Sunday, October 13, 2013

Babysitting A Prince: Chapter 1


Babysitting A Prince:
Chapter 1

“Ano ba?! Bilisan mo nga dyan maglaba!” sigaw ni Madam saakin. Napairap nalang ako sa inis at mas pinabagal ko paglaba ko. Tss! Yan ang mapapala mo sa kakasigaw. Daig pa ang megaphone sa lakas ng boses eh! Di naman bingi ang kinakausap. Psh!

“Sabi ko bilisan mo, hindi mas bagalan mo!” Aray! Tenga ko oh! grabe namang matandang ‘to oh! di makapaghintay! grabe pa sumigaw ah, sa tenga ko talaga mismo sumisigaw. Gusto mo ng sigawan contest ha? Gusto mo?!

“Opo! Opo! Bibilisan ko po! Oh! oh!” mas pinabilis ko ang pagkuskos sa damit kaya may tumatalsik na mga bula sa damit ni Madam Tanda. Heh! Yan napapala mo!

“Ano ba?! Hinay hinay naman oh!” sigaw niya saakin.

“Eh sinabi mong bilisan ko eh!” sigaw ko rin sakanya. Aish! Nawawala na galang ko sakanya. *sigh*

“Sinabi kong bilisan mo, hindi magtalsik ng mga bula! Tingnan mo nangyari sa damit ko!”

Eh pakialam ko!

Inirapan ko nalang siya at pinagpatuloy ang pagkuskos ng damit. Leche naman ‘tong damit na ‘to eh! Sobrang dumi, ano bang ginawa ng may ari nito at naging daig pa sa basahan ang dumi?! Haiist! Napapagalitan tuloy ako. Palibhasa, matandang dalaga.

Sino namang manliligaw sa isang babaeng daig pa sa lalake ang tapang? Kung lalake nga ako eh, hindi ako makakatagal na makasama siya ng isang araw. Parang commander kung mang-utos eh!

Pagkatapos kong ibanlaw ang damit ay agad ko itong isinampay at bumalik sa headquarters ng mga maid. Haaay! Malalate na naman ako!!! Di ko pa napaplantsa uniform ko. Di bale na nga lang, di naman mapapansin eh!

Kasi, low-class ako

“Hoy! May lalabhan ka pang isang damit!” Aish! Di mo ba nakikita na papasok na ako! Leche! Sarap lang magbato ng eyeglasses sakanya. Nagkunwari nalang ako na di ko siya naririnig. Nilagay ko ang mga books at notebooks ko sa bag ko at agad akong umalis sa palace.

Ang yaman ko no? nakatira ako sa palasyo eh. Note the sarcasm.

“Bye ma!!!!” sigaw ko bago ako umalis. “Hoy! Boses mo!” whatever…

Sheeeee…..sheesh! malalate ako. Makatakbo nga lang ako! Bahala na si Robin Hood kung madudumihan sapatos ko.

Pagdating ko ay malolock na sana ang gate pero buti, napigilan ko si Manong. Bespren ko yan eh! Hahaha! Magkapareho kasi kami ng class. Agad akong tumakbo papunta sa school building pero siyempre, naglakad ako ng nasa loob ako ng building. Ayokong masita ulit ng Guidance Counselor na isa ring matandang dalaga.

Nasa lahi ba naming na pagalitan kami ng mga matatandang dalaga?

“Miss Laia Iris Claudel.” Salubong saakin ng Prof. namin nang binuksan ko ang pintuan ng classroom. Wow! Thank you sir! Memorize niyo name ko ah! Good Morning rin!
Nginitian ko nalang siya pero nakakunot pa rin noo niya. Agad naman napababa ang tingin niya sa sapatos ko na punong puno ng putik kaya napataas ang isa niyang kilay.

“Miss Claudel, did you play soccer before going here?” tanong niya saakin. 

“Tu..tumakbo po ako papunta dito kasi malalate na po ako. May pinagawa po kasi saakin. Alam niyo naman po, maid thingy.” Mahaba kong explanation sakanya. Pero, parang di niya ako pinapakinggan. Nakafocus kasi siya sa madumi kong sapatos. Haiist! Sir naman oh! Naiinggit ba kayo sa sapatos ko? Nasayang laway ko kakaexplain.

“Just consider her sir, she’s a low class anyway.” At nagtawanan ang mga kaklase ko na mga nobles. Ede ako na, ako na low class! Leche! Mga mayayaman naman oh…
Inirapan ko nalang sila at umupo nalang ako sa respected seat ko which is sa pinakacorner. Wala kasing may gusto na tumabi saakin eh. Low class kasi ako.

“Shut up class. In this school, there’s no superior and low class. All of us are equal here, understand? So, don’t expect that you’ll receive special treatment just because you are in a superior class.” Heh! In your face. Kaya nga, gusto ko dito eh. Lahat kami equal. Lahat kami estudyante. Walang noble, walang low class. Ang astig lang ng may ari nitong paaralan na ‘to. Anti-social class ata katulad ko.

Nagsimula nang magturo ang prof. naming tungkol sa chechebureche and stuff. Baka mabored pa kayo kapag ieexplain ko pa ang tinuturo saamin ng Prof.

Recess

Nag-eexist ang social class kapag walang officials or faculty dito. Kaya, kaming mga low class ay nasa panget na pwesto dito sa cafeteria. Pero, ang importante ay may table kami diba? Mas maganda ang meron keysa sa wala!

“Nalate ka naman no, Iris?” agad akong napatingin sa nagtanong saakin. It was Aisla, ang espren ko. Magkapareho kasi kaming walang mga magulang at magkaparehong maid sa palasyo. Pinagkaibahan nga lang namin ay scholar ako at half-scholar siya. Di kasi siya nakapasok sa entrance, pero nagmakaawa siya kaya naging teacher’s assistant siya.

“Hehe, yep. Kasalanan ni Madam Tanda. Ewan ko nga kung bakit niya ako parati inuutusan.” Sagot ko sakanya. Umupo siya sa tabi ko at sabay kaming kumain.

“Inggit ata sa beauty mo.”

“Oo nga.”

“Yuck! Feeler!”

“Eh pinuri mo kasi ako eh!”

“But, that doesn’t mean na lalaki ulo mo.”

“Whatever.”

Nagtawanan nalang kami at ipinagpatuloy ang pagkain namin. Haaay! Sobrang sarap ng pagkain dito. O baka, mababa talaga standards ko sa pagkain. Pero, wala akong pakialam. Gusto kong tumira ditto hanggang sa mamatay na ako sa busog.

“Alam mo Iris, may tumakas na naman na maid.” Agad akong napatingin kay Aisla. Maid? Don’t tell me, personal maid na naman ng prinsipe ang tumakas.

“Personal maid?” tanong ko sakanya.

“Oo.” Sagot niya. Ngek! Akala ko kung ano. Ibinalik ko nalang atensyon ko sa pagkain. “Uy, 
ba’t di ka nagulat?”

“Eh araw araw naman yan nangyayari eh.” Sagot ko sakanya habang nginunguya ko ang manok. “Pero, nakakatakot pa rin.”

“Ano namang nakakatakot doon?” tanong ko sakanya. “Mamimili si Madam Tanda ng bagong personal maid ni Prince Nero.”

“So?”

“Paano kung ako? Ayokong marape y'know”

“Ano ba?! Di kanya mapipili,” At nginitian ko siya. “Andaming maids sa palasyo kaya 1.1% ang possibility na mapipili ka.”

“Pinky Promise?” Tumango ako sakanya then I intertwined my pinky finger with hers. 

“Promise.”

Big topic sa aming mga maids ang prinsipe. It was because we never saw him. Agad kasi kami tumatalikod kapag dadaan siya. It’s because, the low class like us should not interfere with a superior class’s vision lalong lalo na ang mga may dugong bughaw. Ang aarte kasi nila eh, di naman kami mga sakit.

Nagsimula ang rumors nang sunod sunod na tumakas ang mga personal maid ni Prince Nero. Halos every day, bago ang personal maid niya. Bago sila tumakas eh, kapag lumalabas sila sa kwarto ng prinsipe eh namumula sila at pinagpapawisan sila. Meron pa ngang nakabukas ang first three buttons ng uniform niya eh.

Siyempre, anong maiisip mo? Di mo alam? Mamili ka sa choices
a.     a. Nirape siya ni Prince Nero
b.     b. Nakipagtoot siya kay Prince Nero
c.     c. Both, nirape siya pero nagustuhan niya kaya ayun…

Andumi tuloy ng naiisip ko. Baka lahat ng mga dumi ng mga damit at furnitures eh napupunta sa malinis kong utak.

After that ay walang masyadong nangyari. It was all normal. Uwian na namin kaya agad agad akong tumakbo papunta sa palasyo. Baka magrap na naman si Madam Tanda ‘pag nalate ako. Everyday, meron eh.

Nasa tapat ako ngayon ng compound ng palace. Nakatitig lang ako sa palace, ewan ko lang kung bakit. Aaaah, Oo nga pala. Natatandaan ko ang lahat. Lahat ng mga memories ko dito.

Dati, isang normal kaming pamilya. Si Papa, isang magsasaka ganundin si mama, pero lahat naman kami masaya kahit hindi kami ganun kayaman. And then one day, bigla nalang may dumating na mga royal guards at pinalayas kami sa sarili naming tahanan.

Sinubukang lumaban ni papa pero sa huli ay napatay siya. Kinuha kami ng mga guards at ginawa kaming maids dito. Andami naming napagdaanan. Sobrang nahirapan si mama sa 
pagtrabaho dito kaya nagkaroon siya ng sakit. Siyempre, kailangan kong tumulong para hindi maparusahan ni Madam Tanda si Mama.

“Huh?”napasingkit ang mga mata ko sa nakikita ko sa bintana. Bakit? May lalake? At nakatitig saakin. Syet! Multo ata!!! Andami kasing namatay sa palasyo eh! Makatakbo na nga lang. Bago pa sumulpot sa likod ko ang multo.

***

“Uwaaaa!!! Today is the day!”

“Ano ba?! Wag ka nga masyadong O.A.”

“Pero, pero…”

“Aish! Di ka pipiliin ni Madam, panget ka kasi eh! Pinipili lang niya ang mga magaganda.”

“Ede, ikaw yun! Ikaw ang mapipili.”

“Yuck! Ayoko nang maging maganda.”

“Yuck! Feeler alert.”

Pagdating ni Madam Tanda ay agad kami nagline at tumahimik at sabay sabay namin siya binati. “Magandang Hapon po Madam Augusta.” Hindi niya kami sinagot at sunod sunod niya kami tiningnan. Siyempre, inirapan niya ako nang makita niya ako. Nakakasira kasi ako ng araw niya.

Napatigil siyang maglakad nang makita ni si Aisla pero ipinagpatuloy niya ang paglakad niya after mga ilang seconds. I don’t know pero parang alam ko na kung sino…

After niya kaming iobserve ay tumayo siya sa harapan namin. “Alam niyo naman ang dahilan kung bakit ko kayo inobserbahan kanina.”

“The personal maid of Prince Nero escaped…again.” At napabuntong hininga siya. “So, one of you will be his new personal maid, and that will be….”













At tinawag niya ang pangalan ng magiging bagong personal maid ng prinsipe. At hindi ako yun, kundi si…

“Ma…Madam….”

Kundi si Aisla.







2 comments:

  1. nabasa ko sa isang note, 10 chapters lang ito? sana po mabilis ang pag-update para mabasa ko na. i also love your edited picture, cute ng cover . :''>

    ReplyDelete
    Replies
    1. Awww, thanks! Yep, 10 chapters lang 'to. I'll try finishing it as fast as possible. Inspired kasi ako ngayon eh! XD

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^