“…maybe, we’ll meet again. When
we are both ready and the timing is right. When we are both matured and less
complicated minds and situations when minds are fully set and our hearts are
fully recovered. Maybe at that time, I’ll be right for you and you’ll be right
for me."
“TULUNGAN mo kasi siyang mag move-on.” Naalis
ang atensyon ko sa sinusulat ko nang marinig ko ang sinabi ng kakambal ko,
tumingin ako sa kanya, hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong ako ang
kausap niya, sinundan ko ang direksyon ng mga mata niya.
Nakita
ko siya. Wala sa sariling napabuntung-hininga
ako. “Uulitin ko Austin, paano ko tutulungan ang isang tao kung hindi ko alam
kung kailangan niya ba o gusto niya bang tulungan ko siya.”
“Wag ako, Aubree. Alam natin pareho na
kailangan niya ang tulong mo.” This time nakatingin na siya sa akin, para bang
hinahalukay ng kakambal ko pagkatao ko. Ako na mismo ang umiwas ng tingin sa
kanya, dahil kung hindi ko gagawin ‘yon alam kong mababasa na niya nasa isip
ko. Na una palang na sabihin niya sa akin ang bagay na ‘yon , nakapagdesisyon
na ako. I’ll help him. Hindi ko nga
rin maiintindihan ang sarili ko e, alam ko naman na masasaktan ako sa gagawin ko pero hindi ko kasi mai-alis sa
sarili ko ‘yung pakiramdam na “gusto ko ‘to, walang makakapigil sa akin.” Ako
kasi yung tipo ng tao na hindi laging sineryoso ang bawat desisyon na gagawin
ko, kumbaga padalos dalos ako, pero this time around seryoso ako at gagawin ko
ang lahat para sa kanya.
Naramdaman ko ang pag-alis ng kakambal
ko sa tabi. “Bahala ka na nga, Bree. Malaki kana alam mo na ang gagawin mo.” pagkasabi
niya ‘non ay iniwan na niya akong mag-isa. Binalik ko nalang ulit ang buong
atensyon ko sa kanya.
Kay
Andrew. Malayo ang tingin
niya kaya’t sinundan ko ‘to. At that very moment gusto ko siyang lapitan, gusto
ko siyang yakapin.
Nakatingin siya sa babaeng mahal niya, Sa first love niya. Kasama ang boyfriend
nito, si Kuya Reid, ang panganay kong kapatid.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^