Saturday, February 22, 2014

Writers of Love One Shot Series - Ayesha's Story


Ayesha’s Story



Sa tuwing makagagawa ako ng isang istorya lagi nalang may nagtatanong sa akin kung saan ko hinugot ang mga 'yon. Sinong inspirasyon ko? O kung  naransanan ko na ba ang mga 'yon Ngiti lang ang isinasagot ko sa kanila. Minsan kasi kahit sabihin ko sa kanila, kahit sagutin ko ang mga tanong nila hindi rin naman nila maiintindihan. Mas magandang isipin nilang mula sa imahinasyon ko lang ang mga 'yun. You know a hopeless romantic side of me. 



Pero sa lahat ng hopeless romantic isa ako sa pinakamasaya. Bakit? Kasi my isang Lee Min Ho este Lee Miranda ako. 


"Oi! Beshie! Lumilipad na naman ang utak mo sa outerspace." Nakangiting hinarap ko ang bestfriend ko saka ko binatukan. "Panira ka din eh noh beshie?! Magkikiss na kami ni Lee Min Ho biglang may sumigaw ng sunog! Kainis ka! Siguradong ikaw 'yun!!" reklamo ko kay Akira co-writer slash bestfriend ko.


"Grabe ka naman sa akin, beshie. Pasalamat ka nga ginising kita sa panaginip mo kung hindi, hindi mo  malalaman na andyan na ang pag-ibig mo. O gusto mo paaalisin ko na tutal mukhang mas gusto mo kahalikan si Lee ---" tinapat ko ang hintuturo ko sa bibig ni Akira para tumigil na siya. Dahil kung hindi ko siya pipigilan bukas pa matatapos ang monologue ng aking magaling na kaibigan. Mukhang nakuha niya naman ang ibig kong sabihin kaya siya na mismo ang nagtakip ng kamay sa bibig niya. Ako naman kinuha ko na ang gamit ko. 


"Sama ka?" tanong ko kay Akira  bago ako lumabas ng office namin, umiling lang siya pero hindi nakaligtas sa akin 'yung mga lungkot sa mga mata niya. Mukhang hindi parin sila okay ng lovidudes niya na siguradong nasa lobby ngayon. Anyway, it's not my story to tell basta ako excited ako kasi nasa lobby na ang pag-ibig ko. 


Hindi ako excited kaya pa-demure lang yung lakad ko. As in super hinhin. Kung talagang mahal niya ako hihintayin niya ako sa lobby even if it takes forever bago ako makarating doon. Wahehehe.


"Oh ayan na pala ang hinhintay mo."  Napatingin naman silang lahat sa direksyon ko sa sinabing yun  ni Dylan. Medyo disappointed nga yung mukha niya, siguro akala niya kasama ko si Akira. Syempre ngumiti ako sa kanila, at ang pag- ibig ko, humakbang papunta sa akin, pero nago siya makarating sa akin nagsalita na ako. 


“Oh anong ginagawa mo dito?” nakataas ang kilay kong tanong. 


“Ahmm, dadalawin ko kasi si Ms. Regine eh,” turo niya sa may likudan ko. Nandun nga si sis Regine. Narinig ko naman tumawa ang mga kasamahan ko. Sa inis ko inagaw ko yung dala niyang bulaklak at hinampas sa kanya. 


“Oh?! Bakit ka nang hahampas, nagtatanong-tanong ka tapos pag sinagot ka ng hahampas ka ng ganyan.” Ngiti-ngiti pa ang sira-ulo. Pinagtritripan ako. 


“Che! Ewan ko sayo, ayan na si Sis Regine, kausapin mo na!!” Sabi ko pa tapos nagsimula na ako lumabas ng DDH. Narinig ko namang tatawa-tawa siyang nagpaalam sa kanila. 


Huminto ako at humarap sa kanya.


“Oh?! Bakit mo ako sinusundan ngayon?! Dun ka na kay Sis Regine!!!”


“Ah eh diba dito yung daan papuntang parking? Nakalimutan ko kasi yung chocolates  para kay Regine kukunin ko.” Ibig ibig ko ng ihampas sa kaya yung handbag ko! Gusto ko na ding maiyak, kasi hindi naman lingid sa kaalaman kong may crush siya kay sis, pero sumusobra na siya girlfriend ako! Girlfriend! Bahala nga siya sa buhay niya. Tumalikod na nagdere-deretso sa parking.  Buti nalang talaga at nandito ang kotse ko. 


Nang makarating ako sa parking. Nanlaki bigla ang mata ko sa nakita ko. 


“OH ghaaaaaaad!!” yan na ang lumabas sa mga bibig ko. Paano hindi may mga remote cars na kulay pink na may nakataling lobo ang paikot-ikot sa may parking .Pamaya-maya nag-form na ung mga remote cars ng isang linya at may nabuo itong mga words.


I-L-O-V-E-Y-O-U-A-Y-E-S-H-A


Mangiyak-ngiyak kong nilingon ang lalaking may pakana ng lahat ng ito. 


Nakangisi pa ngayon siya sa akin. He also mouthed ”so much”. Dahilan para takbuhin ko na talaga siya  at dambahin ng yakap. 


“Nakakainis ka! Alam mo yon!” sabi ko habang nakayakap sa kanya. 


“Mahal mo naman.” Sagot niya. Tinulak ko naman siya palayo, ako naman ngayon. 


“Sure ka??”  nakangising sabi ko. 


“Bakit hindi ba?” Confident pa siya niyan.


“Mas love ko kaya si  Lee Min Ho!!”  masayang masayang sabi ko na ikinasimangot naman niya. 


“Sige ha, mas love po pala siya, sayang naman tong VIP ticket ko para sa concert niya.“ dali-dali akong lumapit sa kanya at yumakap sa kanya. 


“Sabi ko nga mas love na love na love kita kaysa kay Lee Min Ho.”   


“Ayiie, o tama nayan mamaya masagasaan pa kayo diyan sa daan. Uwi na dali.”  Nginitian ko lang si Richelle  na mukhang may lakad ata. 


“Saan ka punta, Iche?” pag-iiba ko ng tanong habang pasakay na sa kotse ni Lee. 


“May pagtataguan.” Tumatawang sabi niya. Siguradong si Rico 'yon. Yung bago naming editor. Noong una palang silang magkita, may something na eh. Hayaan na nga, again not my story to tell. 


“Saan tayo punta??” tanong ko. 


“Heaven.” 


“Sira!!!” 


Minsan talaga naiisip ko bakit ko nga ba sinagot ang isang ito?


“Kasi gwapo ako, Hon.” 


“Huh??”


“Tinatanong mo kung bakit mo ako sinagot diba?” Hala nasabi ko pala ng malakas! 


“Che! Magdrive ka na nga lang diyan, gutom na ako! Pag nagugutom pa man din ako  kumakain ako ng tao.” 


“I’m all yours baby!!” kanta niya. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa kanya. 


“Ang bastos mo! “ sigaw ko, tinawanan niya lang ako. 


--


“Ui! Ngiting-ngiti oh.” Nginitian ko lang si Mae na kanina pa ako inaasar. Shems! Naman kasi si Lee hindi talaga nauubusan ng gimik para pakiligin ako. 


“Mapupunit na mga muscles mo niyan sa mukha, papangit kana tapos hindi ka na love ni Lee mo. Pagpapalit ka na niya.” Dagdag pa ni Sis Regine. 


“Che! Ewan ko sa inyo!!” pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko. 


“Beshiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeeeee!!”  Humahangos na lumapit sa akin si Akira. 


“Bakit beshie??” 


“Wala lang! haha!”  Minsan talaga may pagkasira-ulo tong bestfriend ko. Pero alam ko may sasabihin ang isang ito.


“Yung totoo??” 


“Wala talaga, pero sige na nga sasabihin ko na. Ang sweet ng boyfriend mo!!” kinikilig pang sabi niya tapos nakipagkulitan  na ulit siya sa ibang writers. Napapailing nalang ako. Sasali sana ako sa pakikipagkulitan niya kaso nagring ang cellphone ko. Napangiti pa ako ng makita ko kung sino ang tumatawag. 


Ang pag-ibig ko. 


“Oh? May problema ba Lee??”


“Asan ka??” 


“DDH.”


“Sunduin kita jan.” Kinabahan ako sa tono ng boses ni Lee. 


“Ah eh sige.” 


Pagkasundo sa akin, seryosong seryoso yung mukha niya gustuhin ko man magtanong hindi ko magawa. 


“Ah----


Halos mapatalon ako ng bigla siyang humarap sa akin.


“Wag kang masyadong yayakap sa kanya ha.” Napakunot-noo ko sa sinabi niya. Ano bang tinutukoy niya? 


“Huh?” 


“Basta!!” sabi niya tapos nagdrive na siya ulit. 



NANLALAKI yung mata ko ng makita ko kung nasaan kami. 


OH my LEE!!


 LEE MIN HO! Haha!


Yes! Nandito kami sa hotel kung nasaan nag-iistay si Lee Min Ho para sa concert niya bukas. Nagpabalik-balik yung tingin ko kay Lee tapos doon sa poster. Mga limang beses siguro tapos niyakap ko si Lee.


“Anong ginagawa natin dito?” 


“Kakain.”


“Lee naman eh!” 


“Syempre, anu pa ba? Mamaya may one-on one ka with your Idol. “ nakangiting sabi niya. Para namang sasabog yung puso ko. As in! Omy!“Oi! Di ka na nagsalita jan! Ayaw mo ata eh!” Tinulak ko naman siya ng bahagya!


“Anong ayaw ka diyan! Gusto ko noh! Kaso di ako prepared! Yung mga papapirmahan ko! Yung poster---


“Nasa kotse na, kukunin nalang.”


“Waa! Lee! I love you so much!”



Excited na excited akong makaharap si Lee Min Ho. Kinuha na nga ni Lee yung mga gamit ko sa kotse, nagpaiwan talaga ako dito sa may Lobby. 


“Oh yung bilin ko sayo ha! Wag masyadong yayakap!” natatawa nalang ako kay Lee, paulit-ulit kasi siya eh. Siguro mga sampung ulit niya ng sinabi niya sa kin.


“Oo na po! Ang kulit! Kulit mo talaga Lee.”  Sabi ko tsaka ko hinalikan sa cheeks. 


Natulala ang Lolo niyo. Hahaha!




Lee’s POV 


 Hindi ko alam bakit ko ito ginagawa, may tiwala naman ako sa honey ko. Alam kong kahit gaano niya pa kagusto si Lee Min Ho hindi niya ako ipagpapalit sa kanya. Mas gwapo ako doon, umangal pangit! 


Pero hindi niyo naman ako masisisi diba?  Nag-aalala ako sa Honey Ayesha ko mamaya may gawing kalokohan yan Lee Min Ho na yan  sa kanya. Ay nako! Sisiguraduhin kong babagsak ang career niya kapag  may ginagawa siyang kahit katiting na kalokohan sa Honey ko. 


And yes, sinusundan ko sila mahirap na. 


“Kyaaa! Hindi parin ako makapaniwalang kasama kita! Oh my Lee!” Ang hyper talaga ng Honey ko kahit kailan pero ganun talaga siguro pag mahal mo noh? Kahit parang tunog ng wang wang ng boses eh wala lang sayo! Wahehehe! 


“Grabe talaga si Lee! Parang jinojoke ko lang naman siya na gusto kitang makadate pero ginawa niya padin.” kita mo to ako na naman. 


“He love you this much, huh?” narinig kong sabi ni katukayo(Lee Min Ho). Nakita ko ang paglawak ng ngiti ni Honey sa sinabi nito.


“Yes, sa totoo lang hindi naman niya kailangan gawin to, makita ko palang yung  saya sa mga mata niya tuwing kasama ko siya, alam na alam ko ng patay na patay siya sa akin!Hahahaha!” Aba’t! Pero totoo naman kasi 'yun. Kahit baliwan  siya mahal ko siya. Nakita kong ngumiti pa si Lee Min Ho sa kanya. Nag-eenjoy ang loko. Hanggang ganyan  lang naman siya lalo na sa hinanda ko pa para sa pag-ibig ko. 



Ayesha's POV



“Dalian mo naman Lee! Bilis!!”


“Teka lang naman, hindi ka naman mawawalan ng upuan nakareserved na yon!” hindi ko na pinansin yung sinabi ni Lee, nagmamadali na akong pumunta sa pwesto namin. 


Yes! Concert na Lee Min Ho ko.  Anong nangyari kahapon? Secret!!


“Hay! Masyado ka talagang excited.” Halos makalimutan ko ng kasama ko si Lee ngayon.”Dyan ka muna ha, bili lang akong maiinom.”  Tumango lang ako na nakapokus padin ang tingin sa may stage na animo nandoon na si Lee Min Ho.


Malapit ng mag-umpisa yung concert pero hindi parin bumabalik si Lee, aalis na sana ako ng biglang magfeedback yung microphone tapos namatay lahat ng ilaw. 


Pamaya-maya nakarinig ako  kumakanta, isang pamilyar na boses.


Boses ni Lee Min Ho! De joke! 


Boses ni Lee, boses ng Lee KO!!


 Di ko naisip na darating paAng isang tulad mo saking pag-iisaAt ngayon buhay ko ay nagbagoIto’y dahil sayo


At nasabi ko di na iibig pa
Ngunit di magawa nung nakita ka na
At muling nadama ang pag-ibig
Sa ‘king puso’y ikaw lang


Habang kumakanta siya,nakatingin lang siya sa akin. Ang saya saya ng mukha niya. Hindi ko tuloy maiwasang maalala yung una naming pagkikita noon. 


“Hoy! Mister! Wag!!” sigaw ko dun sa lalaking balak atang magpakamatay, dali dali akong bumaba sa bike ko saka ko siya nilapitan at hinila palayo doon sa cliff na balak niya talunan. Hindi naman siya umangal eh, tulala pa nga .


Nagulat ako ng bigla siyang humagulgol! 


“Oi! Mister! Wag ka ngang umiyak para kang bakla!!


“Hindi ako BAKLA!” napatulala ako sa bo
ses niya! OMG! Boses palang Gwapo. Gwapo siguro to kung hindi gula-gulanit yung damit. Hahah!


“Bakla ka! Ang ingay mo umiyak!” 


 “Hindi nga sabi ako bakla!” umiiyak parin siya habang sinasabi yan. 


“BAK---- 


Nanlalaki  yung mata ko ng hindi ko na natuloy yung sasabihin ko. 


He KISSED ME!!


Natatawa talaga ako pag-naalaala ko yun halos ako na mismo ang maghagis sa kanya sa cliff pero naging magkaibigan din naman kami after non.At nakakatawangisipin na isang Lee Miranda, isang tycoon ay magpapakamatay dahil lang sa namatay niyang pusa! De Joke—naghiwalay sila non ng first gf niyang si Isabel.



Ikaw pala ang hanap ko
Ang nais koAng hinihintay ng puso ko
Tunay na kung sya ang kapalaran mo
Darating sa buhay mo
Ikaw pala ang langit ng pag-ibig ko
Binuhay mo ang puso ko
Sana kailanma’y hindi magbabago


“Will you be my girlfriend, Ayesha?” 


“OMY Wizard! Ay male! OH MY  LEE pala! YES! YES!”


At nasabi ko di na iibig pa
Ngunit di magawa nung nakita ka na
At muling nadama ang pag-ibig sa ‘king puso’y ikaw lang



“Thank you for coming to my life, Ayesha.”


I love you!


Yan yung paulit- ulit na nagplaplay sa  may screen.



Ikaw pala ang hanap ko
Ang nais koang hinihintay ng puso ko
tunay na kung sya ang kapalaran mo
Darating sa buhay moIkaw pala ang langit ng pag-ibig ko
Binuhay mo ang puso ko
Sana kailanma’y hindi magbabago


Tanging sayo nadamaAng tunay na pagmamahalAng pag-ibig natin sana ay magtagal


Ikaw pala ang hanap ko
ang nais ko, ang hinihintay ng puso ko
tunay na kung sya ang kapalaran mo
darating sa buhay mo

ikaw pala ang langit ng pag-ibig ko
binuhay mo ang puso ko
Sana kailanma’y hindi magbabago
Hindi magbabago


Nang tumigil si Lee sa pagkanta, para naring tumigil ang puso ko. 


“Alam ko pong nagulat kayo, Ako po si Lee! Hindi Lee Min Ho ha! Lee lang! Ang gwapong –gwapong si Lee!!  Pasensya na po kayo medyo kinakabahan kasi ako, Whoo!!” narinig ko pang kinikilig  yung mga katabi ko. Ang swerte daw nung Ayesha. 



Swerte talaga ako. Nagpokus ulit ako kay Lee na nakatingin na ngayon sa akin.


“Like what the song said, akala ko noon hindi na talaga ako magmamahal sa maniwala kayo’t hindi yung una naming pagkikita balak kong magpakamatay non, but I’m glad naisipan niyang maghanap ng magiging inspirasyon niya para sa librong sinusulat niya that time, swerte niya akong nahanap niyang inspirasyon. Hehe! Seryoso na nga, yun nga I’m glad na dumaan siya  noon doon at pinigilan ako para akong binigyan ng bagong buhay dahil sa kanya. Ngayon I want to step forward with another journey with her, if she’ll allow it.” 


Naglakad siya papalapit sa akin tapos yung mga katabi ko tili ng tili, masakit sa tenga pero ng makalapit sa akin si Lee at iabot ang kamay niya sa akin parang tumigil ang paligid at kaming dalawa nalang ang nakikita ko.  


Nang makarating kami sa stage, nagsalita siya ulit.  


“Kahit na minsan mas mahal mo si Lee Min Ho kaysa sa akin, kahit mas madami kang picture niya at kahit pa sa panaginip m o pangalan niya yung binabanggit mo ayos lang sa akin as long as alam kong sa akin lang ang puso mo and now I want to spend the rest of my life with you kasama pati ang kabaliwan mo kay Lee Min ho, Ayesha will you marry me?” lumuhod pa siya tapos may kinuhang singsing. 


Naramdaman ko yung pagtulo ng luha ko  habang tumatango-tango. 


 “Yes, yes! Lee I’ll marry you.” Masayang masayang sabi ko. 




Mahigit isang buwan na simula ng magpropose sa akin si Lee, at wala parin siyang pinagbago super sweet parin niya at lagi niya akong kinukulit kung anong nangyari sa date k okay Lee Min Ho. 


Ayoko ngang ikwento, lalaki ulo niya eh. Kasi siya lang naman ang pinag-usapan naming ni Lee Min Ho non, kinukwento ko kung gaano ako kaswerte na may Lee na dumating sa buhay ko. 


“Sige na kasi, Hon. Kwento na!!” 


“Ang kulit! Ayoko nga!” 


 “O sige wag na pero sulat mo nalang yung story natin tapos ipupublish, papabilhin ko yung mga employees ko para malaman nila kung gaano ako kasweet.” 


“ Ayoko ngang isulat. A. Y.O.K.O” 


“Bakit naman?” 


“Basta ayoko, wag kang makulit.” May reason ako kung bakit ayaw ko. Hindi na nagsalita si Lee at nanahimik na. 




“Sissy!!”  nananakbong papunta sa akin si Hikari, nginitian ko lang siya. 


Shems! Kinikilig ako. 


“Grabe! Special mention kayo ni Lee sa interview ni Lee Min Ho ha!!” sabi pa niya.


Kyaah! Totoo yun, grabe nga kasi  sabi niya yung daw yung sweetest  thing na nakita niya! 


Patuloy pa akong kinukulit ng mga kasamahan , kinikilig eh. Pero may hinahanap ang mata ko eh. 


And there she is.


“Beshie!” lumapit ako kay Akira na busing-busy  sa pagtingin sa monitor niya hindi nga ata ako narinig eh . Kaya lumapit ako sa kanya. 


“ Beshie!” sabi ko sabay silip sa ginagawa niya, mukhang nagulat at biglan mininimize yung word na nakaopen pero hindi nakaligtas sa akin yung nakasulat doon. 


Lee and Ayesha’s Story. 


Napakuno’t noo ako. 


“Beshie??” parang kinakabahan siya. 


“Ano yun Beshie??” 


“Huh? Wala ah!” 


“Beshie! 


“Eh kasi magagalit si Lee eh!!” so tama nga yung nakita ko.


“Sinong gusto mong magalit? Ako o si Lee??” 


“Eee. Sabi ko nga, okay lang magalit si Lee.” Halos mamula ang mukha ko sa galit ng matapos ikwento si Beshie yung story na ginagawa niya or mas tamang sabihin ginawa niya!


For Publishing na! Dali-dali kong umalis doon dahil kailangan kong puntahan si Lee. Kailangan naming mag-usap.


“What the hell?! Akala  ko ba malinaw na sayo na ayokong isulat ang story natin ha Lee?!” nakakainis kasi, magugulat nalang ako for publishing na DAW ung lovestory namin!


“Hindi ko naman sayo pinasulat ha?!” aba’t nakuha pang mamilosopo ng isang ito. 


“Pwede ba?! Seryoso kasi Lee eh, hindi na nakakatuwa ha. Ilang ulit ko ng sinabi sayo na ayoko.”


 A-Y-O-K-O. Ipafull-out mo yon!! “ 


“Ano ba kasing problema?” Problema?! MALAKI. MALAKI ANG PROBLEMA KO DUN!


“Kahit sabihin ko sayo hindi mo naman maiintindihan,” medyo kinalma ko ng konti ang boses ko. Napansin ko ang pagkunot ng noo niya. 


“Ipaintindi mo kasi sa akin, Ayesha. Hindi na talaga kita maintindihan. Writer ka. Nagsusulat ka ng mga magagandang stories pero ni minsan kahit isa sa mga stories mo wala doon inspired sa lovestory natin. Hindi ko tuloy alam kung ano ba talaga ako sayo. Ikinahihiya mo ba ako? Ayaw mo bang malaman nila ang tungkol sa atin?  Mahal mo ba talaga ako?“ pagtapos niyang sabihin yon bigla nalang siyang umalis. Gustuhin ko man na habulin siya hindi ko magawa, napatanga nalang ako dahil sa sinabi niya. 

Kung alam mo lang Lee. Kung alam mo lang.  Magiging Aiesha Lee ba ang Penname ko kung hindi kita mahal?



Isang buwan. Isang buwan ko ng hindi nakikita si Lee. Isang buwan ko naring hindi pinapansin ang bestfriend ko. Hindi naman ako galit, nalulungkot at naguguilty lang ako. 


Ilang beses kong sinubukang tawagan siya pero lagi siyang out of town. 



“Beshie, ah eh pinapatawag ka  ni Among tunay.” Tumango lang akong simple. 


Kailangan ko pading gumalaw kahit anong mangyari- unahin ko na ang pakikipag-ayos sa beshie ko. 


Tapos magtutuos kami ni Lee. 


Pagkapasok ko sa office sis  Regine,  ngitian niya agad ako. 


“Pustahan tayo, may magwawala mamaya at may magseselos.”  Salubong niya sa akin.


“Okay lang paminsan yun, malay mo makatulong sa lovelife nila.” Lovelife. Ako kaya maayos ko pa ang lovelife ko? 



At tama nga si Sis Regine..


“Waaaaaaah! Beshie! I love you talaga! Sorry talaga! Sorry!!” kanina pa po paulit ulit na sinasabi yan sa akin ni Akira. 


“Oo na, bitiwan mo  na ako. Grabe to.”


“Pero waaaaaa! Beshie! Ang astig talaga ni Lordy ko ditto! Gosh gosh!!” kanina niya pa inuulit –ulit yan. Napatingin naman ako kay Dylan na kanina pa bulong ng bulong. Pati fictional character pinagseselosan. 


“OO na, sige. Bitiwan mo muna ako at magsho-shopping ako.” 


“Sama ko Beshie!!” –Akira


“Anong sasama ka diyan may gagawin ka pa diba?” – Dylan. 


“Nyenye tapos napo.”


“Ay nako Beshie slow ka din eh noh? May gagawin ka pa nga daw, makipagdate ka daw kay Dylan.” Pagkasabi ko non tinulak kong mahina si Akira sa direksyon ni Dylan at umalis na ako. 


Kakain muna ako bago ko harapin si Lee ko. Kailangan ko ng energy! Whooo!




Pero mukhang madaming madaming energy ang kailangan ko, dahil ngayon palang nanghihina na ako sa nakikita ko. 


Si Lee… 



Si Lee kasama ang EX niyang si Isabel. Mukhang masaya sila.


Nagkabalikan na kaya sila? 


Pero diba hindi pa naman kami hiwalay ni Lee? Hindi nga ba? 


Hindi ko na kaya yung nakikita ko. Tumalikod ako. 


Kasabay ng pagtalikod ko ang pagkadurog ng puso ko. 





“Tara na Beshie!” tumango ako kay Akira. Book Signing ngayon ng mga publish namin ngayon. Pinipilit ko paring ngumiti kahit masakit. 


Ewan ko ba hindi ako magkalakas ng loob kausapin si Lee, kahit halos ipagtulakan na ako ng mga kasamahan ko. Naghunger strike pa nga ang mga yan, hindi daw sila kakain hanggat di ko kinakausap si Lee. Pero naku yung nagpanukala non nakita naming kinakain yung chocolates na bigay ni Dylan sa kanya.


No other than my Beshie. Wala na namang bago doon diba? 


Nakakatuwang makita na andaming pumunta dito para magpapirma at humahanga sa amin. Syempre ang pinakamasaya sa lahat yung katabi ko. Proud na proud sa Lordy niya kaso nag-aalala din daw siya marami ng magkakagusto sa Lordy niya. 


“Okay,  ano kayang masasabi ng ating mga writers, unahin natin ang Writers of the Month ng DDH, Ms. Aiesha Lee.” 


Nakangiting hinarap ko yung mga tao. 


“Unang-una sa lahat, ---- hindi ko agad natuloy yung sasabihin ko ng matanaw ko si Lee sa may harapan at may dalang bulaklak. Huminga ako ng  malalim bago magpatuloy. Make a move Aiesha. 


 “As I was saying – Thank you po sa lahat ng sumusoporta hindi lang sa akin kundi sa aming lahat sa Haven, Salamat din sa mga kaibigan ko sa DDH, sa parents ko at syempre sa  Panginoon. Wala po ako sa kinatatayuan ko ngayon kung wala kayo. At muntik ko palang makalimutan, gusto ko rin pasalamatan yung lalaking kumpleto sa buhay ko. Alam ko marami akong pagkukulang sayo. Pero gusto ko lang malaman mo na hindi totoo yung sinasabi mong never kitang naging inspirasyon, dahil sa bawat story na sinusulat ko ikaw lang ang naiisip ko tuwing gagawin ko yung mga character na iyon eh. Ikaw silang lahat,oh weel except kay Lordy nitong beshie ko. “ nakangiting sabi ko. 


“One more thing pa  pala, bakit nga ba ayokong isulat ang lovestory natin? Not really, I really want to. Sino ba namang hindi diba?  Writer ako at isa yun sa mga pangarap ko.  Gustong gusto kong isulat yon, kung paano tayo nagkakakilala, nagkainlaban, nag-away at naging para sa isat-isa. Pero narealize ko ang isang story kailangan may simula, kasukdulan at katapusan. Tandang tanda ko paano tayo nagsimula, ang maraming maraming climax ng story natin. Pero yung ending? Wala tayong ending..


Ayokong bigyan ng ending. Kaya ayokong isulat ang story natin.” Nakangiting sabi ko .Pagkasabi ko noon bumaba na ako. 


Maiyak pa ako! Kakahiya. 


Nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin. 


“Naiintindihan ko na.” bulong niya. Ang boses na yon. How I miss it.


“Lee.” Halos pabulong nalang na lumabas sa boses ko yon. 


“Mahal na mahal kita, Ayesha.” 


Tinulak ko siya. 


“Mahal daw! Eh bakit nakita ko kayo ni Isabel na magkasama nung isang araw!!” 


“Nakita mo kami? Eh bakit di ka lumapit??” tinaasan ko lang siya ng kilay.


 Duh? Obvious much ang tanong. Ano ako masokista? 


Nagulat ako ng yakapin niya ulit ako. 


“Ano ka ba wala lang yon, parang closure lang. Saka sabi ko nga kay Isabel, wala na siyang babalikan kasi pagmamay –ari na ng ibaang puso ko. Mahal na mahal kita Ayesha.” Napangiti na ako doon at gumanti ng yakap kay Lee.



“Mahal din kita.”


--



Lee's POV 


"Bakit ngayon lang kayo?!"  


"Chill lang, Bro. Matutuloy naman ang kasal mo eh." Sinamaan ko ng tingin si Dylan, Reese, Rico at Raji.  Kita ng kinakabahan na ako dito tapos ginaganito pa nila ako.

“Aish! Tara  na nga ng matapos na’to at makasal na ako.” Aya ko sa kanila. Nasaan ba kami ngayon? Nasa isang sirang simbahan kami at kasalukuyan naming inaayos ‘to. Dito kasi gustong ikasal ni Ayesha. At dahil kasama ‘to sa nawasak noong may dumaang bagyo, nadedelay ang kasal  namin. Kaya naman hindi ako papayag syempre, kaya inaayos naming to ngayon. Masyadong magiging hassle kung hahanap pa ako ng ibang trabahador kaya inarkila ko nalang ‘yung mga partners ng kaibigan ni Ayesha.


“Oi! Rico at Reese saka niyo na ituloy ang pag-aaway niyo pwede? Doon sa story ni Iche, wag dito. Ikaw Dylan, ayusin mo yan ilalakad kita kay Akira pag natapos na’to. At ikaw Raji, wag kang mag-aalala bago matapos ‘tong simbahan makakapagtago ka na uli’t kay Allison.” Sumasakit ang ulo ko sa kanila. Hay nako! Matawagan na nga lang ang Honey ko. Baka namimiss na ako.

Nakailang ring  bago niya sinagot. At mabilis na nilayo ko ang phone ko sa tenga ko. Mega-phone eh.


“NASAAN KA, LEE MIRANDA?!”


“Chill ka lang, Hon. Magkikita rin tayo. Soon.” Ngiting-ngiti sagot ko sa  kanya. Sigurado akong kunot-noo na naman ‘to.

“Nasaan ka ba kasi?! Naku! Sa oras ng malaman kong nagtataksil ka sa akin! Naku! Puputulin ko ‘yang ano mo!”


“Edi pag pinutol mo ‘to ------


“ARGGGGGGGGGH! Ewan ko sayo! Bahala ka nga! Wag ka magpapakita sa akin, puputulin ko talaga yan!” pagkasabi niya nun binabaan ako ng phone. Pamaya-maya nagring  ulit ang phone ko. Si Ayesha.


“Yes, Hon?” bungad ko.

“I missed you.” Sumisinghot singhot pa siya habang sinasabi  yan. Umiiyak na siya. Adik talaga nito.

“I missed you, too.” Sagot ko tapos pinatay niya na din yung phone.

Konti nalang, Hon. Konti nalang.


Ayesha’s POV

“Beshie, ang kulit. Sinabi ng hindi ko alam kung nasaan sila eh.” Kanina ko pa kinukulit ‘tong si Akira. Alam kong magkakasama ang boys ng DDH ngayon at ang Honey ko.

“Pag hindi mo sinabi sa akin, wala ng special chapters ‘yung story niyo ni Jaylord!” pananakot ko.

“Beshie naman eh, hindi ko talaga alam. Promise!”  Tinaas niya pa ang kamay niya para patunayan ang sinasabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. “ Seryoso ako Akira.” Trying hard pa akong paseryosohin ang boses ko.

“Aish, malalagot ako kina Lee nito eh!” Nakita kong kinuha niya ‘yung phone niya at may denial siya doon. Nakangiti ako habang nakatingin sa  kanya.

“Saan ka, Dy?” So hindi niya nga alam. Pero malalaman niya na. Ang galing ko talaga. Wahehe.


“Dadalhan kitang food.”

Pause.

“Ayaw mo? Sige ---“

Pause.
Nakita kong napangiti si Akira at kumuha ng papel. May sinusulat na address. Pamaya –maya, pinatay niya na ang phone at inabot sa akin yung papel. Napakunot-noo ako ng makita ko ‘yung address. Pamilyar.

Sinama ko si Akira papunta  dun sa address. Isasama ko nga sana ang buong DDH Family eh  para riot agad kapag pinagpalit ako ni Lee. Kaso wala sila. Missing in action silang lahat. Ito ngang isang to na kasama ko blinackmail ko lang eh.
Habang papalapit kami ng papalapit doon, napapakunot- noo ako. Pamilyar talaga. At napasigaw nalang ako ng makita ko ang DDH Family ay si Lee.

“WHAT’S THE MEANING OF THIS?!”


Lee’s POV

Last touch nalang. Okay na. Magkikita narin kami ng mahal kong Ayesha.

“Sigurado akong kinukulit na ni Ayesha si Akira. Eh wala namang alam ‘yun dito.” Minabuti namin na wag ipaalam ang plano kay Akira. Sa daldal nun siguradong mapupurnada --------



“WHAT’S THE MEANING OF THIS?!”
Nanlalaki ang mata ko ng makita ko si Ayesha  kasama ni Akira. Paano??
“Bingi ba kayong lahat?!! Anong ibig sabihin nito?!” galit na galit talaga ang Honey ko kaya agad ko siyang nilapitan.

“Wag kang lalapit sa akin! Mag- explain ka muna!!!” sigaw niya pa. Ngumiti nalang ako at sinenyasan ang mga kasamahan ko. Mukhang nakuha naman nila ang ibig kong sabihin. Kaya mabilis silang puwesto sa mga lugar nila. Hinila nadin ni Dylan si Akira. Nakita ko na ding tinawag ni Reese ‘yung pari.

Kung nanlalaki ang mata ni Ayesha sa inabutan niya. Halos lumuwa ng ang mga mata niya ng maintindihan niya kung anong nangyayari.


Tinuloy ko na ang paglapit sa kanya at inalok ang kamay ko sa kanya. At kahit mukhang shock siya ay tinanggap niya naman ito.

“I Could Not Ask For More"

Lying here with you
Listening to the rain
Smiling just to see the smile upon your face
These are the moments I thank God that I'm alive
These are the moments I'll remember all my life
I found all I've waited for
And I could not ask for more
Looking in your eyes
Seeing all I need
Everything you are is everything to me
These are the moments
I know heaven must exist
These are the moments I know all I need is this
I have all I've waited for
And I could not ask for more

Hindi na mahalaga kung nakaayos man siya at ako. O kung matapos man ayusin ang simbahan  o hindi. Ano pa bang dapat kong hilingin kung kasama ko naman ang babaing sobrang mahal na mahal ko.

I could not ask for more than this time together
I could not ask for more than this time with you
Every prayer has been answered
Every dream I have's come true
And right here in this moment is right where I'm meant to be
Here with you here with me

These are the moments I thank God that I'm alive
These are the moments I'll remember all my life
I've got all I've waited for
And I could not ask for more

I could not ask for more than the love you give me
'Coz it's all I've waited for
And I could not ask for more
I could not ask for more


Nang makarating kami sa may altar, saka lang ako tumingin kay Ayesha. Umiiyak siya. Agad ko siyang hinarap sa akin at pinunasan ang luha niya.

“Hindi ako hihingi ng sorry dahil pinaiyak kita ngayon. Hindi rin ako hihingi ng sorry dahil hindi ka naka dream gown mo. Excited ka eh. Kasalanan mo yan. Hindi rin ako hihingi ng  sorry dahil ganito ang ayos ng simbahan. Dahil para sa akin hindi importante kung saan, kailan o kahit ano pang ayos. Basta ikaw ang papakasalan ko. Ayos na ayos na ako. Mahal na mahal kita, Ayesha.”

Nagulat ako ng bigla akong hampasin ni Ayesha. “Aww! Baket?!”

“Nakakainis ka kasi! Pagkatapos kitang pagduduhan papakiligin mo ako ng ganito?! KAINIS KA!” Natatawang niyakap ko siya.

“Okay lang yun, mahal naman kita.” Sabi ko tapos hinalikan ko siya sa mga labi.






“Ehem.Ehem. Itutuloy pa  ba pa natin ang kasal?” 

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^