Sunday, March 23, 2014

The Day She Lost Her Smile (One Shot!)

THE DAY SHE LOST HER SMILE.


AKO si Aricka Sanchez, isang masayahin batang babae. Alangan naman lalaki di ba?
Anyways, sikat ako. Bakit? Dahil lang naman madaming taong gusto ako dahil nga masayahin ako, masigla and always think positive at higit sa lahat ay madaldal. Mayaman ako pero kahit gano’n pa man ay hindi parin kompleto ang buhay ko at dahil lang `yon sa iisang lalaki.


Oo. Isang lalaki. I love him since we were in first year college. Same din ang kinuha niyang course. Archeticture. Oh di ba ang saya niyon?!

Ang totoo niyan hindi ako nainlove sa kanya ng love at first sight. Pero dahil siguro siya lang ata ang lalaki na hindi ko mapangiti at parating umiiwas sa akin. 

May nakakahawa ba akong sakit kaya iniiwasan niya ako? Sayang naman `yong kagwapuhan niya kung hindi kami mag-produce ng mga supling balang araw `di ba? Ayie!
Isipin ko palang kinikilig na ako!

And speaking of him. Hayun siya oh! Mag-isa na naman siya sa lilim ng puno at nagbabasa ng libro. Ang gwapo talaga niya kaso nga lang mailap. 

Wala siyang close friend dito. Bakit? Aba, stalker niya ako `no!

Haha! `di joke lang. Pero maraming nagsasabi sa akin na wala siyang kaibigan. Mas prefer kasi niya na maging loner. Hindi ko alam kung bakit. Kainis naman oh!

“Ayiie! Si Ricka lalapitan ang crush niya! Dalaga na si Ricka!” Kantiyaw ng kaibigan kong si Sammy. Asar talaga `to, namumula na naman ang mukha ko. Alam kasi niya na may pagtingin ako kay Alexander. Yes. That’s his name. Ang ganda ng pangalan niya `no? bagay na bagay!

“Ah-sshh! Huwag kang maingay, Sammy. Madaming makakarinig! Nakakahiya kaya!”

“Lapitan mo na kasi.” Udyok niya sa akin. 

“Oo na! oo na! kaw talaga pektusan kita diyan eh!”

“Hahaha! Asus! Kalat na kaya `yang pagsinta mo sa kanya.”

Kagaya ng suggest niya nilapitan ko talaga si Alexander. 

“Hi Alex!” Kinawayan ko pa siya. Blanko ang ekspresyon ng tiningnan niya ako. “Pwedeng tumabi sa`yo?”

“Hindi pwede.” Ouch naman.

“Haha! nice one! Ikaw talaga Alex, ang sungit sungit mo parin para naman hindi kita kaibigan.”

“Kelan naman tayo naging kaibigan? Pwede ba huwag ka ngang lapit ng lapit sa akin. Hindi mo ba alam ang reputasyon ko dito?”

Nginitian ko siya at umiling. “Ano ba ang reputasyon mo? Oh wait! Let me guess! Hearthrob ka ng campus natin! Astig!”

“No.” Matigas na sabi niya. “Isa akong loner. I don’t want to make friends with anyone else. Don’t you get it?”  

Iniligpit niya ang gamit niya na nakalapag sa lupa. 

Wah! Ang sungit talaga niya. 

Pero teka, siguro kailangan ko na magtapat sa kanya. Oo. Balak ko talaga ngayon na. Now na, kasi lumala na ang pagiging menupausal niya sa akin eh.

Tumayo na siya pero bago siya makaalis ay tumayo na rin ako tas hinawakan ang laylayan ng shirt niya. “Gusto kita.” Mahinang sabi ko pero sigurado ako na maririnig niya `yon.

Namumula na ang pisngi ko. 

Kung e-reject niya `yong confession ko bahala na. At least, sinubukan ko. Hindi ko naman mapipilit ang sarili ko sa taong ayaw eh. Haller. Pero ang lahat ng sinabi ko ay pawang kasinungalingan. Hahabolin ko parin siya `no. Hanggang singlet parin siya, I won’t give up! Aja!

“Sorry.”

Pero ouch naman. Ang sakit. Pero okay lang… hindi ako susuko! Aja!

Iniwan na niya ako doon at walang lingon likod. 

Naramdaman ko na lang ang pag-agos ng mga luha ko sa pisngi ko. Agad ko naman tinuyo `yon at huminga ng malalim. Kaya ko ito! 

Kaya ko ito! Aja!

“Okay ka lang ba, Ricka?” lumapit sa akin si Sammy. Ngumiti ako sa kanya. 

“Oo naman `no! ako pa? eh teka ba’t mo ba naitanong mo `yan sa akin.”

“Wala lang. Hindi mo kasi hinabol eh.”

“Hala. Na-space out kasi ako kanina eh! oh em ge! Alexander my love! Wait for me!” hinabol ko siya, nagtanong pa ako sa mga kakilala ko dito kung nakita ba siya pero iling lang ang sagot. 

Halos lahat ata nalibot ko na pwera sa likod ng college building kaya pinuntahan ko iyon. Hindi naman ako nabigo subalit malaking gilalas ko dahil nakita ko siyang nakatihaya. Agad ko naman siya dinaluhan. 

“Alex! Anong nangyari sa`yo? Hallo~ natutulog ka ba? may sakit ka ba?” Sinalat ko `yong noo niya, wala naman siyang lagnat. 

Amp. Natutulog sa lupa? Ay wait!

“O, then, dear saint, let lips do what hands do; They pray, grant thou, lest faith turn to despair~” haha feeling ko kasi ako si Romeo tas siya si Juliet.

“What the fvck are you saying?” bigla naman ako napaatras palayo sa kanya ng magising siya, bumangon siya tas sapo ang noo.

“Ay sorry `kala ko kasi nahimatay ka.” 

“Tanga ka ba o hindi?”

“Sakit mo naman magsalita.” Pinagkrus ko ang braso habang nakangusong sabi ko sa kanya. 

Tumayo siya pero muntik siyang matumba, dadaluhan ko nga eh pero `di ko na ginawa kasi naman eh `yong tingin kasi niya ay parang nagsasabi na don’t you dare touch me look.

“Eh sa totoo naman ang sinabi ko eh. Ano ba ang problema ba? nakita mo na nga ako dito na…na” bigla na naman niyang sinapo `yong noo niya.

“Hala. Okay ka lang ba?”

“Y-yeah. Nevermind me, er, I better get going.” Pinulot niya ang gamit niya tas nilagpasan ako. 

“Bakit ka ba ganyan, ha? Bakit ba masiyado kang mailap sa amin?”

“It’s none of your business.”

“Concern lang naman `yong tao eh. Alam mo kung hindi mo babaguhin `yang attitude mo, your just going to die with no one around you. Magiging loner ka habang buhay. Hayaan mo din naman na maging malapit kami sa`yo. Ang iba iniisip nila na arogante, suplado, mayabang and etcetera na puro negatibo. Ayaw mo bang magkaroon ng kaibigan? `yong parating may mag-cheer sa`yo, dadamayan ka kung may problema ka. Parating nasa tabi mo. Alam mo `yon? Isang beses lang tayo mabubuhay dito sa mundo so why don’t you make a happy memories than just spend your whole life being alone?”

Narinig kong bumuntong hininga siya tas nilagpasan na naman niya ako. 

*

SIMULA ng mangyari `yon ay hindi ko na nakikita si Alex, absent siya ng tatlong araw. May mga subject kasi na classmate ko siya.

Anak ng tufo! Kasalanan ko ba? hala, hindi pwede na ako ang may kasalanan kung ba’t absent siya. Ah hindi. Huwag kang maging negatiba, Aricka! 

Nandito ako ngayon sa library, may tinatapos kasi akong assignment.

“Can I sit here?”

Nakangitin na nag-angat ako ng tingin. “Hehe! Sure! Hindi naman ako ang may-ari nitong library `n—Alex!”

Nginitian niya ako. Ang gwapo talaga niya wah!

He sit on the chair sa opposite direksyon ng kinauupuan ko. Hindi ko alam kung bakit pero ako na atang pinaka-pinaka-pinaka-pinaka-pinakamasayang babae sa balat ng lupa! Isang himala na siya ang unang pumansin sa akin. Akala ko ay `yon lang ang swerteng pangyayari pero lately kasi lapit na ng lapit sa akin si Alex at kinakausap na niya ako. Hindi na siya nag-susungit. 

At sa ilang araw ang nakalipas ay naging kaibigan ko siya.

Okay lang kahit na mas gusto ko na higit pa sa pagiging kaibigan kami. Pero kung `yan talaga ang kagustuhan ng diyos na maging kaibigan na lang kami then fine. Naging close na din niya ang mga kaibigan ko. Naging isang buwan na ang nakalipas ay mas lalong lumalim `yong naramdaman ko para kay Alex. Minsan hindi ko maiwasan na magselos dahil may mga ilan-ilan na babae na lumalapit na sa kanya at nagpapahiwatig na may gusto sila kay Alex. Nginangatngat siya ng selos, minsan naihiling na lan gniya na bumalik na lang siya sa dati para siya lang ang pwedeng lumalapit dito. 

“Sige na please!” nagmakiusap `yong girl sa akin kung pwede ba na bigyan ko daw siya ng pagkataon na makasama si Alex kahit saglit lang para daw may pagkakataon na makapagtapat siya sa nararamdaman kay Alex. Kahit ayaw ko ay sumige na lang ako. “Tatanawin ko talaga `to ng utang na loob. Promise! Thank you! doon sa front gate ha?”
Nang nagpaalam na `yong girl ay sakto naman na lumapit sa akin si Alex. 

“Sabay na tayo umuwi, Ricka?”

“Ehh? um… `sige! Pero may kukunin pa ako sa library, hintayin mo na lang ako doon sa front gate. Okay lang sa`yo?”

“Okay. Bilisan mo ha?”

Tumango ako at nginitian ko siya then naglakad na palayo sa kanya. Nang makalayo na ako sa kanya ay dumeretso na ako sa library at tumambay na lang doon. Para akong tinusukan ng ilang libong karayom habang iniisip ko ang resulta ng pagtatapat ng babaeng `yon. Maganda naman kasi ang babaeng kumausap sa akin at mas sexy, hindi kagaya ko na hindi kalakihan ang dibdib ay hindi rin kasing ganda niya. 

Halos kalahating oras din ako doon at dahil cue ko na umalis doon dahil baka pagalitan na ako ng librarian ay tsaka ko naman nakita si Alex na humahangos na pumasok dito sa loob.
Galit na galit ang mukha niya at nakatitig sa akin. Sa isipan ko gusto ko tumakbo palayo sa kanya but my body chose to stay there until he completely near in front of me. Hinala niya ako palabas ng library.

“Why did you set me up, huh?”

Hindia ko makatingin sa kanya. “Nakiusap naman kasi siya eh. Sandali lang naman daw para makapagtapat siya ng naramdaman sa`yo.”

“Pakialam ko ba doon? Alam mo ba ang ayaw ko sa lahat ay `yong sinungaling at pinaglihiman ako?! Naman, Aricka!” Napasuntok siya sa dingding. 

“S-sorry.”

“Sorry? Ha! And here I thought you like me pero bakit kay dali mo lang ako ipamigay sa ibang babae? Is your feelings are that shallow towards me, is that it? Fvck!”

“Bakit gano’n ba talaga ang iniisip mo? Na mababaw lang `yong naramdaman ko, ha, Alex? Mali ka! Mahal na mahal kita! Akala mo ba hindi ako nasaktan sa ginawa ko? Nasaktan ako! Ayoko ng ganito. Pero anong magagawa ko? Wala naman `di ba? In the first place kasi ni-reject mo na ako kaya nga kinakalimutan kita eh! pero taksil kasi itong puso ko ayaw talagang magpaawat na mahalin ka!”

“Aricka…” Biglang lumambot `yong mukha niya. 

“Don’t feel pity on me. Hindi ko kailangan `yon. I always think in a bright side. Baka hindi ikaw `yong right guy para sa akin.” Tinalikuran ko siya pero bago ko magawang lumayo sa kanya ay niyakap niya ako. 

“Sana nga mahanap mo `yong lalaking mas nararapat sa`yo. `yong lalaking magmamahal sa`yo ng lubos, Aricka. I am not that kind of person who can give you happiness that’s why I can’t accept your feelings for me. Thanks. Thank you at pina-realize mo sa akin na kaya ko din pala maging masaya sa mga natitira kong buhay…” After that, he let go of me. Gusto ko samsamin ang yakap na `yon baka hindi na niya ako yayakapin ng ganito. Maybe this is the end of us, our friendship. 

Nasasaktan ako kasi hindi man lang niya matugunan `yong naramdaman ko para sa kanya. I was consume by my sadness na hindi ko man lang gaanong inintindi ang sinabi niya. Hindi ko mapigilan na tumulo `yong luha ko at naglakad palayo sa kanya. 

Hindi ko inaasahan na sa araw din na `yon ay iyon na din ang huli namin pagkikita. Hindi na kasi siya pumasok ng ilang araw hanggang sa maapat na buwan. Nasasaktan ako. Hindi ko na kayang ngumiti na kagaya noon na natural lang, kapag ngumingiti ako ay pakiramdam ko ay peke lang `yon. 

Bakit naman kasi minahal ko siya? Bakit hindi ko man lang siya naging akin man lang?
Lumabas na ako ng school nang may isang babae na lumapit sa akin. Familiar sa akin ang mukha niya pero hindi ko matukoy kung saan ko siya nakita kasi naman nakasuot siya ng itim na sunglass.

“Ms. Sanchez, am I right?”

“Ah opo. Sino po sila?”

“Ako nga pala si Alexa, kapatid ako ni Alexander Perez. Kaya naparito ako kasi may gusto lang ako ibigay sa`yo.” Biglang may kinuha siya sa purse niya, isang maliit na sobre `yon. “He ask me to give it to you before he died.”

Nanigas ang buong katawan ko sa huling sinabi niya. T-teka baka naman mali lang ako ng `dinig. “Anong bang pinagsasabi mo? Anong bago namatay siya? H-huwag ka ngang magbiro miss.” Pilit kong pinagsigla `yong boses ko. 

“Hindi ako nagbibiro, he died last month dahil sa sakit niyang cancer. Lumala na kasi `yong sakit niya kaya…” biglang siyang humikbi. “B-bago siya namatay ay sinulat niya `yan.” Tukoy niya sa letter. “at pinagkiusapan niya ako na pagnamatay daw siya ay ibigay ko daw `yan sa`yo…” Madami pa siyang sinabi pero para na akong bingi dahil hindi ako makapaniwala na namatay si Alex. 

Hindi pwede `yon! Parang kailan lang nagkausap kami. 

Tinakpan ng kaming ko ang aking bibig para pigilan ang sariling humikbi. Kahit na nagpaalam na `yong kapatid niya ay patuloy parin ako sa pag-iyak. Maya’t maya ay napagdecison ko na umuwi muna before ko babasahin `yon.

At nang nakauwi na ako ay deretsong pumunta ako sa kwarto ko at binasa `yon.

Ricka,

Kung nabasa mo na itong sulat ko alam ko na wala na ako. I died dahil sa sakit na cancer. Handa na sana akong mamatay na lumayo sa lahat dahil alam ko na masasaktan ko sila, handa ako na mag-isa na lang but then you came. You change me. Pina-realize mo sa akin pwede din ako gumawa ng mga magagandang ala-ala, akala ko nga noon may alam ka sa sakit ko eh pero mali ako. Anyways, ang mga araw na makasama ka ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko, alam mo ba `yon? Dahil sa`yo kahit paano ay naranasan kong magkaroon ng kaibigan at nakagawa ng masasayang ala-ala. 

Dahil na rin sa`yo natoto akong magmahal. In the end I didn’t get a chance to confess my love for you, pero `pag ginawa ko naman `yon sa`yo alam ko naman na mas lalo kitang masasaktan. I regret it pero kailangan. Alam ko na nasasaktan kita na hindi ko tinanggap `yong confession mo noon pero gano’n pa man, alam mo ba na ako `yong pinakamasayang tao niyon dahil may gusto rin `yong taong mahal ko? Pero kainis naman kasi eh bakit may sakit pa ako? kay daming tao rito sa mundo ay ba’t ako pa?

Kung naiinis ka na sa akin dahil tinago ko `yong sakit ko sa`yo,then, curse me. Murahin. Pero ginawa ko lang `yon dahil ayaw kitang mas masaktan…

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak at hindi ko natuloy ang pagbabasa ko. “Ang daya naman eh! hindi ba niya alam na mas lalo niya akong sinaktan?” Patuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko.  Sumisikip ang dibdib ko sa nababasa ko ang sulat niya. Hindi ko kaya. “Ang gago-gago talaga n-niya!”

Mahal din niya ako. Akala ko isa lamang itong one sided love pero mahal pala niya ako! kaya hindi niya ako magawang tugunan sa naramdaman ko sa kanya dahil iniisip lang niya ang kapakanan ko. Ayaw niya akong mas lalong masaktan. Pakshet lang!  sa tingin niya hindi niya ako sinaktan ng sobra-sobra?

Binalik ko uli ang tingin ko sa sulat at pinagpatuloy habang umiiyak.

…ito lang ang tandaan mo, minahal kita ng sobra-sobra. Kahit na hindi ko nasabi itong naramdaman ko para sa`yo ng personal ay at least malalaman mo rin dahil sa sulat ko.
I lover you, mi amor.

3 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^