Thursday, March 13, 2014

Freezia's Biggest Secret: Prologue


:Prologue:
            TINITIGAN lang ng apat taon gulang na si Zia ang batang lalaki na iwinasiwas ang kanyang Barbie doll sa harap niya.


“Oh ano? Iiyak ka na ba? Hindi ko ito ibibigay sa'yo hangga’t hindi ka umiiyak.”


Humahalukipkip siya at inismiran niya ang batang lalaki. “No way! My daddy told me, I shouldn’t cry ovher shome shtupid toysh. If you want it, you can have it.” Sa edad na apat na taon ay marunong ng magsalita si Zia pero mahahalata parin na hindi pa niya gaanong mabigkas ng maayos ang mga salita. Hindi siya iiyak dahil lang sa isang manyika. Kayang-kaya siya bilhan uli ng kanyang magulang kung gugustuhin niya.




“Pa-english ka pang nalalaman! Eh kung ito ang gagawin ko sa'yo!” Hinablot nito ang kanyang buhok kaya napatili siya. Nandito sila sa park, iniwan muna siya sandali ng kanyang yaya at ang kapatid niya dahil inutusan niya itong bilhan siya ng ice cream nang bigla lumitaw na naman ang lalaking ito. Kapag nandito siya sa parke ay parati siya nito inaaway sa hindi niya malaman.  “Let go! Bichiwan mo ang buhok ko!” sigaw niya. Ishushumbong kita!”


Ishushumbong Kita!” binitiwan naman nito ang buhok niya at ginaya ang sinabi niya kanina. Naningkit ang kanyang mata. Naiinis na siya dito ngunit hindi niya ito magawang labanan dahil sa mas malaki ito sa kanya.


He throw her Barbie doll over the ground and without a word, he stomp it kaya nasira iyon.


Naramdaman ni Zia na nagbabantang ng mahulog ang kanyang luha, kinuyom niya ang kamao at kinagat ang ibabang labi upang pigilan ang sariling maiyak. Parati na lang ganun ang nangyayari sa kanya parati siyang inaaway. Wala din siyang kaibigan sa nursery school dahil mayabang daw siya kahit hindi naman. Masama na bang maging matalino at marunong magsalita ng English?


“You!” dinuro niya ito. Napaatras naman ang batang lalaki.


“Ano?! Lalaban ka?”


“May gusto ka ba sa akin?”


“Haa?”


“My mom told me, when a boy alwaysh bully the girl ay ibig sabihin niyon nagpapanshin siya dahil gusto niya ito. Sorry but I don’t like” Anya saka tumalikod dito at patakbong pumunta sa papalapit niyang kapatid na si Presea.


“Bakit ang gulo ng buhok mo, Zia?” Tanong nang kanyang yaya.


“Iniway ka ba niyang uhugin na iyan?” Turo ni Presea sa lalaki na biglang tumakbo palayo sa kanila. Duwag naman pala ito eh. Pero hindi parin maialis sa isipan ni Zia ang nangyari sa pang-aaway nito sa kanya.


Isinumpa niya sa sarili na hindi na mangyayari sa kanya uli iyon at magiging malakas siya.


Umiling na lang siya. “Hindi. Uuwi na ba tayo?” inabot niya ang ice cream na ibinigay sa kanya ng yaya.


“Oo. Kailangan eh dahil darating ngayon ang kaibigan ng magulang ninyo galing japan.”

*

            NANG makauwi na sila ay imbes na dumeretso silang magkapatid sa loob ng bahay ay doon sila sa kanilang mini-playground na nasa gilid ng bahay nila. Gumawa sila ng sand castle at ilang minuto ang nakalipas ay tinawag sila nang kanilang ama na si Erman. Her sister challenge her kung sino man ang mauunang makarating sa ama nila. Tinanggap naman ni Zia iyon at tumakbo nga sila, hindi niya napansin na may bato sa harap niya kaya nadapa siya. Deretsong napahalik ang katawan niya sa lupa.


“Aray!” maluhang-luhang daing niya na agad niyang pinahid sa braso. Tinulungan siyang paupuin ni Presea.


“Waah! Okay ka lang?”



 Tumango siya kahit hindi naman talaga, nagkaroon kasi siya ng galos sa tuhod at dumudugo iyon. Hindi nila napansin na may lumapit sa kanila.


“Iiyak mo na lang iyan, sis, kung masakit talaga kung hindi…ako ang iiyak.” Gumagaragal na ang boses nito.


“'yoko.” Sagot niya sa kanyang kapatid.


Ngumuso pa ito dahil hindi niya sinunod ang gusto nito. “Oh sige, kung ayaw mo tatawag na lang ako kay nana para gamutin iyan sugat mo. Wait lang ha?”


Tumango siya. Napansin niya ang isang batang lalaki na mukhang mas matanda sa kanya ng dalawa o tatlong taon na nakatitig sa kanya. Nagtataka na tiningnan niya ito. Sino ito? Anong ginagawa nito sa bakuran nila?


Pero naalibadbaran siya dahil titig ng titig ito sa kanya. Siguro iniisip nito na  lampa siya o baka plano din nito na awayin siya. Subukan lang nito dahil susumbong niya ito sa magulang niya.


Panget mo.”


Kumurap kurap ito. Hindi siguro nito inaasahan na tawagin niya itong pangit. Hindi naman talaga ito pangit kung tutuusin. In fact, napaka-cute nito dahil sa chinky nitong mata.


“I’m not ugly. Everybody always told me that I’m cute and someday every women will adore me.” May pa-english pa itong nalalaman. She pouted her lips and stare at the boy.


“Waeh?” Hindi naniniwala na tiningnan niya ito.


“Yes! I am! Kung gusto mo pa pakasalan pa kita eh para madaming babaeng maiinggit sa'yo dahil ako ang asawa mo. Do you want to become my wife?”


“Yoko.”


Napanganga ito. “Why?” Hindi makapaniwalang tanong nito.



“'yoko daldal.”


Iniwan na niya ito. Totoo iyon, hindi niya gusto ang madaldal na lalaki. Mas tipo niya ang mga tahimik na kagaya ng kanyang daddy.


a/n: This is the revise version of Freezia's Biggest Secret. :)  


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^