Wednesday, March 5, 2014

Captive by His Sinful Charm: Prologue




Captive by His Sinful Charm
© SorceressPrincess
Genre(s): Humor, Romance, Action, Suspense, Drama

Prologue

            Palingon-lingon ako sa paligid, gusto ko umiyak pero `di ako pwedeng umiyak dahil pinagbabantaan ako ni Kuya Charles na ipapatapon daw niya ako sa mount apo. Wah! Ayaw ko! Tsaka hindi ko din kasalanan kung ba’t ko na diskubre iyong sekreto niya! Huhuhu! Kasalanan niya dahil tanga-tanga kasi, nag-uusap ba naman sa kaibigan niya tungkol doon. Wah! 

“Virginia!!!”

Naku po! Nandiyan na siya! Anong gagawin ko? Pano ako makakatakas kay Kuya Charles eh ang laking tao niya idagdag pa iyong eight pack abs na `ni minsan hindi niya ako pinayagan na pisilin (Damot nga niya eh)! Eh ako? isa hamak na maliit na babae na walang kalaban-laban. End of my world na! pero bago ako mamatay sa kamay nang gwapong kuya Charles ko ay magpapaalam na ako sa baby doll ko, candies, at iyong alaga kong unggoy. Waaah! Hindi ko pa natitikman iyong maple syrup and french batter waffle na gawa ni Bessy! Waahh! Gagawan niya ako niyon ngayon eh! waah!

Tumalikod na ako tas akmang kukuripas palayo kay kuya Charles pero hindi pa nga ako nakaapat na hakbang ay nahawakan niya iyong beywang ko. 

“Waaaah! Wag niyo po akong ipatapon sa mount apo! Walang candies doon! Waaah! Kuya Charles naman eh `di ko naman alam na may pagka-shunga ka pala eh huhuhu!” Iyak ko. 

“You can’t fool me around, Virginia, how dare you trick me like that!”

Hala… Anong trick? `di ba trick iyong nasa perya iyong magician? `di naman ako magician ah!

“`di naman ako magician eh! pano kita e-trick eh wala nga akong alam sa magic!” I pouted. 

“Hindi mo na ako madadaan sa arte mo, aba, pinagmukha mo akong tanga!”

Umiyak na ako kasi…kasi sinisigawan na ako ni Kuya Charles. “Waaah! Wala naman talaga akong alam Kuya eh! huhuhu!” 

May narinig pa akong bulungan ng mga taong dumadaan. “Tsk. Sobra naman iyang kuya niya, ke lalaking tao pinapatulan pa iyong kapatid niya. Kawawa naman! saan ba ang magulang nila?”

“That was not I meant, idiot! Gee, why don’t you be serious for once? You’re already old enough yet you act like a five years old kid!” Binaba na niya ako at pinihit paharap, yumuko ito para tumingin sa mata ko. Waah! Ang gwapo talaga ni Kuya Charles, hindi ko alam pero parang hinihypnotize na ako sa kagwapuhan niya lalo na sa kanyang mata dahil din doon naramdaman ko uminit iyong magkabilang pisngi ko. Mommy! Malandi na po iyong anak niyo wah!

*Kamot Ulo* “Hindi naman ako umaacting na five years old ah. `kaw pa nga `tong umaacting eh!” I pouted at him pero ilang minuto ang nakalipas ay na-realize na iyon pala ang ibig niyang sabihin. Sabi na nga ba eh! Ang slow niya! `di naman talaga ako bata eh huhuhu! (TT_TT) eighteen na ako pero ba’t pinagkakamalan parin akong nasa elementarya? Porque ganito ako? waah! “Teka, kuya Charles, i-yon ba ang kinagalit mo sa`kin?” Pinakrus ko iyong kamay ko at mas lalong nanghaba ang nguso ko.

Kumunot ang noo niya. “May iba pa ba akong ikagalit?”

Nag-iwas ako ng tingin. (>___>) “Wala ah.”

Wew. Mabuti na lang hindi niya alam na alam ko ang kanyang sekreto. Kasi naman! patay ako kapag ganun! End of my world na! hindi ko pa nga natitikman lahat ng mga pagkain na gusto ko mamatay na ako. huhuhu! 

As in! nakakatakot siya! Daddy in heaven kailangan ko na po bang iwasan si Kuya Charles?  Pero kung hindi ko siya iiwasan at kapag nalaman niya na alam ko ang sekreto niya, pwede kaya humiling bago ako mamatay? 

Hihilingin ko sana na mahawakan at pisilin iyong abs niya! (*u*) 


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^