Sunday, January 4, 2015

Crazy. Stupid. Sweet. Love. : Intro



Crazy. Stupid. Sweet. Love.



          Isang mapagmahal na tao si Kian. Mahal nya ang pamilya nya at lahat ng kamag-anakan nya sa side man ng nanay o tatay nya. Handa syang gawin ang lahat kahit makipag-away sa taong nanakit sa mga taong mahal nya. Ilang beses na ba syang napaaway dahil sinugod nya ang mga dating boyfriend ng mga pinsan nyang babae maging ang ilan sa ex-boyfriend ng mga tyahin nya? Kulang ang daliri sa dalawa mong kamay. Naimbitahan pa nga sya sa barangay isang beses dahil sa panunugod nya, at pananabunot sa hombreng nanloko sa kanyang pinsan. Kahit ang ex-girlfriends ng mga pinsan nyang lalake ay nasubukan na rin nyang sugurin.




          At ngayon may naka-schedule na naman syang sugurin, ang lalake na matapos pakinabangan ang katawan ng pinsan ay basta na lamang itong hindi pinansin at kinalimutan. Oo at malandi ang pinsan nya na iyon, aminado naman ito na hindi na ito virgin, pero hindi pa rin nya mapigilang hindi magalit dahil sa nangyari dito. Iyakan ba naman sya buong magdamag, bakit hindi ka mabubwiset? Bukod sa pinaiyak nito ang pinsan at hindi rin sya nakatulog.



          Dahil sa nasasaksihan sa mga kamag-anak, nag-desisyon sya na hindi magmamahal. Handa nyang hanapin si Kupido at patayin kung kinakailangan wag lang sya nitong mapana.



          Yale Sommers. His name says it all. Casanova, playboy, malanding uri ng lalake, gwapo, mayaman, pamatay ang sex appeal, all those words describe him. Laman ito gabi-gabi ng mga sikat na bar, at gabi-gabi iba-iba ang kasama nitong babae. Those girls know his golden rule, no love just lust. Alam ng mga babae na hanggang one-night stand lang ang kayang ibigay ni Yale sa kanila, pero mga baliw talaga ang mga babae na ito na umaasa pa rin ng higit pa doon.




Allergic sya sa salitang commitment, ayaw din nya sa salitang girlfriend, lalong-lalo na sa love. Nakita nito kung paano halos masira ang buhay ng kanyang ina dahil dito. That’s why he didn’t dare to love. Wala syang plano na masiraan ng ulo. Wala syang balak magpakamatay. Wala syang balak na kilalanin si Kupido. As in wala talaga! Pero minsan hindi na nangengelam si Kupido pero tadhana naman ang nakikipaglaro sa tao.









No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^