Monday, March 3, 2014

Psycho's Love Interest : Chapter 5

CHAPTER 5



May long exam si Richelle sa pinakahuli niyang klase. Kahit ‘di masyadong nakapag-review, mabuti na lang at naalala pa niya ang mga pinag-aralan noong mga nakaraang araw. Oo, madalas siyang umasa sa stock knowledge.



Habang tahimik at nagko-concentrate ang lahat sa pagsagot sa mga test sheets nila, umalingawngaw naman bigla ang malakas na tunog ng cellphone. Natuon ang atensyon ng lahat sa isang direksyon—kay Richelle. Nalimutan niyang i-silent ang cellphone niya!



Madali niyang dinukot sa bag ang cellphone niya, galing sa isang unknown number ang tawag na yun at kahit pa may pagtataka, agad niya itong in-off para hindi na maka-istorbo pa sa klase.



Ngunit nang inakala niyang ayos lang ang nangyari, nagkakamali siya.



“Ms. Ariano—” Tinawag siya ng professor niyang si Sir Cariaso at hindi maganda ang timpla ng mukha nito. “Pass your paper, pack your bag and I want you to leave my class.”



Napakurap ang mga mata ni Richelle sa gulat. “Si—sir…” Kinabahan na siya dahil sa tono ng boses ni Sir Cariaso, halatang hindi ito natuwa sa nangyari. “Hindi ko pa po tapos ang exam ko.”



“Sana bago ka nag-exam, sinigurado mo munang naka-silent ang cellphone mo para ‘di ka nakakaistorbo.”



“Sorry po Sir, pero—”



“Aalis ka sa klase ko o automatic zero ka?”



Maiyak-iyak na lang si Richelle na sinunod ang utos ng professor niya. Narinig niya ang mahinang tawanan at bulungan ng mga kaklase niya kaya napayuko na lang siya dahil napahiya na siya.



Bitbit ang mga gamit niya ay lumapit na siya sa table ng guro para ipasa ang test paper niya na halos wala pa sa kalahati ang nasasagutan.



Nang muling iangat ni Richelle ang ulo niya para tignan ang mukha ni Sir Cariaso, nahuli pa niya itong tinignan siya from head-to-toe. Medyo na-concious pa nga siya dahil natagalan ang tingin ng matandang propesor sa bandang dibdib niya.



Napaubo na lang ito at umiwas ng tingin. Wala na ring nagawa si Richelle kundi umalis na ng klase.



Minumura na ni Richelle ang sarili dahil sa nangyari—pero naisip niyang mas dapat murahin yung taong tumawag sa kanya na nagpahamak sa kanya.



Napayuko si Richelle para halungkatin sana ulit sa bag ang cellphone niya… pero may iba pa siyang napansin.



“Shet!” Kaya pala ganun na lang ang tingin ni Sir Cariaso kanina. Nakabukas kasi ang dalawang butones ng kanyang damit at grabe na pala ang view ng dibdib niya. “Shet naman talaga!” Muling nagmura si Richelle dahil dumoble ang kahihiyan niya.



= = = = =



Hindi rin agad nakauwi si Richelle dahil nga sa sira niyang damit. Nagpasya siyang dumaan muna sa mall para bumili ng kahit na anong pamalit na t-shirt.



Pumasok siya sa isang maliit na store at ilang sandali lang rin ay may natipuhan na siyang design ng damit. Bukod sa maganda ang tela nito, mura lang ang presyo.



Hawak na niya ang damit para maisukat na, pero napansin niya na may pang-lalaking version din pala ang damit na hawak niya. Napangiti ng wala sa oras si Richelle. Kung may boyfriend lang sana siya, cute sigurong tignan kung sabay nilang susuotin ang damit na iyon. Parang couple shirt kasi.



“Ma’am, kukunin niyo na po ba?” Tanong ng saleslady na kanina pang nakatingin sa kanya.



“Opo. Pwede ko na rin bang suotin ‘to ngayon? Nasira kasi itong butones ng damit ko.”



“Oo naman po, paki-bayaran po muna sa counter.”



Sumunod na si Richelle sa saleslady para bayaran ang napili niyang damit. Ngunit nang mapalingon ulit siya sa damitan, nakita niyang may lalaki nang nakatingin dun sa damit na katerno ng damit niya.



Hindi niya ito mamukhaan pero pakiramdam niya ay kilala niya ang lalaking iyon.



“Zenn?” Tinawag niya ito at lalapitan niya na sana ngunit muling siyang tinawag ng saleslady.



“Ma’am heto na po ang damit at resibo niyo. Pwede na po kayong magpalit sa fitting room namin.”



Sandaling segundo lang naman na nabaling ang atensyon ni Richelle, ngunit nang matignan niya ulit ang direksyon ng damitan, wala na yung lalaki na mukhang si Zenn.



Imagination lang ba ulit o talagang si Zenn yung nakita niya?



Kung anu-ano na naman ang naiisip ni Richelle. Ni-hindi nga rin siya sigurado sa nakita niya.



= = = = =



Pauwi na si Richelle.



Nag-text pa siya kay Shane na nasa station na siya at naghihintay na lang ng train. Nag-aabang siya sa special queing line na para lamang sa mga babae at senior citizen. Bilin kasi sa kanya ni Shane na wag makipagsiksikan sa train kung saan may mga makakasabay siyang lalaki. Bukod raw sa pwede siyang manakawan, baka makasabay pa siya ng manyak.



Dumating na ang train at siksikan pa rin talaga. Rush hour na kasi, uwian ng mga estudyante at trabahante. Pero kahit sobrang siksikan, kampante si Richelle. Puro babae naman kasi sila.



Pero puro babae nga lang ba?



May naamoy kasi siyang matapang na pabango ng lalaki. Nilingon niya ito ngunit hindi niya makita yun dahil may nakaharang pang mga ale sa mismong likuran niya na may mga bitbit na naglalakihang plastic bag, dahilan kung bakit mas sumikip ang loob ng train.



‘Baka matandang lalaki naman.’ Yun na lang ang sabi ni Richelle sa sarili. Imposible naman sigurong makapasok ang mga lalaki rito lalo na kung hindi naman senior citizen.



Nakuha pa niyang kunin ang headset sa bulsa ng bag at nakinig ng music sa cellphone niya. Pinabayaan na lang rin niya ang sarili na madala ng mga nagsisiksikan pasahero ng LRT. Kapag kasi pinigilan niya, siya lang rin ang mahihirapan.



Ilang minuto lang ang lumipas at muling tumigil sa isa pang station ang train. May kaunting lumabas pero mas marami pang pasahero ang pumalit. Mas lalo silang napuno at nagsiksikan sa loob. Napayakap na nga lang si Richelle sa bag niya para hindi masalisihan ng mandurukot.
Ang kaso, may naramdaman siyang kamay sa likod niya. Parang kinukuryente siya sa kilabot dahil hinihimas nito ng taas-baba ang likod niya.



Chineck ni Richelle at yung mga ale pa rin naman ang nasa likod niya. Pero yung kamay na hinahaplos siya at hindi lang basta guni-guni. Kamay iyon ng lalaki na ginagawaan siya ng kamanyakan.



Sinubukan na niyang maglikot para makalayo dun sa kamay, pero napapatingin naman ng masama ang mga katabi niya.



Nagsimula nang bumigat ang kanyang paghinga nang maramdaman niyang umaakyat na ang haplos ng kamay papunta sa dibdib niya. Sinubukan pa itong ipitin ni Richelle sa mga braso niya pero nagawa pa rin nitong hipuan siya sa dibdib.



Sa pagkakataong iyon, hindi na napigilan pa ni Richelle ang sarili. Diring-diri na siya! Naglikot siya at ang daming tao sa paligid niya ang natapakan,natulak, nasiko at nabalya niya.



“Ano ba yan Miss, magdahan-dahan ka naman!”



“May mga bata pa kaming kasama, wag ka namang manulak!”



“Hindi lang ikaw ang mag-isang pasaherong nasisikipan dito!”



Nakataas na ang kilay ng lahat kay Richelle.



Hindi na siya nakapag-react at hindi na rin nakapag-sumbong.



Pinangunahan na siya ng takot, panginginig at pandidiri.



Muling tumigil ang train sa isa pang station. Kahit hindi pa yun ang station na dapat niyang babaan, hinawi na niya ang mga tao para tuluyan nang makalabas.



Pero bago siya umalis, tinignan niya muna ang mukha ng manyakis na nagtatago sa mga ale kanina. Isang medyo may katandaan na lalaki ang nakita ni Richelle.



“Sir Cariaso…”



Sa iba naman nakatingin ang manyakis niyang propesor. Nakangisi ito sa ibang babae na nasa paligid niya, namimili kung sino sa mga ito ang susunod niyang mabibiktima.



Hindi naman na ulit nakasakay sa mga sumunod na train si Richelle.



Tinawagan niya si Shane kahit hindi niya sigurado kung masasagot nito ang tawag niya dahil nasa burol pa ito ngayon.



But after almost 15 calls…



“Hello, Iche. Kanina ka pa tawag ng tawag ah. Nakauwi ka na ba?”



Hindi agad nakasagot si Richelle nang marinig niya ang boses ng kaibigan. Saka pa lamang siya napahagulgol, “Shane… Shane sunduin mo na ako.”



“Umiiyak ka ba? Anong nangyari? Nasaan ka?”



Humihikbi nang sinabi ni Richelle ang kinaroroonan niya at hindi naman nagdalawang-isip si Shane na umalis agad para sunduin siya.



End of Chapter 5


1 comment:

  1. yang mga gnyang manyak, pinuputulan dapat ng toot nila! ang tnda na, makati pa!! >:(((((((((((

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^