Sunday, September 1, 2013

Officially Yours : Chapter 8

CHAPTER 8
( ZELINN IYA YU’s POV )


Nakaupo siya sa sofa at yakap ang tuhod niya. Tagus-tagusan ang tingin niya sa pader. Nakakain na siya’t lahat-lahat, pero wala pa rin siyang ganang magsalita. Ni ayaw niyang mag-isip ng kahit na ano.


“Ano na ngayong balak mo?” Dahan-dahan siyang napalingon kay Kevin. Nakaupo ito sa swivel chair nito. Simula ng umalis sila sa office ng daddy niya, ngayon lang din ito nagsalita. At oo, nandito na naman siya sa condo nito.


Hindi siya sumagot. Kinuha niya ang bag niya at tumayo. “Nasa’n ang mga gamit ko?” Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Humakbang na siya sa kwarto nito. Wala ang maleta niya. Pumasok siya sa walk-in closet nito. Do’n niya nakita ang maleta niya. Kinuha niya ‘yon ng matigilan siya. Ang gaan ng maleta. Ibig sabihin lang wala do’n ang mga damit niya. Hinanap din niya ang malaking plastic na pinaglagyan niya ng mga maruruming damit niya. Pero hindi niya makita.


“If you’re looking for your clothes. Nasa laundry shop na, kahapon pa.”


Napalingon siya sa likuran niya. Nakahalukipkip sa hamba ng pinto si Kevin. Kinuha pa rin niya ang maleta niya at nilampasan ito. Pero pinigilan nito ang braso niya.


“Where do you think you’re going?” tanong nito.


Hindi siya sumagot. Sa’n nga ba siya pupunta? Ni siya, hindi niya alam.


“Zelinn. Magsalita ka nga.”


“Anong gusto mong sabihin ko?”


He heard him sighed. “You stay here.”


“Ayoko.”


“Ba’t ba napakatigas ng ulo mo?”


Saka lang niya tiningnan ito. “It’s your fault! Bakit ba ang hilig mong makialam sakin? Bakit ba kasi kinuha mo ang mga gamit ko sa apartment na ‘yon? Edi sana, may matitirhan ako ngayon!”


“Dahil sinabi kong dito ka titira.”


“Bakit dito pa? Bakit sa taong kinaiinisan ko pa? Bakit sa’yo pa? Bakit ba nangyayari sakin ‘to? Bakit ba ko natitiis ng daddy ko? Bakit niya ba ko pinipilit na ipakasal sa’yo? Bakit?! Answer me!” sigaw niya.


Pinigilan niya ang umiyak. Ayaw na niyang umiyak. Lalo na sa harapan nito. Ilang beses na siya nitong nakita sa gano’ng sitwasyon. Ayaw na niyang maulit ‘yon. Pero sa sitwasyon niya ngayon, parang wala na siyang pag-asa. Kasabay ng pagpatak ng luha niya, tinalikuran niya ito. Mabilis siyang lumabas ng kwarto nito.


“One more step, Zelinn. Siguradong sa kalsada ka na pupulutin.”


Hindi niya alam kung bakit siya napahinto sa sinabi nito. Oo. Inaamin niya, matapang siya. Pero natatakot din siya. Natatakot siyang mag-isa. Wala na siyang pera. Wala siyang matitirhan. Walang-wala na siya.


“Bakit ninyo ba ginagawa sakin ‘to?” Sunod-sunod na pumatak ang luha niya. Dahan-dahan siyang napaupo. Umiyak lang siya ng umiyak.


= = =


[ KERBIN VINCENT ROBLES’s POV ]


Hindi niya mapigilang mapabuntong-hininga habang nakatingin kay Zelinn. Sa totoo lang, hindi siya sanay na nakikita itong ganito. Mula pagkabata, kilala na niya ito. Maldita, matapang at spoiled brat. Kaya nitong makapag-paiyak ng ibang tao, pero ang ito ang umiyak parang ang hirap paniwalaan. Apat na beses na niya itong nakitang ganito. Yung nangyaring sagutan nila sa Shahiro. Yung nangyari kanina sa office ng daddy nito at ngayon.


At ang una. Nung namatay ang mommy nito. Hindi ito umiyak sa harap ng ibang tao. Pero nahuli niya itong umiiyak sa kwarto nito. Hindi na siya nagpakita pa at hindi niya na pinaalam na nakita niyang umiyak ito. Nang mga panahong ‘yon, gustong-gusto niya itong lapitan, pero hindi niya ginawa. Dahil alam niyang mas lalong maiinis sa kaniya si Zelinn. Because for her, he’s her mortal enemy.


Mortal enemy. Bakit? Dahil pakialamero daw siya sa buhay nito. Lahat na lang daw pinapansin niya.


“Bakit?! Bakit?! Bakit?! Ang sama-sama ninyo!” Nakita niyang hinagis nito ang bag nito. Nilapitan na niya ito bago pa ito makahawak ng maihahagis pa. Ayaw niyang mangyari sa unit niya ang nangyari sa office ng daddy nito. It was so totally mess. Na parang binagyo. Ni hindi nga nito naramdamang nagkasugat na ito sa kamay nito sa pagwawala nito kanina.


Umuklo siya sa harap nito. “Zelinn.”


Hindi niya inaasahan ang gagawin nito. Niyakap lang naman siya nito. Habang patuloy ito sa pag-iyak nito. Na parang nakalimutan nito na siya ang kinaiinisang tao nito. He sighed. He hugged her back. Hinagod niya ang likod nito. Patuloy lang ito sa pag-iyak nito. Binuhat na niya ito papasok ng kwarto niya at inihiga sa kama.


“Take a rest. We’ll talk when you wake up.”


Hindi ito sumagot. Tumalikod lang ito ng higa sa kaniya. Hinayaan na lang niya ito. Lumabas na siya ng kwarto at umupo sa sofa. Sinandal niya ang ulo niya.


“Kailangan bang umabot pa sa ganito, Tito Rester?” bulong niya sa ceiling.


He sighed. Parang alam na niya ang magiging sagot nito. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Hiro. Ayaw man niyang sundan si Zelinn kanina, sinundan pa rin niya ito. Hindi na naman tuloy siya nakapasok.


Kahapon dahil sa pagbabantay niya dito. At ngayon dahil sa sinundan niya ito. Buti na nga lang at sinundan niya ito. Kung hindi, baka wala ng matirang matinong gamit sa office ng daddy nito. Gano’n si Zelinn kapag hindi nasusunod ang gusto nito, nagwawala ito. Pero kanina lang niya ito nakitang gano’n magwala.


“Hello, Kuya Kevin.”


“I’m sorry kung hindi na naman ako nakapasok.”


“Okay lang, kuya. Maaasahan naman ang assistant mo dito, eh. Kamusta na siya?”


“She’s sleeping.” Kinuwento niya dito ang nangyari.


He heard him sighed over the phone, pagkatapos niyang mag-kwento. “Tama ba ‘tong ginagawa ni Tito Rester?”


“I don’t know. Maybe. It’s for Zelinn’s sake. Kailangan niyang matuto.”


“Sir Hiro.” Narinig niya ‘yon sa background.


“Kuya, tatawagan na lang kita. Wala kasi si Shasha ngayon. Hindi siya nakapasok. May injury yung braso niya. Napaka-clumsy naman kasi. Bahala ka na kay Ate Zell, ah. Ba-bye!”


Hindi na siya nakasagot dahil binaba na nito ang phone. Hinilot niya ang noo niya. Zelinn...


= = =


( ZELINN IYA YU’s POV )


Idinilat niya ang mata niya. Napalingon siya ng magbukas ang pintuan ng kwarto. Si Kevin ang pumasok.


“Gising ka na pala.” May bitbit itong plastic bag. “Your clothes. Pwede ka nang magpalit ng damit mo.” Pumasok ito sa walk-in closet.


Saka lang siya bumangon. Lumapit siya sa bintana. Gabi na pala.


“Zelinn.”


“Hmm?”


“Kakain na tayo. Lumabas ka agad. Wag mo kong paghintayin.”


Pag-lingon niya dito, nakalabas na ito. Pumasok siya ng walk-in closet at kumuha ng damit niya. Pumasok siya ng restroom. Humarap agad siya sa salamin. Hinaplos niya ang ilalim ng mata niya. Halatang galing siya sa pag-iyak. Ni hindi nga niya namalayang nakatulog siya.


Si Kevin. Napapikit siya ng mariin ng maalalang niyakap niya ito kanina. Ni hindi niya napigilan ang sarili niya. Iisipin kong hindi nangyari ‘yon. It was just a dream. A dream. At hindi na ulit niya papayagang mangyari ‘yon. Hinding-hindi na.


Idinilat niya ang mata niya. Ilang minuto siyang nag-isip ng gagawin niya. Huminga siya ng malalim. Tinapik niya ang pisngi niya. Malinaw na ang isip niya ngayong nakapag-pahinga siya. Nakapagdesisyon na siya. Para na rin sa sarili niya. Whether she like it or not, dito siya titira. Dito muna siya titira.


= = = = = = = =


“Ang tagal mo.” reklamo ni Kevin sa kaniya ng umupo siya sa katapat nitong upuan.


“I didn’t tell you to wait for me.”


“Here she goes again.” bulong nito. Na narinig naman niya. Nagsimula na itong kumain.


She cleared her throat. “I‘ve decided that—”


“Later, Zelinn. Pagkatapos nating kumain.”


Napasimangot siya. “Fine.” Nagsimula na silang kumain. Ang sarap talaga niyang magluto. Sa totoo lang, tuwing nagdadala ito ng pagkain sa mansion nila, never siyang tumikim. Hmp! Baka kasi lasunin pa niya ko.


Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa kanila. Tunog lang ng kutsara at tinidor ang naririnig niya. Pati ang pag-nguya niya, kahit ang hina pa no’n.


“I’m done.” sabi nito.


“I’m not yet done.”


“Ang bagal mong kumain.” Humalukipkip ito. “Okay lang. Hindi mo naman kailangang magsalita. All you have to do is to listen.”


“Wait! Hindi ko pa nga sinasabing dito ako titira.”


“So, you’ve decided. Pero katulad nga ng sinabi ko sa’yo, whether you like it or not, dito ka titira. With my conditions, not yours. Sinasabi ko na ngayon sa’yo na hindi ka magiging buhay prinsesa dito. Hindi libre ang pagtira mo dito. Ikaw ang maglalaba ng mga damit natin. Ikaw—”


“What?!” Siya? Maglalaba? Ng damit nila? Nababaliw na ba ‘to?


“Hindi pa ko tapos. Ikaw ang maglilinis nitong unit. Mero’n pang general cleaning every two weeks. Ikaw rin ang magluluto. Ikaw ang maghuhugas ng pinagkainan natin. In short, ngayon pa lang, gagawin mo na ang trabaho mo bilang magiging asawa ko. Is that clear, Zelinn?”


“No.” madiin niyang sabi.


“Kinokontra mo ko?”


“Yes. Hindi ko magagawa ang mga pinapagawa mo.”


“At bakit?”


“Dahil hindi naman ako magpapakasal sa’yo.” Hindi ito sumagot. “At papasok pa rin ako ng Shahiro.” Halatang nagulat ito sa huling sinabi niyang ‘yon. Pero wala itong sinabi. Nagpatuloy siya. “One month lang akong titira dito sa unit mo. Once na nakuha ko ang sweldo ko, aalis na ko dito.”


Matagal bago ito sumagot. “Okay. Pero wala pa ring magbabago sa mga sinabi ko. Ikaw pa rin ang magluluto, ang maghuhugas, ang maglilinis at ang maglalaba. Lahat-lahat.”



Nagsalubong ang mga kilay niya. “What? Hindi nga ako magpapakasal sa’yo, eh!”


Tumayo na ito. Ni hindi pinansin ang sinabi niya. “For starters, hugasan mo ang pinagkainan natin pagkatapos mong kumain.” Humakbang na ito palabas ng kusina.


At siya, ang higpit ng pagkakahawak sa kutsara niya. Nilingon niya ito. “It doesn’t mean na nakita mo na kong umiyak, mahina na ko at mapapasunod mo na ko sa mga gusto mo.” madiing sabi niya. “I’m still the Zelinn Iya Yu you’ve known.”


Nilingon siya nito. “I know.” balewalang sabi nito. Humikab ito. “Inaantok na ko. Bahala ka na dyan.” Tumalikod na ito. “Sa couch ka na pala matutulog simula ngayong gabi.”


“What?!”


“Pinagbigyan lang kita dahil alam kong may sakit ka. Sweetdreams, Zelinn.”


“Kevin!” Inis na tumayo siya at sinundan ito. Pero likod na lang nito ang nakita niya bago magsara ang pintuan ng kwarto nito.


Inis na nakuyom niya ang kamao niya. Akala mo ba mapapasunod mo ko? No, Kevin! A big NO.

 = = =


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^