Chapter 22
Wistar pov
Pagdating ko sa room ay agad na kinuha ko ang maliit na bag sa cabinet at kinuha ang ilang pirasong damit. Dadalhin ko din yun grimoire book baka makakatulong yun sa akin. Ha! Hindi ko susundin si farley dahil kung hindi ko gagawin ito ay baka pagsisihan ko ito ng malaki.
Hinanap ko din yung singsing na peontar pero wala sa loob ng kwarto ko. Naku naman, siguro kinuha iyon ni vester. Bahala na nga iyon. Siya naman ang hahawak niyon eh.
Binuksan ko ang drawer baka may mga gamit na makakatulong sa akin. Naagaw ang attention ko sa isang jewelry box, er, wala naman alahas doon except sa isang hikaw na nabili ko sa batang babae noon una pa ako nakapunta sa zephian. Binuksan ko ang jewelry box at kinuha doon ang hikaw. Since, hindi naman ako mahilig sa mga alahas at wala naman itong pares ay gagawin ko na lang itong lucky charm.
I put it inside my pocket. Shet, nosebleed!
Nang lahat ay na ready ko na ay tinago ko muna yung bag sa ilalim ng kama at umupo muna sa harap ng table. Nilabas ko ang maliit na papel. Mag-iiwan na lang ako ng liham para kay farlwy at fameh. Er, siguro isasama ko na din iba bigla na lang sumage ang imahe ni vester sa isipan ko.
Anak naman ng tipaklong! Bakit ba naisip ko ang ungas na iyon?
Pagkatapos ko na sumulat para sa lahat ay naisip ko din kung anong mangyayari sa akin kung aalis ako pansamantala. Baka pagalitan ako ng mga teacher dahil hindi ako pumapasok. Agh! Pansamantala lang naman eh!
Inipit ko ang papel sa libro kaya para hindi mapansin nina farley.
Isasagawa ko ang plano ko mamayang gabi kapag tulog ng ibang tao.
Lumabas muna ako sa kwarto uli at napagdecision na pumunta muna sa library. Baka may malaman ko kung saan lugar yun. Habang papunta doon ay nakasalubong ko si scarlet. Mukhang pumayat siya at nangingitim na ang illim ng mata niya.
"Tania!" Tawag ko.
Malamig na tinignan niya ako. Ah, galit pa ba siya sa akin? Lumapit ako. Er, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya hehehe!
"Kamusta?"
Dumilim yung mukha niya. "Kung wala ka naman sasabihin sa akin pwede bang umalis ka na?" Lalagpasan sana niya ako ngunit pinigilan ko siya. Hinawakan ko yung pulso niya.
"Nakakairita ka na ah! Kanina pa kita pinagbibigyan sa ugali mo. Alam ko na may problema ka sa akin pero pwede ba! Sabihin mo naman sa akin para malaman ko!"
Paulit-ulit na lang ito!
"Shut up! Just leave me alone! Why can't you understand that?!" Bigla na lang siya nagpalabas ng malakas na enerhiya na dahilan na napabuwal ako. "One of this day i'll cut your tongue kapag hindi ka pa tumigil sa kalalapit sa atin! Ah....ah! Achoo!" Naging batang scarlet tania na naman ito. Kahit na yung ugali niya na bata ay nagbago din ay masama parin ang tingin niya sa akin. "Akala mo! Akala mo! Gusto kitang maging kapatid? Hindi 'no! Bleh!' Tumakbo siya palayo sa akin.
"Grr... ayaw mo sa akin? Eh 'di huwag! Bahala ka sa buhay mo!" Kapag bumalik ako dito sa school ay kahit na buto ka na ay hindi kita papansinin!
Malaking hakbang na papunta ako sa library. Pagpasok ko ay agad na hinanap ko ang zephian world book. Well, siguro naman may picture sila 'no?
Halos 25 minutes na ako naghahanap pero wala pa din akong makita kaya naman lumipat ako sa ibang section. Dahil sa pagtatiyaga ko sa paghahanap ay nakita ko na yung hinahanap kong libro. Nasa pinakatuktok ng book shelves. Aw. Hindi ko maabot! Hinanap ko ang ladder pero ginagamit pa ng isa pang estudyante kaya naman kuminto ako.
Pilit na abutin."Putik! Hindi ko maabot! Agh!!!"
Tumalon talon ako pero hindi ko maabot! Leche!
"Hahaha! Hindi man lang maabot ang libro! Ahaha!" Narinig ko ang maliit na boses. Nang lumingon ako ay nakita ko ang maliit na fairy na si Salvia na oarati dumidikit noon ni vester. Ang tagal ko ng hindi siya nakita ah! Bakit kaya?
"Keep quiet!" Sita sakanya ng librarian.
"Kasalanan mo ito, tibo. Makaalis na nga." Lumipad siya palayo sa akin. Hindi man lang ako nakahingi ng tulong sakanya na kunin iyon. Ang bilis kasi niyang lumipad eh!
Kuminto uli ako at pilit parin makuha. "Malapit na... kunti na lang..." habang pilit na inaabot ang libro ay bigla na lang may tumabi sa akin at kinuha yung libro na kukunin ko sana.
Humarap ako sa taong iyon. Si hakette pala yun.
"Here." Binigay niya yung libro sa akin at nilagpasan ako.
"Ah. Hakette! Thank you!!" Napalakas yung boses ko. Hindi man lang ako nilingon! Ah, ang bait niya ayie! Mas like ko talaga siya kesa kay vester! Kahit na suplado siya ay tumutulong parin siya unlike sa isang lalaki na kailangan pa ay may kapalit bago ka tulungan!
"Sir, kung mag-iingay ka lang naman ay pwede ba umalis ka na. Nakakaistorbo ka kasi." Sita sa akin ng librarian.
"Sorry po! Hindi na po mauulit!" Umalis na ako sa lugar na yu. At humanap ng magandang pwesto.
Binasa ko iyon at mabuti na lang ay may mga picture kaya naman mas mapapadali siguro ang paghahanap ko sa lugar na yun.
Sadly to say ay wala doon ang hinahanap ko! Naiinis na iniwan ko na lang ang libro. Sa pagsapit ng gabi ay isinagawa ko na ang plano ko. Weird, pero hindi pa bumabalik sina farley at fameh. Pero okay na yun para mas makakaalis ako dito ng hindi nahihirapan baka kasi magising ko sila kung sakali na bandito sila ngayon at natutulog.
Sinukbit ang bag sa balikat at inilipat ko ang liham sa ilalim ng unan. Mas madali kasi iyon mahanap doon.
Cassidra's pov
Headmaster Office
8:34 pm
Umaga kami dumating dito sa skwelahan pero ngayon lang gabi sinimulan ang pulong namin tungkol sa nalalapit na magic festival. Magaganap lang ito isang beses sa tatlong taon. Mahigit dalaput pitong minuto na ang nakalipas ay patuloy parin sila sa diskusiyon tungkol sa mga mahiwang bato na tinatawag na peontar. Inaasahan ko na mangyayari ito. Isa akong warlock kung hindi pa alam. May kakayahan ako na makakita ng hinaharap kaya naman minsan tinatawag din nila akong oracula. Hindi naman sa pinagyayabang pero walang makakapantay sa akin.
"Anong ibig mong sabihin na isa palang ang nahanap ninyo sa bato?"
"Kahapon lang na nahanap nina ms. var garnur at mr. vachel ang bato." Seryosong sabi levion knightwalker.
"At ano naman itong nabalitaan ko na kay raulin ang isa pa pero nakuha parin ng kalaban iyon bato? Sabi mo sa akin ay kayang kaya ng mga pahntom black na protektahan iyon!" Nanggalaiting na wika ni Tyron, ang nagsisilbing pinuno namin.
Tahimik lang kaming limang warlock habang nakikinig sakanilang pag-uusap.
"Hindi nila kasalanan iyon, tyron. Hindi sila nakapaghanda ng atakehin sila at nakawin ang asul na peontar."
"Ah ganun? Eh si raulin, bakit inilihim niya na nasa kanya ang bato?"
Hindi makasagot si Levion. Tumayo na ako sa kinatatayuan. Mas matatagalan pa ang kanilang argumento mas makakabuti na umalis muna ako.
"Cassidra, hindi pa tayo tapos sa diskusiyon natin." Tawag sa akin ni tyron. Kahit kailan ay napakainit ng ulo niya kapag pinag-uusapan na ang huncrox. Dahil na rin siguro sa nangyari noon na si prinsipe ion ay umibig sakanyang familiar spirit. Si prinsipe ion ay ang unag prinsepe sa kasaysayan na sumira sa batas na iyon. Batas na mismo ang mga ninuno ni tyron ang gumawa.
"Babalik na lamang ako mamaya para ipagpatuloy ninyo ang pakay ninyo dito. Nandito lamang ako dahil lang sa magic festival at mayroon pa akong importanteng gagawin. Kahit na hindi ko ginagamit na makakita sa hinaharap ay alam ko na matatagalan pa kayo sa diskusiyon ninyo tungkol sa bato kahit na wala na tayong magagawa pa dahil nangyari na ang dapat mangyari." Sabi ko sa kanya.
"Alam mo na mas importante pa ito kesa sa festival, cassidra!"
"Baka naman sinasabi mo iyan, cassidra, dahil inaasam mo pa din na magbabalik siya kaya wala kang pakialam na makuha man nila ang mga bato."
Kinuyom ko ang kamao. Hindi ko na lan pinansin ang sinabi ni Oliver.
"Paumanhin pero sa nakikita ko ay wala na ang saysay ang pag-uusap na ito." Kahit na tinawag na ako ni tyron ay hindi ko na siya pinansin. Mas mahalaga pa na makita ko siya kesa makinig sa nangyari na. Hindi na iyon maibabalik pa! Hindi na rin mapipigilan ang nakatakda!
Nang makalayo na ako ay tinahak ko ang daan kung saan siya dadaan. At madali ko lang siya nakita. Palihim na umalis sa dormitoryo. May dala itong bag. Hindi ko na kailangan tanongin pa kung saan niya balak na pumunta dahil alam matagal ko na alam na balak nito na pumunta sa zephian at hanapin ang redux.
Bumuntong hininga ako. Kagaya rin siya ng kanyang ina na matigas ang ulo kahit na binalaan na siya ng familiar spirit niya na huwag tumangka na puntahan ang pagong na iyon ay nagmatigas parin.
Hindi na talaga mapipigilan ang nakatakda. Tanging magagawa ko lang para sakanya ay tulungan.
Wistar's pov
Panakaw na umalis ako sa dormitoryo. Doon ako sa likod dumaan para hindi ako makita. Mabuti na lang kahit pano ay nakatulong sa akin ang liwanag ng buwan kung hindi pa dahil sa buwan ay baka madapa na ako sa dilim.
Chineck ko kung may mga tao ba sa paligid. Wala naman akong makita kaya naman umakyat ako sa puno. Ang taas kasi ang pader eh. Mahigpit na nakakapit ako sa puno ng may narinig akong naputol na sanga. Napalingon ako sa direksiyon. Nanlaki ang mga mga ng makita ko siya.
"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong ko sakanya.
"Dapat ako ang magtanong sa'yo ng ganyan, hija." Kung makapagsalita naman siya ay parang matanda na. Mukha naman siya na nasa early twenties. Ang babae lang naman na kinakausap ko ay ang warlock na nakita ko kaninang umaga. Siya rin yung nagpapanggap na matandang babae sa kweba.
Bumaba muna ako bago ako magsalita, mahirap na mahulog pa ako.
"Gabi na. At akala ko ay umalis na kayo dito sa paaralan namin."
"Hindi pa tapos ang pulong."
"Eh bakit nandito?"
"Dahil aalis ka papuntang zephian para hanapin ang redux tortoise."
Nabigla ako sa sinabi niya. Pano niya nalaman...ay oo nga pala nakakita pala ito ng future kagaya noon, wala nga lang ako alam noon na kaya pala ayaw niyang pumunta ako sa gargon lake dahil ayaw ata niya na makita ko yung libro. Libro na nagdahilan na nangyari ito sa akin. Dahil sa libro ay may dark side ako.
"Kung inaakala mo ay mapipigilan mo ako pwes nagkakamali ka dahil wala na akong pakialam sa mga sasabihin mo dahil pupunta ako doon!"
Tama. Pupunta pa din ako dahil hindi ko talaga kaya na ignorahin ang pagmamakaawa ng taong yun.
"Talaga? Eh, pano kung isa pala siyang delikadong tao na dapat ay hindi na nararapat na pakawalan."
Hindi ko ata iyon inaasahan ang sasabihin niya. Pero impossible naman yun 'no.
"Waeh? Hindi nga? Sus, gawa gawa mo lang iyan eh!" Umakyat uli ako.
Napapailing na lang siya at ngumiti ng malamlam. "Kagaya ka rin ina mo. Kasing tigas ng ulo niya."
Natigilan ako. Kagaya ng ina ko? Teka, alam niya kung sino ang ina ko?! Lumapit ako sakanya. "Kilala mo ang ina ko?"
"Oo, kilalang-kilala." Tumingala siya ng madilim na kalangitan. "Mukhang hinahanap ka ng dorm mother kung hindi ka pa aalis dito ay baka mahanap ka niya."
Binaliwala ko ang sinabi niya. "Sino siya? Saan ko siya makikita?"
"Malalaman mo rin iyon." Kinumpas niya ang kanyang kamay sa harap ko at isang iglap lang ay nawala na siya at ang lugar ay bigla na lang nagbago. Nandito ako sa masukal na kagubatan.
"Wah! Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko! Kainis!" Napangiwi ako ng sinipa ko ang malaking puno na katabi ko. "Agh! Ang sakit! Anak ng tipaklong talaga! Bakit hindi man lang niya sinagot ang tanong ko kung sino ang ina ko!" Naiinis na sabi ko. Bumuntong hininga. Wala na akong magagawa. Kailangan ko na kang tapusin ang plano ko simula palang para malaman ko mismo sa babaeng warlock na iyon kung sino ang ina ko. Baka may alam din siya sa ama ko. Naeexcite na ako na makauwi! Just you wait! Malalaman ko din ang katotohanan!
Kahit saan ako sumuot para lang mahanap ang tamang daan. Saan na ba ako?
>>> CHAPTER 23 HERE
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^