years, ngayon mo lang
ginawa ’to diba? Masarap ba sa pakiramdam na maglabas ng sama ng loob? Me?
Yes.”
“Leave!”
madiing sabi ko nang hindi siya tinitingnan. Hindi pa rin siya kumikilos. I
looked at him. “Leave!” malakas na
utos ko sa kaniya. Hindi man lang siya natinag dahil nagawa pa niyang ngumisi.
“Okay, Mr. President.”
Iniwan na niya ko habang ako, kuyom ko ang kamao ko sa sobrang inis.
“Damn!”
Humarap ako sa dagat at nagpameywang. Bakit ko ba sinabi ang mga ‘yon sa
kaniya?! The way I acted earlier parang hindi ako si Lei Constantine! Parang
akong bata na nakikipag-away!
But
still…
Pinakiramdaman
ko ang sarili ko. I’m pissed off but at the same time, pakiramdam ko parang may
nabunot na tinik sa dibdib ko. Naalala ko ang sinabi ni Flynn kanina.
“All these years, ngayon mo lang
ginawa ’to diba? Masarap ba sa pakiramdam na maglabas ng sama ng loob? Me?
Yes.”
“Bwisit ka talaga, Flynn!”
“Naghirap ka dito sa Constancia pero
ang asawa mo, hindi mo naman siya pinaghirapang makuha diba? Sa’yo ko ibebenta
ang Constancia pero sa isang kondisyon, ibigay mo sakin ang asawa mo.”
“Damn you, Flynn!”
= = =
[ CHLOE’s POV ]
Nasa
kalagitnaan na ako ng daan pababa ng cliff nang tawagin ko si Flynn na nauuna
sakin. Huminto siya at nilingon ako. Mukhang hindi siya nagulat na nakita niya
ako. At bumalik na rin ang ekspresyon ng mukha niya sa tuwing nakikita ko siya.
Wala na ang kaseryosohan na nakita ko kanina habang nakikipagsagutan siya kay Lei.
Sa nakikita ko nga, parang hindi siya nanggaling sa pakikipag-away, except sa
namumulang pisngi niya.
“I didn’t expect na ako ang unang
lalapitan mo, Chloe.” sabi niya nang makalapit ako sa kaniya.
“Alam mong nando’n ako?”
“I saw you.”
Ipinamulsa niya ang mga kamay niya sa short niyang suot. “What do you want, Chloe?”
“Narinig ko kayo.”
At nasaktan ako. Mali pala, dahil hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako dahil
sa mga nalaman at nakita ko. Si Larah at ang galit ni Lei kanina, nasasaktan
ako sa mga ‘yon. “Sino ka ba talaga,
Flynn? Kanina parang hindi ikaw yung taong nakilala ko. Parang hindi ikaw yung
taong kinu-kwento sakin. Parang ibang tao ka. Who is the real you?”
His
serious face earlier came back. “You
really want to know? Okay. Listen carefully, Chloe, dahil ngayon ko lang
sasabihin ‘to.” Tiningnan niya ko ng deretso sa mga mata ko. “If a person knows how to use and control
things in the right time and place, he can manipulate anything the way he
wanted it to be. And you know the prize is? That person could get everything he
wants.” He smiled. “Naiintindihan mo
ba ko, Chloe?”
Umiling
ako. “Hindi ko maintindihan kung bakit
ako ang hinihingi mong kapalit para ibenta mo kay Lei ang resort na ‘to.”
Hindi pwedeng may gusto siya sakin. Hindi pwedeng ‘yon ang maging dahilan.
“Hindi mo nga ako naiintindihan,
Chloe.”
“Hindi ko rin maintindihan kung bakit
ayaw mong ibenta kay Lei ang resort na ‘to kung may balak ka na palang ibenta
‘to sa iba. Bakit hindi na lang sa kaniya? Gano’n ba ang galit mo sa kaniya?”
“You’re wrong, Chloe.”
Kulang
na lang ipadyak ko ang mga paa ko dahil hindi ko talaga siya maintindihan!
“Hindi lahat ng bagay na nakikita at
naririnig natin, totoo. Minsan kailangan nating gawin ang isang bagay para
makita natin ang gusto nating makita. Sabihin ang isang bagay para marinig
natin ang gusto nating marinig. At nakuha ko naman ang gusto ko mula sa
kaniya.”
Hindi
agad ako nakasagot dahil ina-analyze ko pa ang mga sinabi niya nang magsalita
na naman siya.
“Do you know Larah?”
“Hah?”
“Si Larah ang nag-iisang babaeng
mahalaga kay Lei but sad to say, hindi niya naipakita kay Larah ‘yon noon.”
Kulang
na lang mapahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong parang may tumusok sa
puso ko dahil sa sinabi niya.
“Narinig mo naman diba? Si Lei na ang
nagsabing kaya niya gustong bilhin ang resort na ‘to ay dahil kay Larah.”
Iniwas
ko ang tingin sa kaniya.
“Nakita mo naman ang galit niya kanina
diba? For the first time, ngayon ko lang siya nakitang gano’n. At ‘yon ay dahil
kay Larah.”
Kinagat
ko ang gilid ng labi ko sabay kuyom ng kamao ko. Bakit kailangan niya pang
ulit-ulitin? Hindi niya ba alam na nakakasakit na siya? Oo na! Lahat na lang si
Larah! Siya na ang dahilan kung bakit nagpupunta si Lei sa bahay ampunan! Siya
na ang dahilan kung bakit biglang pumunta si Lei dito! Siya na ang dahilan kung
bakit gustong bilhin ni Lei ang resort na ‘to! Siya na ang dahilan kung bakit
nagalit ng gano’n si Lei kanina! Si Larah na! Siya na!
Pero
paano naman ako? Mahalaga naman ako kay Lei diba? Wala man siyang sinabi pero
naramdaman ko naman ‘yon, eh. Bakit ba kasi ang sakit na marinig sa lalaking
mahal mo na may ibang babaeng mahalaga sa kaniya? Tapos ang katulad pa ni Lei
ang nagsabi no’n. Hindi siya gano’n. Pero ba’t pagdating kay Larah, ang dali
niyang sabihin ‘yon? Ayokong mainis, ayokong magalit at mas lalong ayokong
magselos pero hindi ko maiwasan!
“Do you think he loves you?” When
I looked at Flynn, nasa harapan ko na pala siya. Tiningala ko siya. “Lei will always be Lei. Kaya niya bang
magmahal kung ang nag-iisang babaeng mahalaga sa kaniya noon, hindi niya napahalagahan?”
“Tama na…” nanghihinang
sabi ko. Tinotorture niya ba ko?
“Maghihiwalay din naman kayo kaya bago
ba dumating ang araw na ‘yon, hiwalayan mo na siya bago ka pa niya maunahan. He
will always be that cold hearted, selfish, bastard like before. Sasaktan ka
lang niya, Chloe.”
“Tama na!”
madiing sabi ko. “Hindi mo ba alam na…”
Nangilid ang gilid ng mga mata ko.
“Na nasasaktan na kita?”
Hindi
ko napigilan ang sarili ko. “Oo!”
Kasabay no’n ay ang pagpatak ng luha ko. “Alam
mo naman pala, eh…”
“Because you love him?”
“Oo! Kaya pwede ba, wag mo na kong
torturin, Flynn!” Pinunasan ko ang pisngi ko. “Akala ko mabait ka kasi pinagtanggol mo ko
kay Leoni noon. Tapos ngayon…” Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. ”Hindi mo kailangang ipamukha sakin na
maghihiwalay din kami ni Lei… Alam ko naman ‘yon, eh…”
“You’re crying again because of him.”
“Oo, kasi masakit!” Nang
tangkain niyang punasan ang pisngi ko, itinaboy ko lang ang kamay niya. “Yan ka na naman, eh… Nagiging mabait ka na
naman…” Pinunasan ko ang pisngi ko.
“Hindi mo kasi maintindihan, Chloe.”
Sunod-sunod
akong umiling. Hindi ko talaga siya maintindihan. Basta ang alam ko, nagseselos
ako kay Larah! Humakbang ako palayo kay Flynn. Palayo ng palayo hanggang sa
maramdaman kong bumangga ang likuran ko sa…
“Chloe?”
Humarap ako sa taong ‘yon. I saw Lei. Kumunot ang noo niya. “Anong ginagawa mo dito?” gulat niyang
tanong. “Bakit ka umiiyak?”
Parang
replay na bumalik sa alaala ko ang mga sinabi ni Flynn kanina.
“Si Larah ang nag-iisang babaeng
mahalaga kay Lei but sad to say, hindi niya naipakita kay Larah ‘yon noon.”
“Narinig mo naman diba? Si Lei na ang
nagsabing kaya niya gustong bilhin ang resort na ‘to ay dahil kay Larah.”
“Nakita mo naman ang galit niya kanina
diba? For the first time, ngayon ko lang siya nakitang gano’n. At ‘yon ay dahil
kay Larah.”
“Do you think he loves you? Lei will
always be Lei. Kaya niya bang magmahal kung ang nag-iisang babaeng mahalaga sa
kaniya noon, hindi niya napahalagahan?”
“Maghihiwalay din naman kayo kaya bago
ba dumating ang araw na ‘yon, hiwalayan mo na siya bago ka pa niya maunahan. He
will always be that cold hearted, selfish, bastard like before. Sasaktan ka
lang niya, Chloe.”
“Lei…”
My tears keep on falling. Bakit pa kasi ako sumama dito? Bakit ko pa nalaman
ang mga ‘yon? Okay na sana kami tapos ngayon…
Hinawakan
niya ang magkabilang pisngi ko. “Chloe,
ano bang—” Lumipad ang tingin niya sa likuran ko. “Ano na namang ginawa mo sa kaniya, Flynn?!” Kahit pabulyaw niyang
sinabi ‘yon, parang hindi man lang ako nagulat o natinag. Ganito ba pag
nakakaramdam ka ng sakit? Na wala ka nang mararamdaman na kahit ano maliban sa
sakit na nararamdaman mo?
“Wala kong ginawa, nakuha ko lang
gusto kong makuha.”
“What?!”
“Nakuha ko na ang gusto kong makuha sa
inyong dalawa kaya ibibigay ko na rin ang gusto mo, Lei. Constancia is yours
now.”
Naririnig
ko sila pero parang hindi naman pumapasok sa isip ko ang mga sinasabi nila.
Nang akmang aalis si Lei sa harapan ko, hinawakan ko ang magkabilang braso niya
para pigilan siya. Napatingin siya sakin.
“Lei…”
“Chloe, ano bang ginawa niya sa’yo?”
may diing tanong niya.
“Sino ba talaga si Larah…?”
Kusa na lang ‘yon lumabas sa bibig ko. Ngayon ko lang nalaman, may
pagkamasokista rin pala ako dahil tinanong ko pa sa kaniya ang bagay na ‘yon.
Kumunot
niya. “Chloe, bakit—”
“Nasa’n ba siya…? Kung mahalaga siya
sa’yo, bakit wala siya dito…? Kung mahalaga siya sa’yo, bakit hindi na lang
siya ang pinakasalan mo…? Akala ko ba wala kang pakialam sa ibang tao, pero
bakit sa kaniya…? Yung snow globe… Yung bahay ampunan… Ang pagpunta natin dito…
Itong beach resort… Lahat na lang—”
“Can you please stop?”
may diing sabi niya. “Ano bang
nangyayari sa’yo?”
“Kasi naman si Larah…”
“Mukhang hindi tayo nagkakaintindihan
dito. Si Larah…
…she was my sister.”
= = =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^