Thursday, March 13, 2014

Freezia's Biggest Secret: Chapter 1



:Chapter One:
Queen of Gangster

        GABI na at nandon parin ang mga kabataan sa likod ng high school building. Tanging daing at pagmamakaawa lang ang naririnig. “H-huwag maawa na po kayo sa akin!” Pagmamakaawa ng lalaki sa kanya, halos hindi na makilala ni Zia ang mukha ng lalaki dahil sa pambugbog nila ng kanyang kasama dito. Hindi siya nakaramdam ng awa dito dahil nararapat lang iyon dito, pinagkakalat kasi nito na hindi na daw virgin ang kapatid ni Daniel kahit hindi naman totoo. Hindi kasi nito matanggap na nabasted ito kaya kung ano-ano ang pinagsasabi. Kaya dahil sa tindi ng galit ni Daniel ay nakiusap ito na bugbugin ang lalaking ito, kahit na hindi ito makiusap ay gagawin talaga niya iyon. Na-trauma talaga ang kapatid nito sa ginawa ng lalaki at hindi na pumapasok sa paaralan kaya naawa siya dito.


She gave him a dirty finger at saka niya sinipa ang tuhod nito. Tahimik lang ang iba ang membro ng blizzard gang, habang binubugbog niya ito. Sino siya? Siya lang naman ang leader ng gang nila at kilala sila sa pagiging brutal at walang sinasanto. Minsan napatawa na lang siya sa exaggerated na sinasabi ng mga tao. Sure, it was half-true that they were violent pero iyon lang ay kinakanti sila kagaya ng isang ito sa harap niya. Ayaw niya sa mga ganitong klaseng tao, gumagawa ng kwentong hindi naman totoo.

“B-bakit mo ba ito ginagawa sa akin, Ice Phoenix?”  Nanghihinang tanong nito.

That’s right. Sa mga hindi nakakilala sa kanya ay tinatawag siyang Ice Phoenix at ang ibang member niya ay may kanyang kanya palayaw.

“Why don’t you figure it out on your own, asshole? Oh right, you’re brainless and it’s hard for you to know what you had did. So I will remind you, you see, there was this girl who ask me to beat you up because you were spreading a false rumor about her. And it really hurt her so much and that’s why I constantly accept her request.” Sa dami ng babaeng ginawan nito ng masama ay hindi na makapagtaka na hindi nito matukoy kung sino iyon. “And oh, don’t try to hurt her or the other girls because once na malaman ko iyon.” Gumuhit siya gamit ang kamay niya na linya sa kanyang leeg. “You’ll be dead meat. Don’t worry I won’t kill you, I’m just going to break your bones.”

Tumaas ang kilay niya nang may sumilay na ngiti sa labi nito. “And your one of them? At…sino ka ba…t-talaga, ha?” Hindi niya ito sinagot, kinuha niya sa kamay ni Sunny ang baseball at hinampas ulo.

Walang nakakilala sa kanila sapagkat kapag lumalabas sila sa gabi ay parating sinusuot nila ang maskara. She was wearing a blue bird mask. At kapag nagsasalita siya ay may british accent. Kunti lang nakakaalam kung sino sila pero hindi kasali doon ang pamilya nila. Mahirap na at baka kung anong gawin ng mga ito sa kanila. Maliban sa kilala silang gangster ay tinagurian siyang Queen of Gangster. Hindi niya alam kung bakit tinanyagan na ganun. Napapailing na lamang siya sa mga exaggerated na tao. Sure, she was the most toughest woman and almost undefeatable pero dahil lang siguro hindi pa niya nakakatagpo ang taong makapagpatumba sa kanya. She hate to weak that’s why she try her best not to lost when it comes to fight. Wala siyang inuurungan na laban.  

Again, hinampas niya sa tiyan nito ang baseball bat.Oh that’s feel good!

 “Hmm… Where do you want me to hit you? legs? Head? Aw, what do you think guys?” She ask her friends but they only answer in a wicked smiles except Erica or also known as butterfly.

 “Kahit saan ang gusto mo, bossing.”

“P-lease…huwa—“

Irritatingly, she hit him on his him.

 “Ack!”

“Ngayon palang nagsisimula uma-ayaw ka?” Sabi ni Akira o Black Tiger, hinawakan nito sa magkabilang balikat ang lalaki, pilit na pinapatayo. Isa ito sa kanang kamay niya ang isa kasi ay si Neiji o White Tiger.

Kumunot ang noo niya na tiningnan niya ito, siguro gusto din nito na saktan nito ang lalaki. Pagbigyan na nga. “Here. It’s your turn to beat him up. “

Nagtaka silang walo sa kanya. Ginawa naman ng mga ito ang utos niya at nang mukhang hindi na talaga nito kaya ay nawalan na ito ng malay, nakalumpasay na nakahiga sa sahig. Duguan. Sumandal siya sa dingding habang pinagkrus ang kanyang kamay. “Times up!” Sinipat niya ang wristwatch. Alas syete na ng gabi at kailangan na niyang umuwi dahil nangako siya sa kanyang ina na uuwi siya bago mag-alas otso.

“Hindi man lang tayo pinagpawisan!” Angal ni Clark.

Dinagukan naman ito ni Mhikaila na nobya nito. “Like duh! Pano ka pagpawisan eh isa lang naman ito at mahina pa!”

“Hun naman eh.” Natawa na lang siya sa mga ito. Pagkatapos niyon ay iniwan na nila ang nakahandusay na lalaki sa lupa. May sasabihin pa sana siya dito pero mukhang wala na iyon silbi. Napansin niyang may iniwan si Sunny bago sila umalis sa lugar na iyon.

She slid her hand inside her pocket while walking away.

 “Swerte ka ugok ka! Kainis” Tanong ni Daniel.

“That’ll teach him a lesson. Oh by the way, Sunny, ano iyong iniwan mo kanina?”

“Oh that? I leave a piece of paper na nakasulat doon na magtapat na siya sa mga kasalanan niya kung hindi babalikan natin siya.”

“Ahh…” Nakasunod na ang mga ito sa kanya.

“Boss, bakit naman maaga tayong uuwi?” Nakangusong tanong ni Mhikaila.

 “I have to, nangako ako kay mommy na uuwi ako ng maaga. Sa pagkaalam niya ay nasa bahay lang ako ng kaklase ko, tinatapos ang project.” Kahit ang totoo niyan ay wala naman. Tumigil siya sa pag-aaral ng kursong HRM at kanina lang umaga ay nag-enroll siya sa isang prestihiyosong paaralan. Kinuha niya ay Veterinary Course dahil noon pa man ay mahilig na siya sa mga hayop. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Sinuguro lang na walang nakakita sa kanila na pumasok sa Girls Locker Room at ang mga lalaki naman ay sa Boys Locker Room.

“Zia, seryoso ka na ba sa naisip mo na lilipat ka ng school?” Tanong ni Mhikaila, tinanggal nito ang mascara tas bumaling sa kanya.


“Yes. Besides, they don’t offer a veterinary course. Kaya nung nalaman ko na may in-offer ang Crucifix University ay hindi na ako nagpaligoy na mag-enroll doon.”

“Teka, Crucifix University?!” Hindi makapaniwalang bulalas ni Sunny.

“Cool! Magiging school tayong tatlo ni Clark!” Masayang sabi ni Mhikaila. Inignora nito ang reaksyon  ni Sunny.

“Really? Well, that’s cool! Oh ano ang ikinagulat mo, Sunny?” Baling niya dito, pero bago pa ito makasagot ay sumingit sa usapan si Joanaliza o Eagle.

“All the students there were known for being a hypocrites.”

“Joan’s right! Kaya kayo ay kailangan ninyong mag-ingat. Hindi porque Crucifix ang pangalan ng University nila ay hindi ibig sabihin niyon na mga santo ang nag-aaral doon.” Segunda ni Sunny kay Joan.

Crucifix University was well known and one of the most prestigious school. All the student attending that school were came from a wealthy family. Kaya niya pinili ang paaralan na iyon dahil napakahusay daw ng pagtuturo doon kaya hindi siya nagpatumpik tumpik pa. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Mhikaila at nagkibit balikat.

 “Okay.” They answer in unison. Pagkatapos nilang magbihis ay agad din silang lumabas sa locker room. Sa hindi niya malaman ay bigla siyang nakaramdam ng kilabot dahil para kasing may nagmamasid sa kanila, nilibot niya ang tingin subalit wala siyang nakita. Guni-guni lang ba niya iyon? Nagkibit balikat na lang siya at nagpaalam na sa kanyang mga kaibigan.

Nang dumating siya sa bahay ay sinalubong siya ng kanyang ina, may bahid sa hitsura nito ang pag-alala.

 “Anak bakit ngayon ka lang umuwi?” Lagpas alas otso na kasi nang dumating siya dito.

“Ma—“ Bago pa siya makasagot ay nagsalita uli ito.

“May kasama ka bang lalaki? Boyfriend mo?!”

“Mommy naman..” Napakamot siya sa kanyang ulo. Pambihira talaga oh. Why does her mother always jump into conlusion? Sinabi na niya rito na nasa bahay siya ng kanyang classmate para gumawa ng project. Kahit hindi naman iyon totoo.

“Sus. Mommy, pano naman magkaroon ng boyfriend yan?” Sabad naman ni Presea, naglalakad itong maala-model palapit sa kanila. Matanda ito sa kanya ng dalawang taon pero kung mag-isip ay parang mas bata pa sa kanya.  “Tingnan niyo nga ang hitsura niya?” Sinipat pa nito ang ayos niya. Nakasuot kasi siya ng worn out shirt, jeans at rubber shoes at black rim glasses. Sa madaling salita ay isa siyang nerd sa paningin ng lahat. Maganda naman siya kung walang salamin ngunit kung ikompara siya nito ay walang wala siya. Sino naman papansin sa kagaya niyang isang nerd? Wala hindi ba? Oh well, it was only a disguise, kailangan niyang maging maingat sa bawat galaw niya upang walang makadiskubre na siya ay si Ice Phoenix.

“It’s none of your business kung ganito ako magsuot.” Pinagkrus niya ang kanyang braso.

 “But I do have a business—because you’re my one and only little sister.” She said while batting her eye lashes. Napapailing na lang siya sa inasta nito.

“Oh siya tigilan na ninyo iyan, dumiritso na tayo sa dining room, nakahanda na sa hapag ang pagkain. Nandon na ang daddy ninyo.”

Iyon nga ang ginawa nila. Dumiritso sila sa hapag at kagaya ng sinabi ng kanyang ina ay nandon ang kanyang ama, hinihintay sila.

 “Bakit ngayon ka lang?” Tanong ng kanyang ama. Napakamot siya ng kanyang ulo. Kahit kailan talaga ay hindi niya talaga mabasa kung anong iniisip nito. Napakatahimik nito at seryoso. Minsan naitanong niya sa sarili kung bakit pinakasalan nang ina niya ang kanyang ama. Hindi agad siya nakasagot sa tanong nito. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba rito ang kanyang decision. Umupo siya sa at tahimik lang silang kumakain pero hindi talaga niya kaya na ipagpaliban ito. Mas makakabuti na sabihin niya ang totoo na lilipat na siya ng skwelahan.

“Pa.” Simula niya.

“Hmm?”

“I have to tell you something.” Lumunok siya ng ilang beses. Nagkatinginan ang kanyang ina at kapatid.

“About what?” Tanong nito na hindi siya tinitingnan.

“Lilipat na ako ng school. Kumuha ako ng kursong veterinary. Matagal ko na po itong gustong gawin. Sana maintindihan ninyo.” Matatag niyang sabi sa ama. Kung ngayon pa siya maduduwag ay mawawala ang kanyang lahat na pinaghirapan. Napansin niyang muntik na mabulunan si Presea at ang kanyang mommy naman ay nakakunot ang noo nito.

Lumingon ito sa kanya at may bahid sa mukha nito ang disgusto sa sinabi niya. “This is not a good joke, Zia! Anong mapapala mo diyan sa kursong Veterinary? Gamutin ang mga hayop?” Ito ang hindi niya gusto sa kanyang ama, iniisip nito na wala siyang mararating kung iyon ang kursong kukunin niya. Ayaw niyang dinidiktahan kung anong gusto niya. Kung noon ay susunod siya sa gusto nito, ngayon ay hindi na. Pagod na siya. Wala siyang amor para sa kursong pinili nito.

Nagpakawala siya ng hininga at sinalubong ang titig nito. “Buo na ang pasiya ko, dad.” I said sternly.

 “Saan ka ba nagmana? Ang tigas ng ulo mo! Bahala ka pero wag kang iiyak o magsisi dahil sa pinili mong propisiyon!” Hinampas nito ang kamay sa mesa, bahayang tumalon iyong kagamitan dahil sa lakas ng impact.

“Tapusin na ninyo ang pagkain diyan, I’ll talk to your dad.” Iyon ang huling sinabi ng kanyang ina, nagmadaling sinundan ang kanilang ama. Tumango na lang siya. Nilingon naman niya ang kanyang nakakatandang kapatid na si Presea na nakatitig sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kilay. “Anong tinitingin mo diyan?”

“Oh nothing.”

She rolled her eyes, she bet that she was thinking she had a nerve to say it in front of their dad. Tumayo na siya at tinalikuran ito, nagsimula na siyang maglakad ng tinawag siya nito. She look at her sister over her shoulder.

“O saan ka pupunta?” Tanong nito.

“Room. What else? I lost my appetite.” Iyon lang ang iniwan na niya ito sa dining room. Hinding pwede na hindi niya makuha ang kanyang gusto.


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^