Sunday, July 28, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 25



CHAPTER 25

[JAYLORD’s POV ]


Continuation of flashback...


“I’m not different from Jaylord. Parehas lang kami.”


Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tito Ted. Sumandal ako sa dingding at humalukipkip. Anong pagkakaparehas naming dalawa? Hindi kaya...


“Alam ko ang nararamdaman niya, Carol. Wala siyang maalala na kahit na ano. Alam ko ang pakiramdam na ‘yon. At ang kailangan niya ngayon ay isang taong mapagkakatiwalaan. Kung may maitutulong lang ako sa kaniya, ginawa ko na. Kung pwede lang na humingi ako ng tulong sa iba, ginawa ko na.”


“No! You can’t do that, Ted! Hindi pwede! Paano kung masamang tao siya?”


“Iyon ba ang kinatatakot mo, Carol? O natatakot kang mawala ako sa’yo oras na makipag-communicate ako sa mga pulis?”


“Dahil hindi sila mapagkakatiwalaan!”


“Alam ko, ako mismo ang nakaranas no’n. Pero hindi naman lahat sila masasama.”



“No! Hindi tayo magsusumbong sa pulis! Ayoko! Paano kung...”




“Carol. Ano man ang mero’n sa nakaraan ko, kinalimutan ko na. Kung mero’n man akong pamilya bago kita nakilala, sana pinahanap na nila ko ten years ago. Pero hindi. Simula nang magbuntis ka kay Jaja, sa inyo na umikot ang buhay ko. Dito sa bahay na ‘to. Kayo ang pumuno sa mga alaalang nawala sakin. Ikaw. Si Cassy. Si Jaja. Kayo ang pamilya ko.”


“At ayokong mawala ‘yon, Ted. Kaya please... ayoko nang nandito ang taong ‘yon.”


Hindi ko na tinapos pa ang pag-uusap nila. Bumalik na lang uli ako sa pinanggalingan ko. Pero hindi kina Cassy. Naglakad ako nang naglakad hanggang sa makarating ako sa tabi ng ilog kung sa’n ako nakita ni Tito Ted. Umupo ako sa isang malaking bato.


Bumalik sa isip ko ang mga narinig kong sinabi ni Tito Ted kanina.


“I’m not different from Jaylord. Parehas lang kami.”


“Alam ko ang nararamdaman niya, Carol. Wala siyang maalala na kahit na ano. Alam ko ang pakiramdaman na ‘yon.”


“Ano man ang mero’n sa nakaraan ko, kinalimutan ko na. Kung mero’n man akong pamilya bago kita makilala, sana pinahanap na nila ko ten years ago.”


“Kayo ang pumuno sa mga alaalang nawala sakin.”


Parehas lang kaming nawalan ng alaala. Nawalan siya ng alaala ten years ago. Si Tita Carol ang nakakita sa kaniya no’n. At kung tama ang pagkakaintindi ko, hindi na bumalik ang alaala niya.


“Naiintindihan kita. Buti ka pa nga may naaalala ka kahit lang sa panaginip. Ibig lang sabihin no’n, may pag-asa pag bumalik ang mga alaala mo.”


Kaya pala niya nasabi ang mga ‘yon dahil hindi na bumalik ang alaala niya.


Kaya ba gano’n na lang niya ko ipagtanggol sa asawa niya dahil alam niya ang pakiramdam ng may amnesia?


“At ayokong mawala ‘yon, Ted. Kaya please... ayoko nang nandito ang taong ‘yon.”


Shit! Bakit ba kasi ayaw pang bumalik ng mga alaala ko?!


=  =  =


“Jaylord. Nandito ka lang pala. Tanghali na, ah. Kumain na tayo.”


Boses ‘yon ni Tito Ted. Hindi na ko lumingon. Kumuha ako ng bato at itinapon sa ilog. Umupo naman siya sa malaking bato na nasa tabi ko.


“Anong iniisip mo?” tanong niya.


“Aalis na ko bukas.” hindi lumilingong sagot ko.


“Hah? Pero wala ka pang maalala. Pwede ka pa namang mag-stay sa bahay hanggang sa bumalik ang alaala mo.”


“Hanggang kailan? Ayoko na ring mag-away kayo ng asawa mo ng dahil sakin. Paano nga kung masama pala akong tao?”


“Jaylord.”


“Yes, I heard it.” I said not elaborating anything.


Natahimik na kami. Parehas lang kaming nakatingin sa ilog. Ilang saglit ang lumipas bago siya nagsalita.


“Ten years ago, natagpuan ako ni Carol sa tabi ng dagat kung nasa’n ang private resthouse niya. Ulilang lubos na no’n si Carol at ang tanging kasama niya ay ang anak niyang si Cassy. Eight years old lang no’n si Cassy. Namatay ang asawa niya baby pa lang si Cassy.”


So, hindi pala tunay na ama ni Cassy si Tito Fred. Hindi kamukha ni Cassy ang mama niya kaya malamang ang ama niya ang kamukha niya. Kaya pala hindi sila magkamukha ni Tito Fred dahil iba ang ama ni Cassy.


“Nagising ako no’n na walang maalala na kahit na ano. May sugat ang ulo ko. Humingi kami ng tulong sa pulis na wala ring nangyari dahil muntik na siyang mapahamak. Pati si Cassy. Ayoko nang i-kwento ang nangyaring ‘yon dahil kinalimutan ko na din ‘yon.”


“Isinama ako ni Carol dito sa bahay niya. Dito sa liblib na lugar na ‘to. Hindi na bumalik ang alaala ko. Hinintay kong may maghanap sakin pero wala. Hanggang sa magkahulugan kami ng loob ni Carol at ipinanganak si Jaja.”


“Dito sa lugar na ‘to nagsimula ang panibagong buhay ko. Ang panibagong buhay ko sa pangalang Ted na binigay ni Carol sakin. Siya ang dahilan noon kung bakit sa kabila ng kawalang pag-asa ko dahil sa mga nawala kong alaala, nagkaro’n ako ng dahilan para ipagpatuloy ang buhay ko.”


“At okay lang sa’yo na hindi na bumalik ang alaala mo?” hindi nakatiis na tanong ko.


“Sila na ang buhay ko.” Nilingon niya ko. “Pero ikaw, may naghihintay pa sa’yo. Ang babaeng ‘yon sa panaginip mo.”


“Kaya kailangan ko nang umalis dito. Walang mangyayari sakin kung magtatagal ako dito.”


=  =  =


“Kuya Jaylord, ba’t aalis ka na po?” umiiyak na tanong sakin ni Jaja. Nasa labas na ko ng bahay nila at ngayon lang nila nalaman ni Cassy na aalis na ko.


Niyuko ko siya. “Kailangan kong umalis, Jaja.”


“Wala na kong kuya.” Mas lalong lumakas ang pag-iyak niya.


I sighed. “Once na bumalik ang alaala ko, babalik ako dito.”


“Talaga po?”


“Oo. Kaya tumahan ka na.” Pinunasan ko ang pisngi niya.


“Promise po ‘yan, ah?”


“Promise.”


Tumahan na siya.


“Kuya Jaylord.”


Napalingon ako kay Cassy.


Lumapit siya sakin. Nagulat ako ng yakapin niya ko. “Mag-iingat ka, kuya.” Sumunod din si Jaja na yumakap sa hita ko.


“You, too. Bago mo intindihin si Carl, mag-aral ka muna.” bulong ko.


She chuckled. “Yes, kuya. Basta babalik ka dito, ah. At pagbalik mo, ipapakilala ko siya sa’yo.” bulong din niya.


Humiwalay na sila sakin. Napatingin naman ako kay Tita Carol. “Mag-iingat ka.” simpleng sabi niya bago ayain sa loob ng bahay ang magkapatid.


“Jaylord, mag-iingat ka.” sabi ng naiwang si Tito Ted. Tinapik niya ko sa balikat. “Wag kang masyadong magtiwala sa kahit na sino. Tandaan mo ‘yan.”


“Tatandaan ko po ‘yan.”


“Kung walang mangyari sa pag-alis mo, may babalikan ka pa dito.”


Tumango na lang ako. Ayokong mangyaring bumalik ako dito dahil walang nangyari sa pag-alis ko. Kung babalik ako dito, gusto kong bumalik na ang alaala ko.


“Salamat sa lahat, Tito Ted.”


=  =  =


Three weeks later.


Sumisikat pa lang ang araw, nagbubuhat na ko ng mga softdrinks papasok ng tindahan. Isang linggo akong nagpagala-gala sa kalsada. Kung sa’n ako abutan ng dilim, do’n ako natutulog. Dalawang linggo na akong nagta-trabaho sa mini grocery na ‘to. Stay-in ako. Wala silang requirements na hiningi kundi bio-data. Maliban sa pangalan ko, ang lahat ng impormasyong nakasulat do’n ay gawa-gawa ko lang.


Taga-buhat ang trabaho ko. At ang hindi ko maintindihan, nakaupo lang ako sa tapat ng grocery. Pang-padami daw ng costumer. Gwapo daw kasi ako ang sabi ng amo ko. Hinahayaan ko lang siya. Tutal naman, binabayaran niya ko at may matitirhan ako.


Kinagabihan.


Lumabas ako ng tinutuluyan ko para magpahangin. Mainit kasi sa maliit na kwartong tinutuluyan ko. Tapos, dalawa pa kami. May mga mangilan-ngilang tao sa labas. Ganito siguro ang Manila, umaga man o gabi, laging gising.


Wala ng tao sa nilalakaran ko ng maramdaman kong may sumusunod sakin. Huminto ako at lumingon sa likuran ko. Wala akong nakita maliban sa kotseng itim. Nagpatuloy uli ako sa paghakbang ng maramdaman ko na naman na may sumusunod sakin.


Lumingon uli ko. Kumunot ang noo ko. Ang kotseng ‘yon. Napansin ko na ‘yon kanina sa tapat ng grocery. Nagulat na lang ako nang paandarin ng driver ang kotse papunta sa direksyon ko. Hindi na ko nag-isip ng kung ano dahil mabilis na kong umilag bago pa niya ko mabangga. Mabilis naman agad na umatras ang kotse pabalik sakin. Gumulong ako sa tabi ng kalsada.


Hindi pa ko nakakabawi ng magbukas ang pintuan ng kotse at bumaba do’n ang isang lalaki. Nakita ko ang mukha niya mula sa liwanag ng ilaw sa kalsada. Pero ang ikinagulat ko ay ang hawak niyang baril.


“Sino ka?” tanong ko.


Napahinto siya sa paghakbang palapit sakin at natigilan. Sinamantala ko ‘yon para makatakbo palayo. Narinig ko pa ang isang putok papunta sa direksyon ko.


Isa lang nasa isip ko. Balak niya kong patayin kaya kailangan kong makatakas! Kung kaninang umaga pa niya ko sinusubaybayan, hindi na ko pwedeng bumalik sa tinutuluyan ko.


Sino ang taong ‘yon?! Sino siya?!


=  =  =


Two weeks later.


Tirik na ang araw ng magising ako. Hindi sa isang kwarto, pero sa tabi ng kalsada kasama ng ibang pang taong tirahan na ata ang kalsada.


Simula nang gabing ‘yon na may nagtangka sa buhay ko, hindi na ko bumalik sa lugar na ‘yon na pinagta-trabahuhan ko. Nagpakalayo-layo ako. Ni wala akong dalang gamit sa pag-alis ko maliban sa tatlong daang pera na nasa bulsa ng pantalon ko. Isa o dalawang beses lang akong kumain sa isang araw para tipirin ang pera ko. At halos tinapay lang ang madalas kong kainin.


At sa loob ng dalawang linggo kong paglalagalag sa kalsada, dahil hindi ako pumipirmi sa isang lugar, ni wala akong matinong tulog tuwing gabi sa pagmamatyag sa paligid ko. Kung mero’n bang nakasunod sakin o ano. Kung mero’n bang nakatingin sakin o ano. Para na kong mababaliw.


Katulad ngayon, ramdam kong may nakatingin sa likuran ko. Lumingon ako. Isang batang pulubi ang nakita ko. Nakatingin siya sa tinapay na kinakain ko. I sighed. Binigay ko sa kaniya ang tinapay na naka-dalawang kagat ko pa lang.


Tiningnan ko ang laman ng bulsa ko. Bente na lang ang natitira. Huling kain ko na ngayong araw ‘yon. At mamayang gabi ko na lang ipapambili ng tinapay ‘yon.


Tumingala ako sa langit. Ano nang mangyayari sakin? Naalala ko bigla ang sinabi ni Tito Ted.


“Kung walang mangyari sa pag-alis mo, may babalikan ka pa dito.”


Kailangan ko bang bumalik sa kanila?

= = =


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^