~ Chapter 2 ~
ALIKHA'S POV
"Baka may gusto sya sayo Allie! Like, nabihag mo sya sa kagandahan mo! Hahaha!" Kinikilig na sabi ni Iriz habang nakahiga sa kama ko.
Natawa ako sa sinabi nya while I'm closing my laptop. "Baka naman nagkakamali ka lang at hindi ako ang tinitignan nya? Maybe it was you~" I tease back.
"Psh. How I wish!"
"What are you girls on about?" Biglang bumukas ang pinto ng room ko at nakita namin si Reeve.
"Hey there, room crasher!" I blirt.
He rolls his eyes na ikinatawa ko naman pero binato nya ako ng dala nyang tinapay. Buti nasalo ko hoho~ Lumapit sya kay Iriz and gives her a quick kiss on the lips. Syempre habang sila naglalambingan dun as if hindi nila nakita ang isa't isa sa school kanina eh kinakain ko nalang yung dinala ni best friend na pagkain.
"So, ano na yung pinag-uusapan nyo kanina?" He asks.
"Eh kasi Babe, kilala mo si Slade Rythen diba? He was staring intently at Allie kanina sa school hahah." Sagot ni Iriz. Hindi talaga sya maka-get over. -.-
Nagtaas ng kilay si Reeve in confusion. "Why would he do that?"
"Exactly!" Sabi ko sabay point pa ng daliri sa kanya. Nakakapagtaka naman talaga.
Slade Rythen is a popular student sa school ever since nung first day na nag-transfer sya late last year. Dahil sa good looks at pagiging misteryoso nya kaya lalong naging curious sa kanya ang lahat. Walang nakakaalam kung taga-saan sya at hindi sya nakikipag-close sa iba kahit habulin sya ng mga babae. Madalang din syang umimik. Hindi kami magkakilala at never pa nyang inacknowledge ang existence ko pero masasabi ko talaga na sya na ang pinaka-gwapong specie na nakita ko. He's like an epitome of perfectness kahit na sa malayo ko lang syang natatanaw. Don't misunderstand me, hindi ako stalker nya ah! Hindi ko sya naging kaklase hanggang ngayon, pero coincidentally, sa lahat ng subjects ko, nasa kabilang room lang ang mga klase nya.
"Hoy Allie, wag ka basta basta lumalapit dun ah." Sabi ni Reeve.
"At bakit naman?"
"Oo nga~ Ang gwapo kaya nya, pwede ko na maging bro-in-law."
Sinamaan nya kami ng tingin kaya natahimik kami ni Iriz. "We don't know what kind of person he is. Masyadong syang misteryoso, pano kung mapasama ka dun? Basta wag ka bastang lumalapit sa kanya, you hear me?"
"Yes, Dad. I hear you Dad." :P Masyado syang protective lol.
***
Maaga akong pumunta sa school kinabukasan para sa early class ko for Eco. Pagkadating ng prof, agad na syang nag-lecture, masyadong excited eh -.-
Habang nakikinig ako at nakatingin sa harapan, naramdam ko na naman yung familiar na nakakakilabot na feeling. I know, someone is staring at me. I can feel it. Dahan-dahan akong tumingin sa gilid kung saan katabi ko ang bintana at parang lumukso ang puso ko nang makita kung sino ang nasa katapat ng room at nakapalumbaba sa table nya habang nakatingin sa akin. Slade Rythen.
He doesn't even budge kahit na alam nyang nahuli ko syang nakatingin sa akin. He is emotionless and I can't even tell kung anong iniisip nya. Nakatingin lang sa akin ang cold grey eyes nya, and I feel intimidated all of a sudden. As if some kind force has pulled me back to reality, ako ang unang umiwas ng tingin at binalik nalang ang atensyon ko sa harapan. Bakit ganun ang feeling? Nakakatakot sya kung makatingin. Sya ba ang dahilan kung bakit nakakaramdam ako ng kakaiba these past few days?
Nang mabaling na ang full attention ko sa klase, nagtaka ako kung bakit nagsitayuan silang lahat at mukhang lalabas na ng room. Eh? Saan sila pupunta? May isang oras pa ah.
"Bella, saan tayo pupunta?" Tanong ko dun sa ka-seatmate ko.
"Tsk, hindi ka na naman nakikinig 'no?"
Napangiti nalang ako at napakamot ng ulo.
"Pupunta tayo sa next class room, may project kasi tayong gagawin." She answers at nagmadali na ding lumabas. Ba't lahat ata excited? Oh, silly Allie, of course room yun nila Slade. Crap.
So ayun nga, nandito na kami sa classroom nila Slade. He's sitting at the very back side of the room at as usual, nakatingin sa akin. Hindi tuloy ako mapakali dito. Urgh!
"Look! Nakatingin sa akin si Slademylabs." Bulong nung nasa harap ko dun sa katabi nya.
"Anong sayo? Akin kaya!"
"Ilusyunada lang ang peg?"
"Talk to yourself!"
Hala, sige mag-away kayo dyan. Ako kaya tinitignan nya mga stupid. AHAHAH joke, pero totoo. Ano daw? -.-
"Okay, students. We've decided to join your classes together to complete your final project in this subject this semester. But first off, pair yourselves up." Sabi ni Mr Ricks.
Sino naman ang gagawin kong partner ko? Ni wala nga akong ka-close sa class na ito. Tumingin ako sa paligid at napataas ng kilay nang makita na halos lahat ng babae eh dinumog ang upuan ni Slade. Sa itsura nya, halatang naiirita sya sa atensyon na binibigay sa kanya and it takes a lot of self control para mapigilan ang pagtawa ko. HAHAHA nakakatawa kasi sya, parang hindi na nya alam ang gagawin XD
"Allie, pwedeng ikaw nalang maka-partner ko?" May isang lalaki ang lumapit sa akin.
Hindi pa ako nakakasagot eh may lumapit na naman; si Neil, classmate ko. "Be my partner."
"Pre, ako nauna."
"Ano ngayon?"
-___-
"This won't work." Narinig kong sabi ni Mr Ricks habang napapailing. Nag-usap sila saglit ni Mr Gonzales -- na professor ng kabilang class -- para pag-usapan ang kailangang gawin. Then after a few minutes, kinuha na nila ang atensyon ng lahat. "Dahil alam namin na wala tayong matatapos dito, we need to pair you up ourselves."
May protestang maririnig lalo na galing sa mga babae pero hindi sila pinakinggan. At ayun nga, nagsimula na silang mag-call out ng names. But then when he calls my name…
"Robles and Rythen."
Double crap.
***
Kinabukasan, naglakas-loob akong pumunta sa room ni Slade para mapag-usapan na namin kung anong kailangan gawin para sa project. May mga surveys pa naman kailangan tapusin at hindi ko yun magagawa mag-isa. To my disappointment though, wala ang hinahanap ko sa room nila. Nung tinanong ko kung nasaan, hindi din daw nila alam with matching masamang titig sakin nung mga babae. Pfft.
Nagikot-ikot na ako sa buong building pero hindi ko pa din sya makita. Saan ba nagpunta yun? Ang alam ko pumasok sya ngayon ah. Aish!
"Allie." Lumingon ako at nakitang papalapit si Iriz sakin kasama ang dalawa nya pang kasama sa Student Council. "Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang club practice?"
"Nag-leave muna ako dun para tapusin ang project ko. Ah speaking of, nakita nyo ba si Rythen?"
Nagtaas ng kilay si Iriz pati na din yung dalawang babaeng kasama nya. "So it's true?"
"Huh?"
"Totoo yung kumakalat na balita na ikaw ang naka-partner ni Slade Rythen?" Nag-twinkle yung mga mata nilang tatlo. Anong meron sa kanila? Mga weird. Tsaka, ano daw? Kumalat yung balita na mag-partner kami ni Slade? Walanjo ginawa pa nilang big deal -.-
"Hm.. I think nakita ko sya kanina na papunta sa may backyard." Sabi nung isang kasama ni Iriz. "I'm pretty sure na sya yun. Likod ba naman nya ulam na. Hihi~"
I smile at her. "Thanks! Try kong hanapin sya dun. Ge una na ko." At nagpaalam na nga ako para pumunta sa may hill side ng school.
Pagkarating ko doon, malakas na hangin ang sumalubong sakin dahil nga open field sya. Wala masyadong tumatambay dito dahil -- bakit nga ba? Ewan ko. Palinga-linga ako sa paligid pero wala akong Slade na nakikita. Tsk. Umupo nalang ako sa may bench sa lilim ng punong mangga habang tinititigan ang papel para sa project namin. Tinitigan ko ng maigi ang due date which is written to be submitted next week.
Naiirita na ako sa Slade Rythen na yan! Gwapo nga -- sya na ang epitome ng kagwapuhan pero napaka-iresponsable. Tinatakasan nya ba ako? Ang swerte naman nya kung ako lang gagawa neto. Hindi ako pwedeng bumagsak sa subject na 'to or else kailangan ko syang ulitin next sem. Grr!
Bigla akong napalingon sa likod ng bench nang may marinig akong kaluskos na nanggagaling sa may damuhan. Patuloy lang ang pagkaluskos nito kaya napatayo ako. Lalapitan ko na sana nang bigla itong tumigil kaya napatigil din ako sa paghakbang. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nung lumabas ng dahan-dahan ang nasa likod ng damuhan.
"Brix?!"
Nagbigay ng isang tahol ang maliit na aso na nasa harapan ko ngayon. I immediately knelt down in front of him. "Pano ka nakarating dito?" Tumingin ako sa paligid pero walang ibang tao ang nandito ngayon maliban sa mga naglalaro sa may tabing hockey field. Tumahol ulit si Brix at biglang tumakbo palayo. Tinawag ko sya pero patuloy lang ito sa pagtakbo kaya no choice ako but to run after him.
"Saan ka ba pupunta, Brix?"
To my relief, huminto na sya sa may lilim ng pinaka-malaking acacia tree. He is wagging his tail while staring at something above him. I look up at nakita ko ang isang studyante na nakahiga sa may mataas na sanga. His arm is resting over his eyes kaya hindi ko sya mamukhaan. Anong ginagawa nya dun? Paano sya naka-akyat eh wala namang kahit anong pwede mapag-akyatan na ganun kataas doon.
"Oy! Baka mahulog ka dyan!" Sigaw ko dito. Hindi naman talaga ako pakialamera eh. Promise, hindi.
Nakita ko syang gumalaw. Tinanggal nung lalaki yung kamay nya sa mukha at dahan-dahang umupo mula sa pagkakahiga. Agad naman nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang lalaking yun. Slade.
Naka-hang ang isang paa nya habang yung isa ay nakataas sa may sanga with his free arm resting on his knee. He's rubbing his eyes sleepily. How can he be so hot with just that gesture? Oh my God, something's wrong with me ><
Bigla naman akong para na-stuck sa kinatatayuan ko nang dumapo ang mga mata nya sa akin. Nanlamig ang buong katawan ko sa titig nya tulad ng nararamdaman ko tuwing tumitingin sya sakin. May napansin akong hawak nya at nanlaki ang mga mata ko nang ma-realise ko kung ano yun.
"H-Hoy bakit may hawak kang kutsilyo? Bawal yan ah!" Ang tanong ko at dali-daling kinarga si Brix.
Hindi sya sumagot at nakatitig lang sa akin. Lumipat ang tingin nya sa dibdib ko na ikinapula naman ng pisngi ko. Sasabihan ko na sana sya ng manyak nang ma-realise ko kung ano ang tinitignan nya. My necklace. Mula sa pagkakaupo sa sanga ay tumayo sya. Ako ang kinabahan para sa kanya. Pano nalang kung mahulog sya? Ang taas-taas kaya nun!
Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong may naramdamang kakaiba sa likuran ko. Agad na nanlamig ang katawan ko at parang nagsitaasan ang mga buhok ko sa batok. W-What's this horrible feeling?
"Don't move." Madiin na sabi ni Slade mula sa itaas.
First time kong marinig ang boses nya. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatakot dahil parang may warning talaga ang tono nito. Dahil marunong ako sumunod kahit minsan, hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang itaas nya ang kamay nya na may hawak na patalim.
"O-Oy anong gagawin mo dy--" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko eh hinagis na nya papunta sa akin ang patalim. Shit papatayin nya ako! I close my eyes really tightly habang kumakabog ng sobrang bilis ang puso ko. I'll die. I'll die.
Pero instead na tumama ito sa akin ay naramdaman ko ang sobrang bilis ng hangin nang lumagpas ito sa kinatatayuan ako. May narinig akong tunog ng pagtama sa likuran ko.
"Tss."
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nagulat nang makita ko na nasa harapan ko na ngayon si Slade. Tumingin ako sa itaas kung nasaan sya kanina at bumalik ulit ngayon kung saan cool na cool syang nakatayo habang nakapamulsa sa harapan ko. "P-Paanong--" then naalala ko na naman na hinagisan nya ako ng patalim. "How dare you throw that thing to me?! Gusto mo ba akong patayin, huh?!"
Tumingin ako sa likod ko para hanapin kung saan tumama ang kutsilyo pero kumunot ang noo ko nung hindi ko ito makita kahit saan. Saan napunta yun?
"Nasaan na yung kutsilyo?" Tumingin ulit ako kay Slade.
"It's called dagger, stupid." Bulong nung kausap ko.
Bubulong-bulong naririnig ko naman! "Anong tawag mo sakin? Stupid? Hoy kapal din ng mukha mo ah!"
"Ano?" Naiiritang sabi nya.
"Ang sabi ko ang sama ng ugali mo!" Sht ikaw na Allie! Sinisigaw-sigawan mo ngayon ang isang Slade Rythen. Kapag may nakarinig sayong fangirl nya, yari ang balat mo!
Humakbang sya palapit sa akin at napahigpit ang pagkakahawak ko kay Brix. OMG ang lapit-lapit na nya. Kitang-kita ko na talaga ang kinababaliwan sa kanya ng mga kababaihan dito sa school. Matangkad sya, yung skin nya hindi ganun ka-puti pero hindi din maitim; yung sakto lang. Malaki ang pangangatawan nya -- I mean hindi naman ganun kalaki na may pagka-hulk, ang eew kaya nun. Basta well-built ang muscles nya, yung yummy talaga sa paningin. His jet black hair ay tumatama sa eyelids nya -- nakakapandagdag sa misteryoso nyang pagkatao. Ang cool cool din tignan nung black cross shaped na earring na nasa kanang tenga nya. And his grey eyes - oh my, they are so alluring and intimidating~
Nakakainis! Dapat makasalanan ang pagiging ganito ka-perfect eh!
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa sobrang lapit na nya sa akin at kitang-kita ko na ang cold eyes nya?
Akala ko kung ano na ang gagawin nya ng bigla syang yumuko at magka-eye level na kami nang bigla itong ngumiti at pinat ang ulo ni Brix. Nanlaki ang mga ko sa ginawa nya. Pagkatapos nun, naglakad na sya palayo.
What was that? Slade Rythen did not just talk to me. I saw him smile! Dahil sa pagiging tulala ko at hindi pa masyadong nagpa-process ang mga nangyari sa ulo ko eh nakalimutan ko na ang talagang dahilan kung bakit ko sya hinahanap kanina pa. Yung project!
At dahil sa pagkagulantang ko sa unang encounter namin ni Slade, napagpasyahan ko na wag muna syang kulitin. Nakakatakot kasi talaga sya at nakakainis din! Hay, but anyway si Brix muna ang po-problemahin ko dahil hindi ko talaga malaman kung pano sya nakarating dito sa school namin.
Well, hindi sya pwedeng mag-stay dito sa school dahil bawal ang pets dito kaya kailangan ko syang maiuwi. Kinuha ko ang bag ko sa locker at nagmadaling bumalik sa may backyard ng school ground to cut class. Oh yes, I'm cutting class just for this puppy of mine. Dito kasi sa backyard meron akong secret lagusan para makalabas. Na-discover ko lang sya last week hihi~ Maliit lang ang butas at kasya ako since sexy -ahem- naman ako.. Buti nalang talaga maliit etong si Brix kaya kasya din sya sa butas. Since pagkabata kasi kasama ko na si Brix at ganito na talaga ang katawan nya, hindi sya lumalaki.
Pagkalabas namin ng school ground, nag-unat unat muna ako at nagpagpag ng kamay. Si Brix naman shinake ang katawan nya para matanggal din ang mga dumi sa balahibo nya. Kung hindi nyo na maitatanong, mas maarte pa tong alaga ko kesa sakin haha.
Nagsimula na akong maglakad so I whistled to get Brix's attention. Sumunod na sya sa paglalakad habang kinakalikot ko ang phone ko then I dialled Iriz's number.
< Oh sis, bakit napatawag ka? >
"Tatanungin ko lang baka may alam ka kung bakit nasa school si Brix."
< Si Brix? What? Nasa school si Brix? > Halata sa boses nya ang pagtataka.
"Oo eh. Pauwi na ko ngayon para ihatid sya. Hindi ko alam kung pano sya nakarating sa school but I have to get him home."
< Ganun ba. I asked Reeve na nandito sa tabi ko pero wala din daw syang alam. >
Paano nga kaya sya nakarating dun mag-isa?
Habang naglalakad kami, may nakita akong makakasalubong namin na dalawang babae sa harapan namin. One is a kid with her dark hair in two high pig tails at yung isa naman ay mukhang nanay nya; matangkad sya with dark purple long hair. I don't usually judge random people pero may kakaiba akong naramdaman bigla. Bigla akong natakot at hindi ko alam kung bakit.
Nang malampasan na namin ang isa't isa, umungol ng malakas si Brix at tumahol sa dalawang babae. Halos tumaas na ang mga balahibo nya at alam mong galit na galit talaga sya. Ngayon ko lang syang nakitang ganito.
"Brix! Uy tama na.."
< What's happening? > Muntik ko ng makalimutan na nasa kabilang linya pa pala si Iriz.
"Si Brix bigla nalang tumatahol eh. Sige hang up ko na 'to."
Dahil sa pagtahol nya, huminto yung mas matandang babae sa paglalakad at tumingin sa direksyon namin. Patuloy pa din sa pagtahol si Brix pero natigilan ako sa pagbabawal sa kanya nang makita ko ang mga mata nung babae. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero parang nawalan ng kulay ang dilaw nyang mga mata, and all of a sudden I felt something shot me from inside. Para akong na-paralise at hindi ako makagalaw.. nahihirapan akong huminga at wait—I really can’t move! Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko pero hindi ko magawa.
Naririnig na lalong galit na galit ang mga tahol ni Brix.
“Alciony.” May narinig akong maliit na boses at alam ko na galing yun sa bata.
Napansin kong nagbalik na sa dati ang mga mata nung tinawag nyang Alciony, and as if on cue, I gasp for air and put my hand over my chest. Naghahabol ako ng hininga na para bang nawalan ng oxygen ang buong katawan ko.
Nagsimula na ulit maglakad yung babaeng may purple ang buhok at yung bata.. nakatingin sya sakin na para bang enjoy na enjoy sya sa nasaksihan – maybe she really is. Pero ang nakapagpatayo sa mga balahibo ko sa katawan ay yung ngiti nya. She suddenly smiles and it’s not even cute, it’s totally scary! Nakakatakot at lalong nakapagpabilis sa tibok ng puso ko ay yung binulong nya bago sila umalis. Hindi ko alam kung pano ko ito narinig dahil medyo malayo sila sa amin pero alam na alam ko kung ano yung sinabi nya.
“Red Moon, till then.”
W-What the hell was that?!
“They are already starting.”
May narinig na naman akong boses na nakapagpagulat sa akin. I suddenly jerk around to see the owner of the voice. Dalawa sila – isang babae at isang lalaki na nakatingin kung saan naglakad ang dalawang babae kanina. Tinignan ko sila mula ulo hanggang paa. They are dressed so weirdly na para bang naka-costumes. Yung babae na medyo may kaliitan at maikling buhok ay may brown small cape, nasauot sya ng sleeveless top na hindi abot hanggang tiyan nya. She’s also wearing a short short with boots, meron din syang parang weapon belt dahil may nakasabit duon na isang patalim.
Yung lalaki ay may brown hair with long sleeved green top. May silver pauldron sya sa may bandang shoulder at madaming kung anu-anong parang black belts sa katawan nya pero ang talagang kapansin-pansin ay yung nakasabit sa likod nya na isang malaki at matabang patalim.
Napaatras ako sa takot. Hindi ko alam kung sino sila at baka katulad din sila nung mga babae kanina. Pero si Brix, napansin ko na kalmado na sya ngayon.. ibang iba ang reaction nya ngayon.
“Napaka-iresponsable mo talaga Eli! Paano kung natuluyan sya?” Biglang sigaw ng babae na syang ikinagulat ko pati na din nung kasama nyang lalaki.
“Pero hindi naman diba? Sabi ko kasi sayo hindi gagana ang kapangyarihan nya ng matagalan dahil sa suot nya ang armilla!” Sagot naman ng lalaki.
“Kahit na! You took the risk!”
“Bakit ako lang ba ang sinisisi mo? Tsaka kapag sumugod tayo agad agad, makakakuha tayo ng atensyon. Hindi ito ang tamang oras.”
Nagpalipat-lipat ang titig ko sa kanilang dalawang nagbabangayan ngayon sa harapan ko. Napatalon ako ng konti nang sabay silang tumingin sa akin? Damn. Should I run?
Ngumisi ng napakalaki ang babae at kinawayan ako. “Hi Alikha!”
“Greetings, princess.” Sabi naman ng lalaki sabay yuko bilang paggalang.
Kilala nila ako? These guys are weird. Ano ba meron sa araw na ito?
“S-Sino kayo?” Tanong ko.
“Do not worry. We are not here to hurt you but to deliver a message.”
“A message?”
“Hindi ko talaga alam kung bakit namin sinusunod yun—“ Panimula nung lalaki pero bigla syang pinutol nung babae.
“Tomorrow, after school magkita kayo ni Slade sa bus top, 3 blocks away from your school.”
“Huh?” Bakit nya naman ako pinapapunta dun? Tatanungin ko sana sila pero bigla nalang sila naglakad palayo. Kahit anong tawag ko sa kanila ay hindi na sila lumingon.
Weirdos.
long time no post! welcome back! ^___^
ReplyDeletei know TuT thanks ate cute ^u^
ReplyDeleteI hope na mapabilis pa sana ang update ni author. Maganda kasi ung story
ReplyDelete