Friday, March 14, 2014

Ethanica: The Sacred Key Within - Chapter 3

Chapter 3

Armilla



ALIKHA'S POV


“Sa pagpatak ng pulang buwan, mangyayari ang lahat. Sa pagpatak ng pulang buwan, matatagpuan ang sagradong susi na hinihintay ng karamihan.” Paulit-ulit na pagsabi ng boses na para bang isang mantra.



“Sino ka? Magpakita ka!” Nagpaikot-ikot ang aking mata sa madilim na kapaligiran pero isang boses lang ang naririnig ko.

Biglang may lumiwanag sa isang gilid. Isang pares ito ng mga mata na dahan-dahan nagbubukas. Kinilabutan ako nang makatitig ito sa akin at biglang nagbago ang kulay nito; pula. Unti-unti ko na din nakikita ang hugis nya. Isa syang babae na merong napaka-habang buhok. Mahaba ang damit na suot nya at napapalibutan sya ng pulang liwanag. 
Binuka nya ang bibig nya at may binulong.

“Eden Geist...”  



*KRIIIIIING (Alarm)


Binuksan ko ang mga mata ko at pinatay ang alarm clock. Umupo ako at hinawakan ang ulo. That dream. 

“Allie?” May katok mula sa pinto at nang bumukas ito, nakita ko si Iriz na naka-ayos na. “Hurry up! Hindi tayo masusundo ni Reeve may basketball practice sya kaya maglalakad tayo ngayon.”

Anong ibig sabihin ng mga panaginip ko? Bakit magkakakonekta silang lahat? Sa di malamang dahilan, bigla kong naaalala yung dalawang babae kahapon. I could’ve sworn na hindi sila mga normal na tao lang.

 “Allie? Huy!” Hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala si Iriz.

“Huh?”

“Are you ok? Pinagpapawisan ka.”

Pilit akong ngumiti. “I’m fine. Sige mag-aayos na ako.”



///


“Uy sa susunod na araw na yung dance competition diba?”

“Oo. Madami pupunta kasi napag-planuhan na gawin din tong parang school fes.”

“That’s cool! Ay alam mo bang may solar eclipse na mangyayari din sa araw na yun?”

“Yes! Napanuod ko sa news kaninang umaga. Once in a year din yung magka-eclipse I bet it would be so cool.”

Last period nalang ngayon, at habang nagsusulat ako ng notes naririnig ko ang mga pinag-uusapan nung dalawang classmates ko sa likuran. Kasali nga pala si Iriz dun sa dance competition kaya pupunta buong family namin dito sa school sa Friday para panuorin sya

 “Ah, after school punta tayong city!”

That reminds me, after school pinapapunta daw ako ni Slade sa may bus stop. Teka, sigurado bang kakilala nila si Slade? Pero binanggit nila ang pangalan nya kaya I’m sure kakilala nila sya. Bakit nya kaya ako pinapapunta dun?

Naalala ko yung nangyari kahapon. His image nung itapon nya ang dagger. Nakakatakot ang mga mata nya, parang anytime pwede syang pumatay. Bigla akong kinabahan sa iniisip ko. Should I go? 

Teka Allie ang nega mo naman ata? Hindi ka naman nya tinamaan, at wala naman din syang ginawang masama afterwards diba? Baka kaya nya ko pinapapunta dun ay para gawin namin yung project namin? Tama! That must be it!

Pagkatunog ng bell, agad na akong pumunta na ako sa locker at agad kinuha ang bag ko. Tumatakbo na ako sa hallway nang makasalubong ko si Reeve. 

“Bes, ba’t nagmamadali ka? May lakad?” Tanong nya.

“Oo eh. Makikipagkita ako kay Slade dun sa may bus stop.”

Agad nanliit ang mga mata nya nang marinig ang pangalan ni Slade. “Slade Rythen? Bakit kayo magkikita?”

I sighed. “Don’t worry bes, gagawin lang namin yung requirements namin okay? I’m sure nabalitaan mo na naman na sya ang partner ko. Wag ka na mag-worry. I’ll be fine. Laters!” Pagkasabi ko nun, agad na akong tumakbo palabas.

Nang makarating na ako bus stop, wala pa sya dun kaya umupo ako sa may waiting shed. 4 pm pa lang naman siguro na-late sa paglabas ng school. Naghintay ako nang naghintay at nakaka tatlong bus na ang dumadaan pero wala pa din yung hinihintay ko. 

Inis na inis ako ngayon. Niloko lang ba ako nung dalawang weirdos na yun kahapon?! Geez Allie, bakit kasi nagpapaniwala ka sakanila eh. Nakakainis!

Ikiniyom ko ang mga kamay ko at tumayo. Bahala na, aalis na ko dito. Mukhang wala naman din akong hinihintay. Muntanga nalang ako dito kakakahintay ng isang oras sa wala.

Naglakad na ako paalis nang bigla akong napatigil nung makita ko ang kanina ko pa hinihintay sa harapan ko ngayon. Pero unlike sa dati nyang image na malakas at nakakatakot, this time parang anytime soon ay babagsak na sya sa sahig. Nanliit ang mga mata ko nang mapansin ang hiwa sa kanang pisngi nya. Napaaway ba sya?

“S-Slade.”

Tinaas nya ang tingin sa akin at hindi ko alam kung bakit pero kahit na ganito ang kalagayan nyang nanghihina, nakakatakot pa din ang mga mata nya. It feels like he’s emitting an evil aura around him. 

Kasabay nang pagkislap ng hikaw sa tenga nya, nanlaki ang mga ko nang makita ko syang babagsak na. As if may sariling mga utak ang mga paa ko, tumakbo ako palapit sa kanya at sinalo ang kanyang katawan.

“Shit Slade okay ka lang? Anong nangyari sayo? Napaaway ka? Gusto mo dalhin kita sa ospital? Hala teka tatawag ako ng pulis.” Oh my god ang shunga Allie ambulansya diba? di ka naman dadalhin ng pulis sa ospital! 

Sa gitna ng pagpa-panic ko, nagulat ako nung marinig ko syang tumawa ng mahina. “I’m fine. I’m just…. hungry.” 

Alam nyo yung feeling na parang wala ka nang masabi dahil napaka-unexpected nung sinabi nya kaya ang lumabas nalang sa utak mo eh tatlong dots? Yup, as in; dot dot dot…




 Nandito kami ngayon sa malapit na restaurant. Nakaupo kami sa dulong table habang hinihintay ang inorder na pagkain para kay Slade. Tahimik lang kaming dalawa. Hindi sya nagsasalita at nakatingin lang sa labas ng bintana. Napatingin din ako sa labas at nakita na dumidilim ang kalangitan, mukhang may nagbabadyang malakas na ulan. Nako nakalimutan ko pa naman yung payong ko. ><


Nalipat ang tingin ko kay Slade na hanggang ngayon ay nakatingin pa din sa labas. Di ko mapigilan ang kilitasin ang panglabas nyang anyo. Naka-side view sya kaya kitang kita ang tangos ng kanyang ilong at mahahaba nyang eyelashes na medyo natatakpan ng kanyang magulong buhok. Makinis ang mukha nya at defined ang ang jaws. Sa messy dark hair at galos sa mukha nya, para syang isang gangster.  

Biglang kumalabog ang puso ko sa gulat nang mapatingin sya sa akin. Namula agad ako. Shit nakita nya akong nakatingin! Para akong tanga na nahuli sa isang krimen na nagawa. 

“Uhm.. ano yung sugat mo pisngi.” Sabi ko.

Hinawakan nya ito ng bahagya.

“Ah teka!” Hinalungkat ko ang bag ko at napangiti ng makuha ang isang band-aid. “Oh, ilagay mo sa sugat mo.” Sabi ko sabay abot neto sa kanya.

Tinaasan nya ako ng kilay habang nagtatakang nakatingin dun sa band-aid. Nahiya naman daw ako. 

“Sorry yan lang meron ako eh.” Pano ba naman merong design yung band-aid na kerroppi hahaha.

“Ano to?” Tanong nya.

“Band-aid, duh.”

Nagtataka naman syang tumingin dun. Sus, kung maka-react naman to parang hindi nya alam gamitin yun. Kinuha ko ito sa kanya ay tinanggal ang balat. I, then motion him to lean forward which he did, at nilagay ko dahan-dahan ang band-aid sa galos ng pisngi.

“Ayan! Okay na.” Ngumiti ako dito at pinagmasdan sya. Yup, a hot gangster. 

After nun, dumating na din sa wakas ang pagkain naming. Pinag-order ko sya ng noodle soup 
since di nya alam ang kakainin nya, ako spring rolls lang. 

“Meron pa po ba kayong gusto?” Tanong nung waitress samin na napansin kong nakatuon lang ang tingin kay Slade. 

“Wala na.” Ako ang sumagot pero hindi pa din naaalis ang tingin nya kay Slade as if hinihintay ang sagot neto. Bastos lang -.- “Ah miss, sabi ko wala na kaming kailangan. You can go now.” 
Ulit ko dito at sa wakas tumingin din sya sakin. Pagkaalis nya, di ko naiwasan mapansin ang pag-irap nya sakin. 

“Hay nako grabe talaga yung mga babaeng nagkaka-gusto sayo.” Sabi ko at nang mapatingin ako kay Slade halos lumuwa na ang mata ko nang makita ko syang nilalantakan ang noodles. 

Grabe! Di ko inasahan na ang isang cool na cool na Slade ay may ganitong side. Halatang gutom na gutom nga sya.

Di ko napigilang mapatawa kaya napatingin sya sa akin. Di lang pala basta tingin, he’s glaring at me. Creepy. 


“Dahan-dahan lang baka mabulunan ka. Oh tubig.” Inusog ko palapit sa kanya yung baso ng tubig.

Parang bigla syang nagulat habang nakatingin sa akin. I blink. “What?”


Nagkasalubong ang kilay nya at nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko ako lang talaga ang dada nang dada dito eh. Para tuloy akong baliw na kinakausap ang hangin. 


///


Please remind me kung bakit ulit ako nandito at kasama si Slade?

I was supposed to be here to do our project right? Pero kanina pa kami paikot-ikot dito at wala pa din kaming pinapasukang mga shops para gawin ang surveys. 


Napatingin ako sa kalangitan at madilim pa din ito. “Slade uulan na oh. Kailangan ko ng maka-uwi before ako datnan ng ulan! Huy nakikinig ka ba?” Humarang ako sa daraanan nya kaya wala syang choice kundi ang tignan ako. “We need to finish our project! Diba yun naman ang dahilan kung bakit mo ko pinapunta dito?” 


“We do not have time for that now.” Sabi nya na ikinagulat ko. Aba sa wakas nagsalita din sya! “They’re coming.” Mahinang saad nya pero narinig ko yun. 

Itatanong ko sana kung ano yung ibig nyang sabihin nang bigla kong maramdaman ang pagpatak ng ulan. Nagsitakbuhan na ang mga tao para sa masisilungan, ang iba naman ay handa at may dalang mga payong. Agad akong sumilong sa maliit na bubong  ng isang shop. 


“Aish! Eto na nga ba sinasabi ko eh. Wala pa naman akong dalang payong!” Sabi ko habang pinapagpag ang nabasa kong uniform. Nung tumingin ako kay Slade, nandun pa din sya at nagpapabasa sa ulan habang nakatingin sa kalangitan. “Hala uy Slade pumunta ka nga dito! Basang-basa ka na oh. Magkakasakit ka dyan.”

Nung magtama ang mga mata namin, hindi ko maiwasang hindi kilabutan. Ayan na naman; ang nararamdaman ko kapag tinititigan ako ng seryoso nyang mga mata. Parang… parang hindi sya isang ordinaryong tao.

Napalundag ako sa gulat nang kumulog na malakas at kasabay nun ay naramdaman ko ang paghigit ni Slade sa bewang ko. Napatulala ako sa nangyari lalo na nung makita ko ang isang arrow na nakatarak kung saan ako nakatayo kanina. Kumabog nang malakas ang puso ko. Kung hindi dahil kay Slade baka patay na ako ngayon.


“Alikha.” Narinig ko ang pagbanggit nya sa buo kong pangalan. “Run. Kahit anong mangyari wag kang lilingon. Pumunta ka sa may park, hintayin mo ako doon.” Napansin kong bumaba ang tingin nya sa necklace ko. 


“H-Huh?” Yun nalang ang lumabas sa bibig ko.



“Found you.” 

Sabay kaming napatingin ni Slade sa nagsalita. May mga lalaking naka-black hood ang nasa harapan ni Slade ngayon. Nakakatakot sila. Sila ba ang mga nakaaway ni Slade? Sila ang nagpatama ng palaso.

Nanigas ako nang tumingin sakin ang pinaka-leader nila. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ko ang mga dilaw nyang mga mata. Napaka-familiar, parang nakita ko na yan. 


“Alikha Wayne, the Keeper.” Nakangiting saad nito.


Agad nag-flashback sakin yung dalawang babaeng nakasalubong ko kahapon. That long-haired girl na may dilaw na mga mata. 


“Now, run!” Biglang sigaw ni Slade.

“P-Pero..” Iiwan ko sya dito? Sya lang mag-isa at ang dami nila! I can help him. With my skills I’m sure I can help him. 

Matalim nya akong tinignan. Ewan ko pero may parang nagsasabi talaga sakin na kailangan ko syang sundin. Damn it, bahala na nga. 

“Slade, be safe.” Sabi ko at agad nang tumakbo paalis. 

“Sundan sya!” Narinig kong sigaw nung leader ng mga lalaki pero may narinig ako isang malakas na pagsabog. 

Wag kang hihinto Allie. Wag kang lilingon. 


Sa bawat hakbang ng mga paa ko parang lalong lumalakas ang ulan. Napansin ko na walang mga tao sa paligid. Bakit ganun? Nasaan ang mga tao? Nakaramdam ako ng takot. Sa gitna ng ulan, mag-isa lang ako. I shook my head. Kahit anong mangyari kailangan kong makarating sa park na sinasabi ni Slade.



***

THIRD PERSON’S POV


“Tsch. So it is true that the legendary aloof Black Demon is helping the kingdom of Cyril.” Mapaklang saad ng lalaking tumatayong leader ng mga lalaking naka-itim ang hoods. “Bakit mo sila tinutulungan? Ano ang makukuha mo mula dito?”

Unti-unting tumaas ang sulok ng labi ni Slade; isang malademonyong ngisi ang ibinigay nito sa kaharap. “You sure talk too much, ain’t ya?” Pagkasabi nya nito, lumiwanag ang nasa itaas ng dibdib nya at unti-unting lumalabas ang pulang marka na kinakatakutan ng lahat; the head of the demonic wolf.

Ikinuyom ng lalaki ang kamao nito at tinanggal ang hood sa ulo. Inis nitong tinignan ang mga kasamahan. “Ano pang hinihintay nyo?! Take him down!” He growls. Nilabas ng mga iba pa ang kani-kanilang espada at sabay-sabay na lumusob.

Lalo lumaki ang ngisi ni Slade. Hindi sya makapaniwala na etong mga mahihina na ito ang ipinadala para lusubin sya. Sa mata nya parang nagiging slow motion ang mga galaw nila kaya walang kapagod-pagod nyang iniwasan ang bawat hampas ng espada ng mga kalaban. Para syang isang hangin sa sobrang bilis. 

“Nasaan ang Black Demon?!” Nagbulung-bulungan ang mga Adoyans habang tumitingin sa paligid dahil sa biglang pagkawala ng kanilang target.

Nakarinig silang lahat ng malamig na tawa mula sa taas. Pagkatingala ay nakita nila ang Black Demon na nasa itaas ng bubong. His bloodlust eyes are staring down at them as if they are his preys. Paano sya nakarating doon? Hindi nila alam. As expected to the legendary Black Demon.

Slade licks his lips; excitement is roaring inside his body. He’s forbidden to kill ordinary humans, but the guys in front of him are not normal.. He can’t wait to kill all of them. Every single one of them; all Adoyans he sees in front of his eyes. “Shall we start the fun?” 


***

ALIKHA’S POV


Hinahabol ko ang aking hininga nang makarating ako sa park na sinabi ni Slade. Nakahinga ako ng maluwag na walang nakasunod sa akin. Sana ayos lang dun si Slade, ang dami nung mga lalaki kanina. Should I call for help?


“Alikha!” 

Lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko at nandun ang babae at lalaking mga kaibigan ni Slade na nakita ko kahapon. Tumakbo ako palapit sa kanila. 

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. Nag-iinit din ako sa loob, para akong nanghihina. Hinawakan ko yung damit nung lalaki. “S-Si Slade nasa panganib! Tulungan nyo sya!”


“Teka, huminahon ka.”

Nagkatinginan silang dalawa.


“I’ll go check on that guy, stay with her.” Sabi nung lalaki.


Paalis na sana sya nang biglang may naghagis ng patalim na mukhang crystal sa paanan nya. I gasp in surprise nang maglaho ito. Hinigpitan ng babae ang hawak nya sa balikat ko na para bang handa na syang protektahan ako sa kahit na anong panganib. 


“Hm? You all look so serious. Did you not like my greetings?” May isang babae ang lumabas mula sa malaking puno with an amused grin on her face.

Sya yun! Sya ang babaeng mahaba ang buhok na kasama ng bata kahapon. That woman na may dilaw na mga mata and who somewhat paralysed my body. This time, hindi na normal ang suot nya; para na syang naka-costume. Nakasuot sya ng parang pang-vampire cloak at nakatirintas ang mahaba nyang buhok. Meron syang hawak na baton na may dark crystal sa dulo and for some reason, nagliliwanag ito.


“Adoyan.” Galit na saad nung lalaki habang tinitignan sya ng matalim.


“Ah yes, how rude of me. Alciony is the name, an Adoyan.” Makapanindig balahibo ang ngiti nito lalo na nung magtama ang mga mata namin.


“Wag kang lalapit sa kanya.” Nagulat ako nung nilabas nya ang malaking esdapada nya.


Tumawa si Alciony pero mas ikinagulat ko nang may kung anong patalim na parang pang-ninja ang biglang sumaksak sa tyan nya. Oh my god! Yung babaeng katabi ko ang gumawa nun.
Nanlaki ang mga mata ko ng biglang magliwanag si Alciony at bigla itong naging kahoy. W-What the heck?!


“A decoy, tss.” The guy said.


What are these people? Hindi man lang sila nagulat sa nangyari! Humarap silang dalawa sa akin kaya napaatras ako. There’s something off. Hindi sila normal. Now that I think about it, iba talaga ang pananamit nila, may mga espada, patalim at kung anu-ano sila. At higit sa lahat, did I just witness some kind of sorcery kanina?


Ahhh! Allie kung nanaginip ka, please gising gising na! 


Lalong nag-iinit ang katawan ko lalo na sa may bandang dibdib kung nasaan ang kwintas.


 “Alikha, wag kang matakot samin hindi ka namin sasaktan.” Malumanay na sabi nung babae.


“S-Sino ba talaga kayo?” It’s not a freaking dream!

“I am Moira and he is Eli.” Turo nya sa lalaki na ngayon ay nakakabit na ulit ang espeda sa likuran. “Nandito kami para protektahan ka.”

Naguguluhan ako. Anong pinagsasabi nila? Bakit nila ko kailangang protektahan?


“Alam namin na naguguluhan ka, kaya ipapaliwanag namin ang lahat sayo. But before that…” May kung anong pagkumpas ng kamay ang ginawa ni Moira at nagbanggit ng kung anong language na hindi ko maintindihan, “Tecta victus.”


 Napa-O shape ang bibig ko nung hindi ko na maramdaman ang patak ng ulan. Nasa parang invisible ball kami na iniiwasan mismo ng tubig. 


“P-Pano mo nagawa yun?” Tanong ko sa kanya. Wizard ba sya? Yung mga nababasa ko kasi sa mga libro ganun eh. May babanggitin na spell tapos boom! Waah cool!

Nahihiya syang ngumiti sa akin. “Just a simple spell, although I’m just a beginner.”


Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Hindi ito panaganip. Totoo ito. 


Humarap si Moira kay Eli. “Bago ang lahat, kailangan nating hintayin si Slade.” 


Pagkabanggit nya ng pangalan ni Slade, I desperately grabbed her arm. “Si Slade! Ang dami nung mga lalaki kanina, mag-isa lang sya. Tulungan nyo sya!”


“Wag kang mag-alala sa kanya. Kayang kaya nya mga yun.” Sabi ni Eli. 

“P-Pero..”

“Tss. Stop making a fuss.” 


Lumingon kaming lahat kung saan nanggaling boses. Hindi ko alam kung pano sya nakarating dito nang hindi ko napapansin pero nawala ang naramdaman kong kaba ngayon na ligtas sya. Pero kumunot ang noo ko nang mapansin kong madaming dugo ang nasa white long-sleeved polo nya pati na din sa mukha.


Tumakbo palapit si Moira sa kanya na halatang nag-aalala. “Slade, are you hurt?” Tanong nito. 
Pero hindi sya pinansin ni Slade at nilagpasan lang. He’s rude and it’s scary how his eyes turned into deep black. 


“Alikha Wayne, give me the armilla.” He demanded.

“Slade!” Eli said with a warning tone in his voice. 

Wayne? Yun din ang tinawag sakin nung lalaking naka-hood kanina. Robles ang apilyido ko! Tsaka ano bang armilla ang sinasabi nya? Sa di malamang rason, napahawak ako sa nag-iinit kong kwintas.

“S-Slade, may dugo ka sa pisngi.” Di ko alam kung bakit pero yun nalang ang nasabi ko. Halatang nagulat sina Moira at Eli pero mas lalong nagdilim ang aura ni Slade at pinunasan ang dugo sa pisngi nya. Ah, hindi sa kanya yun dugo. Ano kayang nangyari dun sa mga lalaki?


“Give it to me otherwise I’ll take it by force.” Madiin nyang sabi.


Humakbang ako palayo sa kanya. Ano ba nangyayari? Nakakatakot sya. This Slade Rythen looks so much different and has become scarier.


///


“Slade you’re scaring her!” Nilayo ako ni Eli mula kay Slade.

 “Isa pa, hindi ba sinabi satin na hindi natin sya pwedeng pwersahin na ibigay ang armilla dahil walang makakakuha nito mula sa keeper unless sya mismo ang magbibigay nito sa atin ng kusang loob?" Dagdag ni Moira. 

Huh?

Medyo kumalma na si Slade at bumalik na sa dati ang kanyang mga mata. Sumandal sya sa may puno habang naka-crossed arms. Tama ang hinala ko. Hindi din sya normal tao. The way he makes me feel, the way he jumped off that tall tree nung nasa school; ibang iba. I’ve noticed this but I was just denying the reality to myself.

“Alikha, kailangan mong makinig ng mabuti sa sasabihin namin. No matter what, you have to put your mind into this.” Seryosong sabi ni Moira at kahit nagaalangan ako, tumango ako.

“We are not from this world. We are from a world called Ethanica which earthlings don’t even know its existence.” Eli began.

This… I didn’t expect this coming. Hindi sila taga-Earth? Alam kong kakaiba sila pero hindi ko inakala na may nage-exist na ibang mundo.

Nakatingin lang ako kay Eli na nagpatuloy sa pagkukwento. “Obviously Ethanica is very different from this world. Ito ay nahahati sa limang kaharian at isa doon ang Cyril kung saan kami nanggaling. Ipinadala kami ng High Council para ibalik ang armilla sa Ethanica. At ang armilla na tinutukoy namin, ito ang kwintas na suot mo ngayon.” 

“Hindi lang ito basta-bastang ornamento, Alikha. Mahalaga iyang armilla para mailigtas ang buong Ethanica sa nagbabadyang panganib." 

Hinawakan ko ang kwintas na matagal ko ng iniingatan mula pagkabata. 

Sinimulan nilang ikwento sakin ang nangyari kina Shira at Shiya, ang twin spirits na nag-maintain ng balance ng Ethanica thousand years ago, ang Great War at kung paano ginawa ang 'armilla' na kung tawagin nila. Isa itong sagradong susi para ma-seal na ang kapangyarihan ng mga Dark Clans lalo na at nagbabadyang magising muli si Shira. 

"At kapag nangyari yun, everything will be wiped out. Everything. Hindi lang kami ang nagpunta dito para kunin ang susi. For some reason nahanap ka ng Dark Clans at nandito para makuha ito sa kahit ano mang paraan dahil isa itong malaking banta sa plano nila. So please Alikha--"


Hindi na natuloy ni Moira ang sinasabi nya dahil sa biglaang pagsingit ko. "P-Pero paano napunta sakin to? Bakit nasa akin ang armilla na ito mula pagkabata?" 

"Hindi mo na kailangan malaman basta kailangan mo lang ibigay sa amin ang armilla dahil hindi namin ito makukuha ng sapilitan. Kailangan mong ibigay sa amin ito ng kusa."


Umiling ako. "Sabihin nyo muna sa akin lahat!"

Nagkatinginan sila ni Eli habang si Slade naman ay nakapikit lang habang nakasandal pa din sa puno. 


"Eleven years ago there was a well known tribe called Nsu. Sila ang angkan na kilala sa buong Cyril dahil sa galing nila sa pakikipaglaban pero dahil sa nakatira sila sa boarder side ng kaharian, sila ang unang napuntirya ng surprise attack ng Adoyan noong hinahanap nila ang armilla. The leader of the clan had three children. Ang bunsong anak ang nag-iisang babae kaya sya ang ginawang priority na mailigtas. 

"Nilapitan nila ang Queen Mother, ang taong pumalit sa twin spirits para mapanatili ang balanse ng Ethanica, para iligtas ang buhay ng batang babae. At doon, binigay nya ang armilla sa bata at ipinadala sa lugar kung saan magiging ligtas sya at ang sagradong susi." Tinitigan ako ng mabuti ni Eli at alam kong napansin nya ang hindi makapaniwalang ekspresyon ng mukha ko. "And yes, that little girl was you Alikha Wayne. Katulad ka din namin na taga-Ethanica. You are not from this world. Queen Mother had erased your memory to keep you safe temporarily." 

Nanginig ang buong katawan ko sa natuklasan. Hindi ako mula dito. Hindi ako katulad nila Iriz, Reeve, ni Daddy at Mommy? 

Dapat masaya ako na natuklasan ko na ang nakaraan ko; kung saan ako nanggaling at kung sino ako, pero bigla akong natakot. Kaya ba galit at hindi ako matanggap ni Mommy dahil alam nyang iba ako sa kanila? Do I not belong here?


I violently shook my head. No no, calm down Allie. Be rational! ... Rational? Damn it, even these happenings are beyond irrational! How can I even trust these people? 

 Bumilis ang paghinga ko at lalong nag-iinit ang pakiramdam ko. Naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa mga mata ko. Bakit ganito? Bakit hindi ko makontrol ang emosyon ko?


 "Princess.." Humakbang palapit si Eli pero bago nya pa ako malapitan ay tumakbo na ako palayo.  


Naramdaman ko na naman ang patak ng ulan dahil sa pag-alis ko sa magic ball na ginawa ni Moira. Narinig ko ang boses ni Eli na tinatawag ako pero hindi ako huminto o lumingon. Ang alam ko lang ay kailangan kong makalayo.


***

THIRD PERSON'S POV


"Anong gagawin natin?" Nag-aalalang tanong ni Moira sa mga kasama.
 
Alam nila na hindi madali para kay Alikha ang maintindihan at tanggapin ang lahat pero iyon lang ang solusyon na alam nila; ang sabihin ang katotohanan sa kanya kahit na ang misyon ay kunin lang ang armilla mula dito. Wala silang balak na guluhin ang buhay nya dito sa Earth at ibalik sya sa Ethanica ngayon na may nagbabadyang digmaan.

"I will follow her to make sure that she is safe." Saad ni Eli.

"Just let her be." Malamig na sabi ni Slade. 

Napatingin ang dalawa sa kasama nilang kanina pa walang imik. Hindi talaga nila ito maintindihan. Kung kanina gusto nyang kunin sapilitan ang armilla kay Alikha, ngayon naman ay hinahayaan nalang nya ito. 

Ikinuyom ni Eli ang kanyang mga kamao at matalim na tinignan si Slade. "Listen here Black Demon, even if you do not care about her life, I do!"

"Eli.." Ramdam ni Moira ang galit ni Eli kay Slade. Kahit siya ay hindi alam kung bakit ba galit na galit ito sa kanya. Lagi nitong iginigiit na dahil si Slade Rythen ang Black Demon, isang kinakatakutan na assassin sa Cyril, pero alam ni Moira na meron pang ibang dahilan. 

Hindi pinansin ni Eli si Moira at patuloy lang syang nakatingin kay Slade. "I do not know your reason why you accepted the High Council's request of joining this mission but I want to tell you this; I am not only here for the mission of taking the armilla. I am here to protect her and to make sure that she is safe at least. I can't abandon a childhood friend, can I?" Nagsukatan sila ng tingin ni Slade pero agad nya itong binawi at agad na umalis para sundan si Alikha.

Nagulat si Moira sa narinig. Hindi nya alam na kakilala ni Eli si Alikha noong bata pa sila. Now that explains kung bakit 'princess' ang tawag nya dito kahit na kahapon nya palang ito nakikita, at kung bakit lagi nyang bukang bibig ay ang kaligtasan ng dalaga. Pero ang pinagtataka nya ay kung bakit walang halong gulat ang ekspresyon ni Slade. Is it because it is just natural for him to have that emotionless face, or is it because he already knew?




Patuloy lang sa paglukso sa mga puno si Eli na para bang hangin sa bilis habang hinahanap si Alikha sa paligid. Then Slade’s voice had resurfaced in his head.

“Just let her be.”

“Let her be? How can he fucking say that?! Damn that heartless demon.” Eli muttered to himself. 

Alam nya na hindi ito ang tamang oras para pagbuntungan nya ng galit si Slade. Kailangan nyang mahanap si Alikha at mapanatili ang kaligtasan nya. Where is he? She couldn’t have gone that far, he thought. 

Humupa na ang ulan at konting ambon nalang ang meron. Nang madapo ang tingin nya sa ibaba, nanlaki ang mga mata nya nang makita na ang hinahanap pero sa di inaasahang kalagayan. . 

Hawak sya ngayon ng isang lalaking naka-itim na hood at halatang nagpupumiglas si Alikha. Adoyan! 

Agad na bumaba si Eli sa lupa. “Pakawalan mo sya!” Sigaw nya sa lalaki.


“Hmph!” Yun lang ang lumabas na tunog mula kay Alikha dahil sa tinatakpan ng kamay ng lalaki ang bibig nya.


“Cyrian or should I say a member of Exodus?” The Adoyan with yellowish eyes smirked as he stared at the logo on Eli’s shirt. “Fool! You cannot do anything now.”Mapanuyang sabi nito sa kabila ng dumudugong sugat nito sa tagiliran.


Hindi nya alam kung anong nangyayari dahil ang buong akala nila ay lulusob ang mga Adoyan pagpatak ng pulang buwan. Bakit napaaga ngayon? A warning? A diversion? 


Eli gritted his teeth. Kailangan nyang pag-isipan mabuti kung anong gagawin. Kung tutuusin maraming butas ang kalaban na pwede nyang puntiryahin lalo na’t nanghihina ito, pero isang pagkakamali lang ay pwedeng ikapahamak ito ni Alikha. 


“Eli!”


“Moira.” Napatingin ito sa kasamahang babae na dumating.


Masamang tinignan ni Moira ang lalaking may hawak kay Alikha ngayon.  


“Ha! Kahit ilan pa kayong dumating, huli na kayo. Hawak ko na ang Keeper.” He spat. 


“Alikha!” Sigaw ni Moira na ngayon ay hawak na ang kanyang armas. Nang susugod na sya, bigla itong nauntog sa kung ano mang invisible wall ang nandun. May barrier na nakapagitan sa kanila.


“Letum ruina!” Ikinumpas ni Moira ang kanyang kamay at itinutok sa harapan nya kung nasaan ang barrier. May parang spark ng kuryente ang dumaloy sa invisible wall pero lingid sa inaasahan ni Moira, hindi ito nagiba. “That spell is too weak for this one!” Iyon lang ang destruction spell na alam nya pero hindi ito nakaya ang chi ng Adoyan. Hindi nito maipagkakaila na malakas ang kalaban kahit na sugatan sya. Nagbigay sya ng paalala sa sarili. Pagbalik sa Ethanica, kailangan nyang alisin ang katamaran nya sa katawan at mag-aral mabuti. Yep. 

Tumawa ng malakas ang Adoyan na lalong ikinainis ni Eli at Moira.

“And now little girl, hand the armilla over right now if you don’t want to get hurt.” Ang sabi nito kay Alikha. 


Tinignan ni Eli ng mabuti ang dalaga. Nakaduko na ang ulo nito at hindi na sya pumapalag tulad ng kanina. Nagtaka sya kung bakit iba na ngayon ang ikinikilos nito. However, this scene was somehow familiar.


“Alikha~” Moira looked as if she was about to cry. Her large eyes were moist with tears. “She must be really scared right now. This is my fault! I’m so useless. Uwaaah Eli, si Alikhaaa~!” 


Eli sighed. Her childishness had hit her again. 

Tinuon nya ulit ang pansin nya kay Alikha na wala pa ding imik kahit na inulit ng Adoyan ang sinabi nito sa kanya. 

“Eli, just now, parang bigla akong kinilabutan.” Sabi ni Moira na ngayon ay nakatingin na din kay Alikha.

“Y-Yeah.” Ang sagot ni Eli. Cold sweat was starting to show up on his forehead. 

Nang biglang gumalaw si Alikha, doon nya napagtanto kung bakit. 

Alikha suddenly stomped on the Adoyan’s foot really hard na ikinabigla nito kaya medyo lumuwag ang hawak nya dito. She took the opportunity at buong lakas nyang binawi ang kamay nya na hawak ng lalaki sabay siko ng malakas sa tyan nito. Nang makalayo si Alikha, tumalon agad ito at binigyan sya ng high kick sa leeg na ikinatumba nya. The Adoyan groaned in pain. Moira and Eli who watched the whole thing just dropped their jaws in astonishment. While Alikha stood there; fuming.

“Hindi ko na talaga ang nangyayari pero damn it, I did not learn martial arts for nothing!” Biglang sigaw nito. “Kanina pa ako umiiyak dahil sa mga nalaman ko, sa mga nakita kong kakaiba at sa takot! Alam mo ba kung gano ako ka-frustrate ngayon ha?! Malapit na ang due date ng project ko pero wala pa akong nagagawa kahit isang survey! Alam mo ba ibig sabihin nun? Babagsak ako sa subject na yun! Babagsak! Naiintindihan mo? Damn that Rythen, urgh! Kasalanan nya lahat ng ‘to! Tapos ngayon malalaman ko nalang na nanganganib ang buhay ko dahil sa-- sa lecheng kwintas na ‘to?! Gaaah, give me a break!” 

Dahil patuloy lang sya sa pagsasalita ng walang tigil, huminga sya ng malalim habang hinahabol ang hininga. She then violently pointed her finger at the guy who just threatened her awhile ago. “At ikaw! I am already effin’ 19 years old! Hindi na ako bata para tawagin mong ‘little girl’!”


Moira, Eli, and even the Adoyan just blinked their eyes at the sudden outburst of Alikha.

“S-She’s scary.” Nauutal na sabi ni Moira. 

“Old same Alikha.” Natawa nalang si Eli. Nawala ang memorya nya, yet she is still the Alikha she knew eleven years ago, he thought in amusement and relief.


“Bitch.” Galit na galit na tumayo ang Adoyan at hindi ininda ang sakit na nararamdaman sa katawan. “I will kill you.”


Napaatras si Alikha pero hindi nabubuwag ang matapang at walang takot na ekspresyon sa mukha nya, kahit na ang totoo eh nagkabali-baliktad na ata ang kalamnan nya sa takot. Totoong nanganganib na nga ngayon ang buhay nya, at dahil dito nagdesisyon sya na hindi na sya iiyak sa takot. She wouldn’t cry because of this dahil kailangan nyang magpakatatag.


Sinusuntok na ni Eli at Moira ang barrier sa harapan nila at kung anu-ano pa pero hindi pa din ito nabubuwag. Pareho silang may naramdaman na presensya at naging alerto. From the trees’ shadows, may lumubas na limang lalaking naka-itim na hood din.

“Ar, naiinip na si Alciony.” Ang sabi ng isa sa kanila.

Alciony. Sya ang babaeng nagpakita kanina sa kanila sa park.

Ar, the guy who had just been kicked by Alikha, clicked his tongue in annoyance. “Hindi na ako magtatagal. I will take care of this bitch, kayo ng bahala sa dalawang Exodus.”  


“Darn.” Eli bit his lower lip. Hindi nila mapo-protektahan si Alikha sa ganitong lagay. Meron nga syang alam sa pakikipaglaban, pero normal pa din syang tao. Masyadong malakas ang chi ni Ar para sa kanya.


Isa-isa nang umatake ang mga Adoyans at nagsimula na din sa pakikipaglaban sina Moira at Eli.


***

ALIKHA’S POV


“Binigyan kita ng pagkakataong ibigay sa akin ng payapa ang armilla, pero binaliwala mo lang ito. Wag mo akong sisisihin kung masasaktan ka ngayon.” Nilabas ni Ar ang isang mahabang latigo na napapalibutan ng mga tinik.

Oh my god. Kapag natamaan ako nyan, katapusan ko na.

I snorted. “Wag mo kong patawanin. If I know may plano ka pa din saktan ako regardless of my decision.”

“I am impressed. You sure are smart.” Ngumisi sya.    

Nilingon ko ng konti sina Eli at Moira na ngayon ay nakikipaglaban sa mga naka-hood na lalaki doon. Seriously, what’s with their get up? Are they some kind of cult or something?

“Tatapusin na kita ng mabilis dahil mukhang naiinip na ang kapatid ko.” 

Agad-agad nyang inihampas ang latigo patungo sa akin na ikinagulat ko. Buti nalang mabilis ang reaction time ko at naiwasan ito. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang malalaking scratches sa semento gawa ng mga matutulis na tinik ng latigo.

“K-Kung mamamatay man ako, ayokong mamatay na gutay gutay ang katawan ko no! Grabe ka, wala kang respeto sa babae!” Galit na sigaw ko dito.

“I will surely kill you and peel off that smart mouth of yours.” Nanginginig sa galit na sabi ni Ar. Oops, I just sent him on the edge, didn’t I?

Napansin ko ang pagbuka ng bibig nya at paggalaw nito. Meron syang binulong na mga salitang hindi ko maintindihan. Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang tumingin sya sa akin at ngumisi.

“Now you cannot move an inch.” 

A-Ano? 

Sinubukan kong i-galaw ang mga paa ko pero ayaw nitong gumalaw. “A-Anong ginawa mo?!”

“Ginamit ko ang anino ko para hawakan ang iyong mga paa.” Sagot nya. 

What the—tulad nga ng sinabi nya, maliban sa anino ko, meron pang isa ang parang nakahawak sa mga paa ko. Hindi ako makagalaw!

Mala-demonyo itong tumawa. “Chant your prayers now, Keeper!” Inihampas nya muli ang latigo nya papunta sakin at hindi ko talaga magalaw ang mga paa ko. Ito na ba ang katapusan ko? Am I really gonna die here? Narinig ko ang pangalan ko na tinawag nina Moira at Eli pero ipinikit ko nalang ang mata ko habang hinihintay ang hampas ng latigo sa katawan ko. 

I waited, waited, and waited. Huh? Bakit walang nangyari?

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ang familiar na broad back ni Slade sa harapan.

Nakita ko si Ar na pinagpapawisan habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Slade na may hawak na espada. Napansin ko ang kalahating latigo na nasa semento. 

“S-Slade..” He saved me again. 

“You. Keep your mouth shut, ang ingay mo.” Ang sabi nya nang hindi tumitingin sa akin.

W-What did he just say?

“Hoy—“ I stepped my foot forward… huh? Nakakagalaw na ulit ang mga paa ko? Nakita ko ang isang maliit na patalim sa paanan ko at wala na din yung anino kanina.

 “So you are still alive.” Malamig na sabi ni Slade kay Ar. Sa sobrang lamig ay maging ako kinilabutan. 

 “P-Paano ka nakapasok sa barrier na ginawa ko?!” Si Ar nga ang lalaking nag-confront samin kanina sa city. So ang sugat nya sa tagiliran, si Slade ang may gawa nun? Napansin ko din ang dugo na dumadaloy mula sa kanyang kaliwang braso. Wala yun kanina ah.

“Simple, because it’s weak.”

“No no no. Imposible! Malakas itong Dark spell! Walang Light Clan ang makakapasok unless--” Hindi naituloy ni Ar ang sasabihin nya dahil sa may biglang tumarak na espada sa kanyang dibdib.

Napasinghap ako sa pangyayari. Ang bilis. Hindi ko man lang napansin ang paggalaw ng kamay ni Slade sa sobrang bilis.

“Argh!” Ar wailed in pain. “Magbabayad ka dito Black Demon!”

Bigla syang parang sinipsip ng semento at naging anino na agad naman nawala. The sword fell on the ground na nilapitan naman ni Slade para pulutin. 

I clenched my fist at habang hindi pa nakakalingon si Slade sa gawi ko, agad ko syang nilapitan at sinapak sa ulo. Hindi sya gumalaw sa kinakatayuan nya at halatang gulat na gulat sina Eli at Moira na ngayon ay nakalapit na sa amin dahil nawala na ang barrier.

Dahan-dahan ako nilingon ni Slade. His eyes were too cold and scary. “What did you do that for?”

It’s okay, Allie. Wag ka matakot.

“D-Dahil… Bakit mo ginawa yun?! You could’ve killed him!” Really?

Mas lalong naging iritado ang ekspresyon sa mukha nya. Nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko pataas. I winced in pain dahil sa sobrang higpit ng hawak nya. 

“Bitawan mo ko!” Nagpumiglas ako pero masyado syang malakas.

“Slade bitawan mo sya!” Galit na sabi ni Eli pero hindi nya ito pinakinggan.
Nakakatakot sya. Pero hindi ko binaba ang tingin ko. I looked straight into his eyes. Hindi ako magpapaapekto. 

“He nearly killed you and yet you’re still saying that?”

May point sya. 

“Listen to me.” Nagulat ako nang mas lalo nya akong hinatak papalapit sa kanya. “Ethanica and this world are just the same. They are not some kind of paradise that you people are dreaming of. Kung kailangan mong pumatay, papatay ka. You have to use weapons to survive, do you understand?” He darkly said.

Hindi ako kumibo pero nanatili pa din akong nakatingin sa kanya. His eyes were so dark and distant. They were like the eyes of a saint.. no sign of doubt or pain.



“Allie?”  

Napatingin kaming lahat sa tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Iriz na nakapayong habang nagtatakang nakatingin sa amin.

Tinanggal ko ang kamay ni Slade na nakahawak sa akin at nilapitan ko sya agad. “Anong ginagawa mo dito?”

“Hinahanap kita. Sabi ni Reeve kasama mo daw si Slade pero late na hindi ka pa umuuwi.. at hindi kita ma-contact. Are you okay? What happened? Bakit basang-basa ka?” Nag-aalalang tanong nya. Then her gaze shifted over my shoulder. “Eh? Nasaan na ang mga kasama mo? I could’ve sworn you weren’t alone kanina.”


Pagkalingon ko, wala na nga silang tatlo. Napahawak ako sa kwintas ko na kung tawagin nila ay armilla. What should I do?

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^