Monday, October 14, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 43



CHAPTER 43

                      [ ELLAINE’s POV ]


Continuation of flashback...


Muntik na kong mapatili nang makita kong sinugod nila Clay ang mga ACG. Wala na ring nagawa si Jaylord kundi ang tulungan sila. Kaya lang, dahil sa sobrang kalasingan nina Clay, hindi sila makapag-laban ng maayos sa mga ACG. Mas marami pang tama ang natatanggap nila kesa sa nabibigay nila sa kalaban nila.


Sa sobrang katarantahan ay kinuha ko ang cellphone ko at tumawag ng pulis. For emergency purposes, may sinave na no. si Jaylord dito sa phone ko na pwede kong tawagan.


Grabe ang kabang nararamdaman ko ngayon. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ngayon ko lang sila nakitang makipag-rambulan ng ganyan. At hindi ko kaya nang nakikita ko. Tinakpan ko na lang ang bibig ko para hindi ako makagawa ng anumang tunog.


Si Jaylord na lang ang nakikita kong nakikipaglaban sa ACG at hinaharang ang mga ito para hindi na makalapit sa mga nanghihinang sina Khalil na nakaupo at nakahiga na sa kalsada. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita kong naglabas sila ng patalim.


“Jhonny, ikaw nang bahala sa tatlo! Kami na sa isang ‘to! Alam mo na ang gagawin mo!” narinig kong utos ni Kairo sa isang kasama niya.


“Pero wala sa usapan natin na papatay ako—”


“Put—na! Duwag ka talaga! Baka nakakalimutan mo ang usapan natin!”


“O-oo na!”


Nakita kong lumapit ang nagngangalang Jhonny kina Khalil habang binaback-upan siya nina Kairo. May hawak din siyang patalim.


Oh my God! Anong gagawin niya?


Nakalapit na siya kina Khalil na hindi na makatayo. Pero nakatingin lang siya sa mga ito.


“Jhonny! Put—na! Tapusin mo na!”


“Akala ninyo ba papayagan kong gawin ang binabalak ninyo?” sabi ni Jaylord habang pinagtutulungan siya nina Kairo.


“Wala ka ng magagawa, Jaylord! Magpaalam ka na sa kanila!”


Itinaas nang nagngangalang Jhonny ang patalim na hawak niya. “Oh my God!” mahinang sambit ko.


Pero bago pa niya magawa ang binabalak niya ay nahawakan na agad ni Jaylord na bigla na lang sumulpot sa tabi niya ang kamay niyang may hawak na patalim. Sinipa ni Jaylord ang isang lalaking balak na pigilan siya. Naagaw ni Jaylord ang patalim mula do’n sa Jhonny at mabilis na sinuntok si Jhonny na sumadsad sa kalsada at agad na hinarap at sinalubong ng sipa at suntok ang mga lalaking sumugod sa kaniya.


Ang galing talaga ng Jaylord ko...


Nakahinga ako nang maluwag sa nangyari pero hindi no’n nabawasan ang kabang nararamdaman ko.


“Ano nga uling sinasabi mo kanina, Kairo? Magpapaalam?”


Kahit bahagyang nakatalikod sa gawi ko si Jaylord. Ramdam kong nakangisi siya. Nakita ko kung paano mabwisit ang mukha ni Kairo habang umaatras dahil paabante ng hakbang si Jaylord sa kanila habang hawak ang patalim na nakuha niya do’n sa Jhonny kanina.


“Lampa ka talaga, Jhonny!”


“Mana lang siya sa leader nila, Kairo. That’s you, right?”


“Hayop ka talaga, Jaylord! Palibutan siya!”


Triple na ang kaba ko nang palibutan nilang apat si Jaylord. May hawak silang mga patalim.


May kung anong ibinulong si Kairo do’n sa Janus. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Nagpapa-palpitate na ko. Hindi pwedeng wala kong gawin. May nakita akong kahoy na mahaba sa gilid ng basurahan na nasa harap ko.


Tamang-tamang pagsilip ko sa kanila, pinagtutulungan na nila si Jaylord habang iwinawasiwas nung Janus ang patalim na hawak niya kay Jaylord. Si Kairo naman, nakita kong pasimpleng lumalapit kina Chad. Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang tuluyan siyang makalapit sa kanila. Mabilis akong tumakbo palapit kina Chad.


“Lumayo ka sa kanila!” Pinalo ko ng kahoy na hawak ko sa Kairo. At dahil nakatalikod siya sa gawi ko, hindi siya nakaiwas. Narinig ko siyang napamura nang mapahiga siya sa sahig.


Lumuhod naman ako sa tabi nina Chad. Dugo ang labi. May sugat sa mukha. Putok ang kilay. Yun ang mga itsura nila. “Hoy! Gumising kayo!”


“Hmm...” Yun lang ang tangi kong narinig sa kanila.


“Ellaine!”


Boses ‘yon ni Jaylord. Lumingon ako sa likuran ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang lalaki na nakatalikod sakin. Nasa harap niya si Kairo.


“Tanga ka ba talaga, Jhonny? Ba’t ka humarang?”


“B-babae siya, Kairo...”


“Wala akong pakialam! Hindi mo ba alam na dahil sa ginawa mo, hindi ko tutuparin ang usapan natin?”


“Don’t please... Wag mong idamay ang kapatid ko dito...” Dahan-dahang napaluhod ang lalaki.


Natutop ko ang bibig ko nang marealize ang ginawa ng lalaki. Oh my God!


Pasabunot na hinawakan ni Kairo ang buhok ng lalaki. “Niligtas ko ang buhay mo, Jhonny. Pero mukhang kinalimutan mo na ‘yon dahil sa pag-pi-feeling hero mo sa babaeng hindi mo naman kilala.”


“B-babae siya...”


 “Wala nga kong pakialam! Walang exempted sa batas ng ACG, alam mo ‘yan! At lahat ng kumakalaban sakin, dapat nang mawala dahil hindi ko sila mapagkakatiwalaan! Walang duwag sa ACG, Jhonny!”


Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang saksakin ng dalawang beses ni Kairo ang lalaki. Tuluyan nang nalugmok ang lalaki sa kalsada habang duguan. Sa mismong harapan ko.


“At ikaw babae, ang dapat sa’yo—”


“Don’t lay your hands on her!”


Boses ni Jaylord ‘yon. Pero hindi ko napansin ang nangyayari sa paligid ko. Sa kanila. Nasa lalaking nakalugmok sa harap ko ang atensyon ko. Itinaas ng lalaki ang kamay niya na parang may inaabot.


“Sorry...”


Narinig ko ‘yon na sinabi ng lalaki. But I was totally shocked sa nakita kong nangyari sa kaniya kaya hindi ako makakilos. Napakislot ako nang hawakan ng duguan niyang kamay ang braso ko. He was looking at me.


“I’m s-sorry...”


Umiling ako. Hindi ko siya maintindihan. Bakit siya nagso-sorry?


“T-tama ka... I shouldn’t.. trust them... P-pero huli na... N-nainvolve na.. ko sa k-kanila.. U-utang ko ang.. b-buhay ko kay K-kairo.. H-hahayaan niya k-ko.. kung s-sundin ko.. lahat ng s-sasabihin niya.. K-kapag hindi.. s-sasaktan ka n-niya..”


Hindi ako ang kausap niya? Naghahalucinate na ba siya? Sino bang kinakausap niya?


“I’m s-orry kung.. kung u-umabot sa g-ganito...” Hirap na hirap na sabi niya. He closed her eyes. “I’m s-sorry.. kung h-hindi na m-matutupad.. ang m-mga p-pangarap ko p-para sa’yo... I’m s-sorry... M-mahal na.. mahal k-kita, Dre—” May lumabas na dugo sa bibig niya.


“Don’t talk, please.”


Naramdaman kong lumuluwag na ang pagkakahawak niya sa braso ko. “N-nagkamali ako... P-pero n-natutuwa akong...”


“T-tata.. tatawag ako ng doctor! Wag ka nang magsalita!” natatarantang sabi ko.


“I’m g-glad.. that I.. saved s-someone be... b-before I di...” Tuluyan na siyang nakabitaw sa pagkakahawak sa braso ko. Nanginginig ang kamay kong inabot ang leeg niya para tingnan ang pulso niya.


“No...” Sunod-sunod akong umiling habang nakatingin sa kaniya. Hindi ako mapakapaniwalang namatay siya ng dahil sakin at sa mismong harap ko pa. Ni hindi ko siya kilala.


“Ellaine!”


Bigla akong napatayo. Hindi dahil kusa akong tumayo. May humila sakin. Si Jaylord. Niyugyog niya ang balikat ko. Napamura siya. “What the hell are you doing here?! Hind ba’t sinabi ko sa’yong sa bahay ka lang?!”


Sobrang lakas ng boses niya na humahalo sa naririnig kong sirena na nagmumula sa police mobile.


“Why the hell did you follow me and show up yourself in front of Kairo?! Papatayin mo ba ko sa kaba?! Muntik ka nang mapahamak, Ellaine!” Napamura na naman siya nang malutong. “Bakit ba napakatigas ng ulo mo?! Ginamit mo ba yung motor na binigay sa’yo ng mama mo kaya nasundan mo ko hah?! From now on, bawal mo nang gamitin ‘yon! Ipapasunog ko na ‘yon! Bwisit!”


Nakatingin lang ako sa kaniya. Sa mukha niyang may ilang sugat. May hiwa ang damit niya sa bandang balikat at may bahid ng dugo ang damit niyang puti.


“Jaylord...”


Unti-unting nawala ang galit na nakikita ko sa mukha niya. Marahil ay napansin niya ang reaksyon ng mukha ko.


“He died... Yung lalaki...”


Nilingon niya ang lalaki at nilapitan. Kinapa niya ang leeg nito.


Nangilid ang gilid ng mga mata ko nang tingnan ko ang lalaking hindi ko naman kilala. “He died in front of me...” Pumatak ang luha ko. Niyakap ko ang sarili ko. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang duguang kamay ng lalaki sa braso ko.


“Hindi ko siya kilala...” Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. “He saved me...” Pinikit ko ang mga mata ko. Naramdaman kong may pumulupot na mainit na bagay sa katawan ko. “He died because of me...” Tuluyan na kong napaiyak. Humagulgol na ko ng iyak. Yumakap na din ako kay Jaylord at ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. “Hindi ko sinasadya... Hindi ko gustong mamatay siya...”
 
- E N D  O F  F L A S H B A C K -



“That’s the very first time na may nakita akong pinatay sa mismong harap ko… I was traumatized because of what happened… I had to undergo counseling... I became amnesic about the circumstances surrounding that incident... I repressed those thoughts, Drenz...”
 

It’s a defense mechanism called repression. Na-trauma ako sa nakita ko kaya unconsciously, I kept those threatening thoughts and feelings from entering my conscious mind.


“I don’t know when… But with the help of Jaylord and my friends.. pati ni mama.. I coped up with what had happened…”


Nakatingin lang si Drenz sakin. Sa itsura niya, parang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko.


Napayuko ako. “I’m sorry, Drenz...”


= = =


[ DRENZ’s POV ]


Hindi si Jaylord ang pumatay kay kuya. Si Kairo ang may gawa no’n.


Tama ang sinabi ni Jaylord sakin nung nasa warehouse ako.


Hindi sinasadya ni Ellaine na kalimutan ang nangyari. Na-trauma siya.


Kaya laging problemado si kuya no’n dahil iniisip niya ang maaaring gawin sakin ni Kairo kapag hindi siya sumunod sa mga utos nito.


Namatay si kuya dahil niligtas niya ang babaeng nasa harap ko ngayon.


Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula kay Ellaine.


“Walang kasalanan si Jaylord, Drenz... Kasalanan ko ‘yon... I’m sorry... Hindi ko sinasadya...”


Five years akong nagtanim ng sama ng loob kay Jaylord na halos isumpa ko na siya sa isip ko. Tapos wala siyang kasalanan?



“Hindi namin pinaalam na buhay si Jaylord... kasi... may amnesia siya... Someone tried to kill him… nung mga panahong.. hindi pa namin siya nakikita...”




At kaya gano’n siya kasaya nang makita ko uli siya kanina. Kaya pala. Dahil kasama niya si Jaylord. Nagka-amnesia man si Jaylord o hindi. Ang katotohanang kasama niya si Jaylord ang dahilan kung bakit siya nakangiti kanina. Habang ako... Sinusundot ako ng konsensya ko.


“Ako na lang ang sisihin mo, o... Sakin ka na lang magalit...”


I chose this woman over my revenge and my brother. Tapos malalaman kong namatay si kuya ng dahil sa pagliligtas sa kaniya?


“Alam kong hindi na maibabalik ng sorry ko ang kuya mo... But I’m really sorry, Drenz... You suffered because of me... Lahat ng sakit na nararamdaman mo, kasalanan ko...”


The moment I fell in love with her, I had the reason to live. But loving her is like having a beautiful wound. Masakit na masaya. Madali siyang mahalin pero ang hirap din para sakin dahil ang kumplikado ng sitwasyon namin. For the past five years, naramdaman ko ‘yon.


“Drenz...”


Mula sa pagkakayuko niya ay umangat ang tingin niya sakin. She was crying until now.


“I’m sorry...”


Sa bawat sorry niya, nadadagdagan lang ang sakit na nararamdaman ko. Pabigat nang pabigat ang nararamdaman kong sakit.


“Magsalita ka naman, o... Magalit ka... Sigawan mo ko... Sisihin mo ko...”


Ang pangarap kong panatilihin ang ngiti niya, hindi ko na natupad. Wala akong natupad na kahit ano sa mga pangarap ko.


Napakatanga ko. Kung sana inalam ko ang katotohanan sa likod nang kamatayan ni kuya, hindi sana aabot sa ganito. Pero tinalo ng galit ang puso ko. Galit na nakakalimutan ko tuwing nandyan si Ellaine sa tabi ko.


Napakaduwag ko. Kung sana hinarap ko si Jaylord noon pa, hindi sana aabot sa ganito. Pero dahil kay Ellaine. Dahil sa kaniya. Pinili kong magpakaduwag.


Dahil sa pagmamahal ko sa kaniya, ito ang kinalabasan ng lahat. Gano’n ba talaga ka-unfair ang mundo para sakin? Nung una pa lang, ako na ang talo. Hanggang ngayon, ako pa rin ang talunan.


“Drenz...”


Inangat ko ang mga kamay kong nakatali papunta sa pisngi niya pero bago ko pa magawa ang iniisip ko ay binawi ko agad ‘yon. Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko.


“Drenz...”


Yumuko ako. “Hayaan mo muna ko...”


Five years akong naniwala sa isang kasinungalingan na naging dahilan ng bawat paghihirap ko. How could I easily accept that?


Ang hirap...


Sobrang hirap...

= = =


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^