Monday, April 7, 2014

Patibitin Stories : The Player's Love

The Player’s Love






He is one of the best volleyball players I know. Hindi lang sa school namin, maging sa buong Cebu. Ang swerte nga ng school na pinapasukan ko kasi nandito sya, nagbibigay ng awards sa school. His name is Polo Torres. Gwapo, mabait na suplado, gentleman, at yun nga magaling syang volleyball player.


Nalito ba kayo sa sinabi ko na mabait na suplado? Mabait sya kasi hindi ka nya papaasahin kung wala ka naman talagang dapat asahan. Suplado sya kasi pili lang ang kinakausap nya na hindi nya team mates.


Ako? Crush ko talaga sya kasi nga magaling syang volleyball player.


Isa ako sa school paper writer ng school namin, at sa sports section ako napunta. Hindi ko nga alam eh, hindi naman ako mahilig sa sports, hindi mahilig in a way na ako yung maglalaro pero gustong-gusto ko ang aksyon. Kung meron nga lang boxing sa inter-school competition, malamang pinaka-una akong matutuwa.


"Polo!" Tawag ko sa kanya ng makita ko sya.


Nandito ako ngayon sa school bleacher, nanonood ng softball. Sabi ko naman sa inyo mahilig akong manood ng ma-aksyon na laro. "Polo!" Anak ng tipaklong naman oh, bingi na yata. "Hi!" Finally nahabol ko rin sya.


"I'm Remi. Writer ako sa school paper natin, sa sports ako. Pwede ka bang mainterview?" Pagpapakilala ko sa kanya habang patuloy pa rin sya sa paglakad. Muka akong tanga. Kasi ba naman paatras ako maglakad. Baka kasi mamaya bigla na lang nya akong takbuhan, ang hahaba pa naman ng mga biyas nya eh yung sa akin cute lang.


"Alam mo kasi ang dami mong fans, lahat sila gustong may malaman tungkol sa'yo." Sige pa rin ako sa kakasalita kahit parang hindi naman sya nakikinig. "Alam mo na, kasi mahusay ka kaya maraming humahanga sa'yo. Isa ako sa madami mong fans. Pagkahusay-husay mo naman kasing pumalo at mag-block." Hindi ko sya inuuto, nagsasabi ako ng totoo.


"Who are you again?" Huwaw! Napansin din nya ako. Lord pwede na po kayong magpaulan ng confetti, yung kulay gold and silver para shinning shimmering ang effect.


"Remi. Remi Meneses ang babae na makakabihag ng pihikan mong panlasa." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ko. "Forget the last sentence." At nag-peace sign na lang ako. "Ano, can you give a day of your busy life to me?" Ha? Ano ba 'tong mga lumalabas sa bibig ko, puro kababalaghan!


"I'll think about it. And I'll check my schedule too." Sagot naman nya, then he touch my left cheek. God, ano po yung nangyari?



◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇



One week na mula nung napansin ako ni Polo, pero hanggang ngayon hindi ko pa ulit sya nakikita. Pinagtataguan yata ako!


"Dex nakita mo ba si Polo?" Tanong ko sa isang basketball player ng school.


"Tanungan ba ako ng nawawalang player?"


"Gumaganyan ka na ngayon? Humanda ka sa susunod na magsulat ako ng article tungkol sa basketball team, masisira ka!"


Bwisit na lalake yun. Kung di nya alam pwede naman nyang sabihin agad, dami pang sinasabi eh. Akala mo kung sinong gwapo, likod lang naman sya ni Polo. Sa inis ko kay Dex lumabas na lang ako ng gym. Dun na lang ulit ako sa bleacher, baka sakaling madaan ulit doon si Polo.


"Hello?" Unregistered number kasi yung tumatawag kaya kailangan pa-demure ang salita, baka matakot eh.


"Meet me at the school bleachers. Now."


Bastusan? Di man lang nagpakilala. Akala mo sya lang ang anak ng Diyos kung makapag-utos. Pupunta ako ng bleachers hindi dahil inutusan nya ako, pupunta ako doon kasi papunta talaga ako doon. Sa favorite spot ko ako umupo.


Naglabas ako ng notebook at papel, maglilista ako ng mga pwede kong itanong kay Polo. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na papayag sya na magpa-interview. Eto nga yung mga naisip kong ilang tanong. Mga walang kwentang tanong to be exact. Ano yung favorite movie nya, color, actor, actress, at number. Bakit seven ang ginagamit nya sa jersey nya? Ano ang brand ng brief nya? What is love for you? Sino first crush nya? Sino first love nya? Sino ang una nyang niligawan at nambasted sa kanya? Yung mga ganyang tanong pa lang ang naiisip ko sa ngayon. Eh kasi yan yung mga madalas kong mabasa sa suggestions ng mga estudyante, so basically hindi ako ang naka-isip nyang mga tanong na 'yan.


"Wala ka na bang klase hanggang mamaya?" Hindi naman ako masyadong nagulat dun sa bigla na lang nagsalita, pero nagulat ako ng makita ko kung sino yung nagsalita.


'Takte, si Polo!' Nasabi ko na lang sa sarili ko ng makita ko sya.


"Meron pa, pero para sayo wala na!" Ok lang naman na hindi na ako pumasok sa last subject, minor lang naman 'yon saka mamaya pa. Baka mamaya eto na yung chance na hinihintay ko para ma-interview ko ang isang katulad ni Polo.


"Bukas, hanggang anong oras ang klase mo?" Tanong na naman nya. Hindi yata papatulan yung una kong sagot.


Oh my Lord, parang awa nyo na pagbaguhin nyo po ang isip nya. "Wala akong pasok bukas. So kung gusto mo na bukas na yung interview, pwedeng-pwede ako anytime anywhere." Sabi ko with matching taas-baba ng mga kilay.


"Stop that, you look creepy." Supladitong utos nya.


"Eto naman, nagpapa-cute ako hindi nananakot."


"What can I do, nakakatakot talaga ginagawa mo."


"So ano, date tayo bukas?" Tanong ko.


He gives a look na may kadamang lumilipad na mga palakol. "That's not a date. It is now what you're thinking." Panira talaga ng pangarap sa buhay ang isang to.


Bakit nga ba ako nagkaron ng crush sa kanya, eh magaling lang naman syang volleyball player period, yun lang naman. Hay buhay, ang hirap intindihin.


"Fine, hindi na kung hindi. So saan tayo magkikita, and anong oras?" Hindi naman sya nagsalita, pero mukang hindi rin naman sya nag-iisip kung ano ang isasagot nya sa tanong ko.


"Can I get your cellphone number? Kung ok lang sa'yo isama mo na rin pati contact number ng bahay nyo." Nag-smirk lang naman sya. Gwapong-gwapo sa sarili eh. "Ako na kumuha kasi mukang di mo alam kung paano manghingi ng contact number. Feeling mo naman."


"Here, dial your number on my phone then I'll just save it, and wait for my text."


"Kadamutan mo naman. Hindi naman kita itetext oras-oras." Sagot ko sa kanya. "Teka, hindi ba ikaw yung tumawag kanina? Yung pinapapunta ako dito sa bleachers?"


Isang nagsasabi na 'tanga lang? Kaya nga hiningi ko number mo kasi hindi ko alam.' ang ibinigay nya sa akin. Fine. Hindi na sya kung hindi.



◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇



'Good morning handsome! Have great day ahead! -Awesome Remi' 6:45am


'Ingats ka, baka may bigla na lang may humalik sa'yo! :)' 7:36am


'Hoy magreply ka nmn. Wala ka bang load kahit piso? Ang poor mo naman. Kapag ba binigyan kita ng load, siguro naman magrereply ka na?' 8:55am


See, hindi ko naman sya kinukulit oras-oras diba? Eh kung nagrereply ba naman sya, eh di sana hindi ko sya kinukulit.


"Ilang beses ko ng sinabi, put your phones on silent kapag may exams. Kaninong phone'yon?" Makasigaw naman 'tong si Mam akala mo walang nagco-concentrate sa mahirap nyang exam. Kapag ako bumagsak dito kasalanan nya.


"Ms. Yulo!" Tapos ngayon tinatawag nya ako. Hindi naman ako nangongopya ah, tahimik akong nag eexam dito. "Your phone, kanina pa nagri-ring."


Huh? Aking cellphone yung kanina pa nag-iingay at dahilan ng komosyon? Sino naman ang tatawag sa akin? Wala namang pakelam mga magulang ko sa akin, kuripot naman mga kaibigan ko.


"Aaahhhhhh!!! Mam teka lang po pasensya na po sasagutin ko lang po kasi importante po talaga sya." Dire-diretso kong sabi sa prof ko.


"He- hell! Bakit biglang nawala?" Packing-tape naman oh. Bumalik ako sa loob ng classroom na tahimik at naiinis.


Si Polo kasi yung tumatawag. Bakit naman kasi ngayon pa nya naisipang tumawag kung kailan nag-start na ang klase ko.


"Miss Yulo, turn your phone off." Sinunod ko na lang si Mam para wala ng gulo. Naiinis talaga ako, hindi ko tuloy alam kung may masasagutan pa akong tama sa mga natirang questions.


Nag-focus ako sa pagsasagot ng exam ko, ayoko na mababa lang ang makuha kong score, hindi ko yon magugustuhan. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang oras, kung hindi pa sinabi ni Mam hindi ko malalaman.


Bagsak ang balikat na lumabas ako ng classroom, ako yung pinakahuling lumabas. Hay, ang malas talaga! "Ayun na eh, nasagot ko na bigla pang nawala. Mainipin masyado."


Direcho lang ako, kasi ako yung pinaka-last na lumabas sa room. Saan na naman kayo nito tatambay? Baka mamaya kapag sa bleacher ako pumunta makita na naman ako ni Polo, tapos pagalitan ako kasi kinulit ko sya, tapos nung tumatawag sya di ko naman sinagot.


"Where do you think you're going?" Biglang may humila dun sa damit ko dun sa may batok, saka may nagsalita. "Remi!"


"San tayo punta?" Todo-ngiti kong tanong sa kanya. "Pupunta sana ako sa bleachers, baka sakali na nandoon ka. Alam mo na, para sabihin na pasensya at hindi ko nasagot yung tawag mo." Mahabang sabi ko.


"Crazy. Come." Ginawa naman akong aso. Naglakad na kami pababa at palabas ng building namin.


Pinagtitinginan nga sya eh, babae man o lalake. Syempre nga naman, engineering student si Polo tapos makikita sya sa building ng ibang colleges. No big deal naman talaga iyon dapat, kaya lang naging trending kasi nga kilala si Polo sa buong university.


Yung mga girls nagdu-drool sa pagtingin sa katabi ko, yung iba mga kinikilig, at kalahati naman busy sa pagtingin sa akin mula ulo hanggang paa sabay lait. Hindi mo man rinig, pero kita naman sa tingin nila sa akin.


"San punta natin?" Tanong ko ulit sa kanya. Hindi nya kasi ako sinagot nung unang beses ako nagtanong. "Huy!" Hila ko pa laylayan ng damit nya.


"Date." Cool na cool na sagot nya.


Pagkasabi nga nya ng word na 'date' bigla napa 'ooohhh' at napa-gasped yung iba. Makapangyarihan pala ang salitang 'date' kapag si Polo ang nagsabi. Lahat sila napa-react eh. Panigurado hanggang bukas usapan 'to sa lahat ng singit ng school.


"Sabi na nga ba may gusto ka rin sa akin eh." Makapal na sabi ko. "Saan date natin?" Try ko lang if maiinis sa akin si Polo, baka sakali lang.


"That's a surprise." He said as he put his one arm around my shoulder. "Let's go!"



◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇



Surprise pang nalalaman eh sa book store lang naman pala ako dadalhin. Kinilig pa man din ako kanina kasi akala ko date na talaga. Pasabi-sabi pa ng date 'di naman 'to date, trip lang 'to eh.


"Ano gagawin natin dito?"


"Bibili ng gamot." Note the sarcasm mga kaibigan. "Malamang bibili ng libro kaya nandito tayo sa BOOK STORE." pinagka-diinan pa talaga.


Bibili lang pala ng libro nanghila pa ng kasama. "Bibili ka lang ng libro sinama mo pa ako. Gagawin mo lang yata akong tagabitbit ng mga bibilin mo." Nanghahaba ang nguso na sabi ko.


Di naman na sya sumagot, naglakad na lang sya dun sa bandang dulo ng bookstore. May kinuha sya doon na may kaliitan na notebook yata. Tapos doon naman sya isa pang lagayan ng mga spiral notebooks nagpunta, at kumuha din sya ng isa. Kumuha rin sya ng tatlong klase na ballpen.


"Anong gagawin mo dyan?" Tanong ko sa kanya habang parang buntot nya ako. "Syempre susulatan diba kasi nga notebook." Sagot ko sa sarili kong tanong ng makita ko na lumingon sya sa akin. "Wag ka ng magsalita, wala ka na namang sasabihin na maganda eh."


Humiwalay ako sa kanya, dun ako sa mga totoong libro pumunta. Since nandito na rin lang naman ako, might as well visit my favorite book on its shelf. Hindi ko kasi sya mabili, hindi pa kaya ng ipon ko.


"Ang libro binabasa, hindi tinititigan." Epal naman nung nagsalita. Wala namang nanghihingi ng opinyon nya. Epal din pala 'tong si Polo. Kainis.


"Eh sa hindi ko pa sya kayang bilhin eh, kulang pa pera ko."


Ang mahal naman kasi nung kumpletong libro ng Percy Jackson, pati na rin ng Harry Potter. Kung hindi yun ganong kamahal malamang matagal ko na yung nabili, kaya lang kailangan kong magtipid.


"Then I'll buy this for myself." Sabi nya.


Pinigilan ko yung kamay nya pangkukuha nya doon sa libro. "Wag! Last set na nila yan, and hindi na sila magkakaron." Iyon kasi yung sabi nung babae na nakausap ko nung minsan.


"I'll buy it, then if you already have enough money you can buy it to me."


"Same price? Madaya, gamit na yun, dapat discounted price na. Dapat fifty percent discount." Kinuha nya na yung libro at saka ako tinalikuran. Doon na sya sa cashier nag-diretso. Babayaran na nya talaga, dapat kasi ako bibili nun eh.


Pagkabayad nya sa isang buffet restaurant naman sya nagpunta. Eto, eto ang date. Kakain sa labas. Yun nga lang parang walang sweet bone sa katawan ang tao na 'to. Hindi nga yata tao 'to, tuod yata eh.


"Di mo man lang ako nasabihan na sa isang buffet style eat-all-you-can mo ako pakakainin, di tuloy nakapag-ready yung sikmura ko."


"Mas ok yon para hindi ka mapagkamalan na patay-gutom." Grabe naman 'to.


"Teka nga pala Papa P, pwede na ba kitang ma-interview?" Tanong ko sa kanya. Baka kasi nakalimutan na nya.


Hindi naman sya sumagot, may kinuha lang sya dun sa paper bag nung bookstore. Inilabas nya yung parang notebook at ballpen, saka ibinigay sa akin. Hindi ko na itatanong kung para saan 'to, baka talagang ibaon ko na sya... lalo sa puso ko. Nakngtuts naman Remi, lumalandi ka na talaga!


"Tinatamad akong magsulat, so sasagutin ko lahat ng tanong dyan, then ikaw na ang bahalang magsulat." Katamaran nga naman, kapag tumama kanino man paniguradong sasamantalahin.


"Name?" Unang tanong ko.


"Apolo Torres"


"Ahh, Apolo pala talaga ang pangalan mo. Bakit Polo lang ginagamit mo?" Tanong ko ulit.


"Masyadong mahaba." Sagot naman nya.


"Masyadong mahaba? Isang letter lang naman ang difference." Tiningnan lang naman nya ako ng masama. "Fine. Home address?"


"Wala akong balak ibigay." Ang sungit nya talaga minsan. Kapag naman nasa loob ng court akala mo kaibigan ang buong audience.


"Birthday and birth place?"


"October 25, Cebu City."


"Wala ka naman kwentang interview-hin. Tanong-sagot lang talaga. Year of birth mo di mo naman sinabi."


"Compute it yourself."


"Kaya nga Journalism ang course na kinuha ko kasi takot ako sa math, tapos ipapa-compute mo ang birth year mo." Hindi po kami nagsisigawan, malumanay pa rin naman kami. Dinadaan ko sa diplomasya, baka kasi mamaya maging sya na si Hitler at bigla na lang akong ipa-shoot to kill.


"Next question na kung ayaw mong sabihin. Sa favorites naman tayo; favorite foods?"


"Grilled foods, and tempura."


Wala talagang kwentang kausap. Sa inis ko tumabi na ako sa kanya. Nagsasayang lang ako ng laway sa kanya, yung kanya na lang ang maaksaya tutal sya naman ang bihira lang magsalita. After kong isulat yung sagot nya, itinuro ko na lang yung next question.


"Blue. Math. None..." blah blah blah.


Ayan, sa awa ng Poon tapos na kami sa first part ng lintik na slam book na 'to. Pero bago ko pa ituloy ang nakakaantok na date na 'to, kumuha na ulit ako ng pagkain.


"First crush, sino?" Tanong ko after kong isubo ang isang buong tempura.


"Don't talk when your mouth is full. Manners."


"Sino si Manners?" Halata sa itsura ni Polo ang pagsisisi. Bakit nga naman ba kasi hinila-hila pa nya ang isang limited edition na taong katulad ko para magpa-interview? Paki-remind na lang sya kung bakit.


"You're a certified crazy, lady."


"Sino nga kasi si Manners?" Di pa rin sya nagsasalita, nakatingin lang sya sa akin. "Fine, kung sino man si Manners sya na ang first crush mo."


"Motto in life?" Tanong ko ulit.


"Less talk, less mistake."


"Define love."


"Love is something you can't describe through words." Kunot-noo na lumingon ako sa kanya.


Kita mo 'tong tao na 'to, ang labo talagang kausap. Mapapagalitan pa ako ng EIC ko kapag pinasa ko sa kanya ang interview ko dito kay Polo. Kung bakit naman kasi patay na patay sila sa isang to, fine kasama ako sa kanila pero hindi ako patay na patay sa kanya. Eh parang patay ang isang 'to, parang zombie lang.


"Fine. First love?"


"Hindi ko pwedeng sabihin, baka saktan sya ng mga babae na may gusto sa akin."


May sweet bone naman pala sya, 1/6 nga lang. Atleast meron. Pati kayabangan meron din. "So meaning, taken ka na? You're not single anymore? Girlfriend mo na sya o nililigawan pa lang?"


"I'm still single, and she's not yet my girlfriend. She doesn't have even a bit idea that I like her."


"Polo iba ang love sa like, noh!"


"I know, I'm not that stupid. Doon naman nagsisimula lahat. Minsan lang ako may magustuhan, and I'm pretty sure that it will turn into love." Romantic. Hooo, malapit na yata akong mapabilang sa mga patay na patay sa kanya.


"Sweet. Ideal girl?"


"I don't have one."


"Ang corny mo naman. May gusto ka na nga na babae tapos wala kang ideal girl. Ano ba nagustuhan mo sa kanya?"


"Hindi sya masyadong maganda-"


"Sayang, hindi pala ako yung gusto mo. Pero di bale, di kita iiyakan. Hindi ka man lang marunong tumingin sa tunay na ganda." Napabuntong-hininga pa ako. "Oh, continue."


"Hindi nabiyayaan ng common sense, pero sinalo lahat ng kalokohan at sense of humor. I think hindi naman sya ganong ka-stupid." Ano ba namang klaseng babae ang nagustuhan nya, wala man lang sa kalingkingan ko! "No comment." Iyon na lang sinabi ko.


"Saan mo gustong ikasal kayo ng mahal mo?"


"Anywhere, as long as sya ang pakakasalan ko. Kung anong gusto nya, iyon din ang gusto ko. I want her to experience the kind of wedding she really wants." Ayan, nadadagdagan na naman ang sweet bones nya. Dapat yata itawag ko sa kanya is Mr. Romantico.


"Grabe, naubos din ang tanong dito. Ngayon, yung mga tanong ko naman ang sagutin mo." Hindi naman sya nag-react, tuloy pa rin sya sa pagkain nya. "Why not basketball, why volleyball?" Ibinaba nya yubg spoon na hawak nya, at saka tumingin sa mga mata ko.


"I don't know."


What? Iyon na 'yon? "What do you mean you don't know? Ano yun, nagising ka na lang isang araw na gusto mo ng maging volleyball player? Ayusin mo naman ang sagot mo." Mahabang sabi ko.


"Seriously Remi hindi ko talaga alam. I used to play basketball and tennis, but when I first try playing volleyball for the first time, nagustuhan ko na agad sya. I stop playing basketball, then I concentrate on learning and playing volleyball."


◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇


Inaayos ko na ngayon ang report ko, yung interview ko kay Polo. Nag-promise ako kay Polo na ipapabasa ko muna sa kanya yung article bago ko ipasa. Bukas siguro matatapos ko na ang pag e-edit, sana nga mamaya lang matapos na ako. Hindi dahil sa gusto kong makita si Polo, okay. Syempre kasi malapit na rin ang deadline, ayoko kayang mag-cram.


'Meet me at the university gym. Now.' Tumunog yung phone ko at iyan ang nakalagay na message.


 That's from Polo. Ano na naman kaya ang drama neto sa buhay at pinapupunta pa ako doon? Minsan tinalo pa nya magulang ko eh, kung maka-utos wagas.


"Hey Remi, kayo na ba ni Polo?" Anong klaseng tanong naman yun?


"Hindi." At nilayadan ko na sya.


 "Hoy nagmamagandang Remi! Layuan mo nga si Polo ko, hindi kayo bagay." Sabi nung babae na mukhang pusit.


"Alam ko, hindi talaga kami bagay. Tao kasi kami, ta-o. Ewan ko lang kung pati ikaw tao." Nilayasan ko na lang ulit, sinisira nya lalo ang araw ko.


"Stay away from my boyfriend!" Sabi naman ni Sabrina na naging jowa ng buong basketball team.


"Who's your boyfriend anyway? I bet si Polo sasabihin mo, but you have nothing to worry about." Yun lang sinabi ko at nilayasan ko na ulit.


Yung totoo, ano ba ang meron sa araw na ito at trip nila na harangin at abalahin ako? Hindi ko naman sila kaibigan, ni hindi ko nga sila personal na kilala, tapos ngayon inaabala nila ako para lang sa walang kwentang mga tanong.


"What took you so long?" Bungad sa akin ni Polo pagkadating na pagkadating ko sa gym.


"Maraming froglets ang nagkalat sa buong campus, tanong ng tanong kung boyfriend kita. Other girls asked me to stay away from you because they are your girlfriends. Gaahhd Polo, mukang pusit at suso pala ang type mo."


"Whatever. Your article?" Suplado na masungit na naman sya.


"Di pa tapos." Sagot ko.


"What? Kailan ba ang deadline nyan and up until now you're not yet done with it?"


"Bakit ba ang sungit mo na naman? Kung yun ngang EIC ko hindi ako hinahanapan at minamadali, ikaw naman."


Para lang kaming magkarelasyon na nag-aaway. Napapatingin na tuloy sa amin yung ibang tao sa loob ng gym. Pati yung mga team mates nya parang nanonood lang ng teleserye, tipong Chichay at Joaquin lang ang peg.


"May practise pala kayo, bakit pinapunta mo pa ako dito?"


He look at me like I have the smallest brain, smaller than the chicken brain. Ayan na naman ang tingin nya eh, sasapakin ko na talaga to eh. Masyadong minamaliit ang talino ko.

"So you can watch, take pictures while I'm playing." Simpleng sagot nya.


"No need. Kung picture rin lang naman madami na ako nyan, nag-uumapaw na ang pictures mo sa hard drive ko."


He gives me a combination of smug and boyish grin. Ang gwapo! First time kong ma-witness ang ngiti nya na iyo. Super limited edition nung ngiti nya! Nalaglag panty ko eh.


"So you like me that much, huh?!"


"A-ah-ahh... no comment."


"He badly needs an inspiration." Sabat ni Uno, isa sa member ng team. "You inspire him, kaya ka nya pinapunta dito." Tinignan sya ng masama ni Polo, tapos ako na naman.


"What? Don't worry hindi ko naman ipagkakalat na type mo pala ako." And I give him my oh so mischivous grin.


Hindi ko naman talaga balak ipagsabi yon. Hello, sasabihan lang nila ako na ilusyunada at ambisyosa. Alam ko naman na hindi nya ako type, even a single centimeter, tapos magsasabi ako na ako ang source of inspiration nya.


"That's ok, at least mababawasan siguro ang mga babae na nangungulit sa akin."


Hindi ko inaasahan yun ah. I was expecting that he will come near me and wring my beautiful neck to death. Kahit kailan talaga napaka-sumpungin nya. Abnormal.


"Oh ano, hindi pa ba kayo maglalaro?" Pag-iiba ko na lang sa usapan. Masyado na kasing malapad yung ngiti nya. Nawala yung ngiti nyang matagumpay, napalitan ng ngiting aso. Bwisit talaga.



◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇



"Nice job Remi." Sabi ng EIC ko nung ipasa ko yung article ko. "I see you excert so much effort to have this. So, anong kapalit ng interview mo kay Polo?" Chismosang palaka.


Bakit ba ganon ang iniisip nilang lahat, na may kapalit yung interview ni Polo? Haller, wala naman talagang kapalit yung ginawa nyang pagpapa-interview, he treat ne pa nga sa isang eat-all-you-can restau.


"Wala naman, sinamahan ko lang sya na mag-lunch, and tigabitbit ng mga binili nya sa book store." Honest na sagot ko.



With regards naman sa naging reaksyon ni Polo nung mabasa nya yung article ko about him, umusok na ng tuluyan ang ilong nya sa akin, tinubuan sya ng sungay, at nagkaron bigla ng hawak na malaking tinidor na ipangtutuhog sa akin at saka iihawin. Gusto nyong malaman kung bakit?

4 comments:

  1. PART 1:

    Jusko, dun pa lang sa excerpt at nabasa ko yung name ng lalaki--POLO! pinapaalala mo na naman siya saakin espren! tapos REMI--ang creative nito espren!!! napagsama mo ang dalawang pangalan ko! hahahaha!

    ngayon na lang ulit ako kinilig at natawa ng ganito. kailangan ko lang ay yung mga kwento niyo ni pressy pampakalma at pampa-inspire.

    ReplyDelete
    Replies
    1. PART 2:

      gulong pa ako dun sa pangalan niya na APOLO. nahabaan na siya masyado dun ah! tengeeneng ang tawa ko! XD Tapos si MANNERS! sino si MANNERS!!! hahahahahaha!

      at bukod sa tawa, ang lakas din ng kilig ko kay Polo! my type of guy! suplado, mysterious at pasimpleng pilosopo!

      Delete
    2. PART 3:

      pero espren, hindi ko nagustuhan ang ginawa mong pabitin. puchak, BITIN TALAGA AKO! TT^TT kaya nga di ko pa binabasa yung ginawa mo sa iba kasi sabi nila, bitin nga! putek! now i know the feeling! lapastangan ka! pero aylabyu! promise, naka-good vibes ang pagbabasa ko rito.

      Delete
  2. Ang totoo nyan espren, hindi ko talaga yan sinasadya, nagkataon lang. Sa letter P din kasi nagsisimula yung naging inspirasyon ko kay POLO.
    Yung name naman na REMI, di talaga yan yung original..gusto ko kasi panglalake, RUDY talaga dapat yan.

    Ano nakakakilig dyan eh sinusungitan ka nga ng lolo Apolo mo, hahaha. Lagi ka pabg barado.

    Si Manners, yung perslab ni Polo mo, hahaha... ikaw talaga naiisip ko nung naisulat ko yang dialog na yan..haha..aylabyu!

    Pinangangatawanan ko lang naman kasi espren..PABITIN STORIES nga kase...hahaha... basahin mo yung ginawa ko para kay Pressy..please... isa yun sa pinaka-gusto ko..hahaha...

    At kung di mo yan babasahin, hindi na ulit ako gagawa ng kahit na anong story for you...

    Mabuti naman at nakatulong ang kwento ko para maibsan yang bad vibes mo sa katawan...haha...

    PS.
    Wag ko na kaya dugtungan yung mga pabitin stories? Ano sa tigin mo espren???

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^