CHAPTER 12
( Marky Corpuz’s POV )
“Quiet!” Nanlalaki
ang mga mata ni Ms. Guidance Councelor
aka Miss Tapia ( ayon sa mga naririnig kong sabi-sabi ng mga estudyante dito ) sa
tatlong babaeng kanina pa daldal ng daldal at sumbong ng sumbong sa kaniya.
Nasa
tabi ko lang si Janiyah at prenteng nakasandal sa upuan niya. Tahimik lang siya
habang nakatingin sa tatlo. Tahimik nga pero nakakaasar ang mga ngiti niya.
Kaya nga lalong nabibwisit ang tatlong babaeng kaharap niya.
Napailing
na lang ako. “Excuse,
ma’am. Can I go now? May klase pa po ako. Hindi naman po ako kasali sa away ng mga ito.”
“Hindi ka kasali?
Anong ginagawa mo sa gitna ng mga ito kanina?”
Napakamot
ako ng ulo. “Inawat
ko lang po sila. Dehado naman po ‘tong si Janiyah kung pagtutulungan ng mga
ito.” Sabay tingin sa tatlong babae. Totoo naman. Hindi ko nga alam
kung anong pumasok sa utak ng katabi ko para kalabanin ang tatlo na siya lang
mag-isa. Alam kong matapang siya, pero tatlo ang kalaban niya. Pero ang tapang
talaga niya kanina. Lumabas pang lalo ang kamalditahan niya lalo na sa mga
pinagsasabi niya at mga pinaggagagawa niya. Reyna talaga siya ng bully.
“Anong
dehado?”
”Can’t
you see our faces and dresses?”
”This
is dehado.”
sunod-sunod nilang
reklamo.
Pa-contest
ba ‘to ng ‘dugtungan mo sasabihin ko? Napailing na lang ako. Kasalanan naman
nila, eh. Ba’t hindi sila umiwas kanina? Mga nakatunganga lang sila.
“Okay, you may go.”
“Thank
you, ma’am.” Tumayo na ko at lumapit
sa pintuan. Nilingon ko si Janiyah na tahimik pa din hanggang ngayon. Wala na
ang ngiti niya. Mukha na nga siyang bored sa itsura niya.
Bakit
ba siya ganyan? Hindi ba siya natatakot na baka maparusahan siya? It doesn’t
mean na anak siya ng may-ari ng school na ‘to, makakalusot na siya.
“Ma’am,
it’s Janiyah’s fault. She’s the one who started it.”
“Eynie’s
right, ma’am. Kahit itanong ninyo pa po yung ibang students sa canteen.”
“Lagi
naman pong siya ang pasimuno ng gulo dito.” dagdag
ng babaeng nagbuhos ng softdrinks dati kay Janiyah.
“Ms. Alonzo. Care
to explain yourself?” baling ni Miss
Tapia kay Janiyah.
“Why shoud I, ma’am?
Katulad nga ng sinabi nila, ako ang laging pasimuno ng gulo.”
“Ms. Alonzo, hindi
ka ba nadala? Last year, nasuspend ka dahil sa ginawa mo. Tapos inulit mo na
naman ngayon.”
Kumunot
ang noo ko. Hindi ko alam ‘yon, ah. Siguro first sem nangyari ‘yon. Second sem
na ko nag-transfer dito, eh. Hindi na muna ko lumabas ng guidance office at
pinakinggan sila.
“I
didn’t know na nando’n…” Tiningnan
niya ang isa sa tatlong babae. “…siya. Nakita kong bukas yung pinto. Edi sinarado ko.
Mabait ako, eh. Yun pala. It was a trap. Halata namang trap kasi my video pa.
It was not my fault kung bakit inabot siya ng ilang oras do’n.”
“And this time, Ms.
Alonzo?”
“It’s
their fault, ma’am. May nilagay sila sa ice cream ko.” Kinuha
ni Janiyah ang cup ng ice cream na dala niya at binigay kay Miss Tapia. “Taste it, ma’am.”
Napangiwi
si Miss Tapia.
“Sige
na, ma’am. Para malaman ninyo kung sino ang pasimuno ng gulo kanina.”
Pero
hindi ginalaw ni Miss Tapia ang ice cream. Binalingan lang niya ang tatlong
babae. “May nilagay ba talaga kayo
dito?”
Matagal
bago sumagot ang tatlo. “Betsin lang po.”
“Pero
hindi naman po niya nakain. Tapos ganito ang ginawa niya samin.”
“Bakit
ko kakainin, devil B? Ano ako? Tanga? Kayo yun ‘no! Dahil gagawa kayo ng
kamalditahan, pinakita ninyo pa sakin.”
“Ms. Alonzo!”
Inirapan
ni Janiyah ang tatlong babae.
“Okay.”
Huminga nang malalim si Miss Tapia. “Ms.
Alonzo, tutulungan mong maglinis ang janitor.”
“Okay,
ma’am.”
“For one week.”
“Po?
Why one week for a mere reason? It’s not even my fault.” reklamo
ni Janiyah.
Hindi
pinansin ni Miss Tapia si Janiyah. “And
you ladies, you will help the librarian in her task for one day.”
Kumunot
ang noo ko. What? Mas mabigat pa ang parusa ni Janiyah kaysa sa tatlong ‘yon?
It’s unfair!
Napansin
kong nagtinginan nang makahulugan si Miss Tapia at ang tatlong babae. I smell
something fishy.
Habang
nakayuko naman at nakakuyom ang mga kamay ni Janiyah. Naiinis siya. Maski ako.
Sino bang hindi maiinis?
Hindi
pwede ‘to. Makikialam na ‘ko. I thought magiging patas ang magiging parusa ng
dalawang panig. Ang lalim, ah. Basta yun na ‘yon. Tapos ngayon? Grr! Buti na
lang at hindi ako umalis dito. Kahit may mali si Janiyah, hindi tama! I have to
do something.
Think!
Think! Think! … Aha!
Tumikhim
ako nang malakas. Napalingon sila sakin.
“Nandiyan ka pa? I
thought you have a class.”
Mga
bulag ba sila at ngayon lang nila ko napansin? “Yes, ma’am. Pero maya-maya pa po. Hindi
naman po sa nakikialam ako. Pero unfair naman po na mas mabigat yung parusa ni
Janiyah kesa sa kanilang tatlo?”
“Are you
questioning my decision?”
“I’m
sorry to say but yes, ma’am. It’s really unfair. Mas fair po sana kung parehas
na lang sila ng parusa.”
Tumayo
na si Janiyah. “Don’t
mind him, ma’am. Gotta go. May klase pa ko.”
Humarang
ako sa pintuan. “Dyan
ka lang, Janiyah.” pigil ko sa kaniya.
“Bakit
ba?!”
“Basta.”
Binalingan ko ang tatlong babae. “Dapat nga siguro, masuspend silang tatlo.” Nanlaki ang mga mata nila. “Mukhang alam ninyo na ang tinutukoy ko.”
“Don’t!”
protesta nila.
Hindi
ko sila pinansin. Kinuha ko ang phone ko. May hinanap akong video. Lumapit ako
kay Miss Tapia. “Watch
this, ma’am.”
Nang
matapos… “Girls!”
Napayuko
ang tatlong babae. “Ma’am…”
- F L A S H B A C K -
--The day na
matapunan ng softdrinks ni Jenna si Janiyah--
Nasa
canteen ako nang makita ko si Janiyah. Patayo na siya ng may bumangga sa
kaniya. Natapunan siya ng softdrinks ng babaeng bumangga sa kaniya.
“What the—! What did you
do?!”
“Sorry, Janiyah.”
“Sorry, sorry ka diyan! Look
at my dress. You ruined it! Tatanga-tanga ka kasi! Bulag ka ba?”
Napailing
na lang ako sa katarayan niya.
“Sorry.”
“Whatever!”
May
lumapit na dalawang lalaki kay Janiyah.
“Janiyah, are you okay?”
“Do I look like okay to
you?”
Lihim
akong napangiti. Lalapit-lapit pa kasi. Nasopla ka tuloy.
Hinubad
naman ng isang lalaki ang jacket niya at ibinigay kay Janiyah. “You can use this, Janiyah. It’s yours.”
Napaismid
ako. Pa-pogi pa ‘tong isang ‘to.
Binalingan
ni Janiyah ang babaeng bumangga sa kaniya. “Humanda ka sa’kin! Yang mukha mong ‘yan!”” Tumalikod
na siya nang may masalubong siyang estudyanteng may dalang softdrinks. Walang
paalam na kinuha ni Janiyah ‘yon sa kamay ng lalaki at binalikan ang babaeng
nagbuhos ng softrdrinks sa kaniya.
“I forgot something.
Here.” Ibinuhos niya sa
ulo ng babae ang softdrinks.
“Ayyy!”
tili ng babae.
Walang
salitang tumalikod uli si Janiyah at lumabas ng canteen. Grabe! Napailing na
lang ako. Hindi talaga siya magpapatalo.
“Nakakainis!”
Napalingon
ako sa babaeng bumangga kay Janiyah. Pinupunasan niya ang buhok niyang nabasa
ng softdrinks. Lumapit siya sa dalawang babaeng nakaupo sa table na malapit
sakin.
“Bwisit
na babae na ‘yon! Huh! I’m not sorry. Tuwang-tuwa nga ako na binuhusan ko siya.
Pero bwisit lang, binuhusan din niya ko.”
“It’s
okay, girl. Makakaganti naman tayo sa kaniya.”
“It’s not
okay, Eynie! Ikaw kaya ang buhusan niya?”
“Stop
it, girls! Yang bwisit na Jasper na ‘yan! Binigyan pa talaga ng jacket ang Janiyang
‘yon!”
“Sundan
na natin siya. Natext ninyo na ba sila?”
“Yeah.”
“Let’s
go.”
Tumayo
na sila. Hindi maganda ang kutob ko dito.
Pasimple akong tumayo at sumunod sa kanila hanggang sa makarating sila ng
restroom. Nagtago ako sa isang poste. May dalawang lalaking nakatalikod sa gawi
ko. Nakita kong pumasok ang isa sa mga babae sa restroom. Maya-maya ay lumabas
na siya. Dala niya ang…
Damit
ni Janiyah! Pati ang jacket na ibinigay ng lalaki kanina! Sinasabi ko na nga
ba!
Kinuha
ko ang phone ko at ini-record ang usapan nila. I can use this against them.
When? Yun ang hindi ko alam.
“What?
Nakahalata ba?”
“Of
course not. Edi dapat nagsisisigaw na siya dahil wala ang damit niya.”
“Poor
Janiyah.”
“Oh,
guys alam ninyo na ang gagawin ninyo?”
baling ng isa sa dalawang lalaki na nakangisi.
“Oo naman.”
“Takutin
ninyo lang, hah.
“Dapat
lang sa kaniya ‘yon! Malandi siya! Tingnan natin kung may ihaharap pa siyang
mukha kapag kumalat na sa school ang video niya. Ang scandal video niya.”
“Alright!”
Nag-high five pa ang dalawang lalaki at nagtawanan.
Mga
bwisit ‘to! Nagtawanan pa! No! You can’t do that to her!
Never! Si-nave ko ang ni-record kong video. Lumabas na ko sa
pinagtataguan ko.
“Hey!”
Napalingon sila sakin. “I heard you guys.”
“Shit!” Nagsipagpulasan
agad ang dalawang lalaki.
Napailing
ako. Mga duwag!
Hinarap
ko ang tatlong babae nang madinig kong sumigaw si Janiyah. “Mga bwisit kayo! Ipapatalsik ko kayo sa
school na ‘to, malaman ko lang kung sino ang kumuha ng damit ko! Ipapakaladkad
ko kayo sa porsche ko!”
“Give
me her clothes.” utos ko.
“Sino
ka ba?”
tanong ng isang
babae.
“I
said, give me her clothes!” madiing
utos ko.
Napakislot
sila. “Girl,
give the clothes na nga.” Inabot naman agad sakin ng babae ang damit
ni Janiyah. Pati yung jacket.
“You
three. Alam ninyo ba ang parusa sa binabalak ninyo? Anak ng may-ari ng school
ang binabalakan ninyo ng masama. Gusto ninyo bang makarating pa ‘to kay Mr.
Alonzo? Gusto ninyo bang mapatalsik sa school na ‘to?”
Hindi
sila umimik.
“Silence
means yes.”
“No!!!”
sabay-sabay na protesta ng tatlo.
“Kung
ayaw ninyong makarating ‘to kay Mr. Alonzo, stay away from Janiyah.”
Nagmartsang
umalis ang tatlo. Napailing na sinundan ko sila ng tingin. Pumasok ako ng
restroom. Isang cubicle lang naman ang sarado kaya malamang nando’n si Janiyah. Ipinatong
ko sa ibabaw ng pintuan ang damit niya. “Oh ayan na ang damit mo.”
“Sino ka?! Ikaw ba ang
kumuha ng damit ko?!” Napailing ako.
Pinagbintangan pa ‘ko. “Bwisit—”
“Just a piece of advice
lang, miss. Bawas-bawasan mo ‘yang pagtataray mo ng hindi ka pinagtitripan ng
ibang tao.” Napatingin ako sa
jacket na hawak ko. Sa halip na ‘yon ang ibigay ko ay hinubad ko ang jacket ko
at ‘yon ang ipinatong ko sa pintuan ng cubicle. Humakbang na ko palabas ng
restroom.
“Hey! I’m not yet done
talking to you! Who the hell are you!?”
narinig kong sigaw ni Janiyah. Hindi ko siya sinagot.
Nasa
labas na ko ng restroom nang mapahinto ko.
What
now, Marky?
Nagtago
ulit ako sa posteng pinagtaguan ko kanina. Maya-maya’y nakita kong lumabas na
si Janiyah. Suot niya ang jacket ko. Napangiti ako.
Nang
makalayo na siya ay saka lang ako lumabas sa pinagtataguan ko at bumalik ng
canteen. Hinanap ko ang lalaking nagbigay ng jacket kay Janiyah. Nakita ko
siyang nakaupo kasama ng mga kaibigan niya. Nilapitan ko siya. Inabot ko ang
jacket sa kaniya.
Kumunot
ang noo niya. “Na
kay Janiyah ‘to, ah. Bakit nasa’yo ‘to?”
“Pinasosoli
niya sa’yo. She doesn’t need it. Madami daw siyang pambili ng jacket.”
Iyon lang at tinalikuran ko na siya. Nang may maalala ako. Hinarap ko uli siya.
“What’s your
name, pare?”
Nagtataka
man ay sinagot pa din niya ko. “Jasper. Why?”
“Jasper,
pagsabihan mo ang ex mo. Wag kamo siyang aaligid-aligid kay Janiyah at mag-isip
ng masama against her. And you, too, of course. Stay away from her.”
Iniwan
ko siyang nagtataka ang mukha.
- E N D O F F L A S H B A C K –
=
= =
ang manyak nmn ng mga yun. buti n lang dumting n knight in shining jacket. hhahhhaahhah ayiiieh
ReplyDelete