Chapter One
“Tara
na Dawn, ang KJ mo talaga.” Aya na naman sa akin ni Kimmy for the fifth
time. “Kakain lang naman ng dinner eh.”
Hindi ko maintindihan ang trip nila
ngayon, last week trip nila ang mag-swimming kasama ang kanya-kanya nilang
boyfriend. Syempre hindi ako sumama, ano ako bale? Maiirita at masisira lang
ang araw ko kapag nakita ko silang lahat na naglalandian sa harap ko. Tapos
ngayon heto nga at trip nilang kumain sa dinner buffet sa isang five-star
hotel, bonding daw namin but I know better. Kaya lang naman nag-aaya si Kimmy
at Gianne dahil wala silang date ngayon ng mga dyowa nila.