Sunday, July 21, 2013

Officially Yours : Chapter 7

CHAPTER 7

( ZELINN IYA YU’s POV )


“What?!” Iyon ang reaksyon niya ng sinabi sa kaniya ni Aling Polly na may nakatira na sa kwartong tinutuluyan niya sa apartment nito. “Wala naman akong sinabing aalis ako dito. At nasa’n ang mga gamit ko?”


“Hindi mo ba alam, Zelinn? Pumunta dito kahapon ang boyfriend mo. Kinuha na rin niya ang mga gamit mo. Sa kaniya ka na daw titira.”


“Boyfriend?” Parang nahuhulaan na niya kung sino.


“Hindi ko na kailangang gawin ‘yon. Kusa kang babalik dito.”


Nakuyom niya ang kamao niya. Kaya pala ang lakas ng loob niyang sabihin ‘yon kanina, dahil alam niyang babalikan ko ang mga gamit ko sa kaniya!


“Hindi mo sinabing naglayas ka sa inyo kaya ka tumira dito.”


“Pinalayas ako.” inis na sabi niya bago tumalikod at lumabas ng bahay. Kevin! Nangigigil niyang sabi sa isip niya.


“Ate Zelinn!” Napahinto siya ng makita si Molly na kapapasok lang gate. Mabilis itong lumapit sa kaniya. “Mabuti naman at okay ka na! Ang sabi ni Kuya Kevin, may sakit ka pa rin daw po kahapon. Gusto sana kitang dalawin, eh. Kaya lang may inaasikaso ako. Ba’t hindi mo po na-kwento sakin na may boyfriend kang sobrang gwapo! At ang bait-bait pa!”


Kumunot ang noo niya. Bakit ko naman iku-kwento sa makulit na ‘to, eh hindi naman totoo? At anong mabait ang sinasabi niya?


“Molly. Wag mo ng kulitin ang Ate Zelinn mo. Baka mabinat ‘yan sa’yo.” Napalingon siya sa likuran niya. Si Aling Polly. “Anong nangyari sa lakad mo?” Mabilis na lumapit si Molly dito.


“Syempre naman, Nay! Nakapasa ako sa entrance exam! Matalino ‘to, eh! Yes! College na ko! Excited na kong pumasok, Nay!”


“Natutuwa ako para sa’yo, Molly. Pero bakit kasi do’n ka pa sa university na ‘yon papasok? Halos mayayaman ata ang nag-aaral do’n.”


“Nay, gusto ko po do’n. At hindi po lahat nang nag-aaral do’n, mayayaman. Yung iba lang po. Saka may scholarship naman po ako. At magta-trabaho din po ako para sa ibang expenses ko.”


“Hindi mo na kailangang gawin ‘yon. Ang dapat mo lang gawin, mag-aral ng mabuti. Ako ng bahala sa ibang gastusin mo sa school.”


Habang tinitingnan niya ang mga ito, hindi niya mapigilang maalala ang mommy niya ng mga panahong nabubuhay pa ito. Mommy...


- F L A S H  B A C K -

“Where do you plan to study after you graduate, Zelinn?”


Napalingon siya sa mommy niya. Umaga no’n at nandito sila sa garden at kumakain ng breakfast. Nagkibit-balikat siya. “I don’t know.”


“And the course you want?”


“I don’t know either.”


“Pag-isipan mo na. Two weeks na lang at ga-graduate ka na ng highschool.”


“Can I stop, mom?”


“What?”


“I mean, can I stop for one year? I just want to rest you know. From books, projects and assignments. Stuff like that.”


“No, Zelinn.”


“But, mom—”


“I said no. Ako ng hahanap ng university na papasukan mo.”


“Okay.” Pagdating talaga sa mommy niya, hindi siya makahirit. Kay daddy ko na lang sasabihin. She smiled. Kinuha niya ang fashion magazine at nagsimulang magbasa.


“Don’t read while you’re eating, Zelinn. Nagmana ka talaga sa daddy mo.”


Para naman siyang si Kevin. Lahat ng ginagawa ko, napapansin. “Fine.” Bitbit ang fashion magazine ay tumayo na siya.


“Where are you going? You’re not yet done.”


“I’m done, mom.”


“Parang hindi mo naman nabawasan ang pagkain mo.”


“I’m full already.”


“Don’t you know na maraming nagugutom sa Pilipinas? You should give importance to every food you eat.”


“I don’t care.” bulong niya.


“I heard it, Zelinn. Kapag naranasan mong walang makain, malalaman mo ang sinasabi ko.”


“That, will not happen.” She kissed her mother’s cheek para matigil na ito sa maagang speech nito. And then she went inside their house.

 - E N D  O F  F L A S H  B A C K -


Tumingala siya sa langit. Nagdilang-anghel ka, mommy. She sighed. Tumalikod na siya.


“Ate, uuwi ka na po?”


“Yeah.” hindi lumilingong sagot niya.


“Ikamusta mo po ako kay Kuya Kevin, ah!”


Hindi na siya sumagot hanggang sa makalabas siya ng maliit na gate nang apartment na ‘yon. Lumingon siya sa kanan niya. May puno do’n at may upuan. Lumapit siya do’n at umupo. Kinuha niya ang compact niya sa bag. Tiningnan niya ang mukha niya. Ang putla niya. Ibang-iba na siya sa dating siya. Ni wala siyang alahas sa katawan. Ibinalik na niya sa bag niya ang compact.


Kinuha naman niya ang wallet niya. “Ten pesos?” Yun ang natira sa two hundred niyang natira dahil nag-taxi siya from Kevin’s condo up to here. “Anong magagawa ko sa ten pesos na ‘to?” Inis na binalik niya sa bag ang wallet niya.


Napahawak siya sa noo niya. Pinikit niya ng mariin ang mata niya. “Ano na ngayong gagawin ko? Think, Zelinn.” Si Hiro! Oo nga! Hindi ako matitiis ng pinsan ko! Kinuha niya ang phone niya. Para lang maalalang sira pala ‘yon. Inis na napabuntong-hininga siya. Kasabay ng pagkalam ng sikmura niya. Hindi pa siya kumakain ngayong araw.


“I want you to learn the true meaning of life.”


Naalala niya ang sinabi ng daddy niya. Is this the true meaning of life, Dad? Na halos mabaliw na ko sa pag-iisip kung anong gagawin ko ngayon para buhayin ang sarili ko.


“Ate Zelinn!” Napalingon siya sa gilid niya. Palapit sa kaniya si Molly. “Nandito ka pa po pala. Akala ko ba uuwi ka na?”


“I’m just taking a rest. It’s so hot, eh.” pagdadahilan niya.


“Ah! Kumain ka na po ba? Gusto mo pong sabayan kami ni nanay? Bibili lang ako ng sprite sa tindahan.”


“I’m full.” Parang hindi niya kayang ibaba ang pride niya para makikain sa mga ito, kahit gutom na siya. Tumayo na siya. “I’m going.” Tumalikod na siya.


“Ingat ka po, Ate! Dalawin mo kami dito, ah!”


= = = = = = = =


Saktong pagbaba niya ng taxi, nakita niya ang executive secretary ng daddy niya. “Camille!”


Napalingon ito sa kaniya. “Ma’am Zelinn?” Lumapit ito sa kaniya. “Ang tagal na po ninyong hindi nakakapunta dito, ah. Ang sabi po ni Sir Yu, nasa ibang bansa kayo.”


“I forgot my wallet. Bayaran mo muna si manong. Ibabalik ko maya.” sa halip ay sabi niya. Iyon lang at tumalikod na siya. Out of the country pala, hah?


Pagpasok pa lang niya ng building, lahat ng nasasalubong niya binabati siya. Pero siya, nakatuon lang ang atensyon sa daan niya. Ni hindi niya binati ang mga ito. Sumakay na siya ng elevator. Dito siya dinala ng paa niya kanina. It’s been a month, at kakausapin niya ang daddy niya.


Nakarating siya sa floor kung nasa’n ang office ng daddy niya. Actually, ang buong floor na ‘yon ang office ng daddy niya. Dere-deretso siya sa main office nito. Ni hindi na siya kumatok. Nakita niya ang daddy niya. Si Mr. Rester Yu, the name behind the successful Yu Corporation.


“Daddy.”


Napalingon ito sa kaniya. Halatang nagulat ito. “Zelinn?”


“Daddy...” Lumapit siya dito at niyakap ito. “I miss you, dad.” He hugged her back. Pero wala itong sinabi. Humiwalay siya dito. “I know na, Dad. Naranasan ko ang walang matirhan. Naranasan ko ang matulog sa matigas na kutson. Naranasan ko kung paanong magutom. Ang mabaliw sa pag-iisip kung paano ko bubuhayin ang sarili ko. Naranasan ko kung paano maghirap. I’ve learned my lesson, Dad.” Hinawakan niya ang kamay nito. “So, can I go back to the world where I truly belong? Ayoko na, Dad. I can’t take it anymore to live another day with this kind of life.”


Dahan-dahan itong kumalas sa kaniya. Matagal siya nitong pinagmasdan. Dahan-dahan siyang napangiti. “I’m sorry, Zelinn.”


Agad ding nawala ang ngiti niya. “Dad...”


Tiningnan nito ang relo nito. “May meeting pa ko. I have to go.”


Hanggang sa makatalikod ito ay para lang siyang tuod sa kinatatayuan niya. Bakit ganito? Hindi ganito ang ini-expect ko na mangyayari! Nagawa pa niyang lingunin ito bago ito tuluyang makalabas ng office. “Si Kevin ba ang lalaking napili ninyo para pakasalan ako?”


Napalingon ito sa kaniya. “Sinabi na pala niya sa’yo.”


“So it’s true.”


“Yes. Kung gusto mong makabalik sa mundo mo, you have to marry him.”


“No! I will not marry that guy! Never!”


Napailing ito. “You didn’t learn your lesson, yet, Zelinn.” Lumabas na ito ng office.


At siya. Napasigaw ng malakas. Sound proof naman ang office ng daddy niya. Soundproof man o hindi, she doesn’t even care. “Bwisit!” Nahawakan niya ang vase na nakapatong sa display table. Kinuha niya ‘yon at hinagis sa pader. Lahat ng makita at mahawakan niya, hinagis niya. Gigil na gigil siya. “Bullshit! This is unfair!” sigaw niya.


Nakita niya ang laptop ng daddy niya na nasa table. Kinuha niya ‘yon. “I hate you, Dad! I hate you!” Pero bago pa niya maihagis ‘yon ay naagaw na ‘yon mula sa kamay niya ng isang taong kinaiinisan niya sa lahat.


“Stop it, Zelinn!”


Ito ang pinagbuntunan niya ng galit niya. “Ikaw ang may kasalanan nito! Lahat kayo!” Hinawi niyang lahat ng nakalagay sa mesa ng daddy niya. Lahat-lahat. Pati ang bookshelves ng daddy niya, pinagdiskitahan niya. Pinaghahagis niya ang mga librong mahawakan niya.


“Zelinn! I said stop it!” Gigil na hinawakan siya ni Kevin sa magkabilang balikat niya at niyugyog. “Stop it!” sigaw nito.


“No!” Sinampal niya ito sa pisngi nito. Natigilan lang siya ng makitang may dugo ang pisngi nito. Napatingin siya sa kamay niya. May nakita siyang sugat. Hindi niya alam kung sa’n niya niya nakuha ‘yon. Nanghihinang napaupo siya. Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Hanggang sa maramdaman niyang pumatak ang luha niya. “Why is this happening to me?” umiiyak niyang tanong.


“Zelinn.” Tumingkayad ito sa harap niya at kinuha ang kamay niya. Ibinalot nito ang kamay niya sa panyong hawak nito. Kinuha nito ang phone nito. “Magpa-akyat kayo ng maglilinis dito sa office ni Mr. Yu. After fifteen minutes.”


Inalalayan siya nitong tumayo matapos nitong makipag-usap sa phone nito. Sunud-sunuran lang siya dito. Nanghihina na siya. Iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling ‘yon habang patuloy lang siya sa pag-iyak.


Naramdaman na lang niya ang mainit na pakiramdam na ‘yon. Kevin hugged her. Hindi niya alam kung bakit hindi niya ito tinulak. He’s her mortal enemy. Siguro, dahil ng mga sandaling ‘yon, deep inside her, gusto niya ng taong masasandalan niya. Yung feeling na tinalikuran na siya ng mundong kinagagalawan niya. Nang dating kinagagalawan niya.


“Let’s go home.”


“There’s no home for me... Wala na...” umiiyak niyang sabi.


“My home.”

 = = =


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^