CHAPTER
24
( CHLOE’s POV )
“Hindi ko siya maintindihan.”
“Hindi ko rin siya maintindihan.”
segunda ko sa sinabi ni Lei. Mula sa folder na hawak niya, umangat ang tingin
niya sakin. “Ang gulo niya noh?”
tanong ko pa.
“Oo.”
segunda naman niya. Sabay pa kaming napabuntong-hininga. “I need to talk to Attorney Cruz about this. May kailangan din akong kausapin
at asikasuhin dahil bigla na lang akong umalis ng office kanina. Baka matagalan
ako. Umorder ka pa ng gusto, sa kwarto lang ako.”
“Sige. Pwedeng orderin lahat ng
dessert dito?”
“Chloe.”
“Joke lang, ‘to naman. Sige na, gora
ka na, I mean punta ka na sa kwarto.” Nakasunod ang tingin ko
sa kaniya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Nagpangalumbaba ako sa table
habang nakatingin sa glass wall ng restaurant kung sa’n kami kumakain ng dinner
ni Lei.
Yung
folder na hawak niya, binigay ng manager ng hotel habang kumakain kami ng
dinner. Pinabibigay daw ‘yon ni Mr. Torres na walang iba kundi si Flynn. Kanina
ko lang din nalaman na si Flynn ang Director Torres ng CTC. Kaya pala naka-suit
siya ng araw na ‘yon nang mahimatay ako.
Hindi
ko talaga maintindihan si Flynn. Nakalagay kasi sa folder na ‘yon ang mga
papeles na nagsasabing si Lei na ang bagong nagmamay-ari ng Constancia Hotel
and Beach Resort. Ang gulo noh? Parang kanina lang ayaw niya pang ibenta ang
Constancia at ako pa ang hinihinging kapalit niya, tapos ngayon si Lei na ang
nagmamay-ari no’n.
Sa
totoo lang, hindi lang ako naguguluhan kay Flynn, naiinis pa ko sa kaniya.
Dahil kasi sa mga pinagsasabi niya, parang gusto ko nang lumubog sa
kinatatayuan ko kanina.
-
F L A S H B A C K –
“Nasa’n ba siya…? Kung mahalaga siya
sa’yo, bakit wala siya dito…? Kung mahalaga siya sa’yo, bakit hindi na lang
siya ang pinakasalan mo…? Akala ko ba wala kang pakialam sa ibang tao, pero
bakit sa kaniya…? Yung snow globe… Yung bahay ampunan… Ang pagpunta natin dito…
Itong beach resort… Lahat na lang—”
“Can you please stop?”
may diing sabi niya. “Ano bang
nangyayari sa’yo?”
“Kasi naman si Larah…”
“Mukhang hindi tayo nagkakaintindihan
dito. Si Larah, she was my sister.”
“Hah?”
“Larah was my step sister.”
Hindi
ko alam kung paano ko ie-explain ang reaksyon ng mukha ko dahil sa narinig ko.
Feeling ko na-good time ako ng wow mali at naghihintay na lang ako ng camerang
lalabas mula sa kung saan. Pero walang lumabas.
“May sinabi ba sa’yo ang lalaking ‘yon
tungkol kay Larah?”
Tanging
tango ang nagawa ko.
“Sinabi ba niyang may relasyon kami ni
Larah?”
“Parang…”
“Hindi ko alam kung matatawa ako o
maiinis sa’yo.”
“None of the above na lang…”
Tumalikod ako. Tinakpan ko ang mukha ko. Parang gusto kong sumigaw dahil sa halo-halong
nararamdaman ko. Dapat ba kong matuwa o dapat akong mahiya dahil ang epic ng
reaction ko?!
Pero
alam ninyo ang nangingibabaw sa halo-halong pakiramdam na ‘yon? Naiinis ako kay
Flynn dahil pinalabas niya na may relasyon sina Larah at Lei! Bakit niya ginawa
‘yon?! Bakit parang feeling ko pinaglaruan niya ang feelings ko? Bakit
kailangan niyang ipamukha sakin na hindi ako mamahalin ni Lei, na iiwan niya
rin ako? Parehas lang si Leoni!
Buong
buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganito, ngayong kasal na ko. Yung
feeling na parang inaapi ako. Ganito ba kapag kinasal ka na, may Leoni at Flynn
na darating sa buhay mo? Simple lang at walang kumplikasyon ang buhay ko nung
wala pa si Lei tapos ngayon…
Sunod-sunod
na pumatak ang mga luha ko. “Nakakainis…”
Naramdaman
kong hinawakan ni Lei ang kamay ko. Paglingon ko sa kaniya, naglakad na siya
paakyat sa cliff. At dahil hawak niya ang kamay ko, napasunod ako sa kaniya.
Nauuna siyang naglalakad sakin at ako naman nakatingin lang sa kamay naming
magkahawak. I hold his hand tight.
Binitiwan
niya lang ang kamay ko nang makabalik kami sa taas ng cliff. “You’re pissed off, right? Then shout it
out loud here. Go.”
Kanina
ko pa talaga gustong sumigaw kaya sinunod ko agad ang sinabi niya. Huminga muna
ako nang malalim, inilagay ang mga kamay ko sa gilid ng bibig ko at sumigaw ako
at the top of my lungs. “Nakakainis ka,
Flynn!!! Hindi na kita kakausapin!!! Hindi na tayo bati!!! At ikaw, Leoni!!!
Kasalanan ni Flynn kung bakit nasama kita dito!!! Wala kayong karapatang
pigilan ako sa gusto ko!!! Gagawin ko ang gusto ko!!! Bahala kayo sa gusto
ninyo!!! Hinding-hindi ko iiwan si Lei!!! Itaga ninyo ‘yan sa cliff na ‘to!!!”
Natigilan
ako. Teka! Ano uli yung huling sinabi ko? Napatakip ako sa bibig ko. Oh my!
Pinakiramdaman ko si Lei. Hindi siya nagsalita. Dahan-dahan ko siyang nilingon.
Seryoso ang mukha niya habang nakatingin siya sakin. Hanggang sa gawin niya ang
pigil na ngiting ‘yon.
“Lei, ano kasi…”
Bigla
siyang humarap sa dagat. Nagulat pa ko nang sumigaw din siya. “I hate you, Flynn!!! Makukuha ko sa’yo ang
Constancia na wala kang kinukuhang kalapit sakin!!! Tandaan mo ‘yan!!!”
Kapalit?
Hindi ba ako ang kapalit na ‘yon? Ibig sabihin, hindi niya papayagang mapunta
ako kay Flynn kapalit ng Constancia?
“Makukuha ko sa’yo ang Constancia na
wala kang kinukuhang kalapit sakin!!!”
Those
words. Unti-unti nung pinangiti ang puso ko ng gano’n kadali.
Nilingon
ako ni Lei. Nilapitan niya ko. He cupped my face with his two hands and wiped
off my tears using his thumbs. “Okay ka
na?” tanong niya.
Tumango
ako. Paanong hindi ako magiging okay sa ginagawa niya? Kapag nagiging mabait
siya, kapag nagiging sweet siya, kapag nagiging ganyan siya, napakadali niyang
pangitiin at pasiglahin ang puso ko na walang ka-effort-effort.
“Sinabi ko naman sa’yo diba, wag mong
kakausapin si Flynn.”
“Gusto ko lang naman na kumbinsihin
siya na sa’yo na lang ibenta ang resort.”
Sumeryoso
ang mukha niya. Binitiwan niya ang mukha ko. “How did you know?”
“Hinanap kasi kita tapos nakarating
ako dito. narinig ko kayo.”
“Narinig mo pala.”
Lumingon siya sa dagat. Maya-maya ay umupo siya sa damuhan. “Ngayon alam mo na kung bakit ayoko kay
Flynn.”
“Oo.” Dahil
nakikita mo sa kaniya ang mama niyang isa sa nanakit sa’yo no’n. Umupo
ako sa tabi niya. Niyakap ko ang tuhod ko. “Gano’n
ba talaga ang galit mo sa kaniya?”
“Alam kong inis ako sa kaniya. Pero
galit? I don’t know.”
“Yung kanina kasi…”
“Sinong hindi magagalit sa sinabi
niya? Who the hell is he para hingin kang kapalit nitong Constancia? Nasisiraan
na ba siya?” Sinabi niya ‘yon na parang naiinis.
Pinigilan
ko ang mapangiti dahil sa sinabi niya. So, ako ang dahilan kung bakit siya
nagalit kanina at hindi si Larah?
Teka,
si Larah nga pala! Bakit hindi ko siya nakikita? Nasa ibang bansa ba siya? Saka
bakit gano’n? Wala namang nababanggit si Jhom o si Tim o ang kahit sino sa CTC
tungkol kay Larah. Nasa’n na ba siya? Saka yung sinabi ni Lei kanina.
“Larah was my step sister.”
Hindi
kaya… “Lei, nasa’n ba si Larah?”
He
looked at me. “Si Larah?” Tumingala
siya sa langit. Napagaya na rin ako sa kaniya. “Heaven.”
Napatingin
ako sa kaniya. “Nasa heaven na siya?”
gulat kong tanong.
Hindi
sumagot si Lei. Tumingin lang siya sa dagat. Ilang segundo pa ang hinintay ko
bago siya nagsalita. “Larah was my step
sister. Hindi kagaya ni Flynn, kadugo ko siya. Anak siya ni daddy at ng step
mom ko. She was three years younger than me. She was a bubbly kid, kagaya ni
Kendra. Sa totoo lang, parehas sila ng ugali ni Kendra.”
Kaya
pala gano’n na lang kalapit ang loob niya kay Kendra.
“Hindi ako gano’n kalapit sa kaniya pero
siya ang lapit ng lapit sakin. Tuwing sinasaktan ako ng step mom ko, lalapit siya
at hahawakan ang mga kamay kong pinalo ng stick ng mommy niya. Hihipan niya
‘yon at tatanungin ako nang masakit pa ba. Sa totoo lang, minsan na niyang
sinumbong na sinasaktan ako ng mommy niya pero hindi naniwala si daddy. Nagalit
pa nga si daddy dahil tinuturuan ko daw ng kung anu-ano si Larah. Pinagtanggol
ako ni Larah no’n. You know her age then? She was just four years old nang
gawin niya ‘yon.”
“I was cold to her then, but still
inside of me, siya lang ang nag-iisang taong pinahalagahan ko dahil sa
nangyaring ‘yon. Until that fatal day came. She was five that time at
magkakasama kami no’n, si daddy, ang step mom ko, si Flynn at si Larah. My dad
and my step mom, it was their fault kung bakit nawala si Larah. Masyado silang
naging pabaya kaya naaksidente siya. Alam nilang malikot si Larah pero
binitiwan nila siya. Nauna na kong pumasok ng restaurant no’n kaya wala akong nagawa. Paglabas ko, nakita ko na lang na
duguan siya sa kalsada. She died that day because of them.” madiing sabi
niya.
Matagal
nang nangyari ‘yon pero dala pa rin ni Lei ang hinanakit niya sa daddy at step
mom niya dahil sa tono ng boses na nahimigan ko sa kaniya. Hindi lang sa
kanila, parang sinisisi niya rin ang sarili niya dahil wala siyang nagawa ng
araw na ‘yon. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit gano’n na lang ang inis
niya sa mall no’n, ng may batang muntik nang bumangga samin.
“Lei…”
Parang gusto ko siyang yakapin. Gusto kong magsalita pero wala akong mahanap na
tamang sasabihin kaya hinayaan ko na lang si Lei na ilabas ang sama ng loob
niya.
“She was so young then para mawala
siya. Kahit hindi ko pinapansin ang mga kinukwento niya no’n, naaalala ko pa
rin ‘yon. Ang dami pa niyang pangarap. Gusto niyang tumulong sa bahay ampunan
kapag marami na daw siyang pera. She loved this resort so much kaya sinabihan
niya si Lolo no’n na paglaki daw niya, sa kaniya daw ibigay ‘to. Tapos
magtatayo daw siya ng sarili niyang resort katulad nito, tatlo pa ang gusto
niya, isa sa Luzon, sa Visayas at Mindanao.”
Kaya
pala. Ngayon alam ko na ang tunay na dahilan sa mga bagay na ginagawa ni Lei.
Para lahat ‘yon sa nag-iisang taong nagpahalaga sa kaniya no’n kahit sa maikling
panahon lang. Ang taong minsan at patuloy na pinahahalagaan ni Lei—si Larah.
“Ni wala man lang akong naibigay sa
kaniya no’n. Pero siya bigay siya ng bigay sakin. And one of those was the snow
globe, ang pinakapaborito niya sa lahat ng binigay niya sakin. Kami daw kasi
yung babae at lalaking nakaupo kay Santa.”
Kay
Larah pala galing ang snow globe na ‘yon.
Nagsalita
na ko. “Alam mo, Lei, may binigay ka rin
sa kaniya.” Nilingon niya ko. “Tinutupad
mo kasi ang mga pangarap niya. And I’m sure sobrang saya ni Larah dahil do’n.”
“And should I be happy?”
“Sabi ko naman sa’yo diba? Wag mong
pilitin ang sarili mong maging masaya. Kasi kung hindi naman bukal sa loob,
para ka lang nagpa-picture.”
“Nagpapicture?”
“Oo. Hindi naman kasi lahat ng
nakangiti sa picture masaya. Kailangan lang nilang ngumiti dahil nakaharap sila
sa camera. Pero pag tiningnan mo na yung picture nila, mapapansin mong hindi
totoo ang ngiti nila.”
I
saw him smiled a bit. Napangiti rin ako kahit matipid lang ‘yon. Hindi na siya
nagsalita. Nakatingin lang siya sakin, sa mukha ko. At…
Waaah!
Bakit ganyan siya makatingin? Mero’n bang dumi sa mukha ko? May muta kaya ako o
kulangot o kahit na ano para titigan niya ko ng ganyan na parang hinihigop niya
ang energy ko? Baka mamaya—
“Why are you doing this, Chloe?”
“Hah?”
“Bakit ang tiyaga-tiyaga mo sakin?
Dahil ba mag-asawa tayo kaya mo ginagawa ang lahat ng ‘to?”
“Alam mo kasi, Lei. Kapag mahalaga
sa’yo ang isang tao, gagawin mo ang mga bagay, hindi dahil kailangan, hindi
dahil responsibilidad mong gawin ‘yon. Alam mo kung bakit? Dahil gusto mong
makitang masaya siya.” I smiled at him.
“Mahalaga ko sa’yo?”
“Hah? Ah, eh…”
Teka, bakit ako mag-dedeny kung totoo naman? Bahala na si Batman. Tiningnan ko
siya ng deretso sa mga mata niya. “Yes,
Lei. Mahalaga sakin.”
Hinintay
ko siyang sumagot pero ngumiti lang siya sabay tingin sa dagat. Ako naman ‘tong
tuwang-tuwa sa nakikita kong ngiti niya. Sinilip ko pa ang mukha niya.
Napatingin tuloy siya sakin.
“Bakit?”
“Wala naman. Alam mo bang mas bagay
sa’yo ang nakangiti, Lei. Sana lagi ka na lang ganyan.”
nakangiting sabi ko.
Hindi
siya sumagot pero nagulat ako ng tapikin niya nang marahan ang ulo ko. Mas lalo
akong napangiti sa ginawa niya.
“Masakit ba?”
tanong ko sabay turo sa gilid ng labi niya na tinamaan ng suntok ni Flynn
kanina.
“Mas masakit pa dyan ang mga naranasan
ko.”
Then he looked at the sea. Nawala na rin ang ngiti niya.
“Napapagod ka na ba?” Napapagod
sa lahat nang nangyari at nangyayari sa’yo. Hindi ko alam kung naintindihan
niya ba ang tanong ko pero sumagot siya ng…
“Yes.”
“O.” sabay tapik ko sa
balikat ko.
Napalingon
siya sakin. “What?”
“Sandal ka sakin.”
“Bakit?”
“Napapagod ka na diba? Pwede ka namang
magpahinga, Lei.” Humarap na ko sa dagat at hinintay na
sumandal siya pero hindi niya nagawa. Tiningnan ko ang langit nang mapalingon ako
sa balikat ko dahil nakapatong na do’n ang ulo ni Lei! Unti-unti akong
napangiti. Hindi na ko nagsalita at tiningnan uli ang langit.
Ilang
minuto lang ang lumipas nang maramdaman ko ang malalim na paghinga ni Lei.
Sinilip ko ang mukha niya at nakita kong nakapikit na siya.
“Lei, tulog ka na ba?” I
poked his forehead twice pero mahina lang. Wala akong nakuhang reaksyon mula sa
kaniya. I poked it once again pero wala talaga. Napangiti ako. “Ang bilis mo talagang makatulog. Sige
lang, matulog ka lang dyan.”
Tiningnan
ko ang langit. “Larah, naririnig mo ba
ko? Ako nga pala si Chloe. Ate Chloe. Thank you, ah kasi minahal mo si Lei
no’n. Sorry din kung pinag-isipan kita nang hindi maganda kanina. Akala ko kasi
may relasyon kayo ni Lei no’n. I promise you, aalagaan ko ang Kuya Lei mo.
Sayang, hindi tayo nagkakilala noh? Sigurado kasing magkakasundo tayo lalo na
pagdating sa kuya mo.”
Sinilip
ko ang mukha ni Lei. “Tingnan mo, o, ang
cute-cute niyang matulog. Napangiti ko na rin siya, Larah.” Ibinalik ko ang
tingin sa langit. “At sisiguraduhin kong
hindi lang temporary ‘yon.”
Nakangiting
pinagmasdan ko ang papalubog na araw.
And
déjà vu.
Ganito
din ang pakiramdam ko ng araw na pagmasdan ko ang pagsikat ng araw kasama si
Lei. Iba nga lang ngayon dahil ang paglubog ng araw ang pinagmamasdan ko.
Sana
laging ganito. Sana lagi kaming magkasama sa bawat pagsikat st paglubog ng araw
na darating samin.
Because
I want to be with Lei, not just for three months. I want to be with him
forever. Pwede kayang mangyari ‘yon?
- E
N D O F
F L A S H B A C K –
Napahawak
ako sa kaliwang balikat ko. Parang nararamdaman ko pa rin ang ulo ni Lei. Nangawit
ako kanina kasi papadilim na nang magising siya. Nilalamok na nga ko kanina. At
dahil sa lamok na ‘yon na hinampas ko sa pisngi ko, nagising si Lei. Nagtaka pa
nga siya kung bakit gabi na at sinabihan pa kong ba’t ndi ko daw siya ginising.
Sumagot
ako na ang himbing kasi ng tulog niya kaya hinayaan ko na siya. Pagkatapos
no’n, bumaba na kami ng cliff. Hawak-kamay pa kami kasi medyo madilim na. And
take note, siya ang humawak sakin.
Pinagpatuloy
ko na ang pagkain ko. Ilang subo na lang at matatapos na ko. Ang sabi ni Lei
umorder lang daw ako kaya ‘yon ang gagawin ko. Akmang tatawagin ko ang waiter
nang may magsalita sa kanan ko.
“Chloe?”
Napalingon
ako sa gilid ko nang marinig ko ang pangalan ko para lang makita ang isang
kakilala ko. “Laleen!”
(
A/N: Baka nakalimutan ninyo na, wahehe! Si LALEEN ang highschool friend ni
Chloe na isang fashion designer kung sa’n niya kinuha ang costume nila ni Lei
para sa Christmas party. Chapter 9 siya lumabas. )
= = =
( LEI’s POV )
“Yes, Miss Benitez, those documents.
I’ll need it ASAP.” Hindi ko pa tapos basahin ‘yon kanina.
“Yes, Sir President. Ipa-fax ko po
agad diyan.”
I
ended the call. At dahil wala namang fax machine sa kwarto namin ni Chloe,
nandito ako ngayon sa office ng manager. “I
need to talk to someone. Pakidala na lang sa suite ko.” I said to the
manager.
“Sir?”
Para siyang nagulat sa reaksyon niya.
“I said pakidala agad sa suite ko.”
“Ah, yes, Sir. Ipapadala ko po agad.”
“Okay, thank you.”
“Thank you po, Sir?”
Kung nagulat siya kanina, mas nagulat siya ngayon.
“Why are you saying thank you?”
nagtatakang tanong ko.
“Ah, wala po, Sir. Ipapadala ko po
agad sa suite ninyo.”
Lumabas
na ko ng office habang napapailing. Anong problema niya? Pagdating ko sa suite,
binuksan ko agad ang laptop ko at tinawagan si Attorney Cruz. Kinuha ko ang
folder na binigay ng manager kanina at binuksan.
“Hello, Lei. Mukhang nasa’yo na ang
papeles kaya ka tumawag.”
“So you knew about this, Attorney?”
“Yes and I’m sorry about that.
Nakipagkita si Flynn sakin kahapon at ipinaayos ang mga papeles na kailangan
para ilipat sa pagmamay-ari mo ang Constancia. Sinabi niyang ilihim ko sa’yo at
may kailangan akong gawin para pirmahan niya ang mga papeles na ‘yan.”
“Anong kailangan ninyong—“ Napahinto
ako at napatingin sa phone ko. May incoming call ako from Chloe. “Attorney, just a moment. I’ll just answer
this call.”
“Okay.”
I
held our call and answered Chloe’s call. “Chloe.
Why?”
“Lei, magpapaalam lang sana ko sa’yo.
Nakita ko kasi yung highschool friend kong si Laleen sa restaurant ngayon.
Inaaya niya kong maki-join sa kanila. Last night na daw kasi nila dito. Ang
totoo niyan, kasama niya ang mga kaibigan ko at dapat kasama nila ko kaya lang
tumanggi ako kasi sa Palawan ang punta. Hindi pala natuloy ‘yon at dito sila
nagpunta.”
Tumaas
ang sulok ng labi ko. Yan na naman siya sa mahabang paliwanag niya.
“So, yun nga, sasama ko sa kanila
ngayon, okay lang ba?”
“Chloe, hindi mo naman kailangang
magpa—” Napahinto ako. Dapat ko bang sabihin ‘yon sa kaniya?
Baka mag-iba ang mood niya o kaya—
“Ano ‘yon, Lei?”
“Sure, join them.”
“Saka ano…”
“What is it?”
“Nalaman kasi nilang kasama kita then
they asked me if you could go with us, too. I mean, hindi naman as in ngayon.
Pagkatapos mo dyan, pwede kang sumunod samin sa beach. Magbo-bonfire kami. Okay
lang kung ayaw mo, pero syempre mas okay kung pupunta ka. Kasi naman…”
Binulong niya ang huli niyang sinabi. “Lahat
daw sila may partner, ako lang ang wala kung hindi ka pupunta.”
Kahit
hindi ko siya nakikita, pakiramdam ko nakanguso na naman siya. “Okay, pupunta ko.”
“Talaga?”
Nahimigan ko ang saya sa boses niya.
“Oo. May kailangan lang akong tapusing
basahin na documents.”
“Sure! Sure! Hihintayin na lang kita
do’n! Bye, Lei!” Nawala na siya sa kabilang linya. Hindi ko
maiwasang mapangiti habang nakatingin sa screen ng phone ko. Then I noticed
Attorney Cruz’ name. Kausap ko nga pala siya! “I’m sorry about that, Attorney. I was talking to Chloe.”
“Mukhang namiss ka na ng asawa mo,
Lei. Bakit kasi hindi mo siya sinama dyan?”
Tumikhim
ako nang mapansin kong parang tinutukso niya ko sa tono ng boses niya. “She’s with me, Attorney. So going back to
our topic, anong kailangan ninyong gawin?”
“Ang kumbinsihin kang pumunta dyan sa
oras na sinabi niya.”
“Gawa-gawa ninyo lang ang mga sinabi
ninyo kanina.”
“I needed to. Alam ko kung gaano mo
gustong mapasayo ang Constancia.”
“Pero bakit? Ano bang gusto ng Flynn
na ‘yon? Bakit niya ginagawa ‘to?”
“I don’t know either, Lei. Ang
mahalaga, pagmamay-ari mo na ang Constancia ngayon.”
Nakuha
ko na nga Constancia pero hindi pa rin ako mapakali. Si Flynn, he is up for
what? I need to find out what those schemes are all about.
= = = = = = = =
Nandito
na ko sa beach at hinahanap kung nasa’n si Chloe. Okay sana kung isang bonfire
lang ang nandito, pero hindi, eh.
“Bulaga!”
Agad
akong napalingon sa likuran ko ng may taong yumakap sakin. Muntik ko na siyang
maitulak kung hindi ko lang siya nakilala agad. “Chloe!”
Humagikgik
siya. “Sabi ko na nga ba, ikaw yung
natatanaw ko, eh. Ang galing ko talaga noh? Eh kasi naman nanibago ako sa suot
mo.” Hinawakan niya ang tshirt ko. “Ayan!
Tapos eto!” sabay hawak niya sa short ko. “Ngayon lang kita nakitang ganyan, ah! Infairness, bagay sa’yo, husby!”
Pinisil niya pa ang pisngi ko at humagikgik.
Kumunot
ang noo ko. “Are you drunk?” Ganyan
din siya nung una kaming magkita, nung sinukahan niya ko. Straight man siya
magsalita pero mas hyper pa siya kesa sa normal niya. Ang hilig pa niyang
tumawa kahit walang nakakatawa.
“Hindi, ah!”
“Chloe.”
Humagikgik
siya. Pinaglapit niya ang hinlalaki at hintuturo niya. “Konti lang naman, kaw kasi ang tagal mo.” She pouted.
“Sorry. Kailangan ko lang tapusin yung
ginagawa ko.”
She
smiled. “Okay lang, nandito ka na, eh.
Tara!” Kumapit siya sa braso ko at hinila ako palapit sa isang umpukan ng
taong nakapaikot sa bonfire. Mga nasa sampu sila at kabaligtaran sa sinabi ni
Chloe kanina, hindi naman sila partner-partner. Tatlong lalaki lang ang
nakikita ko. Sunod-sunod pa silang napalingon samin ni Chloe nang makalapit
kami sa kanila. Bigla rin silang tumahimik.
“Hi, guys! Meet my husband Lei! I told
you, right? Pupunta siya and here he is!” Walang sumagot
dahil lahat sila nakatingin sakin na parang gulat na gulat. “Hey! Wag ninyo ngang tingnan ng ganyan ang
asawa ko na parang hindi siya totoo! He’s not fake!” Nilingon ako ni Chloe.
“Lei, magsalita ka nga.”
Tumikhim
ako. “Hi, I’m Lei Constantine. Nice to
meet you.”
Saka
lang sila nagsalita or should I say sabay-sabay nagsalita. Hindi ko na nga sila
maintindihan. Sabay-sabay din silang tumahimik nang umupo kami ni Chloe. Nasa
kaliwa ko siya, katabi ko ang isang lalaki at katabi naman ni Chloe ang isang
babae na nagpakilalang Laleen na sinundan ng pagpapakilala ng mga kasama niya.
Ni hindi pa nga nila alam ang itatawag nila sakin. May Sir, may president at
merong hindi na binanggit ang pangalan ko.
Pagkatapos
nilang magpakilala, tumahimik na naman sila. I sighed. I know the reason why. “Listen, will you?” Tiningnan nila kong
lahat.
“Ano ‘yon, Lei? Mag-i-speech ka?”
tanong ni Chloe. “Wow! Sige, gusto ko
no’n!”
“No.” Tumikhim
ako. “Loosen up, okay? Hindi ko naman
kayo kakainin. And you can just call me Lei tonight. Wag ninyong isipin na
presidente ako ng isang kumpanya dahil—”
“Dahil asawa ko siya!”
singit ni Chloe. “Right, Lei?”
Tiningnan ko siya. Nakataas ang isang kamay niya na parang may hinihintay.
“Ano ‘yan?”
“Apir kasi sumasang-ayon ka na asawa
kita, right, Lei?”
Napangiti
ako habang napapailing. “Right.” Tinapik
ko lang ang kamay niya.
And
one second just passed when I heard her friends’ voices. Nag-ingay na uli sila.
Pero sa lahat ng maingay, si Chloe pa rin ang nangunguna. Palibhasa nakainom na.
“Ah, Lei, umiinom ka ba?”
tanong ng katabi kong lalaki.
“Yeah, sure.”
Inabot ko ang beer na hawak niya. Tinungga ko ‘yon nang mapalingon ako kay
Chloe. “Why?”
Tinuro
niya ang boteng nakatapat sakin. May nilalaro kasi silang game bago pa ako
dumating. Truth or consequence daw. “Truth
or consequence, Lei?” nakangiting tanong niya. Binulungan niya pa ko. “Pag truth, may itatanong sila sa’yo. Pag
consequence, may ipapagawa sila sa’yo.”
“I know.”
Kahit pa sabihing puro trabaho na lang ang nasa isip ko, pero pag may kaibigan
kang katulad ni Tim na parang batang-kalye na lahat ng laro alam, malalaman at
malalaman ko ang mga ganitong bagay kahit hindi ko gustuhing malaman. Tiningnan
ko ang boteng nakatapat sakin at sila na nakatingin sakin.
“Okay lang naman, Lei, kung ayaw kong
sumali.” malumanay na sabi ni Laleen.
“Consequence.” I
said.
“Kiss your wife!”
Hindi ko nakita kung sino ang nagsabi no’n pero babae.
Humagikgik
si Chloe. “Kiss mo daw ako, Lei, o! Wala
kong alam dyan, ah!” Humarap siya ng upo sakin at pumikit.
“Kiss! Kiss! Kiss!”
panunulsol ng mga kasama niya.
“Anong petsa na, Lei?”
reklamo ni Chloe. I kissed her on her nose. She pouted. She opened her eyes. “Kiss ba ‘yon?”
Tumaas
ang sulok ng labi ko. I held her chin, looked at her in the eyes and slowly, I
reached her lips. It was supposed to be a quick deep kiss but it didn’t happen
dahil hindi ko na nagawang ilayo ang mga labi ko sa kaniya lalo nang maramdaman
kong tumugon siya.
My
hand which was holding her chin roamed over between her ear and neck. I felt
her hands holding my shirt. Pinigilan kong mapaungol nang mas lalong lumalim
ang halik namin. I know she’s already drunk kaya hindi na niya naisip ang nasa
paligid niya. Pero ako, matino pa ko. Even if I didn’t want to stop kissing
her, ako na ang kusang tumigil. Slowly, I let go of her lips and I felt her
resistance.
I
smirked. “We can continue this in
private, Chloe.” I whispered on her. I planted a kiss on her forehead bago
ako lumayo sa kaniya. Nang tingnan ko ang mga kasama namin, nakatingin sila
samin.
“Paikutin na ang bote!”
sabi ng katabi kong lalaki. At parang walang nangyaring nag-ingay uli sila.
Pero yung katabi kong napaka-ingay kanina nang lingunin ko, ayun, tinutungga
ang beer na hawak niya.
So
even if she’s drunk, she was still affected by our kiss. Napatingin ako sa labi
niya. Until now, I still want her lips. I’m craving for her lips. Mero’n ba
no’n? Ngayon ko lang naranasan na maadik sa halik ng isang babae. But I know
that it was not just a kiss I want from Chloe. I want more of her.
Iniling
ko ang ulo ko. Ano ba ‘tong iniisip ko? Tinungga ko ang beer na nasa harap ko.
= = = = = = = =
“Hahahahahahahaha!”
Si Chloe ang tumatawa nang pahidan niya ng uling ang mukha ng kaibigan niya.
Siya ang natapatan ng bote, consequence ang pinili niya at ‘yon ang inutos sa
kaniya. Pabalik na siya sa kinauupuan niya at medyo pagewang-gewang na nang
pumaling ang lakad niya at napasubsob siya sa kaibigan niyang babae. Nagtawanan
lang sila. Napailing naman ako.
“Ah, pasensya ka na, hah.” Napalingon
ako kay Laleen. “Sorry kung masyado
kaming maingay. Mga lasing na kasi.” Siya lang ata ang hindi nalasing nang
masyado sa mga kasama niya. “Lalo na
‘yang si Chloe, ngayon lang nalasing ng sobra ‘yan. Siguradong wala na naman
siyang maaalala pagkagising niya bukas.”
“What do you mean na—“ Naputol
ang sinasabi ko nang may bigla na lang umupo sa harapan ko. It was Chloe.
Nakataas ang magkabilang tuhod ko at nakalagay do’n ang mga braso ko na inalis
niya para makaupo siya.
“Pashandal, hushvy…”
Isinandal niya ang likuran niya sakin. Kinuha niya pa ang mga braso ko at
iniyakap sa kaniya. “Ang lamig, hushvy…”
Hinigpitan
ko ang pagkakayakap sa kaniya. You know that feeling that I just want to hug
her, like this. Ngayon ko lang naranasan ang ganito. That peaceful feeling with
her na parang wala akong iniisip at iniintinding trabaho.
Ilang
minuto ang pinalipas ko nang silipin ko ang mukha niya. “Let’s go?”
Tiningala
niya ko. Namumungay na ang mga mata niya na parang anumang oras, babagsak na. “Let’s gow? Shan naman?”
“Matutulog na.”
“I’m sleefy na…” She
closed her eyes.
Nagpaalam
na ko sa mga kaibigan niya at binuhat siya. Sumakay kami sa golf cart.
Nakasandal lang siya sakin habang nakaupo siya sa tabi ko at nakaalalay ako sa
kaniya.
“Nashan na tayo?”
Narinig kong tanong niya.
“Papunta na ng hotel.”
“Ah…” Tumahimik
siya ng ilang saglit at nagsalita uli. “Lei?”
“O?”
Humagikgik
siya. “Wala lang… Akala ko.. nawawala ka
na…” Naramdaman ko ang mga kamay niyang yumakap sa beywang ko. Isiniksik
niya ang ulo niya sa balikat ko. Naramdaman ko ang paghinga niya. Huminga ako
nang malalim at bahagyang inilayo ang mukha niya sa leeg ko pero sumiksik pa
siyang lalo sakin.
“You’re so…”
Hindi ko tinuloy ang sasabihin ko at napabuntong-hininga na lang. Hindi niya ba
alam ang epekto ng ginagawa niya sakin? Ganito ba talaga siya pag nalasing?
Kahit kaninong lalaking lumalapit?
Iniling
ko agad ang ulo ko. No! Alam kong hindi siya gano’n!
“Alam mo vah, hushvy… mashaya ko…
kashi hindi mo na ko shinishigawan… Hindi ka na rin galit shakin…”
Sinilip ko ang mukha niya. Her eyes were closed and she was smiling. “Akala ko talaga hindi na tayo magiging
okay… Taposh nginitian mo pa ko… Ang shaya-shaya ko talaga… Ikaw vah mashaya…?”
“Chloe…” A
smile curved on my lips. “Yes.” I
whispered to myself as I kissed her forehead.
Pagdating
sa hotel, binuhat ko siya hanggang sa makarating kami ng suite namin. At
saktong pagpasok ko bigla na lang siyang…
“Chloe naman.”
Madiing sabi ko. Sinukahan niya ko habang buhat siya at habang nakasiksik ang
mukha niya sa leeg ko!
Sa
halip na ilapag siya sa kama, idineretso ko siya sa comfort room at inilapag sa
bathtub. Umungol lang siya at hindi man lang siya nagising! Tumayo ako at
hinubad ang t-shirt ko habang nakangiwi sa amoy ng sukang kumalat do’n.
Binuksan ko ang faucet at inalis ang sukang nasa leeg ko.
“Hindi na ‘to mauulit, Chloe. Hindi na
kita papayagang uminom.” In the first place, hindi ko na dapat
siya pinayagang uminom nang marami kanina. Pero hearing her laughed like that,
hinayaan ko na lang siyang mag-enjoy.
Narinig
ko siyang umungol. “Lei…”
Lumapit
agad ako sa kaniya. Nakapikit pa rin siya nang yumakap siya saakin. Isiniksik
pa niya ang mukha niya sa leeg ko kung sa’n siya sumuka!
“Ang bango… unan…”
Hindi
ko mapigilang mapangiti hanggang sa dahan-dahan akong matawa nang mahina. “Ewan ko sa’yo, Chloe. Okay na kong
mapagkamalan mong unan pero ang sabihin mong mabango ang leeg kong nasukahan
mo?” Natawa na lang ako. Teka, natawa ba talaga ko? Oo nga! I just laughed!
“Hindi kita.. iiwan, Lei…”
Unti-unting
humina ang tawa ko nang marinig ko ang mga salitang ‘yon hanggang sa mapangiti
na lang ako.
“Wag mo rin.. akong iwan, ah…”
I
chuckled. “Sira ka talaga. Paano na
‘yong deal natin?” Sinilip ko ang mukha niya. Habang pinagmamasdan ko siya,
napabuntong-hininga na lang ako. “Hindi
mo ba talaga ko iiwan, Chloe? Hindi ka ba tutulad sa pamilya ko? Iba ka ba
talaga sa kanila?” I hugged her back. Kung amoy suka man siya, wala na kong
pakialam. I just want to hug her.
And
before I heard her low snore, may sinabi siyang nakapagpatigil sakin ng ilang
saglit. Mga salitang ilang beses ko nang narinig mula sa iba pero parang
kakaiba ang dating sakin nang sabihin niya. Salitang nagpabilis ng tibok ng
puso ko at nagpagulo naman ng isip ko.
“I love you, Lei…”
= = =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^