Saturday, January 17, 2015

Dear Pusong Bato Series 1 : Bubbly Heart (Chloe) - Chapter 25


 A/N: After months of long MISSING IN ACTION. nakapagUPDATE rin! ^^


CHAPTER 25

( CHLOE’s POV )


“Hmm…” I opened my eyes slowly na agad ko ding ipinikit dahil nasilaw ako sa liwanag na tumama sa mga mata ko. Ipinangtakip ko ang unang yakap ko sa mukha ko saka ko idinilat ang mga mata kong inaantok pa. Kasabay no’n ay naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko.



“Aray…” daing ko. I closed my eyes again. “Ang sakit ng ulo ko…” Dumapa ako ng higa at ibinaon ang mukha ko sa unan. Wrong move dahil mas lalo lang sumakit ang ulo ko. “Aray…”


“You’re awake.”


Pamilyar ang boses na ‘yon. Naniningkit ang mga matang hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na ‘yon. I saw him. Nakatayo siya sa nakabukas na pintuan.


“Lei?” Ewan ko kung narinig niya ang sinabi ko dahil sa hina ng boses ko. Pero hindi ko mapigilang mapangiti.


“Sino pa ba?” Narinig pala niya. Nakita ko siyang humakbang palapit sa kamang kinahihigaan ko. “Bumangon ka na dyan.”


“Ayaw…” I closed my eyes again while holding my head. “Ang sakit ng ulo ko… Tinatamad akong kumilos…” Ano ba kasing nangyari at ganito kasakit ang ulo ko?


“It’s already 1pm, Chloe, kaya bumangon ka na dyan.” Naramdaman kong umupo siya sa kama.


“1pm…?” Nanatili pa rin akong nakapikit hanggang sa maramdaman ko ang paghaplos ng kung sino sa gilid ng ulo ko. At malamang si Lei ang may gawa no’n. Parang gusto ko tuloy matulog uli dahil sa ginagawa niya. “Pwedeng matulog uli…?”


“No.”


“Ang sakit talaga ng ulo ko, eh…”


“Kumain ka muna bago ka uli matulog. Now, get up and take this.”


“Hah?” Idinilat ko ang isang mata ko. May hawak siyang baso.


“Get up.”


“Di ko kaya… Bakit ba kasi ang sakit ng ulo ko…?”


“Tsk.” At dahil hindi ko talaga kayang iangat ang katawan ko para makaupo, siya na ang gumawa no’n. Pagkatapos ay may sinubo siya sakin na gamot at pinainom ako ng tubig. Hihiga na sana uli ako nang pigilan niya ko. “Maligo ka na nang mawala ‘yang panlalata mo.”


Umiling ako. “Tinatamad ako…” Tinatamad talaga kong kumilos. Parang ang bigat-bigat ng katawan ko, idagdag pa ang sakit ng ulo na mas lalo lang kumikirot sa bawat galaw ko. “Ano ba kasing nangyari…?” tanong ko sabay kamot sa ulo ko. Wala kong ideya basta ang alam ko lang masakit ang ulo ko!


“Maligo ka muna.”


“Buhatin mo ko…” Biro ko lang ‘yon kasi ayoko talagang tumayo. Alam ko namang hindi niya gagawin—waah! Nagulat na lang ako nang buhatin niya nga ako! Hindi na ko nakapagreact hanggang sa ipasok niya ko ng restroom at ibaba.


“Maligo ka na.”


“Wait lang…” Nanlalatang umupo ako at ibinaon ang mukha ko sa tuhod ko.


“Okay.” Akala ko aalis na siya pero hindi ‘yon ang ginawa niya.


“Uy, anong ginagawa mo?” gulat na tanong ko. Paano ba naman, huhubaran na niya ko ng damit!


“Tinatamad kang kumilos diba? Edi paliliguan kita.” seryoso niyang sagot.


“Hah? Anong sabi—Wait!” Hinawakan ko ang magkabilang wrist niya para pigilan siya. Hinawakan na naman niya kasi ang damit ko! Ano bang trip ni Lei ngayon? Seryoso ba talaga siya? Pero yung mukha niya kasi ngayon, seryosong-seryoso talaga!


“Bilis na, Chloe. Maghubad ka na.”


“Oo na! Maliligo na ko! Ng mag-isa!” Tuluyan na kong nagising. Sino bang hindi magigising sa mga pinagsasabi niya? Paliliguan niya daw ako! Waah! Iniisip ko pa lang na makikita niya ang katawan ko, namumula na ko! Waah! Bakit ko naman hahayaang gawin niya ‘yon?! Baliw ka talaga, Chloe!


Tinanggal niya ang mga kamay kong nakahawak sa kaniya. Naestatwa na lang ako sa kinauupuan ko nang hawakan niya ang pisngi ko.


“You’re blushing.” Tumaas ang sulok ng labi niya. “Ano? Kaya mo bang maligo ng mag-isa, Chloe?” Yung boses niya, parang inaakit niya ko! Tapos palapit ng palapit pa yung mukha niya sakin habang sinasabi niya ‘yon! Hindi tuloy ako makakilos.


“K-kaya k-ko…” nabubulol na sagot ko. Napalunok pa ko. Ano bang ginagawa niya? Umagang-umaga, inaakit niya ko! Si Lei ba talaga tong kaharap ko?


“Kaya mo talaga?”


“Y-yes.” Napalunok na naman ako. Isang daliri na lang kasi ang pagitan ng mga mukha namin!


“Para kasing hindi mo kaya. Tutal naman ginawa ko na ‘to kagabi, wag ka ng mahiya sakin. Asawa mo naman ako diba?”


“Hah? Teka, teka! Anong ginawa kagabi? Ano bang sinasabi mo?”


“Wala kang maalala?” Umiling ako. Tumayo siya at nagpamulsa. “Lasing na lasing ka kagabi.”


“Ako? Lasing?” Tinuro ko pa ang sarili ko. Kaya ba napakasakit ng ulo ko?


“Pati ako sinukahan mo.”


Napangiwi ako. “Sinukahan kita?” Naku naman, Chloe! Ano na namang ginawa mo?!


“And I have no choice but to change your clothes and…” Tumaas na naman ang sulok ng labi niya.


Nanlaki ang mga mata ko. “And?”


“Gusto mo talagang ituloy ko? I change your clothes and—” Mabilis akong tumayo at tinakpan ang bibig niya. Hinila ko pa siya palabas ng restroom at agad na sinarado ang pintuan. “Hindi pa ko tapos magsalita, Chloe.”


“Maliligo na ko! Wag kang maingay dyan!” Inis na sinabunutan ko ang buhok ko. “Ano na namang ginawa mo, Chloe?” pabulong na tanong ko sa sarili ko.


“Chloe.” Narinig kong tawag sakin ni Lei.


“Oo na, maliligo na nga po.” maktol na sabi ko.


“Wag ka na uling maglalasing, okay? Pinahirapan mo ko kagabi.” Hindi ko na nagawang sumagot. Ilang saglit lang ay may narinig akong nagsaradong pintuan.


Nanlalatang napasalampak ako ng upo. “Chloe, ano bang pinaggagagawa mo kagabi? Baliw ka talagang babae ka…” Inalala ko ang nangyari kagabi pero kumirot lang ang ulo ko. “Aray…”



= = = = = = = =



“Chloe, kumain ka na.”


“Oo, wait lang.” Nakasubsob kasi ang ulo ko sa table. Nandito kami ni Lei sa verandah. Dito ko siya nakita pagkatapos kong maligo at magbihis.


“Inaantok ka pa?” Naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko. “Matulog ka na lang uli pagkatapos mong kumain.”


Hindi naman sa inaantok ako kaya ako nakasubsob sa table. Nahihiya kasi ako sa kaniya. Hindi ko alam kung anong pinaggagawa ko kagabi. Ang tanging naaalala ko lang ay nang magkita kami ni Laleen sa restaurant, inaya niya ko, tinawagan ko si Lei, napainom ako dahil mapilit ang mga kaibigan ko, dumating si Lei, naglaro kami ng truth or dare tapos…


Kinagat ko ang labi ko. Kung tama nga ang pagkakatanda ko, we kissed. Buti na lang at hindi niya nakikita ang mukha ko ngayon dahil siguradong aasarin na naman niyang nagba-blush ako.


Yun lang ang naalala ko habang naliligo ako kanina. Kagabi lang ako nalasing ng gano’n kaya para akong lutang kanina pagkagising ko dahil wala akong maalala na kahit na ano kung hindi pa niya pinaalala sakin.


“Lasing na lasing ka kasi kagabi.”


“Pati ako sinukahan mo.”


“And I have no choice but to change your clothes and…”


“Wag ka na uling maglalasing, okay? Pinahirapan mo ko kagabi.”


Sinukahan ko siya! Pinalitan niya ang damit ko! Waah! Pinalitan niya ang damit ko! So ibig sabihin nakita niya ang katawan ko! Waaaaaaah! May sinasabi pa siyang AND kanina, eh. Ano kaya ‘yon? Wala namang sigurong nangyari saming dalawa dahil wala naman akong maramdaman na masakit sa katawan ko maliban sa masakit ang ulo ko at nanlalata ako.


Nanlalata ako! Waaaaaaaah! Hindi kaya—waaaaaaaah! “Hindi naman siguro.”


“Anong hindi naman siguro?”


“Hah?” Napaangat ang ulo ko at napatingin ako kay Lei.


“Anong hindi naman siguro?”


Umiling lang ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Pano ba ‘to? Tatanungin ko ba siya? Parang hindi ko kaya. I sighed. Ibinalik ko na lang uli ang ulo ko sa pagkakasubsob sa table.


“Chloe.”


Hindi ako sumagot. Kung may nangyari man samin kagabi diba dapat matuwa ako dahil yun naman talaga ang gusto ko para mabigyan ko na ng apo si lolo. Pero kasi…


Hayyy… Hindi ko alam. Ewan ko rin sa sarili ko. Para kong timang.


“Hindi ako galit sa’yo, okay.”


Tiningnan ko siya nang hindi inaalis ang ulo ko sa table. Nasa kaliwa ko lang naman siya nakaupo, eh. “Hindi ka galit? Sinukahan kita diba?” Isa pa ‘yon sa kinahihiya ko. Naulit na naman kasi yung nangyari ng una kaming magkita.


Nagkibit-balikat lang siya. Tinutok niya ang mga mata niya sa dyaryong hawak niya. Samantalang ako nanatiling nakatingin sa kaniya. Nakakapanibago siya ngayon. May kakaiba sa aura niya at hindi ko mapinpoint kung ano.


“Kumain ka na, Chloe. Wag mo kong titigan ng ganyan dahil hindi naman ako mawawala.”


Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya. Nagsimula na kong kumain. Nawala na rin sa isip ko ang katanungang kung may nangyari ba samin o wala. Gutom na gutom na kasi ako. Ni wala pa kong breakfast or lunch. Grabe, ang tagal pala nang tinulog ko.


“Tumawag nga pala ang lolo mo sa phone mo kanina habang natutulog ka. Ako nang sumagot.”


Nilunok ko muna ang soup na nasa bibig ko. “Anong sabi?”


“Kung uuwi daw ba tayo ngayon o dito na tayo mag-is-spend ng new year.” Hindi tumitinging sagot niya. Oo nga pala. Nasabi ko kay lolo na baka dito namin salubungin ang new year ni Lei.


“Anong sinagot mo?”


“Tatanungin muna kako kita kung sa’n mo gusto.”


“Tatanungin mo ko?” Nagulat ako sa sagot niya. Ba’t kailangan niya pa kong tanungin? Eh kadalasan naman hindi na niya ko tinatanong kung anong gusto ko. Nakakapanibago talaga.


“Oo. Pero sabi ng lolo mo wag na daw tayong umuwi. First time daw nating mag-asawa na magkasama ngayong new year kaya mag-enjoy daw tayo.”


Napasubo ako ng soup dahil sa huling sinabi niya. Mag-enjoy? Si lolo talaga. Siguradong may double meaning ang sinabi niya.


“Bigyan na daw natin siya ng apo.” Nasamid ako dahil sinabi niyang ‘yon. “Okay ka lang?” Tumango lang ako habang umuubo. May laman kasing soup ang bibig ko ng sabihin niya ‘yon. Sinong hindi magugulat?


Hinagod niya ang likod ko. Pinunasan niya pa ang gilid ng bibig ko gamit ang thumb niya. Napatingin tuloy ako sa kaniya. “Bakit?” tanong ko.


“Anong bakit?”


Bakit ang sweet mo ngayon? Kanina ka pang umaga, Lei.


Gusto ko sanang sabihin ‘yon pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Baka mamaya itigil niya bigla yung ginagawa niya. Ano kayang nakain niya kagabi at ganyan siya?


“Chloe.”


“Po?”


“Yun naman ang gusto mo diba? Na magka-baby tayo.”


“O-oo.” Tinutok ko ang mga mata ko sa kinakain ko. Bakit ba inopen niya ngayon ‘yon? Hindi kaya kagabi ano…


Tanungin mo na kasi, Chloe!


“Lei.”


“Chloe.”


Nagkasabay pa kaming magsalita na dalawa.


“Ano ‘yon?” tanong niya.


“You first.”


“Wala naman akong sasabihin.”


“Ba’t mo ko tinawag?”


Nagkibit-balikat siya. “Wala lang. Gusto lang kitang tawagin.” Hindi ko mapigilang mapangiti. Kailan pa naging ganyan si Lei? Tinawag niya ko kasi wala lang? “Ikaw anong itatanong mo?”


“Ahm, kagabi kasi…” Tumikhim ako. “Pinalitan mo talaga ko ng damit?”


“Oo.” Deretso siyang nakatingin sa mga mata ko.


Shems! Nakita niya talaga ang katawan ko! “Tapos…” Napalunok ako. “Tapos anong nangyari?”


“Nangyari?” Tumaas ang sulok ng labi niya. Tumayo siya. He leaned over me. “Alam mo ba kung anong ginawa mo?” bulong niya. Umangat ang kamay niya papunta sa pisngi ko. “Alam mo bang magdamag mo kong pinahirapan kagabi? Hindi ako makatulog nang maayos dahil sa ginawa mo.”


Hindi ko na nagawang magsalita pa dahil sa lumiliit na distansya ng mga mukha namin. At dahil nakatingin ako sa mga mata niya. Nakita kong bumaba ang tingin niya sa labi ko! Napapikit na lang ako at hinintay na lumapat ang labi niya sa…


Sa halip na sa labi ko maglanding ang labi niya, naramdaman ko ‘yon sa noo ko. Napadilat tuloy ako.


“Walang nangyari satin kagabi kung ‘yan ang gumugulo sa isip mo.” bulong niya malapit sa tenga ko. “I changed your clothes with the lights off so don’t panic.”


“Pero ang sabi mo kasi…” Ano nga bang sinabi niya? Eh ako lang naman ang nag-conclude diba? Eh kasi naman kung makangisi siya parang may nangyaring hindi ko alam.


Tiningnan niya ko. Ang lapit pa rin ng mukha niya sakin. “Kung anu-ano kasing iniisip mo. Kumain ka na lang dyan.”


I pouted. “Oo na.” Hindi naman ako makagalaw kasi nakatukod ang isang kamay niya sa table sa harapan ko.


“Kumain ka na.”


“Hindi ako makakain.” Hindi ba siya aware sa pwesto niya?


“Bakit?” Hindi nga siya aware.


Tinapik ko ang pisngi niya. “Ang lapit-lapit mo sakin.”


Saka lang niya napansin. “Oh, sorry.” Dumeretso siya ng tayo at nagpamulsa. Tumikhim siya. “Kumain ka na. Bababa lang ako.” Umalis na siya nang tawagin ko siya. “Bakit?”


“Thank you for taking care of me last night, Lei.”


“Pinahirapan mo ko, Chloe.” Iyon lang at umalis na siya.


I smiled. Hindi talaga siya galit because when he said that, he was smiling.



                               = = = = = = = =



Tapos na kong kumain pero hindi pa rin bumabalik si Lei. Pumasok ako ng kwarto at humiga sa kama. Nanlalata talaga ko at walang ganang kumilos. Ipinikit ko ang mga mata ko nang marinig kong mag-ring ang phone ko. Hinanap ko kung nasa’n ‘yon. Nakapatong ‘yon sa bedside table.



Hindi naman siguro sina lolo ‘yon kaya hinayaan ko na lang hanggang sa mawala. Para lang akong tangang nakatingin sa phone ko. Maya-maya ay nag-ring uli ‘yon. Napakamot ako ng pisngi bago ‘yon abutin. Tiningnan ko kung sinong tumatawag. Mabilis pa sa alas-kwatrong sinagot ko ang tawag nang makita ko ang pangalan ni Lei.


“Why are you not answering my call?” bungad agad niya.


“Sorry, tinatamad kasi akong abutin yung phone ko. Akala ko kung sino lang yung tumatawag. Nasa’n ka?”


“Sa lobby. Tapos ka ng kumain?”


Napangiti ako. “Yap, tapos na.” Niyakap ko ang unang nasa tabi ko.


“Masakit pa rin ang ulo mo?”


“Oo. Nanlalata pa nga rin ako, eh.” Nanlalata pa ko ng lagay na ‘to kahit abot tenga ang ngiti ko. Wala lang. Ang babaw lang ng dahilan ko pero nakakatuwa na kausap ko si Lei over the phone tapos kung mag-usap pa kami parang… basta. Nakakatuwa. Wahehe.


“Inaantok ka?”


“Hindi naman. Tinatamad lang akong kumilos. Mas gusto kong humiga ngayon.” I heard him sighed over the phone. “Lei, bakit?”


“Bakit ba kasi pinayagan pa kitang maglasing?” Mahina lang ‘yon pero umabot sa pandinig ko.


“Lei—”                                                                               


“Sige na, magpahinga ka na lang dyan.” Nawala na siya sa kabilang linya. Napatingin na lang ako sa phone ko.


“Anong nangyari do’n?” Napakamot ako ng ulo. “Bakit pakiramdam ko may gusto siyang sabihin sakin? But knowing Lei, kung may sasabihin man siya, sasabihin agad niya.” Napahawak ako sa ulo ko. “Ayoko ng uminom. Bwisit na hangover ‘to!”



= = =



( LEI’s POV )


Ilang minuto na akong nakaupo dito sa lobby pagkatapos kong makipag-usap kay Chloe ng may lumapit sakin.


“Sir Constantine, may idadagdag pa po—”


“None.” Tumayo na ko at tinalikuran siya.


Sinundan niya ko. “None, Sir?”


“Just wait for my call, okay! And stop following me!”


“Y-yes, Sir.”


Pagkalabas ko ng hotel, napabuntong-hininga na lang ako. Nagpameywang ako.


“Masakit pa rin ang ulo mo?”


“Oo. Nanlalata pa nga rin ako, eh.”


“Inaantok ka?”


“Hindi naman. Tinatamad lang akong kumilos. Mas gusto kong humiga ngayon.”


“Tss! Mas gusto pa niyang magkulong sa kwarto kesa ang sumama sakin? Fine!”


Bakit ba ko naiinis ng ganito? In the first place, wala naman akong sinabi sa kaniya na sumama siya sakin. Pero hindi, eh! Knowing Chloe, kahit hindi ko siya sabihan na mag-ikot dito sa resort, siguradong siya pa ang mangungunang kulitin ako.


Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko. May hang-over siya, Lei! Malamang hindi siya mangungulit na ipasyal mo siya dito sa resort! Ayaw mo no’n? Mapapahinga ka sa kakulitan ng asawa mo. Saka kasalanan mo naman. Sasabihin mo lang sa kaniya na mamasyal kayo dito sa resort, hindi mo pa magawa! Kailan ka pa naging duwag?


“Tss!” Humakbang na ko palapit sa golf cart na naghihintay sakin. Sumakay ako do’n. “Let’s go.”


“Sir, yung asawa ninyo po?”


“I said let’s go.” madiing utos ko.


“Y-yes, Sir.”


Umandar na ang golf cart. Itinutok ko na lang ang mga mata ko sa nadadaanan namin. Bakit ba kasi naiinis ako? Dahil ba ngayon lang ako nag-effort ng gano’n tapos mukhang masasayang lang? Sino ba kasi nagsabing gawin ko ‘yon?


“Sir.” Naramdaman kong huminto ang golf cart.


“Why did you stop?”


“Si Ma’am Chloe po.” May tinuro siya sa likuran ko. Napalingon naman ako. I saw Chloe running towards us. Mabilis akong bumaba ng golf cart at sinalubong siya.


“Anong ginagawa mo dito?” kunot-noong tanong ko.


“I-ikaw...” Hingal na hingal niyang sagot habang nakahawak siya sa beywang at dibdib niya.


“Anong ako? Ba’t tumatakbo ka? Diba ang sabi mo magpapahinga ka?” Sumenyas siya ng sandali lang. “Bakit ba hingal na hingal ka?”


Nilingon ko ang driver ng golf cart at sinenyasan siyang umatras. Nang nasa tapat na namin ang golf cart, hinawakan ko ang kamay ni Chloe at sumakay kami. Inutusan ko ang driver na umalis na.


“Grabe… Kapagod ‘yon…” Sumandal sa balikat ko si Chloe. Sinilip ko ang mukha niya. Nakapikit siya at pinagpapawisan. Napailing ako. Pinunasan ko ang pawis niya gamit ang kamay ko. She opened her eyes.


“Ano bang ginawa mo?”


“Five minutes…” nakangiting sabi niya.


Kaya hinayaan ko na lang siyang nakasandal sa balikat ko. Lumipas ang ilang minuto nang alisin niya ang ulo niya sa balikat ko. Nagulat na lang ako nang bumalik ang ulo niya sa balikat ko. Hindi dahil sumandal uli siya pero dahil ibinalik ko ‘yon gamit ang kamay ko!


“Lei?”


Tumikhim ako. “Sorry.” Inalis ko ang kamay ko sa ulo niya.


I saw her smiled. Hindi na niya inalis ang ulo niya sa balikat ko. Hindi lang ‘yon, pinaikot pa niya ang isang kamay niya sa braso ko. Siniksik pa niya ang ulo niya sa balikat ko. Ginagawa na naman niya. Tsk.


“Bakit ba hingal na hingal ka?”


“Tumakbo kasi ako, eh.” Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam kong nakangiti siya.


“Chloe.”


“Ang tagal kasing bumukas ng elevator kanina kaya gumamit ako ng hagdan. Eh, baka hindi na kita abutan kaya tumakbo na ko. Buti na lang talaga tumakbo ako kasi muntik mo na kong iwan.”


“What?!” Sinilip ko ang mukha niya. Napatingala rin siya sakin. “Nababaliw ka na ba? Nasa tenth floor ang suite natin, Chloe! Ba’t mo ba ginawa ‘yon?”


She pouted. “Eh kasi kanina parang may gusto kang sabihin na hindi mo masabi kaya pinuntahan na kita sa lobby. Tapos wala ka na pala. Buti na lang may nakakita sa’yo kanina na sumakay ka ng golf cart kaya hinabol kita.”


“Tss! Ba’t hindi mo ko tinawagan?”


Hindi siya nakasagot. Tumabingi lang ang ngiti niya. Nag-peace sign siya. “I forgot.”


Napailing na lang ko at tumingin sa harapan. Hindi ko alam kung maiinis ba ko sa ginawa niya o mapapangiti dahil andito siya sa tabi ko.


“Sa’n ka ba pupunta, Lei? Ba’t hindi mo man lang ako sinama? Mamamasyal ka noh? Ang gara mo naman. Kung hindi pa kita hinabol, magsosolo ka palang mamasyal dito. Pano kung may chicks na lumapit sa’yo? Edi wala kang shield kasi wala ako. Daya mo talaga.”


I sighed. “I was about to ask you to come with me. Kaya lang ang sabi mo, nanlalata ka, tinatamad ka at mas gusto mong mahiga na lang.”


Inalis niya ang ulo niya sa balikat ko at tiningnan ako. “Oo nga, sinabi ko nga ‘yon. Pero syempre, kung ikaw ang mag-aaya sasama agad ako.” She smiled. Hindi lang simpleng ngiti, tutuksuhin na naman niya ako, alam ko. Kabisado ko na yang ngiti niyang ‘yan. “Uy, concern siya sakin.” See? Ang lapad pa ng ngiti niya. Isinandal niya uli ang ulo niya sa balikat ko.


“Are you sure na sasama ka?”


“Oo naman. Kung nasa’n ka, dapat nando’n din ako. Saka nabuhayan ako ng dugo sa haba ng tinakbo ko. Yun lang, mas lalong sumakit ang ulo pero keri ko naman. Kasi naman yung isa dyan, kung sinabi agad sakin na mamamasyal pala kami, edi sana…”


“Wag mo kong konsensyahin, Chloe.” Pero the truth is I felt guilty. From tenth floor hanggang lobby? Sinong baliw ang bababa ng gano’n na hindi gagamit ng elevator at tinakbo pa niya! Baliw talaga ‘tong babaeng ‘to!


Hindi na siya sumagot. Nang silipin ko ang mukha niya, nakatingin siya sa dinadaanan namin. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.


“Hawak lang naman. Damot.” Narinig kong reklamo niya. Nakanguso pa siya.


Hindi ko naman inalis ‘yon dahil ayoko. Inalis ko ‘yon para iakbay sa kaniya. Bumalik agad ang ngiti niya dahil sa ginawa ko. Ang babaw talaga ng kaligayahan nito. Inalalayan ko ang ulo niya kasabay ng marahan kong paghilot sa sentido niya.


“Hay, ang sweet talaga ng asawa ko. Diba kuya?” Tinanong pa talaga yung driver.


“Ah, opo.” At mukhang napilitan lang ang driver sa sagot niya. Tss!


“May bayad ‘to.” bulong ko kay Chloe.


“Kahit ano pa ‘yan.”


“Hindi ka na pwedeng uminom.”


“Hindi na talaga.” Tiningala niya ko. “Sorry kung pinahirapan kita kagabi, ah.”


Pinahirapan niya talaga ako. Sinong lalaki ang hindi mahihirapang magbihis sa isang babaeng tulog na tulog habang patay ang ilaw? Sinong lalaki ang hindi mahihirapang matulog habang may nakayakap na babae sa’yo?


Oo. Pagkatapos ko siyang bihisan na inabot ng siyam-siyam kagabi, hindi na ko nakaalis ng kama dahil yumakap agad siya sakin at sumiksik sa leeg ko.


Nakatabi ko na siyang matulog nung naospital siya. Pero pagod ako no’n dahil galing akong flight kaya nakatulog agad ako sa tabi niya. Pero yung kagabi?! Tss!


Sinong hindi mahihirapan do’n? Lalaki lang naman ako. At nakakaramdam. Tapos ngayon kung makadikit na naman siya sakin parang wala lang sa kaniya. Parang sanay na sanay na siyang ganito siya sakin.


At gusto mo naman, Lei.


Napailing ako.


“Sa’n ba tayo pupunta, Lei?”


Tumingin ako sa dinadaanan namin. “Sa’n mo ba gusto?”


“Hmm… Kahit sa’n basta kasama kita.” Pabulong lang nang sabihin niya ‘yon pero narinig ko pa rin.


“Me too.” pabulong ko ding sagot.


“Ano ‘yon, Lei?”


“Wala.”


“May sinabi ka, eh.”


“Wala nga.”


“Okay sabi mo, eh.” Hindi na niya ko kinulit pa tungkol do’n. Sa halip ay kinausap niya ang driver at nagtanong ng kung anu-ano.


“Sa’n ba tayo pupunta, Lei?”


“Sa’n mo ba gusto?”


“Hmm… Kahit sa’n basta kasama kita.”


“Me too.”


Napailing ako pero hindi ko rin mapigilang mapangiti. Nababaliw na rin ata ako.


= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^