Monday, October 14, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 42



CHAPTER 42

[DRENZ’s POV ]


“Gising na pala ang mga bisita ko.”


Naputol ang pagbabalik-tanaw ko nang marinig ko ang boses na ‘yon. Naramdaman ko ang paghakbang niya palapit sa gawin namin.


“Kamusta ka na, Ellaine?”


Sino siya?


“It’s nice to see you again, Ellaine. Long time no see, huh. Oh! Hindi mo nga pala ko nakikita.”


Kilala niya si Ellaine? Sino ba siya? Hindi pwedeng si Kairo siya. Alam ko ang boses ni Kairo. Hindi kaya isa siya sa mga member ng ACG? Tama. Ang ACG ang dumukot samin kanina.


“Ilagay ninyo sa dulo ang lalaking ‘yan.”


Hinila ako ng kung sino palayo kay Ellaine. Nagpumiglas ako pero naramdaman ko lang ang sakit ng katawan ko.


“Nagtataka ka siguro kung bakit ka nandito, Ellaine. Sisihin mo si Jaylord. Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito. Hindi pa kasi siya namatay.”


Nagulat ako sa huling sinabi niya. Sobrang nagulat ako. Hindi pa patay si Jaylord?


“At, Drenz. Si Jaylord din ang sisihin mo kung bakit ka nabugbog ng mga tauhan ko at kung bakit ka napasama dito. Katulad nang ginawa niyang pagpatay sa kuya mo.”


Kinuyom ko ang kamao ko sa pagpapa-alala niya ng bagay na ‘yon. Bakit ang dami niyang alam? Sigurado akong member siya ng ACG dahil alam niya ang bagay na ‘yon. Hindi kaya siya si Janus?


“Nagtataka ka siguro, Ellaine, kung anong tinutukoy ko. Pwes, ipapaalala ko sa’yo. Five years ago, nangyari ang huling pagtutuos ng DSG at ACG. Five years ago, namatay ang kuya ni Drenz. At nando’n ka ng araw na ‘yon, Ellaine. Kitang-kita mo ang mga nangyari. Kung paano pinatay ni Jaylord ang kuya ni Drenz. At anong ginawa mo? Nanahimik ka na lang.”


Parang pinukpok ang ulo ko dahil sa huling mga sinabi niya. Nando’n ng gabing ‘yon si Ellaine? May alam siya sa mga nangyari? Alam niyang may pinatay si Jaylord? At nanahimik lang siya?


Para kong sinasaksak sa mga narinig ko dahil paulit-ulit yung nag-rereplay sa pandinig ko.


“Hindi ba’t ngayon ang araw kung kailan namatay ang kuya mo, Drenz? Baka naman gusto mo ding isabay ang kamatayan ni Ellaine sa kuya mo? Hindi ka nakaganti kay Jaylord diba? Yun naman talaga ang dahilan mo sa pagpasok mo sa NPC. Ang gantihan siya. It’s your chance. Wag mo nang biguin ang kuya mo.”


May alam si Ellaine. May alam siya. Hindi ako makapaniwalang may alam siya.


“Alam mo ba ang bagay na siguradong makakasakit kay Jaylord na mas masakit pa sa ilang tama ng baril na ibibigay mo sa kaniya? Para mo na ring pinatay ng paulit-ulit si Jaylord kapag binura mo sa mundo ang pinakamahalagang babae sa buhay niya. At yun ay si Ellaine.”


Si Ellaine na siyang dahilan kung bakit kinalimutan ko ang paghihiganti ko. Si Ellaine na siyang naging dahilan kung bakit nagkaro’n ako ng dahilan para mangarap. Ang pangarap kong makitang lagi siyang masaya at nakangiti.


Ang babaeng ang kapakanan ang lagi kong iniisip. Ang babaeng lihim kong minahal.


At ngayon, malalaman kong may alam siya ginawa ni Jaylord?


Naramdaman ko ang pagkalas ng kung sino sa pagkakatali ng kamay ko sa likuran ko. Itinali niya uli ‘yon, pero sa harapan ko na. Tinanggal niya rin ang piring ko sa mata at ang telang nakatakip sa bibig ko. May inilagay siya sa tabi ko pero hindi ko napansin kung ano ‘yon dahil nakatutok ang mga mata ko sa taong nasa kabilang dulo ng maliit na kwarto.


Tinanggal ng lalaki ang piring niya pero hindi ang nakatakip sa bibig niya. Naiwan kaming dalawa sa kwarto. Dahan-dahan siyang tumingin sa gawi ko. Nagtama ang mga namin.


This woman.


I chose her over my brother.


I chose her over my revenge.


I chose her because I love her.


And now...


“Tama ang mga narinig mo, Ellaine. I had a brother who was killed. Pumasok ako sa NPC para paghigantihan si Jaylord. He was the one who killed my brother five years ago. Sinira niya ang buhay naming dalawa. At alam mo ba ang gagawin ko para maghiganti sa kaniya? Sasaktan ko ang taong pinakamahalaga sa buhay niya. Ikaw ‘yon, Ellaine.”


Nakita ko kung paano manlaki ang mga mata niya. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Yumuko ako.


“But when I saw you. Your smile. Nang mapalapit ako sa’yo. Nang makilala kita ng lubusan. Everything suddenly changed. Kahit gustong-gusto kong maghiganti kay Jaylord, hindi ko magawa. Hindi kita kayang saktan. Hindi ko rin magawang saktan si Jaylord. Dahil kahit anong piliin ko sa dalawa, ikaw pa rin ang masasaktan sa huli.”


“Your wedding day. Ako ang dahilan kung bakit nasa warehouse si Jaylord. Dinala ko siya do’n. Kilala ko kung sino ang pumatay sa kaniya ng araw na ‘yon pero hindi ko sinabi sa’yo dahil ayokong malaman mo ang tungkol sakin. Ayokong magbago ka sakin.”


Kinuyom ko ang kamao ko. “Tapos ngayon, malalaman kong buhay si Jaylord...” Kaya ba hindi ako makaramdam ng saya no’n dahil hindi naman talaga siya nawala? “Tapos ngayon, malalaman kong may alam ka sa nangyari five years ago...” Pinigil ko ang galit na namumuo sa dibdib ko.


“Ayokong maniwala sa mga sinabi ng lalaking’yon. Pero...” Tiningnan ko siya. She was crying. “Totoo bang buhay si Jaylord? The truth, Ellaine. Please...”


Matagal bago siya tumango.


I gritted my teeth. Sa pagpipigil ko ng emosyon ko, nangilid ang gilid ng mga mata ko. “Nando’n ka ba ng araw na mamatay ang kuya ko?”


Kitang-kita ko kung paano siya tumango. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala.


“Ellaine... bakit?!” sigaw ko. Tuluyan nang naglandas ang mga luha ko sa sobrang emosyon na nararamdam ko. Galit. Sakit. Poot. Suklam. Hindi ko alam. Halo-halo na. “Kahit hindi mo alam na kapatid ko siya... bakit nananahimik ka na lang...?”


“Siya ang pinakamahalagang tao sa buhay ko bago ka dumating...! Pero kinalimutan ko ang paghihiganti ko kay Jaylord dahil sa’yo...! Nanahimik ako...! Nagbulag-bulagan ako...! I chose you over my brother, Ellaine...! Because I love you...! Minahal ko ang girlfriend ng taong pumatay sa kuya ko...!”


= = =


[ ELLAINE’s POV ]


Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula kay Drenz. Namalayan ko na lang na umiiyak na ko. When he asked me if Jaylord is still alive, I had no choice but to nod. When he asked me if I was there when his brother was killed, it’s true, that’s why I nodded.


“Ellaine... bakit?!”


Napaigtad ako sa sigaw niya.


“Kahit hindi mo alam na kapatid ko siya... bakit nananahimik ka na lang...?”


Hindi ‘yan totoo, Drenz.


“Siya ang pinakamahalagang tao sa buhay ko bago ka dumating...! Pero kinalimutan ko ang paghihiganti ko kay Jaylord dahil sa’yo...! Nanahimik ako...! Nagbulag-bulagan ako...! I chose you over my brother, Ellaine...! Because I love you...! Minahal ko ang girlfriend ng taong pumatay sa kuya ko...!”


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. He loved me?


“Kinalimutan ko si kuya, Ellaine... Tapos may alam ka pala sa nangyari no’n... Hindi ako makatulog sa kakaisip sa’yo dahil nag-aalala ako sa’yo nang mawala sa’yo si Jaylord... Sinisisi ko pa ang sarili ko... Yun pala alam mong buhay pa rin siya... Habang ako nasasaktan dahil sinaktan kita...”


“Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon, hah...? It fucking hurts me na hindi ko man lang naipaghiganti ang kuya ko dahil buhay pa rin ang taong pumatay sa kaniya..! It’s unfair...! It’s really unfair...!”


Drenz...


He was crying. He was hurt. This is the first time in my life that I saw him like that. At ang katotohanang ako ang dahilan kung bakit nahihirapan siya ng ganyan. Nahihirapan siya dahil mas pinili niya kong wag masaktan kesa ipaghiganti ang kuya niya. Pero wala namang kasalanan si Jaylord. Ako ang may kasalanan.


“Wala naman siyang ginagawa sa kanila... Pero bakit nila ginawa ‘yon kay kuya...? Bakit, Ellaine...? Bakit...? Bakit ginawa ‘yon ni Jaylord sa kuya ko...?”


Sunod-sunod akong umiling.


Walang masamang ginawa si Jaylord, Drenz.


Gusto kong magsalita pero puro tunog lang ang lumalabas sa bibig ko. Kung matatanggal ko lang sana ang telang nasa bibig ko, masasabi ko sa kaniya ang nangyari no’n.


Lumapit ako sa kaniya. At dahil nakatali ang mga kamay at mga paa ko ay nahirapan ako. Natumba pa ko. Pagapang na lang akong lumapit sa kaniya. Kailangan ko siyang makausap.


Napatingin siya sakin nang tuluyan akong makalapit sa kaniya. We’re both crying. Sinikap kong makaupo. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. I was begging him. Ipinarating ko sa pamamagitan ng mga mata ko na pakinggan niya ko.


Sunod-sunod siyang umiling. “Simula nang makilala kita, naging bulag ako, Ellaine... Pati ba naman ngayon...? Bakit mo ba ko pinapahirapan ng ganito...?”


Drenz, please... Just this once... Pakinggan mo ang mga sasabihin ko... Please...


Umiwas siya ng tingin. Sa bagay na nasa gilid niya naitutok ang pansin niya. Hinawakan niya ‘yon.


“Kung sasaktan kita, sasaktan ko din si Jaylord... Pero kulang ang sakit na mararamdaman niya...” Tiningnan niya ko. “Buhay ang kinuha niya sakin, Ellaine...”


Drenz...


Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya. Hindi niya ko sasaktan. Hindi niya gagawin ang sinasabi ng lalaking ‘yon kanina. Hindi niya ko sasaktan.


“Wag mo kong tingnan...”


Hindi ko siya sinunod.


“Ellaine...!”


Nanatili pa rin akong nakatingin sa kaniya kahit nang itutok niya sakin ang baril na hawak nang nanginginig niyang mga kamay na magkatali pa rin hanggang ngayon. Maya-maya ay sunod-sunod siyang umiling.


“Napakaduwag ko talaga... Ba’t hindi ko magawa...? Bakit...? Isang kalabit lang... Pero hindi ko magawa... Napakahina ko...” Dahan-dahan niyang ibinaba ang baril na hawak niya.


Napapikit ako. I’m sorry, Drenz... I’m so sorry...


Naramdaman ko ang pag-usad niya palapit sakin. I opened my eyes. Tinanggal niya ang telang nasa bibig ko. Tuluyan na kong nakapagsalita.


“Drenz...”


“Talk.” nanginginig ang boses na sabi niya. Bago yumuko.


“That day...”



- F L A S H  B A C K -

“Jaylord, anong nangyari?” tanong ko sa kaniya nang katukin niya ko sa restroom. Kailangan daw niyang umalis.


Dalawang oras na ang nakakalipas nang pumatak ang hating-gabi. Nandito kami sa bahay namin, sinamahan niya kami ni mama na mag-celebrate ng pasko. At halos katutulog lang ni mama.


“Tumawag si Paul. May nag-tip daw sa kaniya na tatambangan nina Kairo sina Chad.” Pumunta siya sa sala.


“Ano? Wait! Alam mo ba kung nasa’n sina Chad ngayon?”


Kinuha niya ang jacket niya. “Tinext ako ni Khalil kanina. I need to go. Dito ka lang.” He kissed my forehead bago siya lumabas ng bahay. Sumunod pa ko sa kaniya hanggang sa labas ng gate. Pinaharurot niya ang kotse niya.


“Okay lang kaya sila?” Napatingin ako sa motor na nasa garahe. Regalo sakin yun ni mama nung debu ko last march. “Bahala na.” Nagmamadali akong pumasok ng bahay. Kinuha ang susi ko. At ginamit ang motor ko para sundan si Jaylord.


Buti na lang at hindi pa siya nakakalayo paglabas ko ng village namin. Pero hindi ako nagpahalatang sinusundan ko siya. Nakadistansya ako sa kaniya. Fifteen minutes pa ang lumipas nang makita kong huminto ang kotse niya sa tapat ng isang restaurant na 24 hours na bukas.


Ipinarada ko ang motor ko sa tapat ng isang bangko. Nakita kong lumabas si Jaylord nang restaurant at naglakad sa kabilang bahagi ng kalsada. Pumasok siya sa isang eskinita. Saka lang ako kumilos at sumunod sa kaniya. Hindi ko na siya makita. Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa may marinig akong ingay. Tumakbo na ko at napahinto nang makarating ako sa dulo ng eskinita. Sumilip ako.


Sa kanang bahagi ng kalsada, nakita ko ang limang lalaki at sina Chad, Khalil at Clay na pasuray-suray habang nakatayo sa likuran ni Jaylord. Walang katao-tao sa kalsada. It’s two am at malamang ay nasa kaniya-kaniya nang bahay ang mga tao para i-celebrate ang pasko. Tanging ang liwanag na nagmumula sa poste ng isang ilaw ang nagbibigay liwanag sa gawi nila Jaylord.


“Ang bilis mo talaga, Jaylord. Hindi pa nagsisimula ang palabas, dumating ka kaagad.”


Nakilala ko ang lalaking nagsalita. Si Kairo. Siya ang leader ng kalabang gang nila Jaylord. Simula nang maging kami months ago, i-brinief na niya ko tungkol sa kalaban nilang gang, ang ACG. Pati ang mga itsura ng mga ‘yon ay ipinakita niya sakin para makilala ko sila kung may pagkakataon na masalubong ko sila.


At base sa narinig ko ngayon, mukhang wala pang nangyayaring gulo. Hindi dahil bugbog na sina Chad kaya sila pasuray-suray. Mga lasing sila.


“Sinong nagsabing magpakalasing kayo?” narinig kong malakas na tanong ni Jaylord sa kanila.


“Jordy naman... we jush want to enjoy, you knowh...”


“It’s Christmas, Jaylawd. We just wanna celebrate. Right, guys?”


“Yesh, ‘tel! Wele kese teyeng pemelyeng mepepentehen...”


“Because they hated us. I just dunno why.”


“Mesyede dew kese teyeng gwepe.”


Nagtawanan pa ang tatlo. Ngayon ko lang sila nakitang lasing. Si Clay na mahilig sa letter H and S. Si Khalil na English speaking with British accent pa. At si Chad na parang idol ata ang isang sikat na teenage actor. Kung wala lang sila sa ganitong sitwasyon, baka mahawa rin ako sa katatawa nila.


“Shut up, you, three!” bulyaw ni Jaylord sa kanila.


“Hele, negelet ne se Jeylerd...”


“It’s yaw fault, Chad. Yaw made him angry.”


“Hish not ghalit at ush, mga ‘tol... Hish ghalit sha mga pangit na nasha harapan natin...”


“Ee nge, neshesheke teley eke se kenele...”


“Then, whut are we waiting faw? Fight!”


= = =


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^