CHAPTER 6
Maagang umalis si Shane sa burol ni Miggs para lang masundo
ang bestfriend niya. Nang makarating siya sa LRT station, nagmukha siyang
knight-in-shining-armor na iniligtas ang damsel-in-distress na si Richelle.
Sa buong byahe nila pauwi, ikinwento na ni Richelle ang mga
nangyari sa kanya sa loob ng train. Hindi nito mapigilan ang pagpatak ng luha
sa tuwing naalala ang naranasan. Feeling
niya ay nararamdaman pa rin niya ang kamay na malaswang hinahaplos ang katawan
niya.
At habang pinapakinggan ni Shane ang kwento, halo-halong
emosyon ang nararamdaman niya.
Sa mga kwento at palabas niya lang napapanood ang mga ganoong
eksena. Naiinis pa nga siya sa mga babaeng nabibiktima ng kamanyakan dahil
bakit hindi man lang nila naipagtanggol ang sarili nila?
Ngayon lang lubos na naintindihan ni Shane na iba pala talaga
kung kakilala mo na ang nabiktima ng ganun. Ang nakakainis pa, si Richelle pa
ang nakaranas nun!
Naaawa siya dahil naiintindihan niya ang takot na naramdaman
ng kaibigan. Ngunit nagagalit din siya dahil gusto na niyang balikan ang taong
may gawa nun.
Nang maihatid na ni Shane si Richelle sa loob ng apartment
niya ay saka pa lamang siya nagsalita.
“Wag ka nang umiyak,
Iche.” Pinatahan
nito ang kaibigan habang yakap niya ito. “Hinding-hindi
na kita hahayaang umuwi mag-isa. Yun na ang una at huling beses na babastusin
ka ng kung sinong lalaki.”
Hindi naman na nagawa pang magsalita ni Richelle. Isang tango
na lang ang naisagot niya.
“At para dun sa
manyakis na Cariaso na yun, irereport natin siya at nang matanggal na siya sa
university.”
“Pero Shane, baka
walang maniwala.”
“Anong wala? Binastos
ka ng gagong yun!”
“Ipinahiya niya ako sa
klase namin kanina. Kapag nalaman nila ang insidente sa LRT, baka isipin lang
ng iba na gumagawa ako ng kwento para makaganti.”
“Ipinahiya ka niya?”
“Oo—pero basta! Wala na
akong pakelam dun.”
“Alam mo, hindi kita
maintindihan. Pero kung ang gusto mo ay manahimik ako sa ginawa sayo ng
matandang yun, hind ako papaya. Hindi ko mapapalagpas ang ginawa niya sayo.”
“Shane...” Lalong naiyak si Richelle. “Ang kumplikado kasi! Wala tayong
ebidensya! Walang maniniwala saatin! Ako lang ang mapapahiya sa gusto mong
gawin.” Hindi naman na alam ni Shane kung papayag ba siya sa gusto ng
kaibigan. Ngunit patuloy ito sa pagmamakaawa niya, “Shane, wag na. Gusto ko na lang kalimutan ‘to. Please?”
Matagal namang natahimik si Shane. Nag-iisip siya ng
sasabihin niya. Napabuntung-hininga na lang ito at saka niyakap ulit ang best
friend niya.
“Fine. I will not tell
anyone about this. But I can’t promise you na hindi ako gagawa ng paraan para
pagbayaran ng matandang yun ang kamanyakan niya. He will still pay for what he
did.” Sa
pagkakataong yun, hindi na siya kinontra pa ni Richelle.
Sa paglalim ng gabi, nang masigurong kalmado na si Richelle,
ay saka pa lang nagpasyang umuwi si Shane para hayaan nang makapagpahinga ang
kaibigan.
He waited outside the apartment para lang siguruhin na
nag-lock na nga ng pinto si Richelle. Nang magpatay na ito ng ilaw, saka lang
umalis si Shane.
Ngunit ‘di siya dumirecho sa sarili niyang apartment. Kahit
pa sa ganitong oras ng gabi, may isang mahalagang bagay siyang dapat
asikasuhin.
= = = = =
Matanda na at hiwalay sa asawa. Yan si Mr. Teofisto Cariaso,
isang professor na nagtuturo sa North Erden University. Matagal na siyang
nagtuturo sa NEU kaya masasabing isa siya sa pinaka ma-impluwensyang guro sa unibersidad.
Ngunit, kaakibat ng pangalan niya ay mga isyung may kinalaman
sa mga babae niyang estudyante. Noon pa man ay may nagrereklamo na tungkol sa
mga kamanyakan ng gurong ito—ngunit ni-minsan ay hindi nagawang patunayan ang
mga ibinibintang sa kanya.
Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin
naparurusahan ang kawalang-hiyaan ng matandang manyakis. Ito ang dahilan kung
bakit ang dami pa rin niyang nabibiktima.
Sa loob ng kanyang opisina sa bahay ay busy na nagchi-check
si Mr. Cariaso ng mga test papers ng klase niya kanina. Natigil siya nang
biglang tumunog ang cellphone niya at makatanggap ng text mula raw sa isa sa
mga estudyante niya.
Hindi naman na nagtaka si Sir Cariaso sa text na natanggap
dahil siya rin naman mismo ang nagbibigay ng number niya sa buong klase sa
tuwing first day of school. Paraan niya iyon para madali siyang ma-contact ng
klase niya—lalo na ng mga natitipuhan niyang estudyante.
Pero makasigurado na estudyante ka nga sa kasalukuyang sem
ang nag-text sa kanya, hiningi ng matandang propesor ang student number ng
ka-text niya. Agad naman din itong nag-reply at ibinigay ang gusto ng propesor.
Dahil sa access ni Sir Cariaso sa university portal, agad
niyang na-check ang profile ng katext niya. Freshman ito, maganda, sexy—at
tinamaan nga naman ng swerte dahil yun pa mismo ang natitipuhan ni Sir Cariaso
sa kasalukuyang batch ngayon.
Napangiti na ang matanda habang nakatitig sa picture ng
estudyanteng iyon. Nag-iinit ang katawan niya at sa edad niya, kung anu-anong
malalaswang bagay pa ang tumatakbo sa isip niya.
Nagpatuloy ang palitan nila ng text messages hanggang sa
tanungin na nito ang address ng bahay niya. Medyo malalim na ang gabi pero
handa pa rin daw itong puntahan siya.
Muling napangisi ang propesor. Nakabingwit na naman siya ng
estudyanteng handang magbayad ng katawan para lang sa mataas na grade sa
subject niya.
Makalipas ang isang oras, muling nakatanggap ng text si Sir
Cariaso. ‘Sir, nandito na po ako sa
harap ng bahay niyo.’
Uminom muna ng isang shot ng vodka ang propesor bago nagtungo
sa pintuan at iwelcome ang bagong biktima ng kamunduhan niya. Tanging pulang
bathrobe na lang ang suot niya at wala nang suot na kahit na anong panloob.
Handang-handa na talaga siya!
Ngunit sa pagbukas niya ng pinto, may isang bagay siyang
hindi napaghandaan.
Isang kutsilyo na tumuhog sa kanyang tagiliran.
Agad na humandusay sa sahig ang matanda at umubo ng dugo.
Kung kanina ay ang suot niya lang na bathrobe ang kulay pula, nabalot na rin ng
pulang dugo niya ang sahig. Buhay pa rin naman siya ngunit sa mga oras na yun,
‘di na rin naiwasang pumasok sa isip niya ang salitang ‘kamatayan.’
Nagsisigaw pa si Sir Cariaso sa pagbabaka-sakaling marinig
siya ng mga kapit-bahay, ngunit binusalan ang bibig niya ng panyo at hindi na niya
nagawa pang makasigaw.
Humawak sa mga paa niya ang attacker niya at hinila siya
papasok ng bahay niya. Inundayan pa siya nito na saksak sa magkabilang hita
para hindi na makagapang pa palayo.
“Hmmm! Hmmmmmm—!”
Kahit walang salitang lumalabas sa bibig niya ay mamahalata
sa mga mata niya ang matinding takot. Umiiyak siya sa sakit at nagmamakaawa na
sa isip niya.
Hindi makilala ang attacker dahil sa suot nitong triple-face
mask. Nakasuot din siya ng makapal na leather jacket at mga gloves, halatang
nag-iingat siya na walang makaalam sa kanyang pagkakakilanlan.
Habang pinaglalaruan nito sa kamay ang kutsilyong gamit sa
krimen ay nakuha pa nitong uminom ng isang basong vodka na inihanda kanina ng
matanda.
Hindi pa natapos ang pagliliwaliw ng attacker niya, nagtungo
ito sa office niya at tinignan yung mga test papers na hindi pa tapos markahan
ni Sir Cariaso. May dinampot itong isang papel at tila kakilala niya ang
estudyanteng nagmamay-ari nun dahil ang tagal niya itong tinitigan.
Nagawa naman nang idura ni Sir Cariaso ang panyong ibinusal
kanina sa kanyang bibig. Kahit nanginginig ay nagkalakas-loob na siyang
magsalita. “Si—sino ka ba? Anong
kailangan mo? Kung ano mang kasalanan ko sayo—”
Tila narindi naman ang attacker sa boses ng matanda. Agad
siya nitong nilapitan, kinuha yung bote ng vodka at ibinuhos ang laman nun sa
mga sugat ng matanda. Nanginsay sa hapdi ang matanda at muling nagsisigaw.
Para patahimikin siya, muli siyang sinaksak ng attacker niya at
sa bandang mukha na. Mula sa kaliwang pisngi, nahagip ng kutsilyo ang dila niya
at saka tumagos sa kabilang pisngi. Nang muling tanggalin ang kutsilyo ay
nag-iwan ito ng madugong butas sa mukha ng matanda.
Hindi na nagawa pang magsalita ni Sir Cariaso. Lumuluha ito
habang humihiling sa isip na sana’y patayin na lang siya agad kaysa pahirapan
pa ng ganito.
Ipinakita naman sa kanya ng attacker ang test paper na kanina
pa nitong tinitignan. Nabasa na ng malinaw ni Sir Cariaso ang pangalan na
nandun sa papel. Pangalan yun ng estudyanteng nabiktima niya kanina.
Alam na ngayon ng matanda ang dahilan kung bakit siya
pinahihirapan ngayon. Pinaparusahan siya. Sumenyas pa nga ang attacker niya na
parang sinasabi na maling babae ang napili niyang biktimahin. Ngayon ay lubos
na itong pinagsisisihan ng propesor.
Gamit muli ang kutsilyo, hiniwa ng attacker ang balat ng
matanda. Mula sa kanyang dibdib patungo sa kanyang pagkalalaki, walang
pagdadalawang-isip na pinutol ang kanyang ari.
Tanging ungol na lang ang nagawa ng propesor. Ipinasubo pa sa
duguan niyang bibig ang parte ng katawan niyang iyon na dati ay nagdudulot sa
kanya ng saya.
Dahil doon kaya nabulunan ang matanda at hindi na makahinga.
Pilit siyang dumudura at umuubo, pero tila ba nalulunod na siya sa sarili
niyang dugo. Kahit ang ilong niya’y natatakpan na rin ng dugo.
Ilang segundo pa ang lumipas, tuluyan nang nalagutan ng
hininga ang manyak na propesor ng NEU.
Bago naman umalis sa crime scene ang suspect na nagtatago sa
kanyang triple-face mask, ni-ransack niya muna ang buong lugar at saka umalis
na satisfied sa nagawa niyang misyon. Ang maghigante sa minamahal niya.
= = = = =
Kinabukasan, sa apartment ni Richelle.
Wala siyang plano na gumising ng maaga, pero napabangon pa
rin siya dahil maaga ring nangatok si Shane. Nang pagbuksan niya ito ng pinto,
nakapantulog pa si Shane pero ang mas nakakagulat ay nakasuot din ito ng apron.
May bitbit pa itong isang kaldero ng paborito niyang pagkain.
“Ano yan?”
“Yung paborito mo,
arroz caldo.”
“Alam kong arroz caldo
yan, pero bakit ka may ganyan?”
“Anong tingin mo?
Ninakaw ko ‘to? Syempre nagluto ako!”
“Hindi ka naman
nagluluto ah. At tsaka saan ka nakakuha ng mga sangkap?”
“Namili ako kagabi dun
sa 24/7 na convenient store.”
Dumirecho na sa loob ng apartment si Shane. Hindi na nito
pinansin ang nagtataka at hindi pa rin makapaniwalang reaksyon ni Richelle.
Agad na niyang inihain ang pagkain sa lamesa at, “Ano pang tinutunganga mo, Iche? Mamumog at maghilamos ka na para
makapag-almusal na tayo. Maaga tayong pupunta sa university ngayon.”
Natigilan bigla si Richelle. “Ayoko munang pumasok ngayon.”
“Hindi pwede.”
“Ayokong makita si Sir
Cariaso!”
“Hindi mo siya
makikita.”
“At paano mo nasabing
hindi kami magkikita? May klase ako sa kanya mamaya.”
“Hindi kayo magkikita
dahil magpapa-change na tayo ng schedule mo. May kaibigan akong student assistant
para i-assist tayo. Wala ka nang dapat ipag-alala.”
Na-touch si Richelle sa mga sinabi at ginagawa ni Shane para
sa kanya. Maswerte talaga siya at may best friend siyang kagaya nito. Higit sa
lahat, masaya siya na sila ang magkasama sa panahong katulad nito.
“Salamat Shane.” Nakangiting sabi ni Richelle at isang
maaliwalas din na ngiti ang itinugon ng kaibigan.
Nagmumog na siya at naghilamos para mapagsamahan na nila ang
almusal na hinanda pa mismo ni Shane. Ngayon lang nalaman ni Richelle na
masarap palang magluto ang kaibigan.
End of Chapter 6
Garbey yung ginawa nung killer! Huhuhuhu. Feeling ko tuloy si Zenn yun, na nakasunod kay Richelle tapos nakita yung nangyari. Pero nakakalito eh Huhuhuhu. Ate Aegyo, may pictures po ba kayo ng characters? Hehehe.
ReplyDelete~AnnaBanana
Rereading... Ang galing niyo po talag Ate Aegyo! ✨💖
ReplyDeleteKaso po mas nauna pa to natapos kaysa sa Anime Love Affair 😢 Namimiss ko na sina Yuki Jezryll at si Dong Hae na nakalimutan ko ang character name 😆