Saturday, August 24, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 31



CHAPTER 31

[ ELLAINE’s POV ]


“She’s my Elle.”


“She’s my Elle.”


“She’s my Elle.”


Paulit-ulit yung nagre-replay sa isip ko. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Hindi ko alam kung—


“Ellaine.”


Sunod-sunod akong napakurap dahil sa boses na ‘yon. Saka ko lang na-realize na nasa isang kwarto na pala ko. Sa kwarto ko. Ni hindi ko napansin na nakarating na kami ni Jaylord dito.


Ni Jaylord. Nasa harap ko siya ngayon.


“She’s my Elle.”


Hindi ko alam pero nag-init ang sulok ng mga mata ko nang maalala ko na naman ang huling sinabi niya kanina.


Elle. How I miss him calling me that way.


“I’m sorry.”


Hindi ko alam kung bakit siya nag-so-sorry. But hearing those words from him again, hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ko ngayon.


Masaya ako dahil sa huling sinabi niya kay Clay kanina. Him calling me Elle. The way he said that na parang bumalik na ang alaala niya dahil gano’n siya sakin nung wala pa siyang amnesia.


And him saying sorry. Those simple words na tumatagos sa puso ko.


“I’m sorry kung pinag-isipan kita ng masama.”


Kinagat ko ang labi ko. Ayokong umiyak. Ayoko. Pero naninikip ang dibdib ko sa pagpipigil ng emosyon ko. Hindi dapat ako umiyak... Pero...


“I’m sorry kung wala akong maalala.”


Wag kang iiyak, Ellaine! Once na pumatak ang mga luha mo, hindi mo na mapipigilan ‘yan.


“I’m sorry kung nahihirapan ka ng dahil sakin.”


Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak.


“I’m sorry.”


Hindi ako iiyak. Pero... Hindi ko na rin talaga mapigilan. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Parang batang pinunasan ko ‘yon pero wala ring nangyari. “I’m sorry... Hindi ko lang mapigilan... Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak...” Tinakpan ko ang mukha ko ng mga kamay ko. “I’m sorry...”


Wala akong narinig mula sa kaniya. Naramdaman ko na lang ang pamilyar na init na ‘yon na bumalot sa katawan ko.


Gusto ko din siyang yakapin. Gustong-gusto. At yun nga ang ginawa ko. Niyakap ko siya. Nang mahigpit na mahigpit. “I miss you so much, Jaylord...” hindi ko mapigilang sabihin habang umiiyak. “Bakit ang tagal-tagal mong bumalik...?”


Naramdaman kong humigpit pang lalo ang yakap niya sakin. Hindi na siya nagsalita. Hindi na rin ako nagsalita.


At kahit wala siyang sabihin, nararamdaman kong naiintindihan niya kung bakit ganito ako ngayon. Nararamdaman ko ‘yon sa higpit ng yakap niya.


Ang init ng yakap niya. Para kong pinaghehele habang yakap niya ko. Nung mga panahong akala namin namatay na siya, at para akong nababaliw na humihiling na sana mayakap ko uli siya, nagagawa ko na ngayon.


At magagawa ko pa.


How I miss this feeling of being safe in someone’s arms.


And only him could make such feeling.


Only him.


= = =


[ JAYLORD’s POV ]


Nakaupo ako sa couch at nakahalukipkip habang nakatingin sa ibabaw ng kama. Mahimbing na natutulog si Ellaine.


Kanina. Hearing her crying like that. Seeing her crying like that. Naramdaman kong ayoko nang nakikita ko. Naiinis din ako sa sarili ko kung bakit siya umiiyak ng gano’n. At alam kong kasalanan ko.


Bakit ba kasi ayaw pang bumalik ng lahat ng alaala ko para alam ko ang dapat kong gawin? Pero... Kailangan pa bang makaalala ako bago ako makaramdam? Tama si lolo.


Dahil kanina. Kusa na lang kumilos ang mga paa ko para lumapit sa kaniya. At ginawa ang bagay na matagal ko ng gustong gawin kapag abot kamay ko lang siya. At yun ang yakapin siya.


The moment I hugged her, naramdaman ko ang pakiramdam na gusto ko siyang protektahan. Na ayoko siyang masaktan.


Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nakatayo habang magkayakap kanina. Naramdaman ko na lang na bumagsak ang kamay niyang nakayakap sa likuran ko. Nang silipin ko ang mukha niya, nakita kong nakapikit ang mga mata niya.


Hindi ko mapigilang mapangiti kanina nang malaman kong nakatulog siya habang yakap siya at nakatayo kami. Ngayon din naman, hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama niya.


Patayo na sana ako para lumapit sa kaniya nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto. May kumatok din kanina pero hindi ko pinansin. Humakbang ako palapit sa pintuan pero hindi ko ‘yon binuksan.


“Ellaine.”


Kumunot ang noo ko. Boses ‘yon ni Khalil.


“Ellaine. Nandyan ka ba? Jaylord?”


“Ano ‘tol? Nandyan ba sila?”


Boses naman ‘yon ni Chad.


“Walang sumasagot, eh. Naka-lock din yung pintuan.”


“Wala rin dito sa kwarto ni Jaylord.”


“Eh, nasa’n sila?” narinig kong tanong ni Khalil.
 

“Ewan ko. Baka namasyal lang dito sa mansion.”
 

“O baka nagtanan na.”


“Tara, sabihin natin kay lolo.”


“Na nagtanan na yung dalawa.”


Saka ko lang binuksan ang pintuan. Sabay silang napalingon sakin. At ngumiti.


“Sabi na sa’yo ‘tol, nandito lang sila.” sabi ni Chad.


“Wala kang sinabi.”


Humalukipkip ako at sumandal sa hamba ng pinto. “Anong kailangan ninyo?” tanong ko.


“Naistorbo ba namin kayo?” tanong ni Khalil.


“Oo.” sagot ko. Natutulog si Ellaine tapos ang ingay nilang dalawa.


“Sabi na sa’yo ‘tol, naiistorbo natin sila.” Chad said.


“Wala kang sinabi.” kontra uli ni Khalil dito habang sumisilip sa loob ng kwarto.  

“Si Ellaine?”


“Anong kailangan ninyo?” ulit kong tanong.


“Lunch time na, Jaylord. Kakain na tayo.” sagot ni Chad.


“Ba’t kayo pa ang sumundo samin?”


Sinundo na kayo ng katulong kanina. Wala daw sumasagot sa mga kwarto ninyo ni Ellaine kaya kami na ang sumundo sa inyo.” paliwanag ni Khalil. “Nasa’n nga pala si Ellaine?” Sumilip-silip na naman siya sa loob ng kwarto.
 

“Mauna na kayo. Susunod na ko.” Isinarado ko na pintuan. Lumapit ako sa kama at inayos ang kumot ni Ellaine. Bahagya pang nakaawang ang labi niya habang yakap ang isang unan. Hinaplos ko ang buhok niya. Napangiti ako.


I kissed her forehead bago ako lumabas ng kwarto niya. Para lang malaman na nando’n pa rin ang dalawa.


“Nandito pa rin kayo?” Humakbang na ko. Sumunod sila sakin at sumabay.


“Where’s Ellaine, Jaylord?” tanong ni Khalil.


Tiningnan ko siya. Okay. Hindi ko maiwasang maging protective kay Ellaine.


Itinaas niya ang kamay niya. “Don’t give me that look, Jaylord.” natatawang sabi niya. “Just for the record, magustuhan ko na ang lahat ng babae wag lang si Ellaine. Besides, she’s like a sister to me.”


“The same goes with me.” Chad said. “And with Clay also. Although never siyang nagpakita ng interes sa mga babae maliban sa girlfriend niyang laptop.”


Pagkatapos nang nangyari kanina sa pagitan namin ni Clay, naniniwala ako sa sinabi nila. Pero sa kabila ng sinabi ni lolo na para ko na silang kapatid, hindi ko pa rin maiwasang maging paranoid. I should not trust no one completely, except kay Ellaine. I’m just being on-guard. Hindi naman siguro masama ‘yon sa kalagayan kong ‘to.


And speaking of Clay. May kasalanan pa siya sakin. “Where is Clay?” tanong ko.


“May pinuntahan lang.” sagot ni Chad.


“O baka nagtago.”


“’Tol naman. Ba’t mo binubuko?”


“Okay lang ‘yan para naman mabukulan siya.”


Nagtawanan ang dalawa na nasa magkabilang gilid ko. Hindi ko alam kung anong nakakatawa kaya binilisan ko na lang ang lakad ko at iniwan sila. Pero agad din naman silang nakasunod.


“Natutulog ba si Ellaine?” tanong ni Chad.


“Yes.” sagot ko. Alam naman pala, nagtatanong pa.


“Buti naman. Mukha na siyang zombie na naglalakad, eh.” Khalil said.


Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. “I know. And it’s my fault.” Wala siyang tulog ng dahil sakin. Hindi ko na siya ginising dahil mas kailangan niya ng tulog. Gigisingin ko na lang siya mamaya para kumain.


“Hindi mo naman kasalanan, eh.” Chad said. “Sobrang namiss ka lang niya kaya ayaw niyang mawala ka sa paningin niya kahit sa oras ng pag-tulog niya.”


Yun ang naramdaman ko habang nakayakap siya sakin kanina. At alam kong hindi lang ‘yon ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog. Iniisip niya kung paano niya ko matutulungang bumalik agad ang alaala ko para malaman ko na kung sino ang nagtatangka sa buhay ko.


Dumagdag pa ang pagsusungit ko sa kaniya at ang pakikitungo ko sa kaniya simula nang bumalik ako sa buhay nila. Sa buhay niya.


I sighed.


Bakit ko ba nakalimutang siya ang dahilan kung bakit nakaya ko ang mga nangyari sakin sa nakalipas na dalawang buwan? Dahil sa panaginip na ‘yon, nagkaro’n ako ng lakas ng loob na mabuhay dahil alam kong may naghihintay sakin. Wala na nga kong maalala, kinalimutan ko pa ang bagay na ‘yon.


Nakakainis!


“Jaylord, okay ka lang?”


Napakurap ako nang may tumapik sa balikat ko. Napalingon ako kay Chad. “Ano ‘yon?”


“Tinatanong ka kasi ni Khalil. Kaya lang parang naglalakbay ang utak mo.”


Nilingon ko si Khalil. “Ano ‘yon?”


“Mahaba na ang buhok mo. Gusto mong gupitan ko mamaya?”


Napahawak ako sa buhok kong sumasayad na sa balikat ko. “Just make sure you know how to.”


“He knows, Jaylord. Uubusin lang naman niya ang buhok mo sa ulo. In short, kakalbuhin ka niya.” Sinasabi ni Chad ‘yon habang nauunang naglalakad samin ng mabilis habang nakaharap samin.


“What?!”


“He’s just kidding, Jaylord.”


“Totoo ‘yon, Jaylord!”


“Sira ulo ka talaga, Chad!”


Parang batang naghabulan ang dalawa. Napailing na lang ako at tumaas ang sulok ng labi ko. “Mga baliw.”

= = =
= = =

1 comment:

  1. for I don't know How many times ko ng binasa tong chapter na to.. Gosh!


    "except kay Ellaine." Waaaaaaaaaaaa! The best tlga.. haha! kilig

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^