[SDC] SPECIAL DELINQUENTS CLASS
CHAPTER 3
“I can’t take it anymore!”
“Woah, kalma ka naman jan ate.” Kakarating palang ni Sian sa bahay ay agad siyang naglabas ng sama ng loob. It’s because stressed na stressed siya. As usual, ang SDC ang dahilan. And as usual, hindi sila madiscipline, hindi sila nakikinig, namimilosopo sila at mga tanga except kay Alyssa. Hindi nga nila alam ang subject and verb agreement eh! Hanggang singular at plural nouns lang alam nila sa English.
“How can I calm down kung ang mga students ko ay mahirap idiscipline, at higit sa lahat,” at umupo siya sa upuan niya. “mga tanga!”
“Wow, grabe ka naman ate! Baka masyadong mataas lang standards mo when it comes to intelligence.”
“Wow, can you consider a 9th grader intelligent kung hanggang singular nouns and plural nouns lang alam niya sa English?”
“Uhmmmm…..” hindi makasagot si Ayah. It’s because her sister is right. Her students are indeed dull. Nagets naman ni Sian kung bakit hindi makasagot si Ayah kaya ipinagpatuloy niya ang pagpapalabas niya ng sama ng loob. “Mga tanga na nga! Ankukulit pa! Haaaay!” Minasahe niya ulit ang kanina pang sumasakit na ulo niya.
Grabe! Magkakaroon na ako ng wrinkles dahil sa stress! Isip niya. Hindi niya alam kung paano niya ihahandle ang SDC. She handled a lot of class F sections at napatino niya sila. Ngayon lang siya nahirapan ihandle ang isang class F section. Feeling niya parang 100 class F students ang katumbas ng mga SDC students.
"You know what, ate. Kung hindi nila kayang magfit-in sa’yo,” suggest ni Ayah. “ay ikaw nalang ang magfit-in sakanila.” Nagtaka naman si Sian sa tinutukoy ng kapatid niya. “Anong ako ang magfit in?” tanong niya.
"Yung…parang…makikipagcommunicate ka sakanila. Yung, susubukin mong gustuhin ang mga gusto nila para magustuhan ka nila. And then voila! Kaya mo na silang kontrolin.” Napaisip sandali si Sian sa suggestion ni Ayah. Tama siya, she should try to fit in baka sakaling kaya niyang makontrol ang SDC students. Besides, ganun rin ang ginawa niya sa dati niyang students.
Napaface palm siya. Reklamo siya ng reklamo, simple lang pala ang sagot. “Tama ako diba?” tanong sakanya ni Ayah.
“Yeah, you’re right.” At tiningnan niya ang kapatid niya. “And yun ang ginagawa ko sa mga dati kong Class F students.” Napatawa naman si Ayah. It was because nagmukhang tanga ang ate niya. Just like what her sister thought, reklamo siya ng reklamo, simple lang pala ang sagot.
Inirapan nalang siya ni Sian. Hindi niya kasi matanggap na nagmukha siyang tanga kanina kakareklamo. “Oo na! oo na! ako na ang tanga!”
“Hahahaha! Dapat vinideo ko. Para mapanood mo kung gaano ka nagmukhang tanga sa bahay. Hahahahaha!” Itinapon nalang ni Sian sa kapatid niya ang couch pillow na malapit sakanya. Agad namang nakailag ang kapatid niya at ipinagpatuloy niya ang pagtawa niya.
++++++++++++++++++
“Hahaha! You should’ve seen your face.” Natatawa na sabi ni Paige sa teacher. Napunta na naman kasi siya ulit sa detention, pero walang teacher na naka-assign, kaya nagwala siya kasama ang mga kaklase niya sa detention. Hindi sila totally nagwala, they just did whatever they want in the class. Like, vandalizing the board, pakikipag-usap sa mga kasama, pagtulog, at higit sa lahat ang maglaro kahit malalaki na sila.
Laking gulat naman ng teacher nang nahuli niya silang nagwawala. XD Tuwang tuwa naman si Paige sa expression ng teacher. She even took a picture of her.
“Idelete mo ‘yan Ms.Montilbano.” utos sakanya ng teacher.
“Nope! Ipopost ko ‘to sa facebook...kung meron ako!” at pumunta na siya sa SDC at kinuha ang bag niya. Agad na siyang umalis sa school premises kasi malapit na ang curfew niya.
Habang naglalakad siya papunta sa bahay ay nag-iisip siya ng mga pranks para kay Sian. Everyday niya kasi pina-prank si Sian. She loves her expression. Natutuwa siya kung paano mamula si Sian sa galit at kung paano siya sigawan nito. Hindi siya masokista, sadyang natutuwa lang siya sa mga galit na galit na expression ng mga pinaprank niya.
Chewing gum prank na naman kaya isip niya Sana may takot siya sa mga spiders para mas thrilling hihi! An evil smile was formed on her face. Hindi na naman siya ulit makahintay pumasok bukas para sa prank niya. Good thing, tinago niya ang chewing gum niya.
“Paige!” napalingon naman si Paige sa likod niya. Nakita niya si Alyssa na tumatakbo papunta sakanya. Nagtaka naman siya kung bakit late umuwi si Alyssa. Sa pagkakaalam niya ay, si Alyssa ang pinakamaagang umuwi sakanila. Naging kaklase niya kasi siya last year pero hindi niya siya kinakausap ganundin kay Alyssa, hindi niya rin kinakausap si Paige, ngayon lang.
“Woah, bakit late ka umuwi ngayon?” tanong niya at sabay silang naglakad. “Wala lang, gusto lang kita makasama.” Naweirdohan si Paige sakanya. Bigla nalang kasi gustong makipagclose sakanya si Alyssa. Actually, she doesn’t have any friends at wala siyang planong magkaroon ng isa.
“Weird, ba’t mo gusto makipagclose saakin?”
“Ewan, feeling ko lang kasi masaya kang kasama at tsaka, parang totoo ka sa sarili mo.” Kung pwede lang humaba ang buhok instantly ay humaba na ang hair ni Paige. Dahil sa sinabi ni Alyssa, her feeler side was awakened.
“Thank you! Friends na tayo,” at mas pinabilis niya ang paglakad niya. “Indeed, masaya akong kasama. Magiging roller coaster buhay mo ‘pag kasama mo ako. Hahaha!” sabay hawi niya sa buhok niya. Kapag nasa feeler mode siya, she usually whips her hair at ginagaya ang pagtawa ni Kris Aquino. Napatawa naman si Alyssa. She’s right, masayang kasama si Paige. “Kung friends na tayo, Aly na ang itawag mo saakin.”
“Good! Ayoko kasi sa name mo eh. Pang-mabait pero opposite naman ng ugali mo.”
"Hehehe, yun nga eh. Kung pwede lang palitan name ko.”
“Pero, wag nalang. Mukha kang inosente kaya bagay sa’yo ang name mo.” Pagdating nila sa bahay ni Paige ay nagpaalam sila sa isa’t isa, sa kabilang kanto pa kasi ang bahay ni Aly. Nang makapasok si Paige sa bahay ay sinalubong siya ng nanay niya.
“Sinong kasama mo na babae?” tanong niya. “Isa sa mga kabarkada mo no? kung ako sa’yo anak, iwan mo na sila! Mga masasamang impluwensya ‘yan.”
“Hindi no!” and as usual, umupo si Paige sa sofa. Sinundan naman siya ni Adel. “Si Aly ang kasama ko. Don’t worry eomoni, hindi siya masama,” Then she whispered to herself. “Kung alam niyo lang…”
"Ano?”
"Wala…wala.” Tumayo nalang siya at pumunta sa kusina para maghanap ng maiinom. “Siya nga pala, nay. Itinapon niyo ba yung chewing gum ko?” tanong niya habang nilalagyan niya ng orange juice ang baso niya. “Hindi, bakit?”
“Wala lang.”
“Don’t tell me na may ipaprank ka.” Tinawanan lang siya ni Paige. Agad namang nagets nang nanay niya na may ipaprank ang anak niya. Just by the way she laughs, alam na niya kung meron o walang ipaprank si Paige. “Wag na wag mong gamitin iyon.” Sabi niya. “Alam mo namang muntik nang ma-atake sa puso ang binigyan mo ng ganon.”
"Psh! Wala kaya akong ipaprank gamit non no!” saway niya then she wore her usual evil smile.
++++++++++++++++++
“Good morning class.” Bati ni Sian pagpasok niya sa room. As usual, hindi siya binati pabalik ng SDC. Norm na ‘yun kay Sian dahil nasanay na siya. Ang importante lang sakanya ay narinig siya ng mga binabati niya.
Umupo na siya sakanyang upuan at nagcheck ng mga quizzes. She’s checking section A’s quizzes para magood mood siya. Puro kasi mga perfect ang quiz ng mga tagasection A kaya natutuwa siya. While checking, pumunta si Paige sa harapan niya.
“Ma’am.” Tawag sakanya ni Paige while wearing her best smile. “Bakit?” tanong ni Sian habang nagchecheck siya. Ayaw niya kasi tumingin kasi baka may itapon si Paige sa mukha niya na something kadiri.
“Gusto ko lang sana magsorry sa mga pranks ko sa inyo.” Nagulat naman si Sian sa biglaang pagsorry ni Paige kaya napatingin siya sakanya. “Wait, what?”
“I said sorry po…”
“I know, I know. Pero, nagsosorry ka?” hindi makapaniwala si Sian. Hindi niya inaakala na nasa vocabulary ni Paige ang sorry. “Opo, ma’am. Nagiguilty po kasi ako eh.” Sagot ni Paige. Napangiti naman si Sian. Naisip niya na isang sign ito na may chance siya na pwede niyang kontrolin ang SDC. Pero, hindi niya alam na kasali pala ito sa prank ni Paige.
“As a compensation po, here’s a chewing gum,” at ibinigay niya kay Sian ang chewing gum. Still, wearing her best smile. “Sorry po kung hanggang sa canteen lang po ang nabili ko, you know naman po, I’m a timawa.” Nginitian naman siya ni Sian at tinanggap ang chewing gum. “Thank you, Ms.Montilbano. You just made a right choice.” Yeah, a very wise and right one. Isip ni Paige.
Her smile was changed into an evil one nang inalis ni Sian ang chewing gum sa box nito. Nang inalis niya ito ay bigla nalang may dumapo na spider sa daliri niya.”SHT!!!!” napasigaw si Sian sa gulat kaya itinapon niya ang chewing gum. Hindi lang iyon, dahil sa sobrang takot ay napatalon siya at agad tumayo sa upuan niya. “Take that spider away from me!!!” pasigaw niya na utos sa mga students pero nakatulala lang sila sakanya.
"What?!! Why are you looking at me like that?!” inis na inis na tanong niya sakanila. Hindi niya alam kung bakit sila nakatulala. Nagtaka na rin siya kung bakit sila hindi tumawa. Hindi niya alam na dahil pala iyon sa biglaang pagmura niya sa harap ng klase. Hindi makapaniwala ang SDC na ang homeroom teacher nila ay nagmura.
"Ma’am….” Tawag sakanya ni Paige. “Nagmura po kayo.” At doon lang naalala ni Sian ang nangyari kanina kaya napatulala siya. But, she kept her composure at bumaba sa upuan niya. She cleared her throat at tiningnan ng maigi ang buong klase. “Nagmura talaga ako?” at tumango ang mga students.
“Aish!”
“Wow, ma’am. Ikaw na po ang paborito kong teacher.” Sabi ni Dean. Now, that he knows that may bad side si Sian, he even liked her more. “Me too, ma’am.” Ganundin kay Damon.
Nginitian naman siya ni Paige at naglakad malapit sakanya. “Dahil dyan ma’am, you are officially SDC’s favorite teacher.” At nagthumbs up siya. “Keep up the good work ma’am!”
This is SO NOT what I want to happen!!! Isip ni Sian. “Bakit niyo naman ako naging favorite eh nagmura nga ako sa harapan niyo?” tanong niya. “Hindi pa ba obvious ma’am, nagustuhan ka namin kasi nagmumura ka!” sagot ni Paige. “Am I right guys?” tanong niya sa mga kaklase niya at tumango sila.
“Bagay na bagay ka talaga maging homeroom teacher namin.”
W…WHAT?!!! She thought while still absorbing ang nangyayari ngayon. Hindi kasi siya makapaniwala na nagmura siya sa isang school, sa isang klase at higit sa lahat ay hindi siya makapaniwala na naging favorite siya ng SDC dahil sa pagmura niya.
Author's note:
Finally! after 100 centuries, ibabalik ko na ang first story ko dito which is ANG LOVELIFE NI SADAKO. Sana may naghihintay pa rin sa story ko LOL. Next Wednesday ko 'yun I-uupdate tas sa next next Wednesday naman ang SDC.
There'll be a lot of twists in the story. Magkakaroon ng isang new character na eepal sa buhay ni Shie. As the story goes on, magiging madrama ang story. Secrets will be revealed. But, it will still have some humor para balanced.
i fOund diZ neW stOry of yOurs aTey,,, ndE q p xAh nbbSa dHiL phhBaiN q muNa,, pEo ntuwA aq s aUthoRs nOte mU,,, iSa aq s mgA reAders ng LovELife ni sAdaKo,,, ayiioEee s wkAs mibbALik mU n xAh,,,
ReplyDeleteAwww! thanks for waiting! saranghae <3
Deletei cAn't wAit fOr wednEsdaY tO cOme,,,
ReplyDelete