Friday, April 18, 2014

Miss Siga! : Prologue

by: Hannah Jewel
PROLOGUE


     "My, My, My, Look who's here. Ang babaeng pilingera. Ano ka sa tingin mo? Ni wala ka ngang ka appeal-appeal kay SuHo!" kumunot ang noo ko sa pinagsasabi na naman ng Chesley na ito. Lintik na! Ano na naman bang problema ng babaeng ito?! Ilang beses ko pa bang sasabihin sa kaniya na hindi ko gusto ang Suho-bisugo na yun?! Ang sarap nilang pag-uuntugin! =___=



     "!@#$%^&* naman Chesley oh! Ilang beses ba kitang pagsasabihan na wala akong pakialam sa lalake na yun! Ni wala nga akong kaamor-amor para sa kaniya! Sayo na siya! Bahala ka sa buhay mo!"



     Nagtama ang paningin naming dalawa. Ganito kami palagi. Pagkatapos naming magsagutan, matititigan kaming dalawa. Wala dapat kukurap. Ang unang kumurap ay ibibigay ang buong allowance sa hindi pa kumukurap.



     Die Chesley! Die! +____+ May laser beams ata itong mata ko =______=



     Nakita kong halos maluha-luha na siya at napapangisi na ako. Buahahaha. Sakto! Wala akong pera ngayon. Bigla siya napakurap kaya halos magwala na ako sa saya. Niyugyog ko pa siya at niyakap. Nakita kong halos mapaikot na ang mata niya dahil natalo na naman siya. "Thank you Chesley! Muahahahahaha!" at tumawa ako na para ba akong demonyo. 



     Binigay niya sa akin ang buong P3500 niya kaya mas lalo akong natuwa. Muehehehe. Buti na lang mayaman ang babaeng ito. Umalis na siya sa harapan ko at pumunta na kami sa kaniya-kaniya naming classroom. 



     Frenemies kami ni Chesley Manansala. Friends kami 'pag hindi nagpapapansin sa akin ang ultimate crush niyang si SuHo Lacindanum. =___= Kapangalan pa daw ng bias niyang si SuHo ng EXO kaya mas lalo siyang naging baliw dito. Yuck. Nandidiri pa nga ako sa lalakinng yun eh. Pa cute ng pa cute nakakasura ang itsura niya. Like duh? Minu-minutong nandyan ang ugok na yun.



     Alam naman ng buong campus na ako ang crush ng bwiset na yun. Why? TOP 2 CAMPUS HEART THROB  LANG NAMAN PO ANG UNGAS =___= Kaya baliw na baliw ang lahat ng babae sa eskuwelahan na to sa kaniya. EXCEPT ME!




   

     "Ci-ih-oh-oh-oh-oh-oh-oh-ohhh" nagvo-vocalization kami ng mga choir ko ngayon. Kasama ako sa school choir namin kung hindi pa obvious. May performance kami ngayon sa school namin. At bilang president ng choir namin, kailangang kahit wala pa ang choir master namin, dapat mag initiate ako sa mga ka choir ko. Laging mainit pa naman ang ulo ng choir master namin. Kainis =___=



     May program kasi kami ngayon sa school namin kaya nagrequest ang school director at principal namin na magperform kami. Kainis, imbes na matutulog na lang ako habang ginagawa nila yung program isasali pa nila kami?!



     Pero ang mas nakakainis pa ay yung bakulaw na bisugo na yun ay agaw eksena. Papatayin ko na talaga yung lalakeng iyan!



     Kung kailan kasi kami na yung magpeperform, may sumulpot na babaeng mukhang espasol dahil sa kapal ng make up. Seriously?! Hello!!! Highschool po ito hindi club! Akala ko ba nakalagay sa rules and regulations sa school na bawal ang make up?! Gusto ko ng magmura ng mapansin ko ang suot niyang damit. Pang cheerleader =___= Ang pagkakaalam ko ay sa school na ito, sa college lang pwede magkaroon ng cheerleader. Eh hanep. Etong school kasi namin, may elementary, may highschool, at may college. Hindi pa allowed ang mga cheerleader pag elementary at highschool student ka palang. Sa college pa lang namin mayroong ganun =_=



     "Excuse me, madlang people! Our Top 2 Campus Heart throb would like to announce something." sabi niya at nag exit na at nag entrance naman ang bisugo. Biglang nag end of the world at namatay na ang lahat ng nagtilian sa kaniya. De joke lang.



     "Ehem. Please keep quiet. I would like to say that my crush to Desiree Leigh Honawar is over." nagtangis ang bagang ko. Wait, what? Tama ba yung sinabi ko? Parang mali eh. Anyway, bakit na naman ba nadamay ang sinusumpa kong pangalan dito?! Like duh? Pakialam ko ba kung wala na siyang crush sa akin?! Di ko kaya siya type. Mas pipiliin ko pa atang makatuluyan ang mukhang unggoy kong katropa kaysa ang makatuluyan ang lalakeng sobrang yabang na ito!



     Maraming nag-react. May nag, "Why? Bagay sana sila!" at, "Ahhhh..." at, "Oooohh..." at, "YES! MAY PAG-ASA PA AKO FRIEND! AKALA KO SILA NA EH!" =_______________=

      Sa inis ko --- hindi dahil sa sinabi niyang hindi na niya ako crush, kundi sa pag-aagaw eksena sa performance namin at sa pagtawag niya sa karumal dumal kong pangalan --- umakyat na rin ako sa stage kung saan nakatayo si SuHo bisugo at inagaw sa walang hiya ang microphone.



     Napasinghap ang mga nanonood na tao sa sunod kong ginawa kay SuHo.


     

     “EH putapete ka palang tae ka eh! Dinamay mo pa yung pangalan kong pagkapanget-panget dito! Hoy! DI TAYO CLOSE kaya wala kang karapatang tawagin ako sa buo kong pangalan! Kahit ata nickname ko hindi ko sasabihin sayo! At tsaka, ano naman ngayon kung hindi mo na ako crush?! Pakialam ko ba?! So kailangang i broadcast sa buong school?! Eh putragis ka pala eh! Pasikat! Agaw eksena ka pa sa performance namin! G*go! FYI, hindi din kita crush dahil sa umpisa pa lang, ayaw ko na sayo!" madamdamin kong pagkakasabi. Best in acting na ata ang peg ko ngayon. Para mas lalong effective ay sinuntok ko siya sa mukha para kung sakalign ma dislocate ang mukha niya ay wala ng magkaka crush sa kaniya. Wala na ang title niyang top 2 campus heart throb. Hindi na siya makikipag kumpetensya na top 1 campus heart throb.


     
     "SHIBAL!" dagdag ko pa at tinaas ang middle finger ko sa kaniya at hinagis ko ang hawak kong microphone sa mga taong nanonood. Rinig ko pa ang maingay nitong tunog gawa ng pagkabagsak. Nakita ko ring nasira ito. 



     Pagkatapos nuon ay humarap ako sa mga nanonoood at pumeywang, "Tinitingin-tingin niyo?!" at nag-walk out ako =___= Bwiset.





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^