CHAPTER
26
( LEI’s POV )
Kung
sa’n-sa’n kami pumunta ni Chloe. Halos malibot na namin ang buong resort. We
even tried the zipline. Yes, we. Ayoko nung una hindi dahil takot ako. Ayoko
dahil may hang-over siya ngayon pero mapilit siya. Baka magsuka lang siya na
nangyari nga.
Kaya
eto, nakasandal na naman siya sa balikat ko habang nakasakay kami ng golf cart.
Papunta kami ng beach ngayon.
Sinilip
ko siya. “Are you sure you’re okay?”
I asked.
Tiningnan
niya ko. “Yap.” She pouted. “Sayang lang yung mga kinain ko kanina sa
resto.”
“I told you na wag na pero mapilit
ka.”
“Okay lang yon, Lei. Masaya naman
diba? Para tayong lumilipad. Ikaw si Superman at ako naman si Darna. Excited na
kong ipakita kina lolo yung video natin.” Ngiting-ngiting
sabi niya. Tumingin siya sa harap.
She’s
right. Masaya nga. Sobrang saya and I never felt that way before. Dahil ba
kasama ko siya? Napangiti na lang ako nang maalala ko ang nangyari kanina.
Magkahawak kamay kami habang nasa isang kamay niya yung phone niya at
vini-video ang mga sarili namin.
Tawa
siya ng tawa no’n habang sumisigaw. Pinasigaw nga rin niya ko na ginawa ko
naman. I don’t know why pero pag kasama ko siya nagagawa yung mga bagay na
hindi ko naman ginagawa. Bigla na lang tuloy sumagi sa isip ko ang minsang
tinanong sakin ni Tim noon.
“Did you do things you didn’t used to
do or you shouldn’t do and you couldn’t stop yourself from doing it?”
Hindi
ko masagot ng maayos ‘yon noon. But now. Yes. I do things I didn’t used to do or
I shouldn’t do and I couldn’t stop myself from doing it. Bawat galaw niya,
automatic na magrereact ang katawan at isip ko.
With
her, parang ang gaan ng lahat. Parang okay lang na magkamali ako sa harap niya
dahil hindi niya ako huhusgahan. Parang okay lang na gumawa ako ng mga bagay na
hindi ko naman nakasanayang gawin. Parang okay lang na maging mahina ako sa
harap niya. Parang okay lang na ipakita kong kailangan ko rin ng tulong ng iba.
Pag siya ang kasama ko, nagagawa ko lahat ng ‘yon. Pag siya ang kasama ko…
I
sighed. Tama si Tim, nung una pa lang hinayaan ko na siyang makapasok sa buhay
ko ng hindi ko namamalayan.
“Kuya, hinto!”
Dahil
malalim ang iniisip ko, nagulat tuloy ako sa malakas na boses ni Chloe. Huminto
ang golf cart. Mabilis siyang bumaba at tumakbo.
“Chloe!”
Bumaba rin ako at sinundan siya. Napailing na lang ako nang makita ko kung
anong nilapitan niya.
“Lei, ang ganda naman dito!”
Nilingon niya ko. Ngiting-ngiti siya.
“Tara dito!” Napangiti na lang ako. Nasa harap siya ng isang fountain na
napapaligiran ng mga bulaklak. “Picturan
mo ko, bilis!”
“Napakaingay talaga.”
bulong ko. Napapatingin na kasi ang ibang tao sa kaniya pero parang wala lang
sa kaniya. Para siyang bata na tuwang-tuwa. Sabagay, parang naman talaga siyang
batang hindi nauubusan ng lakas at napakababaw ng kaligayahan.
“Lei, picturan mo na ko!”
Nilapitan ko na siya bago pa niya ko lapitan at hilahin. “Lowbat na yung phone ko kaya sa’yo na lang.” nakangiting sabi
niya. Nagpose na siya.
Kinuha
ko ang phone ko sa bulsa ng short ko. Itinapat ko ang phone sa kaniya.
Nakangiting mukha niya ang bumungad sakin. Napakurap ako. Hindi ko namalayang
izinu-zoom ko na pala hanggang sa mukha na lang niya ang sakop ng camera. Ang
ngiti niya…
Dati
ayokong nakikita ang ngiti niya dahil naiinis ako. Naiinis ako dahil nagagawa
niyang ngumiti ng gano’n kadali. Naiinis din ako dahil tuwing ngumingiti siya
no’n, hindi ko mapigilang pagmasdan ‘yon. Naiinis ako dahil sa simpleng ngiti
niya, naaapektuhan na ko. Katulad ngayon…
“Lei, okay na ba? Nangangawit na ko!”
Napakurap
ako at napatingin kay Chloe. Tumikhim ako.
“Hindi pa. Umayos ka kasi.” Ikaw ang umayos, Lei.
“Hah? Maayos naman ako, ah!”
Nagpose uli siya. “Magbilang ka, hah!”
Hindi na ko nagbilang. Kinuhanan ko na siya. “Tayo naman, Lei!” Nilapitan niya ko.
“Wag na. Madami na tayong pictures
kanina.” Pero nakuha na niya sakin ang phone ko.
“Sa phone ko madami. Pero sa phone mo
wala pa.” nakangiting sabi niya. Tama siya. Madami kaming
pictures kanina sa phone niya kaya nga nalowbat ang phone niya.
Iniwan
niya ko at may nilapitan siyang babae. “Papicture
naman kami, miss. Thanks.” Binalikan niya ko at hinila sa tapat ng
fountain. Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong sa balikat niya. Yumakap naman
siya sa beywang ko. “Peace sign, Lei.”
“Again?”
Ginawa ko na ‘yon kanina. Pinagawa niya sakin.
“Yes. Please?”
Tiningnan
ko ang babaeng may hawak ng phone ko. Nakangiti siya samin. Tumikhim ako and do
what Chloe wants me to do.
“Smile!”
Chloe said and I did. Then I heard the shutter sound. Nilapitan niya agad ang
babae. “Thank you ng marami, miss!”
Nilapitan niya ko habang nakatingin sa phone ko. Ngumiti siya. “Ang cute!” Nasa harap ko na siya nang
lumapad ang ngiti niya. “May copy ka pala
nito, Lei. Ba’t hindi mo sinabi?”
“Anong…” Teka,
parang alam ko na yung tinutukoy niya. Iniharap niya sakin ang phone ko. I saw
our picture. With Kendra. Yung picture namin nung Christmas party na na-print
sa newspaper. Hindi ko alam kung paano ‘yon napunta sa phone ko. Isa lang naman
ang pinaghihinalaan kong naglagay no’n sa phone ko. It was Tim for sure.
I
only saw it habang nasa eroplano ako pauwi galing Korea. That time, napansin ko
na lang na nakangiti na ko habang nakatingin sa picture na ‘yon.
“Lei! Yuhoo!”
Napakurap ako then I saw Chloe. “Okay ka
lang, Lei?”
“Yes, I am.”
Kinuha ko ang phone sa kaniya at tiningnan ang picture namin with Kendra. “Si Tim ang nagpasa nito. Siya lang naman
ang mahilig mangialam ng phone ko.” Tiningnan ko siya. “Gusto mong ipasa ko sa’yo?” Inunahan ko na siyang sabihin ‘yon
dahil alam kong sasabihin niya ‘yon.
“Ba’t mo alam?”
See? “Oo naman!” Bigla na lang
siyang humikab.
“Inaantok ka?”
Umiling
siya sabay ngiti. “Hindi naman. Tara na
sa beach, Lei. Yung picture ah, papasa mamaya.”
“Oo.” Tiningnan
ko ang relo ko. Alas-sais na. “May
tatawagan lang ako.”
“Okidoki.”
Lumayo
ako sa kaniya. May idi-nial akong number. “Hello.”
“Hello, Sir Constantine.”
“Is everything’s okay? Wala ng
problema?”
“Wala na po, Sir. Naka-ready na po ang
lahat para mamaya.”
“Okay.”
Nilingon ko si Chloe. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko sa nakita ko. Hindi
ko alam kung paano ko idedescribe ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko, AYOKO
NG NAKIKITA KO!
= = =
( CHLOE’s POV )
Nang
lumayo si Lei sakin dahil may tatawagan daw siya, hinawakan ko ang sentido ko. “Aray…”
Mas
lalong sumakit ang ulo ko sa dami ng ginawa namin. Pero okay lang. Kaya kong
tiisin ang sakit basta makasama ko lang si Lei. Biruin ninyo, balak niya pala
akong ayaing mamasyal kanina. Hindi niya lang masabi kasi iniintindi niyang
masama ang pakiramdam ko. Ang sweet niya noh?
Si
Lei, nakakapanibago siya pero gustong-gusto ko siya ngayon. Kaya nga
sinasamantala ko ang pagiging MABAIT at SWEET niya, eh. Wahehe.
Naglakad-lakad
ako sa gilid ng fountain ng may kung sinong pumigil sakin. Walang lumabas na
boses sa bibig ko dahil tinakpan ‘yon ng taong nakayakap sakin mula sa likuran
ko.
“Got you, Chloe!”
“Hmmmp!”
Nilingon ko agad siya. Sinalubong ako ng pagkagwapo-gwapong mukha. Pero
syempre, mas gwapo pa rin ang Lei ko.
“Sabi ko na nga ba ikaw yung nakita
ko, eh.” Ngiting-ngiting sabi niya.
Tinanggal
ko ang kamay niya sa bibig ko. “Lynuz? I
mean Zyruz? Lynuz? Hay, kung sino ka mang hombre ka, bitiwan mo nga ko. Pag ako
namatay sa yakap mo, mumultuhin kita.”
“It’s Zyruz, Chloe.” Binitiwan
niya nga ako. Pero para lang iharap ako sa kaniya at yakapin na naman ako. Pero
hindi naman nagtagal ‘yon dahil mga kamay na nagpahiwalay saming dalawa.
Paglingon ko sa taong ‘yon, nakita ko si Lei! Magkasalubong ang kilay niya nang
hawakan niya ang kamay ko.
“What do you think you’re doing?”
may diing tanong niya kay Zyruz, sabay lipat ng tingin sakin.
“Tinatanong ka niya, miss. Sagutin
mo.”
sabi ni Zyruz sakin.
“Ikaw ang tinatanong niya, baliw.”
sagot ko naman. “At anong miss ka dyan?”
“Ay, ako ba? Sorry, akala ko ikaw.
Wala naman akong isasagot kaya aalis na ko. Bye, miss! Nice meeting you!”
Bigla na lang siyang umalis at iniwan kami ni Lei. Anong trip ng lalaking ‘yon?
“Damn! Hey you!”
Akmang susundan siya ni Lei pero pinigilan ko siya.
“Uy, anong gagawin mo?”
Ang dilim kasi ng mukha niya na parang susugod sa gyera. Tiningnan niya ko. Ang
sama ng timpla ng mukha niya. Anong nangyari? Parang kanina lang okay pa kami,
ah. Ano na namang nagawa ko?
Tinalikuran
niya ko. At dahil hawak niya ang kamay ko, napasunod na lang ako sa kaniya.
“Lei, galit ka ba?”
Nagtanong pa ko eh mukha naman.
“Ano ‘yong nakita ko? Sinong nagsabing
pwede mong gawin ‘yon?” may diin pero mahina niyang tanong.
“Ang alin? Wala—”
“Bakit pinayagan mong yakapin ka ng
lalaking hindi mo naman kilala?! Ba’t wala kang ginawa?!”
mahina pa rin ang pagkakasabi niya no’n na parang nagpipigil lang siya na wag
akong sigawan. Napapangiwi na din ako kasi ang higpit na ng pagkakahawak niya
sa kamay ko.
“Kilala ko ‘yon noh!”
Napataas ang boses ko kaya napahinto ako. Tumikhim ako. “Kilala ko siya, Lei. Si Zyruz ‘yon. Boyfriend ‘yon ni Demi na
bestfriend ni Nicky na nakatira rin sa subdivision namin. Saka nagulat ako nang
yakapin niya ko kaya hindi ako nakapagreact. Sorry.” Nagalit ata siya kasi
may yumakap sakin.
Teka!
Nagalit siya kasi may yumakap sakin! Which means…
“Lei, nagsese—”
“Uy, Ate Chloe!”
“Uy, Jonah! Anong ginagawa mo dito?”
tanong ko sa babaeng nasalubong ko na bumati sakin. Hindi naman ako makahinto
kasi hawak nga ako ni Lei na ang bilis maglakad.
“Kasama ko si Lynuz!”
“Ah, okay.”
Kinawayan ko na lang siya kasi hindi ko naman siya makausap ng matino dahil
nalagpasan ko na siya. “Teka, Lynuz?
Tsk!” Napailing ako. “Loko yung
Lynuz na ‘yon, ah. Naisahan na naman ako.”
Tiningnan
ko ang likuran ni Lei. Hindi naman ako makasabay sa paglalakad niya kaya nasa
hulihan niya lang ako habang hawak niya ang kamay ko. “Lei? Galit ka pa rin ba? Sorry na. Nakita mo yung babaeng nasalubong
natin? Si Jonah ‘yon, boyfriend niya si Lynuz, yung lalaking yumakap sakin
kanina.”
“Sino ba talaga yung lalaking ‘yon
hah?”
“Si Lynuz nga. Akala ko kasi si Zyruz.
Ano kasi—”
“Nevermind.”
Hindi
na ko sumagot. Hindi na rin siya nagsalita. Pero naramdaman kong lumuwag ang
pagkakahawak niya sa kamay ko. Hay, salamat. Hindi kasi ako makapagreklamo
kanina na ang sakit na ng kamay ko. Sira ulo talaga yung Lynuz na ‘yon!
Kasalanan niya ‘to! Humanda siya sakin pag nagkita uli kami! Ipapakain ko siya
kay Snow!
“Next time…”
Napalunok
ako. “Anong next time?”
“Anyone, either you know him or not,
don’t do it again in front of me. Or even behind my back, Chloe. May asawa ka
na. Lagi mong tandaan ‘yan.”
Sa
halip na matakot dahil parang pinagbabantaan niya ko, napangiti ako. Bakit?
Kasi naman… Mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa naisip ko.
Nagseselos
si Lei!
= = = = = = = =
Nandito
na kami sa beach ni Lei. Hinawakan niya pa ang kamay ko pagbaba namin ng golf
cart. Napangiti na lang ako sa ginawa niya.
Marami
akong nakitang tao sa beach. May mga pamilya akong nakita. May mga
magbabarkada. At mero’n ding magkasintahan. Mero’ng kasing fireworks display
mamaya para salubungin ang new year.
Naalala
ko tuloy ang pamilya ko.
“Problem, Chloe?”
Nilingon
ko si Lei. “Wala naman. Naalala ko lang
sina lolo. Ito kasi ang unang new year na hindi ko sila makakasama.”
Matagal
bago siya sumagot. “You want to go
home?”
I
smiled at him. “Hindi. Okay lang. Dito
na lang tayo.” Tiningnan ko ang papalubog na araw. “Ang ganda…” Tumakbo ako pero napahinto din agad dahil hawak pala
ni Lei ang kamay ko. Nilingon ko siya. “Magtatampisaw
lang ako sa tubig, Lei.” He let go of my hand.
Tumakbo
ako palapit sa dagat. Hinubad ko pa ang step-in na suot ko at inilusong ang mga
paa ko sa tubig. Hinayaan kong hampasin ng alon ang mga paa ko habang
nakatingin sa papalubog na araw.
Nawala
lang do’n ang paningin ko nang may bagay na pumatong sa balikat ko. Jacket
‘yon. Napatingin ako kay Lei na nasa tabi ko na. Napangiti ako. Isinuot ko ang
jacket niya.
“Parehas kayo ni Larah. She loved to
watch sunsets, too.”
Ibinalik
ko ang tingin ko sa papalubog na araw. “Ang
ganda kasi.”
“This is the first time that I have
the chance to watch it.”
Napatingin
ako sa kaniya. “Talaga?”
“Oo.”
“First time talaga? Hindi mo man lang
sinulyapan dati?”
Ibinalik
niya ang tingin sa harapan niya. “Nasulyapan,
oo. Pero pinanood ng ganito? Hindi. Masyado akong busy para pag-aksayahan ng
oras ang ganitong bagay.”
“Then you should thank me, Lei.”
Tiningnan
niya ko. “Why?”
“Dahil kung hindi mo ko nakilala,
hindi mo magagawa ‘to.”
He
smiled. “Right.” Ibinalik uli niya
ang tingin sa papalubog na araw. Habang ako nakatingin sa kaniya at sa ngiti
niya. “Ngayon ko lang naisip…” His
voice trailed off.
“Na ano, Lei?”
“Para sa’n ba ‘tong ginagawa ko? Para
sa’n ba ‘tong paghihirap ko? All I know is I am working hard for the company.
Then? Hanggang do’n na lang ba ‘yon?”
“Para sakin.”
“Hah?”
Me
and my big mouth! “I mean hindi lang
para sa kumpanya, pero para rin sa mga taong nagtatrabaho sa kumpanya mo. Kung
hindi ka magtatrabaho ng mabuti, baka bumagsak ang CTC. Pag bumagsak ang CTC,
mawawalan ng trabaho ang mga taong umaasa sa kumpanya mo. Pero syempre, wag
namang puro trabaho ang atupagin mo, Lei. Kaya nga nandyan ang mga empleyado mo
para tulungan ka. Sabi nga ni Maya, kapit basig!”
Hindi
na siya sumagot. Mukhang malalim ang iniisip niya kaya hinayaan ko na lang
siya. Tahimik naming pinagmasdan ang papalubog na araw hanggang sa mawala ‘yon
sa paningin ko.
“Let’s go?”
“Saan?”
tanong ko paglingon ko kay Lei. Isinuot ko na ang step-in ko.
“Dyan lang.”
Naglakad na siya kaya napasunod na rin ako sa kaniya.
Tahimik
lang kaming naglakad. Alam kong hindi ako sanay ng ganito katahimik pero ng mga
oras na ‘to, parang mas pinili kong manahimik muna. Nilingon ko si Lei.
Napangiti ako. Dahil sa kaniya kaya mas pinili kong manahimik ngayon. Pero
mukhang kabaligtaran ko siya dahil nagsalita siya.
“Sino nga pala si Maya?”
Naalala
niya pa ‘yon. “Si Maya ng Be Careful
With My Heart.”
“Movie ba ‘yon?”
Natawa
ko nang mahina. Mukha kasi talagang clueless talaga siya. “TV show ‘yon sa channel 2. Nanood ka pa ba ng palabas sa tv?”
“Bihira. And only those shows that
have something to with business.”
Tumabingi
ang ngiti ko. “So you don’t know Daniel
Padilla?”
“Padilla? Anak ba siya ni Robin
Padilla?”
Natawa
na naman ako. Nang mahina. Baka kasi maasar siya na pinagtatawanan siya kung
lalakasan ko pa. “Of course not.
Pamangkin siya ni Robin. Daniel is an actor na ka-love team ni Kathryn.
KathNiel ang pangalan ng loveteam nila.”
“How old are they?”
“I don’t know their exact ages. Basta
teen years. Sikat kaya ‘yon. Movie, nakakapanood ka pa ba?”
“No.”
“When was the last time you watched a
movie?”
“When I was in college I think.
Pinilit lang ako ni Tim na pumasok sa movie theatre no’n. Hindi ko rin tinapos
yung movie at iniwan siya.”
“So you’re not familiar with Twilight
Saga and The Hunger Games. Favorite ko pa naman ang mga ‘yon.”
Grabe pala talaga ang pagka-workaholic niya.
Napahawak
siya sa batok niya. I smiled. Cute. “I
missed a lot of things I know.”
“Masyado ka kasing busy.”
“I am.”
“Hmm…”
May naisip ako. “Let’s have a movie
date, Lei!”
“A date?”
“Movie date. Hmm… Parang gano’n na nga
rin. Parang date na rin.”
Nakita
kong tumaas ang sulok ng labi niya. “You’re
asking me for a date?”
I
pouted. “Ayaw mo ba?”
“I’ll find time for that date.”
“Talaga?”
“Yes.”
“Kailan?”
“I’ll find time.”
“Kailan pa kaya ‘yon?”
“Too excited?”
“Hindi, ah!”
“You are.”
“I’m not!”
“You are.”
I
pouted. “Fine. I am. Ikaw ba, hindi ka
excited?”
Hindi
siya sumagot. He just smiled.
Napangiti
na lang tuloy ako. Nakita ko na naman kasi yung ngiti niya, eh. “Nawiwili ka ng ngumiti, Lei.”
“Masama?”
“Nope. Bagay nga sa’yo, eh.”
Dahil
sa pagkukwentuhan namin, hindi ko namalayang nakarating na kami dito sa barbed
wire na humaharang sa restricted area na papunta sa cliff. Pumasok kami ni Lei
sa loob.
“Anong gagawin natin dito? Tatambay sa
cliff?”
“Sort of.”
“Sort of?”
Pero
sa halip na dumeretso sa daan paakyat ng cliff, huminto si Lei sa resthouse na
nakita ko kahapon. Umakyat siya sa apat na step na hagdan at binuksan ang
pintuan.
“Sa inyo rin ‘to?”
Malamang. Nagtanong pa talaga ko. Sumunod ako sa kaniya nang pumasok siya ng
bahay. “May gumagamit ba nito?” May
mga gamit kasi akong nakita at malinis ang loob ng bahay.
“Nung nabubuhay pa si Larah, oo. Gusto
niya kasi dito kesa sa hotel. Regular ‘tong nililinis kaya hindi madumi.”
Walang
second floor ang resthouse pero malaki ang floor area. Nag-ikot ako sa buong
bahay habang nakasunod si Lei. May tatlong kwarto akong nakita. Sarado ang
dalawang kwarto pero bukas ang kwartong nasa dulo. Pinasok ko ‘yon. May nakita
akong dalawang maletang maliit sa gilid ng kama.
“Kanino ‘yan?”
“Mine and yours.”
Binuksan
ko yung color pink na maleta. Nakita ko ang mga pinamili sakin ni Lei kahapon. “Ba’t nandito ‘to?”
“Baka gusto mong maligo at magpalit ng
damit.”
“Pwede naman tayong bumalik sa hotel
room natin, ah.”
“We’ll stay here. Mas maganda ang view
dito para makita mo ang fireworks display mamaya. Change your clothes if you
want. Parating na yung pagkain natin. I’m sure you’re hungry already.”
And then he left.
Napatingin
ako sa maleta at sa nakabukas na pintuan. I smiled. May napansin kasi ako.
“Baka gusto MONG maligo at magpalit ng
damit.”
“We’ll stay here. Mas maganda ang view
dito para makita MO ang fireworks display mamaya. Change YOUR clothes if YOU
want. Parating na yung pagkain natin. I’m sure YOU’RE hungry already.”
I
should be the one to take care of him, right? But it looks like it’s the other
way around.
= = = = = = = =
“Hmm…”
Tinakpan ko ang tenga ko nang may marinig akong ingay. Nakakaistorbong ingay na
tuluyang nagpagising sakin. Bumangon ako at napalingon sa bedside table. Kinuha
ko ang alarm clock at ini-off ‘yon.
“Tanghali na pala.”
11 o’clock na kasi. “Teka, tanghali na?”
Sa pagkakatanda ko kasi, pagkatapos kong maligo kanina at kumain kasama si Lei
kanina—I mean, naligo MAG-ISA at kumain kasama si Lei ay nanood kami ng tv.
After that? Hmm… Nakatulog ata ko.
Kung
nakatulog ako sa sofa kanina, ibig sabihin binuhat ako ni Lei para dalhin dito
sa kwarto. Napangiti ako. Ang haba pala ng tulog ko. Teka! Magdamag akong
nakatulog which means hindi ko nasalubong ang new year!
Natapik
ko ang magkabilang pisngi ko. “No way!”
Tumayo agad ako at lumabas ng kwarto nang mapansin ko ang labas ng bintana. “Ba’t madilim?” Lumapit ako sa bintana.
“Gabi pa rin? Ibig sabihin, ilang oras
lang akong nakatulog, gano’n?” Napatalon ako sa nalaman ko. “Yes! Teka, nasa’n ba si Lei?” Hinanap
ko siya hanggang sa labas ng resthouse.
May
babae akong naabutang nakaupo do’n na tumayo nang makita ko. “Goodevening po, Ma’am.”
“Goodevening din.”
Nakasuot siya ng uniform katulad ng mga staff ng resort. Ano kayang ginagawa
niya dito?
“Ma’am, magready na po kayo. May
pupuntahan po tayo.”
“Saan? Saka nasa’n si Lei?”
“Hindi po kasi—” Nag-ring
ang phone na hawak niya. “Wait lang po,
Ma’am.” Sinagot niya ang tawag. “Hello,
Sir.” She paused. “Yes, Sir.”
Inabot ng babae ang phone niya sakin. “Kakausapin
daw po kayo ni Sir Constantine.”
Kinuha
ko ang phone niya. “Hello, Lei. Nasa’n
ka?”
“Nandito ako sa hotel. May pupuntahan
kayo ng staff na nandyan, sumama ka.”
“Hah? Saan? Saka anong ginagawa mo
dyan? Ba’t iniwan mo ko dito?”
“No more questions, Chloe. Sumama ka
na lang sa kaniya. I’ll try to come back before it strikes twelve.” Iyon
lang at nawala na siya sa linya.
“Anong problema no’n?”
Ibinalik ko ang phone sa staff. “Sa’n ba
tayo pupunta?” Bumaba na ko ng hagdan at hindi na bumalik sa loob ng bahay
para magtoothbrush at mag-ayos.
Sinundan
ko ang babae. Papunta sa cliff ang pinuntahan niya. Sumunod lang ako at hindi
nagsalita. Na kay Lei kasi ang isip ko. Ewan ko ba pero parang may iba sa
kaniya habang magkausap kami. Parang bumalik na naman siya sa dati.
“No more questions daw? At ita-try daw
niyang bumalik before mag-twelve? Ba’t ba gano’n siya? Edi sana hindi na lang
kami pumunta sa resthouse kung iiwan lang rin niya ko dito. Manonood daw kami
ng fireworks display? Eh, nasa’n siya?” bubulong-bulong na sabi
ko.
“Mas maganda ang view dito para makita
mo ang fireworks display mamaya.”
“Mo. Which means ako lang talagang
mag-isa. Nakakainis naman…”
“Ma’am, okay lang po kayo?”
Napatingin
ako sa staff na nasa unahan ko. “Okay
lang.” Hindi ako okay! Si Lei kasi, eh…
Huminto
ako sa paglalakad. Dahil sa pagmamaktol ko sa naging gawi ni Lei kanina ay
ngayon ko lang napansin ang dinadaanan namin. Kaya pala maliwanag ang
dinadaanan namin dahil sa mga kandilang nakalagay sa bawat gilid ng daan. Hindi
lang basta kandila dahil scented candles ang mga ‘yon na nakalagay sa glass
para hindi mamatay ang apoy dahil sa hangin.
“Ma’am, tara na po.”
Sumunod
ako sa staff. Hanggang sa makarating kami sa taas ng cliff ay mero’n pa ring
mga scented candles na nagbibigay liwanag sa daan. Huminto ang staff. Naglakad
ako ng kaunti at nilagpasan siya. Sa pwesto namin ni Lei kahapon ay may nakita
akong nakalatag sa damuhan.
“Hanggang dito na lang po ako, Ma’am.”
“Dyan ka lang, Miss. Wala akong kasama
dito.” Naglakad pa ko ng kaunti para makita kung anong
nakalatag na mga ‘yon. Malaking banig ang nakita ko. May mga throw pillow sa
ibabaw no’n. Hindi lang pillow, may mga pagkain din. Maraming pagkain. At ang
isa pang napansin ko ay ang laptop na nando’n.
“Miss,”
Lumingon ako sa likuran ako. “Sinong
nag—” Wala na pala siya. Umupo ako habang nakatingin sa pagkaing nakalatag. “Ang romantic na sana, eh. Pero sino
namang kasama ko dito?”
“Sino pa? Edi ako.”
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^