CHAPTER
27
( CHLOE’s POV )
Napatayo
ako bigla. Ang boses na ‘yon! Napalingon ako sa gilid ko. Sa punong pinagtaguan
ko kahapon ay nakita kong lumabas si Lei.
“Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba…”
He
smiled. “Surprise to see me?”
“Ginood-time mo ko?”
“Sort of.” Lumapit
siya sakin. “Ba’t ganyan ang suot mo?
Hindi ka man lang nagsuot ng jacket, eh ang lamig-lamig?”
I
pouted. “At hindi man lang ako nagsuklay
o nagtoothbrush man lang.” Tinakpan ko ang bibig ko. “Ikaw kasi, eh! I thought you left me here. Tapos… Hindi tuloy ako
nakapag-ayos!”
Natawa
siya nang mahina na ikinagulat ko. First time niyang tumawa ng ganyan, eh! At
ang sarap sa pandinig…
“Lei…”
Hinubad
niya ang suot niyang jacket at isinuot sakin. Using his both hands, hinaplos
niya ang buhok ko na parang sinuklay. “Okay
na?”
Umiling
ako. “Hindi pa ko nagtu-toothbrush, eh.”
sabi ko habang nakatakip pa rin ang isang kamay ko sa bibig ko.
Tinanggal
niya ang kamay ko sa bibig. Yung isang kamay ko naman ang ginamit kong
pangtakip habang nakatikom ang bibig ko. Tinanggal niya rin ‘yon. And now he
was holding both of my hands now. At nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
Inilapit niya ang mukha niya sakin at inamoy-amoy ang bibig ko!
“Lei!”
Natikom ko agad ang bibig ko at agad ‘yong tinakpan.
“Hindi naman mabaho, eh. Tara na.”
Hinawakan niya ang kamay ko at inakay sa banig na nakalatag. Pasimple kong
inamoy ang hininga ko. Tama siya. Wala namang amoy.
Umupo
kami sa tapat ng mga pagkain. Naglaway ako ng wala sa oras. “Pwede na bang kumain?” Hindi pa siya
nakakasagot ay kumuha na ako ng plato at nagsandok ng makakain.
“Ang takaw mo talaga.”
“Hindi naman masyado.”
Inabutan ko siya ng plato. “Anong gusto
mo?”
“Kahit ano.”
“Okay. Pero syempre, hindi pwede yung
bawal sa’yo.”
Pagkatapos
ng unang subo ko ay nagtanong agad ako sa kaniya. “Ikaw bang nakaisip nito?”
“With the help of the staff.”
“Ikaw ang nag-ayos?”
“With the help of them also.”
I
smiled. Sa tulong nila. Nagbago na talaga siya. “Thank you, Lei.”
He
just smiled.
“Para sa’n pala ‘to?”
Tinuro ko yung laptop.
Kinuha
niya ‘yon at pinatong sa ibabaw ng isang throw pillow. Nakatingin lang ako sa
ginagawa niya habang kumakain. Maya-maya…
“Waaah! Mama! Lolo! Tito Henry!
Kendra, baby!” Kulang na lang ilusot ko ang mukha ko sa
screen sa sobrang lapit no’n sa laptop nang makita ko ang mga mukha nila.
“And me, too!”
Si Tim ‘yon na sumulpot sa likuran ni Tito Henry. May kagat-kagat pa siyang
fried chicken. “Hello, love birds!
Kamusta kayo dyan?” Talagang tinotoo niya ang pagpunta kina lolo, ah.
Gano’n
kami habang hinihintay na sumapit ang twelve o’clock. Magkausap sa skype habang
nagkukulitan at nagkukwentuhan. Hanggang sa mag-countdown ay sabay-sabay rin
kami…
“Five!!! Four!!! Three!!! Two!!!
One!!! Happy new year!!!” Kasabay no’n ang sunod-sunod na
putukan at iba’t ibang liwanag na nagmumula sa fireworks display na ginawa sa
beach. Sabay-sabay din kaming nagbatian ng pamilya ko at ni Tim sa skype.
Pagkatapos
ay nilingon ko si Lei na nakatingin pala sakin. “Happy new year, Lei!” I kissed him on his cheek.
“Happy new year, Chloe.”
“Ang sweet naman no’n!” Boses
‘yon ni Tim na binelatan ko nang tingnan ko siya sa screen.
Tumayo
si Lei malapit sa gilid ng cliff. May fence namang nakaharang do’n. Tumayo rin
ako at lumapit sa kaniya. Humawak ako sa braso niya habang parehas kaming
nakatingin sa langit at pinagmamasdan ang mga fireworks.
“Ang ganda…” I
said.
“Oo nga.”
Tahimik
lang kami habang pinagmamasdan ang mga nagkikislapan sa langit. Katulad kanina
habang pinagmamasdan namin ang paglubog ng araw.
Maya-maya
ay tiningnan ko siya. “Lei?”
“Hmm?”
“Thank you sa ginawa mo ngayon. Itong
effort mo, thank you. And thank you rin kasi parang nakasama ko rin ang pamilya
ngayong new year.”
Saka
lang niya ko tiningnan. Ng seryoso. “I
should be the one to thank you. Thanks to you, Chloe.”
Gano’n
kaming dalawa sa loob ng ilang segundo, ng isang minuto. We were just looking
at each other’s face and eyes. Hanggang sa umangat ang kamay niya papunta sa
leeg ko hanggang sa pisngi ko. “Chloe.”
Palapit ng palapit ang mukha niya sakin.
Napalunok
ako. Kinabahan ako. Pero alam kong ibang kaba ‘tong nararamdaman ko. And I
don’t know why I closed my eyes dahil para ‘yong may utak na pumikit na lang
bigla at hinintay ang mangyayari.
Lumipas
ang ilang segundo. Walang nangyari. I opened my eyes. Wala na si Lei sa harap
ko. Nang lingunin ko siya ay nasa harap na siya ng laptop at nakatutok ang
atensyon do’n. Kausap niya sina mama.
I
pouted. “Ano ‘yon?” bulong ko.
Humalukipkip ako at ibinalik ang tingin sa langit. Napahawak ako sa labi ko.
Akala ko hahalikan na niya ko. Hindi pala. Ginoodtime na naman niya ko, ah.
“Chloe.”
Bigla
akong humarap sa kaniya. Nagulat ako ng alisin niya ang kamay ko sa labi ko.
And guess what kung anong pinalit niya? His lips touched mine and started
kissing me! At para namang may utak ang labi ko na tinugon ang halik niya.
“I’m sorry… I just need…”
He kissed my chin down to neck. “…to
shut off the laptop.”
“What?”
Wala na kong maintindihan sa sinasabi niya dahil parang nanghihina na ko. Lagi
na lang ba kong magiging ganito sa tuwing hahalikan niya ko na parang inuubos
niya ang energy ko?
He
cupped my face. “Chloe…” He said
huskily while looking deeply in my eyes.
“Lei…”
Hindi ko namalayang nakayakap na ko sa leeg niya at halos wala na ring space sa
pagitan naming dalawa.
He
said something against my lips that made my body shivered. That made my
breathing so fast. That made my heart thumped like crazy.
“I want you now, Chloe. But not here.”
= = = = = = = =
“Hmm…”
Sumiksik ako sa mainit na bagay na nasa tabi ko. Ilang segundo muna ang
pinalipas ko bago ko imulat ang mga mata ko. Leeg ang nakita ko. Tiningala ko
ang nagmamay-ari no’n. Napangiti agad ako nang makita ko si Lei.
“Goodmorning, husby. Himala, naabutan
kita ngayon.” Masyado kasi siyang busy nitong mga
nakaraang linggo. Hindi lang ‘yon, lagi pa kong tanghali kung magising kaya
hindi ko na siya naaabutan.
Kailan
ba ko nasanay na kahit katabi ko siyang matulog ay nakakatulog ako nang
mahimbing? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, masarap ang tulog ko pag
naramdaman ko siya sa tabi ko.
“Buti talaga, nasanay na kong matulog
katabi ka noh, Lei? Ang sarap mo kasing katabi, eh. May instant unan at kumot
ako.” I traced his lips. “Ang gwapo mo talaga lalo na pag ganitong natutulog ka. Para kang
anghel, alam mo ba ‘yon?”
“No.”
He opened his one eye.
I
smiled at him. “Goodmorning, husby.”
“Goodmorning.” He
closed his eyes again.
“Narinig mo yung mga sinabi ko?”
“Oo. Kanina pa kasi ako gising.”
I
pouted. Nalaman ko kasi kailan lang na naririnig niya pala ang mga sinasabi ko
tuwing kinakausap ko siya dati habang tulog siya. Ang dami ko kayang sinasabi
sa kaniya no’n. And most of it, parang nagtatapat na ko sa kaniya.
“Stop that. Baka humaba ang nguso mo.”
“I’m not pouting. Nakita mo ba?
Nakapikit ka kaya.”
“I know you are.”
“Kabisado mo na ko noh?”
“Yes.”
“Ba’t naabutan ata kita ngayon? Anong
oras na ba?” Tiningnan ko ang wall clock. “Eleven o’clock na, ah. Hindi ka papasok?”
“Nope. We’ll have our movie date now.”
Bigla
akong napabangon bigla para lang mapa- “ouch!”
Hinawakan ko ang ulo ko.
“What happened?”
Bumangon na rin si Lei.
“Sumakit bigla yung ulo ko, eh. Saka
para kong nahilo.”
“Dumaan muna tayo sa clinic mamaya.”
“Okay lang ako.”
“Are you sure?”
“Yap.”
Napangiti ako nang makita ko siyang topless. I poked his abs one by one.
“Chloe. Ginagawa mo na namang keypad
‘yan.”
“Pa’no mo ba kasi nakuha ‘to?” I
asked as I continued poking his abs. “Hindi
ka naman nag-gi-gym diba?”
“Inborn?”
Napatingin
ako sa kaniya. “So baby ka pa lang
mero’n ka ng abs? May picture ka? Patingin nga.”
Natawa
siya nang mahina. He held my hand poking his abs. “Ang kulit mo.” He was about to kiss me when I covered my mouth
with my left hand.
“Hindi pa ko nagtu-toothbrush.”
“So? Para namang hindi kita
hinahalikan habang tulog ka.”
Nanlaki
ang mga mata ko. “Ginagawa mo ‘yon?”
“Yes. Bago pumasok ng office at tulog
ka pa or pag-uwi ko at tulog ka na.”
“Napaka mo!”
“Napaka ano ko?”
He leaned over me.
“Napaka ano mo talaga, Lei!”
“Napaka ano nga?”
He leaned more over me. Habang inaatras ko naman ang katawan ko. Hindi naman
ako makapalag dahil hawak niya ang magkabilang kamay ko.
“Napaka talaga!”
“Ba’t hindi mo ituloy?”
The next thing I knew, he was pinning me in the bed.
“Lei naman, eh…”
“What?”
Bumaba ang mukha niya sa leeg ko. He kissed my neck. Ito na naman siya.
Hinihigop na naman niya ang energy. Umagang-umaga, eh. Or should I say,
magtatanghalian na pala. “I miss you,
Chloe…”
At
parang alam ko na kung ano ‘yong namimis niyang ‘yon.
“I want you, Chloe.”
That.
We did that three weeks ago. My first. At nasundan pa ‘yon ng nasundan. When
was the last we did that? Three days ago ata. At ngayon lang niya uli…
Napalunok ako. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi na ko
nakapag-isip nang halikan na niya ko.
“Chloe…”
Iniwan niya ang labi ko na hinabol ko naman. I heard him chuckled. “Missed me that much, huh?”
“Napaka mo talaga…”
“Yes, I know.” He
started kissing me again. Naramdaman ko ang kamay niya sa ilalim ng pajama top
ko at isa-isang tinanggal ang butones in a way na halos sirain na niya ‘yon.
Then
he suddenly stopped. Nagkatinginan kami. Napailing siya na parang naiinis.
Bumangon siya at kinuha ang phone niya. Nagri-ring kasi ‘yon. He answered the
call. Si Lei pa naman yung tipo ng tao na kahit may ginagawa, sasagutin pa rin
ang tumatawag sa phone niya.
Ako
naman, bumangon na rin at inayos ang sarili ko. Napatingin ako sa suot ko.
Tuluyan nang natanggal ang ilang butones ng suot ko dahil sa ginawa niya.
“Chloe.”
Tiningnan
ko si Lei. Mukha siyang frustrated na ewan.
“I need to go the office.”
I
pouted. “Pa’no na yung movie date
natin?”
“Itutuloy natin ‘yon ngayon. Kailangan
ko lang asikasuhin ‘to.” Napatingin siya sa suot ko. “Sorry about that.”
Napatingin
ako sa suot ko at sa kaniya. Naalala ko ang nangyari kanina kaya iniwas ko agad
ang tingin ko sa kaniya.
“You’re blushing. Hindi na talaga
mawawala sa’yo ‘yan ‘no?”
“I don’t know what you’re talking
about.” Tuluyan na kong humiga para makaiwas sa panunukso
niya. Niyakap ko ang unang nasa tabi ko at itinago ang mukha ko. I closed my
eyes. “Inaantok pa rin ako. Sunduin mo
na lang ako dito, ah.”
Hindi
ko na siya narinig na nagsalita kaya akala ko ay pumasok na siya ng restroom
pala maligo. Pero hindi pa pala dahil nawala sakin ang unang yakap ko.
“Susunduin kita mamaya.”
Binuhat ako ni Lei. “Pero sabay tayong
maliligo ngayon. Hindi pa natin nagagawa ‘yon diba?”
Nanlaki
ang mga mata ko. “Ha? Ano? Wait lang,
Lei! Hindi nga natin ginagawa ‘yon pero—”
“No more buts okay. Halos lagi ka na
lang maghapong tulog. Pag pumupunta ka ng office, natutulog ka rin. Hindi ka ba
nagsasawa? Kaya ka tumataba, eh.” Ibinaba niya ko sa loob
ng restroom.
“Tumataba ako?”
Sinipat
niya ang katawan ko. “Hindi naman
masyado. Pero…” He lowered his head para magpantay ang mga mukha namin.
Pagkatapos ay yumuko, “Parang
nagkakalaman na ‘yan.”
Napatingin
ako sa tinitingnan niya. Sa dibdib ko! “Napaka
mo talaga, Lei Constantine!”
Tinawanan
niya lang ako.
Napailing
ako. Hindi na nga siya masyadong nagsusungit. Hindi na rin siya yung dating
lalaking nakilala ko na parang may galit sa mundo na laging nakasigaw at
mainitin ang ulo. Lei changed. Lagi ko na siyang nakikitang nakangiti. Hindi
lang sakin pero sa mga taong nasa paligid niya.
Ang
dami ngang nagtataka sa pinagbago niya. Sabi nga ni Tim, ano daw bang pinakain
ko kay Lei nung nasa Batangas kami at biglang nagbago ang kaibigan niya.
And
Lei’s naughty side that I first saw when I first entered his office, ang mas
nangingibabaw tuwing kami lang dalawa ang magkasama. Sinanay ko na ang sarili
ko. Pero…
“Chloe.”
“What?”
“Maligo na tayo.” And
then he grinned as he started undressing me.
“Napaka mo talaga!”
Pag nagiging pilyo siya, hindi ko mapigilang hindi mag-react ng ganito.
“Napakasungit mo, Chloe. Mero’n ka
ba?”
“Wala!”
“Baka kasi magpabili ka naman sakin ng
napkin.”
“Ibibili mo ba ko?”
“Hmm…” He
caressed my cheek. He smiled. “Yes.”
Marami
na talagang nagbago sa kaniya. And I’m very happy for that.
= = = = = = = =
Nasa
loob na ko ng elevator at pipindutin na ang close button nang may humabol at
pumasok sa loob.
“Oh hi, Chloe!”
He pressed the close button.
“Hi, Tim! Off mo?”
“No. Babalik din ako ng ospital. May
dadaanan lang ako.”
“Lagi ka na lang may dinadaanan dito.”
“Ikaw din naman, ah.”
“At least ako, si Lei lang ang
pinupuntahan. Eh, ikaw?”
“Dalawa lang naman ang pinupuntahan ko
dito. Si bestfriend,” he grinned. “At babae.”
“Sino bang girlfriend mo dito, ha?”
He
just smiled. “Secret.”
“Pa-secret-secret ka pa dyan.” I
paused. “Tim, anong magandang movie
ngayon?”
“Bakit?”
“May movie date kasi kami ni Lei.”
“Wow! Date? Di nga? Himala! Tapos
manonood pa kayo ng movie? The last time na inaya ko siyang manood ng movie,
iniwan lang niya ko. Ang sabi niya, sa restroom lang siya. Pagbalik niya, my
kinuwento ako sa kaniya. And can you imagine na salita ako ng salita tapos
hindi naman pala siya yung taong umupo sa tabi ko? Tsk! Hindi lang ‘yon. Bading
pa yung kinuwentuhan ko. Tapos akala pa niya, type ko siya! Hinawakan pa niya
yung braso ko! Grabe talaga ‘yon!”
Natawa
ako sa reaksyon ng mukha niya habang nagkukwento siya. Nakangiwi kasi siya.
“Kaya simula no’n, hindi ko na inayang
manood ng sine si Lei. But now, it’s different with you.”
He smiled. “Hindi ka iiwan no’n.”
Hindi
ko alam kung may double meaning ang sinabi ni Tim pero ako… “Hindi ko rin naman siya iiwan, eh.” Alam
kong may double meaning ang sinabi ko.
We
both smiled. Natahimik na kami nang may sumakay sa elevator. Maya-maya…
“Chloe, stop that.”
Kumunot
ang noo ko. “What?”
Lumapit
siya at binulungan ako. “Para kang aso
dyan na sumisinghot.”
“Hindi ko napansin.” Suminghot
ako. “Kaninong pabango ‘yon?” Hindi
naman kay Tim dahil kanina ko pa siya kasama sa loob ng elevator. Nilingon ko
ang apat na taong kasama namin ni Tim sa elevator. “Kaninong pabango ‘yon?”
“Po?”
Suminghot
uli ako. Nilapitan ko ang unang lalaki at suminghot. “It’s not yours.” Yung katabi naman niyang babae ang sinunod. “Hindi rin sa’yo.” At hindi rin sa
sumunod na lalaking katabi niya.
“Chloe.”
Narinig kong tawag sakin ni Tim.
“Wait lang, Tim.”
I’m aware of their weird looking faces but I need to know kung kaninong pabango
ang naaamoy ko. Ang bango, eh. “It’s
yours!” sabi ko sa huling taong inamoy ko na isang babae.
“Ma’am…”
“Anong pabango mo, Miss?”
Nagkatinginan muna ang apat na empleyado bago sinabi ng babae ang pabango niya.
Tinandaan ko ‘yon. “Dala mo ba?”
“Yes, Ma’am.”
Kinuha
ko ang panyo ko sa bag. “Could you spray
a little here?” Hindi man niya maintindihan kung bakit pero ginawa pa rin niya.
“Thank you, Miss!” Inamoy ko ang
panyo ko. “Ang bango.” Huminto ang
elevator. Bumaba na ang apat na empleyado. “Thank
you, Miss, ah!”
“You’re welcome, Ma’am.”
The elevator’s door closed.
“Chloe.”
“What?”
hindi lumilingong tanong ko kay Tim.
“You’re kinda weird.”
“I know.”
Tiningnan ko siya. Nakangiti siya. “Ba’t
ganyan ka makangiti?”
“Wala naman.” He
patted my head. “Take care of yourself,
Chloe.” Lumabas na siya nang magbukas uli ang elevator.
At
ako, parang tangang inaamoy-amoy ang panyong hawak ko hanggang sa makarating
ako ng office ni Lei. “Hello, guys!”
bati ko kina Xie, Rhen at Cris. Wala si Cyrish. Kasama daw ito ni Lei. May
pinuntahan daw na meeting ang dalawa.
Papasok
na sana ko sa loob ng office nang mapansin ko ang DVDs sa ibabaw ng table ni
Rhen. “Uy, twilight! Sa’yo ‘yan, Rhen?”
“Hindi po, Ma’am Chloe. Pinahanap po
sakin ‘yan ni Mr. President.”
“Talaga?”
Napangiti ako. Kinuha ko ang DVDs. “Ako
na lang ang magbibigay sa kaniya, ha.” Pumasok na ko sa loob ng office.
Umupo ako sa couch at tiningnan ang DVDs na hawak ko. “Naalala niya pala yung sinabi ko no’n sa Batangas.”
Tumayo
ako at lumapit sa table ni Lei. Umupo ako sa swivel chair. Tiningnan ko ang
mini calendar. Wednesday ngayon. Binilang ko ang araw hanggang sa sumapit ang
Sunday. Uuwi kasi kami ng Bulacan ni Lei ng araw na ‘yon. Nakagawian na namin
na tuwing Sunday, pupunta kami kina lolo.
After
kong pagtripan ang calendar ay yung snow globe naman ang hinawakan ko.
Ipinatong ko ang braso ko sa table at ginawang unan ng ulo ko. Inalog-alog ko
ang snow globe. At ewan ko ba pero napapapikit ako. Sabagay, two o’clock na.
Pag ganitong oras, inaantok talaga ko. Tinatamad naman akong tumayo at lumipat
sa couch kaya nanatili ako sa pagkakaupo ko.
Hindi
ko namalayang nakatulog ako. Nagising na lang ako nang maramdaman kong may
mainit na bagay na humahaplos sa pisngi ko.
“Chloe.”
“Hmm…” I
opened my eyes. Mukha ni Lei ang nakita ko.
“Ba’t dito ka natutulog?”
Kinurap-kurap
ko muna ang mga mata ko bago sumagot. “Anong
oras na?”
“2:30.”
“Thirty minutes pa lang pala kong
nakatulog.” Humikab ako. “Can I sleep more?”
“Ang takaw mo sa tulog. Aalis na tayo.
We’re going to watch a movie, remember?”
“I know.” I
closed my eyes. “Thirty minutes more,
Lei. Please…”
“Okay. But not here.” Naramdaman
kong umangat ako. Binuhat ako ni Lei. Hindi na ko nag-abalang idilat ang mga
mata ko hanggang sa maramdaman kong ibaba niya ako sa malambot na sofa bed.
Alam kong nandito ako sa kwarto kung sa’n ako natutulog kapag nandito ako sa
office ni Lei.
“I’m just outside, Chloe.”
“Okay…”
= = = = = = = =
“Lei, nakipagdate ka na ba?”
tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami dito sa mall.
“Business dates.”
“Yung date talaga?”
“I’m a busy person to waste my time on
a date.”
I
smiled. “Pero may time ka ngayon. Have
you asked someone for a date?” Parang ang labo namang mangyari no’n.
“No. It’s the other way around.”
“Sila ang nag-aaya sa’yo. Parang ako.”
“You’re different with them, Chloe.”
I
smiled. “Because I’m your wife?”
Tiningnan
niya ko. “Yes.”
Kung
nakikita ninyo lang ang puso ko ngayon, malamang nakikita ninyong nagkaro’n ng
kamay ‘yon at pumapalakpak pa sa tuwa.
Pagdating
namin sa movie theatre, ako ang bumili ng ticket. I mean, pera ni Lei pero ako
lang ang bumili. Nang lingunin ko siya, nakita kong may kausap siya sa phone.
Nakuha ko na ang ticket pero hindi pa rin siya tapos makipag-usap. Sinenyasan
niya ko ng sandali lang. Tumango lang ako. Mukhang importante ang pinag-uusapan
nila ng kausap niya.
Inilibot
ko ang tingin sa paligid ko. At hindi sinasadyang may nahagip ang mga mata ko.
Di kalayuan ay may nakita ako. She was looking at our side, too. This is the
first time I saw her since that restaurant incident. And just like before, ang
talas na naman ng tingin niya.
Sinusundan
niya ba kami ni Lei? Wala kasi siyang kasama, eh. At napakalaki naman nitong
mall para maging coincidence ang pagkikita namin ngayon. Idagdag pa na
nakatingin na siya sakin bago ko pa siya nakita.
“Chloe.”
Tiningnan
ko si Lei.
“Problem?”
Hinaplos niya ang noo ko. Nakakunot na pala ang noo ko ng hindi ko namamalayan.
“Wala.”
Tiningnan
niya ang tinitingnan ko kanina. Tumingin din ako sa kinatatayuan ni Leoni
kanina. Wala na siya.
“Let’s go?”
Lei said.
I
looked at him when he held my hand. “Tara.”
= = =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^