Thursday, April 17, 2014

The Cold and Heartless Gangster Queen [LHNSGQ] : CLARIFICATIONS

Author's Note: I want to clarify everything starting from prologue to chapter 1. Dapat ilalagay ko pa to sa second book ng story na to kaya lang po ay tinatamad ako :P Hehe. Epilogue na pala sa next post ko. I know na sobrang bilis po pero ganito talaga. Dapat nga po idi-discontinue ko na kaya lang nung binasa ko yung mga comments ng mga readers ko sa wattpad at dito sa blog ni Among Tunay ay nanghinayang ako kaya itutuloy ko na siya. Matagal na po pala tong tapos sa wattpad. Ngayon lang po ako nagkaroon ng time eh. :)
 PS. Nagbago po ang characters na gumaganap dito sa story na ito. Rachael Leigh Cook na po ang gaganap kay Megan at hindi na si Han Ga In at si Paul Wesley na ang gaganap kay Terrence instead of TOP. 


NEW BOOK COVER OF THE COLD AND HEARTLESS GANGSTER QUEEN




---
Note on prologue: NASA BOOK 2 TO NG LHNSGQ. Makikita niyo rin tong scene na 'to. Abang-abang lang. And NOTE! Yung lalake na binugbog ni Megan ay pinapatay niya kay Owl hindi dahil sa nabwisit lang siya dun sa lalake kundi may mas malalim pang dahilan yun. Ano yun? SECRET >:) JUST WAIT TILL YOU DIE XD.
---
Note on chapter 1: Eto, magulo 'to. NOTE! (again -.-) This is not related to the Prologue! UULITIN KO! Ang prologue ay part ng book 2!
     On the first part, kinalaban ni Megan yung delivery guy which is part of the gang of red tiger. She did mention that that delivery guy is somehow a help to her to find someone she's been finding since she arrived at that place. Secret muna yung lugar. Kung binasa mo yung chapter 7,  makikita mo na aalis daw siya at mag i-istay sa lugar na yun for years. 
     Medyo yung tungkol sa mga gadgets niya, parang napakaimposible naman na magkaroon ng mga ganoong gadgets ngayong panahon na ito kaya common sense mga 'pre. Ibig sabihin noon nasa bandang taon na ang kuwentong ito na marami ng mga nakakamanghang gadgets. Let's say taong mga 2025. Yung mga ganoon ba? I can't say na nasa year na 2050 or 2100 siya dahil wala pa namang mga robot (pero may crineate siyang robot XD) -.- sa panahon niya.
     Okay, back to the story. Nung  natalo si delivery guy, nag flash back siya sa mga nangyayari kung bakit hinahabol siya ni Red Tiger para mas lalong maintindihan ng mga readers yung mga nangyayari. (I doubt it. Miske ako naguguluhan sa story ko.) Pinakita doon yung part na binubully siya  (The typical bullshit gangster story) nang mga kaklase niya because nagtatago siya nang identity niya kasi baka mahanap siya nang isa pang gang na tinataguan niya which is Hugo Mafia. She killed the ex-leader of that mafia that's why nagtatago siya. Even though she is at her own school, may alam siyang mga ibang students na part ng HUGO MAFIA, isa rin sa dahilan kung bakit nagtatago siya bilang nerd. Nung tumakbo siya and nag change na ng appearance niya na naka gangster clothes siya and then nakabanggaan niya sila KIm, Miggs, Lee and Queenie (Namention ko sila dati na hindi ko na sila isasama but I changed my mind) If you are one of my reader of LHNSGQ before, kilala mo na sila pero ni revise ko na kasi itong story kaya nagbago na lahat. Ang talagang original partner ni Megan before is si Miggs pero ngayon naging si Terrence na. Avid fan kasi ako dati ng The Moon that Embraces the Sun eh :D
     And then, pumunta sila sa underground battle dome which is the place where gangsters fight. Nandoon din sila nag me-meeting if something is happening and nandoon din ang mga HQ nila. Kung wala kang gang at solo gangster ka lang, ang HQ mo ay kasinglaki lang ng mga ibang HQ ng mga gang kaya maraming gangster ang nag so-solo. Kung higher official (Trainors, Operators and Battle-makers) ka ng gangsters ay triple ng laki ng HQ nila ang HQ mo. Kung nasa highest position ka, (example: Queen, King, Princess and Prince), limang beses na laki ng HQ ng mga nasa higher position ang HQ ng mga highest position. If you are the Headmaster of the gangster, hindi mo na kailangan ng HQ because may guest room ka na everytime you visit underground battle dome and you have your very own palace in an exclusive subdivision and if the headmaster finds you interesting, bibigyan ka niya ng gift (example: palace, information about your enemy, gadgets).
     Nang pagpunta nila sa UBD (Underground Battle Dome) ~> (Isa na naman tong spoiler na irereveal ko dapat sa Epilogue), hindi nila alam na pinagmamasdan na sila ng gang ni Red Tiger. Yung pagpunta nila sa UBD ay hindi lang coincidence dahil planado na yun ni Red Tiger. She blackmailed all the students to bully Megan because she knew what Megan would exactly do. Why? Matagal niya ng pinag-aralan ang bawat kilos ni Megan simula pa nung inakala ni Megan patay na si Red Tiger.

     Back to the story, nakahanda na ang lahat. Nag leave din ng letter si Red Tiger sa HQ ng Dark Gang (Lee, Queenie and Miggs) na nabasa naman nila Lee and Queenie. Eto yung nakasulat sa letter:

     If you want to know everything,
     You must bring your most loving Queen.
     12:00 PM 
     March 20, 2025

    Ayan! Alam niyo na? After that, alam niyo na ang nangyari. Red Tiger kidnapped his sister and the Dark Gang. She actually planned all of this for a long time but alam niyo naman na mas mautak si Megan kaya na babaliktad niya ang lahat ng mga plano ni Red Tiger.
     And then, Megan met Terrence which is an ex-member og Red Tiger's gang and an ex-gangster. And the rest is basahin niyo na lang XD. Buahahaha. Nakakatamad mag-type eh. Muehehehe.




     

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^