Sunday, December 28, 2014

Bitteranos : The Veterans of the Bitters



BITTERANOS

(The Veterans of the Bitters)




            Ilang taon na nga bang single by choice si Dawniella? Two years? Three years? Bakit ba at the age of twenty six ay single by choice pa rin sya? Simple lang naman ang sagot sa tanong na ‘yan!

            BITTERANA kasi sa pagiging BITTER si Dawniella because of what happened to her first and so far last relationship nya.


            Super in love ang lola nyo sa kanyang first boyrfriend, first love, first kiss, at first heartbreak. Naka-plano na kasi ang lahat, kung anong klaseng kasal ang mangyayari when the right time comes, kung ilan ang magiging anak nila, hanggang sa kung saan mag-aaral ang mga anak nila. Pati yata sa bilang ng magiging apo nya planado na rin nya. Ang probelama, iniwan sya ni Harvey ng walang sabi-sabi, bigla na lang talaga nawala ang boyfriend nya.

            And since that day hindi na sya naniniwala sa happy ending, true love, destiny, soulmate, pati sa forever. Mas lalo pa syang naging bitter ng muling lumitaw na parang kulugo ang gago nyang ex, at may kasama pang babae. Mas mapapadali siguro ang pagtanggap nya sa masakit at masaklap na katotohanan na hindi sya sapat para kay Harvey kung mala-Miranda Kerr ang ipinalit nito sa kanya, pero hindi eh. Para kay Dawniella mas makinis pa ang sakong nya compare sa pagmumuka ng dalaga, at mas maputi pa ang kili-kili nya sa kulay ng bagong girlfriend ng animal nyang ex-boyfriend na si Harvey.

            Hindi naman nag-iisa sa mundo ang dalaga, kasi meron pang isang Kelvin Blaze na nag e-exist sa mundong ibabaw na BITTERANO. Para pagtakpan ang pagiging sawi, bitter, at kawalang-tiwala sa mga salita na ayaw na ring paniwalaan ni Dawniella ay inuubos nito ang oras sa kakatrabaho sa umaga, at paglaklak at pambababae naman hanggang hating-gabi. Ni-isa wala na itong sineryoso na babae after itong iwan ng kanyang childhood sweetheart/ first love/ forever na si Charity.


            Makakahanap pa kaya ang dalawa na makapagpapatunay sa kanila na totoo ang love, na meron pa ring happy-ending sa totoong buhay, at hindi sila magiging ‘forever alone’?






No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^