Chapter One
Noong isang araw si Shara ang umiiyak
sa kanya, ngayon naman ang pinsan nyang si Harold. Sa halos araw-araw na ginawa
ni Lord laging may umiiyak sa mga kamag-anak nya. Takbuhan si Kia ng mga kamag-anak
nyang lulong sa problema, problema man sa love life, pera, pamilya, basta may
problema ang mga ito ay sa kanya unang lumalapit. Minsan na rin nyang naisip na
pagkakitaan ang pagiging takbuhan nya, pero hindi naman iba ang mga ito sa
kanya.
“Niloko
nya ako insan. Nakita ko sya may kasama syang ibang lalake, naka-akbay pa sa
kanya tapos si Vina nakayakap pa sa bewang nung kasama nya. T*ngina talaga
insan, masakit.”
Kasalukuyang nakikinig si Kia sa sintemyento ng pinsan na ngayon ay kaharap si Mang Empi – Emperador brandy. Hindi naman sya umiinom, kasama lang sya sa tumpukan. Sinasamahan ng iba pa nyang pinsan ang problemadong si Harold.
“Ano ba kasi ang ginagawa mo doon? Wag
mong sabihin na naisipan mo lang kasi hindi ako maniniwala sa’yo, maloloko mo
sila pero ako hindi.”
Tanong ni Kia.
“A-a-ano… ano kasi eh.” Nauutal na sabi ng pinsan.
Isang malakas na batok ang ibinigay
nito sa binata. Kahit hindi tapusin ni Harold ang sinasabi, alam na ni Kia kung
bakit.
“May kasama ka rin naman ibang babae. Niloloko mo lang din naman si Vina, pareho lang kayong manloloko. Girlfriend mo si Vina tapos may kasama ka din na iba sa mall, malandi ka rin eh. Karma ang tawag dyan.” Mahabang saad nito.
Ang mga kasama naman nya sa umpukan na
iyon at natatawa dahil sa itsura ng kanilang pinsan. Mukha kasi itong bata na
pinapagalitan ng nanay dahil nahuling inaaway ang kapatid. Samantalang ang
pinsan naman nila na si Kia ay akala mo tigre na handing lapain si Harold anumang
oras.
“Aalis
na ako! G*ago ka talaga, sinayang mo lang oras ko.” Saka ito umalis sa
umpukan upang pumunta sa bakeshop nila ng kaibigan na si Girlie.
That’s what she does for a living. Nag-loan sya sa isang cooperative bank sa kanilang lugar para ipampuhunan sa napili nilang business ng matalik na kaibigan, at iyong nga bakeshop nila. Sweet Delights. Sa ngayon ay dalawa at kalahating taon na itong nag o-operate, nagkakaroon ng mga problema pero madali lang din naman nilang nagagawan ng paraan. Pareho silang madiskarte ng kaibigan, iyon siguro ang isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa ring lumalago ang kanilang business.
Pareho nilang hilig ang mag-bake at magluto, kaya naman sa halip na gawin lamang sa kanilang bahay ay naisipan nga nila itong pagkakitaan. Marami na silang loyal customers, mayroon pa nga na sa tuwing may birthday sa Glendair Subdivision ay sila ang napipili ng mga taga-roon na gumawa ng cake, cupcakes, and other desserts. Isa kasi sa loyal customer nila ang president ng homeowners ng nasabing subdivision na iyon, inirekomenda sila kaya naman malaki ang pasasalamat nila dito.
“Nandito na ako.”
“Mabuti naman at dumating ka na. May nag-order
ngayon lang, hindi ko kakayanin kung hindi ka dumating.” Natatarantang salubong sa kanya ng
kaibigan.
Napangiti naman si Kia sa kaibigan at
sa dala nitong magandang balita. Mukhang magiging maganda ang araw na ito para
sa kanilang negosyo. Ibinaba na nya agad ang bag at pumasok sa kanilang baking
station. Kailangan na nilang magsimula kung marami nga ang orders na dumating,
baka kulangin sila sa oras.
“Teka,
si Mama Delia ba ang nag-order or yung mga nasa Glendair?” tanong ni Kia
habang hinahanda nito ang mga kakailanganin nila.
Abala naman si Girlie sa pag-aayos ng
temperature ng oven na kanilang gagamitin maging ang mga baking pan and molds. “Hindi, walk-in lang. Nag-order lang sya
kanina ng isang slice ng chocolate cake natin and red velvet cupcake, tapos
ayun nga bigla na lang syang nag-order ng madami.” Sagot nito habang nag-aayos
pa rin.
Nag-aalangan na rin tuloy si Kia ng
makita ang listahan ng orders nito. One hundred pieces of red velvet cupcakes,
fifty pieces of chocolate fudge brownies, at twenty na round chocolate cake.
Paano nila matatapos ang lahat ng iyon hanggang mamayang ala-sais ng hapon?
“Bukas ng tanghali daw nya kailangan dahil hapon daw ang event na pupuntahan nya, at iyon daw ang dadalhin nya. Hindi na ako nakatanggi kasi nga malaki ang kikitain natin doon, tapos binayaran na nya lahat.”
Kung sya rin naman ang naka-usap ng tao na iyon ay pareho lang ang gagawin nya, tatanggapin ito. Minsan lang may mag-order sa kanila ng ganoong kadami. Ayon rin kay Girlie ay mukhang mayaman ang babae na nag-order. Mukha rin itong masungit kaya natakot na rin tumanggi ang dalaga.
Kung bukas pa ng tanghali kailangan ni
Mrs. Quirino ang orders nito, kakayanin nila ang lahat ng iyon kung hindi sila
matutulog. Silang dalawa lamang ang nagbe-bake ng lahat ng products nila, at
ang dalawa pa nilang kasama sa shop ang katulong nila sa pag-aayos ng mga
natatapos nila. Mukhang kailangan din mag-overtime ng dalawa dahil sa dami ng
kailangan nilang gawin.
±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†
“This
meeting is adjourned!”
Alas-otso nagsimula ang meeting ni
Yale kasama ang dalawang kaibigan na kasosyo nya sa negosyo na iyon. Kasama din
nila ang share holders, at ngayong lamang natapos ito. Alas-dose na sila
natapos for Pete sake. Apat na oras ang tiniis ni Yale wag lamang syang
makatulog sa loob ng conference room na iyon.
Ang paggising lang ng alas-syete ay
napakalaki ng sakripisyo at parusa sa isang lalake na katulad nya. Dalawang
oras pa lamang sya natutulog. Bakit hindi, alas-kwatro na sila nagtigil ng flavor of the night nya. Kung
hindi pa nga gumalaw ang babae sa tabi nya ay baka hanggang ngayon ay
nananaginip pa rin sya.
“Nagugutom na ako.” Reklamo ng kaibigan nyang si Owen.
“Nakakapagod silang kausap. Mga nakapag-aral naman pero ang slow ng pick-up nila.” Si Charlie naman ang nagreklamo this time.
“Inantok ako lalo sa takbo ng usapan kanina.” Naghihikab na saad naman ni Yale.
Palabas ngayon ang tatlo para mag-tanghalian sa malapit na restaurant sa kanilang building. Ganon palagi ang gawain ng tatlo tuwing nagkakaroon sila ng meeting sa share holders at inaabot sila ng lunch. Kilalang-kilala na nga sila ng mga nagta-trabaho sa restaurant na lagi nilang kinakainan. Lagi rin napapatulala sa kanilang tatlo ang mga babaeng kumakain doon kapag dumarating sila, ang mga staff naman na nandoon ay mulat sa katotohanan na hindi sila mapapansin ng mga ito.
“Anong oras ka na naman umuwi at muka
ka na namang zombie?”
tanong ni Owen kay Yale habang naghihitay sila ng kanilang orders.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga
kaibigan nito na gabi-gabi syang may ikinakama, magtataka pa nga ang mga ito
kapag maaga syang pumapasok kahit na wala silang meeting.
“I think he just woke up when he
arrived earlier at the office.”
Komento naman ni Charlie. “Nung dumating
ka dude namamaga pa nguso mo.” Napapa-iling na dugtong pa nito.
Natawa naman si Owen sa napansin ng
kaibigan. Sa kanila kasing lima ay ito ang pinaka-seryoso kasunod lamang si
Kelvin.
“G*go! Inggit ka lang palibhasa wala kang s*x life.” Mapang-asar na sabi ni Yale.
“Who told you?” he said and smirked at him.
Sasagot pa sana si Yale ng dumating na ang kanilang pagkain. Dahil sa pagod, gutom at antok ay hindi na sila nagkikibuan habang kumakain.
“Mga patay-gutom!” biglang sabi ng dalawang lalake na nasa likuran ni Charlie.
That’s Kelvin and Ronan, ang isa pa nilang kaibigan. Kagaya nila ay may business ang dalawa. Kung sila ay sa airlines, ang dalawa naman ay sa pharmaceuticals.
Humila ng upuan ang dalawang bagong dating upang makisalo sa kanila. Agad namang lumapit ang waiter na tinawag nila at nag-order.
“Anong ginagawa nyo dito?” malditong tanong ni Yale sa dalawang bagong dating.
“And I love you too.” Malokong sagot naman ni Ronan.
“Mandiri ka naman dude, kumakain kami oh.” Ganti naman nito.
Si Kelvin, Charlie at Owen naman ang nag-uusap, silang tatlo na lang ang nag-usap dahil alam nila na puro kalokohan lang ang mangyayari sa kanila kapag pinansin pa nila ang dalawa pa nilang kaibigan.
Patuloy pa rin sa pagkukulitan ang
dalawa kahit na dumating na ang karagdagan nilang order. Napansin naman ni Yale
na parang seryoso ang tatlo sa pinag-uusapan.
“Kanina
sa meeting seryoso na ang usapan, hanggang dito ba naman? Ang boring ng buhay
nyo.” Hindi napigilang sabi nito. “Trabaho
na nga kanina hanggang ngayon trabaho pa rin. Tapos mamayang gabi trabaho na
naman aatupagin nyo, where’s the fun? Nasaan ang buhay nyo?”
“Para
kang bakla, Yale.”
Natawa naman ang tatlo dahil sa naging
reaksyon ni Yale dahil sa sinabi na iyon ni Owen. Nanlalaki ang mata nito,
maging ang butas ng ilong at naka-nganga pa.
“Ako Owen bakla? Baka gusto mong
magbilangan tayo ng babae na naikama ng magkaalaman kung sino bakla sa atin.”
“Wala naman sa bilang ng naikama yan.
We don’t know if you really doing ‘it’ or you’re just sleeping side by side or
you’re just massaging her or vice
versa.” Gatong ni
Kelvin. “Saka kung ginagawa nyo man, naliligayahan ba sila?”
Lalo namang nabwisit si Yale dahil sa
mga sinasabi ng kaibigan. Are they really
my friends? Bakit inaalipusta nila ang talent ko sa kama? Natanong na lang
nya ang sarili. Tingin ba nila hindi ko kayang paligayahin ang mga babae. They’re so hopeless, masyadong mga goodboy.
Tsk.
“Gusto
nyo ba ng proof?” naghahamon na tanong nito sa mga kaibigan.
Tiningnan lamang sya ng apat, at saka
nag usap-usap na parang wala sya doon. Magkaroon ka nga naman ng mga kaibigan
na malakas mag-trip. Hindi na iyon masyadong inintindi ni Yale dahil may
namataan sya na isang magandang babae na nag-iisa malapit sa glass window ng
restaurant.
Hindi na sya nag-abalang magsabi sa mga kasama, tumayo na sya at nilapitan ang babae. Morena sya, mayroong mata na parang nangungusap, at ilong na matangos, at ang lips shet parang nagsasabi na ‘halikan mo ako’. Lalo tuloy syang nagkaron ng lakas ng loob na kilalanin ang dalaga.
“Hi miss. Alone?”
Tiningnan lang naman sya nito mula ulo hanggang paa, at bumalik sa kanyang mukha na nakangiti at binabandera ang kanyang killer smile.
“May nakita ka bang kasama ko? Stupid.”
“I just want a confirmation.” Nakangiti pa rin na sabi ni Yale. “I’m Yale.”
Walang ganang tiningnan naman nito ang binata. “Not interested. Back-off.”
Hindi makapaniwala ang binata, hindi interesado sa kanya ang babaeng kaharap nya ngayon. Baka naman may diperensya ang mata?! Pakunswelo na sabi na lang nya sa sarili.
“If you need company, just call me. I’m just over there.”
“Stay out of my sight.” Saka muling ibinaling ng dalaga ang atensyon sa cellphone nito.
Hindi na nakapagsalita pa si Yale dahil sa katarayang taglay ng magandang babae sa harap nya. First time yata iyong nangyari sa kanya kaya alam nya sa sarili nya na hindi sya patatahimikin nito mamayang gabi, unless may aksyon na naman na mangyayari mamaya.
Lingid sa kaalam ni Yale ay pinanonood sya ng mga kaibigan. Natatawa ang mga ito dahil base sa itsura ng kaibigan nila ay barado ito. They can’t blame him, sanay ito na hinahabol ng mga babae at hindi sinusungitan. Hindi man nila makita kung ano ang itsura ng babae na nilapitan nito, sigurado sila na maganda na ito. He has eyes for the beauty. Hindi nagtagal ay palapit na sa kanila ito na laglag ang balikat at lukot ang mukha. Basted!
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^