Wednesday, March 19, 2014

Freezia's Biggest Secret: Chapter 2

:Chapter Two:
The Gangster in Disguise!

SUMUGOD sa bahay ang kaibigan ni Zia na si Sofia. Nabalitaan kasi nito na lilipat na siya ng skwelahan.

“Is it really true that your transferring school? Oh god, tell me it’s not true!” Inihampas ni Sofia ang dalawang kamay sa mesa. Nasa living room na sila. Inalis niya ang kanyang paningin sa harap ng librong binabasa niya at tiniklop iyon. Sinalubong niya ang titig ni Sofia. Best friend niya ito noong high school. Isa din itong nerd pero ang kaibahan lang nilang dalawa, normal siyang tao. Oo, normal dahil computer freak ito. Wala itong mahal kundi ang sariling computer. Ewan, ba niya kung bakit HRM ang kinuha nito kung ganun ka-mahal nito ang computer. Pwede naman siguro I.T di ba?

 “It’s true whether you believe it or not.”

“But why?”

“Sa totoo lang sofia, Hindi ko gusto ang kurso na kinuha ng magulang ko. Beside bakit pa nila kailangan ng dalawang HRM? Kung pwede naman isa? Tch. Naging masunurin ako sakanila at nagsasawa na rin ako.” Parang gusto niyang ipukpok ang ulo sa mesa sa sinabi niya. Siya mabait? Sure, hindi pa siya nakakapatay ng tao pero hindi niya masasabi na mabait siya. Narinig niyang bumuntong hininga ito.

“Well, your old enough to make your own decision. If your happy with it then why not?” Umupo uli ito. “Ngayon ka ba pupunta sa school?”

“Uh-huh.”

“Saan school ba 'yan?”

“Crucifix University.” Maikling sagot niya. 

“Teka… parang narinig ko na ang school—No way!” Bulalas nito, kagaya din ang reaksyon nito kay Sunny. 

“Yes way.”

“Zia, sa lahat ba naman school ay bakit doon pa?!” Bakit ba ganun na lang ang reaksyon nila? Eh sa doon niya gusto eh. She doesn’t care about those hypocrite people, all she care is to study.

 “Well, I like the place.” Casual na sagot niya dito. Hindi siya takot dahil kaya naman niya ang sarili.
“Hindi mo ba alam na maraming gangster na nag-aaral doon tsaka ang pangalan lang niyan ang maganda pero ang mga students doon? hindi! sa pagkakaalam ko din ay nagsasantita lang sila pero ang totoo niyan itim ang mga budhi! naku!" Nanlaki ang mga mata niya habang pinapaliwanag sa'kin.

Believe me, mare, i already know it. Sabi ng maliit niyang boses sa isipan. 

 “Nagpapaniwala ka naman?” Walang ganang tiningnan niya ito. Napapailing na tumayo siya at hinablot ang kanyang bag.

 “Oo dahil… iyon 'yong sabi ni…”

She smirk at her friend, kilala niya kung sino iyong tinutukoy nito. 

“Si Danrick? Iyong feeling gangster?” Nakita niya itong nag-blush when I mention her boyfriend’s name. Pero agad din naman nawala iyon.

“Oh shut up.”

“Aalis na ako, hindi ka pa babalik sa school?”

“Babalik na. I just want to confirm the news personally.” Nagpaalam na ito sa kanya at siya naman ay dumeretso na sa school

*
MALAWAK ang lugar nang Crucifix University at napakaganda ng structure ng building. Nagtatalbugan na nakahalira ang mga mamahaling kotse sa parking lot, pero may limang kotse ang nakaagaw sa kanyang attention. Mas mamahalin pa iyon kesa sa ibang kotse na nandito at napakalaki ng espacio ang bahagi na iyon. 



Gusto din niya nang Ferrari o Lamborghini! Pero alam niyang hindi niya makukuha ang gusto niya dahil mainit parin ang dugo ng kanyang ama sa kanya. Tsaka seventeen pa naman siya at hindi pa siyang pwede kumuha ng driver license. Nag-taxi na nga lang siya papunta dito eh. Nagsimula na siyang naglakad sa pavement, kinuha niya sa bulsa ang study load niya at tiningnan ang nakalagay na schedule niya. 

Foundations of Human Behavior – VA012
The Process of Socialization – VA030
Social Issues in the Workplace – RM01
And etc…

Nakakunot ang kanyang noo. Saan ba niya mahahanap ang room na iyon? Seriously, sa laki ng unibersidad na ito ay mahihirapan siyang mahanap ang room na ito kahit na may map naman.Patingin-tingin siya sa paligid at agad naman niya nakita ang tatlong babae na nagbabasa ng men magazine. Kahit na nasa malayo siya ay naririnig parin niya ang tili ng mga ito dahil sa kilig, may pa-kilig effect pa ang mga ito nalalaman!

 “Um, Excuse me.” Lumapit siya sa mga ito. Lumingon naman ang tatlong babaeng palaka sakanya at tiningnan head to toe, sabay pang tinaasan siya ng kilay. Anak ng tipaklong! Sarap ahitan ng kilay ng mga ito! 

Nakasuot siya ng plain orange shirt, itim na palda na lagpas tuhod at sandal at isama na din ang malaking salamin. 

 “What is it, nerd?” Mataray na tanong ng isang babae na maikli ang buhok. 

Nagpanting ang kanyang tenga sa narinig ngunit kailangan niyang tiisin ang pagsusuplada nito. Kung hindi lang talaga siya nagpanggap na nerd eh! sarap sapakin nito! pumaptol siya sa babae na kagaya nito. 

Grrr… calm down ka lang Zia, pagbigyan mo muna siya. Huminga siya nang malalim para maibsan ang iritasyon niya para dito. 

“Magtatanong sana ako kung alam ninyo kung saan ang VA30 room. Bago lang kasi ako dito sa school at hindi ko pa kabisado ang lugar na ito.”

The short hair girl roll her eyes heavenly ward. Sana hindi na bumalik ang eye ball niya! Zia’s thought. 

“Wala dito ang Room na hinahanap mo, nandon sa kabilang building.” Turo nito sa building na tinutukoy nito. “Halika na nga kayo girls baka mahawa pa tayo sa kabaduyan niya.”

“Thanks, I guess.” 

Tumalikod siya at nagsimulang maglakad sa pasilyo patungo sa building. Napansin niya ang mga studyante doon, malayo sa mga description ng mga kaibigan niya. Mukhang matitino naman ah, pero maya’t maya ay nagsitigilan ang mga ito sa ginagawa at pumunta sa gilid ng pasilyo, binigyan daan ang limang lalaki na parang mga hari kung tratuhin ng mga studyante dito. Ang mga kababaihan naman ay kinikilig na sulyapan ang mga ito. Sino naman hindi? Those five boys were extremely handsome and pretty cool the way they walk in the corridor. Kung kagaya lang siya ng ibang babae ay baka titili siya sa kilig eh. Pero ang nakaagaw ng kanyang attention ay isang lalaki na chinky eye, suplado ito sa tingin niya o dahil lang ba iyon sa mata nito? ewan. His black as raven hair was slightly long, matangos ang ilong nito. Natural na pinkish iyong mga labi, maputi ang balat nito and has a prominent jawlines! To sum it all, gwapo ito!

Hindi maiwasan ni Zia na magtaka kung sino ang mga ito. Bakit mukhang kinakatukan sila ng mga studyante dito?  Ano ito? Hana yori dango na napanood niya noong bata pa siya? Ha! as if!

Bumaling siya sa isa pang lalaki na mukhang dominante. Gwapo rin ito ngunit nakaka-turn off para sakanya iyong suot nitong maliit na hikaw sa kaliwang tenga. Mukhang ito ang leader sa kanilang grupo. Matalim na tiningnan nito iyong matabang lalaki na nanginginig sa takot. 

 “Anong tinitingin mo, ha?” asik niya. Ang mga estudyante na katabi ng lalaki na inasikan nito ay dumistansiya ng malayo.

“Sorry!”

Ha? Bakit nag-sorry siya? Wala naman siyang ginawa ah. Anang ng nasa isipan niya. 

“Tch.” Hinablot niya ang kwelyo. “Sorry? Hindi ako madadaan sa sorry. Ang ayoko sa lahat ay yong tinitingnan ako ng masama. Ako lang ang pwede.”

Marahas na binitawan nito ang kwelyo ng lalaki. Ang totoo niyan, hindi siya naawa sa tabachoy, naenjoy nga siyang panoorin iyon, minsan lang siya makakita ng ganun eksena kapag nasa school siya. Kaya susulitin na niya. Tumalikod na ito, nakahinga naman ng maluwag iyong matabang lalaki pero isang iglap ay tumilapon na ito dahil bigla naman sinuntok ito ng dominanteng lalaki. 

“Let’s kick his butt; it’s been a long time since I hit someone.” Pinatunog pa nito ang buto nito sa kamao. 

“Long time? Dude, kanina lang ay may sinuntok kang lalaki na dumaan lang .”Anang ng isang lalaki na wavy ang buhok na hanggang balikat ang haba. Kahit ganon ay bagay dito ang mahaba buhok nito. Pero mapagkakamalan itong babae kesa lalaki eh. 

“Shut up!” Asik ng lalaki na may hikaw sa tenga sa kaibigan. Tumahimik din naman ito at nagkibit balikat. Napakaangas nito, sarap sapakin. Who the heck he is? Feel na feel nito na pagmamay-ari nito ang school!

 “Lance, mas mabuti pang hayaan mo na 'yan at baka ma-late pa tayo sa klase natin.” Sabi naman ng lalaking chinky eye. Hindi niya alam kung namalikmata ba siya o hindi dahil para kasing napasulyap ito sa kanya na parang kinikilatis. Ah hindi siguro. Guni-guni lang niya ata iyon. Nauna na itong naglakad sa apat and again, napasulyap ito sa kanya. Pero ganun man ay ngayon lang niya napansin sa malapitan, familiar niya ang mukha nito! Saan nga ba niya uli ito nakita? Sa past life siguro ay naging kasintahan niya siguro ito. Haha! as if naman!

Nagkibit balikat na lang siya `saka tiningnan ang wristwatch. Namilog ang kanyang mata nang napansin niyang dalawang minuto na lang ay ma- late na siya!

late na ako! Bwisit naman kasi ang mga ito!  Wala na siyang oras na manood sa away ng mga ito.  Syet! Saying talaga gusto pa naman niya manood sa away. Mabibigat ang paa na nagpatuloy sa paglalakad at nilagpasan ang apat na lalaki na abala sa pam-bully ng matabang lalaki. May narinig pa siyang napasinghap ng ginawa ko iyon at nagsimulang nagbubulungan. Ano na naman ang trip ng mga ito? Ma-ala anime ata ang buhay niya ngayon ah..

“Gosh! Ngayon ko lang nakita yang nerd nay an ah! Ang lakas ng loob niyang lagpasan ang Demon Gang!”

“Poor Nerd.”

Inignora na lang niya ang mga bulungan ng mga ito at nagpatuloy, wala siyang pakialam dahil male-late na siya at isa pa kailangan din niyang maging low-profile dito `no. May narinig pa siyang ‘nag-hey’ sa kanya pero hindi niya iyon pinansan  bagkus ay binilisan pa niya ang paglalakad.

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^