Sunday, January 4, 2015

Bitteranos : Chapter One

Chapter One


            “Tara na Dawn, ang KJ mo talaga.” Aya na naman sa akin ni Kimmy for the fifth time. “Kakain lang naman ng dinner eh.”


            Hindi ko maintindihan ang trip nila ngayon, last week trip nila ang mag-swimming kasama ang kanya-kanya nilang boyfriend. Syempre hindi ako sumama, ano ako bale? Maiirita at masisira lang ang araw ko kapag nakita ko silang lahat na naglalandian sa harap ko. Tapos ngayon heto nga at trip nilang kumain sa dinner buffet sa isang five-star hotel, bonding daw namin but I know better. Kaya lang naman nag-aaya si Kimmy at Gianne dahil wala silang date ngayon ng mga dyowa nila.



            “Kaya lang naman kayo nagyayayang dalawa kasi wala kayong date. Hindi talaga matahimik ang mga kaluluwa nyo kapag hindi kayo nakakagala.” Sagot ko sa kanila. “Sige basta ililibre nyo ako, sasama ako.” Titigil na yang mga iyan dahil sa sinabi ko.


            Nagkatinginan naman si Kimmy at Gianne, pati si Arvin nadamay sa tinginan nilang dalawa. Yes, may kasama kaming lalake pero pusong babae naman sya. Bakla for short. Mahilig din kasi sya kumain at gumala.


            “Joke lang! Sige na sasama na ako, pero sa susunod ililibre nyo na talaga ako.” Binawi ko na yung sinabi ko na kailangan nila akong ilibre, namutla na kasi silang tatlo.


            Daig pa nila ang mga estudyante na nasabihan na pumasa sila sa major subject nila dahil sa sinabi ko. Ang problema lang ang malanding si Arvin hinila pa talaga ang buhok ko. Kung hindi ko lang sya kilala at kaibigan, malamang na nasampal ko na sya ng limang beses o hanggang sa bitawan nya ang buhok ko. Bakit kasi kailangan pa na may kasamang sabunot ang pasasalamat?!


            “Ang dami mong echos sa katawan sasama ka rin naman pala. Naku manay Dawniella, masasabunutan kitang talaga.” Maarteng sabi ni Kennan.


            “Sinabunutan mo na bakla. Kung hindi kayo close malamang nasapak ka nya nya.” Singit naman ni Gianne.


            Natawa naman si Kimmy sa mga nangyayari. “Mamaya na kayo maglambingan na tatlo, umalis na tayo at nagugutom na ako at pati na rin kayo for sure.” Nakangiti pa nyang sabi.


            Naghanda na nga kaming apat para makaalis na kami sa opisina at baka abutan pa kami ng traffic. Kawawa naman ang mga alaga namin, masyado silang magugutom.



±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†



            “You have a meeting with Mr. Ronan Williams of Oracle Inc. at Hotel Peninsula on two in the afternoon, Sir Kelvin.”


            “Ok, and after my meeting with him?” I asked my secretary still looking on the papers in front of me.


            “At four in the afternoon you have a meeting with our chemist about their new formula for Pricotor meds.” Magalang na sagot ni Zoira.


            This is my kind of day everyday well except Sundays. “Ok, thanks Zoira.”


            Zoira has been my secretary since I become the Operations Manager of Miracle Pharmaceutical Lab, that’s a total of three months now. Matalino, masipag, reliable, and she’s also responsible, nasa kanya na yata lahat ng katangian na hahanapin mo para sa isang sekretarya. And one more thing I like about her is that she doesn’t give a fuck if I’m handsome and rich, hindi nya ako gusto which is very good.


            Umalis na ako ng opisina para pumunta sa Hotel kung saan ang meeting naming dalawa ni Mr. Williams. Mahirap na baka mahuli ako, traffic sa EDSA. Oracle is one of our few suppliers for MLB, and we will talk about the increase of their products. The truth is Mr. Williams and I were friends since nobody knows when. He’s a childhood friend, and even our families are friends. Excuse lang namin ang price increase para makapagkita kami. We have something more important to talk about, our gimmick tonight.


            “Hey Dude!”


            “Wazzup man, what’s new?”


            “Nothing new, stills the same old shit man.” Sagot ko kay Ronan.


            Meet Ronan Williams, the CEO of Oracle Inc. “Still bitter about what happened to you and Charity?” umiiling na tanong niya sa akin.


            “Stop bringing the past back ‘bro. I will kick you in the balls next time.” Natatawang sagot ko sa kanya.


            Natawa lang din sya sa sinabi ko, but of course he know that I’m damn hell serious about my threat to him. “Fine, fine, fine.” He said while waving his left hand outward. “Saan tayo mamaya? Siguraduhin mo lang na sisiputin tayo nila Owen, kasi kung hindi ikaw ang sisipain ko sa bayag.” And I know he’s serious about it.


            “I called them already, and nasabi ko na rin na may gimmick tayo mamaya. And there is the ever late Yale.”


Tinawagan ko ang mokong na yan para sya na ang mag-isip kung saan magandang gumimik mamaya. Kung meron man sa aming lima na mahilig gumimik, iyon ay walang iba kundi si Yale. Gabi-gabing laman ng lahat ng gimikan ang gagong yan, kaya gabi-gabi iba-iba rin ang naikakama nya. Hindi na nga ako magugulat kung isang araw may STD na ang t*rantadong yan.


Owen, Charlie and this maniac are on the same company, their own company. Since hindi naman sila ang tagapagmana ng kumpanya ng kanya-kanya nilang mga magulang, the three of them decided to create their empire with the use of their respective inheritance.


“Hey yow dude!”


“G*go late ka na naman!” nasabi ko na lang sa kanya.


“Hopeless case na ‘yang si Yale. Kahit yata sa trabaho nya late sya, pasalamat na lang ang g*gong yan at isa sya sa may-ari kasi kung hindi magiging taong grasa yan.” Mahabang sabi ni Ronan.


“Pinapunta nyo lang ba ako dito para sabihin ang mga yan? Pagbuhulin ko kaya kayong dalawa?”


Ilang minuto pa kaming nagsumbatan at nagkamurahan. “Sa Labyrinth Hotel tayo mamaya mga pare if you want to get laid tonight, pero kung trip nyo lang ang makipaglandian pwede rin naman.” Natatawang sabi ni Yale.


See? Kapag may trip ka na club na puntahan according to your likes, sya lang ang kaibiganin at tanungin nyo. Panigurado na hindi kayo mauubusan ng mapupuntahan na club at baka kayo na ang sumuko sa night life nyo.


“Sana sinama mo na rin si Owen at Charlie para naman may sense yung kausap namin nitong si Kelvin.” Mapang-asar na sabi ni Ronan.


Dahil sa sinabi nya, binato tuloy sya nito ng nacho chip. “Tangna mo, g*go! Mas gugustuhin mo pa na ako ang kausap po kesa sa dalawang tukmol na ‘yon na parang ipinaglihi sa pinaka-seryosong tao sa buong mundo. T*nginang Owen at Charlie yon, hindi man lang marunong maka-appreciate ng mga babae. Binibigyan ko na inaayawan pa.” napapalatak pa ito at napapa-iling.


May biglang lumipad na kung ano sa ulo ni Yale. F*ck, sinong gumawa ‘non sa baliw na ‘to?


“Sira-ulo kang manyakis ka! T*rantado kang lalake ka, kanina pa kita tinatawagan hindi mo man lang makuhang sumagot!”


Nalintikan na! Nakahanap na yata ng katapat ang babaerong si Yale. “Hoy babae! Hindi kita kilala! Sa itsura mo na ‘yan, hindi kita magugustuhan, muka kang babae from nineteen seventies, muka kang manang.” Gung-gong na lalake ‘to, kailan pa sya natutong mang-away ng babae?


“Mas lalong hindi kita type. Ewan ko ba sa tatanga-tanga kong pinsan kung bakit iniiyakan nya ang isang kagaya mo. Hindi ka naman ganong ka-gwapo, hindi ka nga macho, at lalong wala kang sex appeal.”


“A-anong sinabi mo? Ako hindi gwapo, macho, at walang sex appeal?” hindi makapaniwalang tanong ni Yale sa babae. Natawa naman kami sa sinabi nung babae.


“Bingi ka pa pala. Punyeta talagang babae ‘yon, tanga talaga.” Tila naiinis na sabi nung babae. “Hoy lalakeng malandi ka, makinig kang mabuti sa mga sasabihin ko!” pati kami ni Ronan nakikinig na. Interesting!


“Ikaw na walang ibang ginawa kundi magpapalit-palit at iba-ibang babae ang kinukubabawang babae gabi-gabi, tigil-tigilan mo na yan. Makunsensya ka naman sa dami ng babae na pinapa-iyak mo.”


“Umiiyak naman sila dahil sa sarap.” Pabulong na sagot ni Yale. T*rantado talaga.


“Manyakis kang lalake ka, sana dumating ang araw na kapag nagseryoso ka na saka ka naman masaktan kagaya ng sakit na ibinibigay mo sa mga babae na ginagago mong haliparot kang lalake ka! Darating din ang karma mo, at isa ako sa tatawanan ka kapag nangyari ‘yon!” pagkasabi nya ay umalis na agad sya na parang walang nangyari.


“T*angina ka talagang Yale ka!” hindi ko napigilang sabihin kay Yale.


Si Ronan naman ay natatawa lang sa tabi ko. Ewan ko sa isang ‘to, may tama na rin yata ang utak eh hindi naman sya ang natamaan nung directory na binato nung babae. Oo, yung saksakan ng kapal na yellow page directory ang binalibag nung babae sa ulo ng kaibigan namin.



±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†±†



            “Grabe busog na busog ako.” Sabi ni Gianne matapos naming kumain at nandito na ngayon sa coffee shop ng Hotel. “Sulit na sulit ang binayad natin.” Sabay higpo nito sa kape nya.


            “Katakawan overload ka talagang babaita ka.” Malanding sabi ni Arvin.


            “Bar tayo!” biglang sabi ni Kimmy.


            Bruhildang babae na ‘to, pagkatapos akong pilitin na sumamasa kanila na mag-dinner ngayon naman sa bar? Igagapos ko na talaga sya kapag namilit pa sya.


            “Tara! Tara! Biliiisss!!! I’m so super duper excited. For sure madaming gwapo doon.” Arvin said. Kalandian na hindi mapigilan.


            “Sorry but I can’t. The rest of my night will be more fun if I’ll spend it on top of my bed.” Seryosong sabi ko.


            “Kama! Kama mo na naman! Juice ko naman Dawniella, wala ka na bang ibang mahal kundi ang kama mo?” eksaheradang tanong ni Arvin.


            “Bukod sa mga kaibigan ko which is kayo yun, wala ng iba pero mas mahal ko ang kama ko.”


            Bakit ka pa ba maghahanap ng ibang mamahalin kung sa huli iiwan ka na nasasaktan at luhaan? Pesteng love yan sa pagitang ng mag-dyowa, naglolokohan lang sila dahil sa huli mang-iiwan din ang isa sa kanila.


            “Tara na kasi Dawn, minsan lang naman ‘to. Saturday naman ngayon meaning wala tayong pasok bukas at pwede tayong magpuyat.” Pangungumbinsi pa ni Gianne.


            Bigla namang tumayo si Kimmy, tumabi at yumakap sa akin. “Sige naman na Dawn, sumama ka na. Pumayag ka na. Minsan lang naman tayo mag-bar eh.” She said with her famous puppy-dog eyes. “Please?”


            “Still a big no. ‘Wag mo akong daanin dyan sa paawa effect mo dahil ayoko talaga.”


            “Sige na Dawniella, sulitin na natin ‘tong gabi. Dawn?” si Gianne naman ngayon.


            “No.”


            Nakita ko sa mukha ng dalawa na suko na sila, na nawalan na sila ng pag-asa na mapapayag ako.


            “Uwi na ako.” Paalam ko sa kanila.


            “Dawniella sumama ka na, hindi ka naman makakauwi eh.” Biglang sabi ni Arvin ng tumayo ako.


            “And why not? Anong akala mo sa akin, walang pamasahe pauwi? Tanga na maliligaw at hindi alam ang daan pauwi? Duh, meron namang taxi.”



            “Oo at hindi ka tanga at may taxi, pero…” sagot nya sabay pakita sa akin ng hawak nya sa kanan nyang kamay.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^