CHAPTER 21
3rd person pov
'Wistar...'
Bigla
nagising si wistar sa mahabang tulog dahil sa isang pamilyar na boses
tumatawag sakanya. Bago pa siya makapagtanong kung sino iyon ay nanlaki
ang kanyang mata ng bumungad sa paningin niya ang malaking berdeng paa
ng pagong! Anumabg oras ay maapakan na siya kaya naman mabilis na tumayo
sa kinahihigaan na at tumakbo palayo sa lugar na yun.
Kahit
na nagtataka siya kung bakit nandito na naman siya sa lugar na yun at
bakit nandito ang higanteng pagong na tinatawag ng ina niya na 'Redux
Tortoise'
Nakahinga siya ng maluwag ng sa wakas ay wala
siya sa panganib. Humihingal na nakatanaw siya sa Tortoise na dumaan
lang sakanya. Sa tuktok ng bundok na pinapasan niyang bundok ay nandon
parin ang malaking kastilyo.
'Pakawalan mo ako... wala
akong kasalanan...' garagal na sabi ng babae na nasa isipan niya.
Tiningnan niya ang kapaligiran subalit wala siyang makita ni isang tao
dito sa kagubatan.
"Sino ka ba? Bakit ba parati ka nagpaparamdam sa akin? Saan ka ba? Magpakita ka sa akin!"
Imbes na sagutin nito ang tanong niya ay patuloy lang ito sa pagsasalita. Garagal parin ang boses nito.
'Pakiusap... wala akong k-kasalanan! Pakawalan mo ako.'
Naguguluhan
parin siya sa mga pinagsasabi ng mysteryosong babae. Tiningnan uli niya
ang Redux. Nandon ito hindi siya pwede maaring magkamali kahit na hindi
naman sinagot ng babaeng iyon ang tanong niya.
Naririnig ng dalaga ang hagulgol nito.
Parang may kumirot sa puso niya habang naririnig niya ang iyak nito. Ayaw niyang umiyak ito.
'Pakawalan mo ako...bilisan mo bago.... GUMISING KA!'
Ang boses niya ay nagbago naging boses na lalaki!
"Eh? Gising?" Nakakunot noo niya. "Ano bang pi-agh!"
Napaigik siya ng maramdamn niya ang mabigat na bagay na pumatong sa kanyang katawan.
'Gutom na kami!'
'Pruuuu! Ako gutom!'
"Aray!"Napabalikwas siya sa kinahibigaan at tinulak ang puting uso na si Farley. Nadamay din si Fameh sa ginawa niyang pagtulak.
"Huwa!"
Humihingal na nakatitig sa kawalan. Hindi man lang niya nalaman ang
gustong sabihin ng babaen iyon. Bilisan daw niya bago-ano?! Dahil wala
siya sagot sa katanungan ay matalim na tiningnan niya si farley.
"Salamat ha? Dahil sayo hindi ko na alam kung ano ang ibig sabihin ng
babaeng iyon!"
Napamaang naman si Farley tas nagtinginan sila ni Fameh.
'Tulog pa ata siya. Gawin natin uli iyon fameh!' His ears switching upside-down.
'Geh... pruu...'
Umalis
siya sa kama at binigyan ng dagok sa ulo ang puting uso at si fameh
naman ay kinurot niya ang pisngi nito. "Gising ako, mga tanga! Bakit
niyo ba ako ginising ha?"
'Gutom na kami! Alas nuebe na oh!'
Tiningnan niya ang oras na nakakabit sa dingding. Nine-thirty na pala.
"Teka nasan ba ako?"
'Batukan kita eh! Nandito ka lang naman sa room mo! Dinala ka ni Vester-the-great dito dahil nawalan ka ng malay.'
Inuwi
siya ni vester? Ano bang nangyayari sa kanya? Wala na siyang naalala
maliban hinalikan siya sa noo ni vester at nakatanaw sa malaking buwan.
Hinihilot ang sintido at pabalik-balik sa paglalakad.
'Ano ba kasi nangyari sa'yo?'
"Hindi
ko al...lam.... ah!" Bigla siya tumigil sa palakad-lakad at hinarap si
farley. "Maliban ba kay vester ay may nakita ka bang kamukha ko pero iba
yung kulay ng balat niya at mata?"
Lumapit ako sakanya at nilapit ang mukha sa mukha niya at seryoso na tiningnan.
'Ah oo...'
"Talaga? Saan?! Sabihin mo sa akin na saan siya! Baka gumawa siya ng gulo"
'Nandito siya ngayon....'
"Nandito siya ngayon? Nagbibiro ka ba? Saan siya nagtatago?"
'Nasa harap ko...' he lick her face. Binatukan niya ito. 'Aray!!'
"Maging seryoso ka naman! Wala ka ng ginawa kundi kalokohan! Hala, hintayin niyo ako ni fameh sa labas. Magbibihis lang ako,"
He wag furiously his cute tail with excitement. Cute.
'Yes! Sa wakas! Kakain na! Tara fameh hintayin natin siya sa labas.'
'Okapruuu...'
Napapailing
na lang na pumasok muna siya sa banyo at naghilamos. Tumigil siya
paghilamos at tinignan ang sariling reflection. Habang nakatitig ay
nalunod siya malalim na pag-iisip tungkol sa panaginip niya. Alam ng
dalaga na hindi iyon isa lamang ordinaryong panaginip. Pangalawang beses
na ito nagpaparamdam sa panaginip at pati na rin yung matanda. May
possibilidad ba na may kinalaman ang mga tao na naghahanap sa bato?
Bumuntong
hininga siya ng wala man siyang kasagutan sa tanong. Kailangan niya
malaman kung sino ang babaeng yun para magawa niya iyon ay kailangan
mahanap niya ang kinaruruonan ng redux tortoise. Kung tatatnongin naman
niya ang kinikilalang ina na kung saan ito matatagpuan ay siguradong
hindi siya nito ituturo. Kailangan siguro magtatanong siya sa mga
taga-zephian.
Ang imahe ni Farley ang lumitaw sa isipan
niya. He came from the zephian world. So there will be chance that he
know something about that creature.
After she finished her daily ritual ay lumabas na siya sa banyo at nagbihis.
Pagbukas
ng dalaga sa pinto ay bumungad doon sa labas ng pinto si farley na
kinakagat si fameh. Nag-alala na baka may mangyaring masama kay fameh ay
pinagpapalo niya si fameh.
'Wah! Bakit mo ginawa iyon?! Huhuhu!'
"Okay
ka lang ba, fameh?" Pakurakurap lang ito sakanya. Bumaling uli siya kay
farley. "Farley naman eh! Ang liit liit ni fameh hindi mo dapat siya
nilalaro na parang laruan!"
kumukurap lang si Fameh.
'Ang sama mong amo!'
"Asus!
Magsalita naman ang hindi. Hindi ka nga loyal sa akin eh. Mabuti pa ang
asong hindi nagsasalita napakaloyal pa. Tara na nga, nagugutom na rin
ako."
'Tsk--ah nga pala gusto ko ng itlog, pandisal, kape at bacon! At kay fameh naman ay mansanas daw!'
Aba, kung makautos parang binabayaran siya?! Bahala na nga ito, mamaya humanda ito sa kanya dahil papaulanan niya ito ng tanong!
"Tsk! Pasalamat ka gutom ako ngayon kung hindi naku! Sarap mong kusutin!"
Pagdating
nila sa cafeteria pero bago pa sila humanap ng bakanteng mesa ay
pumunta sila sa food counter. Swerte naman na wala ng nakapila doon kaya
daling-dali na pumunta doon.
Kagaya ng gusto ni farley ay
iyon ang hinili niya para rito. Bumili din siya ng green apple at
sakanya naman ay sandwich lang at hot choco. Pinaton niya sa ulo ni
farley ang isang tray at umalis na sila sa counter matapos mabayaran ang
mga pagkain. Humanap sila ng pwesto at swerte naman na may bakanteng
upuan.
Nang makaupo na sila ay tinitigan niya ito. "Farley."
'Oh?'
"Hindi ba pwede na sa sahig ka na lang kumain? Para kang kumikilos na tao eh."
'Masanay ka na'
Nagsimula na silang kumain ng maalala niya ang kanina. Tumigil siya sa pagkagat ng sandwich. "Farley"
'Anoch... mhamanchs?" Nginguya ang kinakain nito. Gross. Magkakaroon na ata siya ng nose bleed!
"Lunukin mo muna nga iyan! Leche!"
Narinig
ko pa na humagikgik yung mga pandemos na babae na nasa likod ni fameh.
Iniisip siguro nila na isa siyang baliw na kinakausap ang kanyang
familiar.
Nilunol naman niya iyon bago inulit ang tanong.
'Ano na naman? Gusto ko pang kumain! Tralala!' Uminom ito ng kape. Kung
umasta talaga ay tao ito eh!
Nangagailit na tiningnan niya ito. "Tatanongin ko lang kung may alam ka ba sa 'redux tortoise'"
Napanganga ito at lahat ng kape na nasa bibig niya ay nabuhos. Para itong tanga pero cute pa din tignan.
'Redux
Tortoise ika mo? Err...' Hindi makatingin ang puting uso sa kanyang
mata na para bang hindi niya alam kung anong sasabihin. 'Er... w-ay
teka, bakit mo naman naitanong mo iyan sa akin?'
"Dahil...er...pano
ko ba ito sasabihin? Ah, tama! May isa kasing babae na tumatawag sa
akin sa panaginip ko at sa panaginip ko ay parating nakikita ko ang
redux tortoise. Panay sabi sa akin ng babae na tulungan ko daw siya
at... kailangan daw bilisan ko hindi ko na alam ang sinabi niya sa
panaginip ko dahil ginising niyo ako kanina. Kung inaakala mo nagbibiro
ako pwes nagkakamali ka dahil pangalawang beses ko na siya nagparamdam
sa akin sa panaginip!"
Inilapag nito ang mug at tiningnan
siya nito ng seryoso. 'Ano naman kinalaman ng redux tortoise sakanya?
Sinabi ba niya na nandon siya?'
Umiling siya. "Hindi niya
sinabi pero alam ko na nandon siya at ah!" Bigla na lang niya naalala
noong una niya napanaginipan ang redux ay may nakita siyanh babae doon.
Baka siya iyon! "Tama! Naalala ko na! Nakita ko siya doon! Baka gusto
lang niya makaalis doon dahil hindi tumitigil sa paglalakad ang
higanteng pagong!"
'Mali ka.' Umiiling ito. 'Hindi
ordinaryo ang redux tortoise. Isa yung sinumpang pagong kung sino man na
pumunta sa kanyang kastilyo ay hindi na makakaalis. Kapag tumangka ka
na umalis sa kastilyo ay pababalikin ka lang mula umpisa hanggang sa
sumuko ka o mamatay. Baka isa sa mga taong hangal na pumunta doon. Payo
ko sa'yo huwag ka ng magtangka na hanapin iyon. At huwag ka na rin
magtanong sa ibang mga tao kung ayaw mo magalit ang mga warlock.'
"Pano mo nalaman iyan, farley?"
'Dahil ay...' naputol ang sasabihin niya ng may marinig kaming ingay sa labas ng cafeteria.
"Oh my god! Hindi ako makapaniwala na nandito sila! Bakit kaya?"
"Baka dahil sa nalalapit sa magic festival! It will only happen once in a 3 years!"
"Wah! This is my first time na makita ko sila! Ang cool!"
Tinignan niya kung ang mga tao na nagkumpulan sa labas ng cafeteria.
Tumayo
siya at iniwan muna sina farley at fameh sa mesa para tignan ko kung
sino yung pinagkakaguluhan. Sa dami ng mga tao ay nahirapan siyang
makita ang mga taong iyon.
"Teka! Patingin! Oi, carlita, pede ba palit tayo ng pwesto? Ang tangkad mo kaya."
Napapailing
lang ang babaeng pandemos. "Dahil kawawa ka naman taitan, hala, palit
tayo. Kawawa ka naman." Sarkastikong sabi ni carlita sa dalaga.
"Thank you!"
Nagpalit
nga sila ng pwesto kaya naman ay nasa harap na siya ngayon at malaya
makita ang mga tao na hinahangaan nilang lahat. May pitong tao na
nakasuot ng cloak. Bawat sakanila ay iba't iba ang kulay ng mga suot
nila para silang rainbow. Anim ang lalaki at isang babae. Pero yung
babae na nakasuot ng brown cloak ay familiar ito sakanya. Nakatitig
sakanyang mukha.
Ang ganda naman niya! Small face, perfect
nose and pinky lips na halatang hindi ito naglalagay ng lipstick pero
hindi iyon ang nakakuha ng attention niya kundo ang mata niya. White
eye. Parang nakita ko na iyon, parang kagaya ng mata ng matanda sa cave!
Lumingon ito sakanyang direksiyon at bahagyang tumango na para bang sinasabi na tama ang iniisip niya.
Nakasunod lang ang tingin niya sa pitong tao na papalayo na.
"Ang cool! Ahh... sana maging warlock din ako kagaya nila..."
"Warlock sila?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa mga babaeng na katabi niya.
"Hindi mo alam? Naku, saan ka ba planetang lalaki ka?" Tinaasan siya nito ng kilay.
"Babae
po ako! Sorry ha? Sorry ha?! Kasi alien kasi ang schoolmate niyo!"
Taray ni wistar sa babae. Simpleng t-shirt at shorts lang naman ang suot
niya! Bakit ba kahit ganito ang suot niya ay mapagkakamalan parin siya
ng lalaki?
Umalis na siya sa kumpulan at bumalik sa mesa.
Inubos ang natitirang sandwich at nagpaalam na kena farley at fameh
dahil babalik pa siya sa room niya.
********
Nakatanaw lang ang dalawang familiar spirit sa kanilang amo.
"Fameh,
hindi naman siguro tanga ang amo natin 'no para tulungan lang ang tao
na humihingi ng tulong sakanya sa panaginip, di ba?" Baling ng uso sa
pink na parang bola. Bumilog ang mata nito at kinakagat parin ang
mansanas.
"Pruuwan..."
"Sana hindi siya gagawa na makakasama sakanya... napakadelikado ng lugar na iyon para sakanya...dahil..."
"Farley! Fameh! Tapos na ba kayong kumain? Kung ganun ay mamasiya
Tayo sa labas ng academy!"
>>> CHAPTER 22 HERE
thank you po nagupdate ka din s wakas naman ^_^ ^_^
ReplyDeleteyour welcome :)
Delete