Thursday, April 17, 2014

The Cold and Heartless Gangster Queen [LHNSGQ] : EPILOGUE

EPILOGUE 

---
Author's Note: Matagal ko itong pinag-isipan. Nanghinayang ako nang binasa ko yung mga comments niyo dati tungkol sa story na ito kasi gustong-gusto ko na talaga itong hindi tapusin. So, alam kong mabibigla kaagad kayo pag nakita niyo yung title sa chapter na ito which is EPILOGUE. Opo, EPILOGUE na :3 Pero huwag kayong mag-aalala. Epilogue po ito ng BOOK ONE! MAY BOOK TWO, THREE AND FOUR PA TAYO! WOOOHOOOO! Opo, hanggang book 4 po itong LHNSGQ! Don't worry. Mas aayusin ko pa yung storyline ko sa next book ng LHNSGQ :3

---

Kinuha ni Megan ang dala niyang bag at dumiretso sa bahay niya. "Young lady, I'm sure your grandfather will be happy because of your sudden change of mind." bati ng isa niyang katulong na may accent pa na british pagpasok niya sa bahay. "Yeah. I just need some time to relax and think again that's why I'm here. My gangster life in the Philippines is beginning to creep the hell out of me." ngumiti siya ng kaunti sa katulong niya at umakyat siya sa hagdanan ng bahay upang makabisita siya sa lolo niya. 

Nandito siya sa London dahil nandito ang kaniyang lolo. Matapos mamatay ni Lilia at paglayas ni Angel o mas kilala na ngayong Red Tiger ay pumunta sila dito ng daddy niya noon kasama ang kaniyang lolo para magbagong buhay. Ngunit sa kasamaang palad ay pinatay ng mga Hugo Mafia ang kaniyang tatay kaya sila nalang ng lolo niya ang natira. Wala siyang pinsan dahil nag-iisang anak lang naman ang kaniyang tatay. 

Matapos mamatay ng kaniyang tatay ay doon na naging malamig ang pakikitungo niya sa iba. Siya pa ang nagpumilit sa kaniyang lolo na sumali siya sa martial arts para maipaghiganti niya ang kaniyang tatay.  Pumunta pa siya sa Pilipinas para maghanap pa ng maraming impormasiyon sa Hugo Mafia. Hindi rin lingid sa kaniyang lolo ang pagiging gangster queen niya. 

Matapos niyang pumunta sa Pilipinas ay hindi na siya umuwi ng London. Kaya marahil ay laking gulat din ng mga ibang maids at butler ng tumawag siya sa kanila.

Binuksan ni Megan ang pintuan ng kuwarto ng kaniyang Lolo. Sumilip muna siya at nakita niya itong nakaupo sa higaan nito at tumitingin sa labas. Puro gawa sa glass ang dingding ng kaniyang lolo kaya nakikita nito ang mga nangyayari sa labas ng bahay.

"LO." malamig na bungad ni Megan. Napatingin ang lolo niya sa kaniya at kumunot ang noo nito. Mga nasa edad na otsenta na rin ang kaniyang lolo kaya alam niyang medyo magiging makalimutin na rin ito. "S-sino ka?" bumuntong-hininga si Megan at lumapit sa kaniyang lolo. "grandpa, it's me, Angelie, your apo." sabi niya rito. Nakita niyang bahagya ito pumikit, tila inaalala ang pangalan at itsura niya. Mayamaya pa ay ngumiti ito at niyakap siya. "It's good to see you again, apo. How are you?" ngumiti ng bahagya si Megan at kumalas sa pagkakayakap ng kaniyang lolo. "Fine, lo. I'm fine. Look, I want to stay here with you but I need to go to my own condo. Babalik ako every weekend." sabi niya rito. Nakita niya ang marahang pagtango ng matanda at binalik ang tingin sa labas. "As you wish apo." sabi nito.

---

Marahang tinignan ni Megan ang braso ng maid na nagbukas ng pinto pagkalabas niya. Napamura siya sa kaniyang isipan. Nakalimutan na ata talaga ng lolo niya na huwag magtiwala kung kani-kanino. Gusto niyang kunin ang baril niya ngayon sa bulsa niya at iputok ito sa ulo ng maid na iyon ngunit hindi niya kayang magawa ito ngayon dahil sa maraming maid na nakapila sa labas. Pumikit siya ng mariin at biglang hinila ang maid sa likod ng bahay niya.

Lumaki ang mata ng maid ngunit ngumisi ito ng mahuli nito na tumitingin siya sa tatoo nito. "Are you surprise, young lady?" mala-demonyo nitong pagkakasabi at bigla nitong kinuha ang isang cutter na nasa bulsa nito. Kumunot ang noo ni Megan. "This is a little bit early from what I expected but oh well, at least this is easy compared to my other missions." nakangisi nitong pagkakasabi. 

Akmang isasaksak ng babaeng iyon ang cutter sa leeg ni Megan ngunit agad namang nakailag si Megan. Napamura siya at tumakbo papalayo sa babae; hindi para tumakas kundi para bumwelo. "What? Giving up already? I'm not expecting that! Are you really a gangster queen?" ngayon naman pinoprovoke na siya neto. Tangina lang.

"Stop the bullshit and fight!" sigaw ni Megan at sumugod papalapit sa babaeng iyon. Kinuha niya ang airsoft desert eagle spring pistol niya at agad pinaputukan sa binti ang babaeng iyon. Napaupo ito at nanlaki ang mata nito sa pagkabigla. Ngumisi si Megan. Tumakbo siya papalapit sa babae at sinipa ito na mas lalong ikinagulat nito. Napahiga ito at lumabas ang dugo sa bibig nito. Tss. Weak.

Muli itong sinipa ni Megan nang akma itong tatayo na dahilan ng pagkawalan nito ng malay. Tsk. Nabwisit siya sa itsura nito at tinawagan ang isang butler dahil kung hindi ay tutuluyan niya na ito.

"Ikaw na ang bahala sa kaniya. By the way, she's part of the Hugo Mafia. You know what to do." sabi niya rito at tumango ito. Matapos nito ay tumungo siya sa kaniyang kotse at ngumiti ng mapait.

"The game is just starting." bulong niya at pinaandar ang kaniyang kotse papunta sa kaniyang condo. Papunta sa bagong planoPapunta sa bagong buhay

---
** FIN ** 

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^