CHAPTER
30
( Hiro’s POV )
Hininto niya ang kotse sa tapat
ng isang palengke. “We’re here.” He said turning to Nadine.
Nakatingin ito sa labas ng bintana ng
kotse.
Nilingon
siya nito. “Pwede
ninyo na po kong iwan Sir Hiro. Kaya ko na pong bumalik ng resthouse.
Natatandaan ko pa po ang pabalik. Thank you po sa pagsama sakin dito.”
Nginitian
niya ito. “Sinong
may sabing iiwan ka dito?”
“Pero Sir
Hiro...”
“Sinamahan
na kita dito kaya lulubus-lubusin ko na. Sino bang hinahanap mo dito? Relative
mo? A friend?”
Hindi
ito sumagot. Umiwas lang ito ng tingin.
“Hmm...”
Inilapit niya ang mukha dito. “Don’t tell me boyfriend mo ang pupuntahan mo dito? May
boyfriend ka na, Nads?” tanong niya, kahit alam naman niyang single
ito dahil wala naman siyang nakikitang sumusundo dito sa kalahating taong
pagta-trabaho nito sa Shahiro.
Natutuwa
lang kasi siyang pagmasdan ang namumulang mukha nito nang sabihin niya ang
salitang ‘boyfriend’.
Cute.
“S-sir
H-hiro... w-wala po k-kong b-boyfriend.”
nauutal na sagot ni Nads na hindi makatingin sa kaniya.
“Eh, sino?”
Hindi pa rin siya lumalayo dito. “Sabihin mo na. Hindi ko ipagsasabi kahit kanino.
Promise. Secret lang natin. Para naman mas mabilis mong mahanap ang taong hinahanap
mo kasi kasama mo ko.”
Nakita
niya kung paano nito kagatin ang labi nito. “Ang...”
“Ang?”
“Ang nanay
ko.” mahinang
sagot nito.
Kumunot
ang noo. “Your
mother?” Umayos siya ng pagkakaupo. “Hindi ba wala na ang nanay mo?”
Sa pagkakaalam niya, ang lola lang nito ang kasama nito sa bahay.
Tumingin
lang ito sa bintana.
At
hindi naman siya manhid para hindi makaramdam. Makulit siya, oo. Pero seryoso
din naman siyang tao kung kinakailangan. “Okay.” Tinapik-tapik niya ang manibela. “Kung ayaw mong
samahan kita, susundan na lang kita. Hindi kita pwedeng iwan dito.”
Hindi
na niya ito hinintay na sumagot. Bumaba na siya ng kotse at pinagbuksan ito ng
pintuan. Wala na itong nagawa kundi ang bumaba.
“Anong
pangalan ng taong hahanapin natin, Nads?”
tanong niya dito.
“Matilde
Roxas.”
“Do you know
her face?”
“No.”
Okay.
Mukhang medyo mahihirapan sila kung pangalan lang alam ni Nadine.
Matilde
Roxas. Nanay nito. Mukhang may lihim sa pagkatao ni Nadine na hindi pa niya
alam.
Bilang
boss ng mga empleyado niya, alam niya ang bawat kwento ng mga ito. At dahil
dakilang makulit siya, aalamin niya ang lihim ni Nadine.
*
* * * * * * *
“Ate, pwede
pong magtanong? May kilala po ba kayong Matilde Roxas?”
tanong ni Nadine sa isang babaeng nagtitinda ng prutas. Pang-sampu na nilang napagtanungan
‘yon.
“Wala, eh.”
“Thank you
po.” Nilingon siya ni Nadine.
“Okay lang
‘yan, Nads.” nakangiting sabi niya. “Mahahanap din
natin ang hinahanap mo.” Lumingon-lingon siya sa paligid nila. “Are you sure
na dito mo siya mahahanap?”
“Yun ang
alam ko.” Tiningnan nito ang hawak na maliit na
papel.
Kinuha
niya ‘yon. Matilde Roxas at ang pangalan ng palengkeng kinaroroonan nila ang
nakasulat sa papel. At kung wala siyang idea kung sino ang Matilde na ‘yon sa
buhay ni Nadine maliban sa sinabi nitong nanay daw nito ‘yon, medyo mahihirapan
siyang tulungan itong mahanap ang taong ‘yon.
“Nads.”
Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito. “Para mas matulungan kitang hanapin siya,
you have to tell me everything, okay?”
Napatingin
ito sa kamay niyang nasa balikat nito bago siya tingnan. “Sir Hiro...”
“Sasabihin
mo na ba? You can trust me, Nads. Secret lang natin ‘yan. I promise. Hindi ko
idadaldal kay Shasha.”
“S-sige po.”
Nakangiting
tinapik niya ang ulo nito. “Good girl. Sa kotse tayo.” Hinawakan niya ang
kamay nito at inakay pabalik sa kotse niya. Napalingon lang siya dito ng
maramdaman niya ang panginginig ng kamay nito na hawak niya.
“Okay ka
lang, Nads? Nilalamig ka ba?”
Binawi
nito ang kamay nitong hawak niya. Sunod-sunod itong umiling. Ang pula din ng
mukha nito.
Kumunot
tuloy ang noo niya. “Are you sure you’re okay?” Pero base sa
itsura nito, mukhang hindi ito okay. “Nilalamig ka siguro noh?”
Tumango
lang ito.
Lumingon
siya sa paligid niya. “Let’s grab some coffee.” Hinawakan niya uli
ang kamay nito papunta sa nakita niyang coffee vending machine sa tapat ng isang mini
grocery store. Kinapa niya ang bulsa niya. Napakamot siya ng ulo. Nilingon niya
si Nadine. Nginitian niya ito. “May barya ka ba dyan? Pautang naman.”
Napangiti
ito bago dumukot sa bulsa ng pantalon nito. Inabot nito sa kaniya ang dalawang
limang pisong buo.
“Thanks,
Nads. Babayaran ko ‘to, promise. May tubo pa.”
“Hindi na,
Sir Hiro.”
“Caramel?
Choco? Hot coffee? Or cappuccino? Hmm... hulaan ko. Cappuccino, right?”
Yun ang alam niyang iniinom nito sa restaurant kapag nagka-kape ito kasama sina
Mike at Jenny.
“Yes, Sir
Hiro.”
Inabot
niya dito ang cup ng coffee. Habang hinihintay ang kaniya ay sakto namang may
lumabas na babae mula sa mini grocery store na sa tantya niya ay nasa late
thirties. Ngumiti ito sa kaniya kaya naisipan niyang magtanong dito.
“Excuse me
po. Pwede po bang magtanong?”
“Oo naman. Ano ba ‘yon?”
“May kilala
po ba kayong Matilde Roxas?”
“Oo. Kaibigan ko siya.
Bakit ninyo sila kilala? Kaano-ano niya kayo?”
Nagkatinginan
silang dalawa ni Nadine. Bakas sa mukha nito ang tuwa. Mukhang kampi sa kanila
ang pagkakataon. Hindi na sila mahihirapan. Nilingon niya uli ang babae. “Kamag-anak po
niya ang kaibigan ninyo.” sabi niya. “Pwede po bang malaman kung sa’n siya
nakatira?”
“Kamag-anak ka niya?”
tanong ng babae habang nakatingin kay Nadine. Kumunot ang noo nito. “Teka. Magkamukha kayong dalawa! Ikaw
ang...”
“Nasa’n na
po siya?” tanong ni Nadine.
Nakita
niyang lumungkot ang mukha ng babae. “Five
years ago na siyang patay.”
“What?”
react niya. Nilingon agad niya si Nadine na nabitiwan ang hawak nitong cup ng
coffee.
“Patay na
siya...” mahinang sabi nito.
*
* * * * * * *
“Talagang mahihirapan
kayong hanapin si Matilde dahil hindi siya kilala sa pangalang ‘yon. Kilala
siya ng mga tao dito sa lugar namin bilang Deng.”
paliwanag ni Ate Maring, ang babaeng napagtanungan nila kanina.
“Nasa’n na
po ang pamilya niya?” tanong niya habang
nakatingin kay Nadine na nasa harap ng puntod ng nanay nito. Nandito sila sa
sementeryo.
“Sa totoo lang, hindi
taga-rito sa lugar namin si Deng. Disi-sais siya nang makilala ko siya. Magka-edad
lang kaming dalawa no’n. Namasukan siya sa grocery store namin. Ang kwento niya
samin, patay na daw ang magulang niya at nag-iisa siyang anak. Nag-iisa akong
anak ng magulang ko at dahil napalapit na rin siya samin, kinupkop namin siya.”
“Ano pong
ikinamatay niya?”
“Atake sa puso.”
“Alam ninyo
po bang may anak siya?”
“Oo. Ilang araw bago siya
mawala, sinabi niya sakin ang lahat. Sa bahay-ampunan na daw siya nagkaisip.
Anim na taon siya nang ampunin siya. Highschool siya nang mamatay sa aksidente
ang mag-asawang umampon sa kaniya. Ilang buwan pagkatapos no’n nang mabuntis
siya at hindi pananagutan ng kasintahan niya. Itinakwil siya ng pamilya ng
mag-asawang umampon sa kaniya.”
“Hindi ko alam kung anong
hirap ang dinanas niya habang pinagbubuntis niya ang anak niya. Ang bata pa
lang niya no’n. Nang ipanganak niya ang bata, dito siya nakarating sa bayan
namin. Napilitan siyang ibigay ang bata sa isang mag-asawa dahil nagkasakit ang
bata at hindi niya alam ang gagawin niya. Labag man sa loob niya ‘yon pero wala
na daw siyang magawa.”
“Simula ng araw na
makilala ko siya, lagi ko na lang siyang nakikitang nakatanaw sa malayo. Hindi
na siya nakapag-asawa. Kaya pala. Dahil wala daw siyang karapatang lumigaya sa
kasalanang ginawa niya. Nagsisisi siya, alam ko. Pero bata pa siya ng mangyari
‘yon kaya hindi niya alam ang gagawin niya.”
Tama.
Ano nga bang magagawa ng isang dalagitang ina na walang-wala sa buhay habang
may sakit ang anak nito? Ano nga bang kaya nitong gawin para hindi mahirapan
ang anak nito?
Ano nga bang kayang gawin ng isang ina para sa
anak niya?
May
isang eksenang sumingit sa alaala niya. Matagal nang nangyari ‘yon pero ngayong
napag-usapan ang tungkol sa pagiging ina, para tuloy kahapon lang nangyari
‘yon.
“Hindi po ba
niya sinubukang hanapin ang anak niya?” tanong
niya kay Ate Maring.
“Hindi. Dahil hindi niya
alam kung saan hahanapin ang anak niya. Ni hindi niya alam ang pangalan ng
mag-asawang pinagbigyan niya ng anak niya. Bago siya mawala, may binigay siyang
sulat sakin. Kung sakali daw na dumating ang anak niya, ibigay ko daw ang sulat
na ‘yon. Hindi ko alam kung bakit naisip niyang darating ang anak niya. Pero
nangyari nga. Nandito si Nadine. Yun lang, huli na ang lahat, hindi na niya
naabutan ang nanay niya.”
Nagpamulsa
siya habang nakatingin kay Nadine. Ngayon ay alam na niya ang lahat. Ampon lang
si Nadine ng kinamulatang lola nito. Kailan pa kaya nito nalaman na ampon lang
ito? At bakit kaya ngayon nito naisipan na hanapin ang nanay nito? Kung kailan
huli na ang lahat.
He
sighed. “Ate
Maring, pwede po bang humingi ng pabor?”
“Ano ‘yon?”
Nilingon
niya ito. “Pwede
po bang i-kwento ninyo kay Nadine ang lahat ng nalalaman ninyo tungkol sa
kaibigan ninyo? Kahit man lang do’n, makilala niya ang nanay niya.”
Nakangiting
tumango ito.
“Salamat
po.” sabi niya.
Tiningnan
niya uli si Nadine. Nakita niya itong tumayo at humakbang palapit sa kanila.
Sinalubong na niya ito. Nakita niyang namumula ang mga mata nito.
“Sir
Hiro...”
Para
itong batang nawawala sa itsura nito. Tinapik niya ng marahan ang ulo nito. “Iiwan muna
kita kay Ate Maring. Sa Burnham Park lang ako. Kapag tapos na kayo, itext mo na
lang ako at susunduin kita.”
“Bakit?”
nagtatakang tanong nito.
“Gusto mo
bang makilala ang nanay mo?”
Hindi
ito makasagot.
Kahit
hindi nito sabihin, ramdam niyang gusto din nito. Hindi si Nadine ang tipong
nagtatanim ng sama ng loob sa iba. Pero pagdating kaya sa nanay nito, may sama
kaya ito ng loob sa taong nagpamigay dito?
*
* *
( Shanea’s POV )
“Jed.”
“Ayoko.”
She
pouted. Nandito silang dalawa ni Jed sa kusina. Nagluluto ito ng lunch nila. At
kanina pa niya ito kinukulit tungkol sa number nito na ayaw nitong ibigay.
“Ayaw mo
talaga? Hindi naman kita tatawagan, eh. Itetext lang. Hihintayin na lang kitang
tumawag. Promise.”
“Ayoko pa
rin.”
Sa
totoo lang, hindi naman niya kailangang kulitin ito para makuha ang number
nito. Pwede naman niyang makuha ‘yon kay Aeroll sa mga susunod na araw. Gusto
lang talaga niyang kulitin ito. Nakakamiss lang kasi.
Eh, ang pagsintang pururot
mo kay Jed? Namimiss mo na din ba? singit
ng kabilang isip niya.
Huh? Hindi ah! Wala na
kong feelings kay Jed. Matagal na ‘yong nawala! Period.
Ows?
“Wala nga!”
At hindi niya napansin na naisatinig niya ang sagot niya sa pesteng
kontrapelong side ng isip niya. Natutop niya ang bibig niya nang mapalingon sa
kaniya si Jed. Nakakunot ang noo nito.
“Anong wala
nga?” tanong nito.
“Wala na
kako kong pag-asang makuha ang number mo.”
dahilan niya.
Pero
mukhang hindi naman ito naniniwala base sa itsura nito. “Kesa kung anu-anong kalokohan ang
pumapasok sa utak mo, maghiwa ka na lang.” Inusad nito ang hinihiwa
nitong sibuyas sa kaniya. Hinarap naman nito ang pinapalambot nitong karneng
nakasalang.
Napangiti
siya. “Okidoki!
Sisiw lang ‘to!” Umupo na siya sa upuan nang mag-ring naman ang
phone niya. Sinagot niya agad ‘yon. “Hello! Who’s on the line, please?” tanong
niya kahit alam naman niya kung sino ang kausap niya.
“Shasha.”
Napangiti
siya. “Sinong
Shasha? Sorry po, kuya. Wala pong Shasha dito. Wrong number po kayo.”
She
heard him chuckled over the phone.
“Ano pong
nakakatawa, kuya? Pinagtatawanan ninyo ko, ah. Isusumbong ko kayo sa tito kong tanod.
May batuta ‘yon, sige ka.”
Sa
halip na gantihan ang sinabi niya, narinig niya itong tumawa ng malakas. Nawala
tuloy ang ngiti niya. Yung tawa kasi nito, parang pilit.
“Hiro, may
problem ba?”
Huminto
ito sa pagtawa. Ilang saglit ang lumipas nang marinig niya itong
napabuntong-hininga. “Namimiss ko lang si mommy.” mahinang sagot
nito.
Sabi
na nga ba. Sanay siyang sa bawat pang-aasar niya, sinasagot nito ng isa pang
pang-aasar hanggang may sumuko sa kanilang dalawa. Pero bakit kaya bigla nitong
namiss ang mommy nito? May nangyari kaya?
“Magkasama
kayo ni Nadine diba? May nangyari ba?”
“Umalis lang
siya ng saglit. Wala namang nangyari.”
Bumalik na ang sigla ng boses nito. “May nakita lang akong mag-ina dito sa tabi ko kaya
namiss ko si mommy. Inggitero ako, eh.”
“Sure kang
walang nangyari?”
“Wala,
Shasha. At kung mero’n man, bakit ko sasabihin sa’yo? Baka ipagkalat mo pa.”
pang-aasar nito.
“Tse!
Kakantahan pa naman sana kita ng libre para maging okay ka.”
Napalingon siya sa gawi ni Jed nang marinig niya ang tunog nang nahulog
na kung ano. Sandok ‘yon nang pulutin ‘yon ni Jed.
“Talaga?”
Tumalikod
siya sa gawi ni Jed. “May bayad na. At tinatamad na ko kaya next lifetime na
lang natin.”
“Hihintayin
ko ‘yan, Shasha. Until our next lifetime, sana hindi ka na boses palaka.”
“Ikaw na nga
lang ang nakikinig ng libre, nagrereklamo ka pa.”
“Gwapo kasi
ako.”
“Maganda
kasi ako.”
“Anong connection?”
sabay nilang tanong. Sabay pa silang natawa.
Pero
napahinto din siya at nagulat ng may marinig na naman siyang nahulog sa sahig.
Mas maingay ‘yon this time. Lumingon siya kay Jed.
“Sorry.”
sabi nito at pinulot ang takip ng kaserola.
“Ano ‘yon,
Shasha?” narinig niyang tanong ni Hiro sa kabilang
linya.
“May nahulog
lang.” Ang clumsy naman ngayon ni Jed.
Nakapagtataka.
“Shasha.” untag
sa kaniya ni Hiro.
“Ano ‘yon?”
“Thank you.”
Napangiti
siya.
“Mamaya pa
kami uuwi ni Nadine. Pakisabi kay ate.”
“Uyy...”
“Nag-umpisa
ka na naman. Ibababa ko na ‘to. Ba-bye.”
“Enjoy your
date! Bye!” She ended the call.
Nakangiting
humarap siya sa hihiwain niyang sibuyas nang mapaangat ang tingin niya kay Jed
nang kunin nito ang phone niyang nasa ibabaw ng kitchen table. Nakita niyang
may tinayp ito at ibinalik din agad ang phone sa table. Hinarap uli nito ang
niluluto nito.
Anong ginawa niya sa phone
ko?
“Just dial
number 1.” sabi nito.
Kinuha
niya ang phone niya at idinial ang number 1. Phone number lang ang lumabas sa
screen. May narinig siyang nagri-ring malapit sa kaniya. Napatingin siya kay
Jed. Napangiti siya. She pressed the end call.
“Just text.
No calls, except emergency calls.” sabi nito ng hindi
lumilingon sa kaniya.
Mas
lalong lumapad ang ngiti niya. Hindi niya
ko natiis. Ini-edit niya ang name ng number nito sa phone niya.
Jed Sungit -_-
Wahehe!
* * *
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^