Monday, October 14, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 44



CHAPTER 44

[ JAYLORD’s POV ]


“We’re here, Jaylord.” anunsyo ni Khalil.


Mula sa pinagparadahan namin ng kotse ay tanaw ko ang abandonadong building di kalayuan samin. Ni walang anumang building sa paligid namin maliban sa nakikita ko. Bumaba ako ng kotse. Gano’n din sina Chad at Khalil.


Napalingon ako sa dalawang magkasunod na van na pumarada sa likod ng kotse ko. Mula sa dalawang van ay bumaba si Paul at ang iba naming ka-brod. May kaniya-kaniya silang dala. Hindi ko na kailangang sabihin kung ano ang mga ‘yon. Tuso ang ACG. Hindi sila lalaban ng mano-mano. Mabuti na ang sigurado.


“Jaylord! Buhay ka talaga!”


“Sabi na nga ba! Hindi ka pwedeng mamatay ng gano’n-gano’n lang!”


Kulang na lang yakapin nila ako sa mga nakikita kong reaksyon nila. Gano’n ba ko kahalaga sa kanila? Kung hindi pa sila sinaway ni Chad, baka makalimutan na nila ang dahilan kung bakit kami nandito.


“Mga ‘tol, mamaya na muna ang ka-dramahan, okay? May misyon pa tayong dapat tapusin.”


Sumeryoso din naman agad ang mga mukha nila.


Seryoso ko din silang tiningnan. “Kung ilan tayong pumasok sa loob, gano’n din dapat tayo lalabas. Maliwanag ba ‘yon?” May masaktan man, gusto kong buhay kaming lahat na lalabas sa building na ‘yon.


“Oo!” sabay-sabay nilang sagot.


“Let’s go.”


Naglakad na ko habang kasunod sila. Hanggang sa naging lakad-takbo na ang ginawa ko. Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Si Paul ‘yon na sumabay sakin.


“Natutuwa akong malamang buhay ka, ‘tol. Alam naming hindi magpapatalo ng gano’n lang ang katulad mo.”


“I know.” Seryoso pa rin ako habang nakatingin sa building kung nasa’n ang pakay ko.


“Ililigtas natin siya, Jaylord.”


= = = = = = = =


Nasa harap na kami ng abandonadong building. Hindi ko na masyadong nakikita ‘yon dahil sa malaking lumang gate na nasa harap namin. May nakapaligid ding mataas na pader sa building. Pero hindi na namin kailangang magpakahirap na buksan o akyatin ‘yon.


“Bukas.” sabi ni Khalil nang lapitan niya ang gate.


“Hinihintay talaga nila tayo. Maghanda kayo.” sabi ko sa kanila.


Lumapit ako sa gate. Sumilip muna ako. Malaking espasyo ang nakita ko na may mga ligaw na halaman at damo sa lupa. May mga malalaking drum na nakakalat sa paligid. Nasa dulo ang lumang biulding, di kalayuan. All in all, it was really an abandoned place.


Sinenyasan ko ang mga kasama ko na sumunod sakin. “Talasan ninyo ang mga mata ninyo.”


Wala pa kami sa kalagitnaan ng mula sa building ay sunod-sunod na lumabas ang mga lalaking inaasahan naming sasalubong samin. Huminto sila, mga dalawampung hakbang mula samin.


Ngumisi ang lalaking nasa gitna nila. Si Janus. Siya ang kanang kamay ni Kairo. Siya ang lalaking nagtangka sa buhay ko nung may amnesia pa ko. Siya ang pasimuno ng gulong ‘to.



- F L A S H B A C K -

“Bilisan mo naman, ‘tol!” Halos pasigaw na utos ni Khalil kay Chad.


“Ano pa bang ginagawa ko?! Halos lumilipad na nga tayo!”


Tahimik lang akong nakasakay sa back seat habang nagsisigawan ang dalawa. Nang tawagan ni Clay si Chad kanina at sabihing may kumuhang mga lalaki kay Ellaine, halos liparin naming tatlo ang papunta sa kotse. Ni hindi ko nga alam kung napansin ba nila lolo na umalis kami. Pero malamang, alam na nila ngayon ‘yon.


Hindi na mahalaga ‘yon. Si Ellaine ang iniisip ko ng mga oras na ‘to. Ni hindi nasabi ni Clay kay Chad kung sinong ang mga kumuha kay Ellaine dahil naputol ang linya, pero may ideya na ko kung sino sila. At humanda sila sakin!
“Kesa pumutak ka ng pumutak dyan, tawagan mo na sina Paul!”


Sa narinig kong sinabi ni Chad ay saka lang ako nagsalita. “Hindi ninyo sila tatawagan.” madiing sabi ko. Hindi na nila laban ‘to. Tinulungan ko silang magbago noon. Ayokong ako pa ang magbabalik sa kanila sa magulong mundong ‘to na tinalikuran na namin.


“We have to, Jaylord.”


“Wala mang sinabi si Clay kung sinong kumuha kay Ellaine, may ideya na kami kung sino.” dugtong ni Khalil sa sinabi ni Chad. “Ang ACG. Yun din ang nasa isip mo diba?”


Kinuyom ko ang kamao ko. “Oo.”


Nagpakita sakin si Kairo at gusto pa kong idamay sa pagpapakamatay niya. Nang magka-amnesia ako, si Janus naman na kanang kamay niya ang nagtangka sa buhay ko ng gabing ‘yon. Hindi ko alam kung paano niya ako natagpuan no’n, pero balak niya kong patayin ng gabing ‘yon. Pati ang mga lalaki sa van.


Nagulat siguro siya nang malaman niyang buhay pa ako at si Kairo ang namatay sa warehouse kaya ngayon, gusto niyang gumanti. At si Ellaine ang gagamitin niya laban sakin. Humanda sila sakin!


“Kailangan natin ng tulong ng DSG, Jaylord. Hindi natin sila kaya kung tayo lang.  Mahihirapan tayo. Isa pa, alam nilang mangyayari ‘to.”


“What do you mean by that?” kunot-noong tanong ko kay Khalil.


“Nung hindi ka pa nakikita ni Megan, nalaman naming tinitipon ni Janus ang mga galamay niya, ang ACG. Dahil hindi pa namin alam na buhay ka no’n, inisip namin nila Chad na ngayong patay ka na, kikilos na sila para makaganti. Kaya inihanda na rin namin ang DSG. Maliban sa dalawang taong pinaghihinalaan namin, inisip din namin no’n na maaaring may kinalaman sila sa pagkamatay mo.”


“Sinong dalawang tao?” tanong ko.


“Isang buwan pagkatapos mong mamatay, gumawa kami ng sarili naming imbestigasyon. Una, si Seth. Hindi pa siya nagpapakita simula ng mangyari yung sa warehouse. Isang linggo bago ang kasal ninyo ni Ellaine, pumunta siya ng ibang bansa. At hanggang ngayon, wala pa ring record na nakauwi siya ng bansa. Sa panahon ngayon, madali nang i-fake ang gano’ng impormasyon basta may kilala kang gagawa no’n.

Pangalawa, si Drenz. The day after you died, nag-resign siya ng NPC at matagal na hindi nagpakita. Alam naming hindi mo siya gusto. Naging paranoid kami kaya pina-imbestigahan namin siya. And we’ve found out na fake ang mga credentials na ginamit niya nung pumasok siya ng NPC. Hindi siya si Drenz Gomez. Siya si Drenz Sanchez. Siya ang kapatid ng taong nagligtas kay Ellaine. Ang hindi namin maintindihan, bakit siya pumasok ng NPC?”


“Sinabi ko na sa inyo kanina. Gusto niyang maghiganti sakin dahil akala niya ako ang pumatay sa kuya niya.”


“Sinabi mo rin kanina na pinaimbestigahan mo rin siya noon. Hindi ba pumasok sa isip mo no’n na ikaw ang pakay niya, Jaylord? Bakit hinayaan mo pa siyang mapalapit kay Ellaine kung alam mo namang may hidden agenda siya sa pagpasok ng NPC?”


Hindi ako sumagot. Hindi ko na kailangang sagutin ang mga tanong niya. Isa lang ang masasabi ko, pinaimbestigahan ko si Drenz hindi para alamin ang tunay niyang pagkatao. Ginawa ko ‘yon para malaman kung anong klase siyang tao.


“Khalil, tama na ‘yan. Labas na rin si Drenz dito. Saka na natin siya harapin pagkatapos nito.”


“Sigurado ba kayong labas siya dito, Chad? Si Jaylord na ang nagsabi kanina, magkakilala si Drenz at Kairo. Paano kung kasabwat ni Drenz ang ACG, hah?” Nilingon ako ni Khalil. “Si Drenz din ba ang nagtangka sa buhay mo nung may amnesia ka pa?”


“It was Janus, Khalil. Siya at hindi si Drenz.”


= = =


“Shit! Bakit may ambulansya dito?” bulalas na tanong ni Chad.


Yun ang naabutan namin pagkatapos ng maala-coaster ride na pagda-drive ni Chad hanggang dito sa kalsadang malapit sa village nila Ellaine kung sa’n kami pinapunta ni Clay.


Nagkatinginan kaming tatlo nina Khalil at Chad. Sabay-sabay kaming lumabas ng kotse at sumingit sa mga tao.


Napamura si Khalil nang makilala namin kung sino ang duguang lalaking isinasakay sa stretcher. Mabilis kaming lumapit sa kaniya. May tama ang balikat at gilid niya na puno ng dugo. May mga pasa at sugat din siya. Ang putla na niya. Halos kami na ang tumulak sa stretcher papunta ng ambulansya.


Idinilat niya ang mata niya. “A-ng tagal n-ninyo...” mahinang sabi niya.


“Shit! Clay! Bakit hindi mo sinabing may tama ka?!” halos pasigaw na sabi ni Chad.


“T-tumawag p-pa ko.. ng ambulansya...” Tiningnan niya ko. “Y-yung n-necklace ni E-ellaine... may t-tracking d-device ‘yon... Y-yung laptop sa k-kotse.. g-gamitin mo ‘yon.. p-para ma-track s-siya...”


Kinuyom ko ang kamao ko. Isipin ko pa lang na pinagbintangan ko siya kanina nung hindi pa bumabalik ang alaala ko, sinusundot na ko ng konsensya ko.


Hinawakan ng duguan niyang kamay ang damit ko. “L-lordy, I’m s-sorry... I f-failed to save h-her... I f-failed a-again...” hirap na hirap na sabi niya. Pinikit niya ang mga mata niya kasabay nang pagpatak ng luha niya. “H-hindi k-ko na n-naman nagawa...”


I know what he means by that ‘again’. A woman from his past.


“Pu—a, ‘tol! Wag ka ngang umiyak! Hindi ka pa mamamatay!” madiing sabi ni Khalil sa nanginginig na boses.


“A-ang ACG... S-sila ang.. t-tumangay kay E-ellaine... H-hinihintay ka d-daw.. ng b-boss nila.. J-jaylord... I’m s-sorry...”


Kinuyom ko ang kamao ko. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. “You did your best, Clay.” madiing sabi ko. “Bumalik na ang alaala ko kaya wag ka nang mag-alala. Kami na ang bahala. Mas hindi kita mapapatawad kapag hinayaan mong mawala ka. Tandaan mo ‘yan.”


Hindi ko alam kung naintindihan ba niya ang mga sinabi ko dahil sa isinagot niya. “I’m h-happy.. to m-meet you, guys...” Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko. Nang tingnan ko siya. He was half-smiling. Mukhang nawalan na rin siya ng malay. Tuluyan na siyang naipasok sa loob ng ambulansya.


“Okay lang ba siya?!”


“Mahina na ang pulso niya. Mukhang marami na ring dugong nawala sa kaniya. We need to take him to the hospital.” mabilis na sagot ng isang medical officer sa tanong ni Khalil bago sumakay sa ambulansya.


“Bilisan ninyo! Pag may masamang nangyari sa kaibigan ko, kayo ang mananagot!”


“Don’t shout, Khalil.” madiing saway ko sa kaniya. Pigil ko ang galit na nararamdaman ko sa dibdib ko.


“Bakit kasi hindi niya sinabing may tama siya nung tumawag siya sakin?”


“Shit! Humanda ang mga ACG na ‘yon sakin!”


I gritted my teeth. Humanda talaga sila sakin!


“Jaylord?!”


Napalingon ako sa kanan ko. Nakita ko ang mama ni Ellaine na gulat na nakatingin sakin na parang nakakita ng multo. Muntik pa siyang matumba sa sobrang pagkagulat kung hindi lang siya nahawakan nina Khalil.


“Tita Julia.”


“A-anong nangyayari? Bakit... Buhay ka?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Sinong nasa ambulansya? Si Ellaine, nasa’n si Ellaine?” Nagpapanic na siya.


Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag. Kailangan na naming umalis nina Khalil.


“Jaylord!”


Nlingon ko ang bagong dating. “Dad!”


“Sinundan ko kayo. Ano bang nangyari? Wala si Ellaine sa mansyon.”


Nilapitan ko siya para hindi marinig ni Tita Julia ang sasabihin ko. “I don’t have time to explain everything, Dad. Nabaril si Clay. Ellaine was kidnapped. Ikaw nang bahalang magpaliwanag kay Tita Julia.” Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa balikat niya. “Dad, please. Ikaw nang bahala kay Clay. Wag mong hayaang may masamang mangyari sa kaniya.”
Hindi ko na pinakinggan ang mga sinabi niya dahil mabilis kong kinuha ang laptop ni Clay sa kotse niya. “Khalil! Chad! Let’s go!”

- E N D  O F  F L A S H B A C K -



“Kamusta na kayo, DSG? Long time no see. Ang tagal ninyo namang dumating. Nilamok na kami kakahintay dito.”


Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko nang marinig ko ang tanong na ‘yon mula sa boses na ang sarap ihambalos sa pader.


“Kamusta ka na, Jaylord? Naalala mo ba ko?” tanong ni Janus.


Sina Khalil at Chad ang sumagot.


“Kamustahin mong mukha mo!”


“Hindi ka niya maaalala dahil ang pangit mo!”


Do’n na nagsimula ang palitan ng mga maanghang na salita sa pagitan ng mga kasama ko at ng ACG. Itinaas ko ang kamay ko para patahimik ang mga kasama ko.


“Hindi kita kilala.” sabi ko kay Janus.


Hindi nag-react ang mga kasama ko sa sinabi ko. Pinaalam ko na sa kanila na magpapanggap akong wala pa ring maalala kapag nakaharap namin ang ACG. Pag nalaman nilang wala pa rin akong maaalala ngayon, iisipin nilang magagamit nila ‘yon para matalo ako. Kami.


“Hindi mo talaga ako kilala?”


“Hindi. Pero natatandaan kita. Ikaw ang lalaking nagtangka sa buhay ko ng gabing ‘yon.”


Ngumisi siya. “Ako nga ‘yon. Yun ang gabing para kang duwag na nagtatakbo palayo sakin. Biruin ninyo mga ‘tol? Si Jaylord, tumakbo palayo sakin.” natatawang sabi niya.


“Sige lang, tawa pa. Hindi ka na makakatawa mamaya.” narinig kong bulong ni Khalil sa tabi ko. “Ano pang hinihintay natin, Jaylord? Sumugod na tayo.” Humakbang na siya nang hawakan ko ang braso niya.


“Paanong hindi ako tatakbo? Kahit sino naman sigurong makakita sa mukha mo, tiyak na tatakbo palayo sa’yo. Kilala ka man niya o hindi.”


“May amnesia ka na nga, matalas pa rin ang dala mo.” Tumaas ang sulok ng labi niya. “Kamusta na nga pala si Clay? Humihinga pa rin ba siya?”


Kinuyom ko ang kamao ko.


“Ba’t parang galit kayo?” Mas lalong lumapad ang ngisi niya. “Oh! Mukhang hindi siya, okay, hah. Sana kunin na rin siya ni Lord.”


“Hayop ka!”


Hindi ko na napigil si Khalil nang sumugod siya. Sumunod na rin ang mga kasama ko. Sumugod na rin ang mga ACG sa kanila. Pinatunog ko ang mga buto ko sa kamay. Kasabay nang pagsugod sakin ng isang lalaki na sinalubong ko ng suntok.

= = =


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^