Wednesday, March 5, 2014

Captive by His Sinful Charm: Chapter 1




Captive by His Sinful Charm
Chapter One
Virgin

            “In the beginning, business computers were used for the practical business by computing the payroll and keeping track of acounts…”

“Hindi mali eh!” 



“…as I was saying awhile ago, it keeps to track the acounts of payable and recieva—“

“Waah! Huhuhu! Bakit may mali?” Napakamot ako habang nakakunot ang noo. 

“Recieva—“

“Panget talaga! Wah!”

“Ms. Marquez!” Napalingon ako kay Ms. Khan, namumula ang mukha at naniningkit na ang mata, kulang na lang ay umusok na iyong ilong sa galit. Hala, anong nangyari sa kanya? May sakit ba siya?


“Po?”

“Would you kindly explain to me what’s wrong about my discussion?”

Napakamot ako sa ulo ko. Hala, wala naman akong sinabi ah? May sayad ba siya sa utak?
“Wala naman po akong sinabi po ah.” I pouted. Totoo naman iyon eh. kasi abala ako sa pag-design sa bagong design ng baby doll ko at tsaka hindi naman ako nakikinig sa kanya ah, so, bakit niya ako tinatanong n’yon?




“Playing dumb are we, Ms. Marquez? kung inaakala mo madadaan mo ako sa pagpapa-cute pwes nagkakamali ka! If you don’t like my discussion ay mas makakabuti pa na umalis ka sa klase ko. At…” Napadako ang mata niya sa hawak ko na baby doll. “And you are not allowed to play your doll especially during my lecture time!” Biglang hinampas niya ang kamay sa kanyang mesa.

Muntik ko na ikinalundag iyon sa takot. Waah! Nakakatakot ang bagong teacher! Dragon! At ki-kidnap-in niya ako at dalhin sa pinakatuktok sa kastilyo! Waah! 

Naramdaman ko ang pag-iinit ng mata ko, nagbabanta ng mahulog ang mga luha. 

Narinig ko pa iyong bulungan ng mga classmate ko. 

“Hala, paktay iyang bagong teacher!”

“Paktay talaga!”

“And you two! Will you stop whispering? Ano—“

“Waaah! Ahhh! Waaah!” Pumalahaw na ako ng iyak, waah! Ang sama-sama ng bagong teacher! Isusumbong ko siya sa tito ko! “Waah! Isusumbong kita kay tito! Inaaway mo ako!”

“Ms. Marquez! Pinagsasabihan lang kita, it is not right for you to interupt a teacher while she was discussing. At hindi ba ang rule dito sa paaralan na bawal maglaro ng laruan `pag may klase? And you’re not a five years old kid to play a doll! For god’s sake, how old are you anyway? 17? 18?”

Mas lalo akong pumalahaw at tumakbong palabas ng classroom bitbit ang laruan ko. “Isusumbong talaga kita kay tito! Bruhang dragon! Waaah!”

Ang sama-sama niya! (TT_TT) dinadamay niya ang anak ko, hindi ko kaya pwedeng iwan si Baby doll kasi malulungkot siya. Wah! Kahit laruan `to may sintimental value naman `to. Regalo kasi ito ni daddy noong five pa ako at tinuring ko `tong anak kasi gusto ko. Wala naman kasing mommy at daddy si baby doll eh kaya ako nalang tumayong mommy niya. 

Dumiritso ako sa President Office at hindi man lang ako nagpaalam sa secretary kasi naman malakas ako kay tito. “Tito!!!!!” Tawag ko kay Tito Steffan, malaking tao siya at kung hindi mo siya kilala sa personal ay baka manginig na kayo sa takot kasi naman mukhang suplado si Tito Steffan eh. Nakakabatang kapatid siya ni mommy, nasa edad twenty eight pa at single din.

“Oh pamkin!” Tumayo siya sa swivel chair tas sinalubong ako ng yakap. “Anong ginagawa mo dito, di ba may klase ka?”

*sniff* Tito! Inaaway naman po ako nung bagong teacher eh! Pinagbabawalan ako na dalhin si Baby doll! Waaah!”

Kumunot ang noo niya. “Tahan na, pamkin, ako na ang bahala sa kanya, pagsasabihan ko siya na huwag kang pagalitan dahil kung hindi ipapatanggal ko siya sa trabaho niya.” 

“Ayoko po sa kanya.” Nanghaba ang nguso ko. 

“I know you don’t like her but please bare it for now dahil kailangan-kailangan natin ng guro ngayon. Wala kasi akong oras para maghanap ng guro dahil bibisita kasi dito ang sponsor ng school na `to next week.”
“Oh sige na nga pero! Bilhan mo ako ng velvet violet cake!”

***

            Nang matapos na iyong usapan namin ni Tito Steffan ay masaya na uli ako kasi paggagalitan niya si Teacher Khan eh!

(> 3 <) 

Kainis naman siya eh, nakakatakot! Sa pagkakaalam ko matandang dalaga siya kaya ganun siya o kundi naman kaya ay menupause na iyon kaya ganun n alang ang ugali. 

“Virgin!!!” napalingon ako sa tumatawag sa akin, oi, hindi Virgin pangalan ko ha! nickname lang iyon, cute di ba? hindi ko nga alam kung bakit iyon tawag sa akin ng best friend ko na si Dianne eh. Virginia kaya ang pangalan ko. Virginia Marquez, at kahit hindi halata sa hitsura ko ay eigteen years old na ako at kasalukuyan kinukuhang HRM. Ang totoo niyan ay pangarap ko lang maging housewife at pagsilbihan iyong soon-to-be-husband ko pero dahil gusto ni tito na mag-aral ako ng kolihiyo kahit wala naman akong amor para doon ay kinuha ko nalang. 


So back to her, kaibigan ko siya since elementarya bagong salta lang kami dito sa bayan na `to. Iyon lang. Vow.

Kumaway ako kay bessy. “Hi! Did—aray! Waaah!” Nang makalapit na kasi si bessy ay agad niya akong binatukan. Waah! Child abuse na `to! “Baaakiiit mo akoooo waaah! Binatukan?”

“Ikaw naman kasi! Ano `tong nabalitaan ko na isinumbong mo iyong bagong teacher sa tito mo?”

I pouted my lips. Niyakap ko mahigpit iyong doll ko. “Kasalanan naman niya eh! inaaway niya ako! Tinatanong niya sa akin na kung anong mali sa pag-discussed niya eh wala naman akong sinabi sa kanya na may mali. Abala kaya ako sa pag-design sa bagong damit ni baby doll ko pero iyong design ko kasi panget kaya nagsalita ako ng mahina na ‘mali at chevarlo na hindi ko maalala’.” Kinurot niya ang gilid ko. “Aray! Why! Why! Child abuse na `to!”

“Shut up! You big baby! Eh kaya naman pala nagalit sa`yo kasi nagsasalita ka habang dinidiscuss eh malamang iniisip niya na siya iyong sinasabihan mo na mali o ano pa iyong sinabi mo!”

(TT_TT) Katakot talaga ang best friend ko. Pinagbabantaan ko na nga siya na isusumbong ko siya sa DSWD dahil sa pagiging abusive niya sa akin eh. 

***

DIANNE’S POV

            Addict talaga `tong si Virginia! Pano ba ako naging kaibigan niya eh isip bata. Oh well, kung titingnan naman sa physical na kaanyuan mapapagkamalan tala `tong first year high school dahil sa taas niyang 4’9” at higit sa lahat ay baby face `to. Madaming teacher na napapatalsik dahil sa kanya at iisa lang ang dahilan. Pinapaiyak kasi siya ng mga `to. Eh kasalanan naman talaga niya kung ba’t napapagalitan `to eh at ito namang tito niya, dahil paboritong pamangkin niya si Virginia kaya napaka-over protective. Kaya namimihasa na ang babaeng `to eh. 

By the way ako pala si Dianne Guzman, 18 years old at kasalukuyan na kinukuhang kurso ay Business Management kaya di kami mag-classmate. 

“Waaah! Ang sama mo! Waaah” Tinakpan ko ang tenga ko dahil palakas ng palakas iyong iyak niya. And there’s only one thing na magpapatigil sa kanya sa pag-iyak! 

***

VIRGINIA’S POV
            “Ang sama-sama mo! Hindi na kita kaibigan!”

“Ah ganun?” Pinagtaasan niya ako ng kilay. 

Tumango ako. Tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad palayo sa akin. “Okay fine! Di na tayo magkaibigan, sayang naman ililibre sana kita ng ice cream. Sayang talaga!”
Ice cream? ( * o * ) Hinablot ko agad iyong laylayan ng damit niya para pigilan. 

“Wag naman, di na ako galit sa`yo~ ( > 3 < ) batsa ilibre mo ako ng ice cream.” Kumikinang na iyong mata ko dahil excited na akong makakain ng ice cream! Yey! Libre niya!
*
Dahil wala naman kaming pasok ngayon ay doon na lang kami pumunta sa bagong bukas na mall, may ice cream shop doon eh tsaka gusto ko matikman ang ice cream nila. 

“Hawakan mo nga `to sandali ang ice cream, Virginia, kukunin ko lang iyong purse ko sa bag ko.” 

Dahila abala ako sa kakatingin ng display `di ko narinig iyong sinabi niya, binalingan ko iyong hawak ko na ice cream. Oi ice cream! Yey! 

Sinimulan ko nang lantakin iyon ng bigla akong binatukan ni Dianne. Kaya napamudmod iyong mukha ko sa ice cream. (TT ^ TT) Child Abuse! 

“Didi naman eh! waaah!”

“Bakit mo kasi kinain iyong melon ice cream ko! Alam mo ba iyan na lang ang last kasi wala na silang stock bukas pa darating iyong stock nila! Paborito ko iyan eh!”
*Sniff* kasi naman eh! ibinigay mo sa akin `to, alangan naman na hindi ko kakainin. Sabi ni mommy `di ko dapat sayangin ang bigay ng diyos.” Sabi ko, sabay himas sa ulo ko na may bukol na ata. Ang lakas kasi niyang mambatok eh.

“Sinabi ko kanina na hawakan mo sandali iyong ice cream, nakalimutan mo ba na strawberry iyong order mo?” Pinakita pa niya sa akin iyong hawak niyang ice cream na kakabigay palang ng attendant. Oo nga `no? Ice cream pala iyong order ko, akala ko sa kanya iyon eh! hehehe! “Hay! Di bale na nga! Sa susunod makinig ka naman sa sinasabi ko.” Yamot na sabi niya. 

“Galit ka ba?”

“Ay hindi! Galit lang.”

Wew. Hindi naman pala siya galit eh. Ito talaga, mahal siguro niya ako kaya nakayanan niyang pagtiisan ako. Pagkatapos namin kainin `yong ice cream ay niyaya niya pumunta sa department store, titingin lang daw kami kung may bago bang damit. 

Hindi pa nga kami nakarating doon ay may nakaagaw sa attention ko, isang malaking white teddy bear with red tie on his neck. 

Nilapitan ko iyon. “Didi! Tingnan mo oh, ang cute ng teddy bear.” Iwinasiwas ko pa iyong kamay ko sa likod pero nang pakiramdam ko na wala akong kasama ay lumingon ako sa likod. 

Waah! Nawawala si Didi!  Anong gagawin ko? Pupunta ba ako sa broadcasting room o sa lost and found section? Waah! Nawawala si Didi! ( TT o TT) beinte pesos lang ang meron ako dito sa bulsa, di ko din alam kung anong jeep iyong sasakyan ko, at mas lalong hindi ako makapag-taxi kasi malaginto iyong presyo niyon eh. Mayaman ang tito ko pero ganun pa man kunti lang ang binibigay na allowance kasi naman pinagbawalan siya ni mommy na bigyan ako ng malaking allowance kasi…kasi mauubos ko lang daw sa pagbili ng walang silbing gamit sabi niya kahit hindi naman. Wah!
And the worst is, kahit na makauwi pa ako sa amin ay nawawala si Dianne! Pano siya makakauwi? 

“Waaah! Didi! Dianne! Where art tho? Baby doll… *Sniff* Nawawala si Tita Didi mo. Wah! Wala pa naman iyon sense of direction.” I pouted my lips and face my baby doll. 

***

DIANNE’S POV

            “Sumunod ka sa akin, Virginia, dahil naku! Malilintikan talaga kita sa akin dahil wala ka pa naman sense of directio…” Nang mapansin ko na walang nag-iingay sa likod ko ay lumingon ako. At ganun na lang ang panlalaki ng mata ko nang ma-realize ko na hindi pala sumusuno sa akin si Virginia!

( = __ = ) “Virginia naman eh!” ang sarap talagang kutusin ng babaeng iyon! Sa pag-sunod lang sa akin di na ginawa! Ah! Saan nagpupunta ang kutong lupang iyon? Patay ako nito kay Tita Kallia eh!

“Attention! Attention all the shoppers po!” 

( . _ .  )

Lahat kaming mga shoppers dito sa loob ng mall ay napahinto sa paglalakad at kung anong-ano ginawa n`ong magsalita iyong speaker. Kasi naman batang boses iyong narinig namin. At teka bakit masama ang pakiramdam ko? 

“Ah bata—“

“Huwag ka pong sumingit. May gusto lang po akong hanapin eh! kulit mo!”

Shit!

“Ehem! Alilalalala! Ehem! Ehem! Dinig niyo na po ba? ay, tange oo nga naririnig pala ninyo hehehe! Pasensiya na!.” Napatawa iyong mga tao dito. Pinagpapawisan na ako. Sana naman hindi siya iyan at kung ganun man ay sana hindi iyong iniisip ko ang gagawin niya. “Gusto ko po sana pakihanap po iyong best friend ko. Kasi po wala siyang sense direction po eh, matangkan po siya, maputi, nakasuot ng violet rim eye glass, curly iyong hair at nakasuot ng t-shirt na barney print. Please lang po! Waah! Nawawala kasi po siya. Dianne Guzman po, 18 years old.” 

Double shit! Pinagtitinginan na ako ng ibang tao. Tinakpan ko ang mukha ko dahil hiyang-hiya ako! ako pa ngayon ang walang sense of direction eh siya nga tong nawawala eh!

“Amm…ano pa? er… iyon na lang po! Thank you po!” Nawala na iyong boses ay tumakbo ako patungo sa broadcasting room dito sa mall.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^