Monday, October 14, 2013

Babysitting A Prince: Chapter 2


Babysitting A Prince:
Chapter 2

“Ma…Madam….” Hindi ako ang napili. Diba dapat Masaya ako? Kasi, hindi ako ang napili. Hindi ako ang mararape. Pero, parang ayoko eh. Mas gusto ko pang ako nalang ang napili keysa kay Aisla. She’s my bestfriend, no, my sister. Siya lang ang nakakaintindi saakin. Isa siyang malaking parte sa buhay ko.

At hindi ko kayang mawala siya saakin.

Pero, bakit hindi ako makagalaw? O makapagsalita man lang?

Is it because ayokong mapili ako?

“P..please, Madam. Wag po ako, hi…hindi pa po ako handa.” Pagmamakaawa ni Aisla kay Madam. Pero, parang hindi siya pinakinggan ni Madam kasi tinalikuran nalang niya siya. 

“Pumunta ka na sa kwarto ng prinsipe. You have to serve him right now.”

“Pe…pero po…”

“No buts! Go now!”

Wala ng nagawa si Aisla. Tahimik nalang siyang naglakad papunta sa kwarto ng prinsipe. Nakatingin lang siya sa baba pero alam ko na umiiyak siya. Nanginginig kasi ang mga balikat niya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. She’s a girl full of smiles. Pero, ngayon…

“Kawawa naman siya oh.”

“Napakabata pa naman niya tas mararape siya agad.”

“Sana naman gwapo ang prinsipe para sulit.”

“Loser ka, wag ka nga magbiro kapag ganito ang sitwasyon.”

Nagbubulungan ang mga kasama kong maids. Bulong na parang nagpaparinig. Tch! Bakit niyo pa tinatakpan ng mga kamay niyo mga bunganga niyo kung rinig na rinig naman? Dahil doon eh unti unti kong naririnig ang mga hikbi ni Aisla.

Natatakot ata siya. Tss! Malamang! Sino namang babae ang may gustong marape?!

Ang sama kong kaibigan, wala man lang akong nagawa. Kahit magmakawa kay Madam eh hindi ko ginawa. Pero, may isang bagay na pwede kong gawin… Ayokong gawin, pero, dapat ko itong gawin.

Mangyayari naman iyon saaming lahat eh

“Madam!” sigaw ko sakanya. Napatigil siyang maglakad at tinaasan ako ng kilay. Kainis ka, kahit mas matanda ka keysa saakin, eh wala na akong respeto sa iyo. Matagal nang naubos. Ewan ko kung anung nangyari sa iyo at naging ganyan ka. Binusted ata ng mga ilang beses.

“Ako nalang po.” Lahat ay napatahimik sa sinabi ko. Lahat sila ay gulat na gulat lalong lalo ni Aisla. “La..Laia, wa..wag…”

“Alam kong ayaw mo Aisla, so there’s no need to stop me.”

“Pero…”

“Mangyayari naman iyon lahat satin kaya so what’s the use of running away.” At nginitian ko siya. Napangiti rin si Madam Tanda, pero hindi ang smile of appreciation ang suot suot niya. It’s the good-for-you kind of smile kaya inirapan ko nalang siya.

Don’t worry, ‘pag narape ako ay sisiguraduhin kong mababalitaan ng buong kingdom ang nangyari saakin. At sisiguraduhin kong masisira ang buhay ng prinsipe na iyon! Masama na kung masama, pero paminsan minsan eh kailangan mong maging masama, kasi YOLO right?! Panira ng moment. LOL

“O sige, para mawala ka na dito.”

“Tss! Pero bago ako mawala dito, I will make sure na masisira araw niyo. Lalong lalo na ang prinsipe na iyon.” At nauna akong naglakad sakanya. Ang ganda ng sinabi ko no! Ang awesome ko lang. Pero, whatever! Kung totoo man ang rumors o hindi, ay wala akong pakealam. Bahala na kung imamaltrato ako na parang hayop o irarape at itatapon na parang basura.

Ang importante ay magkaSTD ang prinsipe para maturuan siya ng leksyon.

Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ng prinsipe ay hinahabol ako ni Aisla. Alam ko kasi tinatawag niya ako. “Hinay hinay ka naman maglakad oh!!” napatigil akong maglakad at hinarap ko siya. She’s holding on her knees and panting like she run a mile even though she only walked. Pfft! “Excited marape?” at nginitian niya ako.

“Ano ba?! Kahit gaano ako kabagal maglakad eh mangyayari lang naman yun saakin.” I walked towards her and helped her stand up. “Pero, kahit na, pagkatao mo ang nakataya.” Hinampas ko nalang siya sa braso kaya napa-aray siya. “Rumors are rumors…” sabi ko.

“I don’t know kung totoo ang mga chismis o hindi, pero, ang importante ay…”




“MagkaSTD ang prince!!!”

WAPAK!

Araaaay! Grabe naman siya humampas oh! daig pa ang lalake. Parang…parang kabayo ang humampas saakin eh. O.A. na O.A. pero ang sakit talaga ng braso ko. Nafracture na ata.
Antanga ko lang. Diba dapat namula hindi nafracture? *facepalm*

“Ansakit naman ang hampas mo Aisla.”

“Eh ikaw kasi eh! Wag ka nga magjoke, di bagay sa’yo eh.”  At ngumiti siya. I hugged her tightly and she hugged me back. Haaay, ewan ko kung tatakas ako kung narape ako. Kasi, hindi ko siya kayang iwan. Hindi ko rin kayang iwan si Mama. Sino ang tutulong sakanya ‘pag nawala na ako dito sa palasyo? Ayokong maparusahan siya ni Madam Tanda no!

“Aisla, wag mong sabihin kay mama ah.

“Bakit?”

“Ayokong malungkot siya. Baka di siya makaconcentrate magtrabaho,” I let go of her and gave her a smile. “Kahit nawala na saakin ang pagkababae ko ay hindi ako tatakas kasi, paano na kayo? Kayo ang namumuo sa pagkatao ko. Kaya, hindi ko kayo dapat iwan sa ere.”

“Laia…” I started walking away from her while waving my hands. “Good luck nalang saakin. Ipagdasal mo nalang na magkaSTD ang prince!!” sigaw ko sakanya. “Uy, baka marinig ka ni Madam Tanda.”

“YOLO!” I smiled as I answered her. Bahala na si Robin Hood! Kung anung mangyayari saakin eh go with the flow na lang ako. Maybe, I am pulled backward to be pushed forward. Ano kaya ang ‘forward’ na yun? Pero sana….sana….deserve ko ‘yun.

***
Nasa tapat ako ngayon ng kwarto ng prince. Actually, kanina pa ako nasa tapat ng kwarto niya. Ewan ko lang kung bakit. Hindi pa ata ako prepared. Na marape at makita ang pagmumukha ng prinsipe. Panget ba siya? Gwapo? Kasing edad ko? Mas matanda ba saakin? Mga 30+ na siya?

Gaaaah!!!! Andaming namumuong mga tanong sa isipan ko. Bakit kasi di naming pwede makita ang mga dugong bughaw? Wala naman kaming sakit na nakakahawa ah! Sino ba kasing gumawa nun at maresbakan ko o di kaya ibotcha ko kung sakaling namatay na?!

Curious kasi ako sa mukha ng prinsipe kasi y’know. Di ko kayang iimagine sarili ko na nirarape ng isang 30+ na lalake. Ayoko ng ganun! Mas gusto ko pang imaltrato niya nalang ako. Sanay na kasi ako doon eh, tss!

Breath in…

Breath out…

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at dahan dahan ko ring nakikita ang nasa loob ng kwarto niya. I gasped on what I’m seeing. It’s not because how extravagant it is, it’s because how…messy it is. Seriously? Anung ginagawa niya kaya nagiging ganyan kwarto niya? Nagpaparty ba siya sa loob? Nagwawala? O ano?

Prince ba ang may ari nito o isang taong takas sa mental?

“Go…Good morning Prince.” Bati ko sakanya at nagbow ako sakanya. Keep looking down! Keep looking down! Keep looking down!

But I wanna see his face

Whatever! Di pa ako handa.

“It’s Prince Nero. Raise your head; I want to see your face.” Uwaaa! Nakakatakot boses niya!!! Pero, pero….parang kaedad ko lang siya ah. Sana…sana…..okay lang kahit mas matanda ka keysa saakin ng isa o dalawang taon, the important thing is you’re not 30+

I raised my head slowly and was able to see his face. Nanlaki mga mata ko nang makita ko siya. Those kissable lips, brown eyes…everything about him, are so…handsome. Siya ba ang nangrarape? Bakit di halata sakanya? Kasi mukha naman siyang gentleman ah.

But I was wrong when he started to smirk at me. Parang, hindi na siya ang prince na nakita ko kanina. Kasi, mukha na siyang demonyo. Waaaah!!! Mamamatay na ako.

“Aaaaah, new maid, new face,” sabi niya habang nakatingin siya saakin. He was looking at me intensely kaya nakakaakward kaya ibinaba ko nalang tingin ko. “Awww, don’t be shy,” at napatingin ako sakanya. “Mapapagtyagaan naman kita eh.” Fu..Fu…..ayokong magmura, pero…fu…fudge! Mukha siyang 17 pero ang utak niya pang30. Seriously, unti unti nang 
nasisira image ng King at Queen sa isipan ko.

Hindi kasi ako makapaniwala na ‘yan ang anak nila, na ‘yan ang prince na magmamana sa trono. Ganyan ba ugali ng king at queen?! Paano na ang kaharian ‘pag naging hari na siya?! Don’t tell me magiging prostitutes ang mga maids dito!

Napagulp ako sa sinabi kaya medyo ako umatras. Nang tumayo siya ay umatras pa ako. Ayokong mapalapit sakanya. Ano kayang pwede kong gawin para di niya ako marape? Makipaghabulan ako para mapagod siya? Or kick him where it hurts the most? Ahhh! Alam ko na! kick him where it hurts the most na nga lang! Para mafulfill ang goal ko!

Na magkaSTD ang prince.

He started to walk towards me. Gusto kong umatras pero di ako makagalaw. Parang nastuck ang paa ko sa sahig. Waaah! May power ba siya na iparalyze ang mga babae?!

“Entertain me,” utos niya nang tumigil siyang maglakad. Nasa tapat ko na siya ngayon pero isang meter lang ang nasa pagitan namin. “And you will get this.” Nagulat ako sa ginawa niya kasi itinapon niya ang pera saakin na parang papel.

Entertain him? And I’ll get this? What the?! Anung tingin niya sa mga maids? Mga prosti? Nanginginig akong kinuha ang mga pera na nasa sahig. Hindi dahil sa takot

Kundi dahil sa galit

I can’t believe na ganito ang tingin niya sa mga low class. Oo, nangangailangan kami ng pera para magkaroon ng masaganang buhay. Pero, ang ginawa niya kanina ay nakakainsulto saamin. Kasi, parang ipinapamukha niya saamin na mga desperado kaming makakuha ng pera.

Pwes, hindi ako kabilang sa mga taong yun Prince Nero!

Agad kong itinapon sa pagmumukha niya ang mga pera na nakuha ko sa sahig. Halatang gulat na gulat siya sa ginawa. It must’ve been his first time. Good! Para ramdam na ramdam niya ang inis ko sakanya.

“Entertain yourself Prince Douchebag!!!” those were the words that came out of my mouth bago ako umalis sa kwarto niya.


Napatingin ako sa taas ng ceiling nang sinarado ko ang pinto. God, what did I just do? Patay!

Ano nang mangyayari saakin?!



Author's Note:
Just a little bit information about my story. 
This story is set in Medieval England. The kingdom's name is Herallin. There's a social class in the kingdom. (Caste system kuno) The class is divided between the Superior (The nobles, officials, and royal bloods) and the Low class (Common people). Low class people should not interfere with a superior's field of vision that's why they turn their backs when they see a superior class.

There's a prestigious school in Herallin. It is the Herallin Royal Academy. The rule does not imply on the school to teach the superior to respect the low class. Therefore, all of the students there are equal.

Extra photos will be posted after I finished the story JJang!






No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^