Sunday, December 28, 2014

Never and Forever : Chapter One

Chapter One


          Nasa isang bar ngayon si Taiga at kasalukuyang sumasayaw sa saliw ng maharot na tugtugin sa center stage ng bar na iyon wearing a mask that hide most of her face.


          Ang ibang kasama nyang undercover agents ay nasa paligid lamang ng bar na iyon at nakabihis na parang pangkaraniwang customer lang ng lugar na iyon. They are assigned to the mission na kailangan nilang mahuli si Jordan Cheng na kumukuha ng mga babae para dalhin sa ibang bansa para doon magtrabaho bilang mga entertainer. In an illegal way.



          Matapos ang set ni Taiga bilang dancer ay agad itong nagpunta sa likod upang maka-usap ang mga kasamahan nya thru the microchip phone that’s place on her hair.


          “Confirmed, sya nga si Cheng. He’s here, over.”


          Inaasahan na ni Taiga ang pagsunod sa kanya ng kanilang subject. “Good evening beautiful lady.” Bati nito sa kanya ng makapasok ito sa silid kung saan sya nandoon.


          “Hello Sir, what can I do for you? Do you need anything from me?” insonteng tanong ni Taiga dito.


          “You are a great dancer. I can bring you to Japan and be a great entertainer there. You can easily earn money from there. If you want I can fix your papers.”


          Straight to the point eh? Nasabi na lang ni Taiga sa sarili.


          They have enough evidence para hulihin na ito, kaya naman… “Affirmative!”


          Pagkasabi ng dalaga ng salitang iyon ay nagpasukan ang mga kasamahan nito at dali-daling hinuli ang matandang mataba. Through his looks alam mo ng hindi ito gagawa ng maganda. Hindi naman sa pagiging judgemental ni Taiga pero ganoon din naman ang tingin ng mga kasama nya sa misyon na iyon.



SA ISANG BAHAGI NG BAR NA IYON, hindi mo mapapansin ang nagngangalit na mga tingin ng isang lalake na nakatutok ang buong atensyon sa babaeng nagsasayaw, si Taiga. Hindi malaman ng lalake kung bakit ito pa ang dapat na magsayaw doon, bakit hindi na lang ibang babae ang gumawa ng trabaho na iyon.


          Sya lang ang dapat nakakakita sa makinis na si Taiga. He is also part of the Investigation Bureau ng bansa, but he is not part of Taiga’s mission or even on a team she belongs, and he will never be. That’s what he thinks.


◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊


          “Congratulations Team Tiger for a job well done!” masayang bati ni Tyler sa grupo nila Taiga.


          They are all happy dahil nakatapos na naman sila ng isang misyon. All their hard works are now paid off. Matapos ang ilang gabing pagpupuyat, pagod, at gutom na naranasan nila para lamang sa misyon na iyon, masaya sila na tapos na ang kaso na hawak nila.


          Team Tiger is compose of five members. Duke as team leader, while Taiga, Lance, Wiz, and Shane are the other members of the group. Si Taiga lang ang nag-iisang babae sa kanilang grupo, at nag-iisang babae na tumanggap ng field mission.


          “Magpainom ka na Duke!” tukso ni Wiz sa team leader nila.


          Sumang-ayon naman ang lahat ng kasama nila sa sinabing iyon ni Wiz. Bilang mabait naman na leader si Duke ay pinagbigyan nito ang mga kasamahan. Si Taiga naman ay tahimik lang sa isang tabi habang tutok na tutok ito sa hawak na cellphone na akala mo ay may pinapanood na kung ano.


          “Ano ba yang tinitingnan mo dyan?” tanong ni Shane ng mapansin nitong abala ang dalaga. “Scandal ba yan, pa-Bluetooth naman. Bago ba?”


          “G*go! Tulad mo naman ako sa inyo.!” Singhal ni Taiga sa binata not minding that her brother is also inside the room.


          “Eh bakit nadamay na naman kami? Si Shane lang naman mahilig sa ganyan.” Depensa naman ni Wiz sa sarili.


          Binato naman ni Shane ng ballpen ang kaibigan. “Wag kang magmalinis gunggung ka, ikaw nga tong laging nagpapapasa ng mga scandal. Yung scandal ni Hayden at Katrina, sayo ko lang nakuha yon.” Pang-aasar nito sa kaibigan, na may bahid ng katotohanan.


          “Ano ba kasi yang pinapanood mo Taiga at hindi mo man lang kami mapansin kahit na ang ingay namin?” tanong ni Duke sa dalaga.


          “Leche naman kasi ‘tong laro na to, ang hirap.” Nasabi ni Taiga ng ma-gameover ito sa nilalaro nya. “Peste! Ayoko na! Tara Duke, libre mo kaming dinner sa Subway.” Aya nito sa mga kasama.


          Lumakad na ang dalaga palabas ng opisina nila. With that, napasunod na lang ang mga binata sa kanya. Alam kasi nila na kapag may ginusto si Taiga dapat ibigay agad iyon kung ayaw mong makilala ang alter-ego nito.


          “Subway daw ‘pre, diba mahal don?” tanong ni Lance kay Duke.


          “Wala naman tayong magagawa, iyon ang gusto ng ating prinsesa.” Nasabi na lang ni Duke.


          For the four of them, si Taiga ang kanilang prinsesa na dapat ingatan at alagaan. Especially Duke, alam nyang dapat nyang protektahan si Taiga ng higit sa lahat. He found her so special and vulnerable kahit pa parang lalake rin ito kung kumilos.


          “Konting bilis naman, nagugutom na ako.” Sigaw ni Taiga sa mga kasama.


◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊



          The Investigation Bureau ay isang ahensya ng gobyerno na syang namamahala sa malalaking kaso, kagaya na lamang ng mga kaso na may kinalaman sa million peso drug case, human trafficking, smuggling, at corruption. Sila ang inaatasan ng Pangulo ng bansa kapag malalaking tao ang involve. The truth is front lamang nila ang pangalan ng ahensya, dahil higit pa sa pag-iimbestiga ang ginagawa nito.


          Piling-pili lamang ang mga nakakapasok sa IB, tanging mga tao na may magandang scholastic record at nakapasa sa intense physical, mental, and emotional training lamang ang nakakapasok. Isama mo na rin ang mayroong hindi matatawang prinsipyo.


          Si Tyler Villareal ang Head ng IB. At the young age of twenty two, parte na sya ng IB. Lahat ng misyon na ibinigay sa kanya ay natapos nito ng on-or-before the allotted time. At the age twenty five ay promoted na ito as assistant head ng ahensya. Two years ago when the Head of IB post his retirement, sya ang napili nitong pumalit sa kanya at the age of twenty eight.


          Duke Berkely is a Filipino-American na mas piniling manirahan kasama ang ina sa Pilipinas. He finished criminology at the age of nineteen dahil madalas ito ma-accelerate dahil sa talinong taglay nito as magna cum laude at St. Augustus University. He has been serving the agency for three years now, at last year na-assign sya to be the leader of the new team, Team Tiger.


          William Fuentez or Wiz of Team Tiger was an information technology graduate. At the age of twenty four napasok sya sa ahensya as researcher. While Shane Garcia is an electronics and communication engineer, sabay silang nakapasok ni Lance. Kagaya ni Duke, graduate din si Lance ng criminology. Kung si Shane at Wiz ang expertise ay sa computers and communications, maaasahan mo naman si Lance sa mga disguise na gagamitin sa bawat misyon.


          Taiga Villareal, ang nag-iisang kapatid ng Head ng Investigation Bureau. She finished her studies at Grandeur University with the course of Psychology, suma cum laude. After a year of resting, she decided na sundan ang yapak ng kanyang kuya, to be part of IB. Ayaw syang payagan ng mga magulang, pero sadyang mapilit sya kaya naman ang gusto pa rin nya ang nasunod sa huli. Her brother promised to their parents that he will do anything para walang masamang mangyari sa kapatid.


          The name of the team was named after her, Taiga. For Tyler, she’s like a tiger when the team is on a mission, most especially kapag nasa alter-ego mode ang dalaga. She’s a tigress!


◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊


          “Agent Blue in position.”


          “There are four men in the next door to your right Agent Blue. I repeat, four men on the next right.”


          Sumugod ang Team Stallion sa isang drug laboratory sa tagong parte ng Cavite. Ilang araw ng minamanmanan ng mga ito ang nasabing lugar, at tama nga ang hinala nila. Nasa loob ngayon si Harris at Brent, habang si Rob naman ang nagsisilbing mata nila. Si Lucas naman ay nagpapanggap na isa sa mga tauhan ni Manolo Gomez na syang pinuno ng sindikato.


          “Copy that.” Harris confirmed.


          “Agent Green in position.” Sabi naman ni Brent.


          “Agent Green, take the next hall to your right. I repeat, next hall to your right.” Said Rob, and Agent Green confirmed.


          Mabilis namang kumilos ang dalawa. Hinintay muna ni Harris na umalis ang iba sa apat na lalake na nakita ni Rob, ng maiwang nag-iisa ang bantay ay agad at tahimik na nilapitan at sa pinilipit ang leeg ng walang kahirap-hirap.


          Napansin naman ng isang tauhan si Harris at agad itong pinaputukan dahil iba ang suot ng binata sa lahat ng tauhan ni Manolo. Naalarma naman ang lahat ng tauhan ng matanda ng marinig ang putok na pinakawalan ng isa sa kanila.


          “Agent Blue, turn right.” bigay na instruction nito sa kaibigan na agad naman sinunod ng binata. “Now turn left, there you will see the laboratory where all the drugs are.” At ang monitor naman kung saan nandoon si Brent bumaling ito. “Agent Green, there are two men approaching your position. Turn to your left and go inside the second door to your right. Copy that?”


          “Copy that Agent Clear.” Sagot ni Harris.


          “Roger that Agent Clear.”


          Agad na sumunod ang dalawa sa utos ng kanilang mata. Ipinagkakatiwala nila ang buhay nila kay Rob, or mas kilala sa tawag na Clear kapag nasa field mission sila.


          “Agent Black is currently inside the office of Manolo looking for some documents and transaction schedules and names of his partners.” Imporma ni Rob sa dalawang binata. “Agent Black, Agent Black do you hear me?”


          “Positive Agent Clear. I will send to you the files here in his laptop na may kinalaman sa mga transaksyon nya at mga taong maaring kasabwat nya.” At nagmamadaling i-send ni Lucas ang mga ito sa kasama.


          Hindi nagtagal ay dumating na ang back-up na hiningi ni Agent Clear kay Tyler. Nagkapalitan ng putok ang magkabilang grupo. After thirty minutes ay tumahimik na ang buong lugar, tanda na ang isa sa dalawang nagsagupaan ay talo na.


          “Agent Clear do you hear me? We have the subject in our hands, tulog ang pucha. Natakot sa mga putok ng baril.” Sabi ni Lucas kay Rob.


          “Pinahirapan pa tayo, sa maraming putok ng baril lang pala bibigay na ‘to.” Badtrip na sabi ni Brent.


◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊◊


          “Tara na kasi pare, wala ka namang girlfriend kaya walang magagalit sa’yo kahit pa mag-table ka ng tatlong babae don.” Aya nila kay Harris.


          “Tigilan nyo ako pare, wala akong hilig sa mga ganyang klaseng trip.” Sagot naman nito.


          Nilapitan naman ni Rob ang kaibigan na kasalukuyang may tinitingnan sa computer nito. “Pare naman, minsan lang naman ako mag-request sa’yo tapos tatanggihan mo pa ako?” kunwaring naiiyak na sabi nito.


          “Saka pare, hindi lang naman tayong apat ang pupunta, kasama din ang Team Tiger saka yung Team Panther.” Buyo pa ni Brent. “Ano? Tara na kasi pare, wag ka ng pa-hard to get dyan.” At hinila na ng tuluyan ni Rob si Harris.


          “Teka, Team Tiger ba ang sabi mo? Eh diba kasama sa Tiger si Taiga? Ibig sabihin may kasama tayong babae?” takang tanong ni Harris.


          “Nadali mo ‘pre! Wag kang mag-alala, kasama rin naman yung ibang mga girls dito sa office.” Sabi ni Lucas habang taas-baba ang mga kilay nito. Manyakis na manyakis lang ang datingan.


          Wala naman ng nagawa ang binata dahil hila at tulak na sya ng mga kaibigan. Pagdating nila sa labas ng building nila ay doon naghihintay ang iba pang agents ng kanilang ahensya, kasama ang head nilang si Tyler.


          “Ang tagal nyo naman, kanina pa kami naghihintay dito.” Reklamo ni Taiga kay Rob.


          Malapit si Rob sa Team Tiger, lalo na kay Taiga. Pareho kasi ng pinasukan ang dalawa noong high school pa lamang sila kaya naman kahit na sa magkaibang team sila napunta ay nagtutulungan pa rin silang dalawa.



          “Eto kasing isang ‘to, pakipot masyado.” Sagot ni Rob na ikinairap lang ng dalaga. “Sabay ka na sa amin Taiga.” Aya pa nito.



          “Ayaw!” at sumakay na si Taiga sa big bike nya.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^