Saturday, September 21, 2013

Untitled Dream [One-Shot]



“Untitled Dream”

Written by : Aiesha Lee


This one shot story is based on my dream.

Sinasabi ko pa lang ngayon na magulo siya. Hahaha! We all know naman na magulo ang mga panaginip natin at para tayong nasa time at warp zone. Paiba-iba ng time at setting. XD

Natuwa lang akong i-share sa inyo kasi kasama ko sa panaginip ko ang iba kong co-writers ng DDH. Request na din ni Phoebe, haha! Gusto pa niyang gawing novella. Waaah! Baka mabaliw na ko no’n. Hahaha!
Osya! Enjoy reading readers!



[ Aiesha’s POV ]

“Cuz, tara na.” aya sakin ng pinsan ko. Ihahatid kasi namin ang anak niya sa school. Sumakay na kami ng tricycle. Nakapwesto ako sa taas ng bubong ng sidecar habang naka-indian seat.


Dumating na kami sa school. Naiwan ako sa labas ng classroom. Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa quadrangle ng school. Naglakad uli ako ng ilang hakbang nang mapansin kong wala na ko sa school. Nakatayo na ako sa gitna ng kalsada. Sa gitna ng kalsada na may mga dumadaang sasakyan. Hindi ko alam ang ginagawa ko sa gitna ng kalsada pero pakiramdam kong may hinihintay ako. At tama nga ang hinala ko dahil sa narinig kong boses mula sa likuran ko.


“Ate Leesh!”


Lumingon ako sa likuran ko. Nakita ko si Demi. May babae siyang kasama na hindi ko naman makita ang mukha.


“Dems!” Yun ang petname ko sa kaniya. Tumakbo ako palapit sa kaniya at niyakap siya. “Bakit ang tagal mo? Kanina pa ko dito, ah.” reklamo ko.


“Traffic kasi, eh.”


“Ba’t ang tangkad mo ata?” tanong ko.


“Ano ba? Matangkad naman talaga ako.”


Hinawakan ko naman ang buhok niyang isang inch lang ang layo mula sa balikat niya. “Ba’t ang igsi ng buhok mo?” tanong ko uli. “Diba mahaba ‘yan?” Mahaba ang buhok niya sa picture niyang nakita ko sa facebook.


“Ano ka ba uli? Never pa kong nagpahaba ng buhok noh!” natatawang sabi niya.


I pouted. “Ano ka ba uli?” I mimicked her voice na ikinatawa niya. Natawa rin tuloy ako. Pagkatapos naming tumawa ay nagkatinginan kami. Sabay pa kaming nagsalita ng...


“Namiss kita!”


“Sabay pa tayo!”


“Kambal talaga tayo!”


Ang lakas ng tawa naming dalawa dahil sabay na sabay talaga kaming magsalita. Pagkatapos ng walang humpay na tawanan ay nagsimula na kaming magkwentuhan ng kung anu-ano. Hindi ko na nga matandaan ang mga pinagku-kwentuhan naming dalawa. At wala na rin kami sa gitna ng kalsada. Nandito na kami sa sementeryo naglalakad.


“Nasa’n si Hikari?” biglang tanong ko. Feeling ko kasi kanina ko pa siya kasama, eh.


“Nandito ko, sizii!”


Lumingon ako sa likuran ko. Nakita ko si Hikari na may kung anong tinitingnan sa taas ng puno.


“Mag-ghost hunting na tayo!”


Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na ‘yon. Nakita ko si Akirara.


“Ghost hunting sa umaga! Masaya ‘yon!”


“Oo nga! Mag-ghost hunting na tayo!”


Napalingon naman ako sa tabi ko. Nakita ko sina Bea at Phoebe.


“Ano pang ginagawa natin? Let’s start the race! Paramihan tayo nang makikitang multo!” excited na sabi ni Akirara bago nagtatakbo palayo.


“Tara sis!” Hinila na ni Bea si Phoebe.


“Tara na rin!” sabi ni Hikari. Hinila niya kaming dalawa ni Demi. Naglakad kami nang naglakad. Wala naman kaming nakikitang multo.


“Ayun, o!” sabi ni Demi.


Tiningnan ko ang itinuturo niya. May bata akong nakita na nakatayo sa taas ng dalawang magkapatong na puntod.


“Multo ba ‘yon?” tanong ni Hikari.


“Tingnan natin.” sabi ko.


Lumapit kaming tatlo sa bata. Tiningnan ko siya. Nakatingin lang siya sa langit.


“Demi, itanong mo na kung multo siya.” sabi ni Hikari.


“Ayoko nga. Ikaw na lang.”


“Ayoko din. Baka sumagot siya, eh. Sizii, ikaw na ang magtanong.”


“Bata.” tawag pansin ko sa kaniya. Dahan-dahan siyang lumingon sakin. Hindi ko nakikita nang malinaw ang mukha niya. “Anong ginagawa mo dito?”


Hindi siya sumagot.


“Hindi ka ba makababa?” tanong ko uli.


Umiling siya.


“Tara. Ibababa na kita.” sabi ko. Ini-extend ko ang mga braso ko sa kaniya. Hindi naman tumanggi ang bata dahil humawak na din siya sa mga braso ko. Ibinaba ko siya sa lupa. “Okay ka na?” tanong ko.


Nginitian niya lang ako.


“Ate Leesh!”


Napalingon ako sa likuran ko. Pinapalapit ako ni Demi. May hawak siyang camera. Kasama na niya sina Bea, Phoebe at Akirara. Pati si Hikari. Nasa ilalim sila ng billboard. Wala na rin ako sa sementeryo. Nasa expressway na kami. Nilingon ko ang batang kausap ko. Wala na siya.


“Ate Leesh!” tawag uli ni Demi sakin.


“Nandyan na!” sagot ko.


Nakailang hakbang lang ako at katabi ko na sila. Kung anu-anong pose ang ginawa namin sa harap ng camera. Tawa lang kami ng tawa.


“Ang daya! Isali ninyo naman ako!” reklamo ni Demi.


“Akina.” Kinuha ng isang lalaki ang hawak na camera ni Demi. Hindi ko makita ang mukha ng lalaki. “Ready?” tanong ng lalaki.


Nag-flash ang camera kaya napapikit ako. Sa pagdilat ko, katabi ko na si Demi. Naglalakad na kami sa gitna ng bukid. Walang katapusang kwentuhan na naman ang ginawa naming dalawa. Nilingon ko si Akirara. Gusto ko siyang lapitan para pagkwentuhan si Lordy pero hindi ko naman maihakbang ang mga paa ko.


“Sa’n tayo kakain?” tanong ni Hikari.


“Sa’n tayo gagala?” tanong ni Akirara.


“Ang sakit ng ngipin ko.” daing ni Phoebe. “Umuwi na tayo. Gabi na, eh. Sa Cubao pa ko uuwi.”


“Gabi na ba?” tanong ko. Paglingon ko sa paligid ko, madilim na nga. Parang kanina lang, tirik pa ang araw.


“Bumili muna tayo ng gamot.” sabi ni Bea.


“Antibiotic!”


Hindi ko na nakilala ang nagsabi no’n dahil nagpatuloy uli kami sa paglalakad. Hanggang sa makarating kami sa dulo ng kalsadang nilalakaran namin. Wala na kaming madadaanan. Dead end na. Mataas na pader na kasing taas ng dalawang floor ng bahay ang nakaharang harapan namin. Sa kabila no’n ay subdivision at napakadilim na kalsada. Oo. Nakikita ko ang kabila ng pader. Hindi ko alam kung paano. Nilingon ko ang mga kasama ko. Sa ibaba. Nakaupo na ako sa ibabaw ng pader. Nakaakyat ako ng hindi ko napapansin.
 

“Bilisan ninyong umakyat!” sabi ko sa kanila.


Marami na akong nakikitang tao na nasa ibaba. Hindi ko lang makita ang mga mukha nila. Pero may dalawa akong nakilala. Ang isa ay si Mae na nakasampa sa likuran ni Hikari.


“Sis, wala na bang itataas?” tanong ni Mae kay Hikari.


“Gaano kababa?” balik-tanong ni Hikari.


Ang isa ko pang nakilala ay si Allison na nakikipag-away kay Bea. Hindi ko alam kung pag-aaway nga ba ang ginagawa nila.


“Umakyat ka na.” sabi ni Bea.


“You first.”


“Why me? Sino bang mas matanda sating dalawa?”


“You.” sagot ni Allison.


“Anong ako? Ikaw!”


“Para walang away, sa elevator na lang tayo.”


Hindi ko na narinig ang pag-uusap nilang dalawa dahil napalingon ako sa likuran ko. Nakarinig kasi ako ng sunud-sunod na putok. Tumingala ako sa langit. May fireworks akong nakikita.


“Ang ganda!”


Napalingon ako sa mga katabi ko nang marinig ko ang sinabi nilang ‘yon. Nakaupo na rin sila sa ibabaw ng pader at mga nakangiting nakatingala sa langit. Tumingala uli ako sa langit.


“Oo nga. Ang ganda.” nakangiting sabi ko.


.

.

.

.

.

.

.

.

.

.


Iminulat ko ang mga mata ko. Napangiti ako. Panaginip lang pala ‘yon. Parang totoo, ah. Bumangon ako, naghilamos at nag-toothbrush. Binuksan ko ang laptop ko. Nagtimpla muna ako ng milo bago mag-log in sa facebook ko. Ishi-share ko sa DayDreamer’s Haven group ang napanaginipan ko.


First time ko kasing mapanaginipan ang mga co-writers ko sa DDH kaya natutuwa ako. Hindi ko man sila nakikita sa personal, at least dinalaw nila ako sa panaginip ko. Baka nagpapaamdam na sila na malapit na kaming magkita-kita. Hahaha!


Sana lang sa susunod nilang pagdalaw, kumpleto na sila sa panaginip ko. Tapos nasa isang isolated island kaming lahat. At survivor ang peg namin. Wahehe!


Osya! Ishi-share ko na ang panaginip kong hindi ko malaman ang ipapangalan ko. Wahehe!





Mero’n pala! Ishi-share ko din ang panaginip ko sa DDH blog namin. Elreyt!


FACTS:

·        Wala pang two years old ang anak ng pinsan kong kasama ko sa panaginip ko kaya hindi pa siya nag-aaral.

·        Hindi ako sumasakay sa ibabaw ng bubong ng tricycle. Backride, pwede pa.

·        Mas matangkad ako kay Demi. Ata? Hahaha! Feeling ko lang. Wahaha! At mahaba ang buhok niya.

·        Takot sa multo si Akirara. Hindi mo siya mapapanood ng horror movies kahit bigyan daw siya ng isang milyon. Pero siguro kung lalagyan ko ng twist ang story ng MFML nila ni Lordy at makakatuluyan ng honey niya si Megan, baka magbago ang isip niya. Bwahaha! (^-^)\/

·        Takot din sa multo si Bea. One of her fears. First on the list pa siguro.

·        Taga South Cotabato si Phoebe. Hindi Cubao.

·        At mas lalong hindi antibiotic ang gamot sa sakit ng ngipin. It should be analgesic like Mefenamic. (Sino kayang nagsabi no’n sa panaginip ko?)


6 comments:

  1. Pinakamahaba yung fact sa akin ha! hahahaha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha! Ano? Manonood ka ng horror o ibibigay ko si Megan kay Lordy? Bwahahaha!

      Delete
  2. hahaha.. ang gulo niu pala pgpinagsama-sama na kayo miss aiesha.. haha :)

    panaginip nga naman oh.. hihi

    ReplyDelete
  3. mahilig din ako magsulat ng panaginip .. nakakatuwa silang balik balikang basahin ...

    ReplyDelete
  4. ang duga nman ng author ng panaginip mo!.. bakit parang ako lang ung na iiba sa reality?? hahah.. anong ata?? matangkad ka talaga.. pa humble.. ahaha.. i really hope that someday we could all get to meet each other.. ^___^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^