[SDC] SPECIAL DELINQUENTS CLASS
CHAPTER 2
"You must be Sian Liseo," at naglakad si Ma'am Everest patungo kay Sian. Umatras ng kaunti si Sian dahil sa takot. Natakot kasi siya sa strict na mukha ni Ma'am Everest at sakanyang strict na aura. "Welcome to Avangill High." at nagshake hands sila ni Sian. Pinilit naman ni Sian na ngumiti kay Ma'am Everest.
"I heard that marami ka ng schools na naturuan," at umupo si Ma'am Everest sa sofa. "C'mon, just sit on the other sofa. Don't be nervous. We're co-teachers anyway." nginitian ni Ma'am Everest si Sian kaya umupo siya sa kabilang sofa.
"Opo, marami na po akong naturuan na schools." sagot ni Sian. May naghain ng kape sakanilang dalawa kaya nagsimula silang uminom ng kape. "Good! kasi sa isip namin, makakayanan mong ihandle ang S.D.C."
Nagtaka si Sian kung ano ang S.D.C. It's her first time to hear about this type of class. "Ano pong S.D.C.?" tanong niya kay Ma'am Everest. She took a sip of her coffee first before answering Sian's question. "Special Delinquents Class." at nginitian niya si Sian. "A class for delinquents only."
S.D.C.?! you mean Class F?! isip ni Sian.
Meanwhile
"Sinong may Super Glue?!" tanong ni Sian sa mga kaklase niya. Hindi maalis sa mukha niya ang ngiti niya. Sabik na sabik siyang I-welcome ang bagong teacher.Sigurado siyang matutuwa sakanya ng sobra yung teacher. "Me!" sagot ni Alyssa Perez.
Alyssa Perez, kakambal ni Eleazer. Not really, they're just called twins kasi magkapareho silang adik. Adik si Eleazer sa games, si Alyssa naman ay adik sa mga libro.
She should be one of the honors pero dahil sa annoyance niya ay napunta siya sa SDC. She was considered annoying dahil tanong siya ng tanong tungkol sa X and Y sa mga teachers kahit nag-eemote o may PMS sila ay tatanungin niya pa rin sila. Because of her extreme intelligence, she started sleeping during class hours dahil alam niya raw lahat ng itinuturo ng mga teachers, so what's the point?
Ibinigay ni Alyssa kay Paige ang super glue at sinimulan niyang lagyan ng malaking amount ng super glue ang teacher's chair na siya namang ikinagulat ng lahat. "Anong ginagawa mo Paige?!" tanong ni Dean kay Paige. "Hindi pa ba obvious, Juan?" sabay tingin sakanya ni Paige. "Love na love ko kasi yung bago nating teacher," at ibinalik ni Paige ang atensyon niya sa paglagay ng super glue sa upuan. "Dahil doon, ayokong umalis siya dito." Nagets ni Dean ang minimean ni Paige kaya napangiti siya.
Meanwhile
Papunta na sa room ng SDC sina Ma'am Everest at Sian. Habang naglalakad sila papunta doon, ay ipinapaliwanag ni Ma'am Everest kay Sian ang tungkol sa SDC. Hindi ma-absorb ni Sian ang ipinapaliwanag ni Ma'am Everest dahil nandidiri siya sa last floor. Madilim kasi ito at punong puno ng mga daga, butiki, at ipis.
"So, here we are." at napatigil sila sa harapan ng isang yellow na pintuan. May nakasulat na SDC sa pintuan in a creepy way kaya natakot si Sian. samutsaring bagay bagay ang naiisip niya tungkol sa SDC. "Nagets mo na ba ang inexplain ko sa'yo kanina?" tanong sakanya ni Ma'am Everest. "H..ho?" at napafacepalm siya. Sinayang niya kasi laway niya sa kakaexplain kay Sian pero wala naman siyang na-gets. "TIP: Always be prepared, especially to Paige Montilbano." at iniwan na niya si Sian.
Kinabahan si Sian at napalunok siya sa nerbyos. Sino ba si Paige? is she some sort of a rebel? isip niya. She gave a big breath and wished herself luck, then slowly she opened the door. Lahat ng mga students ay napatigil sakanilang ginagawa at napatingin sakanya. Shock was written all over Dean and Damon's face kasi hindi nila inaakala na matangkad at sexy pala ang magiging homeroom teacher nila. XD
Napangiti naman si Paige at naglakad papunta kay Sian. "Hello po! kayo po ba ang new teacher namin?" tanong niya. She tried her best na magmukhang mabait para hindi malaman ni Sian ang prank niya. "Yes." sagot ni Sian sakanya.
"Let me carry your bags ma'am." kinuha ni Paige ang bag ni Sian at nilagay ito sa table. "Thank you." pagpapasalamat ni Sian sakanya na may kasamang ngiti. Akala ko mga rebelde and SDC pero 'yun pala, ambabait nila. isip ni Sian at umupo siya sakanyang upuan.
She felt something cold and sticky on the chair kaya napatayo siya pero hindi siya makatayo. She got stuck on the chair kaya agad siya napatingin kay Paige. "Don't tell me, super glue 'to." at napatingin siya kay Paige. Nag-iba ang ngiti niya, she's wearing her usual evil smile. "Yep." sagot ni Paige, still wearing her evil smile.
"I..ikaw ba si Paige Montilbano?" tanong ni Sian. Kinakabahan siya kasi parang nararamdaman niya na tama ang kinukutob niya. "Yep!" at hindi nga siya nagkakamali. "But, you can call me Pa-ge." at nagtawanan sila nina Dean, Damon, Naomi, Jia Li, Alyssa at Eleazer. Agad namang kumulo ang dugo ni Sian at agad siya namula na parang kamatis. Ngayon lang siya nagalit ng mabilis and she hates it.
"Paige!" sigaw ni Sian kay Paige kaya natahimik ang buong klase. "Detention!" nagulat siya sa reaksyon ni Paige. Akala niya magagalit o malulungkot siya pero 'yun pala ay masisiyahan siya. "Pwede mo namang sabihin in a normal way, duh?!" at naglakad si Paige papunta sa pintuan. "Anyways, see you later ma'am kung kaya niyo pang umalis sa upuan niyo." kinawayan siya ni Paige at tuluyang umalis sa classroom.
What the hell is wrong with her? isip ni Sian at napabuntong hininga siya.
+++++++++++++++++++
"Yes! free at last." sigaw ni Paige pag-alis niya sa detention room. Bored na bored kasi siya kanina nung detention kasi nandoon ang teacher na naka-assign doon. In detention, students are expected to be quiet and don't do anything stupid saka lang sila magwawala kapag umalis na ang Teacher. Siyempre, si Paige ang nagpapasimuno, ang reyna ng detention.
Chineck ni Paige ang oras sakanyang wristwatch. 5:30 PM na, 6:00 ang curfew niya kaya agad niya kinuha ang bag niya at umalis na sa school premises.
Habang naglalakad siya ay nadatnan niya si Kye na nakasandal sa puno. Nagtaka naman siya kung bakit nakatambay si Kye malapit sa school. Sa pagkakaalam niya ay sa Starbucks, ang usual na tambayan ni Kye para hintayin ang girlfriend niya na si Aisle.
"Oy, ba't ka nakatambay dyan?" at napatingin si Kye sakanya. Agad namang nag-iba ang expression niya nang makita niya si Paige. Umalis siya sa pagkakasandal niya sa puno at agad naglakad papunta kay Paige. "Ikaw ah!" sabay turo niya sakanya. "Ang kapal mo eh no?" inirapan nalang siya ni Paige at tumawa ng mahina. "No, I'm not." at sabay silang naglakad.
"Sabihin ba naman sa mga magulang mo na boyfriend mo ako," inis na sabi sakanya ni Kye. "Ayun tuloy, tinawagan nila ako para ihatid ka" I really love my parents isip ni Paige habang nakangiti siya. "Thank you ha! thank you! Psh" note the sarcasm.
"Thank you kasi maghihiwalay na kayo ng haliparot na 'yun?" tanong sakanya ni Paige. "Ikaw ah! kung ayaw mo saamin ni Aisle, manahimik ka nalang." mas pinabilis ni Kye ang paglakad niya kaya mas nauna siya keysa kay Paige.Kahit kelan, weird talaga 'tong babaeng 'to isip ni Kye. Napangisi si Paige at tumakbo papunta kay Kye at tinapik niya ang balikat nito.
"I know that you know na ginagamit ka lang ni Aisle." at napatigil maglakad si Kye. Napatingin siya sa baba kasi natamaan siya. Tama si Paige, alam niya na ginagamit lang siya ni Aisle para mas sumikat siya. Pero, hinayaan niya lang siyang lokohin ni Aisle kahit nasasaktan siya kasi mahal niya siya.
"Tama ako diba?" hindi sumagot ni Kye kaya inulit ni Paige ang sinabi niya kanina. "Tama ako diba?"
"Oo! tama ka!" bulyaw sakanya ni Kye. "So, pakialam mo?" nagulat si Paige sa biglaang pagbulyaw sakanya ni Kye but she kept her composure. She walked first and said something. "That's why you should break up with her." at tumigil siyang maglakad sa tapat ng isang bahay. "By the way, salamat pala sa paghatid." Nagulat naman si Kye kasi nakarating na pala sila sa bahay niya. Akala niya malayo ang bahay ni Paige sa Avangill High.
"In love, 99% is for the one you love and 1% is for yourself para naman hindi ka magmukhang tanga sa huli." at sinarado niya ang pintuan pero agad niyang binuksan ang pintuan at tiningnan si Kye. "Make that 50% marami na kasing mga manloloko ngayon eh hihihi!" at sinarado niya ulit ang pintuan.
+++++++++++++++
Habang nagbabasa si Sian ng libro ay bigla nalang pumasok sa kwarto niya ang kapatid niya na si Ayah. Agad naman siyang nainis kasi nasira yung concentration niya sa pagbasa ng libro niya dahil sa biglaang pagbukas ng pintuan.
"Ever heard the word knock?" Nginitian nalang siya ni Ayah at pinaglaruan nalang niya ang Rilakkuma ni Sian.
"Gusto ko lang malaman experience mo sa SDC." sambit ni Ayah. Bigla nalang natandaan ni Sian ang SDC. Natandaan niya ang prank sakanya ni Paige. Hindi lang iyon. Natandaan rin niya kung gaano kahirap i-discipline ang SDC. Ankulit nila, at parati silang namimilosopo. At kung gaano rin sila katanga.
Napansin naman ni Ayah ang biglaang pagkalungkot ni Sian kaya nagets na niya kung bakit siya hindi sumagot. "Sabi ko na nga ba eh, mahihirapan ka." at napatingin sakanya si Sian. "Paano mo nalaman?" tanong niya. "Kalat na kalat kaya sa buong campus yung tungkol sa SDC. Ngayon nga lang pala 'yun binuo."
"Eh?"
"Yung mga super sakit sa ulo ng mga teachers ang tinipon dun." Sian sighed. Hindi niya inaakala na ang mga students niya ang pinakasakit sa ulo ng mga teachers. Paano na siya? Ano nang mangyayari sakanya?
"Good luck nalang sa'yo Ate."
"Yeah, good luck to me." Sagot ni Sian in a sarcastic way.
+++++++++++++++
"Tadaima, eomoni." (I'm home, mother A/N: it's a combination of Japanese and korean.) bati ni Paige pagpasok niya sa sala. Sumimangot naman ang nanay niya na si Adel. Simula kasi ng sumikat ang mga animes at Kdramas, nagsasalita na si Paige ng mga Japanese at Korean terms. Para kay Adel, alien language ang tawag doon.
"Ayan ka na naman sa alien language na 'yan."
"Hihi...sorry, di ko makayanan eh." sabay ngiti ni Paige. Umupo nalang siya sa sofa at nagbasa ng tabloid. Hinablot naman sakanya ni Adel ang tabloid at itinapon ito sa trash can. "Wag ka nga magbasa ng mga tabloid. Alam mo namang walang katotohanan jan."
"Eh nakaka-entertain kasi eh! Lalo na yung mga news na may sirena raw na namataan sa Manila Bay."
"Psh! sirena, sirena." at inirapan nalang siya ni Adel. "Siya nga pala eomoni...."
"Page, Nanay hindi eomo-ewan."
"Sige...sige. Siya nga pala nay, natransfer ako sa isang special section." Natuwa si Adel sa narinig niya kasi natransfer ang anak niya sa isang Special section. "Anung special section, anak?" tanong niya habang umiinom siya ng tubig.
"Special Delinquents Class." sagot ni Page. Agad namang nabulunan si Adel sakanyang narinig. Her happy face was suddenly changed into an angry one.
"ANO?!"
"SDC po."
"Hinde hinde, yung sinabi mo kanina." agad namang lumapit si Adel sa anak niya. Hoping na nagkamali lang siya sa narinig niya kanina. "Aaaah, yung special delinquents class, yun ba?"
"ANO?!!!" napasigaw sa Adel sa gulat. Natakpan naman ni Paige ng mga kamay niya ang mga tenga niya sa sobrang lakas ng sigaw ni Adel. "Alam mo ba na madudumihan ang record mo dahil dyan."
"No need to worry, matagal nang nadumihan ang record ko." sagot ni Paige na para bang normal lang sakanya ang nangyayari ngayon. "Paano ka na makakapagcollege nyan ha?!" sermon sakanya ng nanay niya. "Alam mo bang di ka tatanggapin ng mga malalaking universities dahil dyan?"
"Oh c'mon kalma ka naman jan eomoni," pagpapakalma sakanya ni Paige. Namumula na kasi sa galit si Adel to the point na parang nagmumukha siyang kamatis. "Kahit napunta ako sa SDC. Magiging normal pa rin ang buhay ko no!" kinuha niya ang remote at tinurn-on ang TV.
"Magiging tamad pa rin ako, parati pa rin akong mapupunta sa detention at higit sa lahat,"at binigyan niya ng isang nakakalokong ngiti ang nanay niya. "I'm still going to prank people."
+++++++++++++++
"Paige!!!!" sigaw ni Sian. Biniro na naman kasi siya ulit ni Paige. Nilagyan kasi niya ng isang whoopie cushion ang upuan ni Sian. Nang maupuan niya ang whoopie cushion ay siyempre, nagmukhang umutot siya. As usual, pinagtawanan siya.
"Oh, c'mon ma'am! ba't di niyo nagustuhan ang gift ko sa inyo?" natatawa na sabi ni Paige. "Bye ma'am." at umalis na siya sa classroom.
"Haaaaist! I'm so stressed." bulong niya sa sarili niya at minasahe niya kanina pang sumasakit na ulo niya. Kakarating pala niya ay agad siyang nastress. Aside from Paige's annoyance, ang ingay ingay at magulo sa klase niya.
8 lang mga students ko pero parang 100 ang students ko eh! kapagod, isip ni Sian. Ansakit sa bangs!!!!
"Well, what can you expect from us ma'am?" sambit ni Eleazer habang naglalaro siya sa PSP niya. "You're handling SDC."
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^